You are on page 1of 39

Ano ang Panitikan?

• Ang panitikan ay salamin ng


ating kasaysayan-nakikita rito
ang mga buhay mula't mula pa
man hanggang sa kasalukuyan.
• Ang panitikan ay salamin ng isang lahi at bawat
bansa ay may natatanging panitikan na maaring
naimpluwensiyahan at nakaimpluwensiya sa iba.
Matutunghayan natin sa araling ito ang mga
matatayog at mararangal na kaisipan at
damdamin hinabi sa pamumuhay, paniniwala at
mga pangarap at adhikain ng mga ninuno mula
pa noong unang panahon hanggang sa
kasalukuyan, Tatalakayin ang kahulugan ng
panitikang Pilipino at mga bahagi nito.
Ano ang kahulugan
ng
Panitikan?
•Ay nagpapahayag ng damdamin
ng tao tungkol sa ibat ibang bagay
sa daigdig

• Ang salitang panitikan ay


kinuha sa salitang pang-titik-an".
Ito ay batay sa salitang "titik
nangunguhulugang "literatura"
(literature)
•Ito rin ay nagsasabi at nagpapahayag ng
mga ideolohiya, kaisipan. damdamin,
karanasan, hangarin, at diwa ng mga tao.
Kasabay dito, ito rin ang pinakapayapak
na paglalawarawan sa pagsulat ng tuwiran
tuluyan, at patula.
•Ay isang anyo ng pagpapahayag ng tao na
binubuo ng maayos at masining na
pagtitipun-tipon ng mga salita, sa tula o sa
tuluyang anyo man na ginagamitan ng
imahinasyon.
•Ang panitikan ay ang nasusulat na tala ng
pinaka mabuting kaisipan at damdamin ng tao.

• Ang panitikan ay pag-aaral ng kariktan at


kahulugan ng buhay at pamumuhay na
nagmumulat sa bayan upang paglrip-lripin ng
balana ang maraming palaisipan dumarating sa
buhay ng bawat nilalang.
•Ang panitikan ay
talaan ng buhay.
•Bungang-isip na
isinatitik.
Ito ay nasusulat na
tala ng
pinakamabuting
kaisipan at
damdamin ng tao.

-W.J. Long
Ang panitikan ay
katipunan ng
magaganda,
mararangal, masisining
at madamdaming
kaisipang nagpapahayag
ng mga karanasan at
lunggati ng isang lahi.
-Ponciano B.P.
Pineda
Kasaysayan ng kaluluwa ng
mga mamamayan. Nasasalamin
ang mga layunin, damdamin,
panaginip, pag-asa, hinaing at
guni-guni ng mga mamamayan
na nasusulat o binabanggit sa
maganda, makulay,
makahulugan, matalinghaga at
masining na mga pahayag.

-Maria Ramos
Pagpapahayag ng mga
damdamin ng tao
hinggil sa bagay-bagay
sa daigdig, sa
pamumuhay, sa lipunan
at pamahalaan at sa
kaugnayan ng kaluluwa
a bathalang Lumikha.

- J. Panganiban/Honorio Azarias
Lalic, E.D. at Matic, Avelina J (2004)

Ang panitikan ng isang lahi ay ulat


na nagpapakilala ng pagkukuro at
mga damdamin ng lahi nito. Sa
panitikan ng isang bansa mababakas
ang mga kaisipan at mga bagay na
nilulunggati, kinahuhumalingan o
kinasusuklaman ng lahi nito.
Bro. Azarían

sa kanyang Pilosopiya ng Literatura, ang


panitikan ay pagpapahayag ng mga
damdamin ng tao hinggil sa mga bagay
bagay sa daigdig sa pamumuhay, sa
lipunan, at pamahalaan, at kaugnayan ng
kaluluwa sa Bathalang Lumikha
Webster (1947),

ang panitikan ay katipunan ng mga


akdang nasusulat na makikilala sa
pamamagitan ng malikhaing
pagpapahayag, aestetikong anyo,
pandaigdigang kaisipan at kawalang-
malliw.
Arrogante (1983),

talaan ng buhay ang panitikan sapagkat


dito naisisiwalat ng tao sa malikhaing
paraan ang kulay ng kanyang buhay, ang
buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig
ng kanyang kinabibilangan at
pinapangarap.
Luz de la Concha at Lamberto Ma.
Gabriel (1978)
ng katuturan ang panitikan bilang
salamin ng lahi, kabuuan ng mga
karanasan ng isang bansa, kaugalian,
paniniwala, pamahiin, kaisipan, at
pangarap ng isang lahi na
ipinahahayag gamit ang piling salita sa
isang maganda at masining na paraan,
nakasulat man o hindi.
Ayon naman kina Salazar (1995),
ang panitikan ay siyang lakas na
nagpapakilos sa alinmang uri ng
lipunan.
1. Upang makilala natin ang ating
sarili bilang Pilipino, at matalos
natin ang ating pinagyaman ng isip
at ang angking talino ng ating
pinanggalingang lahi.
2. Tulad ng ibang lahi sa daigdig dapat
nating mabatid na tayo'y may dakila at
marangal na tradisyonng siya nating
ginawang sandigan ng pagkabuo ng
ibang kulturang nakarating sa ating
bansa.
3. Upang matanto natin ang
ating mga kakulangan sa
pagsulat ng panitikan at
makapagsanay na ito'y
matuwid at maayos.
4. Upang makilala at magamit
natin ang ating mga
kakayahan sa pagsulat at
magsikap na Ito'y malinang at
mapaunlad.
5. Higit sa lahat, bilang mga
Pilipinong nagmamahal sa
sariling kultura ay kailangang
maipamalas ang pamamalasakit
sa ating sariling panitikan.
Ang panitikan ay may dalawang impluwensiya sa
buhay, kaisipan at ugali ng tao.

1. Nagpapaliwanag sa kahulugan ng kalinangan


at kabihasnan ng lahing pinanggalingan ng
panitikan.

2. Dahil sa panitikan, ang mga tao sa


sandaigdigan ay nagkakalapit ng mga
damdamin at kaisipaan.
Mga akdang nagdala ng impluwensiya sa Daigdig

1. Ang Banal na Kasulatan- mula sa Palestina


at Gresya. Ito ang naging batayn ng
pananamplatayang Kristiyano.

2. Koran- galing sa Arabia, Pinaka-


Bibliya ng mga Muslim.
Mga akdang nagdala ng impluwensiya sa Daigdig

3. ILIAD AT ODESSEY- ni Homer ng Gresya.


Kinatutunan ito ng kanilang mitolohiya o
palaaalamatan.

4. Mahabharata- ng India na naglalaman


ng kasaysayan ng mga dating Indo at ng
kanilang pananampalataya.
Mga akdang nagdala ng impluwensiya sa Daigdig

5. Divina Comedia- ni Dante Aliegheri ng


Itaya, na nag-uulat ng moralidad,
pananampalatay at pag- uugali ng mga
Italyano.

6. Aklat ng mga Patay-(Ehipto)- na


kinapapalooban ng miitolohiya at teolohiya
ng mga taga-Ehipsio.
Mga akdang nagdala ng impluwensiya sa Daigdig

7. Aklat ng mga Araw-sinulat ni Confucius na


naging batayan ng kalinangan, karunungan, at
pananampalataya ng mga Intsik.

8. Canterbury Tales ni Chaucer ng


Inglatera, na naglalarawan ng mga pag-
uugali ng mga Ingles at ng kanilang
pananampalataya noong unang panahon.
Mga akdang nagdala ng impluwensiya sa Daigdig

9. EL CID COMPEADOR (ESPANYA)- na


nagpapahayag ng katangiang panlahi ng mga
Kastila at ng kanilang mga alamat at
kasaysayang pambansa noong unang panahon.
Mga akdang nagdala ng impluwensiya sa Daigdig

10. Uncle Tom "s Cabin ni Harriet Beecher


Stowe ng Estados Unidos na nagbukas ng
mga mata ng mga Amerikano sa kaapihan ng
mga lahing itim at naging batayan ng
simulain ng demokrasya.
Mga akdang nagdala ng impluwensiya sa Daigdig

11. Sanlibo't Isang Gabi (Arabia at


Persiya) na nagsasaad ng mga ugaling
pampamahalaan, panlipunan, at
pangkabuhayan at panrelihiyon ng mga
Silanganin.
Mga akdang nagdala ng impluwensiya sa Daigdig

12. Awit ni Rolando na kinapapalooban ng


Roncesvalles at Doce Pares ng Pransiya na
nagsasalaysay ng gintong panahon ng
sangkakristiyanuhan at ng amkulay na
kasaysayan ng mga Pranses.
Mga Tagapag-ulat

GABANE, Marienne Angieline A. GABIANA, Judy Ann G.


MEREMENG SELEMET
SE PEKEKENEG! EHE

You might also like