You are on page 1of 6

ANG WIKA SA LIPUNAN AT KULTURA

- Teresita P. Semorlan, Ph.D

Hindi mapaghihiwalay ang wika, lipunan at kultura. Matalik ba magkakaugnay ang mga ito.
Ayon nga sa Marxistang pananaw na ang nilalaman ng wika ay ang larawan ng lipunan at
kultura; at ang larawan ng lipunan at kultura ay nasisinag sa wika.

Ilang Impormasyon tungkol sa Wika ni Jesus Fer. Ramos


Kahulugan ng Wika
 pinakamakapangyarihang bagay sa daigdig
 kasangkapan sa mabisang komunikasyon
 makabuluhang pagsasama ng mga tunog
Pinagmulan ng Wika
Teorya - ang tawag sa siyentipikong pag-aaral sa iba’t ibang paniniwala ng mga bagay-bagay na
may mga batayin subalit hindi pa lubusang napapatunayan. Iba’tibang pagsipat o lente ang
pinanghahawakan ng iba’t ibang eksperto. Ang iba ay siyentipiko ang paraan ngpagdulog
samantalang relihiyoso naman sa iba. May ilang nagkakaugnay at may ilan namang ang layo
ngkoneksiyong sa isa’t isa. Narito ang iba’t ibang teorya ng wika sa tulong ng talahanayan.
1. Teoryang Bow-Wow
Ayon sa teoryang ito, natutong gumamit ng wika ang tao mula sa panggagaya sa mga tunog
ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay kulang na kulang sa mga bokabularyong
magagamit dahil dito, ang mga bagay-bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa
pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga ito.
Hal. tuko - tuko
2. Teoryang Ding Dong
Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay may kaakibat o kaugnay na tunog na siyang ginagad
ng mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang kahulugan.
Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog.
Hal. tsug- tsug ng tren, tik- tak ng orasan
3. Teoryang Pooh-poh
Ayon sa teoryang ito, nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Ayon dito, unang
natutong magsalita ang mga tao nang hindi sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga
masisidhing damdamin tulad ng sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.
Hal. Pilipino – Aray!, Amerikano – Ouch!
4. Teoryang Yoo He Yo
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S Diamond (2003) na ang tao ay natutong magsalita
bunga diumano ng kanyang puwersang pisikal. Hindi nga ba’t tayo’ynakalilikha rin ng tunog
kapag tayo’y nag-eeksert ngpwersa. Halimbawa, ano ang tunog ang nililikha natin kapag tayo’y
nagbubuhat ng mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok, nangangarate o kapag ang mga
ina ay nanganganak?
5. Teoryang Muestra
Ayon sa teoryang ito, mas mas nauna ang salita sa pagmumuwestra dahil naniniwala itong
magkalapit at magkaugnay ang sentro sa utak na kumokontrol sa paggalaw at pagsasalita kaya’t
magkapanubay ang pagsasalita at pagmumuwestra.
6. Teoryang Sing-song
Iminungkahi ng linggwistang si Otto Jeperson, ang wika ay nagmula sa paglalaro, pagtawa,
pagbulong sa sarili, panliligaw at iba pang mga bulalas-emosyunal. Iminungkahi pa niya na
taliwas sa iba pang teorya, ang mga unang salita ay sadyang mahahaba at musikal, at hindi
maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.
7. Teoryang Pakikihalubilo o Kontak
Tinatawag ding Teorya ng pakikisalamuha. Ayon kay G. Revesz, isang propesor sa
Sikolohiya sa Amsterdam, nagmula sa likas na pangangailangan ng tao para makisalamuha sa
kapwa kaya naman nakabuo ito ng apat na elemento na siyang nagsilang sa wika. Ito ang mga
sumusunod”
a. tunog na kontak: hangaring makipagsalamuha
b. panawagan: nakikiusap sa kapaligiran
c. pakiusap: itinutuon sa paunawa
d. salita: ginagamit sa sa tao lamang
Mga taong nagsasalita ng isa o maraming wika
1. Unang wika: wikang kinamulatan, natutunan at sinalita sa kamusmusan; Inang Wika
2. Pangalawang wika: wikang matututuhan
3. Bilingual: 2 wika ang sinasalita
4. Monolingual: 1 wika ang sinasalita
5. Polyglot: mahigit 3 wika ang sinasalita
Ayon kay Harvey Daniels (1985), malapit ang kaugnayan ng wika sa lipunan at sa mga taong
gumagamit nito. Ang wika ng tao ay hinuhubog, nagpapalit at nagbabago upang maiangkop at
maiakma sa pangangailangan ng mga tagapagsalita.
Komunikasyon - batayan sa proseso ng nagbabagong kultura. Ang dahan-dahan at paulit-ulit
sa pagsasagawa ng mga bagay sa parehong sitwasyon ay maaaring simulan sa pag-uugali o
kaugalian, pagpapalagay sa mga ideya, saloobin at adhikain, ang pakikitungo, ang kaalaman at
karanasan.
 Halagahan o Pagpapahalaga
- resulta ng pakikipagkomuniskasyon ng tao sa kanyang kapwa
- kinagawian, kinamihasnan at naging kaparaanan na ng buhay, na naiiba sa ibang
kalakaran sa buhay.
- nakakalinang ang mga ito ng kakaibang kultura at kasaysayan dahilan ng
pagkakakilanlan ng ibang grupo.
- Dagdag pa ni Nyugi, ang mga pagpapahalaga o halagahan ay batayan ng
pagkakakilanlan ng ibang grupo, ng kanyang katangian partikular bilang kasapi ng
isang lahi.
Ang wika bilang kultura ay ang kabuuang sisidlan ng mga karanasan sa kasaysayan ng
sambayanan. Sa madaling salita, ito ay produkto ng kasaysayang pambubusabos at pang-aapi ng
mga tampalasan, nagpapakilala ng mga opinyon ng mga manunulat, mga patnugot, mga
komunista, at iba pa. Naghahatid din ito ng mga kabatiran o impormasyon tulad ng mga salaysay
ng kabayanihang dapat ikarangal o kapuri.
 Ang wika rin ay tagapagbuo ng larawang-diwa o imahe.
- Larawang-diwa o imahe = maaari o hindi maaaring tumugon sa aktwal na realidad ng
ating pagsusumikap sa pakikipagtunggali sa kalikasan
- Panitikan – ay ang pangunahing paraan at napakahalaga dahil sa ang partikular na wika
ay nakapaghahatid ng larawang-diwang dala nito.
Hal. Noli Me Tangere at El Filibusterismo ni Dr. Jose
Ang Kapangyarihan ng Wika
1. Panahon ng Kastila
Sa panahong ito, ipinakilala ang wikang sumusunod:
a. Wikang Latin
b. Wikang Espanyol
c. Wikang Banal
d. Wika ng Diyos
Kilusang Propaganda
- ipinakilala ang wika ng pagtutol at pagsalungat sa mga kastila, wika na nag-udyok at
nagbunsod sa mga Pilipino na lumaban.
- nakapaloob sa La Solidaridad at Dyaryong Tagalog

Andres Boniacio
- ginamit niya ang wika upang isulat ang tulang Katapusang Hibik ng Pilipinas na
nangangahulugang Rebolusyon anf tanging solusyon upang lumaya ang sambayang
Pilipino sa mga mapandustang dayuhan.
2. Panahon ng Amerikano
Sa panahong ito, ipinakilala ang Wika ng Kapitalismo, ang Wikang Ingles. Wikang Ingles
ang ginagamit sa loob ng kompanya samantalang Wikang Filipino naman para sa mga
empleyado.
Ang Relasyon ng Wika at Lipunan
 Lipunan – humuhubog sa pagkatao ng isang indibidwal batay na rin sa iba’t ibang
institusyong panlipunan.
 Wika – mahalagang salik sa pakikipag-ugnayan ng mga indibidwal na mga kasapi ng mga
institusyong panlipunan
 Indibidwal – instrument sa pagbuo ng iba’t ibang varayti ng wika nang hindi namamalayan
Tatlong Pananaw ukol sa Uri ng Posibleng Relasyon ng Wika at Lipunan
1. Istrukturang Panlipunan – ay maaaring makaimpluwensiya o maidetermina sa
linggwistikong istruktura at/o pag-uugali (Wardhaugh, 1992-10).
2. Istrukturang Linggwistiko – ay maaaring makaimpluwensya o makadetermina sa
istrukurang panlipunan na pananaw nina Sapir at Whorf.
3. Pananaw Marxian – nagsasabing maaaring magkaimpluwensyahan ang istrukturang
panlipunan at istrukturang pangwika.
Ang Relasyon ng Wika at Kultura
Ang wika ang pagkakikilanlan ng isang kultura (Santos, Hufana, Magracia: 2009:5)
 Wika - kasasalaminan ng kultura ng isang lahi, maging ng kanilang karanasan. May mga
salitang natatangi lamang sa isang grupo ng mga tao.
Hal. Iba’t ibang tawag sa luto ng bigas (Pilipino vs Amerikano)
Makikita sa ibaba na iba-iba ang tawag ng mga Pilipino sa luto ng bigas. Mula sa Palay,
nagiging bigas ito kung naalisan na ng balat. Kung naisang na ang bigas, kanin na ang tawag
ditto. Kung malamig na ang kanin, bahaw ang tawag. Ang nakadikit sa pinaglutuan ng bigas
na nagging kanin, tutong ang tawag natin. Ngunit sa mga Amerikano, isa lamang ang tawag
nila sa mga ito – rice na dinagdagan lamang ng pang-uri.
a. Pilipino
Palay  Bigas  Kanin  Bahaw, Sinangag, Malagkit
b. Amerikano
Palay – rice Kanin – boiled rice Tutong -burnt rice
Bigas – rice Sinangag – fried rice Bahaw – old cold rice
Mindanao State University – Iligan Institute of Technology
Andres Bonifacio Avenue, Tibanga, 9200 Iligan City, Philippines
|Telephone: +63 (063) 492 1173.

KAHULUGAN NG SANAYSAY AT
PINAGMULAN NITO

Baby Rose L. Alinar


Estudyante ng PAN151-B2

Prof. Delfin Modala


Instruktor

January 21, 2020


SANGGUNIAN

Ramos, Jesus Fer. “Ang Wika at Lingguwistika.” Mula sa Wika, linggwistika at


bilinggwalismo sa Pilipinas, pahina 179-183. Maynila: Rex Book Store, c1985.

Anyo, Pagsulat, at Pagpapahalaga. Nina: Ligaya Tiamson Rubin, Lydia Fer Gonzales at
Ruby Gamboa Alcantara. Rex Book Store. 2001. pp. 21-23.
Santos, A. Ph.D et al. “Wika, Kultura at Lipunan”. Mula sa Mga Babasahin Hinggil sa
Varayti at Varsasyon ng Wikang Filipino, pahina 1-6 Maynila: Rex Book Store,
c1985.

You might also like