You are on page 1of 38

VARYASYONG MORPOLOHIKAL NG WIKANG MAGUINDANAON: ISANG

PAGHAHAMBING

na Iniharap kay PROP. CHRISTOFERSON TAN DELSOL


Departamento ng Filipino
Kolehiyo ng Agham Panlipunan at Humanidades
Mindanao State University
Fatima, Lungsod Heneral Santos

FILIPINO 162 – WIKA AT WIKAIN SA PILIPINAS

GUIAREL ANDANG

NORHAIN MACASAYON

ARBAINA MANALINDING

IVY MACALUMBA

AIRA SAGANDI

Hunyo 17 2022
KABANATA l

ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

Wika ang siyang nagbubuklod buklod ng sangkatauhan, bawat lahi ay

binubuo ng ibat ibang wika na ginagamit sa pang araw-araw nitong

pakikisalamuha sa kapwa. Dahil sa wikang ating kinabibilangan ito ang

nagsisilbing ating pagkakakilanlan. Ang pagkakaibaiba ng lahi ay siya ring

pagkaka iba ng wika na nauuwi sa pagkakaiba ng katawagan, kahulugan anyo at

ispeling. Nagkakaroon din ng pagbabago sa bigkas at tunog ng mga salita ayon

sa pangkat ng mga taong gumagamit nito. Ang heograpikal at sosyal na kalagayan

ay nagiging dahilan ng pagbabagong ito.

Ayon kay Atanacio et. al. (2009), ang wika ang pinakapangunahing

instrumento upang mga tao ay makipagtalastasan. Ang wika ay nagkakaroon

pagkakaiba ayon sa tono, gramatika, o maging sa paraang ng paggamit nito. Isa

sa tungkulin ng wika o diskurso ay gamitin sa komunikasyon o pakikipag-

interaksyon sa kapwa tao. Naipapahayag ng tao ang kanyang saloobin at

damdamin. Nagagawa rin nitong mapakilos ang kanilang kapwa ayon sa paggamit

nito.

Binanggit ni Austero, et al. (1999) mula kay Gleason na “ang wika ay

masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos saparaang arbitraryo.

Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga makabuluhang simbolo (letra) na

pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa pagpapahayag.


Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika ay may mahalagang papel

na ginagampanan sa pakikipagtalastasan.

Nilinawa ni Dalandangan (2009), magkatulad man ang wikang sinasalita ng

dalawang pangkat ay may pagkakaiba pa rin ito. Sa malawakang paglaganap ng

wikang Filipino, umusbong sa iba’t-ibang lalawigan ang varyasyon ng wika sa ating

bansa. Marahil ang pangunahing dahilan nito ay ang lokasyong heograpikal. Dahil

sa pagkakaiba ng tirahan ng mga tao, maaaring magkaroon din ng iba't ibang

barayti ng wika. Ito ay bunga ng pagkakaiba ng bawat tao. Ang isa pang maaaring

dahilan ay ang kalakalan. Dahil dito, nagkakaroon ng palitan ng kultura at wika.

Ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang mga etnolinggwistikong pangkat na

may kanya kanyang wikang sinasalita, mga kultura, tradisyon at paniniwala. Sa

Mindanao kalimitang matatagpuan ang mga pangkat etnolinggwistikong

naniniwala sa pananampalatayang Islam isa na nga rito ang Maguindanaon.

Kaya naman sa puntong ito ay nais ng mga mananaliksik na bigyang

pagpalakahulugan ang mga isyung hinggil sa pag-aaral ng morpolohikal na

varyasyon partikular sa mga pagbabagong morpoponemiko sa wikang

Maguindanaon sa lalawigan ng Kabuntulan at Mamasapano kung saan

nagkakaroon ito ng mga pagpapalit ng ponema sa pamamagitan ng kanilang mga

salita nagkakaroon din ng pagkakatulad at pagkakaiba ang paraan ng pagbigkas

nila sa mga salitang kanilang ginagamit.


Paglalahad ng Suliranin

Nilalayon ng pag-aaral na ito na matukoy at mailahad morpolohikal na

varyasyon partikular ang pagbabagong morpoponemiko na nagaganap sa

wikang Maguindanaon.

Upang makamit ang layunin ng pananaliksik na ito sinisikap alamin ng

mga mananaliksik ang sumusunod:

1. Makalikom ng mga salitang Maguindanaon. Ito ay ipapangkat batay sa:

a. Prutas

b. Gulay

c. Pang-uri

2. Matukoy at mailahad ang morpolohikal na varyasyon partikular ang

pagbabagong morpoponemiko ng wikang Maguindanaon

3. Maihambing ang mga morpolohikal na mga salita.

Saklaw at Limitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa pag-aaral sa morpolohikal na

varyasyon partikular ang pagbabagong morpoponemiko ng wikang Maguindanaon

ng Kabuntulan at Mamasapano sa lungsod ng North Cotabato.

Saklaw nito ang ang mga pag-aaral na may kaugnayan sa wikang

Maguindanaon ng Kabuntulan at Mamasapano lungsod ng North Cotabato.

Nilimitahan lamang ang pag-aaral sa naturang mga lugar kung saan dominante

ang Maguindanaon.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang Pilipinas ay binubuo ng iba’t ibang pangkat etniko at bawat isa sa mga

ito ay may natatanging wika na siyang ginagamit nila sa pakikipagtalastasan sa

kanilang kapwa. Ang pananaliksik na ito ay makapagbibigay benepisyo sa mga

sumusunod:

Mamamayang Pilipino. Bilang isang mamayan na naninirahan sa Pilipinas ang

pananaliksik na ito ay makatutulong upang magkaroon ng mas malalim na

pagunawa sa katutubong wikang Maguindanaon.

Kabataan at Mag-aaral. Ang mga resulta o kinalabasan ng pananaliksik na ito ay

makatutulong sa mga mag-aaral upang magamit nilang batayan o basehan sa

kanilang mga gagawing pag-aaral.

Guro. Ang mga resulta at rekomendasyon na maisasaad sa pag-aaral na ito ay

maaring maging batayan sa mga guro upang mas mapalawak ang kaalaman

tungkol sa wika, lalong-lalo na sa Wikang Maguindanaon.

Mananaliksik. Ang mga naturang resulta at nakalap na impormasyon ay maaring

maging batayan sa mga susunod na mga mananaliksik. Maaaring maging

basehan o gawing replika ang pag-aaral na isinagawa ng mga mananaliksik.


Katuturan ng Termino

Upang lubus na maunawan ng mga mambabasa ang pananaliksik na ito,

narito ang mga depinisyon ng mga mahahalagang termino na ginamit sa pag-

aaral.

Wika – ito ay isang masistemang balangkas, na siyang ginagamit upang

maipahayag ang damdamin at kaisipan sa pamamaraang pasalita at pasulat. Ito

ay behikulo ng kaisipan upang maipahayag ang sariling damdamin at ginagamit

upang masiwalat o maitago ang katotohanan (Constantino,2008).

Sa pag-aaral na ito wika ang siyang ginawan ng pag-aaral ng mga

mananaliksik.

Maguindanaon –isa sa Wikang Astronesyo na sinasalita ng karamihan sa

lalawigan ng Maguindanao sa Pilipinas.

Sa pag-aaral na ito ang wikang Maguindanaon ang ginawan ng pag-aaral

ng mga mananaliksik.

Morpolohikal – Tumutukoy sa pagkakaiba ng paraan sa pagbuo ng mga salita sa

mga taong naninirahan sa isang lugar.

Sa pag-aaral na ito ang mga morpolohikal na varyasyon ang tutukuyin,

partikular naa ng mga pagbabagong morpoponemiko ng wikang Maguindanaon.

Paghahambing – pagmamasid ng pagkakaiba at pagkakatulad ng dalawang

magkaibang antas o lebel ng katangian ng tao, bagay, pangyayari at iba pa.

Sa pag-aaral na ito paghahambingin ang mga varyasyong leksikal ng

wikang Maguindanaon.
KABANATA II

MGA KAUGNAYA NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito ilalahad ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral na

makatutulong upang magkaroon ng mabuting pananaw at pag-unawa sa mga

suliranin na napapaloob sa pananaliksik na ito.

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Dinglasan (2007), ang wika ay kasangkapan sa

pakikipagtalastasan at kagamitan ang isang wika. Ito’y tagapagtala ng ideya na

impluwensya ang ugali ng tao ang isip at damdamin. Ang wika ay instrumento ng

makabuluhan at malikhaing pag-iisip; samakatuwid upang magamit sa sukdulan

ang wika, dapat itong mahawakan ng buong husay at maangkan ng ganap.

Dagdag ni Salazar (2009), ang wika ay nagpapahayag ng kaugalian, isip

at damdamin ng bawat grupo ng mga tao maging sa larangan ng kaisipan, ang

wika din ang impukan at kuhanan ng kultura. Ibai-ibang wika, kultura, relihiyon ang

mayroon tayo ngunit ang mahalaga dito ay nagkakaunawaan at nagkakaisa ang

bawat grupo o iba’t ibang grupo kung saan ka napapabilang. Sa wika din natin

makikita ang kaugalian, kultura ng bawat grupo.

Sinabi ni Ocampo (2002) ang pagkakaroon ng varayti ng wika ay bunga ng

dalawang salik, ang heograpikal at sosyal na siyang nagiging dahilan ng

pagkakaroon ng varyasyon o pagkakaiba-iba ng mga wika. Ang salik heograpikal

ang nagbubunsod sa pagkakaroonng linggwistikong dayalekto Samantalaang

salik sosyal naman ang nagbubunsod sa pagkakaroon ng mga rejister o sosyal na


varayti ng wika na maaaring wika ng mga nakatatanda, wika ng mga kabataan,

wika ngmga estudyante at iba pa.

Mahalagang malaman kung paano nangyayari na sa loob ng isang

komunidad ng wika ay nabubuo ang iba’t ibang grupo. Bunsod nito ay

nagkakaroon ng varyason ang isang wika. Sa isang partikular na komunidad ay

matatagpuan ang iba’t ibang grupo na may ibang paraan sa paggamit ng kanilang

wika ayon sa sitwasyong kinalalagyan. Isang katotohanan sa linggwistika na ang

wika ay nagbabago dahil sa mga sitwasyong heograpikal, sosyal, o maging ng

sariling estilo ng ispiker, ang bawat tao ay may iba’t ibang paraan ng pagsasalita

(Thurlow, 2004). Dagdag pa ni Hymes (2001), walang taong may isang paraan

lamang ng pagsasalita sa lahat ng pagkakataon.

Tinatawag na varyasyon ng wika ang dayalekto Sa dayalekto nakikita na

may pagkakaibaang salita, ang bigkas, ang tunog at sa tono o intonasyon, pagbuo

ng pangungusap. Maaaring mali ang istruktura at iba ang mga salita ngunit ang

mga gumagamit aymagkakaintindihan at magkakaunawaan (Josol,2020).

Nagkakaroon ng iba-ibang uri ng wika dahil may pagkakaiba o baryasyon

sa mga aytem na pangwika, maaaring ang baryasyon ay nasa tunog, mga salita o

bokabularyo at sa istrukturang gramatikal o sa lahat ng ito. Ang mga ito ay

maaaring iugnay sa mga eksternal na factor na maaaring heyograpikal o grupong

sosyal (Garcia, 2008).

Ang dayalekto ay isang wikang subordineyt ng isang katulad ding wika.

Partikular ito sa isang tiyak na lugar o rehiyon. Ang wikang ito ay naisasalamin ng
isang wikang istandardisado na ginagamit sa mga libro at iba pang mga babasahin

at iba pang domeyn ng wika. Ang baryasyon ng wikang ito ay nasa ilalim ng isang

masaklaw na wika ay maaaring nasa tunog-punto o paraan ng pagbigkas,

maaaring nasa bokabularyo, o maaaring sa pagkakabuo ng mga salita/grammar

o maaaring sa lahat (Aleta, 2019).

Sa Mindanao matatagpuan ang iba’t ibang etnikong grupong nananalig sa

pananampalatayang Islam. Isa na rito ang mga Maguindanaon na karaniwa’y

matatagpuan sa mahabang pampang at lambak ng ilog o pulangi. Dagdag ni

Sullivan (1986) ang wikang Maguindanaon ay isa sa mga katutubong wika ng

Pilipinas katulad ng ibang wika sa Pilipinas. Ito ay nagmula rin sa angkan ng

Malayo-Polynesian.

Dati-rati, ang mga Maguindanaon ay binubuo ng dalawang pangkat na may

kani-kaniyang teritoryo. Ang mga teritoryong ito ay nahahati ng ilog sa dalawang

bahagi: ang ibabang lambak na pinamumunuan ng pangkat ng Maguindanao at

ang itaas na lamabak na pinamumunuan ng pangkat ng Buayan (Saleeby,1967).

Ang Maguindanaon ay isang wikang awstronesyo na sinasalita ng

karamihan ng populasyon ng lalawigan ng Maguindanao sa Pilipinas. Ito ay

sinasalita din ng ilang minorya sa iba't ibang bahagi ng Mindanao tulad sa Lungsod

ng Zamboanga, Lungsod ng Dabaw, Lungsod ng Heneral Santos at sa mga

lalawigan ng Hilagang Cotabato, Sultan Kudarat, Timog Cotabato, Sarangani,

Zamboanga del Sur, at Zamboanga Sibugay, pati na rin sa Kalakhang Maynila. Ito

ang naging wika ng makasaysayang Sultanato ng Maguindanao,


kung saan ito'y umiral bago at sa panahon ng mga Kastila mula 1500 hanggang

1888. Naitatayang halos higit sa isang milyon ang gumagamit ng wikang ito. Sa

pananaliksik na ito ay tinalakay ang kasaysayn, kultura at paniniwala ng tribong

maguindanaon, bukod pa rito ay tinalakay rin ang wikang sinasalita ng mga

maguindaon.

Ayon sa Artikulo na naisagawa taong, 1906 na may pamagat na “A

Grammar of the Maguindanaon Tongue”, sinabi, batay sa Gramatika ng

Maguindanao, Ang letrang Maguindanao ay merong itong 20 na katinig ( B, C, D,

G, H, J, K, M, N, P, Q, R, S, T, V, X, Y, at Z at sa Spanish na Ñ at Meron lamang

itong Apat na patinig ( A, E, I ,U na kadalasan U at O ay ginagamit sa parehong

istilo ng pagsasalita ngunit walang pagbabago. Dagdag pa, sinaad dito Ang

kadalasang nag-uunay na salita sa Archipelago kagaya lamang ng /f/ at /p/ na

pagbigkas o pantig nito ay parehong ginagamit na na walang malaking kaibahan

sa kahulugan. Kagaya rin ng madalas na naririnig sa Wikang salita ng

Maguindanaon na Ang /r/ at /l/ ay ganun Ang kalagayan. Ang mga Malanos na

orihinal ay ginagamit Ang /r/ habang Ang iba ay gusto ng /l/.

May iisang wika lamang ang Maguindanaon ngunit may dalawang varayti:

ang mga tau sa ilud o mga tao sa ibabang lambak ay nakikilala sa higit na mabilis,

matigas na tunog ng mga katinig at higit na gumagamit ng “d” kaysa “r” at

varyasyon sa paggamit ng “l” at “r”. Ang wika naman ng mga tau sa laya o mga

tao sa itaas na lambak ay nakikilala naman sa pamamagitan ng mabagal na

indayog, malumanay, at madalas na paglalaktaw ng mga patinig sa pagitan ng


mga katinig at paggamit ng l kaysa r at ilang pagkakaiba sa leksikon

(library.thinkquest.org, 2000).

Kaugnay na Pag-aaral

Ang pag-aaral na ni Joabica Dalagan na pinamagatang “Barayti ng Wikang

Maguindanaon” ay tumatalakay sa barayti ng wikang Maguindanaon ng Lungsod

ng Heneral Santos at Polomolok South Cotabato. Ninanais nitong alamin ang

pagkakaiba at pagkakatulad ng Maguindanaon ng Heneral Santos at Polomolok.

Inuri ang mga salita sa apat (4), mga salitang ginagamit sa binyag, kasal, patay at

palengke. Ang Pananaliksik na ito ay palarawan o disensyong kwalitatibo, ang

pagkalap ng datos ay isinagawa sa pamamagitan ng tuwirang pakikipanayam sa

mga napilining mga respondente. Ginamitan ng dulog panglinggwistika at

paghahamping sa pagsusuri ng mga datos na nakalap dahil sinuri ang mga salita

sa pamamagitan ng ponemang suprasegmental at inalam ang pagkakaiba at

pagkakatulad ng mga salita sa pamamagitan ng pagtranskrayb dito.

Natuklasan na mayroong pagkakaiba at pagkakatulad sa diin sa mga

salitang nakalap, ngunit mas nangibabaw parin ang magkakatulad na mga diin

(Dalagan,2016). Isang Halimbawa ang salitang lagom na sa Filipino ay sinulid,

pareho ang diin nitong malumay sa maguindanaon ng Heneral Santos at

Polomolok. Dagdag pa ni Dalagagan (2016), na, nagkakaroon din ng pagpapalit

ng ponema sa nasabing lugar katulad ng salitang Sakadòհ na ang kahulugan sa

Filipino ay Tabo, mayroong pagpapalit ng ponema sa sakrôհ-sakadòհ na /r/ at

/d/. Pinatunayan lamang ng pananaliksik na ito na may malaking epekto ang

heograpikal na lokasyong ng dalawang lugar, dahil nga magkalapit lamang ang


Heneral Santos at Polomolok, South Cotabato (Dalagan,2016). Magagamit na

sandigan ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sapagkat ito ay

pumapatungkol din sa wikang Maguindanaon.

Ang pananaliksik ni Fairuz Dalagan (2022) na pinamagatang “Tau sa

Laya at Tau sa Ilud: Dalawang Pangkalahatang Varayti ng Wikang

Manguindanaon” ay sinisikap alamin ang varyasyon sa varayti ng wikang

Maguindanaon, ang Tau sa Laya at Tau sa Ilud. Nilalayon ng Pag-aaral na ito

alamin ang varyasyon sa varayti ng wikang Maguindanaoan ng tau sa laya

(Cotabato) at tao sa ilud (Maguindanao).

Natuklasan na may leksikal at ponolohikal na varyasyon bunga ng

pagkakaibang heyograpikal ng lugar at bunga rin ng uri ng gawain batay sa mga

datos na nalikom. Ang wika ng tau sa ilud ay wikang d at r naman ang tau sa laya

at may pagkakaltas sa ponema at/o pantig na nagaganap sa wika ng tau sa laya.

Ang pananlisik na ito ay may ugnayan sa aming gagawing pagaaral sapagkat

pumapatungkol din ito sa varayti ng Wikang Maguindanaon.

Ang pag-aaral na ito ni Shandra Gonsang (2021) ay tumatalakay sa

Varayti at Varyasyon ng wikang Maguindanaon sa limang (5) munisipalidad ng

North Cotabato, ang Kabacan, Matalam, Mlang, Pikit at Pigcawayan. Ang disenyo

ng pag-aaral na ginamit sa pananaliksik na ito ay deskriptib-analitiko o palarawang

pamaraan na nilapatan ng pagsusuring istruktural at sosyolinggwistikal. Ang mga

salitanng isasalin ay kinategorya sa pangngalan, pandiwa, pang-uri at pang-abay.


Natuklasan sa pagaaral na ito na may varyasyong leksikal na nagaganap

sa mga munisipalidad na nabanggit katulad ng salitang Bilao na sa Maguindanaon

ng Pikit at Mlang ay Talong habang sa Matalam, Kabacan at Pigcawayan ay Nigo.

Dagdag pa rito lumabas sa pagaaral na ito na mayroong pagbabagong

morpoponemiko na nagaganap sa limang munisipalidad na lokal ng pag-aaral na

ito, katulad na ng salitang malaki na sa Maguindanaon ng Kabacan ay Masla

habang sa Mlang naman ay Masela, kung mapapansin natin may pagkakaltas ng

ponemang /e/ sa ikalawang pantig ng salitang Masela. Pagkatapos ng ginawang

pagaaral napatunayan ng mga mananaliksik na kakikitaan ng varayti at varyasyon

ang mga lugar sa lalawigan ng North Cotabato. Ang pananaliksik na ito ay

magagamit ng mnanaliksik bilang batayan at sandigan sa giagawa nilang pag-

aaral sapagkat ito ay pumapatungkol din sa wikang Maguindanaon.

Ang pag-aaral ni Danilyn T. Abingosa, PhD na pinamagatang “Ang Pang-

abay sa wikang Maguindanaon ay layuning malaman ang mga uri ng pang-abay

sa wikang Maguindanaon. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay alamin ang mga

pang-abay na ginagamit sa Wikang Maguindanaon na sinasalita ng mga Tau sa

Laya at Tau sa Ilud. Bukod pa dito ay malaman ang pagkakaiba sa mga pang-

abay na ginagamit ng Tau sa Ilud at Tau sa Laya. Sa kabuuan, magiging

instrumento ang pag-aaral na ito para mas maintindihan at malaman ang mga

pang-abay sa wikang Maguindanaon.

Mula sa mga natuklasan sa pag-aaral na ito batay sa mga datos na

nakalap, nabuo ng mga mananaliksik ang sumusunod na konklusyon, Una,

naipakita ng mga mananaliksik ang mga pang-abay sa wikang Maguindanaon na


ginagamit ng dalawang pangkat, ang Tau sa Laya at Tau sa Ilud. Makikita na may

mga salitang pang-abay na sa wikang Maguindanaon ay iisa lamang ang salitang

ito o ang kahulugan nito. Pangalawa, nasuri ng mga mananaliksik ang pagkakaiba

iba ng mga salitang pang-abay sa Wikang Maguindanaon sa dalawang pangkat.

Makikita din na mayroong pagkakaparehas ng mga salita sa dalawang pangkat.

Pangatlo, ayon sa analisis at sa resulta ng interbyu sa mga informant naipakita ng

mga mananaliksik ang kaibahan ng pagbigkas ng mga salita at nagkakaroon din

ng kaibahan sa accent ng dalawang pangkat, ang mga Tau sa Laya at ang mga

Tau sa Ilud. Ang pananaliksik na ito ay maari naming magamit sa aming pag-aaral

dahil ito ay pumpatunkol din sa wikang Maguindanaon na syang pokus ng aming

pananaliksik

Ang pag-aaral ni Raymond M. Pasion ay tumutalakay sa Morpolohikal na

varyasyon sa wikang Mandaya ng Davao Oriental. Ang pag-aaral na ito ay

naglalayong tulaksin ang Morpolohikal na Varyasyon ng wikang Mandaya na

matatagapuan sa probinsya ng Davao Oriental. Partikular dito ang pagbabagong

morpoponemiko na makikita sa mga terminong kultural na pangkabuhayan una na

dito ang pangangaso, pagsasaka, pangingisda at paghahayupan na ibabatay sa

kaalaman at nakasanayan ng mga taong mandaya na naninirahan sa probinsya

ng Davao Oriental partikular sa lugar ng Manay, Caraga, Banganga at Cateel,

sinisikap na maipaliwanag ang pagbabagong ito batay sa ibat ibang dayalekto ng

mandaya. Ang mga Mandaya ay itinuturing na indigenouse people sa Pilipinas,

iisang pangkat lamang ito ngunit dahil sa heograpikal na sitwasyon ay


nagkakaroon ng pagbabago sa kanilang wika o mas kilala sa tawag na varyasyong

wika.

Natuklasan sa pag-aaral ni Raymund na ang wikang Mandaya ay may apat

nagaganap na pagbabagong morpolonemiko sa dayaleto ng mandaya, ito ay ang

pagpapalit ng ponema at metatesis ang ang ilan sa mga lugar na ito ay

nagkakaroon ng pagkakaltas mula sa mga salita nito. Sa pangkalahatan ng pag-

aaral na ito ay nagkakaroon ng varyasyong morpolohikal ang wikang mandaya

dahil sa heograpikal nitong sitwasyon. Ang pag-aaral na ito ay kahalintulad sa

gagawing pagaaral ng mga mananaliksik dahil ang kanilang pag-aaral ay

pumapatungkol sa varyasyong morpolohikal ng Wikang Maguindanaon sa

lalawigan ng Kabuntalan at Mamasapano.s

Ang mga taong naninirahan sa isang rehiyon ay may wikang sinasaita na

kung saan sila nagkakaintindihan, ngunit mayroon paring pagkakaiba sa kanilang

wika, maaring sa leksikon, morpolohiya, sintaks o sa kung paano nila ito

binibigkas. Ang pag-aaral na ito ni Fhajema Kunso at Riceli Medoza ay

pumapatungkol sa varyasyon ng wikang maguindanaon sa mga lalawigan ng

North Cotabato. Ang mga varyasyon ay nangyayari sa polohikal at mga

morpolohikal na mga proseso. Ang mga ponolohikal na varyasyon, katulad ng

pagkakaltas at pagpapahaba ng mga ponema. Isang halimbawa ang Ponemang

/r/ at /l/ , na kung saan ang ponemang /r/ ay kalimitang makikita sa Maguindanaon

ng Kabuntulan habang sa ibang lugar ay ponemang /l/ ang ginagamit.

Batay naman sa pag-aaral ni Daladangan (2018), na patungkol sa varayti

ng wikang Maguindanaon ang Tau sa ilud at Tau sa laya Natuklasan na may


leksikal at ponolohikal na varyasyon bunga ng pagkakaibang heyograpikal ng

lugar at bunga rin ng uri ng gawain .Ang wika ng tau sa ilud ay kalimitang

gumagamit ng ponemang d at sa tau sa laya naman ay r at mayroong pagkakaltas

ng ponema sa wika ng tau sa laya at tau sa ilud.Magagamit rin itong sandigan ng

gagawing pag-aaral ng mga mananaliksik sapagkat ito ay tumatalakay rin sa

wikang Maguindanaon.

Batayang Teoritikal

Sa pag-aaral na ito ang teoryang variationist ni Lavov, et al. (1968) ang

gagawing batayan ng mga mananaliksik. Sa teoryang Variationist naman ni Labov,

et al. (1968), sinasabing ang wika ay laging may pagbabago. Ang bawat kaibahan

sa pagbigkas ng mga bagay ay maaring makita at mapapansin sa iba’t ibang istilo,

diyalekto at rejister ng wika na gamit ng bawat indibidwal na tagapagsalita sa iba’t

ibang lugar at panahon.

Dagdag pa rito ang mga tagapagsalita ay gumagamit ng iba’t ibang anyo

upang masabi ang iisang kahulugan. Ang pagbabago sa wika ay bunga ng

impuwensiya ng mga sosyal at kultural na salik, ito ay maaaring resulta ng kontak

at panghihiram, o bungang imahinasyon ng isip ng tao.


Konseptual na Batayan

Wikang Maguindanaon

Maguindanaon ng Kabuntulan Maguindanaon ng Mamasapano

Prutas Prutas

Gulay Gulay

Pang-uri Pang-uri

Varyasyong
Morpolohika ng
Maguindanaon ng
Kabuntulan at
Mamasapano

Paghahambing

Pigura 1. Paradigm ng Pag-aaral

Ang konseptual na balangkas na ito ay inilalahad ang kabuuang pag-aaral

ng mga mananaliksik. Simula sa pinakamataas ang wikang Maguindanaon,

maglilikom ang mga mananaliksik ng mga salitang Maguindanaon ng Kabuntulan

at Mamasapano at ito ay ipapangkat batay sa mga prutas, gulay at pang-uri. Ang

mga nalikom na salita ay aanalisahin at tutukuyin ang mga varyasyong

morpolohikal partikular ang mga pagbabagong morpoponemiko at ito ay

paghahambingin.
KABANATA III

METODOLOHIYA NG PANANALIKSIK

Sa kabanatang ito ay ilalahad ang disenyo ng pag-aaral, pamamaraan sa

paglikom at pagsusuri ng mga datos, mga impormante, at ang pangkalahatang

pamamaraan sa paglikom ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pananaliksik na ito ay kwalitatibong-deskriptib sapagkat layunin nitong

maihamabing mga morpolohikal na varyasyon partikular ang pagbabagong

morpoponemiko ng wikang Maguindanaon ng Kabuntulan at Mamasapano.

Sa paglikom ng mga datos ay kanilang pinagbatayan at ginawang sandigan

ang mga pananaliksik na may kaugnayan sa wikang Maguindanaon, partikular na

sa Kabuntulan at Mamasapano.

Pamamaraan sa Paglikom ng Datos

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng Retrieval method, sapagkat layunin

nitong malikom ang mga salita sa Maguindanaon at matukoy ang mga varyasyong

morpolohikal partikular ang mga pagbabagong morpoponemiko sa wikang

Maguindanaon.

Pamamaraan sa Pagsusuri ng Datos

Sa pagsusuri ng mga nalikom na datos na pumpatungkol sa wikang

Maguindanaon, ang mga mananaliksik ay gumamit ng Content Analysis at

komparatibong pasusuri, sapagkat layunin nitong maihambing ang morpolohikal

na varyasyon partikular ang pagbabagong morpoponemiko ng wikang

Maguindaon sa Kabuntulan at Mamasapano lungsod ng North Cotabato.


Respondante

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay mga mga purong

Maguindanaon na mula sa Kabuntulan at Mamasapano.

Pangkalahatang Pamamaraan

Unang ginawa ng mga mananaliksik ay naghanap ng mga pananaliksik na

pumapatungkol sa wikang Maguindanaon. Kanilang nilikom ang mga salitang

Maguindanaon mula sa mga pananaliksik na may kaugnayan sa lugar na pokus

ng kanilang pagaaral, ito ay ang Kabuntulan at Mamasapano. Ang mga nalikom

na mga salita ay ipapangkat batay sa mga prutas, gulay at mga pang-uri. Matapos

malikom ang mga salita tutukoyin ang morpolohikal na varyasyon partikular ang

pagbabagong morpoponemiko at ito ay paghahambingin. Ang kanilang mga

nagawa at nalikom na mga datos ay ipinakita sa kanilang tagapayo upang

masiguradong tama at balido ang kanilang ginawang pananaliksik.


KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGLALAHAD NG MGA DATOS

Sa kabanatang ito ay ilalahad ng mga mananaliksik ang mga datos na

kanilang nalikom hinggil sa mga morpolohikal na varyasyon partikular ang

pagbabagong morpoponemiko ng wikang Maguindanaon ng Kabuntulan at

Mamasapano. Ang mga varyasyong morpolohikal na natuklasan ay siyang

paghahambingin ng mga mananaliksik.

Talahanayan 1. Prutas

Batayang Wika: Filipino Kabuntulan Mamasapano

Abukado Abukado Abukado

Langka Badak Barak

Bayabas Bayabas Bayabas

Datiles Kayukurma Kayukulma

Guyabano Bayabano Bayabano

Durian Duryan Dulyan

Kamatis Kamantis Kamatis

Marang Marang Madang

Dalandan Karumis Kalumis

Papaya Kapaya Kapaya

Makikita sa talahanayan 1. ang mga nalikom na mga pangalan ng mga gulay na

tinumbasan sa wikang Maguindanaon.


Ang katumbas ng prutas na Abukado sa wikang Maguindanaon ng

Kabuntulan at Mamasapano ay Abukado parehog hiram sa wikang Filipino. Ang

langka naman ay may katumbas na Badak at Barak, mapapansin ang pagbabago

sa ponemang /d/ at /r/. Ang bayabas ay magkapareho lamang ang salin sa

dalawang lugar ito nga ay Bayabas na pawang hiram sa wikang Filipino. Ang

Datiles o sa Ingles ay Dates ay may katumbas na Kayukurma sa Kabuntulan

habang sa Mamasapano ay Kayukulma, mapapansin ang pagbabago sa

ponemang /k/ at /l/. Ang Guyabano naman ay pareho lamang ang katumbas sa

dalawang lugar ito ay Bayabano, mayroon din itong pagkakatulad sa wikang

Filipino ang kaibahan lamang ay sa unang pantig. Ang Durian ay may katumbas

sa Kabuntulan na Duryan habang sa Mamasapano ay Dulyan, nagkakaroon ng

pagkakaiba sa ponemang /d/ at /r/. Ang Kamatis ay may katumbas na Kamantis

sa Kabuntulan habang sa Mamasapano ay Kamatis. Ang Marang ay may

katumbas na Marang sa kabuntulan habang sa Mamasapano ay nagkakaroon ng

pagpapalit ng ponemang /r/ sa /d/ at ito ay Madang. Sa Kabuntulan ang Dalandan

ay may katumbas na Karumis sa Kabuntulan habang sa Mamasapano ay

Kalumis na nagkakaroon ng pagpapalit ng ponemang /r/ sa /l/. Panghuli ang

Papaya ay may katumbas na Kapaya sa lugar ng Kabuntulan at Mamasapano.

Talahanayan 2. Gulay
Batayang Wika: Filipino Kabuntulan Mamasapano

Alugbati Lilit Lilit

Ampalaya Parya Palya

Petsay Pitsay Petsay


Repolyo Ripulyu Lipulyu

Singkamas Singkamas Singkamas

Makikita sa talahanyan 2. ang mga pangalan ng gulay na tinumbasan ng

wikang Maguindanaon ng Kabuntulan at Mamasapano. Ang Alugbati ay may

katumbas na Lilit sa Kabuntulan gayundin sa Mamasapano. Magkapareho rin ang

katumbas ng Singkamas sa dalawang lugar ito ay Singkamas na hiram sa wikang

Filipino. Ang Ampalaya ay may katumbas na Parya sa Kabuntulan habang sa

Mamasapano ay Palya, mayroong pagpapalit ng ponemang /r/ at /l/. Ang petsay

ay may katumbas na Pitsay sa Kabuntulan habang sa Mamasapano ay Petsay,

nagkakaroon ng pagpapalit ng ponemang /i/ sa salin ng Petsay sa kabuntulan.

Kung papansinin nating ang salitang Repolyo, halos magkapreho lamang ang salin

nito sa Kabuntulan at Mamasapano ang kaibahan lang ay sa mga ponemang

/e/,/i/,/o/, at /u/.

Talahanayan 3. Pang-uri
Batayang Wika: Filipino Kabuntulan Mamasapano

Basa Mawasa Mawasa

Luma Rabing Labing

Mabigat Mogat Mugat

Mabilis Malangkas Malangkas

Mataba Masabud Masbud

Matanda Matuwa Matuwa

Mayaman Kawasa Kawasa


Pagod Galugat Garugat

Tamad Mapok Mapok

Takot Gagirkan Gagilkan

Makikita sa talahanayan 3. ang mga pang-uri na tinumbasan sa

Maguindanaon ng Kabuntulan at Mamasapano. Ang Basa ay pareho ang salin sa

Kabuntulan at Mamasapano ito ay Mawasa. Ang Luma ay may katumbas sa

Kabuntulan na Rabing habang sa Mamasapano ay Labing, may pagpapalit ng

ponemang /r/ at /l/. Ang mabigat naman ay Mogat sa Kabuntulan habang sa

Mamasapano ay Mugat, nagkakaroon ng pagpapalit ng ponemang /o/ at /u/. Ang

mabilis ay pareho ang salin sa Maguindanaon ng Kabuntulan at Mamasapano ito

ay Malangkas. Ang Mataba sa Kabuntulan ay Masabud habang sa Mamasapano

ay Masbud, nagkakaroon ng pagkakaltas ng ponemang /a/. Pareho lamang ang

salin ng Matanda sa dalawang lugar ito ay Matuwa, gayun din sa Mayaman

pareho lamang ang salin ito ay Kawasa. Ang Pagod ay may salin sa kabuntulan

na Galugat habang sa Mamasapano ay Garugat, mayroong pagpapalit ng

ponemang /l/ at /r/. Ang takot sa Kabuntulan ay Gagirkan habang sa

Mamasapano ay Gagilkan, mayroong pagpapalit ng poenamg /r/ at /l/. Panghuli

ang Tamad ay pareho lamang ang salin sa dalawang lugar ito ay Mapok.
Talahanayan 4. Mga nalikom na salita sa Maguindanaon na nakitaan ng

pagpapalitan ng ponemang /d/ at /r/.

Batayang Wika: Filipino Kabuntulan Mamasapano

Langka Badak Barak

Marang Marang Madang

Luma Rabing Labing

Mayroong tatlong (3) salita na nalikom mula sa Maguindanaon ng

Kabuntulan at Mamasapano ang nakitaan ng pagpapalit sa ponemang /d/ at /r/.

Ito ay ang Langka, Marang Luma.

Talahanayan 5. Mga nalikom na salita sa Maguindanaon na nakitaan ng


pagpapalitan ng ponemang /r/ at /l/.
Batayang Wika: Filipino Kabuntulan Mamasapano

Prutas

Datiles Kayukurma Kayukulma

Durian Duryan Dulyan

Dalandan Karumis Kalumis

Gulay

Ampalaya Parya Palya

Repolyo Ripulyu Lipulyu

Pang-uri

Luma Rabing Labing


Pagod Galugat Garugat

Takot Gagirkan Gagilkan

Mayroong walong (8) salita sa Maguindanaon ng Kabuntulan at Mamasapano ang

nakitaan ng pagpapalitan ng ponemang /r/ at /l/. Ito ay ang mga sumusunod. Sa

mga prutas mayroong tatlo (3), ito ay ang Datiles, Durian, at Dalandan. Sa gulay

mayroong dalawa (2), ito ay ang Ampalaya at Repolyo. Sa mga pang-uri

mayroong (3), ito ay ang Luma, Pagod at Takot.

Talahanayan 6. Mga nalikom na salita sa Maguindanaon na nakitaan ng ng


pagakakaltas ng ponema.

Batayang Wika: Filipino Kabuntulan Mamasapano

Kamatis Kamantis Kamatis

Mataba Masabud Masbud

Pagkakaltas ng ponema ay tumutukoy sa pagkawa ng isa o higit pang

ponema sa Maguindanaon ng Kabuntulan at Mamasaoano. Ang Kamatis ay may

salin sa Kabuntulan na Kamantis habang ang salin naman nito sa Mamasapano

ay Kamatis, nakaltas o nawala ang ponemang /n/ sa mamasapano. Ang mataba

ay may salin sa Kabuntulan na Masabud habang sa Mamasapano ay Masbud,

kung ating susurin nakaltas o nawala ang ponemang /a/ sa Mamasapano


Narito ang anilasasyon ng mga mananaliksik:
1. Matapos maihambing ang mga nalikom na mga salita sa Maguindanaon ng

Kabacan at Mamasapano, natuklasan ng mga mananaliksik na pareho man

ang tribong kinabibilangan at wikang sinasalita ay mayroon parin itung

pagkakaiba.

2. Natuklasan na ang mga salita sa Maguindanaon ng Kabacan at

Mamasapano, ay malimit na nagkakapalitan ang mga ponemang /d/ at /r/

pati narin ang ponemang /r/ sa /l/.

3. Mayroong mga salita sa Maguindanaon ng Kabuntuntulan at Mamasapano

na pawang hiram na salita sa wikang Filipino katulad ng abukado at

bayabas.
KABANATA V

BUOD KONLUSYON REKOMENDASYON

Sa kabanatang ito ay ilalahad ang buod, mga kinalabasan ng pag-aaral,

mga nabuong konklusyon at mga rekomendasyon ng ginawang pag-aaral.

Layunin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod:

Buod
Ang pananaliksik na ito ay layuning makalikom ng mga salitang

Maguindanaon, matukoy at maihamabing ang mga morpolohikal na varyasyon

partikular ang pagbabagong morpoponemikong nagaganap sa wikang

Maguindanaon. 1. Makalikom ng mga salitang Maguindanaon. Ito ay ipapangkat

batay sa, Prutas, Gulay at mga Pang-uri. 2. Matukoy at mailahad ang morpolohikal

na varyasyon partikular ang pagbabagong morpoponemiko ng wikang

Maguindanaon. 3. Maihambing ang mga morpolohikal na mga salita.

Ang pananaliksik na ito ay kwalitatibong deskriptib, at sa pagaanalisa ng

mga datos ay gumamit ng komparatibong pagusuri, sapagkat layunin nitong

maihambing ang morpolohikal na varyasyon partikular ang pagbabagong

morpoponemikong nagaganap sa Kabuntulan at Mamasapano. Upang makakuha

ng mga datos ito ay ginamitan ng retrieval method, silay naghanap ng mga

pananaliksik na may kaugnyan sa wikang Maguindanaon partikular na sa pokus

ng kanilang pag-aaral ang Kabuntulan at Mamasapano.

Sa pagaanalisa ng mga mananaliksik sa mga nalikom nilang mga salita sa

Maguindanaon, kanilang natuklasan na bagamat pareho ang kinabibilangang tribo

maging sinasalitang wika, nagkakaroon parin ng pagkakaiba ang kanilang mga

dayalekto dahil sa mga salik heograpikal at sosyal.


Natuklasan
Sa pagsusuri ng mga morpolohikal aytem sa wikang Maguindanaon ng

Kabuntulan at Mamasapano, lumitaw ang iba’t ibang pagbabagong

morpoponemiko nagaganap sa wikang Maguindanaon ng Kabuntulan at

Mamasapano. Natuklasan ang pagpapalit ng mga ponema sa dalawang lugar.

Una mayroong tatlong (3) salita ang nakitaan ng pagpapalit ng ponemang /d/ at /r/

ito ay ang langka, marang at luma. Pangalawa ay ang pagpapalit ng ponemang /r/

at /l/ sa mga salitang Datiles, Durian, Dalandan, Ampalay, Repolyo, Luma, Pagod

at Takot. Natuklasan din ng mga mananalilsik na mayroong pagkakaltas ng

ponemang nagaganap sa Maguindanaon ng dalawang lugar ito ay ang Kamatis at

Mataba.

Konklusyon
Ang ginawang pag-aaral ng mga mananaliksik ay patunay lamang na hindi

ibig sabihin na pareho man ang tribo, relihiyon ng isang pangkat etniko ay pareho

narin ang dayalektong sinasalita, maaring magiba sa mga termino o mga

katawagan sa mga bagay, maari ring magbago ang tunog o bigkas at pagbuo ng

mga salita dahil sa mga ponemang nagpapalitan o pagkakaltas ng mga ponema.

Napatunayan lamang na may malaking impluwensya ng heograpikal at sosyal na

mga salik, sa pagkakaroon ng mga morpolohikal na varyasyon.

Sinabi ni Labov, et al. (1968), sa kanyang teoryang kilala sa katawangang

Varation theory na kung saan ayon sa kanya ay ang wika ay laging nagbabago.

Ang pagbabago sa wika ay bunga ng impuwensiya ng mga sosyal at kultural na

salik. Dagdag pa niya ang bawat kaibahan sa pagbigkas ng mga bagay ay maaring
makita at mapapansin sa iba’t ibang istilo, diyalekto at rejister ng wika na gamit ng

bawat indibidwal na tagapagsalita sa iba’t ibang lugar at panahon.

Rekomendayson
Batay sa naging resulta ng pananaliksik na ito nais irekomenda ng mga
mananaliksik ang sumusunod:
1. Para sa mga susunod na mananaliksik ipagpatuloy pa ang pag-aaral sa iba

pang mga lugar na nagsasalita ng wikang Maguindanaon, pati narin ang

mga katutubong wikang Iranun, Meranao, Sangil, Tausog at iba pa.

2. Nais ding irekomenda ng mananaliksik na, paghambingin ang wikang

Maguindanaon at Iranun dahil, batay sa mga nalikom na mga pananaliksik

ay malaki ang pagkakatulad ng dalawang diyalekto.

3. Patuloy na pag-aralan ang wikang maguindanaon at tukoyin ang mga

polohikal at leksikal na mga varyasyon.


BIBILIOGRAPIYA

Abingosa, D. (ND) Ang Pang-abay sa Wikang Maguindaon: English Language

Mindanao State University - Iligan Institute of Technology. Nakuha mula sa

https://www.docsity.com/en/ang-pang-abay-sa-wikang

maguindanaon/7791852/

Dalandangan, F. Tau sa Laya at Tau sa Ilud: Dalawang pangkalahatang Varayti

ng Wikang Maguindanaon.

Dalagan, J. (2016). Barayti ng Wikang Maguindanaon: Departamento ng Filipino

Kolehiyo ng Agham ng Panlipunan at Humanidades Mindanao State

University. Nakuha mula sa https://www.scribd.com/document/517818696

/Barayti-Ng-Wika-Ng-Maguindanawon.

Gonsang, S.(2021). Varayti at Varyasyon ng Wikang Maguindanaon sa Lalawigan

ng North Cotabato. Nakuha mula sa

https://www.coursehero.com/file/123364096/VARAYTI-AT-VARYASYON-

NG-WIKANG-MAGUINDANAON-SA-LALAWIGAN-NG-NORTH-

COTABATOdocx/

Hilahan sa Wika sa Gulayan, Isdaan at Damitan: Isang Pagsusuring Pandiskurso

sa Pamilihang Bayan ng Tanauan (2015). Nakuha mula sa

http://enricogarcia.blogspot.com/2015/04/hilahan-sa-wika-sa-gulayan-

isdaan-at.html?m=1
Ishmael, D. (2017). Kahulugan ng Wika nakuha mula sa

https://www.academia.edu/33569345/Kahulugan_ng_Wika

Josol, C (2020). Baryasyon ng Wika. Calayan Educational Foundation Inc. Nakuha

mula sa https://www.studocu.com/ph/document/calayan-educational-

foundation-inc/medical-technology/baryasyon-ng-wika/10122612

Juanmarti J (ND). A Grammar of the Maguindanaon Tongue nakuha mula sa

http://www.sabrizain.org/malaya/library/maguindanao.pdf

Kunso, J at Mendoza R (2021), Variation in Maguindanaon Language. Modern

Journal of Studies in English Language Teaching and Literature Vol. 3 Issue

2.

Teoryang Variationist. Mindanao Sate University (2019) Nakuha mula sa

https://www.coursehero.com/file/89139878/TEORYANG-

VARIATIONISTpdf/
APENDIKS A

I. Talahanayan na mula sa pag-aaral nila Fhajema Kunso at Riceli Mendoza na


siyang ginamit na batayan ng mga mananaliksik.
CURRICULUM VITAE

Name: Guiarel S. Andang


Status: Single
Citizenship: Filipino
Birth Date: September 28,2001
Birth Place: Prk. Malakas Brgy. San Isidro G.S.C
Tribe: Maguindanaon
Religion: Islam
Mother’s Name: Bailyn S. Andang
Father’s Name: Solaiman B. Andang
Home Address: Prk. Datu Ito Andang Brgy. San Isidro G.S.C

EDUCATIONAL BACKGROUND
Elementary: Lagao 2nd Bo. Elementary School
Secondary: Lagao National High School
Tertiary: Mindanao State University G.S.C
Course & Year: Ab Filipino 2nd Year

ORGANIZATION:

SKILLS: Hair Cutting, Cooking, Sewing

HOBBIES: Playing Online Games, Watching Movies


Curriculum Vitae

Name: Ivy M. Macalumba


Status: Single
Citizenship: Filipino
Birth Date: December 23,2001
Birth Place: Prk. Malipayon Brgy. Upper Sepaka Surallah So. Cot.
Tribe: Maguindanaon
Religion: Islam
Mother's Name: Sobiya Macalumba
Father's Name: Gialuden Macalumba
Home Address: Prk. Bagong Silang Brgy. Bukay Pait Tantangan So. Cot.

EDUCATIONAL BACKGROUND
Elementary: Bukay Pait Elementary School
Secondary: Koronadal National Comprehensive High School
Tertiary: Mindanao State University G.S.C
Course & Year: Ab Filipino 2nd Year

ORGANIZATION:
SKILLS: Hair styling
HOBBIES: Watching TV Series
CURRICULUM VITAE

Name: Arbaina O. Manalinding


Status: Single
Citizenship: Filipino
Birth date: June 10, 2000
Birth Place: Datal Bob T'boli, South Cotabato
Tribe: Maguindanaon
Religion: Islam
Mother’s name: Arbaya Aba Manalinding
Father’s name: Aron K. Manalinding
Home address: brgay Datal Bob T'boli, South Cotabato

EDUCATIONAL BACKGROUND
Elementary: Lanton Elementary
School Secondary: Teodoro P. Prudente National High School
Tertiary: Mindanao State University- GSC
Course & Year: Bachelor of Arts in Filipino- 2nd Year

ORGANIZATION
Skils: Sewing, Cooking
Hobbies: Watching movies
CURRICULUM VITAE

Name: Norhain M. Macasayon


Status: Single
Citizenship: Filipino
Birth Date: September 28 2001
Birth Place: Prk.Bliss, Brgy. Tamnag, Lutayan, Sultan, kudarat
Tribe: Maguindanaon
Religion: Islam
Mother's Name: Tapia M. Macasayon
Father's Name: Abdul Gagui Macasayon
Home Address: prk. Bliss, tamnag, Lutayan, Sultan Kudarat

EDUCATIONAL BACKGROUND
Elementary: Tamnag Central Elementary School
Secondary: Lutayan, National High School
Tertiary: Mindanao State University G.S.C
Course & Year: Ab Filipino 2nd Year

ORGANIZATION:
SKILLS: playing sports
HOBBIES: fantasy Watching C- drama K- drama and reading Wattpad.
CURRICULUM VITAE

Name: Aira A. Sagandi


Status: Single
Citizenship: Filipino
Birth Date: May 06, 2001
Birth Place: Tamnag Lutayan, Sultan Kudarat
Tribe: Maguindanaon
Religion: Islam
Mother's Name: Rufina K. Sagandi
Father's Name: Nasser I. Sagandi
Home Address: Prk. Magalaw brgy, Tamang Lutayan Sultan Kudarat

EDUCATIONAL BACKGROUND
Elementary: Tamnag Central Elementary School
Secondary: Lutayan, National High School
Tertiary: Mindanao State University G.S.C
Course & Year: Ab Filipino 2nd Year

ORGANIZATION:
SKILLS: Household and Planting
HOBBIES: Watching Movies

You might also like