You are on page 1of 4

 Ano ang panitikan

Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga


karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. Ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa
pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampalataya at mga
karanasang may kaugany ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.
Ang panitikan ay maaaring isang tula, dula o kwento na nagpasalin salin sa iba’y ibang
henerasyon kung saan binubuo ito ng makabuluhang kasaysayan at aral para sa mga mambabasa.
Ito ay mayroong kaugnayan sa pang-araw araw na kabuhayan bawat tao sa lipunan.

 Ang Panitikan at Kasaysayan


Ang Kasaysayan ng Panitikan

Ang panitikan ay buhay, buhay-buhay ng tao. Inilalarawan nito ang mga ugali,
asal, gawi at paraan ng pamumuhay ng mga tao sa kani-kanilang kapanahunan.

Kung ano ang saloobin, naiisip, nadarama at mga nagaganap sa kanilang


kapanahunan ay naipahahayag ng mga makata at manunulat ng panitikan.
             
               “Ang mga Kastila ay maraming nakuhang akda na pawang gawa ng mga
diyablo at mga iyon ay sinunog bilang aral sa mga nalalabuang taumbayan.”
                                                                                                                   
-Las Casas

Ang pinakapapel ng mga katutubo noon ay mga: kawayan, dahon ng palaspas,


balat ng kahoy at ang pinakapanulat ay mga: dulo ng laseta, mga tinulisang bakal, kahoy
o patpat na kawayan. At sa dahilang hangad ng mga misyonerong Kastila na
mapalaganap ang Kristyanismo, ang mga sangkap ng lumang panitikan ay kanilang sinira
at ang tanging nalabi lamang ay ang mga: bugtong, salawikain, kasabihan, awit
at mga epiko. Ang mga ito ay kinilala ngayong “Matandang Panitikang Pilipino”. Ang
mga kantahing-bayan, mga kwentong-bayan,mga karunungang-bayan ay mga katibayang
mauuri bilang matandang panitikang Pilipino, may mga lipat-dila o salimbibig ng mga
ninuno ng unang panahon.

“Ang panitikan ay nasusulat na tala ng pinakamabuting kaisipan at damdamin


ng tao.”
                                                                                                                                           
-W.J. Long

“Ang panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga


bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa lipunan at pamahalaan at sa kaugnayan ng
kaluluwa sa Bathalang Lumikha.”
-Hon. Azarias
Isa sa pinakamahalagang bahagi ng kultura ang panitikan sapagkat ito ang boses at
pagkakilanlan ng isang lugar; dito nakatala ang iba't ibang pamamaraan ng pamumuhay ng isang
tao. Ang kasaysayan ay ang pagkakilanlan ng isang pook o isang bansa na marapat malaman ng
bawat taong naninirahan dito upang mapataas ang uri ng pagpapahalaga.
Kaugnayan ng Panitikan sa Kasaysayan

1. Nagsisilbing gabay ang panitikan upang tiyak na matukoy ang anyo at pamamaraan ng
pamumuhay ng tao; ipinapakita nito ang mga limbag na literatura bilang patunay ng mga
pangyayari na tumutukoy sa kasaysayan ng isang pook o lugar.
2. Nakikilala ang kultura at halaga ng isang bansa; sa pamamagitan ng panitikan tiyak na
makikilala ang kultura at mga mahahalagang pangyayari na siyang bubuo sa kasaysayan.
3. Naipakikita ng panitikan ang mga nakalipas na panahon na makaaambag sa makulay na
paglalahad ng kasaysayan. Isa sa mga halimbawa ng panitikan ay ang mga sulat ni Jose
Rizal na kung saan ay naging bahagi ng kasaysayan ng bansang Pilipinas.
4. Sa tulong ng panitikan naipakikita ang magagandang gawi ng mga Pilipino o tao sa isang
lugar. Ang anyo ng pamumuhay, kalakalan, at produkto ay natutukoy sa pamamagitan ng
mga nailimbag; ang mga ito ay bahagi ng kasaysayan.
5. Ang ugnayan ng panitikan at kasaysayan ang bumubuo sa totoong kwento ng isang
bansa. Ang mga limbag at produkto ng panitikan ay maingat na sinusuri; inihihiwalay
ang kathang isip at makatotohanang pangyayari. At ito ay lubhang makatutulong sa
pagpapayaman ng kasaysayan.

 Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Panitikan


1. PAGSASALAYSAY- Ito’y isang uri ng pagpapahayag na nagsasalyasay ng isang
karanasan
2. PAGLALAHAD- Ito’y isang paraang nagbibigay katuturan sa isang ideya okonsepto.
Nagmumungkahi rin ito ng paraan ng paggawa ng isang bagay. Tumatalakay rin ito sa
suliranin, magbibigay ng dahilan at nagpapayo ng mga kalutasan.
3. PAGLALARAWAN - ito’y isang paraan ng paglalarawan ng isang bagay, tao, o lunan.
Ang mga detalye ng mga katangian o kapintasan ng tao, o bagay na namamalas ay
nababanggit dito.
4. PANGANGATWIRAN – naglalayong humikayat sa mga bumabasa o sa mga nakikinig
na pumanig sa opinion ng nagsasalita o sa sumulat ang paraang ito.

 Bakit dapat Mag-aral ng Panitikan


1. Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman an gating minanang yaman ng
kaisipan at taglay na katalinuhan ng lahing ating pinagmulan.
2. Upang matalos natin na tayo ay may marangal at dakilang tradisyon na nagsilbing
patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggagaling sa ibang mga
bansa.
3. Upang mabatid natin ang mga kapintasan sa ating panitikan at makapagsanay upang
maiwasto ang mga ito.
4. Upang malaman an gating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang ito ay
mapagbuti at mapaunlad.
5. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling kultura ay dapat
nating pag-aralan an gating panitikan sapagkat tayo higit kanino man ang dapat
magpahalaga sa sariling atin.

 Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan


1. Klima
Marami ang nagagawa ng nga klima tulad ng init ng panahon, lamig ng panahon,
tag-ulan o tag-araw sa damdamin ng isang tao.
2. Hanap buhay o mga gawain sa pang-araw araw
Ang mga pahayagan sa panitikan ay naiuugnay sa mga trabaho ng mga tao.
3. Lipunan o pulitiko
Ang ideolohiya , ugaling panlipunan at pamahalaan gayunman ang kultura ng mga
tao ay nasasalamin sa panitikan ng bansa.
4. Pook o tinitirahan
Ang heograpiya ng isang lugar ay may malaking impluwensya sa tao.
5. Edukasyon at Pananampalataya
Ang mga panitikan na inihahahayag sa lipunan ay naaayon sa mga natutunan at
mga paniniwala ng mamamayan.
 Ang Impluwensya ng Panitikan
Ang panitikan ay may malaking impluwensya sa daigdig. Sa iba’t ibang panig
nito, may maatutukoy na isa o ilang tanging akda na naghatid ng malaking impluwensya
sa kultura, tradisyon, paniniwala, pamumuhay at kabihasnan ng tao. Ilan sa mga ito ay
ang mga sumusunod:
 Banal na Kasulatan o Bibliya – ang naging pinakabatayan ng paniniwalang Kristiyano sa
buong daigdig.
 Koran mula sa Arabia – ang pinakabibliya ng mga Muslim.
 Illiad at Oddysey ni Homer – kinatutuhanan ng mga mitolohiya at alamat sa Gresya.
 Mahabharata – tumatalakay sa kasaysayan ng pananampalataya sa Indiya. Ipinalalagay
itong pinakamahabang epiko sa buong daigdig.
 Centerbury Tales ni Chaucer – naglalarawan ng pananampalataya at pag-uugali ng mga
Ingles noong unang panahon.
 Uncle Tom’s Cabins ni Harriet Beecher Stowe – nagbukas sa mga mata ng Amerikano sa
kaapihan ng mga lahing itim at nagsimula ng paglaganap ng demokrasya sa buong
daigdig.
 Divine Comedia ni Dante – nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya at pag-uugali
ng mga Italyano noong unang panahon.
 El Cid Compeador – naglalarawan sa katangiang panlipi ng mga Kastila at kasaysayan ng
Espanya.
 Isang Libo at Isang Gabi – akdang nagmula sa Arabya at Persya. Naglarawan ito ng
pamahalaan, kabuhayan at lipunan ng mga Arabo at Persyano.
 Aklat ng mga Araw ni Confucius – naging batayan ng pananampalataya ng mga Intsik.
 Aklat ng mga Patay – naglalarawan ng mga kulto ni Osiris at tumatalakay sa mitolohiya
at teolohiya ng Ehipto.
 Awit ni Rolando – kinapapalooban ito ng Doce Pares at Roncesvalles ng Pransya.
Isinasalaysay dito ang gintong panahon ng Kristianismo sa Pransya.

Mga Sanggunian:
https://www.slideshare.net/rodebellinawan/ang-panitikan
http://ffaijm.blogspot.com/2017/06/ang-kasaysayan-ng-panitikan-ang.html
https://brainly.ph/question/118758
https://www.facebook.com/wikaatkultura/posts/mga-paraan-ng-pagpapahayag-ng-
panitikan1-pagsasalaysay-itoy-isang-uri-ng-pagpapa/163860638691136/
https://brainly.ph/question/1728296
https://www.slideshare.net/ManuelDadeaDaria/panitikan-52237416

You might also like