You are on page 1of 61

UNANG PAKSA

 Ang Pilipinas ay isang malayang estado at


kapuluang bansa sa timog-silangang Asya na
matatagpuan sa kanlurang bahagi ng
karagatang Pasipiko.
 Ang Asya ang pinakamalaking kapuluan o
lupalop sa buong daigdig. Tinagurian ang
Pilipinas bilang “Pintuan ng Asya” dahil sa
kinalalagyan nito sa Pasipiko at bilang bahagi
ng kontinente at lupalop ng Asya.
 Ang bansang Pilipinas ay isa sa mga bansa
sa Asya na mayaman sa kultura at likas na
yaman. May sarili itong wikang pambansa at
marami itong iba't ibang dayalekto at
lenggwahe.
ANG BANSANG
PILIPINAS BILANG
BAHAGI NG BANSANG
ASYA
HEOGRAPIYA
Ang Heograpiya ay mula sa salitang griyego na
geo o “mundo” at graphein o “sumulat”. Ito
ay ang pagsulat o paglalarawan ng katangiang
pisikal sa ibabaw ng mundo.
Ang mundo ay nahahati sa pitong (7)
kontinente
1. Asya
2. Africa
3. North America
4. South America
5. Antarctica
6. Europe
7. Australia
Saan nga ba matatagpuan ang
Pilipinas?
Ang Pilipinas ay bahagi ng pinakamalaking
kontinente sa mundo.
Ang Pilipinas ay bahagi ng pinakamalaking
kontinente sa mundo ang Asya.
Nahahati ang Asya sa 5 rehiyon ito ang mga
sumusunod:
 Hilagang Asya
 Silangang Asya
 Timog Asya
 Kanlurang Asya
 Timog Silangang Asya

Sa Timog-Silangang Asya nabibilang ang


Pilipinas.
PILIPINAS
 Ang Pilipinas ay isang bansa sa Timog-
Silangang Asya sa kanluran ng Karagatang
Pasipiko. Binubuo ang bansa ng humigit-
kumulang pitong libo, isang daan at pitong
mga pulo (7,107). Kabilang sa lupalop o
kontinente ng Asya ang bansang Pilipinas.
 Matatagpuan sa pagitan ng n6° 40' at 126° 34' S.
longhitud, at 4° 40' at 21° 10' H. latitud ang
Pilipinas. Pinapalibutan ito ng dagat Pilipinas sa
silangan ng dagat Luzon sa kanluran, at ng dagat
ng Celebes sa timog. Matatagpuan ang bansang
Indonesia sa katimugang bahagi ng bansa habang
matatagpuan ang bansang Malaysia sa timog-
kanluran. Sa silangan matatagpuan ang bansang
Palau at sa hilaga matatagpuan ang bansang
Taiwan.
WIKANG PAMBANSA NG
PILIPINAS
 Ang Pilipinas ay binubuo ng iba't ibang
pangkat ng mga Pilipino. Humigit-kumulang
150 wika at diyalekto ang umiiral sa bansa.

 Pambansang wika
- Isang wikang magiging daan ng
pagkakaisa at pag-unlad bilang simbolo ng pag-
unlad ng isang bansa.
 Opisyal na wika
- Ginagamit sa opisyal na komunikasyon
ng estado sa kanyang mga mamamayan at
ibang bansa sa daigdig.

 Wikang Tagalog
- Pinagbatayan ng wikang pambansa
noong 1935.
 Wikang Pilipino
- Wikang pambansa ng Pilipinas na
nakabatay sa Tagalog.

 Wikang Filipino
- Ito ang wikang pambansa na hindi batay sa
isang wika lamang kundi sa iba't ibang wika sa
Pilipinas.
MGA SALIGANG BATAS
SA PAG-UNLAD NG
WIKANG FILIPINO
Saligang Batas ng Republika ng Biak na
Bato (1896)
Wikang tagalog: opisyal na wika ng Pilipinas
Saligang Batas ng 1935
Ang kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa
pag-unlad ng wikang pambansa
1937
Tagalog: batayan ng wikang pambansa

1940
Pagturo ng wikang pambansa sa lahat ng
pampubliko at pribadong paaralan
1946
Batas sa Komonwelt Blg. 570:
wikang pambansang Pilipino (wikang
pambansa)

1959
Pilipino: pinaikliang tawag
1973
Ang Pilipino ay naging Filipino

1987
Filipino: salig sa umiiral na wika sa Pilipinas
Saligang Batas ng 1974
Ang pambansang Asembleya ay dapat gumawa
ng hakbang tungo sa pagpapa-unlad ng
pormal na adapsyon ng panlahat na wikang
pambansa na makikilalang Filipino
Proklama Blg. 12 s. 1954
Linggo ng wika (March 29-April 4)

Proklama Blg. 12 s. 1954


Ramon Magsaysay
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 s.
1963
Awitin ang pambansang awit sa titik nitong
Filipino

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 s.


1963
Diosdado Macapagal
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 s.
1967
Pagsasa-Pilipino ng mga pangalan ng mga
gusali, tanggapan, at edipisyo
Memorandum Sirkular Blg. 172 s. 1968
Lahat ng letterhead ng mga liham ay nasa
Filipino kalakip ng kaukulang texto sa Ingles
Pormularyo ng panunumpa

Memorandum Sirkular Blg. 172 s. 1968


Rafael Salas
Memorandum Sirkular Blg. 199 s. 1968
Pagdalo sa mga seminar sa Filipino ng mga pinuno
at empleyado ng pamahalaan na idadaraos ng SWP

Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 s. 1969


Paggamit ng Filipino sa mga opisyal na
komunikasyon at pampamahalaang transaksyon
Memorandum Sirkular Blg. 384 s. 1970
Nagtalaga ng mga may kakayahang tauhan
upang mamahala ng lahat ng komunikasyon
sa Filipino

Memorandum Sirkular Blg. 384 s. 1970


Alejandro Melchor
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 304 s.
1971
Pagsabuhay sa tungkulin ng SWP

Atas ng Pangulo Blg. 73 s. 1972


Pagsalin sa texto ng saligang batas sa Filipino
Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s.
1974
Nagtakda ng mga panuntunan sa pagpapatupad
ng patakarang edukasyong bilingual

Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s.


1974
Juan Manuel
Kautusang Pangkagawaran Blg. 22 s.
1987
Paggamit ng Filipino bilang WP

Kautusang Pangkagawaran Blg. 22 s.


1987
Lourdes Quisumbing
TEORYA AT PRAKTIKA SA
PAG-AARAL NG FILIPINO
Teoryang Saykolohikal/Sikolohiya
 Ang pag-iisip at ang wika ay magkaugnay.
Ang mga batang matagumpay na makasunod
o makagawa ng mga gawain kaugnay sa pag-
iisip (Comprehension) ay karaniwan iyong
may kahusayan sa pakikinig , pagsasalita,
pagbabasa at pagsulat.
 Tompskin (1999)
“Ang pagsulong at pag-unlad sa pagsulat ng
mga bata ay maoobserbahan habang unti-unti
nilang naipapahayag ang kanilang mga
komplex na ideya o kaisipan sa kanilang
sulatin.”
Apat na Paniniwala/Teorya
kung Paano natutunan ng
isang tao ang wika:
1. Teoryang Behaviorist (molded;
teacher-centered)
 Ang mga bata ay pinanganak na may
kakayahan na sa pagkatuto ng wika at ng
kanilang kilos at gawi ay maaaring hubugin
sila sa kanilang kapaligiran.
 Binibigay-diin ni Skinner (1968), isang
pangunahing behaviorist, na kailangan
“alagaan” ang pag-unlad na intelektwal sa
pamamagitan ng pagganyak at pagbibigay
sigla at pagpapatibay sa anumang gawi o
kilos.
 Audio-lingual Methods (ALM)
- Binibigyang diin ang kasanayang pakikinig at
pagsasalita;
- Binibigyang diin ang pag-uulit at mga drill;
- Pagwawasto ng mga kamalian;
- Ang pagtuturo at pagkatuto ay nakatuon sa
guro.
2. Teoryang Innatire (built-in)
 Ang mga bata ay ipinanganak na may “likas
na salik” sa pagtamo at pagkatuto sa wika.
 Ipinaliwanag ni Chomsky (1975, 1965) na
ang kakayahan sa wika ang kasama na
pagkaanak at likas itong nalilinang habang
ang mga bata ay nakikipag-interaksyon sa
kanyang kapaligiran.
 Ang LAD (Language-Acquisition Device) ang
tumatanggap ng impormasyon mula sa
kapaligiran sa anyo ng wika.
 Ilan sa mga metodo sa pagtuturo ng wika na
may kaugnayan sa makataong tradisyon ay ang
mga sumusunod;
- Community Language learning in Curran;
- Ang Silent way ni Gattegno at ang
Suggestopedia ni Lazonov
3. Teoryang Kognitib (learned)
 Ang pagkatuto ng wika ay isang Dinamiko
kung saan ang mga mag-aaral ng wika ay
kailangang palaging mag-isip at gawing may
saysay ang bagong tanggap na kaalaman at
impormasyon mula dito mas napapaunlad
nila ang pagkatuto ng wika.
 Ayon sa mga kognitibist ang pagkakamali ay
isang palatandaan ng pagkatuto at
eksperimentasyon at hindi ito kagyat at
tuwirang iwinawasto.
4. Teoryang Makatao (student-centered”)
 Nakapokus sa damdamin at emosyon ng isang
tao.
 Tungkulin ng isang guro na maglaan at
lumikha ng isang kaaya-ayang kapaligiran sa
klasrum at isang pagkaklaseng walang
pananakot kung saan maginhawa ang
pakiramdam ng bawat mag-aaral.
MGA NAPAPANAHONG TEORYA SA
PAGTATAMO AT PAGKATUTO NG
WIKA
Ang ating isipan ay may taglay na isang
prosesor ng wika, ang Language Acquisition
Device (LAD), na nakalilikha ng mga tuntunin
sa pamamagitan ng walang-kamalayang
pagtatamo ng pansariling pagbabalarila.
May tatlong pangunahing ideya ang
nakaimpluwensya sa pagtuturo at pagkatuto
ng wika sa kasalukuyan:

1. Ang paglipat sa isang paradigmang kognitib


na nagsasabi ng pangunguna ng pagkatuto
bago pa man ang pagtuturo nito.
2. Nagsasaalang-alang nang lubos ang proseso
ng pagtuturo o pagkatuto kung ito ay
katugma ng mga prosesong likas na
nagaganap sa ating utak.
3. Ang integrasyon ng mga kaalaman ay isang
mahalagang kaisipang kontemporaryo na may
kaisahan sa mga layunin ng lahat ng mga
lawak pangnilalaman at pagsanib ng
pagtuturo ng pagsulat, pagsasalita, pakikinig,
pag-iisip, at ang pagkilos ay isang
nangungunang simulain sa kasalukuyang
kaisipan tungkol sa pagkatuto ng wika.
WIKA AT KULTURANG
FILIPINO
KULTURA

Kabuuan ng isip, damdamin, gawi,


kaalaman at karanasan na nagtatakda ng
maaangking kakayahan ng isang kalipunan ng
tao.
WIKA

Hindi lamang daluyan kundi higit pa rito,


tagapagpahayag at impukankuhanan ng
alinmang kultura.
WIKA SA KULTURA

Ang wika ang kaluluwa at saligan na


bumubuo at humuhubog at nagbibigay diwa
sa kultura.
KULTURA SA WIKA

Ang kulturang Pilipino ay dapat taglayin


ng isang wikang nagpapaloob at
nagpapahayag dito.
 WIKA bilang pahayag-pahiwatig
(ekspresyon);

“Paano nauunawaan ng isang indibidwal


ang ibang grupong etniko kahit hindi nila
alam ang wika at lalo na ang kultura ng mga
ito? Ano-ano ang maaaring dahilan?”
 WIKA bilang daluyan ng kultura;

May tatlong implikasyon ng gamit ang


wika bilang daluyan ng pagsasakultura,
sarili man o hindi:
1. Halimbawa na lamang ang “Polyglot”
2. Problema ng “Partisipasyon”
3. Hindi maaangkin ng isang kultura ang isa
pang buong kultura liban kung ito ay PATAY o
NILULON na ng NAKALALAKING
SIBILISASYON bilang isang sub-kultura bago
lubusang matunaw.
 Hindi dapat itakwil ang sariling wika sa
pagpapayaman ng kultura;
Mga problemang kultural na naranasan
ng mga Pilipino:
• Pagmamaliit at pagdusta ng mga kastila sa
mga Tagalog.
• Pagsulong ng kulturang Amerikano-Pilipino
sa pamamagitan ng wikang Ingles.
 Wikang tulay tungo at mula sa ibang
pagkukultura, kasama na ang iba;

May dalawang aspeto ng patuloy na


pagiging impukanhanguan ng Pilipinas:
1. Patuloy na pagtitipon ng kulturang Pilipino
sa paraang dulot ng kasaysayan ng lipunang
Pilipino. PAANO ITO MAGAGAWA?
2. Mapanlikhang pagpapalago at kusang
pagpapayaman sa kultura ng isang lipunan
upang mabuo ang pambansang kabuuang
kultural.
 Ang pagbuo ng ating kultura ay hindi
magaganap kung hindi maipapasaloob sa
mga bahagi ng lipunang Pilipino. ANO ANG
HAKBANG NA DAPAT ISULONG?
Miyembro :
Alvarez, Jean F.
Ansing, Carystella Mae C.
Hadjirulla, Meliza Jane H.
Lacastesantos, Ria A.
Miranda, Jasmine Aezel A.
Palarca, Mary Rose M.
Torres, Franchesca Marie S.

You might also like