You are on page 1of 2

Pangalan: Francisco, Shiela Mae U.

Ipinasa noong: 2/2/22


BSED 2-B

GAWAIN: SAMPUNG USO O PRAKTIS NOON NA HINDI NA TINATANGKILIK SA


KASALUKUYAN

1. PANGHAHARANA
Karaniwan itong gawin ng mga kalalakihan noon. Dumadalaw ang mga
lalaki sa tahanan ng napupusuan nilang dilag at sila ay nag-aalay ng isang
awitin. Isa na ito sa mga uso ta nakagawian noon na nilimot na natin sa
kasalukuyan. Wala ng panghaharanang nangyayari, bagkus ay sa
pamamagitan na lamang ng chat nagagawa ito. Nasusungkit ng lalaki ang
puso ng isang babae sa paraan ng pagbibitaw ng mga matatamis na salita o
'di kaya ay sa mga pick-up line.

2. PAGSUSULAT NG LIHAM
Isa ito sa uso noon dahil ito lamang ang paraan ng Pilipino upang
makipag-ugnayan sa kanilang kausap sa ibang lugar at ang pagdating ng sulat
sa taong pinadadalhan ay madalas na inaabot ng buwan. Subalit sa
kasalukuyan, ito ay tuluyan nang nawala at kinalimutan dahil pinalitan na
ito ng moderno at mas mabilis na paraan ng pagpapadala ng mensahe gamit
lamang ang ating mga telepono.

3. PAGBUBUNOT NG PUTING BUHOK O UBAN


Isa ito sa mga nakagawian na ng mga Pilipino noon. Nagpapabunot ng
uban ang mga matatanda noon sa kanilang mga apo kapalit ng limang piso o
‘di kaya ay kahit anong gantimpala. Ngunit sa kasalukuyan, bibihira na
lamang ang mga matatandang gumagawa nito dahil karamihan sa kanila ay
mas pinipiling magpakulay ng buhok nang sa gayon - ayon sa kanilang sariling
pananaw - sila ay magmumukhang bata.

4. PAGPAPALIPAD NG SARANGGOLA
Ito ay uso rin noon. Ito ang isang gawain na kinahihiligan ng mga
kabataan. Ang mga kabataan noon ay maghahanap pa ng isang lugar na may
malakas na hangin nang sa gayon ay magawa nilang paliparin ang saranggola
nang hindi alintana ang sikat ng araw sapagkat nadadaig ng malamig na
hangin ang init. Subalit hindi na ito nagagawa sa kasalukuyan dahil sa
pandemya, sa tindi ng init ng panahon, at dahil sa teknolohiya na labis na
kinahuhumalingan ng mga bata.

5. PAGTULOG NG MGA BATA SA TANGHALI


Nakagawian na ng mga magulang noon na patulugin ang kanilang mga
anak tuwing tanghali dahil sa paniniwala na mas bibilis ang kanilang paglaki.
Kung susuriin natin sa kasalukuyan, hindi na ito nagagawa. Sa halip, tanghali
nang gumigising ang mga kabataan ngayon dala ng pagpupuyat gabi-gabi.
6. PAGLALARO NG TEKS AT JOLENS
Masasabi kong isa rin ako sa mahilig maglaro ng teks at jolens.
Madalas na naming ginagawa ay nag-iipon at pinararami ang koleksiyong
teks at jolens o ‘di kaya ay ginagamit namin sa aming paglalaro. Masasabi
kong isa ito sa usong-usong laro na hindi na nagagawa sa kasalukuyan, at
marahil ay hindi kilala ng mga bagong silang sa panahong ito. Ang larong ito
ay pinalitan na ng mga mobile games na kinahuhumalingan ng lahat. Mas
naka-eengganyo kasi ito at kaakit-akit talaga sa atensiyon ng mga kabataan.

7. PAKIKINIG NG MGA KUWENTO SA RADYO


Ang pakikinig sa radyo, lalo na sa mga kuwento, ang naging isa sa
libangan ng mga tao tuwing gabi. Iba-ibang uri ng kuwento ang itinatampok
sa radyo, maaaring ito ay isang drama, love story, o ‘di kaya ay mga
katatakutan. Subalit mabilis na umusbong ang modernisasyon at teknolohiya
kung kaya’t nawala na rin ito sa mga estasiyon ng radyo at ang pumalit na
rito ay ang telebisyon na may iba-ibang palabas na mapapanood.

8. PAGLALABA SA BATIS
Nakasanayan na ng mga Pilipino ang maglaba sa batis. Madalas na
tumpok ng mga kababaihan ang naglalaba at may iilan din na naliligo rito.
Nawala na rin ang ganitong nakagawian sapagkat mayroon na tayong
tinatawag na laundry machine o washing machine na higit na pinadali ang
paglalaba.

9. PAKIKINIG NG MGA AWITING 90’S


Uso rin noon ang mga awitin nina Pilita Corrales, Bee Gees, Elvis
Presly, Nora Aunor at marami pang iba. Patok sa mga Pilipino ang mga
ganitong awitin dahil sa naka-aantig at malamyos nitong himig. Subalit sa
kasalukuyan, maaaring napakikinggan parin ang mga ganitong awitin ngunit
binabago ang melodiya ng mga ito (maaaring gawing mabilis o rock style)
nang sa gayon ay maging pasok sa panlasa ng mga tagapakinig sa
kasalukuyan. Bukod pa riyan, tunay na malaki na ang pinagbago ng anyo ng
ating musika sapagkat karamihan sa mga ito ay madalas na itnutulad sa
musika ng mga banyaga tulad sa Korea.

10. PAGGAMIT NG GASERA


Karamihan sa mga kabayanan sa Pilipinas wala pang dumadaloy na
kuryente sapagkat hindi pa ito maunlad. Tanging gasera lamang ang
nagsisilbi nilang ilaw sa gabi. Ngunit ang ganitong nakagawian ay wala na
sapagkat ang buong bansa ay dinadaluyan na ng kuryente kung kaya aging
mas magaan ang pamumuhay.

You might also like