You are on page 1of 5

TEORYA NG MGA WIKA

1. Teoryang Bow-wow. Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula
sa panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay
kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagaybagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga
tunog na nalilikha ng mga ito.
2. Teoryang Pooh-pooh. Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito,
nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin
tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa. Pansinin nga
naman ang isang Pilipinong napapabulalas sa sakit. Hindi bat siya y napapa-Aray!
Samantalang ang mga Amerikano ay napapa-ouch! Anong naibubulalas natin kung
tayoy nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng takot?
3. Teoryang Yo-he-ho. Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel,
2003) na ang tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang
pisikal. Hindi nga bat tayoy nakalilikha rin ng tunog kapag tayoy nag-eeksert ng
pwersa. Halimbawa, anong tunog ang nililikha natin kapag tayoy nagbubuhat ng
mabibigat na bagay, kapag tayoy sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga
ina ay nanganganak?
4. Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay. Likas sa mga sinaunang tao ang mga ritwal. Sila
ay may mga ritwal sa halos lahat ng gawain tulad ng sa pakikidigma, pagtatanim,
pag-aani, pangingisda, pagkakasal, pagpaparusa sa nagkasala, panggagamot,
maging sa paliligo at pagluluto.
5. Teoryang Ta-ta. Ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng
tao na kanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila at
naging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalaunay nagsalita.
Tinatawag itong ta-ta na sa wikang Pranses ay
nangangahulugang paalam o goodbye.
6. Teoryang Ding-dong. Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang
tao, ayon sa teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga
bagay-bagay sa paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan
lamang kungdi maging sa mga bagay na likha ng tao.
7. Teoryang Mama. Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga
pinakamadadaling pantig ng pinakamahahalagang bagay. Pansinin nga naman ang
mga bata.
8. Teoryang Sing-song. Iminungkahi ng linggwistang si Jesperson na ang wika ay
nagmula sa paglalaro, pagtawa, pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga
bulalas-emosyunal.
9. Teoryang Hey you! Hawig ito ng teoryang pooh-pooh. Iminungkahi ng
linggwistang si Revesz na bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa kanyang
kapwa tao ang wika.

10. Teoryang Coo Coo. Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na
nalilikha ng mga sanggol.
11. Teoryang Yum Yum. Katulad ng teoryang ta-ta, pinag-uugnay ng teoryang ito
ang tunog at kilos ng pangangatawan. Katulad halos ng teoryang ta-ta ang
paliwanag ng mga proponent ng teoryang ito sa pinagmulan ng wika.
12. Teoryang Babble Lucky. Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ay nagmula sa mga
walang kahulugang bulalas ng tao.
13. Teoryang Hocus Pocus. Ayon kay Boeree (2003), maaaring ang pinanggalingan
ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng
pamumuhay ng ating mga ninuno.
14. Teoryang Eureka! Sadyang inimbento ang wika ayon sa teoryang ito. Maaari raw
na ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga arbitraryong tunog
upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay.
GAMPANIN NG WIKA
impormatib
ekspresib
direktib
perpormatib
persweysib
TUNGKULIN NG WIKA
Interaksyonal - nakapagpapanatili, nakapagpapatatag ng relasyong sosyal.
Instrumental - tumutugon sa mga pangangailangan.
Regulatori - kumokontrol, gumagabay sa kilos/asal ng iba.
Personal - nakapagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.
Imajinativ - nakapagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.
Heuristik - naghahanap ng mga informasyon/datos.
Informativ - nagbibigay ng informasyon/datos.
ANTAS NG WIKA
1. Formal at di-formal di-formal na wika ag wikang ginagamit ng tao sa ka-edad
samantalang formal naman ang wikang ginagamit ng tao sa nakatataas o
nakakatanda.
2. Lingua franca wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang
Filipino ang lingua franca ng mga tao.
3. Lalawiganin mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng
Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya ta iba pa. Hindi talamak ang
paggamit sa isang bansa ng mga wikang lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng
implikasyon ng kultura ng isang lalawigan.
4. Kolokyal ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan
napaiikli ang mga salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito.
Halimbawa: /tena/ para sa tara na, /pre/ para sa pare.
5. Balbal o pangkalye wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may
kanya-kanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla halimbawa ang
mga salitang eklavush, erpat at ermat at cheverloo.

6. Edukado/malalim wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at


pamantasan, sa gobyerno, sa korte at iba pang venyung profesyunal.
BARAYTI NG WIKA
1. Idyolek pampersonal na gamit ng wika, kadalasang yunik.
2. Dayalek nadedebelop sa rehiyong kinabibilangan.
3. Sosyolek pansamantalang barayti.
4. Etnolek nadedebelop mula sa mga salita ng mga etnolonggwistikong grupo.
5. Ekolek kadalasang mula o sinasalita sa loob ng bahay.
6. Pidgin wikang walang pormal na estruktura.
7. Creole nadedebelop ang pormal na estruktura.
8. Rejister wikang espesyalisadong nagagamit sa isang particular na domeyn.
KASAYSAYAN NG WIKANG FILIPINO
Noong Nobyembre 13, 1936, inilikha ng unang Pambansang Asamblea ang Surian
ng Wikang Pambansa, na pinili ang Tagalog bilang batayan ng isang bagong
pambansang wika. Naimpluwensyahan ang pagpili sa Tagalog ng mga sumusunod:
1.
2.
3.

4.
5.

Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang


pinakanauunawaan sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at
pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan.
Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng
Bisaya.
Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang
pinakamaunlad at malawak (sinasalamin ang dyalektong Toskano ng Italyano).
Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga
katutubong wikang Awstronesyo.
Ito ang wika ng Maynila, ang kabiserang pampolitika at pang-ekonomiya ng
Pilipinas.
Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunan-dalawang mahahalagang
pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas.

Noong 1959, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang
kaugnayan nito sa mga Tagalog. Nagtakda naman ang Saligang Batas ng 1973 ng
panibagong pambansang wikang papalit sa Pilipino, isang wikang itinawag
nitong Filipino. Hindi binanggit sa artikulong tumutukoy, Artikulo XV, Seksyon 3(2),
na Tagalog/Pilipino ang batayan ng Filipino; nanawagan ito sa halip sa Pambansang
Asamblea na mag-"take steps towards the development and formal adoption of a
common national language to be known as Filipino." Gayundin, nilaktawan ng
Artikulo XIV, Seksyon 6, ng Saligang Batas ng 1987, na ipinagbisa matapos ng
pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos, ang anumang pagbabanggit ng Tagalog bilang
batayan ng Filipino at mismong ipinagpatuloy na "as [Filipino] evolves, it shall be
further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other
languages (pagbibigay-diin idinagdag)." Tiniyak pa ng isang resolusyon [4] ng Mayo
13, 1992, na ang Filipino "ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro
Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa
arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo
(pagbibigay diin idinagdag)." Gayumpaman, tulad ng mga Saligang Batas ng 1973
at 1987, hindi nito ginawang kilalanin ang wikang ito bilang Tagalog at, dahil doon,

ang Filipino ay, sa teoriya, maaaring maging anumang katutubong wikang


Awstronesyo, kasama na ang Sugboanon ayon sa paggamit ng mga taga-Kalakhang
Cebu at Davao. Ididineklara ang buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wikang
Pambansa.
EBOLUSYON NG ALPABETO FILIPINO
Ang alibata ay isa sa mga uri ng lumang abakada. Ito rin ay nag-iiba, nadaragdagan
o nababawasan, depende sa konbesyon o itinatakda ng komisyon na nabigyan ng
kapangyarihan ng pamahalaan upang magpaunlad at mag-asikaso sa
mga balarila at iba pang usapin hinggil sa wika.
a, b, k, d, e, g, h, i, l, m, n, ng, o, p, r, s, t, u, w, y - luma
a, b, c, d, e, f, g, h, i, j, k, l, m, n, , ng, o, p, q, r, s, t, u, v, w, x, y, z, - bago
Ang mga bago ay c, f, j, , q, v, x at z
Ang mga patinig ay a, e, i, o at u
Ang mga katinig ay b, c, d, f, g, h, j, k, l, m, n, , ng, p, q, r, s, t, v, w, x, y, at z
Nang dumating ang mga Kastila noong Dantaon 16, may sarili nang palatitikan ang
ating mga ninuno, ang Alibata o Baybayin, na binubuo ng 14 katinig at 3 patinig.
Pinalitan ito ng mga Kastila ng alpabetong Romano.
Noong 1940, sa kanyang Balarila ng Wlkang Pumbansa, binuo ni Lope K. Santos ang
Abakada, na may 20 titik: a b k d e g h i I m n ng o p r s t u w y
Noong Oktubre 4,1971, pinagtibay ng Sanggunian ng SWP ang pinayamang
alpabeto, na binubuo ng 31 letra: a b c ch d e f g h i j k 1 11 m n ng o p q r rr s t u
vwxvz
Kaugnay ng pagbago ng Konstitusyon, muling nireporma ng SWP ang alpabetong
Filipino at mga tuntunin ng palabaybayang Filipino. Ito ay bilang pagtugon sa
mabilis na pagbabago, pag-unlad at paglaganap ng wikang pambansa. Matapos ang
seryengmga simposyum at sangguniang pulong na dinaluhan ng mga
linggwista,edukador, guro, manunulat at iskolar ng wika, nabuo ang sumusunodna
Alpabetong Filipino, na may 28 letra: a b c d e f g h i j k I m n ng o p q r s t u v w x
yz
Noong 2001, muling nagkaroon ng rebisyon sa alpabetong Filipino upang tugunan
ang patuloy na development at/o istandardisasyon ng sistema ng pagsulat sa
Filipino. Itinaguyod ng rebisyong ito ang leksikal na pagpapayaman ng Filipino sa
pamamagitan ng pagluluwag sa panghihiram ng salita at pagsasalin, karamihan
mula sa Ingles at Kastila, gamit ang walong karagdagang letra ng alpabeto, ang
mga letrang c, f, j, , q, v, x, z. Sa rebisyong ito, sinasabi na pinaluwag ang
paggamit ng walong dagdag na letra. Ipinagagamit ang mga ito sa ispeling ng lahat
ng hiram na salita anuman ang barayti nito kasama ang hindi pormal at hindi
teknikal na barayti, o iyong tinatawag na karaniwang salita.
Gayunpaman, nagkaroon ng maraming negatibong reaksyon at feedback mula sa
mga guro, estudyante, magulang at iba pang tagagamit ng wika sa 2001 rebisyon
sa ispeling. Kaugnay nito, noong Oktubre 9, 2006 ang Kagawaran ng Edukasyon sa
kahilingan ng KWF ay nagpalabas ng isang memorandum na pansamantalang
nagpapatigil sa implementasyon ng "2001 Revisyon ng Alfabeto at patnubay sa
Ispeling ng Wikang Filipino".
Noong Agosto, 2007, inilabas ng KWF ang borador ng Ortograpiya ng Wikang
Pambansa na binuo ng KWF sa pamamagitan ng serye ng mga konsultasyon sa mga
guro, dalubhasa sa wika, superbisor sa Filipino at sa mga larangang ito sa buong

bansa noong 2007 hanggang 2007. ang pinal na bersyon ng patnubay ay ipalalabas
ng KWF bago matapos ang 2007.

You might also like