Professional Documents
Culture Documents
Ang Kilusáng Propagánda ay isang kilusang itinatag sa Espanya noong 1872–1892 ng mga Filipinong
ilustrado sa Europa. Ilan sa mga kasapi nitó ang mga ilustradong sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena,
Marcelo H. del Pilar, Mariano Ponce, at magkapatid na Juan at Antonio Luna.
Itinatatag nila ito sapagkat gusto nilang humingi ng reporma o pagbabago gaya ng mga sumusunuod ang
layunin ng kilusang ito.
Nabuo ang kilusan dahil sa paglago ng diwang nasyonalista sa kamalayan ng mga Filipinong nakapag-
aral, na pinaigting ng mga pangyayaring pangkasaysayang tulad ng pagbitay sa tatlong pari na sina
Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora o kilalang GOMBURZA.
Higit kaysa mga layuning politikal, nabuo ang kilusan para sa mga tunguhing higit na pampanitikan at
pangkultura. Naglabas silá ng pahayagang La Solidaridad na unang inilimbag sa Barcelona noong 15
Pebrero 1889. Unang editor nitó si Graciano Lopez Jaena at hinalinhan ni M.H. del Pilar. Dito inilathala
ang mga tuligsa nilá sa katiwalian sa kolonya ng Filipinas. Bukod sa mga ilustrado, nalathala din dito ang
ibang kaalyado ng mga Filipino, gaya ni Ferdinand Blumentritt––isang Austrianong heograpo at etnologo
na nakilála at naging kaibigan ni Rizal sa Alemania.
Español ang wika ng diyaryo dahil higit na target na mambabasá ng mga Propagandista ang mga taga-
España at upang maimulat ang mga ito sa mga abuso at korupsiyong nagaganap sa Filipinas. Palihim na
iniluluwas sa bansa mula sa Europa ang mga isyu ng pahayagan, at palihim ding binabása ng mga
edukadong kababayan ng mga Propagandista. Lumabas ang huling isyu ng pahayagan noong 1895.
Samantala, nanamlay at tuluyang namatay ang kilusan matapos ang pagkakahuli kay Rizal at nang
mabuwag ang La Liga Filipina. Sinundan ito ng Katipunan ngunit tungo sa higit na rebolusyonaryong
layunin—ang ganap na kalayaan ng bansa at pagpapatalsik sa mga kolonyalistang Español.
Kilalang kilala sa kanyang mga sagisag sa panulat na Plaridel, Pupdoh, piping dilat, at dolores Manapat. .
Isinilang siyá noong 30 Agosto 1850 sa Cupang, Bulacan, Bulacan sa isang mariwasang pamilya
nina Don Julian H. Del Pilar at Blasa Gatmaitan. Idinagdag niya sa pangalan ang apelyidong “del
Pilar” ng kaniyang lola bilang pagsunod sa Batas Claveria noong 1849. Kapatid niya si Padre
Toribio na pinarusahan at ipinatapon sa Marianas dahil sa hinalang kasabwat sa motin sa arsenal
ng Cavite noong 1872.
Marami silang magkakapatid at dahil doon ang ginawa ni Plaridel ay hindi tumanggap ng mana
at ang nauukol sa kanyan ay ibinigay sa mga kapatid. Bakit tinawag na Plaridel? Sapagkat naisip
niya na gumamit ng Anagram o pagbabago ng ayos ng mga titk sa kanyang apelyido upang
maging bagong salita na ginamit niyang pen name. Ganoon ka unique at katalas ang pag iisip ni
Plaridel.
Noong Pebrero 1878, pinakasalan niya ang pinsang si Marciana del Pilar at nagkaanak silá ng
pito bagaman sina Sofia at Anita lámang ang lumaki.
Estudyante pa lámang ay aktibo na siyá sa mga usaping pampolitika. Naging puspusan ang
kaniyang pagkilos bilang repormista noong 1882. Itinatag niya kasáma Pedro Serrano laktaw ang
bilingguwal na Diariong Tagalog.
Si P. Serrano Laktaw ay kabilang siya sa mga propagandistang umuwi sa Pilipinas upang bumuo
ng Masonarya.
Ginamit niya ang husay sa pagtula at pagtatalumpati para batikusin ang gobyernong kolonyal sa
pamamagitan ng duplo at pagsasalitâ sa sabungan at pista. Naglathala siyá ng satirikong
polyetong “Dasalan at Tocsohan” gaya ng Ang tanda, Pagsisisi, Ang Amain naming, Ang aba
ginoong baria at Aba po santa Baria na ipinamumudmod sa simbahan kung Linggo. At ang
“kaiigat kayo” galling sa salitang igat na isang uri ng isdang ahas na mahuhuli sa putikan.
Noong 1888, nag-organisa siyá kasáma nina Doroteo Cortes, Jose Ramos, at Juan Zulueta ng mga
demostrasyong kontra-fraile at nagrurok sa petisyon noong 1 Marso para sa pagpapatalsik ng
mga fraile sa Filipinas. Upang maiwasan ang pagpapatapon sa kanya, lihim siyáng umalis
patungong España noong 28 Setyembre 1888.
Ngunit hindi tumagal nang mahabang panahon napatigil siya dahil sa pagkakaroon niya ng
karamdaman. Nagtangka pa rin siyang karating sa Hongkong sa kabila ng malubha karamdaman
sapagkat nais niyang kahit doon manlang ay mapakilos na niya ang kanyang kababayan. Ngunit
nabigo siya. Sa sakit na pagkatuyo o tuberculosis ay namatay siya Espanya at Inilibing siyá sa
sementeryo ng mga pulubi sa Barcelona.
Bago pa man siya bawian ng buhay ay ipinagbiling sa mga kasama niya na paratingin sa kanyang
asawa at mga anak ang sumusunod na tagubilin “ sabihin ninyo sa aking pamilya na sila ay hindi
ko napagpaalamanan. Ibalita ninyo ang kapalaran ng ating mga kababayan. Ipagpatuloy ninyo
ang pagtuklas ng ginagawa at kagalingan ng ating bayan.
Iyan ang dahilan kaya si Plaridel ay may sariling pitak sa kasaysayan ng ating bayan. Hindi na
mabilang ang mga lansangang nagtataglay ng kanyang pangalan. Ang dating bayan ng Kingwa ay
ginawa ng Plaridel, ang mataas na paaralan sa Malolos ay Marcelo H. del Pilar High school,
ngunit higit sa lahat, mananatiling buhay habang buhay habang panahon ang kanyang kagitingan
at pagkamakabayan.
1. Pag ibig sa tinubuang lupa – salin sa tulang kastilang “Amor Patrio” ni Rizal na napalathala
noong Agosto 20, 1882 sa Diariong tagalog. ( isang tula na sinulat ni Andres Bonifacio na
kanyang ginamit para himukin ang mga Pilipinong maging makabayan. Si Bonifacio ay mas
magaling na mandirigma kaysa sa isang manunulat ngunit pinatunayan niya na kaya niyang
gumawa ng isang tula para sa kanyang minamahal na bayan)
2. Kaiigat kayo – ito ay isang pabiro at patuyang tuligsa kung saan pinapakita dito ang kalagayan ng
Pilipinas sa panahon ng Kastila, ito rin ay at tugon sa tuligsa ni P.Jose Rodriguez sa “Noli’ ni Rizal;
inilathala sa Barcelona noong 1888. Naipahayag dito kung paanong ginamit ng mga prayle ang
pangalan ng Diyos para sa kanilang pansariling kapakanan at kapakinabangan. Si Padre Jose
Rodriguez, tunay na ginagalang at makapangyarihang prayle na may librong ang pangala’y
Caiingat Cayo na nagsasabihing sumunod lamang sa kaniyang pangaral at huwag bumasa ng mga
ibang libro ang mga Pilipino dahl sa pamamagitan ng pagsunod sa kanya masisiguradong inyo na
ang langit, inyo na ang kaluluwang walang hanggan. Gumamit siya ng sagisag na Dolores
Manapat sa akda niyang ito. Agosto 3. 1888.
3. Dasalan at tocsohan - Akdang hawig sa katesismo subalit pagtuya laban sa mga prayle na
inilantad sa Barcelona, 1888. Dahil dito tinawag siyang “PILIBUSTERO” kahanga hanga ang himig
na panunuya at ang kahusayan ng pananagalog. Ito’y isang akdang nakakatawa dahil ipinapakita
dito kung paano sobrang kaiba o kabaliktaran ang ginagawi ng mga prayle noon sa kanilang mga
sinasabi sa mga Pilipino. Kitang-kita dito ang matinding kabalintunaan ng pagiging “banal” ng
mga prayle noon sa Pilipinas. Subalit sa isang banda, nakakalungkot din ang akda at kung
mababasa mo ito’t ilalagay mo ang sarili mo sa kalagayang panlipunan noon sa Pilipinas,
masasabi mong nakakapukaw ito ng isipan at damdaming mapanghimagsik dahil binigyang diin
sa akdang ito ang mga panlilinlang at pagsasamantalang ginagawa noon ng mga prayle sa mga
Pilipino.
4. Ang Codaquillaan ng Dios – Ito ay isang hawig sa katesismo subalit pagtuya sa mga prayle na
inilathlaha sa Barcelona. Ito ay sanaysay ng pagtuligsa sa mga pryale ngunit nagtataglay ito ng
pilosopiya sa kapangyarihan ng poong lumikha, pagpapahalaga , at pag ibig sa kalikasan.
5. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas -isang tulang nagsasaad ng paghingi ng pagbabago ngunit
ang Espanya ay napakatanda at napakahina na upang magkaloob ng anumang tulong sa
Pilipinas. Ang tulang ito’y katugunan sat ula ni Herminigildo Flores sa “Hikbi sa Pilipinas, sa
inang Espanya’.
idinaan niya ito sa mahinahon na boses ng isang ina na labis labis ang pag-aalala sa kanyang
anak. Isang mahinahong boses na unti-unting nagbabago sa pag-usad ng tula.
6. Dupluhan, Dalit, mga Bugtong – ito ay Katipunan ng maiigsing tula at pang aapi ng mga prayle.
8. Por Telepono
Antonio Narciso Luna de San Pedro Posadas y Novicio Ancheta o mas kilala bilang Antonio
Luna
Ito ay isang diyaryo sa wikang Español ang La Solidaridád at naging pangunahing tinig ng
Kilusang Propaganda para sa mga kailangang reporma sa Filipinas noong panahon ng
kolonyalismong Español. Itinayô ito ng isang samahan ng mga repormista na La Solidaridad din
ang pangalan. Isa itong quincenario, na nangangahulugang lumalabas tuwing dalawang linggo,
at unang ini- limbag sa Barcelona, España. Lumabas ang unang isyu nitó noong 15 Pebrero 1889
sa pamamatnugot ni Graciano Lopez Jaena. Inilipat ang pasulatan nito sa Madrid at ipinasa ni
Lopez Jaena ang pagiging patnugot kay Marcelo H. del Pilar sa isyung lumabas noong 15
Nobyembre 1889. Nagtagal ang diyaryo hanggang 15 Nobyembre 1895. Nilalayon ng diyaryo na
iparinig sa gobyernong España ang masaklap na kalagayan ng mga mamamayan sa Filipinas at
ibunyag ang kalupitan ng mga fraile. Sa pamamatnugot ni Del Pilar, lalong matatapang na
reporma ang hiningi ng mga repormista: Filipinisasyon ng mga parokya; kalayaan sa
pamamahayag, pagsasalitâ, at pagtitipon-tipon; pag-asimila sa Filipinas bilang probinsiya ng
España, at kaugnay nitó, representasyon sa Cortes ng España at aktibong pakikilahok ng mga
Filipino sa pamamahala ng gobyerno. Sa loob ng halos pitóng taón, naging tinig ang La
Solidaridád sa payapang paghingi ng reporma. Wala mang nakamit na reporma, mahalaga ang
pahayagang ito dahil matutunton dito ang pagyabong ng pampolitikang kaisipan ng mga Filipino;
pinatunayang rebolusyon lámang ang landas sa paglaya; bukod pa sa naglabas ito ng katangi-
tanging mga artikulo na sinulat nina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo H. del Pilar,
Mariano Ponce, Antonio Luna, Jose Ma. Panganiban, at iba pa.
Noong 5 Hunyo 1899, nagpunta siyá sa Cabanatuan, Nueva Ecija dahil sa mensaheng ipinatawag
siyá ni Aguinaldo. Pinaslang siyá sa gulang na 33 noong ika-7 ng hunyo ng mga sundalo sa pamu-
munò ni Kapitan Pedro Janolino na minsang sumuway sa utos niya at inirekomendang alisin sa
hukbo. Sa kaniyang kamatayan, tuluyang huminà at dumanas ng sunod-sunod na pagkatalo ang
hukbong Filipino. Isang pinunòng Americano si Heneral Hughes ang nagsabing “Isa lámang ang
heneral ng mga Filipino, at siyá’y pinaslang nilá.
2. Se Divierten ( Naglilibang Sila) - sang pagpuna sa sayaw ng mga kastila na halos di-
maraanang sinulid ang pagitan ng mga nagsisipagsayaw.
3. La Tertulia Filipina (Sa piging ng mga Pilipino) - Naglalahad ng isang kaugaliang Filipino na
ipinalalagay niyang lalong Mabuti kaysa kaugaliang kastila.
6. Impresiones – Ito’y isang paglalarawan sa ibayong kahirapang dinaranas ng isang mag aaral
na naulila sa amang kawal.
Pedro Paterno
Si Pedro A. Paterno ay ipinanganak sa Sta. Cruz Manila noong Pebrero 27, 1857. Nag-aral
siya sa Ateneo de Manila at ipinagpatuloy sa Madrid Spain at doon siya nakatapos ng
abogasya.
Siya ay isang iskolar, dramaturgo, mananaliksik at nobelista ng kilusang Propaganda.
Sumapi rin siya sa kapatiran ng mga Mason at sa Association Hispano Pilipino upang
itaguyod ang layunin ng propagandista.
Siya ang unang manunulat na Pilipinong nakalaya sa sensura sa panitikan noong mga
huling araw ng pananakop ng mga Kastila.