You are on page 1of 2

Pangalan: Francisco. Shiela Mae U.

Ipinasa noong: 2/15/22


BSED 2-B

Reflective Journal

Noon, mababaw lamang ang aking pagpapakahulugan sa salitang edukasyon. Iyon bang
tipikal na "Ang edukasyon ang susi sa tagumpay". Subalit magmula nang tahakin ko ang kurso ng
pagtuturo, unti-unting naging maliwanag sa akin ang totoong kahalagahan at kahulugan ng nito.
Hindi lamang ito isang proseso sa pagpuno ng kaalaman, kundi isa rin itong pundasyon na
pinagtitibay ng mga kaguruan; isang tulay at ang mga guro ang siyang gumagabay sa mga mag-aaral
patungo sa magandang kinabukasan.
Ngayon pa lamang ay iniisip ko na kung magagawa ko bang pangatawanan ang mga
magagandang katangian ng isang guro na itinuturo sa amin. Magagawa ko bang mailapat nang
mahusay at epektibo ang kurikulum para sa mga tuturuan ko sa hinaharap? Aking aaminin na sa
mga panahong ginugol namin sa pagpapakadalubhasa sa pagbuo ng isang epektibong banghay-
aralin at pagpapakitang-turo, sinubok ang aking pagkamalikhain at kakayahang magturo. Sa mga
panahong iyon, tumimo sa aking isipan na hindi lamang basta-basta inilalapat o ginagawa ang
kurikulum. Masinsinan at pinong pagpapasya ang kinakailangan sa kung paano maibabahagi nang
epektibo sa mga mag-aaral ang mga bagay na dapat nilang matutunan.
Minsan, naalala ko ang isang guro ko noon sa elementarya. Papasok siya, iaabot ang libro at
tisa sa kalihim ng aming klase, atsaka uupo sa gilid. Ngayong nalaman ko na ang mga dapat at hindi
dapat gawin ng mga guro bilang pagganap sa kanilang propesyon, ako ay napa-isip. Tinanong ko ang
aking sarili, kaya ba laging nagpapasulat ang guro na iyon ay dahil tinatamad siya o hindi siya
handang magturo? Ang pagiging handa ang isa sa mga pangunahing katangian na dapat tamuhin ng
isang guro, iyan ang natutunan ko sa kursong ito. Sa tuwing naaalala ko iyon, ipinangako ko sa aking
sarili na hindi ko iyon tutularan. Kailangan kong magsikap nang sa gayon ay maging isang epektibo
at mahusay na guro ako sa hinaharap para sa aking mga tuturuan.
Mulat ako sa katotohanang maraming inaasahan ang mga tao sa mga guro. Magkaroon
lamang ng pagkukulang o makagawa ng maliit na pagkakamali, natatabunan na nito ang
magandang imahe ng isang guro. Gayunpaman, kinakailangan kong ihanda ang aking sarili sa mga
negatibong salitang maaaring ibabato sa akin sa hinaharap. Kung kaya ganoon na lamang kahalaga
ang mga etikang pang-guro sapagkat ito ang nagsisilbing paalaala sa kung paano ako makikipag-
tuos sa mga ganoong uri ng suliranin, kung paano ako kikilos, at maging maingat sa mga salitang
bibitawan ko.
Alam kong hindi sasapat ang apat na taong pag-aaral sa kolehiyo upang maging isang ganap
at mahusay na guro. Maraming proseso akong dapat pagdaanan upang lubos na maging handa sa
pagtuturo. Maraming mga suliranin ang aking makakasalubong sa aking paglalakbay. Ngunit ang
aking mga natututunan sa kolehiyo at mga matutunan pa sa patuloy kong paglalakbay ay akin ding
magagamit sa takdang panahon.

You might also like