You are on page 1of 20

Aralin 1

BATAYANG KAALAMAN SA LITERATURA

MGA PAKSA
1. Batayang kaalaman sa Literatura
2. Pahapyaw na Sulyap sa Kasaysayan ng Literaturang Filipino
3. Mga Teoryang Pampanitikan

INAASAHANG MATUTUTUHAN
Pagkatapos ng aralin ikaw ay inaasahang:
1. Nakapagpaliwanag ng batayang kaalaman sa panitikan.
2. Naibigay ang iba’t ibang uri ng panitikang Filipino.
3. Napahalagahan ang ating sariling panitikan at nakalahok sa malayang talakayan.

PAKSA 1: BATAYANG KAALAMAN SA LITERATURA

DEFINISYON AT TUNGKULIN NG LITERATURA

 Nang ipakilala ng mga Kastila ang nobela noong ika-18 siglo, ang nilalaman ng mga nobela ay
pawang panrelıhiyon. Natural lamang, sapagkat kaakibat ng kanilang pananakop ang
pagpapalaganap ng Katolisismo. Layunin nilang pukawin at ikintal sa isip ng mga Pilıpıno ang
mga dogmang pang-Iglesia Katolika (Arrogante 1989). Maaari ring ang pagpapakilalang ito ay
upang pukawin ang pansin ng babasa sa 1sang nobelang nangahas na ilarawan ang ating
lipunan sa isang panahong dumanas ito ng mga pagbabagong hanggang sa kasalukuyan ay
patuloy pa ring nagaganap (Bautista 1988).

 Pana-panahon ay may lumalabas na mga akdang pumapaksa sa mga problemang kinakaharap


ng lipunan. Dahil dito, ang nararapat na maisulat na panitikan ay yaong sumasagot sa
pangangailangan ng kasalukuyan (Reyes 1988). Sa mga akda halimbawa nina Epifanio San

1
Juan Jr. at Virgilio Almario, makikita ang walang gatol na pagbibigay halaga sa mga akdang
may kamalayang panlipunan o yaong mga kathang naglalayong buksan ang mata ng mga
Pilıpıno sa kanilang aping kalagayan. Samakatuwid kinakailangang realistiko ang tula, kwento
o nobela na naglalayong magıng instrumento sa pagpapabago ng kamalayan ng nakararaming
mga tao (Reyes 1992)

Tinukoy ni Almario (sa Reyes 1988) na ang kasalukuyan ay nangangailangan ng mga akdang
makapupulso sa pangarap at aspirasyon ng sambayanang Pilipino. Yaong makaaawit ng pagbabangon
ng taumbayan mula sa marawal na kalagayang pangkabuhayan, pampulitika at panlipunan. Yaong
makahuhulagpos sa makitid na karanasang indibidwalistiko at makapagbibigay-linaw sa direksyon ng
kilusang progresibo sa ngayon. Sinasabıng ang panitikan ay humuhubog ng isipan kaya nakahihikayat.
Maaari rin namang makaudyok kaya nakapagpapakilos, nakaiimpluwensya kaya nagpapabago ng
pananaw. Anupat hindi maisasantabi ang malakıng papel na ginagampanan ng panitikan sa pagpanday
ng kasaysayan, kultura at tradisyon ng isang bansa.

Ang panitikan tulad ng bahagi ng Sining ay isang utopia. Hindi ito maaarıng maging 1sang Pygmalion,
na iibig sa isang estatwang-pangarap at hihıntayıng iyon ay Ang magbanyuhay sa dugo at laman. Ang
panitikan ay maaari pang magıng Bernardo Carpio, na wala nang panahong mamahinga sa tungkuling
pigilin ang naguumpugang bato. Ang panitikan ay pakikilaban--isang rebolusyong saglit lamang na
magtitindig ng mga halıgi, upang sa susunod na daluyong ay muling maguho, mamahınga, maguhong
muli at sa metamorposis ay mag-iwan ng mga sabog na utak ipokrisya, ng mga bangkay ng sanggol ng
mga pangarap sa 1sang hindi maiiwasang pagluluwal ng mga bagong supling, na sa paglaki't
pagbubunga ay muling papatayin (Yu 1980). bawat lipunan. Hindı salamin o repleksvon a ang
literatura kundi institusyon at kasangkapan na nakatudla Sa pagkakamit ng enkulturatibong pag-unlad
ng pag-1isip at 1sang kakayahan ng mga bata sa loob ng isang ipunan (Hornedo 2004).

Ang panitikan sa tunay nitong kahulugan at sa malawak nitong saklaw ay nagiging deskripsyon,
interpretasyon at ekspresyon ng kagandahan, kalungkutan, kasiyahan, kasalatan at kapayakan sa
pamamagitan ng matalas at mayamang guniguni o imahinasyon ng tagagawa ng panitikan (Lopez
1936). Umano'y inihahanda nito ang tao sa pagbabago. Nagbibigay-linaw rin ito kung bakit mahalaga
ang pagbabago at kung paano ito naisasakatuparan. Samakatuwid, ang panitikan ay 1sang
makapangyarihang paraan ng pakıkıpag- ugnayang panıpunan. Sapagkat ang literatura ay 1sa sa mga
mabısang ekspresyon ng lipunan, 1sa ito sa mga pangunahing institusyon ng pagsasalın ng kultura sa
mga henerasyon na bumubuo sa

URI AT ANYO NG LITERATURA

Ang pahayag na pampanitikan ay may dalawang anyong panlahat: tuluyan at patula. Ang tuluyan
(prosa) ay maluwag na pagsasama-sama ng mga salita sa katutubong anyo ng pangungusap. Ang
patula ay pagbubuo ng pahayag sa pamamagitan ng salitang binilang sa pantig. May dalawang
kayarian ang ang tula: may sukat at tugma o tradisyunal. Ang malayang taludturan ay ang tinatawag
llan sa mga anyo ng literatura na lumaganap sa sa Ingles na free verse. Sapagkat malaya, hindi nito

2
isinasaalang-alang ang tiyak na bilang ng pantig at pagpili ng salitang dapat na magkakasintunog sa
dulo ng taludtod. Maging tuluyano patula man, ang apat na paraan ng pagpapahayag ay ginagamit
ayon sa hinihingi ng hangarin: pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran (pasulat o
pasalita man).

Ilan sa mga anyo ng literatura na lumaganap sa panahon bago dumating ang mga Kastila:

3
ANG LITERATURA SA MGA ANYONG PATULA
Binubuo ng apat na uri ang mga entablado ang mga tulang pandulaan
akdang patula: tulang pasalaysay, tulang Kabilang sa uring ito ang a) melodrama-
liriko o pandamdamin, tulang pandulaan ano sangkap ng uring ito ng dula ay
at tulang patnigan. malungkot ngunit nagtatapos nang
Ang tulang pasalaysay ay masaya para sa pangunahing tauhan; b)
pumapaksa sa mahahalagang tagpo o Komedya - karaniwang nagtatapos ito
pangyayari sa buhay, ng kagitingan at nang masaya, may tunggalian ang mga
kabayanihan ng tauhan. Kabilang sa tauhan sa umpisa subalit ito'y
uring ito ang a) awit at korido - na nalulunasan kung kaya masaya ang
pumapaksa sa mga pakıkipagsapalaran at wakas ng dula; c) Parsa - isa pa ring uri
karaniwang ginagalawan ng mga tauhang ng dula na nagpapasaya; d) Trahedya-
prinsipe at prinsesa (ang halimbawa ng kabaligtaran ito ng komedya kung saan
awit ay Florante at Laura at ang kurido ang wakas ay nagtatapos sa kamatayan
naman ay Ibong Adarna); b) epiko-na ng pangunahing tauhan sa dula; at e)
tungkol pa rin sa kabayanihan at Saynete - paksa ng dulang ito ang
pakikipagsapalaran ng pangunahing paglalahad ng kaugalian ng isang lahi, sa
tauhan at ang mga pangyayaring kanyang pamumuhay, pangingibig at iba
nakapaloob dito ay kagila-gilalas at hindi pa.
kapani-paniwala. Binubuo naman ng tulang patnigan
Tumatalakay sa mga paksang ang a) Karagatan - ito'y batay sa alamat
nauukol sa damdamın ng tao ang mga ng singsing ng isang prinsesa na inıhulog
tulang liiko o pandamdamin. Ito'y sa daga upang mapangasawa niya ang
kinabibilangan ng a) elebiya-ito'y awit na kasıntahang mahirap; b) Duplo - isang
punumpuno ng damdamın patungkol sa palıgsahan sa husay ng pagtula at
1sang namatay o namayapa na; b) dalit- pangangatwiran na siyang pumalit sa
1sang awit na pumupurı sa Diyos; c) karagatan; at c) Balagtasan - ito'y isang
soneto-1sang awit na may hatid na aral; pagtatalo sa paraang patula na nahango
d) awit- pumapaksa sa iba't ibang uri ng sa duplo at karagatan, ang salitang
damdamın gaya ng pag-ibig kalungkutan, Balagtasan ay hinango mula sa
kasiyahan at iba pa; e) oda-may himig ng pangalang "Balagtas" na si Francisco
pamumuri at naghahatid ng damdaming Balagtas na siyang "Ama ng Panulaan."
nagbibigay-kasıglahan.
Karaniwang itinatanghal sa dulaan o

4
ILAN SA MGA ANYO NG LITERATURA NA LUMAGANAP SA PANAHON BAGO DUMATING
ANG MGA KASTILA

A. Mga Karunungang-Bayan
Salawikain
Ang salawikain ay butil ng mga ang gawi, kilos at ugali ng tao.
kaisipan na ang layunin ay Binubuo ito ng dalawang taludturan
makapagbigay ngmabubuting payo na may tugma at sukat.
hinggil sa kagandahang asal.
Bugtong
Nagtataglay ang salawilkain ng malalim
nakahulugan, panuntunan at batas ng Ang bugtong ay karaniwang
buhay nagumagabay sa tao tungo sa ginagawang laro noon at pampalipas-
isang matuwid na pamumuhay. oras sa mga tindahan, pondahan,
lamayan ng patay at iba pang mga
Sawikain
okasyon. Tulad ng salawikain ito'y
Ito y mga kasabihang walang karaniwang nagtataglay ng dalawang
natatagong kahulugan. taludturan na may tugma at sukat.
Malalim at nagbibigay- palaisipan
Kasabihan
sapagkat di-tuwiran ang
Itinuturing ding karunungang bayan paghahalintulad nito sa mga bagay sa
ang kasabihan na ang layon ay kapaligiran.
malarawan

B. Mga Awiting Bayan


Ang mga unang awiting bayan ay hindi na matunton kung sino ang kumatha. Ang mga
awiting bayan ang nagiging batis ng inspirasyon ng ating mga ninuno sa kanılang mga pang
araw-araw na buhay at gawain.

Mga Gawain

1. May pagkakatulad ba ang mga paksa o temang nakapaloob sa mga akda batay sa uri at
katangian ng mga ito? Pangatwiranan.
2. Bumuo ng grupo na may tig-lilimang miyembro. Pumili ng isang anyo ng literaturang tuluyan o
patula at gumawa ng sariling halimbawa nito.
3. Sumulat ng talambuhay na pansarili.
4. Ano-anong mga pangyayari ang mauuring isang balita? Ipaliwanag at magbiigay ng
halimbawa.
5. Masasalamin bas a literatura sa mga anyong patula ang kultura nating Pilipino? Talakayin.

5
PAKSA 2: PAHAPYAW NA SULYAP SA KASAYSAYAN NG LITERATURANG
FILIPINO

Ang kasaysayan ay mahalagang salik sa pag-unlad ng literatura. Sa kasaysayan


nababatay ang iba't ibang kaalamang panliteratura dahil umaalinsunod ang literatura sa
takbo ng kasaysayan. Sa patuloy na pagbabago ng panahon, kasabay ring nagbago ang
layunin, tema, nilalaman, anyo at maging ang wikang ginagamit sa pagpapahayag ng kaisıpan
at damdamin ng tao sa lipunan. Ito ay sa kadahilanang ang bawat tao'y nakakatagpo ng iba't
ibang buhay at mga karanasan sa patuloy na pakıkıbaka sa daigdigna kanyang ginagalawan.
Ang mga karanasang ito'y bago at naiiba. Nagbabago ang lahat ng bagay. Ika nga "tanging ang
pagbabago lamang ang maaaring maging permanente at hindi maaaring magbago. Dahil nag-
1iba ang pamumuhay bunga ng mabilis na pag-unlad, natural lamang na ang tema at
nilalaman ng literatura ay magbago rin.
Sa bahaging ito, pahapyaw na tatalakayin ang katangian ng literatura sa bawat
panahon magmula sa panahon bago dumating ang mga Kastila hanggang sa panahong
kasalukuyan. Kasama sa katangiang tatalakayin ay ang tema o nilalaman ng mga akda sa
bawat panahon at kasaysayan nang sa gayon ay magkaroon tayo ng malınaw na pagkaunawa
kung paano unti-unting nagkahugis ang ating sarılıng literatura.
Narito ang maikling pagtalakay sa kasaysayan ng literaturang Filipino sa iba't ibang
yugto ng panahon.

PANAHON BAGO DUMATING ANG MGA KASTILA


 Sinasabing may literatura na tayo bago pa man dumating ang mga Kastila. Ayon kay
Cruz (2003), nagsimula ang ating iteratura noong nagsimula ang lipunan sa ating mga
pulo, humigit kumulang sa 57,00o taon na ang nakararaan nang dumating ang mga
Kastila. Sanhi ng mabagal na pagsulong ng buhay noon, masasabing ang tema ng
literatura bago dumating ang mga Kastila ay nakatuon lamang sa uri ng pamumuhay
mayroon ang ating mga katutubo. Ang kasalatan sa teknolohiya at siyensya ang
nagtulak sa kanila upang maipaliwanag batay sa kanilang mga sarıling palagay at pag-
iisip ang mga bagay-bagay na nangyayari sa kanilang paligid.
 Mababaw at lubhang ’di- mapaniniwalaan ang nilalaman ng literatura noon na
matatagpuan sa mga epiko at alamat kung pakasusuriin. Sa alamat itinatanmpok ang
mga paksang tulad ng Pinagmulan ng 1sang bagay o pookNabuhay ang alamat sa
kasalukuyan dahil sa pasalindila ng ating mga nununo.
 Matuturing man na ’di-kapanipaniwala at bunga lamang ng malikhaing pag-iisip ng
ating mga katutubo ang alamat at epiko, hitik naman ito sa mga kaisipan at aral sa
buhay at malinaw ring makikita ang kultura ng lahıng Piipino anumang rehiyon ang
pinagmulan ng Isang alamat o epiko.
 “Alamat ng Bulkang Mayon" halimbawa, ipinakita rito ang kabayanihan at
katapangan ng prinsipe at ng kaalamang walang maidudulot na mabuti ang kalupitan

6
at pagtatanim ng poot sa kapwa. Mailalarawan ang kababalaghan sa matandang anyo
ng literatura gaya ng epiko.

 Sa epiko karaniwang matutunghayan ang pagkamatay at muling pagkabuhay ng mga


bayaning siyang pangunahing tauhan sa kuwento. May-angking natural na lakas, kisig,
talino, at mahikasyempre ang bida. Magkagayunman tulad ng alamat, hindi
mawawala ang butil ng k’wento. May angking natural na lakas, kisig talino at mahika
syempre ang bida. Magkagayunman tulad ng alamat, hindi nawawala ang butil ng
kaisipan at aral na hatid nito sa mga mambabasa; at hindi rin maihihiwalay ang
tradisyon at kulturang nagiging batayan ng pagkakakilanlan natin bilang mga Pilipino.

 Mayaman din naman ang ating mga ninuno sa mga paniniwala at pamahiing
nagbibigay ng malaking impluwensya at kahulugan sa kanilang pamumuhay.
Nilalaman ng mga pamahiun at kasabıhan ang mga gabay at panuntunan na
nakatutulong nang malakı sa kanılang mga gawaun at mga desisyon sa buhay. Kung
maaalala sa ating kasaysayan, walang permanenteng tahanan ang ating kauna-
unahang mga ninuno. Malimit na sila' y nagsisitigıl lamang sa mga pook tulad ng
kagubatan at kabundukan kung saan karaniwang nakatatagpo ng pagkain. Kaya
maipapalagay na dahil dito ay tiyak na mayroon nang relıhiyon ang ating mga
katutubo bago pa man dumating ang mga Kastila gaya ng pagsamba sa kalikasan. Ito
ang dahilan kung bakit may mga bulong at pamahiung maiuugnay sa relihiyong
kanilang pinaniniwalaan noon.

PANAHON NG KASTILA

 Ang pagdating ng mga Kastila at ang mahabang panahong pananakop sa ating


kapuluan ay mabilıs na nagpabago sa kultura at pamumuhay ng ating mga katutubo.
Batay sa kasaysayan, dalawa ang naging paraan ng mga Kastila sa pananakop, ang
paggamit ng krus at ng espada. Bunga nito, hindi nakapagtataka na ang magıng laman
ng mga akdang panliteratura sa panahon ng mga Kastıla ay pawang mga akdang
panrelıhiyon. Nariyan ang mga akdang Doctrina Christiana, Nuestra Señora del
Rosario, Barlaan at Josaphat at iba pa. Hindi maiaalis na malakı ang naitulong ng
romantısasyoon sa paglilimbag ng mga akdang panrelihiyong ito upang maitaguyod at
matagumpay na maipalaganap ang Kristiyanismo sa kapuluan. Ang mga Kastila ang
nagpakilala ng titik Romano na naging hudyat ng ganap na pagbabago sa matandang
sistema ng pagsulat, ang alibata.
 Bagamat inaangkin ng mga Kastila na sa kanılang pagdating naganap ang pagkahubog
sa kalinangan ng pamumuhay ng mga katutubo, ito'y pinabulaanan sa pamamagitan
ng mga kantahıng bayan ng mga Pilipino na patuloy na naingatan at nabuhay sa
pasalindilang paraan. Payak o simple man ang nilalaman at kahulugan, madamdamin
at tigib ng kaisipan at kaugaliang Pilpino ang mga awiting bayan. Mababanaag sa mga
awiting bayan ang diwa ng kasiglahan, pangungulila, kabiguan at tagumpay sa buhay.
Ang mga awiting bayan ang isa sa daluyan ng inspirasyon at lakas ng ating mga

7
katutubo upang patuloy na magkaroon ng kulay ang kanilang mga pang- araw-araw na
gawain.

PANAHON NG PROPAGANDA AT HIMAGSIKAN (1872-1896)

 Ang labis na paniniil at pang-aapi ng mga Kastila ay unti-unting nagbukas sa


kamalayan ng mga Pilipino sa kanilang abang kalagayan. Ang mga nasa gitnang uri ng
lipunan gaya nina Jose P. Rizal, MarceloH. del Pilar, Graciano Lopez Jaena at iba pang
mga repormista at propagandista ang mga nanguna sa nagnanaiS ng pagbabagoo.
Karamihan sa kanila ay may kakayahang makapag-aral sa ibang bayan na sadyang
nakatulong nang malaki upang mabuo ang marangal na layunin ng Kilusang
Propaganda. lto'y ang mga sumusunod:
1) Magkaroon ng pantay na pagtingin sa mga Kastila at Pilipino sa harap ng batas.
2) Maging isa sa mga lalawigan ng España ang Pilipinas.
3) Magkaroon ang mga Pilipino ng kinatawang Pilipino sa korte ng España.
4) Maibigay ang pagkakataon sa mga Pilıpınong pari na maging kura paroko.
5) Matamo ang kalayaan sa pamamahayag, katarungan at mga karapatang-pantao.

 Sa bagay na ito, nahalinhan ng mga paksain at temang makabayan ang mga akdang
makarelihiyon. Matutunghayan sa nilalaman ng akda ang tuwirang paglalantad ng
pagmamalupit ng mga Kastila gaya ng tiwaling pamamalakad ng simbahan at
pamahalaan, pagsikil sa mga karapatang pantao at iba pa. Sa panahong ito,
mapapansing nasımulan nang talakayin sa mga akda ang malalim na sakit ng lipunan.
Laman na ng mga akda ang karaungan ng mga Pilipino at ng mga hangaring
magkaroon ng pagbabago.
Akdang naglalaman ng hangaring pagbabago ay ang mga sumusunod:
1. Noli Me Tangere at El Filibusterismo,
2. A La Juventud Filipina ni Jose Rizal,
3. Ang Caiigat Kayo, Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas ni Marcelo H.
del Pilar at iba pa.

 Kung ang samahang Propaganda ay pinangunahan nina:

 Dr. Jose Rizal,

 Graciano Lopez Jaena at

 Marcelo H. del Pilar

8
 Ang ng Kataas-taasan, Kagalang-galangan ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan o
KKK ay pinamunuan naman ni Andres Bonifacio.

 Kung tutuusin, hindi nagkakalayo ang tema ng mga akdang panliteratura sa panahong
ito ng paghihimagsik sa tema ng mga akda sa panahon ng paggising ng damdaming
makabayan sapagkat hindi nawala ang himig ng nasyonalismo. Higıt nga lamang na
naging matalim ang diwa ng mga akda sa himagsikan dahil sa malaki ang naiambag ng
wikang Tagalog na siyang nagıng pangunahing instrumento ng panitik ng mga
Katipunero sa kanilang mga obra, bukod pa sa ilang mga salik na nagpaigting ng
kanilang paghihimagsik bunga ng kabiguan ng mga propagandista na matamo ang
kalayaan at pagkabitay sa pambansang bayaning si Dr. Tose P. Rizal. Ilan sa mga
akdang naisulat ng magiting na katipunero ay ang mga sumusunod:
 “Ang Dapat na Mabatid ng mga Tagalog,"
 "Pag-ibig sa Tinubuang Lupa,”
 "Katapusang Hibik ng PIlipinas, at iba pa.

PANAHON NG AMERIKANO (1900-1941)


 Patuloy na pumailanlang ang tema ng nasyonalismo at pagmamahal sa bayan sa lahat
ng anyo ng mga akdang panliteratura sa panahon ng pagdating ng mga Amerikano.
Maging ang akda ay nasa anyo ng nobela, maikling kwento, sanaysay, tula o dula man
ay walang humpay ang pagsasatinig ng ganap na kalayaan sa panitık ng mga dakilang
manunulat na Pilipino.

 Ang kaluwagang naipagkaloob sa mga Pilipino na hindi nila naranasan kalanman sa


mahabang panahon ng pagtira sa Pilipinas ng mga Kastila ay nagbigay-pribilehiyo sa
mga manunulat na Pilipino na maibahàgı at mailarawan ang kanılang mga karanasan,
kasiphayuan sa buhay at pangarap sa kamay ng mga mananakop na Kastila.

 Sa mga akda sa panahon ng Amerikano, tuwirang ibinandila ng mga manunulat ang


kagitingan ng lahing Pilipino na hindi maipagkakaila sa mga akdang tulad ng:
 Walang Sugat" ni Severino Reyes,
 "Heneral Gregorio del Pilar" ni Julian Cruz Balmaceda at iba pa.

 Hindi rin nawala ang temang tumatalakay sa sosyalismo sa mga akdang:

 "Budhi ng Manggagawa," ni Julian Cruz Balmaceda, at

 sa Nobelang "Banaag at Sikat" ni Lope K. Santos.

 Malaki ang naiambag ng mga wikang katutubo lalo't higit pa ng Tagalog sa pagsasatitik
ng mga akdang ar nagbigay-buhay sa damdami't saloobin ng Pilipino sa panahong ito.

9
 Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang lahat ng larangan ng nanitikan tulad ng
lathalain,tula, kuwento, dula, sanaysay, nobela, at iba pa. Maliwanag na mababasa sa
mga akda nila ang pag- ibig sa bayan at pag-asam ng kalayaan.

 Ang masiglang kilusan sa larangan ng panitikan ay nagsimu- lang mabasa sa mga


sumusunod na pahayagan.
1. El Nuevo Dia (Ang Bagong Araw) – itinatag ni Sergio Osmeña noong 1900.
Makalawang pinatigil ng mga sensor na Amerikano ang paglalathala nito at
binalaan si Osmeña at ang kaniyang mga kasamahan na ipatatapon dahil sa mga
lathalaing makabayan.
2. El Grito del Pueblo (Ang Sigaw Ng Bayan) – itinatag ni Pascual Poblete nong 1900.
3. El Renacimiento (Muling Pagsilang) – itinatag ni Rafael Palma noong 1900.

 Marami ring mga dula ang naisulat noon, ngunit sa una o ikalawang pagtatanghal pa
lamang sa Teatro Zorilla ay ipinatigil din ng mga Amerikano dahil sa diwang
makabayan pa rin ang pina- paksa. Kabilang dito ang mga sumusunod:
1. Kahapon, Ngayon At Bukas -sinulat ni Aurelio Tolentino. Naglalahad ito ng
panlulupig ng mga Amerikano at ang tangka nila ng manakop sa Pilipinas.
2. Tanikalang Ginto - ni Juan Abad
3. Malaya ni Tomas Remegio
4. Walang Sugat ni Severino Reyes

JESUS BALMORI - Kilalang-kilala sa sagisag na “Batikuling".


 Naging kalaban niya si Manuel Bernabe sa balagtasan sa Kastila sa paksang " El
Recuerdoy el Olvido ".

 Nahirang siyang "Poeta Laureado sa Wikang Kastila" dahil tinalo niya sa


labanang ito si Manuel Bernabe.

MGA IBA PANG MANUNULAT SA WIKANG KASTILA


 Adelina Gurrea - kauna-unahang makatang babae sa Pilipinas na magaling sa
Kastila. Nagkamit siya ng gantimpalang "Premyo Zobel" sa kaniyang tulang awit
na "El Nido."

 Isidro Marpori – napatanyag siya sa pamamagitan ng kaniyang apat na aklat na


pinamagatang "Aromas de Ensueño." (Halimuyak ng Pangarap).

 Macario Adriatico - sumulat ng magandang alamat ng Mindoro na pinamagatan


niyang "La Punta de Salto." (Ang Pook na Pamulaan.)

10
 Epifanio de los Santos - nakilala sa tawag na "Don Panyong." lpinalalagay siyang
magaling na mamumuno, at mananalambuhay sa buong panahon ng panitikang
Kastila.

 Pedro Aunario – sumulat ng Decalogo del Protocionismo

PANITIKAN SA TAGALOG
 Ang "Florante at Laura" ni Francisco Balagtas at "Urbana at Felisa" ni Modesto
de Castro ang naging inspirasyon naman ng mga manunulat sa Tagalog.

 Inuri ni Julian Cruz Balmaceda sa tatlo ang mga makatang Tagalog. Narito ang
mga sumusunod:
1. Makata ng Puso: Lope K. Santos, Iñigo Ed. Regalado, Carlos Gatmaitan,
Pedro Gatmaitan, Jose Corazon de Jesus Jesus, Cirio H. Panganiban,
Deogracias del Rosario, Ildefonso San- tos, Amado V. Hernandez, Nemecio
Carabana, Mar Antonio, atbp.
2. Makata ng Buhay: Lope K. Santos, Jose Corazon de Jesus, Florentino
Collantes, Patricio Mariano, Carlos Gatmaitan, Amado V. Hernandez, atbp.
3. Makata ng Dulaan - Aurelio Tolentino, Patricio Mariano, Severino Reyes,
Tomas Remegio, atbp.

 Sa panunulat naman ng maikling katha na nagpasimulang lumabas sa mga


pampitak na "Panandaliang Libangan" at "Dagli" nahanay rito ang mga
pangalan nina Lope K Santos, Patricio Mariano, Rosauro Almario, atbp.

 Sa pahayagang "Liwayway” naman ay sina Deogracias Rosario, Teodoro Gener,


Cirio H. Panganiban, atbp.

 Naging tanyag namang nobelistao mangangathambuhay sina Valeriano


Hernandez Peña, Lope K. Santos, Inigo Ed. Regalado, Faustino Aguilar, atbp.

LOPE K. SANTOS
 Ang nobelista, makata, mangangatha, at mambabalarilang si Lope K. Santos sa
tatlong panahon ng panitikang Tagalog: panahon ng Amerikano, ng mga
Hapones, at bagong panahon.

 Kung si Manuel L. Quezon ang Ama ng Wikang Pambansa", si Lope K Santos


naman ang "Apo" ng mga mananagalog. Ang nobelang “Banaag at Sikat” ang
siyang ipinalalagay na kaniyang pinaka Obra-Maestra.

JOSE CORAZON DE JESUJS


 Kilalang-kilala si Jose Corazon de Jesus sa sagisag na "Huseng Batute".
Tinagurian din siyang "Makata ng Pag-ibig" noong kaniyang kapanahunan.

11
Ang "Isang Punong Kahoy" na tulang elehiya ang ipinalalagay na kaniyang
obra-maestra.

FLORENTINO COLLANTES
 Isa ring batikang "duplero", tulad ni Batute itong si Florentino Collantes. Siya
ang unang makatang Tagalog na gumamit ng tula sa panunuligsang
pampolitika sa panahon ng mga Amerikano. Kilalang-kilala siya sa sagisag na
"Kuntil Butil" at ang kaniyang obra maestra ay ang "Lumang Simbahan".
Narito ang nasabing tula.

AMADO V. HERNANDEZ
 Si Amado V. Hernandez ang tinaguriang "Makata ng Mga Manggagawa" sa
ating panitikan sa dahilang nasasalamin sa kaniyang mga tula ang marubdob
na pagmamahal sa mga dukhang manggagawa.

 Para sa kaniya, ang tula ay halimuyak, taginting, salamisim, aliw-iw. Ang panitik
ay makapangyarihan at ayon sa kaniya pati hari ay napayuyuko ng panitik.

 Marami siyang akdang naihandog sa panitikan tulad ng Isang Dipang Langit,


Mga Ibong Mandaragit, Luha ng Buyawa, Bayang Malaya, Ang Panday, Mun-
ting Lupa, at iba pa, ngunit ang pinaka-obra-maestra niyang isinaalang-alang ay
ang tulang "Ang Panday.”

VALERIANO HERNANDEZ PEÑA


1. Kasabay na nanaluktok sa larangan ng pagsulat ng nobela ni Lope K. Santos si
Valeriano Hernandez Peña. Kilalang-kilala siya sa tawag na “Tandang Anong"
at sa sagisag na "Kintin Kulirat". Ang kaniyang ipinalalagay na pinaka-obra-
maestra niya ay ang "Nena at Neneng.
INIGO ED. REGALADO
2. Si Iñigo Ed. Regalado ay anak ng isang tanyag na manunulat noong panahon ng
Kastila sa sagisag na "Odalager". Pinatunayan ni Regalado na hindi lamang siya
nanalunton sa dinaanan ng kaniyang ama, kundi nakaabot pa sa karurukan ng
tagumpay o "sumpong" sa panitik. Naging tanyag din siyang kuwentista,
nobelista, panitik at peryodista. Ang kalipunan ng kaniyang tula ay
pinamagatang Damdamin.

ANG DULANG TAGALOG


3. Sa pagpasok ng Panahon ng mga Amerikano, sina Severino Reyes at
Hermogenes Ilagan ay nagsimula ngkilusan laban sa moro-moro at nagpilit na
magpakilala sa mga tao ng mga lalong kapakina- bangang matatamo sa
sarsuela at tahasang dula.

12
Ang mga taong hindi dapat malimutan sa larangan ng paniti kang ito ay ang mga
sumusunod:
1. Severino Reyes - "Ama ng Dulang Tagalog", at may-akda ng walang
kamatayang dulang "Walang Sugat"
2. Aurelio Tolentino - angipinagmamalaking mandudula ng mga
Kapampangan. Kabilang sa kaniyang mga dulang isinulat ay ang Luhang
Tagalog na itinuturing niyang obra-maestra, at ang Kahapon, Ngayon at
Bukas" na siya niyang ikinabilanggo.
3. Hermogenes Ilagan - nagtayo ng isang samahang "Compaña llagan" na
nagtanghal ng maraming dula sa kalagitnaang Luzon.
4. Patricio Mariano - sumulat ng nobelang "Ninay" at "Anak ng Dagat" na
ipinalalagay na kaniyang obra-maestra Julian Cruz Balmacedasumulat ng
"Bunganga ng Pating". Ito ang nagbigay sa kaniya ng higit na karangalan at
kabantugan.
MGA IBA PANG PANITIKANG FILIPINO
PANITIKANG ILUKANO
Ang mga sumusunod ay ang mga dapat kilalanin sa pagiging maningning ng
panitikang Ilukano.
1. Pedro Bukaneg - "Ama ng Panitikang Iloko". Sa pangalan niya hinango ang
salitang "Bukanegan" na nangangahulugan sa Tagalog ng Balagtasan.
2. Claro Caluya - "Prinsipe ng Mga Makatang Ilukano". Kilala siya sa pagiging
makata at nobelista.

3. Leon Pichay - kinilalang "pinakamabuting bukanegero". Isa rin siyang


makata, nobelista, kuwentista, mandudula, at ma- nanaysay.
PANITIIKANG KAPAMPANGAN
Kapag panitikang Kapampangan ang pinag-uusapan, tiyak na nangunguna ang mga
pangalan ng dalawang haligi nito.
1. Juan Crisostomo Soto - Ama ng Panitikang Kapampangan". Ang salitang
"Crisotan” na nangangahulugan ng "Balagtasan" sa Tagalog ay hinango sa
kaniyang pangalan.
2. Aurelio Tolentino – palibhasay nananalaytay sa kaniyang mga ugat ang dugong
Kapampangan, ang kaniyang "Kahapon, Ngayon at Bukas" ay iginawa niya ng
salin sa Kapampangan at pinamagatan niyang "Napon, Ngeni at Bukas"

13
PANITIKANG BISAYA
Narito naman ang mga pangalang nanaluktok sa panitikang Bisaya.
1. Eriberto Gumban - "Ama ng Panitikang Bisaya". Nakasulat siyaya ng sarsuela,
moro-moro, at mga dula sa Bisaya.
2. Magdalena Jalandoni - nag-ukol naman ng panahon sa nobelang Bisaya. Isinulat
niya "Ang Mga Tunuk San Isa Ca Bulaclac"
ANG PANITIKANG FILIPINO SA INGLES
Narito Ang Ilan Sa Ating Mga Manunulat:
1. Jose Garcia Villa - pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles sa larangan ng
maikling katha at tula. Kilala rin siya sa sagisag na "Doveglion"
2. Jorge Bocobo - isang mananaysay at mananalumpati. lan sa kaniyang mga sinulat ay
ang "Filipino Contact with America, A Vision of Beauty" at "College Education".
3. Zoilo Galang - sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa Wikang Ingles na
pinamagatang "A Child of Sorrow".
4. Angela Manalang Gloria - umakda ng "April Morning". Nakilala siya sa pagsulat ng
mga tulang liriko noong panahon ng Komonwealth.
5. Zulueta de Costa - nagkamit ng unang gantimpala sa kaniyang tulang "Like The
Molave" sa Common wealth Literary Contest noong 1940.
6. NVM Gonzales - may-akda ng "My Islands" at "Children of the Ash Covered Loom".
Ang huli ay isinalin sa iba't ibang wika sa India.
7. Estrella Alfon - ipinalalagay na pinakapangunahing manunulat na babae sa Ingles bago
magkadigma. Siya ang sumulat ng "Magnificence" at "Gray Confetti".
8. Arturo Rotor - may-akda ng "The Wound and the Scar na siyang kauna-unahang aklat
na nalimbang sa Philippine Book Guild.

14
PANAHON NG MGA HAPONES
 Nabalam ang pangarap ng Pilipino na tuluyang makamit ang minimıthing kalayaan sa
pagdating ng mga Hapon. Sa panahong ito, pumalaot ang mga paksaing may
kaugnayan sa mga kultura't kaugalian sa mga nayon at lalawigan. Ito ay bunga ng
pangangailangang magkubli ng mga Pilipino para sa kanılang kalıgtasan bunga ng
nagaganap na digmaan. Dito naranasan ng mga Pilipinong hindi taal na tagalalawigan
na maramasan ang karıktan ng buhay sa mga kanayunan. Namayani ang paksain
hinggil sa mga katutubong kulay hanggangsa muling pagbabalik ng mga Amerikano
upang bawun ang Pilhpınas sa kamay ng mga Hapones. lan sa mga akdang
pampanitikan na nagpapahayag ng mga katutubong kulay ang "Suyuan sa Tubigan" ni
Macario Pineda na naglalarawan ng bayanihan at paraan ng panliligaw, at ang "Lupang
Tinubuan ni Narciso Reyes.
ANG MGA TULA SA PANAHONG ITO

 Ang karaniwang paksa ng mga tula noong Panahon ng Hapon ay tungkol sa bayan o sa
pagkamakabayan, pag-ibig, kalikasan buhay lalawigan o nayon, pananampalataya, at
sining.
Tatlong uri ng tula ang lumaganap sa panahong ito:
1. Haiku - isangtulang may malayang taludturan na kinagi- liwan ng mga
Hapones.
- Ito'y binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod.
- Ang unang taludtod nito ay may limang pantig, ang ikalawa ay pitong
pantig, at ang ikatlo ay limang pantig ang una.
- Maikli lamang ang haiku, ngunit nagtataglay ng masaklaw at
matalinghagang kahulugan.
Halimbawa: TUTUBI

ni Gonzalo K. Flores

Hula mo’y tabak…


Ang bulaklak nanginig
Sa paglapit mo.

2. Tanaga - tulad ng haiku, ito'y maikli ngunit may sukat at tugma.


- Ang bawat taludtod nito ay may pitong pantig.
- Nagtataglay din ng mga matatalinghagang kahulugan.

15
Halimbawa: PALAY
ni Ildefonso Santos
-
Palay siyang matino
Nang humangi’y yumuko
Nguni’t muling tumayo
Nagkabunga ng ginto.

3. Karaniwang anyo - ang mga katangian nito ay natalakay na sa panimulang pag-


aaral ng aklat na ito.
Halimbawa: PAG-IBIG ni Teodoro Gener
Umiibig ako at ang iniibig
Ay hindi dilag na kaakit-akit
Pagkat kung talagang ganda lang ang nais
Hindi ba nariyan ang nunungong langit

DULA SA PANAHONG ITO


Nagkaroon ng puwang ang dulang tagalog nang Panahon ng Hapon dahil napinid
ang mga sinehang nagpapalabas ng mga pelikulang Amerikano. Ang mga malalaking
sinehan ay ginawa na lamang tanghalan ng mga dula. Karamihan sa mga dulang pìnalabas
ay salin sa Tagalog mula sa Ingles. Ang mga nagsipagsalin sina Francisco Rodrigo, Alberto
Cacnio, at Narciso Pimentel. Sila rin ay nagtatag ng isang samahan ng mga mandudulang
Pilipino na Pilipino na pinangalanan nilang "Dramatic Philippines". Ilan sa mga nagsisulat
ng dula ay ang mga sumusunod:
1. Jose Ma. Hernandez – sumulat ng "Panday Pira”
2. Francisco Soc. Rodrigo – sumulat ng "Sa Pula sa Puti
3. Clodualdo del Mundo - sumulat ng "Bulaga"
4. Julian Cruz Balmaceda - sumulat ng "Sino ba Kayo," "Dahil sa Anak " at "Higanti ng
Patay"
MGA MAIKLINGKUWENTO SA PANAHONG ITO

 Naging maunlad ang larangan ng maikling kuwento noong panahon ng Hapon.


Maraming mga nagsisulat ng maikling kuwento.

 Kabilang dito sina Brigido Batungbakal, Macario Pineda, Serafin Guinigundo, awayway
Arceo, Narciso Ramos, NVM Gonzales, Alicia Lopez Lim, Ligaya Perez, Gloria Guzman
at iba pa.

16
 Ang pinakamahusay na akda ng taong 1945 ay pinili ng lupon g mga inampalan na
binubuo nina Francisco Icasiano, Jose Esper anza Cruz, Antonio Rosales, Clodualdo del
Mundo, at Teodor Santos.

 At ang 25 maikling kuwentong pinili ay pinasuri naman kina Lope K. Santos, Julian Cruz
Balmaceda, at Inigo Ed. Regalado. Ang kinawakasan ng pagsusuri ay nagsasabing ang
mga sumusunod angg nagkamit ng unang tatlong gantimpala:
Unang Gantimpala: Lupang Tinubuan- ni Narciso Reyes
Pangalawang Gantimpala: Unaw Ang Tigang na Lupa - ni Liwayway Arceo
Pagatlong Gantimpala: Lunsod Nayon at Dagat-dagatan – ni NVM Gonzales

Panahon ng Liberasyon
 Hindi nagluwat at matagumpay na muling nabaw1 ng mga Amerıkano ang Pilipınas sa
kamay ng mga Hapones. Mulıng Sumigla ang mga manunulat sa pagbabahagi ng
buhay at karanasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Hapon. Bumandila ang mga
paksain hinggil sa kalupitan ng mga Hapon, ang kanılang pangungulila, kasiphayuan sa
mga pangarap at kasawian sa buhay dala ng matınding digmaan. Ipinagmalaki ng mga
panulat ang kagitingan ng mga gerilya at kahirapang pinagdaanan ng mga Pilipino sa
kamay ng mga Hapones.

 Sa pamamalagi ng mga Amerikano sa Pilipinas matapos ang liberasyon, unti-unti


namang bumaling ang paksain ng mga akdang panliteratura sa mga pangyayaring may
kaugnayan sa pakikipamuhay sa mga Amerikano gayundin ang pakikipagkaibigan ng
mga Amerikano sa mga Pilipıno.
Panahon ng Batas Militar at Bagong Lipunan (1972-1985)
 Sa panahon ng panunungkulan ng dating Pangulong Ferdinand Marcos naitatag ang
Batas-Militar na ang layunin ay malunasan ang mga problemang pangkahırapan at
matamo ang mapayapang buhay. Ngunit hindi nagtagumpay ang magandang layuning
ito bunga na rin ng mahigpit na pamamalakad na ipinairal ng pamahalaan. Ang
mahigpit na sistema ng pamahalaan ay sumikil sa kalayaan ng mga Pilipino. Bunga
nito, lumaganap ang maraming mga kilos protesta hindi lamang sa kampo ng mga
mag-aaral kundi maging sa mga aktibistang manggagawa. Nagsulputan din ang iba't
ibang samahan na laban sa sistema ng pamahalaan gaya ng mga partido Komunista at
NPA.
 Ang mga bagay na ito ay hindi pinalampas ng mga manunulat. Mabisang nailarawan sa
literatura ang katotohanan sa buhay ng mga Pilipino sa panahon ng rehimeng Marcos.
Makatotohanang naipadama ng panulat sa bawat anyo ng panitikan ang tunay na
kalagayan at pangyayarı sa panahon ng Martial Law; ang nadarama ng mga Pilipino,
ang kanılang karangan, ang kanilang pighati at pagdurusa. Naging bukambibig ang
mga katagang "makibaka!, " "kalayaan!," "ibagsak ang diktadura" na hindi lamang sa

17
gitna ng lansangan marırinig kundi maging sa mga lathalain at mga akdang
panliteratura ay nakalimbag din. Samakatwid, matapang at mapanuligsang
maituturing ang nilalaman ng literatura sa panahong ito.

Panahong Kasalukuyan
 Sa kasalukuyan, iba't ibang paksain sa iba't ibang anyo ng panitikan ang patuloy na
pumailanlang. Ito ay dahil sa higit na naging malawak ang karanasan ng mga Pilipino
bunga ng maraming pangyayari sa ating bansa. Matapos ang rehimen ng dating
Pangulong Marcos ay hindi nawala ang kahirapan at hinaing ng mga Pilipino sa mga
akda sa kasalukuyan. Hindi lamang kalayaan sa pamamahayag kundi ang kalayaan sa
kahirapan ang patuloy na isinasatinig ng mamamayan.
 Datapwat ang tao'y naghahanap din naman ng mapagbabalingan upang kung hindi
man mabigyang-lunas ang kanilang suliranin ay makatagpo ng panandaliang
pagkalımot sa mga krisis at problemang kinakaharap ng bansa. Ang telepantasya sa
telebisyon ay mabisang 1lunas upang sumandaling makatakas sa realidad ng buhay. Sa
telebisyo' y namalasak ang mga palabas na may temang kababalaghan at pantasya
gaya ng Darna, Captain Barbel, Majica at iba pa.

 Sa kabilang dako, ang iba'y binibigyang kasagutan ang kahırapan sa pangingibang-


bayan sa pag-aakalang ang kaway ng dolyar sa ibayong dagat ang magtataguyod ng
kanilang mga pangarap. Sa ibang bayan ay yumayaman ang karanasan ng ating mga
kababayan. Oo ngat may napapabuti, may nagtatagumpay subalit may nagtatamo din
naman ng kasıphayuan at pagdurusa. Ang mga ito' y makikita sa mga akdang tulad ng
"Tagulaylay," at "Stop Over na sumasalamın sa mga pagdurusa at pagkasabik ng mga
OFW sa sariling bayan.

 Ang kultura ng ibang bayan ay nakaumpluwensya sa paniniwala ng kapwa natin


Pilipino. Ang kanilang paglilipat-lipat ng tirahan, pakikipagniig sa iba't ibang lahi sa
ibayong dagat at muling pagbabalik sa bansa ay nakapagpapabago ng kanilang mga
interes, hilig at gawi na naipapasa sa kapwa nila Pilipino. Bunga nito, makikita sa mga
akda ang tema ng kultura at isa na rito ang akdang "Mall Rat" ni Rolando Telentino na
tumatalakay sa mga uri at pangkat ng taong pumapasok sa Mall na may ibat ibang
gawi, kilos at pananamit.

18
Sintesis:
Bago dumating ang mga Kastila, ang ating literatura ay
karaniwang pasalin- dila at nagtataglay ng impluwensya ng kaisipang
Malayo-Indonesyo. Ang panahon ng mga Kastila ay panahon ng
panunulad, pagkabaguhan sa kaisipang kanluranin ngunit pagkagising sa
doktrina ng pag-ibig sa pagka-Kristiyano. Ang maapoy na pagkagising
naman ng damdaming makabayan at simula ng pagkakaisang pambansa
ay mga katangian ng panahon ng propaganda at himagsikan. Ang naging
katangian ng panahon ng Amerikano ay ang pag-aadbentura sa mga
bagong anyo at diwa ng panitikan at sa kaisipang demokratiko.
Pagpapaimbabaw at pagkapuril ng henyong panliteratura ang nangyarı
noong panahon ng mga Hapones. Ang bagong panahon ay panahon ng
biglaang kasarinlang hindi makitaan ng liwanag dahil sa pagbugso ng
maraming suliraning iniwan ng digmaan. Subalit ang liwanag ng araw ng
pag- asa ay namamanaag at ang kinabukasan ng literaturang Fihpuno ay
may malinaw na dalang pampasigla upang ang mga manunulat ay
mangahas na maging dakila hindi lamang sa nasasaklaw ng bansa kundi
sa lahat ng sulok ng daigdig.

Mga Gawain
Paano umunlad ang literatura sa patuloy na pagsulong ng panahon?
1. Magsaliksik ng mga akdang nakilala sa bawat panahon at kasaysayan. Ibahagi at
talakayin ang bawat akda sa klase.
2. Kilalanin ang mga manunulat na natanyag sa bawat panahon, kunin ang kanilang
bayograpiya at akdang nagpatanyag sa kanila. Talakayin at ibahagi sa klase.
3. Pagtalunan: “Higit na maunlad kung dalisay at puro an gating literatura; hindi
nabahiran ng kultura ng kanluranin
4. Bumuo ng grupo na may tig-lilimang miyembro, gumawa ng dayagram o sketch na
nagpapakita sa pagkakaugnay ng kasaysayan at literatura magmula sa panahon bago

19
TALASANGGUNIAN
Lumbera, B. at Lumbera C. N.(1997).Philippine Literature (revised edition). Pasig City: Anvil Publishing,
Inc.

Aguilar, R. et al. (2006). Panitikan ng Pilipinas. Makati City: Grandwater Publications.

https://www.slideshare.net/MariaAngelinaBacarra/panitikang-iloko?from_action=save

https://philippineculturaleducation.com.ph/pichay-leon/

https://philippineculturaleducation.com.ph/pichay-leon/

20

You might also like