You are on page 1of 8

SCHOOL OF LIBERAL ARTS

PANITIKAN
WEEK 2

✓ INTRODUKSYON
TUNGKOL SAAN ANG MODYUL NA ITO?
Ang modyul na ito ay sumasaklaw sa pag-aaral ng mga pangunahing akdang pampanitikan sa Pilipinas. Sa
pamamagitan ng pagbabasa ng mga akdang pampanitikan ng iba’t ibang rehiyon malalaman ang nakatagong
kultura ng sinaunang panahon na maiuugnay sa kasalukuyan

TUNGKOL SAAN ANG UNIT NA ITO?


1. Pangkalahatang uri ng panitikan
(Genreng Pampanitikan)

✓ INAASAHANG BUNGA SA UNIT NA ITO


Sa pagtatapos ng pag-aaral sa Modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang magtatamo ng mga sumusunod:

Kognitibo Naiisa-isa ang pangkalahatang uri ng genreng pampanitikang naging bahagi ng panitikang Pilipino.
Apektibo Nagagamit ang dating kaalaman at karanasan sa pang-unawa sa mga uri ng panitikan.
Psychomotor Nakagagawa ng sariling akda na tumatalakay sa napiling uri ng panitikan.

✓ PANIMULANG GAWAIN
Ano ba ang alam mo?
Bago magsimula ang talakayan, alamin muna natin ang iyong kaisipan tungkol sa paksa.
Panuto: Ibigay ang sariling pang-unawa o kaalaman tungkol sa kahulugan at halimbawa ng akdang
tuluyan at akdang patula.

TULUYAN PATULA
✓ MGA ARALIN SA PAGKATUTO
Pangkalahatang Uri ng Panitikan
Tuluyan- maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng pangungusap

❖ Uri ng anyong Tuluyan

1. Nobela
- tinatawag ding kathambuhay, mahabang salaysay ng mga kawing-kawing at masalimuot na
pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon, kinasangkutan ng maraming tauhan at
nahahati sa kabanata.
• Nobela ng pangyayari
• Nobela ng tauhan
• Nobela ng romansa
• Nobela ng pagbabago
• Nobela ng kasaysayan

2. Maikling kwento - isang salaysay ng isang natatangi at mahalagang pangyayari sa buhay ng isang
pangunahing tauhang may suliranin. Ito’y nagtatapos sa isang takdang panahon at nag-iiwan ng isang
kakintalan o impresyon.
3. Dula - hindi matatawag na dula ang isang akda kung ito’y isinulat at hindi itinanghal sa entablado.
4. Alamat - salaysaying nauukol sa pinagmulan ng bagay, pook o pangyayari.
5. Pabula - may tauhang hayop ang nagsisiganap, nagsasalita at kumikilos. Kwentong nag-iiwan ng aral.
6. Parabula - ito kwentong hinango sa Bibliya na may kapupulutan ng magandang kaisipan at mabuting
asal.
7. Sanaysay - naglalahad ng mga kuro-kuro at pansariling kaisipan ng isang manunulat.
8. Talambuhay - naglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao.
9. Anekdota - mga likhang-isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling salaysaying ito na ang
tanging layunin ay makapag-bigay aral sa mga mambabasa. Maaaring ito’y isang kwento ng mga
hayop o mga bata.
10. Balita - ito’y isang paglalahad ng mga pang araw-araw na pangyayari sa lipunan, pamahalaan, mga
industriya at agham, mga sakuna, at iba pang paksang nagaganap sa buong bansa o maging sa
ibayong dagat.
11. Talumpati - ito’y isang pagpapahayag na sa harap ng mga taga pakinig. Ang layunin nito ay
humikayat, magbigay ng impormasyon, mangatwiran, magpaliwanag, at magbigay ng opinion o
paniniwala.
❖ Uri ng anyong Tuluyan
Patula
- masining na pagsasama-sama ng salita upang makabuo ng taludtod na may sukat at tugma, kung
walang sukat at tugma, ito ay tinatawag na malayang taludturan

a. Liriko o tulang pandamdamin- nagsasaad ng marubdob na pagdamdam sa isang paksa. Tula ng


puso
• Awit - ang karaniwang paksa ng uring ito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati,
pangamba, kaligayahan, pag-asa, at kalungkutan.
• Soneto – ito’y tulang may labing apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan, may malinaw
na batiran ng likas na pagkatao, at sa kabuuan, ito’y naghahatid ng aral sa mambabasa.
• Elehiya – nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayn o kaya’y tula ng
pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.
• Dalit – awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa
buhay.
• Pastoral – ito’y may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.
• Oda – nagpapahayag ng isang papuri, panaghoy, o iba pang masiglang damdamin; walang tiyak
na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtod sa isang saknong.

b. Pasalaysay o epiko- tulang may kwento at may pangunahing personan gumagalaw


• Epiko – nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan sapagkat nauukol sa
mga kababalaghan.
• Awit at Korido – ang mga ito’y may paksang hango sa pangyayari tungkol sa pagkamaginoo at
pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay mga hari at reyna, prinsesa’t prinsipe. Ang dalawang
ito’y nagkakaisa sa kaharian.
a) Ang awit ay may sukat na labindalawang (12) pantig at inaawit ng mabagal sa saliw ng
gitara o bandurya,
b) Ang korido’y may sukat na walong (8) pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa.
• Balad – ito’y may himig na awit dahilang ito ay inaawit, habang may nagsasayaw.

c. Tulang pandulaan- dulang nasusulat nang patula. Ito ay bersong ginagamit sa pagtatanghal sa halip
na sa tuwirang pagsasalita
• Komedya – isang gawa na ang sangkap ay piling-pili at ang pangunahing tauhan ay may layong
pukawin ang kawilihan ng manonood.
• Melodrama – karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal, kasama na ang opera.
• Trahedya – angkop ang uring ito ng dula sa mga tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi o
pagkawasak ng pangunahing tauhan.
• Parsa – isang uri ng dula na ang layunin ay magpasiya sa pamamagitan ng mga kawing-kawing
na mga pangyayaring nakakatawa.
• Saynete – ang paksa ng ganitong uri ng dula ay mga karaniwang pag-uugali ng tao o pook.
d. Tulang Patnigan
• Karagatan – ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na naihulog niya sa dagat sa
hangarin nitong mapangasawa ang kasintahang mahirap. Hinamon niya ang mga binatang may
gusto sa kanya na sisirin ang singsing sa dagat at ang makakakuha’y pakakasalan niya. Sa larong
ito, isang kunwa’y matanda ang tutula hinggil sa dahilan ng laro; pagkatapos ay paiikutin ang isang
lumbo o tabo na may tandang puti at ang sinumang matapatan ng tandang ito paghinto ay siyang
tatanungin ng dalaga ng mga talinhaga.
• Duplo – ito ang humalili sa karagatan. Ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran
ng patula. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang mga namatayan.
• Balagtasan – ito ang pumalit sa duplo at ito’y sa karangalan ng Siesne ng Panginay na si
Francisco “Balagtas” Baltazar.

✓ GAWAIN SA PAGKATUTO
Sa bahaging ito, sagutan ang mga sumusunod na Gawain upang mas mapalalim ang kaalaman
tungkol sa paksang tinalakay.

Pagnilayan at Unawain

Gawain 1. ANO SA PALAGAY MO?

I. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod:

1. Ibigay ang pagkakaiba ng pagtatanghal ng duplo sa balagtasan. (10 puntos)

DUPLO BALAGTASAN

2. Ano ang epiko? Magbigay ng halimbawa at ibahagi ang nilalaman ng akda.


(10 puntos)
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________.
3. Anu-anong mga kagandahang asal ang napapaloob sa mga awit at korido? (5 puntos)
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________.

4. Paano nakatutulong ang dalit at duplo sa pananampalataya ng isang tao? (5 puntos)


______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________.

5. Ano ang kabutihan ang ating mapupulot sa mga awiting bayan. (5 puntos)
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________.

II. Panuto: Bumuo ng sariling “ALAMAT” at sariling kwentong “PABULA” kaugnay sa


pangkalahatang akdang pampanitikan na nabanggit.

FORMAT SA PAGBUO NG AKDA: PAMANTAYAN

Arial Narrow (Font Style) Orihinalidad - 50 bahagdan


12 (Font Size) Pagkamalikhain - 25 bahagdan
1.5 (Spacing) Kaisahan - 25 bahagdan
1 inch. (Margin)
Letter (Short Bond Papaer) Kabuuan - 100 bahagdan
✓ PAGBUBUOD/PAGLALAHAT
a. Buod
Pangkalahatang Uri ng Panitikan
Uri ng anyong Tuluyan
Tuluyan- maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong takbo ng pangungusap

1. Nobela 6. Parabula
2. Maikling kwento 7. Sanaysay
3. Dula 8. Talambuhay
4. Alamat 9. Anekdota
5. Pabula 10. Balita
11. Talumpati

Uri ng anyong Tuluyan


Patula- masining na pagsasama-sama ng salita upang makabuo ng taludtod na may sukat at
tugma, kung walang sukat at tugma, ito ay tinatawag na malayang taludturan

a. Liriko o tulang pandamdamin- nagsasaad ng marubdob na pagdamdam sa isang paksa. Tula ng


puso.
o Awit o Dalit
o Soneto o Pastoral
o Elehiya o Oda

b. Pasalaysay o epiko- tulang may kwento at may pangunahing personan gumagalaw


o Epiko
o Awit at Korido
o Balad
c. Tulang pandulaan- dulang nasusulat nang patula. Ito ay bersong ginagamit sa pagtatanghal sa halip
na sa tuwirang pagsasalita
o Komedya o Parsa
o Melodrama o Saynete
o Trahedya

d. Tulang Patnigan
o Karagatan
o Duplo
o Balagtasan
b. Konklusyon at Repleksyon

ISIP, DAMDAMIN at ASAL


Batay sa paksang tinalakay, sagutan ang mga sumusunod:
(15 puntos)

Ano ang Ano ang iyong Ano ang aral na


natutunan? naramdaman? napulot?

✓ PANGWAKAS NA PAGTATAYA
I. Panuto: Kilalanin at suriing mabuti ang tinutukoy ng pahayag. Ilagay ang sagot
sa patlang bago ang bilang. (15 puntos)

_____________1.Nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o


kaya’y tula ng pananangis lalo na sa paggunita ng isang yumao.
_____________2.Isang salaysaying nauukol sa pinagmulan ng bagay, pook o pangyayari.
_____________3.Ito’y paligsahan ng husay sa pagbigkas at pangangatwiran ng patula.
Humalili rin ito sa karagatan. Karaniwang nilalaro upang aliwin ang
mga namatayan.
_____________4.Karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal, kasama na ang
opera.
_____________5.Naglalarawan tungkol sa tunay na pamumuhay sa bukid.
_____________6.Tunggaliang nagwawakas sa pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing
tauhan.
_____________7.Tumatalakay sa mahahalagang pangyayari sa buhay ng isang tao.
_____________8.Ang paksa ay hango sa pangyayari tungkol sa pagkamaginoo at
pakikipagsapalaran, at ang mga tauhan ay mga hari at reyna,
prinsesa’t prinsipe.
_____________9.Ito ay ang masining na pagsasama-sama ng salita upang makabuo ng
taludtod na may sukat at tugma, kung walang sukat at tugma, ito ay
tinatawag na malayang taludturan
_____________10.Nagsasagawa ng isang pagtatanghal sa entablado.
_____________11.Naglalaman ng mga kabayanihang halos hindi mapaniwalaan sapagkat
nauukol sa mga kababalaghan.
_____________12.Nagbibigay impormasyon tungkol sa pang araw-araw na pangyayari
sa lipunan, pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna, at iba
pang paksang nagaganap sa buong bansa o maging sa ibayong dagat.
_____________13.May sukat na walong (8) pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa.
_____________14.Mahabang salaysay ng mga kawing-kawing at masalimuot na
pangyayari na naganap sa mahabang saklaw ng panahon,
kinasangkutan ng maraming tauhan at nahahati sa kabanata.
_____________15.Mga likhang-isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling
salaysaying ito na ang tanging layunin ay makapag-bigay aral sa mga
mambabasa. Maaaring ito’y isang kwento ng mga hayop o mga bata.

✓ TAKDANG ARALIN / MGA BABASAHIN:


Pag-aralan ang mga pamamaraan sa pagsulat ng Baybayin.

SANGGUNIAN:

❖ Espina, L.et.al. 2014. Literatura ng Iba’t ibang Rehiyon ng Pilipinas Ikalawang Edisyon. Maynila:Minshapers Co., Inc.

❖ Aguilar, R., 2014. Panitikan ng Pilipinas. Makati City:Grandwater Publication

❖ https://www.slideshare.net/rodebellinawan/ang-panitikan

You might also like