You are on page 1of 5

FT 603: PAMARAAN, DULOG AT TEKNIK SA FILIPINO

ni: DR. JULIET O. MANDADO

Pangalan: Krystel N. Nacua Taon/Seksyon: MAED Filipino Petsa: April 15, 2021

Paksa: Paggamit ng Estratehiya sa Pagtuturo

Panuto: Sundin ang ibingay na sampol na Lesson Exemplar sa ibaba sa pagbuo ng isang Lesson Plan.

Phase 1

PANGKALAHATANG
IDEYA SA PAKSA
Alamat ng Isla ng Pitong
Makasalanan

Ang alamat ay isang uri ng panitakan o isang kwentong bayan na tinatawag


folklore o legend sa wikang Ingles. Ito ay nanggaling pa sa ating mga ninuno at
ginagamit upang isalaysay ang pinagmulan ng iba’t ibang bagay katulad ng ngalan ng
tao, bagay, pook o lugar, halaman, pangyayari, o hayop sa bansa

Pag-unawa

Ang Visayas o Kabisayaan na tinagurian ding gitnang Pilipinas ay isa sa tatlong


pangunahing pangkat ng mga pulo sa Pilipinas kabilang ang Luzon at Mindanao.
Binubuo ito ng mga kapuluan, pangunahin ang mga pulong pumapalibot sa Dagat
Kabisayaan bagaman itinuturing na ang Kabisayaan ang pinakadulong hilagang bahagi
ng Dagat Sulu. Katulad ng Luzon at Mindanao ay may mga panitikan ding
maipagmamalaki ang Visayas o Kabisayaan at ito ay ang pasalindilang panitikan,
naging laganap ito sa panahon ng ating mga ninuno bago dumating ang mga Espanyol.
Ito ang mga panitikang pinalaganap sa pamamagitan ng pagsasalin-salin ng pasalitang
tradisyon mula sa iba’t ibang henerasyon. Ang ilan sa mga uri ng panitikang
pasalindila ay ang mga salawikain, sawikain, bugtong, awiting-bayan at mga bulong.
Marami ding mga alamat at mga kuwento tungkol sa kasaysayan ng kabisayaan subalit
maraming hindi sang-ayong kung may katotohanan ang mga ito.

Alamat ng Isla ng Pitong Makasalanan


FT 603: PAMARAAN, DULOG AT TEKNIK SA FILIPINO
ni: DR. JULIET O. MANDADO

Noong unang panahon, isang matandang mangingisda at ang kanyang pitong


anak na dalaga ang naninirahan sa isang tahanan nakaharap sa baybayin ng Dagat
Bisaya. Ang kanilang tirahan ay nasa bayan ng Dumangas, isang bayang nasa
gawing hilagang-silangan ng lalawigan ng Iloilo na bahagi ng Isla ng Panay.
Araw-araw makikita ang pitong dalagang masayang nagsasagawa ng mga
gawaing -bahay o kaya nama’y nasa dalampasigan at nagtatampisaw o masayang
lumalangoy,naghahabulan at nagtatawanan. Tila sila mga nimpang kay gaganda
habang nakikipaghabulan sa mga alon sa baybayin. Ang kagandahan ng pitong
dalaga ay bantog hindi lang sa kanilang bayan kundi maging sa malalayong
lugar. O kaya naman, hindi kataka-takang ang kanilang tahanan ay dinarayo ng
maraming binatang naghahangad na makuha ang kamay ng isa sa mga dalagang
napupusuan. Mahal na mahal ng ama ang mga anak at ang labis niyang
ikinatakot ay ang makapag-asawa ang sinumansa kanyang mga dalaga ng mga
lalaking maglalayo sa kanya.” Sana, kung makakahanap man ng mapapangasawa
ang aking mga anak ay tagarito lang sa aming isla upang hindi sila mapalayo sa
akin.” Ang naibulong ng ama sa sarili habang pinagmamasdan ang kanyang mga
anak na abala sa mga gawaing bahay. Isang araw nga ay isang pangkat ng
makikisig na binatang mangangalakal ang dumating sa kanilang bayan.
Nabalitaan din pala ng mga binate ang kagandahan ng mga dalaga kaya’t
nagsadya sila sa bayang iyon hindi lang para sa kanilang mga kalakal kundi para
makilala rin ang mga dalaga. Sakay sila ng magagara at mabibilis na bangka.
Mamahaling regalo ang ibinigay ng mga bisita sa mga dalaga. Naging mabilis
ang pagkakaunawaan ng pitong dalaga at ng pitong binatang estranghero.
Inanyayahan nilang magtungo sa kanilang bayan ang pitong dalaga na agad
naming nagsipayag. Subalit hindi naging madali ang paghingi nila ng pahintulot
sa kanilang ama. “Hindi niyo pa kilala nang lubusan ang mga binatang iyan.
Bakit kayo sasama? Hindi ako papayag.” Ang matigas na wika niya kahit pa
nagpupumilit ang kanyang mga anak na sumama sa mga binate. Pamagat ng
Alamat Aral/ Mensahe mula sa Alamat 1. 2. 3. 4. 5.6 Isang araw, habang nasa
dagat at nangingisda ang ama ay gumawa ng isang mapangahas na pasya ang
mga dalaga.” Sasama ako sa aking kasintahan, sa ayaw at sa gusto ni ama, “ang
wika ng panganay na si Delay. “Ako man, ako man,” ang sunod-sunod na sabi ng
iba pang dalaga. Sinamantala ng magkakapatid ang pag-alis ng ama upang
mangisda. Bitbit ang kani-kanilang mga pansariling gamit ay sumakay ang mga
suwail na anak sa tatlong bangkang dala ng mga binate palayo sa kanilang
tahanan. Nang sila’y nasa bahagi na ng baybayin ng Guimaras kung saan
nangingisda ang kanilang ama ay natanaw niya ang tatlong bangka ng mga
estranghero lulan ang kanyang pitong anak na dalaga. Buong lakas na sumagwan
ang ama para mahabol ang kanyang pinakamamahal na mga anak subalit lubhang
mabagal ang kanyang maliit na bangka kompara sa makabagong bangka ng mga
FT 603: PAMARAAN, DULOG AT TEKNIK SA FILIPINO
ni: DR. JULIET O. MANDADO

estranghero kaya hindi na niya nahabol ang mga anak. Buong pait na lumuha at
nagmakaawa ang ama sa kanyang mga anak. “Mga anak. huwag kayong umalis.
Bumalik kayo! Ang walang katapusang pagsigaw at pagmamakaawa ng ama
habang patuloy siya sa paggaod. Subalit hindi siya pinakinggan ng walang turing
niyang mga anak. Laylay ang mga balikat sa matinding pagod sa paggaod at sa
labis na kalungkutan sa paglisan ng kanyang mga anak, walang nagawa ang
matanda kundi lumuha nang buong kapaitan. Wari’y nakidalamhati sa kanya
maging mga kalangitan sapagkat ang maliwanag na sikat ng araw ay biglang
naparam at sa halip ay napalitan ng pagdilim ng himpapawid. Gumuhit ang
matalim na kidlat na sinabayan ng malalakas na dagundong ng kulog. Biglang
pumatak anag malakas na ulan kaya’t walang nagawa ang matanda kundi umuwi
na lamang. Sa kanyang pag-uwi ay isang napakatahimik at napakalungkot na
tahanan ang kanyang dinatnan. Hindi napigil ng matanda ang muling pagluha
nang masagana. Wari’y sinasabayan din ng malalakas na patak ng ulan sa
bubungan ng kanyang ulilang tahanan ang walang katapusang pagluha ng kaawa-
awang matanda.Labislabis ang kanyang kalungkutan at pangungulila sa kanyang
mga anak. Sa kabila ng ginawa ng mga suwail na anak ay anag kanila pa ring
kaligtasanang inaalala ng ama lalo pa’t masamang panahon ang kanilang
nasalubong sa paglalakbay. Kinaumagahan, indi pa sumisikat ang araw ay
pumalaot na ang matanda.Inisip niyang maaaring sumilong ang bangka ng mga
estranghero dahil sa sama ng panahon nang nagdaan gabi. Baka sakaling
mahabol niya pa ang kanyang mga anak. Subalit anong laking pagtataka niya
nang siya’y nasa laot na. Nakatanaw siya ng maliliit na isalang tila isinabog sa
gitna ng laot sa pagitam ng kanilang isal ng Dumangas at isla ng Guimaras. Sa
lugar na ito siya nangisda kahapon at alam na alam niyang walang mga islang
tulad nito sa lugar nang nagdaang araw. Kinabahan ang matanda at kasabay ng
mabilis na pagtibok ng kanyang puso ang mabilis niyang paggaod papunta sa
mga mumunting isla. Anong laking panlulumo niya nang makita ang nagkalat na
bahagi ng bangkang sinakyan ng kanyang mga anak na nakalutang sa paligid.
Binilang niya ang mumunting isla. Pito! Pito rin ang kanyang mga anak na
dalaga. Humagulgol ang matanda. Parang nahulaan na niya ang nangyari.
Nalunod ang kanyang mga anak nang ang 7 sinasakyan nilang mga bangka ay
hinampas ng malalakas na along dala ng biglang pagsama ng panahon kahapon at
sumadsad sa mga korales at matatalas na batuhan kaya nagkahiwa-hiwalay ang
mga ito. Ang mga mumunting isla ay tinawag na isla de los Siete Pecados o Mga
Isla ng Pitong Makasalanan. Ito ay bilang pag-alala sa pagsuway at sa kasalanang
nagawa ng pitong suwail na dalaga sa kanilang mapagmahal na ama.
FT 603: PAMARAAN, DULOG AT TEKNIK SA FILIPINO
ni: DR. JULIET O. MANDADO

Mga Mahahalagang Katanungan

1. Ano ang katangian ng mga dalaga kung kaya arami ang binatang
humahanga sa kanila? Ano naman ang ikanababahala ng ama dahil sa
katangiang ito ng mga anak?
2. Ano ang ginawa ng mga dalaga na ikinapahamak nila at nagdulot
nang labis na kalungkutan sa kanilang ama?
3. Bakit hindi pumayag ang ama sa kagustuhan ng mga dalaga na
sumama sa kanilang mga kasintahan?
4. Ano-ano kaya ang maging kahinatnan ng pagsuway ng pitong dalaga
sa kanilang ama?
5. Kung ikaw ay isa sa mga dalaga, susuway ka rin ba sa utos o payo ng
iyong ama? Bakit? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Gabay na Indikasyon sa Pagtuturo


Standards Based Curriculum
Development
 Nahihinuha ang kaligirang pangkasaysayan ng binasang alamat ng Kabisayaan

 Natutukoy ang kulturang sumasalamin sa alamat ng taga-Bisaya

Kagamitang Pampagtuturo
 Filipino-Ikalawang Markahan- Module 4 pp: 4-6

Website:

What Is Pangaea & Plate Tectonic? | CONTINENTAL DRIFT | The Dr Binocs Show | Peekaboo Kidz -
YouTube

Alamat ng isla ng Pitong Makasalanan - YouTube

 Laptop

 Internet

 Ispiker

 Cellphone
FT 603: PAMARAAN, DULOG AT TEKNIK SA FILIPINO
ni: DR. JULIET O. MANDADO

Paghahanda

a. Panalangin
b. Pagbibigay ng mga paalala sa klase na dapat sundin (netiquettes)
c. Pagkuha ng mga lumiban sa klase.

E-decode ang mga kombinasyon ng mga numero upang maibigay ang hinhinging salita base sa
alphabetical order.

Halimbawa:

__F__ __I__ ___L__ __I___ __P___ __I__ __N__ __O__

6 9 12 9 16 9 14 15

___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___
9 19 12 1 14 7 16 9 20 15 14 7

___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___ ___

13 1 11 1 19 1 12 1 14 1 14

Ano ang Salita? ___________________________________________________

Katanungan:
1. Mayroon ba kayong alam kung paano nabuo ang isla?

Ipakita ang video bilang sagot :

What Is Pangaea & Plate Tectonic? | CONTINENTAL DRIFT | The Dr Binocs Show | Peekaboo Kidz -
YouTube

You might also like