You are on page 1of 12

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

FIL LIT 111/ PANITIKAN NG PILIPINAS


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Modyul 7

KALALABASAN NG PAGKATUTO
Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Kaalaman
1. Maipaliwanag ang sanhi at bunga ng mga suliraning panlipunan sa pamamagitan ng mga makabuluhang
akdang pampanitikan.
2. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan at kapakipakinabang na sanggunian sa panunuring
pampanitikan.
3. Matukoy ang mga katangian ng mahusay na akdang pampanitikan na may kabuluhang panlipunan.
Kasanayan
1. Maibuod ang mahahalagang pangyayari at/o kaisipan sa akdang binasa.
2. Makasulat ng akademikong papel na nagsusuri sa kabuluhang panlipunan ng isang akdang pampanitikan.
3. Makasulat ng sariling akdang pampanitikan na tumatalakay sa isang suliraning panlipunan.
Halagahan
1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling panitikan.
2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pagsasagawa ng pananaliksik.
3. Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng panlipunan realidad at ng panitikan.
4. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang wika ng panitikang pambansa na nakaugat sa
realidad ng buhay at mga pangarap ng mga mamamayang Pilipino.

NILALAMAN

Kontemporaryong Panitikan ng Pilipinas

I. Ano ang tunay na Panitikan?

Ang tunay na panitikan ay yaong nagpapahayag ng damdamin, panaginip at karanasan ng sangkatauhang


nasusulat sa maganda, makahulugan at masining na mga pahayag. Ang tunay na kahulugan ng panitikan ay
nakikita sa mga katotohanang ito tungkol sa mga ideya, isipan, at damdamin ng tao gaya ng pag-ibig,
kalungkutan, kaligayahan, panibugho, galit, pagkahabag, pag alipusta, paghihiganti at mga iba pa.

Ang panitikan ay lakas na nakapagbabago sa pag-unlad ng lipunan at kabihasnan. Ang panitikan ay liwanag
na walang pagmamaliw. Mamamatay lamang ito kung wala ng wika sa daigdig at ang mga tao’y hindi na
nakapagpapahayag ng kanilang damdamin at isipan. Ang tunay na panitikan ay kalipunan ng mga diwa,
panaginip at damdamin ng tao na nasusulat sa maganda, madiwa at masining na pahayag.

Ang panitikan at kasaysayan ay magkaugnay. Ang panitikan ang nagbibigay ng inspirasyon at nagpapagalaw
ng damdamin ng tao samantalang ang kasaysayan ay siyang gumaganap o kumikilos upang tuparin ang
ipinahahayag ng panitikan.

Ang panitikan ay maaaring pasalita o pasulat. Kung ito ay pasalita ay nasasalin sa mga sumusunod na salin
ng lahi sa pamamagitan ng pagkukuwento ng mga matatanda.

Ang panitikang Pilipino ay may pambihirang kabuuan. Ito’y nagsimula sa mga pasalitang tradisyon, bago pa
masakop ng imperyo ng Madjapahit ang Pilipinas. Ang mga kalapit-bansa ng Pilipinas gaya ng Indonesya,
Malaysia, Indiya, Arabia at Cambodia’y nangag-ambag ng kani-kanilang panitikan sa Pilipinas gaya ng mga
epiko, alamat, kuwentong-bayan, awiting bayan, karunungang bayan at mga iba’t ibang uri ng dula.

Sa pagdating ng mga Kastila, ay kanilang pinalaganap ang mga tradisyong Europeong napapaloob sa
comedia, corrido, awit, cenakulo, pasion at zarzuela.

Ang panitikan ay nahahati sa dalawang pangkalahatang uri, ang tuluyan at patula. Ang tuluyan ay nasusulat
sa karaniwang takbo ng pahayag. Ang mga halimbawa nito’y nobela, maikling kuwento, talambuhay, dula,
talumpati, sanaysay, balita at ulat. Ang tula naman ay nahahati sa apat na uri, ang tulang paawit, tulang
pasalaysay, tulang padula at tulang patula.

FIL LIT 111/ PANITIKAN NG PILIPINAS


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan

May mga salik na mahahalaga na siyang nakapangyayari sa panitikan, ang mga ito’y ang sumusunod:

1. Ang Klima – Malaki ang nagagawa ng init o lamig, bagyo o unos, baha at ulan sa isipan at damdamin
ng tao.

2. Ang Hanapbuhay o Tungkulin ng mga Tao – Ang mga salita at pahayag sa panitikan ay kaugnay ng
hanapbuhay ng mga mamamayan.

3. Ang Pook o Kinatitirhan – Ang hiyograpiya ay malaki ang nagagawang impluwensiya sa isipan at
damdamin ng tao. Kung ang pook na kinatitirhan ng mga tao ay may magagandang tanawin, mabundok,
madagat, sagana sa kabukiran at mga halaman, ang mga ito ang siyang magiging laman ng panitikan
ng mga taong doo’y naninirahan.

4. Lipunan at Politika – Ang sistema ng pamahalaan, ang ideolohiya at ugaling panlipunan gayon din ang
kultura ng mga tao ay nasasalamin sa panitikan ng bansa.

5. Edukasyon at Pananampalataya – Ang saklaw at laman ng panitikan ay naaayon sa edukasyon at


pananampalataya ng mga mamamayan. Kung busog ang isipan, dala ng malawak na edukasyong
natutuhan, ang mga ito’y mababakas sa panitikan ng lahi. Gayon din naman ang pananampalataya, ito’y
laging pinapaksa ng mga kilalang makata at manunulat.

Ang Impluwensiya ng Panitikan

Ang panitikan ay may dalang mahahalagang impluwensiya sa buhay, kaisipan at ugali ng tao at ito’y may
dalawang kalagayan:

1.

1. Ito’y nagpapaliwanag sa kahulugan ng kalinangan at kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng


panitikan.

2. Dahil sa panitikan, ang mga tao sa sandaigdigan ay nagkakalapit ang mga damdamin at
kaisipan, nagkakaunawaan at nagkakatulungan.

Mga Layunin sa Pag-aaral ng Panitikang Pilipino

Bilang mga Pilipino ay tungkulin ng lahat na pag-aralan at pahalagahan ang kanilang panitikan. Ang mga
dahilan kung bakit nararapat nilang pag-aralan ito ay ang mga sumusunod:

Una: Upang matanto natin ang kalinangang Pilipino, ang henyo ng ating lahi at ang mga minanang yaman
ng kaisipan.

Ikalawa: Upang alaming tayo’y may marangal na tradisyong katulad ng mga ibang lahi.

Ikatlo: Upang matalos ang mga kapintasan at kakulangan ng ating panitikan at mapag-aralang ito’y iwaksi at
limutin.

Ikapat : Upang makilala ang ating mga kahusayan sa panitikan at ang mga ito’y lalong mapaningning at
mapayaman.

Ikalima: Sapagkat tayo’y mga Pilipino ay kailangang tayo’y magmalasakit at tumangkilik sa sariling atin.

FIL LIT 111/ PANITIKAN NG PILIPINAS


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Pangkalahatang Uri ng Panitikan

• Tuluyan – Ang panitikan ay nauuri sa dalawang anyo, ang tuluyan at ang patula. Ang mga akdang
tuluyan ay yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo ng mga pangungusap samantalang ang mga
akdang patula ay yaong ang mga pahayag na may sukat o bilang ng mga pantig, tugma, aliw-iw at
talinhaga. Ang buong tula ay nahahati sa mga taludturan. Ang bawat taludturan ay binubuo ng mga
taludtod o linya ng tula.

• Patula – Ang mga akdang patula ay may apat na uri, ang tulang pasalaysay, tulang paawit o liriko, tulang
patula at tulang padula.

1.

1. Ang tulang pasalaysay ay tulang nagsasalaysay ng buhay na nasusulat ng patula, may sukat,
tugma, at talinhaga. Ang tulang pasalaysay ay nauuri pa ayon sa paksa, pangyayari at tauhan.
Ang mga uri nito ay ang epiko, awit at korido.

2. Ang mga tulang liriko o paawit ay nahahati rin sa iba’t ibang uri. Ang mga ito’y ang mga
sumusunod:

• Kantahin – Ito’y may payak na mga salita at sukat at ang layunin nito’y para awitin.
Halimbawa – Bahay Kubo

• Ang Soneto – Ito’y isang tulang may labing-apat na taludtod at ang bawat taludturan
ay tigalawang taludtod.

• Ang Elehiya – Ito’y isang tulang nagpapahayag ng panimdim ng pagkalumbay dahil


sa isang minamahal na namatay.

• Ang Oda – Ito’y isang tula ng paghanga o pagpuri sa isang bagay. Ito’y nasusulat sa
masining na pahayag.

• Ang Tulang Padula – Ang tulang padula’y itinatanghal sa dulaan. Ang usapan ng mga
gumaganap ay patula.

Ang mga Akdang Tuluyan

A. Nobela o Kathambuhay – Ito’y isang salaysay na mahabang nahahati sa mga kabanata. Ang mga
pangyayari nito’y hango sa tunay na pangyayari sa buhay ng tao, sumasakop ng mahabang panahon at
ginagalawan ng maraming tauhan.

Halimbawa:

• “Banaag at Sikat” ni Lope K. Santos

• Madaling Araw ni Iñigo Ed Regalado

1. Mga Uri ng Nobela

• Nobela ng Pangyayari – Ang diin ng pagkakasulat ay nasa mga pangyayari sa nobela.

Halimbawa: “Laksang Tagumpay” ni Teofilo E. Sauco at “Pinaglahuan” ni Ramon Reyes Guzman

• Nobela ng Tauhan – Ang binibigyan ng diin sa nobelang ito’y ang katauhan ng pangunang tauhan, ang
mga hangarin at mga pangangailangan ng mga tauhan ang binibigyan ng pansin.

FIL LIT 111/ PANITIKAN NG PILIPINAS


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Halimbawa: “Nalantang Bulaklak” at “Nena at Neneng” ni Valeriano H. Peña

• Nobela ng Romansa – Ang nobelang ito’y tungkol sa pag-iibigan o romansa.

Halimbawa: “Naluoy na Paquita” ni Valeriano H. Peña at “Salawahang Pag-ibig” ni Lope K. Santos

• Nobela ng Pagbabago – Sa nobelang ito, ang binibigyan ng diin ay ang mga layunin ng may akda o ang
kanyang mga hinahangad na pagbabago sa lipunan at sa pamahalaan.

Halimbawa: “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo” ni Jose P. Rizal

• Nobela ng Kasaysayan – Ang nobelang ito’y nagsasalaysay ng mga pangyayaring kaugnay ng


kasaysayan ng bayan. Inilalarawan dito ang mga bayaning nag-ambag ng kanilang pagtatanggol at pag-
ibig sa bayan.

Halimbawa: “Paghihimagsik ng Masa” ni Teodoro Agoncillo at ang “Filipino Rebel” ni Maximo Kalaw

B. Maikling Kuwento – Ito’y isang maikling kathang pampanitikang nagsasalaysay ng pang-araw-araw na


buhay na may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at isang kakintalan.

1. Mga Uri ng Maikling Kuwento

• Kuwento ng Katutubong Kulay – Sa kuwentong ito, ang binibigyan ng diin ay ang kapaligiran ng
pinangyarihan, ang mga kaugalian at mga pananamit ng mga tauhan at ang uri ng pamumuhay at
hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.

Halimbawa: “Suyuan sa Tubigan” ni Macario Pineda at “Nagbibihis na ang Nayon” ni Brigido Batungbakal

• Kuwento ng Madulang Pangyayari – Dito sa kuwentong ito, ang binibigyan ng pansin at diin ay mga
mahahalaga, kasindak-sindak at mga pambihirang pangyayaring nakapagbabago sa mga tauhan.

Halimbawa: “Bahay na Bato”

• Kuwento ng Pakikipagsapalaran – Nasa balangkas ng pangyayari at wala sa tauhan ang kawilihan o


interes sa kuwentong ito.

Halimbawa: “Bakya” ni Hernando Ocampo at “Mabangis na Lungsod”’ ni Efren R. Abueg

• Kuwento ng Kababalaghan – Mga di kapaniwala-paniwalang mga pangyayari bukod pa sa mga


katatakutan ay ang diin ng kuwentong ito.

Halimbawa: “Paniningil ng Alila” ni Salvador Banas

• Kuwento ng Tauhan – Sa kuwentong ito ang interes at diin ay nasa pangunang tauhan.

Halimbawa: “Walong Taong Gulang” ni Genoveva Edroza Matute

• Kuwento ng Sikolohiko – Bihira ang sumusulat ng ganitong uri ng kuwento sapagkat may kahirapang
ilarawan ang pag-iisip ng isang tao. Ang kailangan ng kuwentong ito ay maipadama sa mga bumabasa
ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari.

Halimbawa: “Ang Pusa sa Aking Hapag” ni Jesus A. Arceo at “Dugo at Utak” ni Cornelio Reyes

• Kuwento ng Katatakutan – Ang diin ng kuwentong ito ay nasa mga nakasisindak ng mga pangyayari na
nakapagpapatinag ng damdamin at kilos ng mga bumabasa.

Halimbawa: “Gabi ng Lagim”

• Kuwento ng Katatawanan – Ang layunin ng kuwentong ito’y magpatawa at bigyan ng aliw ang mga
bumabasa.

FIL LIT 111/ PANITIKAN NG PILIPINAS


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Halimbawa: “Tubig sa Buslo” ni Mateo Cruz Cornelio

C. Dula – Ito ay isang uri ng tuluyang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Ito ay nahahati sa ilang
yugto at ang bawat yugto ay maraming tagpo. Karaniwa’y ang mga dula ay tatatluhing yugto. Ang tagpo naman
ay ang paglalabas masok sa tanghalan ng bawat tauhan.

Halimbawa:

• “Kahapon, Ngayon at Bukas” ni Aurelio Tolentino

1. Mga Uri ng Dula

• Komedya – dulang nagtatapos sa tagumpay ng pangunang tauhan. Masaya at kawili-wili sa mga


nanonood.

• Trahedya – dulang nagtatapos sa kamatayan ng pangunang tauhan. Ito’y kinapapalooban ng mga


mahihigpit na tunggalian. Ang mga tauhan ay mapupusok at may maaapoy na damdamin.

• Melodrama – ang dulang ito’y may mga malulungkot na pangyayari na halos ang mga pangunang
tauhan ay mabingit sa kamatayan ngunit sa bandang huli’y magtatagumpay din sila at magwawakas sa
kaligayahan.

• Parsa – may layunin ang dulang ito’y magpatawa at libangin ang mga nanonood. Ang mga sitwasyon
ay katawa –tawa maging ang mga kilos at pananalita ng mga tauhan.

• Saynete – ito’y isa ring dulang ang pinakalayunin ay magpatawa ngunit ang mga pangyayari ay
karaniwan lamang. Ang mga gumaganap ay tau-tauhan at nasa likod ng telon ang mga taong
nagsasalita.

D. Alamat – Ito ay isang uri ng tuluyang ang mga pangyayari ay likhang isip lamang at hindi totoo sa tunay
na buhay. Karaniwan na ang paksa’y nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, kalagayan, pook, at
katawagan.

Halimbawa:

• Alamat ng Lansones

• Alamat ng Bundok Makiling

E. Pabula – Ang pabula’y kuwento ng mga hayop at ng mga bata. Ito’y laging may aral na napupulot. Ang
mga pabula’y likhang isip lamang ng mga manunulat at walang katotohanan sa tunay na buhay. Ang layunin
nito’y gisingin ang isipan ng mga bata sa mga pangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali, kilos, at isipan.

Halimbawa:

• Ang Pagong at ang Unggoy

F. Sanaysay – Ang sanaysay ay pagpapahayag ng kurukuro o opinyon ng may akda tungkol sa isang
suliranin o pangyayari. Ito’y isang paglalahad at may dalawang uri.

• Pormal na Sanaysay – Ang paksa nito’y hindi karaniwan at kailangan ang matiyagang pag-aaral at
pananaliksik ng susulat.

• Impormal na Sanaysay – Ang mga paksa nito ay yaong mga karaniwan lamang at hindi na
nangangailangan ng lubusang pag-aaral upang makasulat ng ganitong uri ng sanaysay. Kadalasan ng
mga paksa’y hugot sa karanasan ng sumulat, dili kaya’y bunga ng kanyang obserbasyon o pananaw.

G. Talambuhay – Ang talambuhay ay kasaysayan ng buhay ng isang tao. Ito ay may dalawang uri.

FIL LIT 111/ PANITIKAN NG PILIPINAS


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

• Talambuhay na Pansarili – ang may-akda ang sumulat ng kanyang sariling buhay, ngunit sa kanyang
kamatayan ay iba na ang magtatapos.

Halimbawa – “Ang Mabuting Pakikipaglaban” (The Good Fight) ni Pang. Manuel L. Quezon

• Talambuhay na Paiba – ito’y kasaysayan ng buhay ng isang taong sinulat ng iba.

Halimbawa – “Itinadhana sa Kadakilaan” ni Anacleto I. Dizon

H. Balita – Ito’y isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, paaralan,
sa mga sakuna, sa industriya, sa agham at sa mga iba’t ibang paksa sa buong bansa at sa ibayong dagat man.

I. Talumpati – Ito’y isang akdang pampanitikang ang layunin ay bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Ang
mga layunin ng talumpati ay humikayat, magpaliwanag, magbigay ng impormasyon, mangatuwiran at magbigay
ng opinyon o paniniwala. Ang talumpati ay binubuo ng sumusunod na bahagi:

• Panimula – Ang panimula ay nagpapaliwanag sa okasyon at dahilan ng pagtatalumpati gayon din ang
paghati sa mga nakikinig. Kasama na rin sa panimula ang pagpapaliwanag sa paksa ng talumpati.

• Paglalahad – Ito ang katawan ng talumpati. Dito sa bahaging ito tinatalakay ng nagsasalita ang kanyang
paksa.

• Paninindigan – Sa bahaging ito nagbibigay ang nagsasalita ng mga katunayan ng kanyang mga sinabi.
Hinihikayat niya ang mga nakikinig na umayon sa kanyang paniniwala, kailangang ang kanyang mga
pahayag ay malinaw, makatuwiran, makatotohanan at makabuluhan.

• Pamimitawan – Ang bahaging ito’y nagbibigay ng konklusyon sa talumpati. Iiwanan ng nagsasalita ng


magaling na impresyon o kakintalan ang mga nakikinig. Bibigyan niya ng buod ang kanyang mga sinabi
upang huwag makalimutan ng mga nakikinig.

KONTEMPORARYONG PANITIKAN

Ang panahon ng Kontemporaryong Panitikan ay nagsimula sa taong 1996 at nagpapatuloy pa rin


hanggang kasalukuyan.

Nagpatuloy sa pagyabong ang panitikang Pilipino gamit ang iba' ibang wika lalo na nang matapos ang
Martial Law kung kailan marami-raming babasahin ang isinilang. Ang mga manunulat na Pilipino ay patuloy na
kumatha ng mga tula, maiikling kwento, nobela at sanaysay na pumapaksa sa lipunan, sa kasarian o di kaya
naman ay bunga ng mga personal na intensyon o pagnanais na magbahagi ng karanasan sa mambabasa.

Para sa mga mamamayang Pilipino, ito pal a m a n g a n g t u n a y n a b a g o n g R e p u b l i k a "ang


tunay na bagong republikang pilipinas”

Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa mga pahayagan, magazine at mga aklat
, hindi lang sa anyo ng mga pelikula, palabas pantelebisyon o kaya’y programang panradyo; kundi sa
pamamagitan din ng teknolohiya at internet

Nariyan ang Don Carlos Palanca Awards for Literature, Philippine Free Press, Philippine Graphic, at
Home life and Literary Panorama Award. Hindi maitatanggi ang pagsisilbing inspirasyon ng mga parangal na ito
sa kapwa baguhan at beteranong manunulat upang sila ay lumikha ng mga akdang maaaring ipagmalaki ng
buong sambayanang Pilipino.

Ang pagkakaroon ng kontemporaryong panitikan ay nagbibigay rin ng pag-asa sa mga Pilipino na


magkaroon ng sariling puwesto ang ating panitikan sa pandaigdigang literatura.

Mga anyo ng kontemporaryong panitikan:

Pahayagan(tabloid)

FIL LIT 111/ PANITIKAN NG PILIPINAS


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Komiks

Magasin

Kontemporaryong Dagli

Pahayagan(tabloid):

Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng print media ang kailanma’y hindi namamatay at bahagi na ng
ating kultura.

Ayon kay William Rodriguez ,”sinabing pang-masa dahil isinulat sa Tagalog bagama’t ang iba rito ay
Ingles ang midyum.”

Buhay na buahy pa rin ang industriya ng diyaryo sa atin bansa dahil sa abot kaya lang ang presyo]
subalit, sa tabloid masyadong binibigyang diin ang tungkol sa

karahasan kaya’t tinagurian ito sensationalized journalism.

Halimbawa na dito ang mga:

o Bulgar -PM at iba pa

o Abante

o Balita

Komiks

❖ Isang makulay at popular na babasahin na nagbibigay-aliw sa mambabasa,

nagtuturo ng iba’t ibang kaalaman at nagsusulong ng kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo
ng mga manunulat at napakalawak ng imahinasyon.

❖ Pagkatapos ng Martial law, muling namuhunan ang industriya ng komiks at tumagal hanggan 1990.

❖ Sinasabing si Jose Rizal ang kaununahang Pilipino na gumawa ng komiks. Taong 1884 inilathala sa
magasing “Trubner’s Record” sa Europa ang komiks strip niya na “Pagong at Matsing”, halaw mula
sa isang popular na pabula ng Asya.

Halimbawa:

1. Halakhak komiks(1946) – Isaac Tolentino at Jaime Lucas (Nobyembre 15,1946)

2. Pilipino komiks(1947)- Hunyo 14, 1947 ni Don Ramon Roces

3. Tagalog komiks(1949)- Hulyo 16, 1949 “Mga Kuwento ni Lola Basyang: Maryang Makiling” by Severino
Reyes and Maning de Leon.

4. Silangan komiks(1950)- Nestor Redondo, Alfredo Alcala, Nolasco "Noly" Panaligan, Elpidio Torres, and
Antonio de Zuniga

Mga dibuhista ng komiks:

1.Alfredo Alcala 4.Pablo S. Gomez 7.Carlo J. Caparas

2.Mar Amongo 5.Elena Patron 8. Mars Ravelo

FIL LIT 111/ PANITIKAN NG PILIPINAS


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

3.Alex Nino 6.Nerissa Cabral

Mga banyag na komiks:

❖ Mars Ravelo- siya ang gumawa ng mga banyag na komiks halimbawa na lang ng lastikman, Darna,
Captain Barbell, Dyesebel at marami pang ibang komiks.

o At ang pinakasikat na gawa niya ay ang “Pugad Baboy”

o Kilala siya bilang “ama ng komiks sa Pilipinas”

❖ Pagkatapos ng Martial Law, muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sumikat sina Pablo S.
Gomez, Elena Patron at Nerissa Cabral. Ang interes sa komiks ay tumagal lamang hanggang 1990.
Nahumaling kasi ang mga tao sa iba’t ibang anyo ng paglilibang.

Magasin:

❖ Hindi nawawala ang Liwayway kung paguusapan ang magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng ng mga
maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Naging paraan ito para mapalago ang kaalaman ng
mga Pilipino.

❖ Bago pa man ang digmaang Pasipiko, ang araw ng pagrarasyon ng magazine na ito ay talaga naman
inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan rin ng kanilang pagtitipon upang
mabasa lamang lalo na ang mga nobela.

Nangungunang magasin sa Bansa:

1. FHM(For Him Magazine)- tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging
instrument upang mapagusapan ng kalalakihan ang maaraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig at iba pa.

2. COSMOPOLITAN- magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo ditto ay nagsisilbing gabay upang
maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.

3. GOOD HOUSEKEEPING- isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong nakasulat ditto
ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad atmaging mabuting maybahay.

4. YES!- ang magasin ay tungkol sa balitang showbiz. Nilalaman nito ay palaging bago, puno nb nakaw-
atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artisita sa bansa.

5. CANDY- binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suiranin ng kabataan. Ito ay gawa ng mga batang
manunulat na mas nakakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa.

6. MEN’S HEALTH- magasin na nakatutulong sa kalalakihan tung kol sa kalusugan.

7. T3- isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinapakita rito ang mga pinakahuling pagbabago sa
teknolohiya at kagamitan nito.

8. Metro- magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hingil sa kagandahan ang
nilalaman ng Metro.

9. ENTERPRENEUR- magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.

Kontemporaryong Dagli:

FIL LIT 111/ PANITIKAN NG PILIPINAS


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na sumulpot ang dagli noong 1902;
kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy
hanggang 1930.

Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Naging
tampok ang mga ito sa mga pahayagang Espanyol at tinawag na Instantaneas.

Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling kuwento. Bagamat walang
katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga
Amerikano.

Kilalang manunulat ng Dagli:

1. Inigo Ed. Regalado 4. Francisco Laksamana

2. Jose Corazin De Jesus 5. Lope K. Santos

3. Rosauro Almario (Ric. A. Clarin) 6. Patricio Mariano

Panahon din ito aniya, “na-tranform na ang dagli, hindi na ito tinatawag na dagli at nagkaroon na ng ibang
lehitimong pangalan at katawagan- anekdota.

ANG DAGLI SA KASALUKUYAN

Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash friction o sudden fiction sa ingles and dagli

Ayon kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang nagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900’s) bago pa man
magkaroon ng katawagang flash fiction na umusbong noong 1990.

Halimbawa:

1. Mga Kuwentong Paspasan (2007) - Vicente Garcia Groyon

2. Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga Kuwentong Pasaway, Paaway, at Pamatay) (2011) -Eros Atalia

3. Ang Autobiografia ng Ibang Lady Gaga (2012)– Jack Alvarez

FIL LIT 111/ PANITIKAN NG PILIPINAS


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

GAWAIN SA PAGKATUTO
1. Gumawa ng powerpoint presentation na sasagot sa mga katanungang nasa baba. Ang nilalaman ng
presentasyon ay mga larawan na simbolo ng bawat katanungan. Lagyan din ng maikling deskripsyon
sa iba ang bawat larawan. Ang ibang paliwanag ay maaaring sabihin at ipaliwanag sa aktwal na online
presenrasyon na tatagal ng 7 minuto lamang bawat iGawing gabay ang lektura noong nakaraan sa
pagsagot at paggwa ng presentasyon.
2. Pormat ng pinal na pangangailangan sa kurso: Powerpoint Presentation sa paraang (photo story)
1. Tanong ( ang kopya ay nasa bilang 3)
2. sagot: Larawan (maaaring isa o higit pa bilang simbolo
ng kasagutan. Maaaring kumuha ng larawan sa internet o
sariling pagmamay-ari)
3. Maikling Paliwanag o deskripsyon ( Tiyaking totoo at
orihinal ang dahlan at paliwanag)
3. Mga katanungan
a. Bakit mahalagang pag-ukulan ng panahon ang pag-aaral ng panitikan ng Pilipinas?
b. Sa lahat ng mga depinisyon ng panitikan, ano ang pinakatumatak sa iyo?
c. Anong napanood mong pelikula ang pinakapaborito mo? Bakit?
d. Magbigay ng pamagat ng isang akda ay di mo malilimutan? Bakit?
e. Anong halimbawa ng kontemporaryong panitikan sa Pilipinas ang sa palagay mo’y malaking ambag
sa pag-unlad ng panitikan sa kasalukuyan? Bakit?
f. Anong uri kasanayan ang lalong luminang sa iyo bilang isang mag-aaral sa pag-aaral ng panitikan?
g. Magbigay ng isang imahen bilang simbolo ng iyong karanasan o impluwensya sa pagkuha ng kursong
Panitikan ng Pilipinas.

PAGTATASA
Paglinang sa Pagkamalikhain
1. Ihanda ang sarili sa presentasyon ng iyong gawa sa susunod na pagkikita. Maaaring gawan ng
powerpoint presentation ipasa ang awtput sa classroom na magiging pinal na pangangailangan ng
kurso. Gawan ng paraan na makapag-online sa presentasyon nang masakasihan ang gawa ng iba
bilang gabay sa gawain.

Isang mapagpalang pagharap para sa susunod na hakbang ng pagkatuto!

MGA SANGGUNIAN

Evasco, Eugene Y. at Ortiz, Will P. 2016. Palihan Hikayat sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat Ikalawang Edisyon.
C&E Publishing, Inc., Quezon City. Panulaang Filipino. 2014.
https://www.slideshare.net/kyciebebabastar/panulaang-filipino Macaraig, Milagros B. 1997. Sulyap sa Panulaang
Filipino, Isang Pagpapahalaga (Pansekundarya at Tersyarya). Rex Book Store. Manila.

Rubriks

Kopya ng Presentasyon- 50%


Paraan ng Presentasyon- 50%
100%

FIL LIT 111/ PANITIKAN NG PILIPINAS


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Total 100%

FIL LIT 111/ PANITIKAN NG PILIPINAS

You might also like