You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

President Ramon Magsaysay State University


(Formerly Ramon Magsaysay Technological University)
Iba, Zambales, Philippines
Tel/Fax No.: (047) 811-1683
KOLEHIYO NG KOMUNIKASYON AT IMPORMASYONG PANTEKNOLOHIYA

Pagtalakay sa Kurso
Pamagat ng Kurso: SOSYEDAD AT LITERATURA/PANITIKANG
PANLIPUNAN (SOSLIT)

Bilang ng Yunit: 3 yunit

Deskripsyon ng Kurso: Ang SOSLIT ay isang kurso sa pag-


aaral at paglikha ng panitikang Filipino na nakatuon sa
kabuluhang panlipunan ng mga tekstong literari sa iba’t
ibang bahagi ng kasaysayan ng bansang Pilipinas. Sinasaklaw
nito ang mga isyung panlipunan na tinalakay ng mga akdang
Filipino tulad ng kahirapan, malawak na agwat ng mayayaman
at mahirap, reporma sa lupa, globalisasyon, pagsasamantala
sa mga manggagawa, karapatang pantao, isyung pangkasarian,
sitwasyon ng mga pangkat minorya at/o marhinalisado, at iba
pa.

PANGKALAHATANG LAYUNIN:

Kaalaman

1. Maipaliwanag ang sanhi at bunga ng mga


suliraning panlipunan sa pamamagitan ng mga
makabuluhang akdang pampanitikan.

2. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan


at kapaki-pakinabang na sanggunian sa panunuring
pampanitikan.

3. Matukoy ang mga katangian ng mahusay na akdang


pampanitikan na may kabuluhang panlipunan.

Kasanayan

1. Maibuod ang mahahalagang pangyayari at/o


kaisipan sa akdang binasa.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 1


2. Makasulat ng akademikong papel na nagsusuri sa
kabuluhang panlipunan ng isang akdang
pampanitikan.

3. Makasulat ng sariling akdang pampanitikan na


tumatalakay sa isang suliraning panlipunan.

Halagahan

1. Mapalalim ang pagpapahalaga sa sariling


panitikan.

2. Maisaalang-alang ang kultura at iba pang


aspektong panlipunan sa pagsasagawa ng
pananaliksik.

3. Mapahalagahan ang dinamikong ugnayan ng


panlipunan realidad at ng panitikan.

4. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino


bilang wika ng panitikang pambansa na nakaugat
sa realidad ng buhay at mga pangarap ng mga
mamamayang Pilipino.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 2


Aralin 1: Batayang Kaalaman sa Panitikan

MGA LAYUNIN:

1. Nalalaman ang kahulugan ng Panitikan.


2. Naiuugnay ang katuturan ng Panikan sa buhay.
3. Nakagagawa ng metapora tungkol sa Panitikan.
4. Napahahalagahan ang panitikan sa iba’t ibang larangan.
5. Naibabahagi ang tungkulin ng Panitikan sa kurikulum
ng Filipino.
6. Nakasusulat ng pansariling talambuhay.

PANITIKAN

Ang salitang tagalog na “panitikan” ay nagmula sa


unlaping PANG- na sinusundan ng salitang ugat na TITIK at
hulaping –AN. Dahil sa pagbabagong morpoponemiko na
asimilasyong parsyal na kapag ang pang ay sinusundan ng
salitang –ugat na nagsisimula sa t, d, l, r, s, t ang PANG-
ay nagiging PAN, kaya ito ay nagiging PANGTITIKAN at dahil
sa asimilasyong ganap ito ay naging Panitikan sapagkat
kinaltas ang unang titik ng salitang ugat.

KATUTURAN NG PANITIKAN

1. Ang panitikan ay isang ilaw na walang kamatayang


tumatanglaw sa kabihasnan ng tao.

2. Ang panitikan ang kasaysayan ng kaluluwa ng mga


mamamayan.

3. Ang panitikan ang nagbunbunsod sa pagkilos ng mga


mamamayan sa kanilang pagkamakabayan o nasyonalismo.

4. Ayon kay Hon. Azarias, ang panitikan ay pagpapahayag


ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa
daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at pamahalaan, at
sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang lumikha.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 3


5. Ayon naman kay W.J. Wong, ang panitikan ay mga
nasusulat na tala ng pinakamabuting kaisipan at
damdamin ng tao.

6. Ang panitikan ay yaong tungkol sa mga ideya, isipan


at damdamin ng tao gaya ng pag-ibig, kalungkutan,
kaligayahan, panibugho, galit pagkahabag, pag-
alipusta, paghihiganti at iba pa.

7. Ayon kay Arrogante, talaan ng buhay ang panitikan


sapagkat ditto masisiwalat ng tao sa malikhaing paraan
ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang
daigdig, ang daigdig na kanyang kinabibilangan at
pinapangarap.

8. Ayon naman kay Salazar, ang panitikan ay siyang lakas


na nagpapakilos sa alinmang uri ng lipunan.

9. Ayon naman kay Webster, ang panitikan ay katipunan ng


mga akdang nasusulat na makikilala sa pamamagitan ng
malikhaing pagpapahayag, estetikong anyo,
pandaigdigang kaispan at kawalang-maliw.

ANO ANG TUNAY NA PANITIKAN?

Ang tunay na panitikan ay yaong nagpapahayag ng


damdamin, panaginip at karanasan ng sangkatauhang nasusulat
sa maganda, makahulugan at masining na pahayag.

KAHALAGAHAN NG PANITIKAN

1. SALAMIN – Ang panitikan ay salamin ng ating makulay


na kultura, tradisyon, pamumuhay at paniniwala bilang
Pilipino na may sarili ng kabihasnan bago pa man tayo
sakupin ng mga dayuhan. Nakikita natin sa panitikan
ang sariling kasaysayan, pakatao, at lipunan.

2. TULAY – nagsisilbing tulay ang ating panitikan sa


ating kasaysayan sapagkat ang dalawang ito ay
magkapatid. May layuning mapreserba ng panitikan ang
ating kasaysayan.
3. PUNO – Ang pagkakaroon natin ng sariling
pagkakakilanlan ay tila puno na nagkakaroon ng ugat
sa huli ay mamumunga.

4. BUHAY – Ang panitikan ay buhay para sa mga manunulat


at mambabasa. Kinapapalooban ng gawaing pagsulat at
pagbasa ng panitikan.

5. PASAPORTE – Dahil sa mga naisusulat na panitikan,


hindi na natin kinakailangan pang gumastos ng Malaki

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 4


kung nais nating mapuntahan ang lahat ng lugar sa
buong mundo sa pamamagitan ng pagbabasa.

MGA URI NG PANITIKAN

1. Pasalita – Uri ng panitikang gamitin sa panahon ng


ating mga ninuno. Nagpapasalin-salin ang panitikan ng
ating mga ninuno sa pamamagitan ng pagkukwento ng mga
ito sa bawat henerasyon.

2. Pasulat – Uri ng panitikang naisasalin ang panitikan


sa pamamagitan ng pagsusulat o pagpapalimbag ng mga
ito.

3. Pasalintroniko – Uri ng panitikang gamitin sa


kasalukuyang panahon na kung saan laganap ang pag-
unlad ng teknolohiya. Naisasalin ang panitikan sa
pamamagitan ng pagpapalathala sa iba’t ibang sites sa
internet.

IBA’T IBANG ANYO NG PANITIKAN


Tuluyan o Prosa
Maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng
pangungusap. Ito ay nasusulat sa karaniwang takbo ng
pangungusap o pagpapahayag.

Nobela

Isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't


ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-
1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang
lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing
literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may istilong
artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na
istilo.

1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan.

2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o


pangyayaring nakalipas na.

3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas


ng mga pangyayari ang ikawiwili ng mga mambabasa.

4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at


pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang ikinawiwili ng
mga mambabasa.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 5


5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga
sa buhay ng tao.

6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang


katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin,
kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan.

7. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na


nakakapagpabago ng ating buhay o Sistema.

Elemento ng nobela

1. Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan.

2. Tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela.

3. Banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa


nobela.

4. Tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela.

5. Damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari.

6. Pamamaraan - istilo ng manunulat.

7. Pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela.

8. Simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan


sa tao, bagay at pangyayari.

Maikling Kwento

Binaybay ding maikling kuwento - ay isang maigsing


salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring
kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang
kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo
ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong
paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento
lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay
ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing
na "Ama ng Maikling Kuwento" sa buong mundo at si Deogracias
del Rosario naman sa Pilipinas.

1. kwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring


pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang
mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang
mambabasa.

2. kwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang


kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 6


ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing
pook.

3. kwentong bayan nilalahad ang mga kwentong pinag-


uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.

4. kwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga


salaysaying hindi kapanipaniwala.

5. kwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-


sindak.

6. kwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang


kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na
nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.

7. kwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang


damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at
kalagayan. Ito ang uri ng maikling kwentong bihirang
isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng
kaisipan.

8. kwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng


pangyayari ang interes ng kwento.

9. kwento ng katatawanan Nagbibigay-aliw at nagpapasaya


naman sa mambabasa ang

Kwentong bayan

Ang kuwentong-bayan (Filipino: folklor) ay mga salaysay


hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan
sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang
marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae.
Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na
pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Ilan sa mga ito ay
ang mga sumusunod:
1. Alamat - isang uri ng panitikan na nagkukuwento
tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa
daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga
pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at
mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang
alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.

2. Mito – akdang pampanitikan na ang mga tauhan ay mga


Diyos at Diyosa.

3. Pabula - isang uri ng kathang-isip na panitikan kung


saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-buhay ang
gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga,

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 7


pagong at matsing, at lobo at kambing. May natatanging
kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat
nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang
mambabasa.

4. Anekdota - isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay


sa kakaiba o kakatwang pangyayaring naganap sa buhay
ng isang kilala, sikat o tanyag na tao.

5. Parabula - maikling salaysay na maaaring nasa anyong


patula o prosa na malimit nangangaral o nagpapayo
hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral.

6. Talambuhay - isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng


kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay
na tala, pangyayari, o impormasyon.

• Talambuhay na Pang-iba – isang paglalahad ng


mga kaganapan sa buhay ng isang tao na sinulat
ng ibang tao.
• Talambuhay na Pansarili – isang paglalahad
tungkol sa buhay ng isang tao na siya mismo
ang may-akda

7. Balita – mga pangyayaring nagaganap sa pang-araw-


araw na pamumuhay.
8. Sanaysay - isang maiksing komposisyon na kalimitang
naglalaman ng personal na kuru-kuro ng may-akda.

o Pormal o maanyo- ay sanysay na tinatawag din na


impersonal kung ito’y maimpormasyon. Naghatid
ng maghahalagang kasipan o kaalaman sa
pamamagitan ng makaagham at lohikal na
pagsasaayos ng mga materyales tungo sa
ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay.
Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat
basahin. Pampanitikan kasi kaya makahulugan,
matalinghaga, at matayutay.

o Impormal o Pamilyar/Palagayan- ay sanaysay na


mapang-aliw
9. Dula - isang uri ng panitikang nahahati ito sa ilang
yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin nitong
itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o
entablado.

o Komedya- isang dulang pantanghal (karaniwang


binubuo ng oktosilabiko o dodekasilabikong

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 8


quatrain), na gumagamit ng nakaugaliang marcha
para sa pagpasok at pag-alis sa entablado,
batalla o labanan na may koreograpiya, at magic
o mahiwagang epecto ng palabras. Ito ay
kadalasang itinatanghal ng dalawa hanggang
tatlong araw upang ipagdiwang ang piyesta ng
patron.

o Trahedya- kabaliktaran ito ng komedya ang


trahedya sapagkat ang dulang ito ay nauuwi sa
pagkatalo o pagkamatay ng bida o pangunahing
tauhan.

o Melodrama- ang dula ay nagwawakas na kasiya-


siya sa mabuting tauhan bagama’t ang uring ito
ay may malungkkot na sangkap kung minsan ay
labis ang pananalita at damdamin sa uring ito
at nagtatapos sa kamatayan ng mga bida.
Ginagamit ang melodrama sa mga musical na dula.
Dito, malongkot sa simula ngunit nagiging
masaya ang pagwawakas.

o Saynete- ito ay ang dulang tungkol sa lugar kung


saan nagsisimula ang kuwento ng pangunahing
tauhan at sap ag-uugali ng tao tulad ng pagiging
mabait, masayahin t maalalahanin.

o Parsa- ang parsa ay mga magkakabit-kabit o


magkakadugtong-dugtong ng mga pangyayari ng
isang dulang nakakatawa.

Patula (lyric poetry)

Pagbubuo ng pangungusap sa pamamagitan ng salitang


binibilang na pantig sa taludtod na pinagtugma-tugma, at
nagpapahayag din ng mga salitang binibilang ang mga pantig
at pagtutugma-tugma ng mga dulo ng mga taludtod sa isang
saknong.

Tulang liriko

Tulad ng isang soneto o ng isang oda, na ipinapahayag


ang mga saloobin at damdamin ng makata. Ang Tulang liriko
na uri ng mga tula ay hindi nagpapahayag sa isang kuwento
na naglalarawan sa karakter at aksyon. Ang makata ay
direktang sinasabi sa mambabasa, ang kanyangsariling
damdamin, iniisip, at persepsyon.

1. Kantahin – mga tulang nilalapatan ng himig.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 9


2. Soneto - Isang tula na karaniwang may 14 linya.
Hinggil sa damdamin at kaisipan, maymalinaw na
kabatiran sa likas na pagkatao.

3. Elehiya - Ito ay tulang may kinalaman sa guniguni


tungkol sa kamatayan.

4. Oda - Ang oda ay karaniwang isang liriko o tula na


nakasulat bilang papuri o dedikado saisang tao o isang
bagay na kinukuha interes ang makata o nagsisilbing
isang inspirasyon para sa oda.

5. Dalit - isang uri ng tula, karaniwang pang relihiyon,


partikular na nakasulat para salayunin ng papuri,
pagsamba o panalangin, at karaniwan ay ipadala sa
isang Diyos o saisang kilalang pigura o maliwanag na
halimbawa. at may kahalong pilosopiya sa buhay.

Tulang Pasalaysay (Narrative Poetry)

Isang tula na may balangkas. Ang tula aymaaaring


maikli o mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan sa
maaaring magingsimple o kumplikadong pangyayari.

1. Awit-Ang Awit ay sa bawat taludtod, may labing


dalawang pantig, na itinutula/ binigbigkas nang
pasalaysay ngunit may himig na may bagal o tinatawag
na adante, at mayroong makatotohanan at malapit sa
katotohanang kuwento at mga tauhan and kanilang
pakikipagsapalaran. Ang Sikat na hilambawa ng isang
Awit ay ang Florante at Laura.

2. Korido-Ang Korido naman ay nagmula sa impluwensiyang


Kastila, may walong pantig kada linya at apat na linya
naman sa isang saknong. 'Di tulag ng Awit, ang Korido
ay binibigkas naman nang may kabilisan na sinusundan
ang pattern ng march/martsa. Ang kilalang halimbawa
naman ng isang Korido ay ang Ibong Adarna.

3. Epiko - Isang mahaba kuwento/tula, kalimitan tungkol


sa isang seryosong paksa nanaglalaman ng mga detalye
ng kabayanihan gawa at mga kaganapan ng makabuluhang
saisang kultura o bansa.

Tulang patnigan
Ang tulang patnigan ay isang uri ng pagtatalong patula
na ginagamitan ng pangagatwiran at matalas napag-iisip.
Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Karagatan - Ito ay isang laro sa tula o isang


paligsahan sa pagtula na kabilang satinatawag na

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 10


libangang itinatanghal´ na ang taglay na pamagat ay
nanggaling sa isangalamat ng singsing ng isang dalaga
na nahulog sa dagat.

2. Duplo - Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan


sa husay sa pagbigkas at pangangatwiran nang patula.

3. Balagtasan - Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng


tula, bilang pngangatwiran sa isang paksang
pagtatalunan. Itoy sa karangalan ni Francisco
‘Balagtas´ Baltazar.

Tulang Pantanghalan o Padula

Karaniwang itinatanghal sa teatro. Ito ay patulang


binibigkas na kung minsan ay sinasabayan ng ritmo o
melodiya ng isang awitin. Naglalarawan ito ng mga tagpong
lubhang madula.

PANITIKAN BAGO DUMATING ANG KASTILA


Bago pa man dumating ang mga kastila sa Pilipinas ay
mayroon ng itinuturing na panitikan ang ating mga ninuno.
Karaniwan sa mga ito ay nagpasalinsalin sa mga dila ng
ating mga ninuno. May mga panitikan ding nasusulat sa mga
bato, piraso ng kawayan, matitibay na kahoy. Ngunit iilan
na lamang ang mga natagpuan ng mga arkiyologo sapagkat
batay sa kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga
prayle nang dumating sa bansa sa paniniwalang ang mga ito
ay gawa ng demonyo.

Wika – Ang mga unang Pilipino ay may iba’t ibang wika


at dayalekto. Sa lahat ng mga katutubong wika, ang tagalog
ay itinuturing na pinakamayamang wika.

Alpabeto – may labimpitong titik ito, tatlo ang


patinig at labing-apat ang katinig. Ang paraan ng pagsulat
ay dalawa: itaas-pababa at kaliwa-pakanan. Ito ay tinatawag
na alibata o baybayin sa panahon ngayon.

Edukasyon – Pinagkakalooban ng edukasyong akademiko


at bokasyonal ang mga batang Pilipino noong unang panahon.
Sinasanay ng ama ang kanilang mga anak na lalaki na maging
mandirigma, mangangaso, mangingisda, minero, magtotroso,
at manggagawa ng barko. Sinasanay ng ina ang anak na babae
sa pagluluto, paghahalaman, pananahi at iba pang sining
pantahanan.

Pamahalaan – Barangay ang sinaunang anyo ng pamahalaan


na pinamumunuan ng Datu. Ang Dato ang nagsisilbing punong
tagapagpaganap, tagapagbatas, at tagahukom ng barangay.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 11


Dapat sya ang pinakamataas, pinakamayaman at pinakamatalino
sa barangay.

Pananampalataya – Ang mga unang Pilipino ay Pagano.


Sinasamba nila ang mga ispiritu ng mga ninuno na tinatawag
na anito. Sinasamba rin nila ang kalikasan – ang mga ilog,
bundok, matandang puno, buwaya at mga bukid.

Hanapbuhay – Ang pagsasaka ang pangunahing


ikinabubuhay ng mga sinaunang Pilipino. Ang iba pang
hanapbuhay ay pangingisda, pangangaso, pagmimina,
pagtotroso, paghahabi, paggawa ng mga kagamitan at sandata,
paggawa ng alak, pag-aalaga ng hayop at iba pa.

Panitikan – May panitikang pasulat at pasalita ang


ating mga ninuno. Ang mga ito ay tulang-bayan, awiting-
bayan, salawikain, bugtong, kwentong-bayan, bulong, epiko,
ritwal at sayaw.

MGA TULANG-BAYAN

Patula ang karaniwang paraan ng pagsasalita ng ating


mga ninuno. Naipapahayag dito ang kanilang mga katutubong
kaugalian, tradisyon at Gawain, kalinisang-budhi,
pamumuhay, paniniwala, kaisipan at patakarang makulay na
umiiral. Tulad ng mga sumusunod:
“Pung, pung, kasili
Ipinanganak sa Pung, pung pungapong
kabibe Nakita ko sa kugon
Ano ang anak? Na pagulong-gulong
Babae
Malimit na pinaparinig ng isa o nag-aalaga ng sanggol
ang mga sumusunod:
Buwan, buwan….
Hulugan mo ako ng sundang
Aanhinang sundang?
Ipangkakayas ng uway
Aanhin ang uway?
Ipananali ko sa bahay
Aanhin ang bahay?
Paglalagyan ko ng palay
Aanhin ang palay?
Kakanin sa araw-araw

Sa paglalaro: Makikipagkagalit:
Bata, bata Putak, putak Tiririt ng maya,
Pantay-lupa Batang duwag! Tiririt ng ibon,
Asawa ng Matapang ka’t nasa Ibig mag-asawa’y
palaka pugad! Walang ipalamon

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 12


MGA AWITING-BAYAN - Ang tula ng ating mga ninuno ay inaawit
na may kasamang sayaw. Sa lahat ng pagkakataon, ay may
kaakibat na awitin. Tulad ng mga sumusunod:

1. Uyayi o hele – awit sa pagpapatulog ng bata


2. Tikam o tagumpay – awit sa pakikidigma
3. Soliranin – o awit sa pamamangka
4. Kundiman, kumintang, balitaw – awit sa pag-ibig
5. Hiliraw, pamambat – awit sa pag-iinuman
6. Diwang – awiting panrelihiyon
7. Kutang-kutang – awiting panlansangan
8. Ihiman – awit pangkasal
9. Tingud – awit pantahanan
10. Umbay – awit sa libing

KAHALAGAHAN NG AWITING-BAYAN

1. Nagpapahayag ng tunay na kalinangang Pilipino.

2. Nagpapakilala ng diwang-makata na katutubo sa ating


lupain, At

3. Ito’y mga matulaing damdaming galing sa puso at


kaluluwa ng bayan.

SALAWIKAIN - Ang salawikain ay mga butil ng karunungang


kinapapalamnan ng mabubuting payo at hango sa tunay na
buhay. Inihahanay ito ng patula at ito’y nagpapasalin-salin
sa bibig ng ating mga ninuno. Nagiging gabay ito ng
matatanda at bata sa pakikisalamuha sa matuwid na landas
ng buhay.

BUGTONG - Mga parirala o pangungusap na inihahanay ng


patula at naglalarawan ng talinghaga. Sinasabi rin itong
pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan at nangangailangan
ng kasagutan.

KWENTONG-BAYAN - Naglalarawan ng mga kaugalian,


pananampalataya, at mga suliraning panlipunan ng ating mga
ninuno. Palasak ang mga alamat at malimit na nagpasalin-
salin sa bibig ng mga tao.

BULONG - Ginagamit sa pangkulam o pang-engkanto ang bulong.

EPIKO - Ito ay isang tulang pasalaysay na nagsasaad ng


kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng
katanginang nakahihigit sa karaniwang tao. Ang paksa ng mga
epiko ay mga kabayanihan ng pangunahing tauhan sa kanyang
paglalakbay at pakikidigma.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 13


• Ilokano
✓ Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lam-ang) - na isinulat
ni Pedro Bukaneg.

• Ipugaw
✓ Hudhud – nagsasalaysay ukol sa kabihasnan ng mga
Ipugaw at ang kanilang bayaning si Aliguyon.
✓ Alim – naglalarawan ng mga Diyos sa langit ng mga
Ipugaw.

• Bikol
✓ Ibalon – Isinalin ng Padre Jose Castano sa
Kastila na nagsasalaysay sa kamula-mulaan ng mga
unang nanirahan sa mga lupaing Aslon at Ibalon.

• Tagalog
✓ Kumintang – kasaysayan ng mga pandirigma ng mga
kawal nina Datu Dumangsil ng taal at Datu
Balkasusa ng Tayabas at ng Bai ng Talim.

• Bisaya

✓ Maragtas – Tungkol sa sampung datung Malay na


tumakas sa Kalupitan ng Sultang Makatunaw ng
Borneo at sama-samang nakarating sa Panay.
✓ Haraya – Katipunan ng mga tuntunin kabutihang
asal at mga salaysay na panghalimbawa sa mga
naturang tuntunin.
✓ Lagda – Katipunan ng mga salaysay at pangyayaring
nagpapakilala ng mabuting panunungkulan ng
pamahalaan.
✓ Hari sa bukid – Salaysay tungkol sa kapangyarihan
ng isang haring hindi nakikita ngunit alam na
nakatira sa taluktok ng bundok ng Kanlaon sa
Negros.

• Muslim

✓ Darangan – Ito’y patulang salaysay na naglalahad


ng kabayanihan ng mga Moro.
➢ Bantugan
➢ Daramoke-a-babay- karugtong ng epikong
Bantugan
➢ Indarapatra at Sulayman

✓ Bidasari – Romansang Malay na nasasalig sa


matandang paniniwalang napapatagal ang buhay
kung ang kbato, kaluluwa ay paiingatan sa isang
isda, hayop, bato o punong kahoy.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 14


RITWAL - Ang kanilang mga awitin, sayaw, tagulaylay, pag-
aalay at tanging mga kagamitan ay siyang nagiging bukal ng
lakas ng mga taong dumaranas ng kahirapang dulot ng
kalikasan, na kinakatawan ng mga masasamang ispiritu.

SAYAW - Isang katutubong paraan ng pagpapahayag ng


damdamin, pag-ibig, lungkot, galit, saya, at ng iba’t ibang
masasalimuot na damdaming kinapapalooban ng dula ng buhay
ng sayaw.

• Itik-itik
• Kalapati
• Tinikling
• Subli
• Maglalatik
• Panganggo sa ilaw
• Sayaw sa bangko
• Singkil

SANGGUNIAN:

Abueg, Efren R. et.al. (2012) Muhon: Sining at Kasaysayan


ng Panitikan ng Pilipinas. 16 Concia St. Tinajeros, Malabon
City: Jimczyville Publications
Arrogante, Jose A., etal. “Panitikang Filipino-Binagong
Edisyon Pampanahong Elektroniko”, 2010
Barrios, Joi, Lumbera, Bienvenido., etal.,” Paano Magbasa
ng Panitikang Filipino- Mga Babasahing Pangkolehiyo”.
2006.The University Press- UP Campus, Diliman, Quezon City
1101
Buensuceso, S.T., etal. (1997) Panitikang Filipino.
University of Sto Tomas Publishing House
Cruz, I.R., etal. Ang Ating Panitikan. Goodwill Bookstore
Evasco, E. (2011) Mga Pilat sa Pilak: Mga Personal na
Sanaysay. UST Publishing House
Godoy, R. DL., etal. (2003) Panitikan at Rizal. St. Andrew
Publishing House
http://panitikan.ph/2014/06/23/mula-sa-tradisyon-tungo-
sa-kongregasyon-si-teo-s-baylen-bilang-relihiyosong-
makata/

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 15


http://panitikan.ph/2014/06/23/mula-sa-tradisyon-tungo-
sa-kongregasyon-si-teo-s-baylen-bilang-relihiyosong-
makata/
http://pinoyweekly.org/new/2017/01/eskapismo-at-
reyalidad-ng-sunday-beauty-queen/
https://brainly.ph/question/38137#readmore
https://www.facebook.com/permalink.php?story_fbid=1187425
51588707&id=118726654923630
https://www.scribd.com/document/354363046/Kahulugan-Ng-
Dula-Ayon-Kay
https://www.scribd.com/document/354363046/Kahulugan-Ng-
Dula-Ayon-Kay
Queaño, N. (1983) Ang Katutubo at Dalawa Pang Dula. New Day
Publisers
Ramos, M.S., etal. (1980) Panitikang Pilipino. Katha
Publishing Co., Inc.
Read more on Brainly.ph
Reyes, J. (1998) Talang Luma Buhat sa Tabarawan ng Isang
May Nunal sa Talampakan. U.P. Press
San Andres, T.C., etal. (2008) Ang Panitikan ng Pilipinas
sa Bawat Rehiyon. St. Andrew Publishing House
Torres-Yu, R. (2006) Kilates. The University of the
Philippine Press: Quezon City
V.C., etal. (2007) Mga Butil na Hiyas ng Panitikan. El
Bulakeño Printing House
Villafuerte, P. (2000) Panunuring Pampanitikan. Mutya
Publishing House: Valenzuela City
Villanueva, Z.P. (1998). Panitikan ng Pilipinas. Merriam &
Webster Bookstore, Inc.

Sosyedad at Literatura/Panitikang Panlipunan 16

You might also like