You are on page 1of 3

FIL 216 – PALARAWANG LINGGWISTIKA : GAWAIN 1

Pangalan: Sorilla, Jade Marie G.


Kurso: MaEd Fil 1

Kasagutan:
1. Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit upang maiparating
ang mga nasasaloob na ideya at damdamin ng isang tao. Hindi lamang ito isang paraan ng
pakikipag-usap niya sa kapwa kundi ginagamit din niya upang makipagkaibigan,
makipagtalakayan at maibahagi ang kanyang iba’t ibang opinyon at kaisipan. Sa buong
kasaysayan, maraming mga bagay, sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng
wika sa mga tao, sa kanyang kapaligiran at higit lalo na sa kanyang bansa.
Samakatuwid, ilan sa mga kahalagahan ng wika sa atin bilang isang taong – Pilipinong
mamamayan ay: (1) Ang wika ang nagsisilbing tulay ng mga tao para sa komunikasyon. Kung
wala ito, mawawalan ng saysay ang halos lahat ng gawain ng sangkatauhan sapagkat
nagagamit ito sa pakikipag-ugnayan katulad ng sa pakikipagkalakalan, sa diplomatikong
pamamaraan ng bawat pamahalaan at pakikipagpalitan ng mga kaalaman sa agham,
teknolohiya at industriya. Kalakip din sa mga kahalagahan ng wika sa buhay natin bilang isang
tao ay ang (2) Malaya nating naipapahayag ang ating damdamin, saloobin at kaisipan, (3) ito ay
kumakatawan din sa pangunahing pagpaparating sa iba ng panlipunang pagkakakilanlan. Sa
maikling salita, ang wika ay tumutulong na mapanatili ang mga damdamin ng kultura, sining at
pagkabansa ng isang bayan, (4) isa sa pinakamahalagang sandata upang maiparating ng isang
bansa sa kanyang mga mamamayan ang mga pangyayari, kasaysayan at bahagi ng ekonomiya
nito. Gayundin naman na ang wika ang siyang sentro ng mga mamamayan upang maihugos sa
kanilang pamahalaan ang kanilang mga hinaing at (5) sa pamamagitan man ng pagsusulat o
pagsasalita, ang wika ang pinakamabisang paraan upang maihatid ang mga kaisipan at
mapanatili sa madaling hakbang ang kasaysayan at mga tala ng mga sinaunang Pilipino. Sa
ganitong pagkakataon, malalaman ng mga kasalukuyang mamamayan ang mga hakbangin na
ginawa noong una upang maituloy ito sa mabuting paraan at maiwasan ang mga hindi
magagandang pangyayari noon.
Sa kabuuan, ang wika ang nagsisilbing kaparaanan upang maging isang ganap na tao
ang isang tao at maging isang ganap na bansa ang isang bansa.

2. Bakit nga ba sinasabing “Ang wika at kultura ay magkabuhol?” Para sa akin,


Napakahalaga ng wika sa bawat isa sa atin sapagkat dito nakasalalay ang pakikipag-usap ng
bawat isa. Ito ang nagbibigay kahulugan sa mga damdaming nais ipahiwatig ng bawat isa. Hindi
pwedeng paghiwalayin ang wika at kultura sapagkat ito ang mga batayan at kayamanan bilang
bisa ng pagkakakilanlan na kung saan pinagbubuklod upang mging isang kultura. Nakikilala ang
isang bansa batay sa kung ano ang wikang ginagamit at kulturang kanilang pinagyayaman.
Katulad ng wikang Filipino na binatay sa kung ano ang kultura ng mga Pilipino.
Ang simpleng paggamit at paggalang sa wika at kultura ay isang pagpapakita ng
pagpapahalaga. Ating gamitin ang sarili nating wika at bumuo ng isang kultura na kagalang-
galang ng lahat at tayo’y makakabuo ng isang bansang may pagkakaisa at higit sa lahat may
tiwala sa isa’t-isa. Sa pangwakas, ang wika ay balangkas ng pinili at isinaayos na set o kabuuan
ng sinasalitang tunog sa paraang arbitraryo upang magamit sa pagpapahayag ng damdamin,
kaisipan, kaugalian at uring pamumuhay o kultura ng isang pangkat sa isang bansa o lipunan.

3. Maraming haka-haka tungkol sa pinagmulan ng wika. Bukod sa maraming teorya ng iba't

ibang tao hindi padin maipaliwanag kung saan, paano at kailan talaga nagsimula ang wika.

Teorya ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba't ibang paniniwalang mga bagay-bagay na
may mga batayan subalit hindi pa lubusang napapatunayan. Iba't ibang pagsipat o lente
ang pinanghahawakan ng iba't ibang eksperto. Ang iba ay siyentipiko ang paraan ng pagdulog
samantalang relihiyoso naman sa iba. May ilang nagkakaugnay at may ilan namang ang layo ng
koneksiyong sa isa't isa. Ilan sa iba't ibang teorya na pinagmulan ng wika ay:

1. Tore ng Babel - lalong kilala ito sa tawag na “Teorya ng Kalituhan”, hango ito sa aklat ng
Genesis na sinasabing noon ay may iisang wikang ginagamit ang tao, iyon ang wikang Armaic.
Dahil sa iisa ang wikang ginagamit ng mga tao, nagkaisa silang magtayo ng isang tore sa
kapatagan ng Shinar na sa paglalarawan sa aklat ng Genesis ay aabot sa langit, at magiging
tanyag sa daigdig.

2. Teoryang Bow-wow - ipinagpapalagay ng teoryang ito na nagmula ang wika sa pangagaya o


panggagad ng tao sa mga tunog na nagmumula sa kalikasan. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang
tahol ng aso at tunog ng lagasgas ng tubig sa talon.

3. Teoryang Pooh-pooh - unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito,nang hindi
sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mgamasisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap,
kalungkutan,takot, pagkabigla at iba pa. Pansinin nga naman ang isang Pilipinong napapabulalas
sa sakit. Hindi ba’t siya’ y napapa-Aray! Samantalang ang mga Amerikano ay napapa-ouch!

4. Teoryang Yo-he-ho - Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang
tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’y
nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa. Halimbawa, ano’ng tunog ang
nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o
nangangarate o kapag ang mga ina ay nanganganak?

5. Teoryang Yum-yum - sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa pamamagitan ng pagkumpas sa


alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon. Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa
pamamagitan ng bibigayon sa posisyon ng dila.

6. Teoryang Ta-ta - ayon naman sa teoryang ito, ang kumpas o galaw ng kamay ng tao
nakanyang ginagawa sa bawat partikular na okasyon ay ginaya ng dila atnaging sanhi ng
pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at kalauna’y nagsalita. Tinatawag itong ta-ta na sa wikang
Pranses ay nangangahulugang paalam o goodbye sapagkat kapag ang isang tao nga namang
nagpapaalam ay kumakampay ang kamay nang pababa at pataas katulad ng pagbaba at
pagtaas na galaw ng dila kapag binibigkas ang salitang ta-ta.
7. Teoryang Coo Coo - ayon sa teoryang ito, ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha
ngmga sanggol. Ang mga tunog daw na ito ang ginaya ng mga matatandabilang pagpapangalan
sa mga bagay-bagay sa paligid, taliwas sapaniniwala ng marami na ang mga bata ang
nanggagaya ng tunog ngmga matatanda.

4. Ilan sa mga salik o pangyayari na nakaimpluwensya sa pag-unlad ng linggwistika sa Pilipinas pagkatapos


ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang mga sumusunod:
 Ang pagtatag sa Pilipinas ng “Summer Institute of Linguistic”
 Ang paggamit ng linggwistikang pamamaraan sa pagtuturo ng Ingles sa mga Pilipino na
lumikha ng malaganap na pagnanais upang suriin ang mga wika sa kapuluan at
 Ang gradwal na pagdami ng mga linggwistikang Pilipino lalo na pagkaraan ng taong 1960.

5. Sinasabi ng paniniwalang batay sa relihiyon na ipinagkaloob ng Diyos ang wikang


ginagamit ng tao. Ayon sa Bibliya, naiintindihan pa ni Adam ang lahat ng wika ng mga tao,
anghel at pati sa mga hayop. Siya rin ang nagbigay ng pangalan sa lahat ng mga hayop at
halaman sa paligid niya. Ayon din dito, isa lamang ang wikang ginagamit sa buong mundo.
Ngunit ang nagpatayo ng tore ng Babel dahil ninais ng mga tao na abutin ang Diyos. At dahil
dito, nagalit ang Diyos at nagsabog siya ng maraming wika upang malito ang lahat ng mga tao at
sila ay hindi nagkaintindihan.

You might also like