You are on page 1of 6

ANG PAMATNUBAY

-Ang panimula ng balita ay tinatawag na pamatnubay ,sa wikang ingles “Lead”.

-Ito ay ang pinakamahalagang bahagi ng balita sa kabuuan sapagkat ito ay ang unang binibigyan
ng pansin at umakit sa mambabasa.Ang simula ng balita ay nangangailangan ng higit na atensyon
mula sa mambabasa gayundin naman sa manunulat.Sinusuri muna ng mambabasa ang mga balita at
saka magpapasya kung alin ang babasahin batay sa kanyang panlasa.

SIMULA NG PAMATNUBAY
Pinipilit ng reporter na mailagay ang malaking lathalain sa simula ng 6-8 salita,na karaniwang
bumubuo sa unang linya ng balita .Ito ay karaniwang nasa kumbensyonal na balitang pamatnubay.

PANGKALAHATANG URI NG PAMATNUBAY

1.Batay sa layunin

a.Kumbensyunal-Kung minsan ito ay tinatawag ding buod ng pmatnubay ,karaniwan ang balita aay
ginagamit ng ganitong pamamaraan na tumatalakay sa naturang at tuwirang paraan.Ito ay ang
pinakaraniwang uri na sumasagot sa mga tanong na Sino?,Ano?,Kailan?,Saan?,Bakit?,Paano?

b.Di-kumbensyonal na pamatnubay-Ang balitang lathalain ay gumagamit ng pamatnubay na


ito.Inilalahad dito ang intensyon ng pagpupunyagi ng manunulat sa pagpapakilala ng kanyang balita sa
paraang naiiba.

2.Katanungang Pamatnubay
Ang uring ito ng pamatnubay ay ang pinakamatanda sa lahat ng uri na ginagamit ng
mamamahayag tulad ng Sino,Ano,Bakit,Paano,Kailan at Saan (5 W's and an H.

a.Pamatnubay na Sino (Who Lead)-Ang pangalan ay ang gumagawa ng balita lalo na ang mga
kilala.Ang tao ay kilala sapagkat bantog o dili kaya'y my kinalaman sa mga pangyayari sa balita.

b.Pamatnubay na Ano (What Lead)-Pinakamatuwid na pamatnubay na naghahayag ukol sa balita.

c.Pamatnubay na Bakit (Why Lead) -Nagsasaad hinggil sa pinagmulan o sanhi ng itinampok na


pangyayari.

d.Pamatnubay na Paano (How)-Karaniwang ginagamit sa hindi inaasahang mga pangyayari at mga


aksyon.Itinatampok dito ang pamamaraan ng mga kaganapan.

e.Pamatnubay na Kailan(When Lead)Ginagamit kapag ang mga pangyayari ay naganap sa hindi


inaasahang panahon,o ang panahon nh kaganapan ay lalong mahalaga.

f.Pamatnubay na saan (Where Lead)- Ginagamit kung ang mga naganap ay hindi sa pangkaraniwang
lugar.
3.Batay sa kabuuan
a.gramatikong panimula
b.Unorthodox o Di-pangkaraniwang pamatnubay.

Angmga uring itoay ang nagbibigay -diin sa pangangailangan sa pag-iiba-iba ng pamatnubay Ang
kawalan ng alinman sa nga elemento ito ay nagiging sanhi ng kahinaan ng isang pamatnubzy .

Mga dapat Isaalang-alang sa pagsulat ng isang mabuting pamatnubay

1.Isama lamang an mga mahalaagaang kaatanungaan,


2.Magsimula sa itinatampok na balita ,na pinaakaamaahalaga o aang pinakaintresadong kaaganapan o
maaaring pareho.
3.Maikli – karaniwan 25-35 mga salita kung itoy isang talata.
4.Simula sa tiyak at nakatatawag pansin na mga salita.
5.Iwasan hanggat maari ,na magsisimula sa mga salita at mga pariraalang tulad ng “A,An.the;at a
meeting;yesterday;lastnight;last week,recently;days of thw week-Monday ,Tuesday,etc ; according to ;it
is (will,was,will be);there is (are,will be)
5.Mungkaahi sa mga pinagmulan ng blita.

a.Mga balitang tumatalkay o naglalahad b subalit hindi kilala sa pangkalahataan.


b.hinggil sa daaraatng na kaganapan upng ipagsanggalang ang pahayagan kung sakaling ang
pangyayari ay hindi nagaganap.
c.Ang balitang higgil sa mahalagang mga pangyayari na hindi nagampaanan ng reporter.

7.Iwasan ang pagbibigay ng mga pinagmulan ng balita na maaring ang mga manbabasa aynaging
saksi.
8.Iwasan ang labisb na paggamit ng iisang paraan sa paglalahad ng awtoridada..
9.Gumamit ng paghahayag ng mga may awtoridada,
10.Iwasan ang labis na paggamit ng salita ng hindi mahalaga sa unang pangungusap ng pamatnubay.
11.Ipakilala nag taong nabanggit.
12.Naisulat ba ng makulay ang itinampo na balita?
13.Magkakaugnay ng mga katanunganat awtoridad,ang kabuuan aymalinaw ,at maayos na pahayag.
14.Kinilala ang mga pook na may kaugnayan sa mga kilalang mga pangalan o kanilang dating
kaugnayan sa balitang itinatampok.
15.kinilala ang mga pangyayari batay sa layunin,dating kaugnayan o sa nakaraang mha pangyayari

PARAAN SA PAGSULAT NG BUOD NG PAMTNUBAY

1.Pag-aralang mabuti ang mga datos na nakalap mula sa balita .Para sa mga baguhan ,Itala ang mga
katanungan sa isang pirasong papel at sa tapat ng bawat isa isulat ang angkop na pangyayari.
2.Pumili ng itatampok batay sa kahaalagahan at interes ng mga mambabasa.
3.Ayusin aang mga katanungan baatay sa kahalagahan.
4.Alamin ang pinalaamabisang paraan sa panimula ng pamatnubay na pangungusap.
5.Isiping lahat ang mgaa katangian ng isang mabuting buod ng pamatnubay.

PAGSURI SA BUOD NG PAMATNUBAY


1.Ang lahat ba ng mga mahalagang katanunga ay naisam?
2.Ang mga mahalag bang pangyaayaari ay naisaayosb ayon sa pagkakasunod-sunod?
3.Mayroon bang mga salita o detalye na hindi kinakailangan.
4.Ang paamatnubay ba ay nagsimula nang tiyak at nakapanghihikayat na mga salita.
5.Ang awtoridad ba ay nailalahad.
6.Ang lahat ba na may kinalaman ay naitala ?
7.Kung ang istorya ay batay sa nakaraan o kasalukuyang balita,ang kaugnayan ba ay naging malinaw.
8.Maliwanag ba sa pagkakabuo o nilalaman?
9.May tama bang haba?
10.Maisulat ba nang maayos?
11.Binabatikos ba ang partikular na mambabasa ng pahayagan?
12.Naisusulat ba nang makahulugan.

IBA PANG URI NG PAMATNUBAY (NEWS LEAD)

1.”Teaser na pamatnuaay – ang pamatnubay na kjaraniwang ginagamit sa pampanitikang pahayag na


sinisipi,ang saknong o taludtod ng issang tula,ang jingle,”mula sa komersyal o ang pinakakilalang
parirala.Ang pahayag ay maaaring kahalintulad sa isang kilaalang tao,pook,pangyayari ,o bunga ng
likhang sining.

Halimbawa:
“Huwag mong gawin sa iba ang hindi mo nais na gawin ng iba sayo.

2.Paglalarawang pamatnubay
Ang maganda at makahulugang paglallarawan o disenyo ng pangyayari.Ginagamit sa pamamaagitan
ng ilang salita upang makabuo ng malinaw na larawan sa isipan ng bumabasa.

3.Kakatwang pamatnubay
Ang kakaibang paraan sa paggamit ng tipograpikong epekto o hindi pangkaraniwang mga pangyayari.

Halimbawa:
Bininyagan :Anak ng Hito
Wanted:Isang Asawa

4.Tahasang sabi o Sinipiniping pamatnubay


Ang pahayag o punang sinipi ng reporter sa panimulaa ng pangungusap ng isang pahayag.Ang
halimbawa ay ang pahayag ng Pangulo ng Pilipinas.Ito ay maaaring mga pahayag na nakaapekto sa
mga libong tao.

Halimbawa:Mabuti pa sumama kaa sa pagbisita ko sa slum areas nang ang mga butangero roon ay
magsanay na lang ng boksing,”sabi ng Pangulong Gloria M.Arroyo kay CBF World Super
Bantamweight champion Manny Pacquiao.

Halimbawa ng paglalarawang pamatnubay


Maliit na bansa ,167 ang bulkan!
Ang bilang ng bulkan ay 455 , at may tinatayang 80 pa nag nakalubog sa tubig ! At ang bansang may
pinakamaraming bulkan ay ang indinesia ,77 sa kanya ng 167 na bulkan ay pumutok na.Ang tawag ng
bulkan ay unang ginamit sa dormant Volcano Island na Aeolian group sa Meditererranea ,at ang
pangalan ay mula kay Vulcan , isang Roman god ng mapaminsalang apy.
Tinatayang taun-taon ay may 500,000 detectable seismic or microseismic na pagyanig at
100,000 ang maaaring maramdamaan at 1000 ang nakapinsala.Ang pinakamalakas ay 9.5 sa
Lebu,south of conception ,Chile ,noong May 22,1960.At pinakamarami ang namatay sa china na
umabot sa 830,000,sa laakas na 8.2.

5.Pagkakaibang Pamatnubay

Ang pamatnubay na pinaghahambing ang mga pangyayari.Pinapakita ang pagkakaaiba ng daalawang


bagay sa unang pangungusap ng balita.

Halimbawa:Noong Mayo 2001,ang industriya ng pagbabangko ay nawalan ng reserba sa pagpapautang


sa datos ng 44.2 porsento na higit na mataas kaysa noong nagdaang buwan ng Abccril na may 40.7
porsiyento.

6.Pagsasalarawang pamatnubay

Ito ay naglalarawan ng istory ng balita.Karaniwaan,inilalarawan ang mga tao ,bagay o pangyayari.

Halimbawa:mzrzming tubig sa paligid ngunit walang ni isang patak na maiinom.Dito sa


Baguio,naganap sang malakas na hangin at ulan,pagguho ng lupa at baha na dala ng bagyong Feria
noong isang linggo,ngayon ay nananatili pa ring walang tubig na maiinom ang mga tagarito.

7.Paggulat na pamatnubay

Kalimitan ito ay maikli ,Hiwalay na talata na sinusundan ng buod ng ibang impormasyon.

8.Pontse ng pamatnubay (punch Lead)


Isang napakaikli ngunit mabisa.

Halimbaw:magandang pagdiriwang ! Nanalo noong Abril 28 ang dalawang mag-aaral na RTU sa


“computer Competitions.”.Sila ay pumaunta sa microsoft company ,silicon Valley ,California ,USA sa
susunod na buwan.

9.Tanong na Pamatnubay (Question lead)


Ginagamit upang masagot ang nailahad na mga katanungan sa pahayag.Ang reporter ay karaniwanng
gumagamit ng mga pamamaraan upang makasulat ng pahayag na makatatawag ng [pansin sa
mambabasa.

Halimbawa:Sino ang magiging Pangulo ng Senado sa susunod na sesyon?ito ay malalaman sa susunod


na linggo na muling pagbubukas ng senado.

10. Buod na Pamatnubay


Isasa pinakapangkaraniwang pamatnubay na ginagamit sa pagsulat ng balita.Ito ay may kinalamaan sa
pangkalahataang buod sa mga tunay na pangyayari o ang maging kaganapan.ang uring ito ay
sumasagot sa limang “h” ([cwhat] Ano),([Why] ,bakit) ,([Where ] Saan) ,([When] Kailan),([Who]
Sino), at ([How] Paano).

Halimbawa
Ang bagyong Feria ay rumagsa sa hilagang Luzon .May dalang malakas na ulan at hangin na
tinatayang 170 kilometro bawat oras.Kahapon,ito ay pumatay ng 13 katao,na nagpatigil sa biyahe ng
mga sasakyang panghimpapawid,panlupa at pandagat.Ang buong lungsod ng Baguio ay nahiwalay.

11.Kapligiran na pamatnubay ( Atmospher lead)

Ito ay naglalawrawan ng kawili-wili at maligayang damdamin.


Halimbawa:
Ang piyesta sa Vigan ,Cantanduanes ay ipinaagdiriwang sa pamamagitan ng sayawan ,tugtugan at
awitan na nilalahukan na ibat ibang barangay.Magsisimula sa gawain ang mga kalahok mula sa
kanilang pook patungong [plasa ng naturang bayaan.

12.Isang salita pamatnubay (One -Word Lead)


Ito ay gumagamit lamang ng isang salita upang maipadama ang igting nito.
Halimbawa :
Sunugin ! Ang utos ni Heneral Gumersindo Abad sa mga pulis habang sinusuri nila ang mga shabu na
nasamsam sa pagsalakay.

13.Maikli at hiwa-hiwalay na mga salita ng pamatnubay (Staccato Lead)

Ang mga salita na nagbibigay ng iisang ideya.

Halimbaw: Krimen ! Basura! Hold-up!Adiksyon! Ito y ang mga dahilan kung bakit nalulugmok ang
ating ekonomiya.

14.Nakatatawang Panulad na pamatnubay (Parody Lead)

Ito ay karaniwang hango sa tanyag na awit ,tula ,sipi,aklat,o pamagat ng pelikula.

Halimbawa:
Bawal sa Casino ang mga nasa Gobyerno ,Ngunit may pagkakaiba .Ang mga kasino ay magiging
sarado para sa mga nagtatrabaho o nanunungkulan sa gobyerno kung magiging isang batas ang
panukala ni Senador Juan Flavier.Ngunit ang “Senate bill no.8 “ na nagbabawal sa mga tinatalagang
opisyales na hindi kasama sa mga inihalal na ,gaya ng senador at kinatawagan sa kongreso.

15.Kasabihan o Kawikaanng pamatnubay (Epigram Lea)

Ang pamatnubay ay mula sa mga kilalang kasabihan ,o salawikain.

Halimbawa:
Ang hindi lumingon sa pinaanggalingan ay hindi makarating sa paroroonan.Ito ay nararamdaman ni
Eugenio Retarado nang manalo siya s katatapos na halalan.Nagalit ang kanyang mga kababayan sa pag
uugali niya na nakalilimot sa mga taong nagluklok sa kanya sa kongreso noong nakalipas na halalan.
0

You might also like