You are on page 1of 8

PANITIKANG FILIPINO din ang nangyari.

Sa pamamagitan ng mga panulat nina


Jose P. Rizal, Marcelo del Pilar, Graciano Lopez Jaena,
Kabanata I Hen. Antonio Luna, Mariano Ponce at mga iba pa, ang
PANIMULA damdaming makabayan ay napakilos, napagkaisa at
humantong din sa himagsikan at kalayaan ng bayan.
Ang panitikan ay siyang lakas na nag-papakilos Ganyan ang nagagawa ng panitikan, nagsisimula sa
sa alinmang uri ng lipunan. Malaki ang naiaambag ng damdamin at mithiin ng mga makabagong manunulat at
panitikan sa kultura at kabihasnan ng alinmang bansa. pagkatapos ay kanilang ibubuhos sa panulat na may
Oo nga at angmga materyal na kultura gayon din ang sining, kulay, talinhaga, panimdim at guniguni.
pulitika at ekonomiya ay malaki ang naiaambag sa
pagsulong ng mga bansa ngunit ang mga ito'y lumilipas Ang panitikan ay hindi lamang lumilinang ng
at nawawala, ngunit ang panitikang pasalita o pasulat ay nasyonalismo kung hindi ito'y nag-iingat ng mga
buhay habang panahon. Ito'y walang paglipas hanggang karanasan, tradisyon at mga mithiin ng bawa't bansa.
may tao sa sangdaigdigan. Ang panitikan ay isang ilaw Hinuhubog sa panitikan ang kagandahan ng kultura ng
na walang kamatay ang tumatanglaw sa kabihasnan ng bawa't lipunan. Dito nasusulat ang mga tunay na henyo
tao. ng bawa't panahon. Halimbawa, ang matandang
Gresya'y ipinagmamalaki ang kanilang bayaning si
Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng Alexander the Great at ang kanilang mga pilosopong
mga mamamayan. Sa panitikan nasasalamin ang mga sina Aristotle at Plato na ang kanilang mga sinulat ay
layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at kabang yaman ng panitikan hindi lamang ng kanilang
guniguni ng mga mamamayan o nasu sulat o bansa kundi ng buong daigdig man. Ang Inglaterra ay
binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, hindi lamang kinilala ng daigdig sa kanyang
matalinhaga at masining na mga pahayag. Ang panitikan kapangyarihan sa hukbong dagat at sa katihan kundi
ang nagbubunsod sa pagkilos ng mga mamamayan sa gayon din sa mga walang kamatayang
kanilang pagkamakabayan o nasyonalismo. Ito ang lakas bunga ng mga panulat nina Shakespeare at Chaucer.
na nagbubuklod ng kanilang damdamin, nagdidilat ng
kanilang mga mata sa katwiran at katarungan. Malaki Ang tunay na panitikan ay yaong walang kamatayan,
ang nagawang impluwensiya ng panitikan sa kasaysayan yaong nagpapahayag ng damdamin ng tao bilang ganti
ng daigdig. Kung ating bubuklatin ang mga nagawa ng niya o reaksiyon sa kanyang pang-araw-araw na
panitikan sa bawa't bansa sa iba't- ibang panahon ng pagsusumikap upang mabuhay at lumigaya sa kanyang
kasaysayan ay magugulat tayo sa naiambag nito sa pag- kapaligiran at gayon din sa kanyang pagsusumikap na
unlad ng kabihasnan. Tunghayan natin ang "Uncle's Tom makita ang Maykapal.
Cabin” ni Harriet Beecher Stowe ng Amerika, ang “Social
Contract” ni Jean Jacques Russeau ng Pransiya at ang Ano ang Tunay na Panitikan?
Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Rizal. Hindi ba't
ang mga ito ang mga nagsilbing liwanag sa isipan ng Ang tunay na panitikan, ay yaong nagpapahayag
mga Amerikano, Pranses at mga Pilipinong ang hangarin ng damdamin, panaginip at karanasan ng
ay ang mga tunay na karapatan at kalayaang nararapat sangkatauhang nasusulat sa maganda, makahulugan at
tamasain ng tao? Hindi ba't ang mga ito ang nagsilbing masining na mga pahayag. Ang tunay na kahulugan ng
mitsa ng demokrasya at liberalismo sa daigdig? Ang panitikan ay nakikita sa mga katotohanang ito tungkol
Uncles Tom Cabin" ang nagbunsod sa pagkakaisa ng sa nga ideya, isipan, at damdamin ng tao gaya ng pag-
mga Amerikanong may kulay na ipakipaglaban ang ibig, kalungkutan kaligayahan, panibugho, galit,
kanilang karapatan at katarungan sa harap ng batas at pagkahabag, pag-alipusta,
ito'y nagwakas sa kanilang tagumpay sa Digmaang Sibil paghihiganti at mga iba pa.
sa Amerika. Ganyan din ang nangyari sa Pransiya. Nang
matalos ng mga Pranses na sila'y binigyan din ng ating Ang kaunlaran ng panitikan ay nasasalig sa iba't-
Maykapal ng karapatan at katarungan, sa pamamagitan ibang salik gaya ng kapaligirang panghiyograpiya, ang
nga ng pagkakabasa nila ng sinulat ni Jean Jacques hilig ng mga tao, ang kanilang paningin sa kagandahan,
Russeau na “Social Contract”, nabuksan ang kanilang ang kanilang karanasan, ang kanilang pagkamakabayan
isipan at humiling sa kanilang pamahalaan ng mga at ang inahalaga sa lahat ay ang pagkakaroon ng mga
karapatang nararapat nilang tamasain ngunit nang sila'y henyo sa pagsulat sa bawa't bansa. Ang panitikan ay
tanggihan sila'y nagkaisa-isa at naghimagsik at ito ang maaaring pasalita o pasulat.
Himagsikan sa Pransiya. Dito naman Pilipinas ay ganyan
damdamin at kaisipan, nagkakaunawaan at
nagkakatulungan.

Mga Kalagayang Nakapangyayari sa Panitikan


May mga salik na mahahalaga na siyang
nakapangyayari sa panitikan. Ang mga ito'y Marami ang mga akdang pampanitikang nagdala ng
ang mga sumusunod: malaking impluwensiya sa daigdig. Ang ilan sa mga ito'y
ang mga sumusunod:
1. Ang klima
 Malaki ang nagagawa ng init o lamig, bagyo o 1. Ang Banal na Kasulatan na siyang naging
unos, baha at ulan sa isipan at damdamin ng batayan ng pananampalatayang Kristiyano
tao.
2. Ang Koran ng Arabia na siyang bibliya ng mga
2. Ang Hanapbuhay o Tungkulin ng mga Tao Muslim.
 Ang mga salita at pahayag sa panitikan ay
kaugnay ng hanapbuhay ng mga mamamayan. 3. Ang Iliad at Odyssey ni Homer ng Gresya na
siyang kinatutuhan ng mga mitolohiya at mga
3. Ang Pook o Kinatitirhan alamat.
 Ang hiyograpiya ay malaki ang nagagawang
impluwensiya sa isipan at damdamin ng tao. 4. Ang Maha-Bharatas ng Indiya na siyang
Kung ang pook na kinatitirhan ng mga tao ay kasaysayan ng kanilang pananampalataya.
may magagandang tanawin, mabundok,
madagat, sagana sa kabukiran at mga halaman, 5. Ang Divina Comedia ni Dante ng Italya na
ang mga ito ay siyang magiging laman ng nagpapahayag ng moralidad, pananampalataya
panitikan ng mga taong doo'y naninirahan. at pag-uugali ng mga Italyano ng panahong
yaon.
4. Lipunan at Pulitika
 Ang sistema ng pamahalaan, ang idelohiya at 6. Ang Aklat ng mga Araw ni Confucius ng Tsina
ugaling panlipunan gayon din ang kultura ng na siyang naging batayan ng kalinangan at
mga tao ay nasasalamin sa panitikan ng bansa. Intsik.

5. Edukasyon at Pananampalataya 7. Ang Aklat ng mga Patay ng Ehipto na


 Ang saklaw at laman ng panitikan ay naaayon sa kinapapalooban ng mitolohiya at teolohiya ng
edukasyon at pananampalataya ng mga mga taga-Ehipto.
mamamayan. Kung busog ang isipan, dala ng
malawak na edukasyong natutuhan, ang mga 8. Ang Counterbury Tales ni Chaucer ng Inglaterra
ito'y mababakas sa panitikan ng lahi. Gayon din na naglalaraw an ng mga ugaling Ingles at ng
naman ang pananampalataya, ito'y laging kanilang pananam palataya.
pinapaksa ng mga kilalang makata at
manunulat. 9. Ang El Cid Campeador ng Espanya na
nagpapahayag ng kanilang mga alamat, pag-
Ang Impluwensiya ng Panitikan uugali at kasaysayan.
Ang panitikan ay may dalang mahahalagang
impluwensiya sa buhay, kaisipan at ugali ng tao at ito'y 10. Ang Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher
may dalawang kalagayan: Stowe ng Estados Unidos na nagbukas ng mata
ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing
(1) Ito'y nagpapaliwanag sa kahulugan ng itim at ang simula ng paglaganap ng
kalinangan at kabihasnan ng lahing demokrasya sa daigdig.
pinanggalingan ng panitikan.
Ang Kasaysayan ng Panitikang Pilipino
(2) Dahil sa panitikan, ang mga tao sa Kung ihahambing ang gulang ng Panitikang
sangdaigdigan ay nagkakalapit ang mga Pilipino sa panitikan ng mga ibang dansa sa Europa ay
bata pa ang Panitikang Pilipino. Ang panitikang
Pilipinong pasulat ay may apat na raang taon lamang. humigit sa dalawampung taon ay nangagsisulat na sila
Ang kasaysayan ng panitikang Pilipino ay maikli pagkat ng mga tula, sanaysay, maikling kuwento at nobela sa
marami rito ang nasira at nasunog nang dumating ang Ingles. Ang kanilang mga sinulat na ito'y maihahambing
mga Kastila. na sa mga mahuhusay na akda sa Ingles ng mga
Amerikano at ng mga Ingles sa Bretanya. Ito ay simula
Ang panitikang Pilipino ay sumasakop sa ng pag-unlad ng panitikang Pilipino sa Ingles.
panahong bago pa dumating ang mga Kastila noong
1521 at bago pa sakupin ang Pilipinas ng imperyo ng
Madjapahit noong ika-14 na siglo. Ang lahat ng mga Sa ngayon, panahon ng bagong kalayaan ay sa
nasulat o naipahayag sa iba't-ibang wikaing Pilipino dalawang wika nasusulat ang panitikang Pilipino, sa
tungkol sa kanilang karanasan, isipan, damdamin at Pilipino at sa Ingles. Sapagkat may kinikilala nang
tradisyong pasalita, ay Siyang masasabing panitikang wikang pambansa ang Pilipinas, ang Pilipino, ay
Pilipino. lubusang pinalalaganap at itinuturo sa lahat ng antas ng
pag-aaral. Unti-unti nang nakabubuo ang Pilipinas ng
Ang panitikang Pilipino ay may pambihirang pambansang panitikang siyang na nagpapahayag ng
kabuuan. Ito'y nagsimula sa mga pasalitang tradisyon, damdamin, niloloob, hangarin at panaginip ng bayan.
bago pa masakop ng imperyo ng Madjapahit ang Ang mga ito ang nakapagpapatinag ng karnalayang
Pilipinas. Ang mga kalapit-bansa ng Pilipinas gaya ng pambansa.
Indonesya, Malaysia, Indiya, Arabia at Cambodia'y
nangag-ambag ng kani-kanilang panitikan sa Pilipinas Mga Layunin sa Pag-aaral ng Panitikang Pilipino
gaya ng mga epiko, alamat, kuwentong-bayan, awiting-
bayan, karunungang-bayan at mga iba't-ibang uri ng Bilang mga Pilipino ay tungkulin ng lahat na pag-aralan
dula. at pahalagahan ang kanilang panitikan. Ang mga dahilan
kung bakit nararapat nilang pag-aralan ito ay ang mga
Sa pagdating ng mga Kastila, ay kanilang sumusunod:
pinalaganap ang mga tradisyong Europeong napapaloob
sa comedia, corrido, awit, cenakulo, pasion at zarzuela. Una: Upang matanto natin ang kalinangang Pilipino, ang
henyo ng ating lahi at ang mga minanang yaman ng
Nang panahon ng Propaganda, ang mga kaisipan.
Pilipino'y nagsisulat sa Kastila, sa Tagalog at sa iba't-iba
pang wikaing Pilipino. Sumulat ang mga propagandista Ikalawa: Upang alaming tayo'y may marangal na
ng mga nobela, sanaysay, tula at mga artikulo sa tradisyong katulad ng sa ibang lahi.
pahayagang Tagalog at Kastila. Ang mga paksa ng
kanilang panitikan ay tungkol sa mga pagbabago, Ikatlo: Upang matalos ang mga kapintasan at
paglalantad ng mga katiwalian sa pamahalaan at kakulangan ng ating panitikan at mapag-aralang ito'y
simbahan at sa paghingi ng mga karapatan at maituwid.
katarungan ng mga mamamayang Pilipino. Ang kanilang
mga sinulat ang nagpatinag ng damdaming makabayan, Ikapat: Upang makilala ang ating mga kahusayan sa
nagbukas ng isipan ng mga Pilipino, nagbunsod sa panitikan at ang mga ito'y lalong mapaningning at
pagkakaisa at nagwakas sa himagsikan. mapayaman

Sa panahon ng Himagsikan ay nabago ang paksa Ikalima: Sapagkat tayo'y mga Pilipino, kailangang tayo'y
at istilo ng panitikan. Naging maapoy, patuligsa at magmalasan it at tumangkilik sa sariling atin.
mapaghamon ang panitikan. Ang mga paksa naman ay
pag-ibig sa bayan, paghahangad ng kalayaan at Pangkalahatang Uri ng Panitikan
pagtuligsa sa mga Amerikano. Ang wika ng panitikan ay
karaniwang Tagalog at Kastila. A. Tuluyan.
 Ang panitikan ay nauuri sa dalawang anyo, ang
Nang masakop ng Amerikano ang Pilipinas ay tuluyan at ang patula. Ang mga akdang tuluyan
mayroon pa ring nagsisulat ng laban sa kanila. Tinuruan ay yaong mga nasusulat sa karaniwang takbo ng
at sinanay ng mga Amerikano ang mga Pilipino sa ideya mga pangungusap samantalang ang mga
at edukasyong demokratiko. Madaling natuto ang mga akdang patula ay yaong ang mga pahayag ay
Pilipino ng wikang Ingles, sa loob lamang ng kumulang- may sukat o bilang ng mga pantig, tugma at
aliw-iw. Ang buong tula ay nahahati sa mga a. Kantahin
taludturan. Ang bawat taludturan ay binubuo ng  Ito'y tulang may sukat at tugma at ang layunin
mga taludtod o linia ng tula. nito'y para awitin. Ang halimbawa nito'y “Bahay
Kubo"

Bahay kubo, kahit munti


Ang halaman doon ay sari-sari
Singkamas at talong, sigadilyas at
mani Sitaw, bataw, patani.
B. Patula.
 Ang mga akdang patula ay may tatlong uri, ang b. Ang Soneto
tulang pasalaysay, tulang paawit, o liriko at  Ito'y isang tulang may labing-apat na taludtod at
tulang padula. ang bawa't taludturan ay tigalawang taludtod.
Ang halibawa nito sa Ingles ay ang mga Someto
(1) Ang tulang pasalaysay ni Jose Garcia Villa.
o tulang nagsasalaysay ng buhay na nasusulat ng
patula, may sukat at tugma. c. Ang Elehiya
o Halimbawa ang mga tulang "Evangeline" ni  Ito'y isang tulang nagpapahayag ng panimdim o
Henry Wadsworth Longfellow at ang "Florante pagkalumbay dahil sa isang minamahai na
at Laura" ni Francisco Balagtas. namatay. Ang Elegy n Thomas Gray sa Ingles ay
o Ang tulang pasalaysay ay nauuri pa ayon sa isang magandang halimbawa.
paksa, pangyayari at tauhan.
o Ang mga uri nito ay ang epiko at ang awit at d. Ang Oda
kurido. (metrical romance).  Ang oda'y isang tulang paghanga o pagpuri sa
isang bagay. Ito'y nasusulat sa masining na
a. Ang epiko pahayag. Ang "Ode to the Nightingale ay isang
 isang tulang pasalaysay na ang mga pangyayari oda.
ay tungkol sa pakikipagsapalaran, katapangan,
kabayanihan at may mga pangyayaring hindi (3) Ang Tulang Padula
kapanipaniwala ngunit nagbibigay ng aral. o Ang tulang padula'y itinatanghal sa dulaan. Ang
 Ang “Bantugan”, "Bidasari” at “Biag ni Lamang" usapan ng mga gumaganap ay patula. Ang
ay mga epiko. halimbawa nito'y ang dulang "La India Elegantey
El Negrito Amantre'" ni Francisco Baltazar.
b. Ang mga awit at kurido
 mga tulang pasalaysay na maaaring totoo o Ang mga Akdang Tuluyan
hindi sa buhay ng tao na ang mga pangyayari ay Ang mga akdang tuluyan ay marami. Ang mga ito y ang
hango sa mga buhay ng mga hari, reyna, mga sumusunod:
principe, konde a mga iba pang dugong mahal
na ang karaniwang paksa ay tungkol sa pag-ibig, A. Nobela o Kathambuhay.
paghihiganți, pagtatagisan ng talino o tapang,  Ang nobela 'y isang mahabang salaysay na
pananampalataya at pag-ibig at pagtulong sa nahahati sa mga kabanata. Ang mga pangyayari
kapwa. rito'y hango sa tunay na pangyayari sa buhay ng
 Ito ay mayroon ding mga pangyayaring hindi tao, sumasakop ng mahabang panahon at
kapanipaniwala at kababalaghan. ginagalawan ng maraming tauhan. Ang mga
 Ang halimbawa ng awit ay "Mohamet at halimbawa nito 'y ang "Banaag at Sikar Ni Lope
Constanzia" at ang kurido ay "Ang Ibong K. Santos at Madaling Araw' ni Iñigo Ed
Adarna". Regalado.

Ang mga Uri ng Nobela


(2) Ang mga tulang Liriko o paawit
o nahahati rin sa iba't-ibang uri. Ang mga ito'y ang 1. Nobeia ng Pangyayari
mga sumusunod:  Ang diin ng pagkakasulat ay nasa mga
pangyayari sa nobela. Ang halimbawa nito ay
ang "Luksang Tagumpay" ni Teofilo E. Sauto at  Dito sa kuwentong ito, ang binibigyan ng pansin
ang "Pinaglahuan*" ni Roman Reyes Guzman. at diin ay mga mahahalaga. kasindak-sindak at
mga pambihirang pangyayaring nakapagbabago
2. Nobela ng Tauhan sa mga tauhan.
 Ang binibigyan ng diin sa nobelang ito'y ang  Halimbawa nito y ang "Bahay na Bato" ni B. L.
katauhan ng pangunang tauhan, ang mga Rosales.
hangarin at mga pangangailangan ng mga
tauhan ang binibigyan ng pansin. Halimbawa 3. Kuwento ng Pakikipagsapalaran
nito ay ang Nalantang Bulaklak” at “Nena at  Nasa balangkas ng pangyayari at wala sa tauhan
Nenengº ni Valeriano H. Pena. ang kawilihan o interes sa kuwentong ito.
 Ang halimbawa nito'y ang "Bakya" ni Hernando
3. Nobela ng Romansa Ocampo at "Mabangis na Lunsod'' ni Efren R.
 Ang nobelang ito'y tungkol sa pag-iibigan o Abueg
romansa. Ito ang binibigyan ng diin. Halimbawa
nito'y ang "Naluoy na Pagsinta' ni Valeriano H. 4. Kuwento ng Kababalaghan
Peña at ang "Salawahang Pag-ibig" ni Lope K.  Mga di-kapanipaniwalang mga pangyayari
Santos. bukod pa sa mga katakutan ay siyang diin ng
kuwentong ito.
4. Nobela ng Pagbabago  Ang halimbawa nito ay ang "Paniningil ng Alila"
 Sa nobelang ito, ang binibigyan ng diin ay ang ni Salvador Roxas.
mga layunin ng may akda o ang kanyang mga
hinahangad na pagbabago sa lipunan at sa 5. Kuwento ng Tauhan
pamahalaan. Ang mga halimbawa nito'y ang  Sa kuwentong ito, ang interes at diin ay nasa
“Noli Me Tangere" at “El Filibusterismo” ni Dr. pangunahing tauhan.
Jose P. Rizal.  Halimbawa mito'y "Walong Taong Gulang" ni
Genoveva Edroza Matute.
5. Nobela ng Kasaysayan
 Ang nobelang ito'y nagsasalaysay ng mga 6. Kuwento ng Sikolohiko
pangyayaring kaugnay ng kasaysayan ng bayan.  Bihira ang sumusulat ng ganitong uri ng
Inilalarawan dito ang mga bayaning nag-ambag kuwento sapagkat may kahirapang ilarawan ang
ng kanilang pagtatanggol at pag-ibig sa bayan. pag-iisip ng isang tao. Ang kailangan ng
Kabilang dito sa uring ito ang "Paghihimagsik ng kuwentong ito'y maipadama sa mga bumabasa
Masa" ni Teodoro Agoncillo at ang “Filipino ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang
Rebel" ni Maximo Kalaw. pangyayari.
 “Ang Pusa sa Aking Hapag' ni Jesus A. Arceo at
B. Ang Maikling Kuwento ang "Dugo at Utak" ni Cornelio Reyes ay mga
 Ito'y isang maikling kathang pampanitikang halimbawa ng kuwentong ito.
nagsasalaysay ng pang-araw-araw na buhay na
may isa o ilang tauhan, may isang pangyayari at 7. Kuwento ng Katakutan
isang kakintalan.  Ang diin ng kuwentong ito ay nasa mga
nakasisindak na mga pangyayari ng
1. Kuwento ng Katutubong Kulay nakapagpapatinag ng damdamin at kilos ng mga
 Sa kuwentong ito, ang binibigyan ng diin ay ang bumabasa.
kapaligiran ng pinangyarihan, ang mga  Ang halimbawa nito'y "Gabi ng Lagim"'.
kaugalian at mga pananamit ng mga tauhan,
ang uri ng pamumuhay at hanapbuhay ng mga 8. Kuwento ng Katatawanan
tao sa nasabing pook.  Ang layunin ng kuwentong ito'y magpatawa at
 Mga halimbawa ng kuwentong ito ay “Suyuan bigyan ng aliw ang mga bumabasa.
sa Tubigan" ni Macario Pineda at “Nagbibihis na  Halimbawa ng kuwentong ito'y "Tubig sa
ang Nayon" ni Brigido Batungbakal Buslo"" ni Mateo Cruz Cornelio.

2. Kuwento ng Madulang Pangyayari K. Ang Dula


 Ang dula ay isang uri ng panitikang ang sa tunay na buhay. Karaniwan na ang paksa'y
pinakalayunin ay itangha sa tanghalan. Ito'y nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay,
nahahati sa ilang yugto at ang bawa't yugto ay kalagayan, pook at katawagan.
maraming tagpo. Karaniwan ang mga dula'y  Ang halimbawa ng alamat ay "Alamat ng
tatatluhing yugto. Ang tagpo naman ay ang Lansones" at "Alamat ng Bundok Makiling".
paglalabas - masok sa tanghalan ang bawa't
tauhan. E. Ang Pabula
 Halimbawa ng mga dula'y "Kahapon, Ngayon at  Ang pabula'y kuwento ng mga hayop at ng mga
Bukas" ni Aurelio Tolentino. bata. Ito'y laging may aral na napupulot. Ang
mga pabula'y likhang isip lamang ng mga
manunulat at walang katotohanan sa tunay na
buhay. Ang layunin nito'y gisingin ang isipan ng
Mga Uri ng Dula mga bata sa mga pangyayaring makahuhubog
Ang mga iba't-ibang uri ng dula ay ang mga: ng kanilang ugali, kilos at isipan.
 Ang halimbawa ng pabula'y "Ang Pagong at ang
1. Komedya Unggoy".
 Dulang nagtatapos sa tagumpay ng pangunang
tauhan. Masaya at kawiliwili sa mga nanonood. G. Ang Sanaysay
 Halimbawa nito'y Ang Piso ni Anita" ni Julian  Ang sanaysay ay pagpapahayag ng kurukuro o
Cruz Balmaceda. opinyon ng may akda tungkol sa isang suliranin
o pangyayari. Ito'y isang paglalahad at may
2. Trahedya dalawang uri.
 Dulang nagtatapos sa kamatayan o kalungkutan
ng pangunang tauhan. Ito'y kinapapalooban ng 1. Pormal na Sanaysay
mga mahihigpit na tunggalian. Ang mga tauhan  Ang paksa nito'y hindi karaniwan at kailangan
ay mapupusok at may maaapoy na damdamin. ang matiyangang pag-aaral at pananaliksik ng
 Halimbawa "Lakambini' ni Patricio Mariano. susulat.
 Halimbawa "Ano ang Katarungang Panlipunan?”
3. Melodrama
 Ang dulang ito'y may mga malulungkot na 2. Inpormal na Sanaysay
pangyayari na halos ang mga pangunang tauhan  Ang mga paksa ng inpormal na sanaysay ay
ay mabingit sa kamatayan ngunit sa bandang yaong mga karaniwan lamang at hindi na
huli'y magtatagumpay din sila at magwawakas nangangailangan ng lubusang pag-aaral upang
sa kaligayahan. makasulat ng ganitong uri ng sanaysay.
 Halimbawa "Minda Mora' ni Severino Reyes. Kadalasan ng mga paksa'y hugot sa karanasan
ng sumulat, dili kaya'y bunga ng kanyang
4. Parsa obserbasyon o pananaw.
 May layunin ang dulang itong magpatawa at  Halimbawa "Ang Pinakamaligayang Sandali sa
libangin ang mga nanonood. Ang mga Aking Buhay.”
situwasyon ay katawa-tawa maging ang mga
kilos at pananalita ng mga tauhan. H. Talambuhay
 Halimbawa "Pakakak'" ni Patricio Mariano.  Ang talambuhay ay kasaysayan ng buhay ng
isang tao. Ito'y may dalawang uri.
5. Saynete
 Ito'y isa ring dulang ang pinakalayunin ay 1. Talambuhay na Pansarili
magpatawa ngunit aug mga pangyayari ay  Ang may-akda ang sumulat ng kanyang sariling
karaniwan lamang Ang mga gumaganap ay tau- buhay, ngunit sa kanyang kamatayan ay iba na
tauhan at nasa likod ng telon ang mga taong ang magtatapos.
nagsasalita. Ito'y mayroon ding awitan.  Halimbawa “Ang Mabuting Pakikipaglaban"
(The Good Fight) ni Pang. Manuel L. Quezon.
D. Ang Alamat
 Ang alamat ay isang uri ng tuluyang ang mga 2. Talambuhay na Paiba
pangyayari ay likhang isip lamang at hindi totoo
 Ito'y kasaysayan ng buhay ng isang taong sinulat Ang mga sanaysay, talumpati, balita o anumang uri ng
ng iba. mga akdang tuluyan ay maaaring talakayin sa apat na
 Halimbawa “Itinadhana sa Kadakilaan" ni paraan.
Anacleto I. Dizon.
1. Pagsasalaysay
I. Balita  Ito'y isang uri ng pagpapahayag na
 Ito'y isang paglalahad ng mga pangaraw-araw nagsasalaysay ng isang karanasan ng sumulat.
na pangyayari sa lipunan, pamahalaan,  Halimbawa nito, “Isang Kahiya-hiyang
paaralan, sa mga sakuna, sa industriya, sa pangyayari sa Buhay Ko."
agham at sa mga iba't-ibang paksa sa buong
bansa at sa ibayong dagat man. 2. Paglalahad
 Ito'y tumatalakay sa isang suliranin. Nagbibigay
ito ng mga dahilan at nagpapayo ng mga
L. Talumpati kalutasan. Tinatalakay din ng paraang ito ang
 Ito'y isang akdang pampanitikang ang layunin ay pagbibigay ng katuturan sa isang idea o
bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Ang mga konsepto. Nagmumungkahi rin ito ng paraan ng
layunin ng talumpati ay humikayat, paggawa ng isang bagay.
magpaliwanag, magbigay ng impormasyon,  Halimbawa — “Ano ang Demokrasya?"
mangatuwiran at magbigay ng opinyon o
paniniwala. 3. Paglalarawan
 Halimbawa “Ang Paghihimagsik ng mga Dukha''  Ang paraang ito'y paraang kumukuha ng
ni Pang. Ferdinand E. Marcos. larawan ng isang bagay, tao o lunan.
Binabanggit dito ang mga detaly ng mga
Mga Bahagi ng talumpati: katangian o kapintasan ng tao o bagay na
namamalas.
1. Panimula  Halimbawa – “Ang Maynila kung Tag-ulan.''
 Ang panimula ay nagpapaliwanag sa okasyon at
dahilan ng pagtatalumpati gayon din ang 4. Pangangatuwiran
pagbati sa mga nakikinig. Kasama na rin sa  Ang layunin ng paraang ito'y upang humikayat
panimula ang pagpapaliwanag sa paksa ng sa bumabasa o sa mga nakikinig na pumanig sa
talumpati. opinyon ng nagsasalita o sa sumulat. Malinaw
na mga pangangatwiran ang kanyang ibibigay at
2. Paglalahad sinasamahan ito ng mga katunayan upang
 Ito ang katawan ng talumpati. Dito sa bahaging lalung maniwala sa kanyang kurukuro ang mga
ito tinatalakay ng nagsasalita ang kanyang bumabasa o nakikinig.
paksa.  Halimbawa“Kailangan ang Diborsyo sa
Pilipinas."
3. Paninindigan
 Sa bahaging ito nagbibigay ang nagsasalita ng
mga katunayan ng kanyang mga sinabi. Wika ng Panitikang Pilipino
Hinihikayat niya ang mga nakikinig na umayon
sa kanyang paniniwala, kailangang ang kanyang Noong bago dumating ang mga Kastila ang wika
mga pahayag ay malinaw, makatwiran, ng Panitikang Pilipino ay marami sapagkat ang mga
makatotohanan at makabuluhan. Pilipino ay nagsasalita ng mahigit sa isang daang mga
wikain. Ang mga laganap na wika ay Tagalog, Bisaya,
4. Pamimitawan Muslim, Ilukan, Kapampangan , Bikol at Pangasinan.
 Ang bahaging ito'y nagbibigay ng konklusyon sa Noong batas na nagtakda ng isang Pambansang wika
talumpati. Iiwanan ng nagsasalita ang magaling para sa Pilipinas. Nang dumating ang mga Amerikano ay
na impresyon o kakintalan sa mga nakikinig. pinalaganap ang Ingles at ito'y madaling naging isa sa
Bibigyan niya ng buod ang kanyang mga sinabi mga wika ng panitikan. Ang wikang Kastila'y mahigit na
upang huwag makalimutan ng mga nakikinig tatlong daang taong ginamit din ng mga manunulat ng
Pilipino. Itinakda ng batas na ang mga opisyal na wika
Mga Paraan ng pagpapahayag ng Pilipinas ay Pilipino, Ingles at Kastila. Sa kasalukuyan
ay nagtakda ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ng
Edukasyong Bilingguwal na nagtatakdang gamitin at Kailangang pag-aralan ang panitikang Pilipino
ituro sa lahat ng antas ng pag-aaral, mula sa elemen dahilan sa mga sumusunod na katwiran:
tarya, sekundarya at kolehiyo ang Pilipino at Ingles. Ang
dalawang wikang ito'y ituturo hiwalay bukod pa sa
pagtuturo ng mga asignaturang may kinalaman sa
agham panlipunan, ay sa Pilipino ituturo. Sa
kasalukuyan ay nakahihigit na ang paglaganap ng
Pilipino kaysa Ingles. Ito'y napatunayan sa pagdami ng
mga nakapagsasalita at nakasusulat na sa Pilipino.
Marami na rin ang mga babasahin at pahayagan sa
Pilipino. Ito'y nagpapatunay na kasalukuyang
yumayabong ang Panitikan sa Pilipino at maganda ang
hinaharap nito.

BUOD

Ang panitikan ay lakas na nakapagbabago sa


pag-unlad ng lipunan at kabihasnan. Ang panitikan ay
liwanag na walang pagmamaliw. Mamamatay lamang
ito kung wala ng wika sa daigdig at ang mga tao'y hindi
na makapag. papahayag ng kanilang damdamin at
isipan. Ang panitikan ang nag-iingat ng nga isipan,
damdamin, panaginip, hangarin at diwa ng mga
mamamayan. Ang tunay na panitikan ay kalipunan ng
mga diwa, panaginip at damdamin ng tao na nasusulat
sa maganda, madiwa at masining na pahayag.

Ang panitikan at kasaysayan ay magka-ugnay.


Ang panitikan ang nagbibigay ng inspirasyon at
nagpapagalaw sa damdamin ng tao samantalang ang
kasaysayan ay siyang gumaganap o kumikilos upang
tuparin ang ipinahahayag ng panitikan. Sumulat si Rizal
ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo upang humingi
ng pagbabago sa Espanya at sa kanyang mga kababayan
at ang naging wakas ay ang himagsikang pinamunuan ni
Andres Bonifacio. Ito ang kasaysayan.

Ang panitikan ay maaaring pasalita o pasulat.


Kung ito'y pasalita ay nasasalin sa mga sumusunod na
salin ng lahi sa pamamagitan ng pagkukuwento ng mga
matatanda.

Ang panitikan ay nahahati sa 2 pangkalahatang


uri, ang tuluyan at patula. Ang tuluyan ay nasusulat sa
karaniwang takbo ng pahayag. Ang mga halimbawa
nito'y nobela, maikling kuwento, talambuhay, dula,
talumpati, sanaysay, balita at ulat. Ang tula naman ay
nahahati sa apat na uri, ang tulang paawit, tulang
pasalaysay, tulang padula at tulang patula.

You might also like