Professional Documents
Culture Documents
-Bro. Azarias
“Anumang bagay raw na naisasatitik,
basta may kaugnayan sa pag-iisip at
damdamin ng tao, maging ito’y totoo,
kathang-isip, o bungang tulog lamang ay
maaring tawaging panitikan. ”
-Webster
“Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng
mamamayan. Sa panitikan nasasalamin ang mga
layunin, damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing,
at guniguni ng mga mamamayan na nasusulat at
binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan,
matalinhaga, at masining na mga pahayag.”
-Maria Ramos
Ang kasaysayan ay naisatitik at
tunay na nangyari kaya’t ito’y
makatotohanang panitikan.
Halimbawa:
“Isang Karanasang Hindi Ko Makakalimutan”
PAGLALAHAD
- isang paraang nagbibigay katuturan sa isang ideya o konsepto
-nagmumungkahi rin ito ng paraan ng paggawa ng isang bagay.
- tumatalakay rin ito sa suliranin, nagbibigay dahilan, at
nagpapayo ng mga kalutasan.
Halimbawa:
“Ano Ang Panitikan?”
PAGLALARAWAN
– isang paraang naglalarawan ng isang bagay, tao, o
lunan.
- ang mga detalye ng katangian,o kapintasan ng tao o
bagay na namamalas ay nababanggit dito.
Halimbawa:
“Maynila…Kulay Anyo ng Lahi”
PANGANGATWIRAN
- naglalayong humikayat sa bumabasa o sa mga nakikinig
na pumanig sa opinion ng nagsasalita o sa sumulat ang
paraang ito.
Bakit Dapat Mag-aral
ng Panitikan?
Bakit Dapat Mag-aral ng Panitikan?
Upang makilala natin ang ating sarili bilang Pilipino,
at matalos ang ating minanang yaman ng isip at
angking talino ng ating pinanggalingang lahi.
Koran
– ang pinakabibliya ng mga Muslim na nagmula
sa Arabia.
Ilan sa mga akdang pampanitikan na
nagdala ng impluwensya sa buong daigdig:
Ang Iliad at Odyssey
– ang kinatutuhan ng mga mitolohiya at paalamatan
ng Gresya. Ang akda nito ay si Homer.
Ang Mahabharata
– ang ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa
daigdig. (Naglalaman ito ng kasaysayan ng
pananampalataya ng Indiya.)
Ilan sa mga akdang pampanitikan na
nagdala ng impluwensya sa buong daigdig:
Canterbury Tales
– naglalarawan ito ng pananampalataya at pag-
uugali ng mga Ingles noong unang panahon. Galing ito sa
Inglatera at sinulat ni Chaucer.
Nobela
- isang mahabang salaysaying nahahati sa mga
kabanata. Hango sa tunay na buhay ng tao ang
mga pangyayari at sumasakop sa mahabang
panahon. Ginagalawan ito ng maraming tauhan.
6. Kuwento ng Katatakutan
- ang damdamin ng katauhan ang binibigyan-diin at
mahalaga ang bisa at kaisahan ng kwento.
7. Pakikipagsapalaran
- ito ay pagsubaybay sa mga pangyayari sa buhay ng
pangunahing tauhan.
Akdang Tuluyan
8. Madulang Pangyayari
- ang pangyayari ay lubhang mahalaga at nagbubunga
ng isang bigla at kakaibang pagbabago
9. Kuwento ng Talino
- pagkakabuo ng balangkas sa halip na ang mga
tauhang gumaganap.
Halimbawa:
“Kahapon, Ngayon, at Bukas” ni Aurelio Tolentino
Akdang Tuluyan
Sanaysay
- ito’y pagpapahayag ng kuru-kuro o opinion ng may-
akda tungkol sa isang suliranin o pangyayari. Ang
pinakamahusay na halimbawa nito’y ang bahagi ng
Editoryal ng isang pahayagan.
Uri ng Sanaysay
1. Maanyo o Pormal - maingat na pagpili ng salita,
maayos at mabisang paglalahad ng kaisipan.
2. Malaya o di-pormal - higit na madali at magaang
sulatin sapagkat simple, kadalasang natural ang
paglalahad ng mga kaisipan.
Akdang Tuluyan
Talambuhay
- ito’y tala ng kasaysayan ng buhay ng isang tao.
Maaaring ito’y pang-iba o pansarili.
Uri ng Talambuhay
1. Pansarili
- ang may-akda ang sumulat ng kanyang sariling
talambuhay.
2. Paiba
- ang talambuhay ay isinulat ng ibang tao.
Akdang Tuluyan
Alamat
- ito’y mga salaysaying hubad sa katotohanan. Tungkol sa
pinagmulan ng bagay ang karaniwang paksa nito.
Halimbawa: “Ang Alamat ng Pinya”
Ang Pabula
- mga salaysayin din itong hubad sa katotohanan ngunit
ang layuni’y gisingin ang isipan ng mga bata sa mga
pangyayaring makahuhubog ng kanilang ugali at
pagkilos. Natutungkol sa mga hayop ang kuwentong ito.
Halimbawa: “Ang Pagong at Ang Unggoy”
Akdang Tuluyan
Anekdota
- mga likhang-isip lamang ng mga manunulat ang mga
maikling salaysaying ito na ang tanging layunin ay
makapag-bigay aral sa mga mambabasa. Maaaring
ito’y isang kwento ng mga hayop o mga bata.
Halimbawa:
“Ang Gamu-gamo at Ang Munting Ilawan”
Akdang Tuluyan
Balita
- ito’y isang paglalahad ng mga pang araw-araw na
pangyayari sa lipunan, pamahalaan, mga industriya
at agham, mga sakuna, at iba pang paksang
nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong
dagat.
Halimbawa:
“TV Patrol, News TV at 24 Oras”
Akdang Tuluyan
Talumpati
- ito’y isang pagpapahayag na sa harap ng mga
taga pakinig. Ang layunin nito ay humikayat,
magbigay ng impormasyon, mangatwiran,
magpaliwanag, at magbigay ng opinion o
paniniwala.
Akdang Tuluyan
Parabula
- ito’y mga salaysaying hango sa Bibliya na tulad
ng anekdota. Ang layunin nito’y makapagbigay-
aral sa mga mambabasa o nakikinig.
Halimbawa:
“Ang Matandang Mayaman at Si Lazaro”
Mga Akdang Patula
Awit at Korido
- ang mga ito’y may paksang hango sa
pangyayari tungkol sa pagkamaginoo at
pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay mga
hari at reyna, prinsesa’t prinsipe.
- Ang dalawang ito’y nagkakaisa sa kaharian.
Mga Uri ng Tulang Pasalaysay:
Ang awit ay may sukat na labindalawang (12) pantig
at inaawit ng mabagal sa saliw ng gitara o bandurya.
Halimbawa ng Awit:
“Ibong Adarna” ni Jose Dela Cruz
Bernardo Carpio” ni Jose Dela Cruz
.
Balad
- ito’y may himig na awit dahilang ito ay inaawit,
habang may nagsasayaw.
- Ito ay nilikha noong unang panahon.
- Sa kasalukuyan ay napapasama ito sa tulang
kasaysayan na may anim hanggang walong pantig.
Halimbawa:
Kundiman sa Gitna ng Karimlan
Mga Uri ng Tula ng
Damdamin o Tulang Liriko
Tulang Liriko
- ay nagpapahayag ng damdaming maaaring
sarili ng sumulat o ng ibang tao, o kaya’y likha
ng maharaya o mapangaraping guni-guni ng
makata na batay sa isang karanasan.
Karaniwang maikli, likas, at madaling
maunawaan ang mga ito.
Mga Uri ng Tulang Liriko
Awit
- ang karaniwang paksa ng uring ito ay pag-ibig,
kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba,
kaligayahan, pag-asa, at kalungkutan.
Soneto
- ito’y tulang may labing apat na taludtod hinggil sa
damdamin at kaisipan, may malinaw na batiran ng likas
na pagkatao, at sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa
mambabasa.
Halimbawa:
“Soneto ng Buhay” ni Fernando B . Monleon
Mga Uri ng Tulang Liriko
Elehiya
- nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa
kamatayn o kaya’y tula ng pananangis lalo na sa
paggunita ng isang yumao.
Halimbawa:
“Awit Sa Isang Bangkay”
Dalit
- awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at
nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay.
Mga Uri ng Tulang Liriko
Pastoral
- ito’y may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa
bukid.
Halimbawa: “Bayani ng Bukid”
Oda
- nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang
masiglang damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig
o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong.
Halimbawa: “Tumangis Si Raquel”
Tulang Dula
o
Pantanghalan
Tulang Dula o Pantanghalan
Saklaw ng uring ito ang mga sumusunod:
Komedya
- isang gawa na ang sangkap ay piling-pili at ang
pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang
kawilihan ng manonood.
- Nagwawakas ito ng masaya.
- Ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa
pagkakasundo ng mga tauhan na siyang
nakapagpapasiya ng damdamin ng manonood.
Tulang Dula o Pantanghalan
Melodrama
- karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal,
kasama na ang opera.
- Ngunit ngayon ito ay may ugnayan sa trahedya katulad
ng parsa sa komedya.
- Ang sangkap ng uring ito ng dula ay malungkot ngunit
nagiging kasiya-siya ang katapusan para sa
pangunahing tauhan ng dula.
Tulang Dula o Pantanghalan
Trahedya
- angkop ang uring ito ng dula sa mga tunggaliang
nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng
pangunahing tauhan.
Parsa
- isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa
pamamagitan ng mga kawing-kawing na mga pangyayaring
nakakatawa.
Saynete
- ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag-
uugali ng tao o pook.
Tulang Patnigan
Tulang Patnigan
Karagatan
- ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na
naihulog niya sa dagat sa hangarin nitong mapangasawa
ang kasintahang mahirap. Hinamon niya ang mga
binatang may gusto sa kanya na sisirin ang singsing sa
dagat at ang makakakuha’y pakakasalan niya.
- Sa larong ito, isang kunwa’y matanda ang tutula hinggil
sa dahilan ng laro; pagkatapos ay paiikutin ang isang
lumbo o tabo na may tandang puti at ang sinumang
matapatan ng tandang ito paghinto ay siyang tatanungin
ng dalaga ng mga talinhaga.
Tulang Patnigan
Duplo
- ito ang humalili sa karagatan.
- Ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas at
pangangatwiran ng patula.
- Ang mga pangangatwiran ay hango sa Bibliya, sa
mga sawikain, at mga kasabihan.
- Karaniwang nilalaro upang aliwin ang mga
namatayan.
Tulang Patnigan
Balagtasan
- ito ang pumalit sa duplo at ito’y sa karangalan ng
Siesne ng Panginay na si Francisco “Balagtas”
Baltazar.
- Ito’y tagisan ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang
pangangatwiran sa isang paksang pinagtatalunan.
Ang salitang baybayin ay isang katagang pangkalahatan sa
wikang Tagalog na tinutukoy ang lahat ng titik na ginagamit sa
pagsulat ng isang wika.
.
Tinanggal lámang niya ang “f” kayâ naging alibata. Gayunman, walang
nakitang patunay sa kasaysayan na may kaugnayan ang baybayin sa
alpabetong Arabe.
.
Ang mga pantig na ito ay pinagsasama upang mabuo ang mga salita. Subalit
sa mga tinatawag na papantig na paraan ng pagsulat, tulad ng baybayin, ang
bawat titik ay katumbas ng isang buong pantig.
.
Tatlo lamang ang mga patinig dahil hindi binigyang pansin ang kaibahan ng
bigkas sa I at E, at sa U at O sa maraming wika ng mga sinaunang Filipino bago
nila hiniram ang mga salitang Kastila. Hanggang ngayon, mapagpapalit ang mga
patinig na ito sa mga salita tulad ng lalaki/lalake, babae/kababaihan, uod/ood,
puno/punung-kahoy, at oyaye/oyayi/uyayi (duyan o panghehele). Ang baybayin ay
katulad ng alphabet na Ingles na may limang titik na patinig ngunit may iba't
ibang bigkas ang bawat isa.
Mga Huling Katinig
.
Nakita na natin na may mga bukod na titik para sa mga
patinig na hindi sumusunod sa isang katinig, ngunit papaano
ang mga katinig na hindi sinusundan ng isang patinig?
.
hindi:
hindi:
Ang Kastilang Kudlit +
Inimbento ng isang prayleng Kastila na si Francisco Lopez ang
isang bagong uri ng kudlit noong taong 1620 upang malutas ang
suliranin sa pagsulat ng mga huling katinig. Hugis krus ang kaniyang
kudlit at inilagay niya ito sa ibaba ng mga titik upang bawiin ang
tunog ng patinig. Halimbawa:
Hindi tinanggap ng mga Filipino noon ang paraan ni
Lopez dahil nakasagabal lamang daw ito sa madaling
pagsulat at hindi naman kasi sila nahirapan sa pagbasa sa
dating paraan.
.
Ngunit popular na ngayon ito sa mga taong natuklasan
muli ang baybayin na hindi nakakaalam ng pinagmulan ng
Kastilang kudlit.
Heto ang dalawang anyo ng isang awit. Sa kaliwa, ginamit ang
kudlit ni Lopez (+) at pinaghiwalay ang mga salita upang madaling
basahin. Sa kanan naman, makikita ang paraan ng pagsulat ng mga
sinaunang Filipino.
PAGSASANAY
.
1. KAMUSTA
2. JUSTINE
3. MICHAEL
4. SINGAW
5. BUHAYIN
Panuto: Mula sa baybayin, tukuyin ang kahulugan
ng mga sumusunod.
Sagot:
1. Pagsasanay - PA-G-SA-SA-NA-Y
2. Espanyol - E-S-PA-N-YO-L
3. Bantas - BA-N-TA-S