You are on page 1of 4

panitikan sa panahon ng espanyol

1. ANG PANITIKAN SA PANAHON NG ESPANYOL

2. Kaligirang Pangkasaysayan Ang mahigit na tatlong daang taong pananakop at paniniil ng mga Espanyol
sa ating bansa ang sanhi ng unti-unting pagkakabuo at paglaganap ng damdaming makabayan sa mga
Pilipino. Nagkaroon ng mga bagong kilusan sa politika at panitikan sa Pilipinas. Ang dating diwang
makarelihiyon ay napalitan ng damdaming mapanghimagsik. Ang naging paksa ng panitikan sa panahong
ito ay pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan, at pag udyok sa mga Pilipino na magising at
magkaisa upang matamo ang minimithing kalayaan.

3. ANG PANITIKAN SA PANAHONG ITO AY….. Karaniwang pasulat Tumatalakay sa paksang


panrelihiyon Salamin ng kulturang Kanluranin (Western) Karaniwang nakasulat sa wikang Espanyol

4. URI NG PANITIKAN PASYON- inaawit tuwing Kwaresma, hinggil sa buhay, sakit at pagdurusa ni Kristo.
KOMEDYA/MORO-MORO- isang matandang dulang kastila na naglalarawan ng pakikipaglaban ng
Espanya sa mga Muslim noong unang panahon. DALIT- ang pag aalay ng bulaklak kasabay nang pag-
aawit bilang handog sa Birheng Maria. DUNG-AW – binibigkas ng paawit ng isang naulila sa piling ng
mga kamag-anak. TIBAG- isang pagtatanghal na ginaganap tuwing Mayo.

5. KARAGATAN- isang larong may paligsahan sa tula ukol sa singsing ng isang dalagang nahulog sa gitna
ng dagat at kung sinong binata ang makakuha rito ay siyang pagkakalooban ng pag- ibig ng dalaga.
DUPLO- larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang paglalamay sa patay. SENAKULO-
isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng poong Hesukristo. KARILYO- pagpapagalaw ng
mga anino ng mga pira-pirasong kartong hugis tao sa likod ng isang kumot na puti na may ilaw.

6. SARSUWELA- isang komedya o melodramang may kasamng awit at tugtog. Ito ay may tatlong yugto
ay nauukol sa mga msisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, paghihiganti, panibugho, pagkasuklam atbp.
KORIDO- galing sa salitang “corrido” na ang ibig sabihin ay kasalukuyang pangayari. Ito ay tulang
pasalaysay na may sukat na walong pantig at pumapaksa sa katapangan, kabayanihan at kababalaghan.
AWIT- tulang pasalysay ay at may mga pangyayaring hango sa tunay na buhay. SAYNETE-ito ay isang
dula na naglalahad ng kaugalian ng isang lahi o katutubo.

7. KANTAHING BAYAN- ito ay nagpapakilala ng iba’t-ibang pamumuhay at pag-uugali ng mga tao at ng


mga kaisipan at damdamin ng bayan. Halimbawa: Leron- leron sinta Dandansoy Pamulinawen Sarong
banggi

8. SINING: ANG KARAGATAN 1. Ito ay isang larong may paligsahan sa tula. 2. Ang kuwento nito ay batay
sa alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa gitna ng dagat. 3. Pakakasalan ng dalaga ang
binatang makakakuha ng singsing. 4. Sa larong ito, hindi kinakailangang ‘’sumisid’’ sa dagat ang binatang
nais magkapalad sa dalagang nawalan ng singsing. 5. Ginaganap ang laro sa bakuran ng isang bahay.

9. 6. May dalawang papag sa magkabila ng isang mesang may sari-saring pagkaing-nayon. 7.


Magkaharap ang pangkat ng binata at dalaga. 8. Karaniwang isang matanda ang magpapasimula ng laro.
9. Maaaring magpalabunutan para mapili ang binatang unang bibigyan ng dalaga ng talinghaga. 10.
Maaari pa rin ang pagpili sa binata ay batay sa matatapatan ng tabong may tandang puti. 11. Bibigkas
muna ng panimulang bahagi ang binata bago tuluyang sagutin ang talinghaga.

10. • ang tulang ito ay ginagamit sa laro. Kadalasan itong ginaganap sa namatayan o may lamay at may
matandang tutula ukol sa paksa ng laro. Mayroon tabong papaikutin, at kung saan matatapat ang
hawakan ng tabo ay syang sasagot sa tanong ng isang dalaga na may matalinhagang bugtong at
matalinhagang sasagot ang binata. Ito ay nagmula sa isang alamat ng isang prinsesa na nahulugan ng
singsing habang siya'y naglalakbay sa karagatan . Kung sino man ang makakita ng singsing ay siyang
mapapakasalan ng prinsesa.

11. SINING: ANG DUPLO • Ito ay isang laro patungkol sa patay. • Ang paraan ng pananalita ng manlalaro
ay patula, ngunit di kailangang may sukat at tugma. • Ang palmatorya ay isang tsinelas na ginagamit ng
hari sa pagpalo ng sinumang nahatulang parusahan. • Ang parusa ay maaaring pagpapabigkas ng
mahabang dasal para sa kaluluwa ng namatay. • Tulad ng karagatan, ginaganap kapag may lamay o
parangal sa isang namatay.

12. Ang duplo ay isang pamamaraan na ipinasok o isinama sa mga selebrasyon upang mabawasan ang
kalungkutan sa pagdadasal para sa mga namatay. Ito ay binubuo ng mga puns, biro at palaisipan sa
bernakular.Kinalaunan, ang duplo ay naging isang madulaing debate sa pamamagitan ng berso.Ang
nakasanayang gawi ay ang ibang manlalaro ay magbibintang sa iba ng mga kathang krimen, at ang mga
akusado naman ay ipagtatanggol ang kanilang sarili. Ang usapan o dayalogo ay nagiging mas masigla
gamit ang mga kotasyon mula sa mga awit at corrido na ginagamit sa debate. Kapag ang isang
nakikipagtalo ay nagbigay ng maling sagot sa palaisipan na binigay sa kanya, siya ay kadalasang
pinaparusahan sa pamamagitan ng pagpilit sa kanya na magsabi ng isang dalit para sa namatay.

13. PAKSA • Walang iisang paksa sa duplo. Maaaring magpaulit-ulit ang sitwasyong lunsaran ng mga
pagtatalo subalit hindi tiyak ang hahantungan nito. Gayunpaman, sa isang pag-aaral na ginawa sa
duplong nilalaro sa Nueva Ecija, may mga naitala na kategorya ng paksa sa duplo. • Alo-divino -may
kaugnayan sa Diyos at sa mga banal na bagay • Historia-vino -kasaysayan ng Diyos at ng mga santo o
anghel • Alo-humano/alo-mano -may kaugnayan sa mga propeta, mitolohiya, bayani o ng relasyon ng
tao sa Diyos

14. • Historia-mano -kasaysayan ng mga tao o ng bansa • Ley/Lai -tumatalakay sa mga batas tulad ng
Kodigo Penal at Kodigo Sibil • Talinghaga -nahahawig sa bugtungan • Binayabas -iba pang paksang hindi
nasasakop ng mga naihanap nang paksa; karaniwang ginagamit ng mga bago pa lamang na duplero. •
Hindi limitado ang mga duplero sa iisang uri paksa. Gayunman, ipinahihiwatig ng termino nilang tinigpas
na may herarkiya ng paksa sa duplo at nasa tuktok nito ang mga paksang relihiyoso.

15. MGA KARAKTER • HARI nagpapasimula ng laro, nagpapanatili ng kaayusan ng palabas. • BELYAKO
mga lalaking kalahok. • BELYAKA mga babaeng kalahok. • BERDUGO nagsasagawa ng parusa sa
pamamagitan ng pamamalo sa kamay.

16. • DUKE nagbibintang sa belyaka. • GATPAYO nagpapayo ng maaaring parusa. • PISKAL naghahatid ng
parusa. • NANANAWAGAN naghahanap ng nawawalang gamit o bagay na pag- aari ng hari.
17. EUPEMISTIKONG PAGPAPAHAYAG

18. • Ang eupemismo o badyang pangpalubagloob ay ang pagpapalit ng salitang mas magandang
pakinggan kaysa sa salitang masyadong matalim, bulgar, o bastos na tuwirang nakapananakit ng
damdamin o hindi maganda sa pandinig. Halimbawa nito ang paggamit ng "sumakabilang- buhay" sa
halip na ang pabalbal na natigok, natepok, o natodas. Isang panggitnang o mahalagang aspeto ng
pampublikong paggamit ng katumpakang pampolitika ang pagsasaad ng mga eupemismo.

19. EUPEMISTIKONG PAGPAPAHAYAG • 1. Nauuri ang wika batay sa antas nito ayon sa: a. Paksa ng
usapan b. Taong sangkot sa usapan c. Lugar • 2. Mataas ang pandama o sensitibo sa mga pahayag na
nagpapahiwatig lamang. • 3. Gumagamit ng talinghaga para ‘di tuwirang tukuyin ang nais ipahayag na
nakatutulong upang lalong mag-isip ang nagsasalita at kinakausap.

20. Sa kalahatan, umiisip ng magagandang salita o pahayag na kilala sa tawag o eupemismo. Ang
paggamit ng magagandang pahayag ay naglalayong pahalagahan ang damdamin ng iba. Sa halip na
sabihing: Gumagamit ng: 1. patay 1.sumakabilang buhay 2. nadudumi 2. tawag ng kalikasan 3. iniwan ng
asawa 3. sumakabilang bahay 4. katulong 4. kasambahay

21. TULA

22. TRADISYUNAL NA TULA • Ang tradisyunal na tula ay mga pahayag ng kadalasang nagtataglay ng
sukat at tugma bawat taludtod, o ang mga salita at paraan ng pagbuo ng pahayag ay piling-pili,
matayutay, at masining bukod sa pagiging madamdamin. • Binubuo ito ng saknong at taludtod.
Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing- animin, at lalabing-waluhing pantig.
Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya naman
ay mahaba.

23. • May aliw-iw at indayag kung bigkasin ang tulang Tagalog dahil sa tinataglay nitong katutubong
tugma. Magkakasintunog ang huling salita ng taludturan • Ito ay isang uri ng sining at panitikan na kilala
sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng
paggamit ng tayutay.

24. MGA ELEMENTO NG TULA • Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na
bumubuo sa isang saknong. • Saknong - Ang isang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may
dalawa o maraming linya o taludtod. 2 linya-couplet 6 linya- sestet 3 linya – tercet 7 linya- septet 4
linya- quatrain 8 linya- octave 5 linya- quintet

25. • Kariktan - Kailangang magtaglay ang isang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang
mambabasa gayon din mapukaw ang damdamin at kawilihan. • Talinghaga - Isang sangkap ng tula na
may kinalaman sa tinatagong kahulugan ng tula. • Tugma - Sinasabing may tugma ang isang tula kapag
ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkasing-tunog. Mahirap sumaya Ang taong
may sala

26. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ni Andres Bonifacio Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at
pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala Pagpupuring lubos
ang palaging hangad Sa bayan ng taong may dangal na ingat, Umawit, tumula, kumanta’t sumulat,
Kalakhan din niya’y isinisiwalat Walang mahalagang hindi inihandog Ng may pusong mahal sa Bayang
nagkupkop, Dugo, yaman, dunong katiisa’t pagod, Buhay ma’y abuting magkalagut-lagot

27. Bakit? Alin ito na sakdal laki , Na hinahandugan ng buong pagkasi, Na sa lalong mahal
nakapangyayari Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan: Siya’y ina’t tangi sa knamulatan Ng kawili-wiling
liwanag ng araw Na nagbigay-init sa buong katawan . Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan , Ang lahat ng
lalong sa gunita’y mahal, Mula sa masaya’t gasong kasanggulan Hanggang sa katawa’y mapasa-libingan

28. Sa aba ng abang mawalay sa Bayan! Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay, Walang alaala’t inaasam
Kundi ang makita’y lupang tinubuan Pati ng magdusa’t sampung kamatayan Wari ay masarap kung dahil
sa bayan At lalong mahirap. Oh,himalang bagay! Lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay Kung ang bayang
ito’y masasa-panganib At siya ay dapat na ipagtangkilik Ang anak,asawa, magulang,kapatid; Isang tawag
niya’y tatalikdang pilit.

29. Hayo na nga, hayo, kayong nangabuhay Sa pag-asang lubos ng kaginhawaan At walang tinamo kundi
kapaitan, Hayo na’t ibangon ang naabang bayan! Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak Ng kaho’y ng
buhay na nilanta’t sukat, Ng bala-balaki’t makapal na hirap, Muling manariwa’t sa baya’y lumiyag.
Ipahandug-handog ang buong pag-ibig At hanggang may dugo’y ubusin itigis; Kung sa pagtatanggol,
buhay ay mapatid Ito’y kapalaran at tunay na langit!

30. • Ang Pag-ibig sa Tinubuang Lupa ay isang tula na sinulat ni Andres Bonifacio noong 1896 bago
pumutok ang rebolusyong 1896 na kanyang ginamit para himukin ang mga Pilipinong maging
makabayan. Si Bonifacio ay mas magaling na madirigma kaysa sa isang manunulat ngunit pinatunayan
niya na kaya niyang gumawa ng isang tula para sa kanyang minamahal na bayan.

31. MGA PANDIWANG NAGPAPAHAYAG NG EMOSYON O DAMDAMIN

32. Mga Pandiwang nagpapahayag ng Emosyon o Damdamin Ang paggamit ng padamdam na


pangungusap na may natatanging gamit. Sa pagsulat ng ganitong uri ng pangungusap, ginagamit ang
bantas na pandamdam (!) bilang hudyat ng matinding damdamin. Ang mga pandiwang nagpapahayag ng
damdamin ay may aspekto o panahunan. Hindi lamang ginagamit ang pandiwa sa pagsasaad ng kilos o
galaw. May mga pandiwa rin na magagamit sa pagpapahayag ng damdamin tulad ng: Pagiging masaya
at malungkot Galit at puot ng damdamin Kaba at pag aalala

33. Mga Halimbawa: Paghanga: Wow! Naks, ha! Ang galing! Pagkagulat: Ay! Ngiii! Naku! Takot: Inay!
Naku po! Ayyy! Tuwa: Yahooo! Yehey! Yipeee! • Nalulungkot ako kapag naaalala ko ang kaibigan kong
pumunta sa Canada. • Kinakabahan ako sa darating na pagsusulit. • Nagtatalon sa tuwa si Yuna nang
makita ang kanyang idolo. • Wow, ang ganda ng damit mo! • Naku po, nabasag ko yung plato!

34. -LAZ

You might also like