You are on page 1of 10

ISANG PAG-AARAL SA BARAYTI NG WIKA NG TIMOG-KATAGALUGAN:

BATAYAN SA PAGBUO NG DIKSYUNARYO


ni:
TECIO, MAYBELLE R.
MAEd – FILIPINO
Rationale
Ang wika ang daluyan at bukal ng pag-unawa ng isang tao. Sa pamamagitan ng wika
nakabubuo at naipapahayag ang pananaw at pag-unawa sa mga karanasang pansarili at sa
kapaligiran. Dahil dito, ang wika ay laging mahalagang aspeto ng anumang uri ng pag-aaral.
Sa pahayag ni Gonzalvo (2016), ang wika ay salamin ng kaluluwa sapagkat sa
pamamagitan nito ay mababanaag ang pag-iisip, damdamin at mga pangarap ng mga tao.
Kung wala ang wika hindi natin maisasagawa ang anumang mga gawaing gusto nating ibahagi
sa kapwa, sa lipunang ating ginagalawan.
Iisang wika ang kailangan upang magkaisa ang buong sambayanang Pilipino.
Ipinahayag nina Mangahis et. al (2005), ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan
ssa pakikipagtalastasan.Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap
ng mensahe na susi ng pagkakaunawaan.
Ang wika ay naging bahagi na ng ating kasaysayan at nagsisilbing pagkakakilanlan ng
ating bayan at lalawigan. Nasasalamin ng wika kung anong kultura ang nakapaloob sa isang
lalawigan. Ang bawat salitang ating ginagamit ay bahagi na ng ating nakaraan at ang
pagpapanatili nito ay nakasalalay sa ating kasalukuyan. Ito ang nag-uugnay sa mga tao sa isang
kultura at sa pamamagitan nito ang kultura ay maiintindihan at mapapahalagahan maging sa
mga taong hindi napaloob sa tinutukoy na kultura. Ang wika ay isang paraan kung saan
nagkakaintindihan ang mga tao sa iba’t ibang lugar at sa pamamagitan nito nagkakaroon ng
pagkakaunawaan ang mga tao na nagreresulta sa pagkakabuo ng kultura.
Ayon kay Constantino (2002) mula kay Eastman (1971), nahahati sa dalawang
dimensyon ang varyabilidad o pagkakaiba-iba ng wika: ang heograpiko (dayalekto) at sosyo-
ekonomiko (sosyolek).
Isang mahalagang usapin sa sitwasyon ng wika sa ating bansa sa kasalukuyan ang
pagkakaroon ng barayti ng sinasalitang wika. Mahalagang bagay ito na dapat pag-ukulan ng
pansin sa kasalukuyan upang ang mga mag-aaral ay magkaroon din ng sapat na kaalaman sa
mga salitang kanilang ginagamit at maging sa mga karatig na bayan nang sa gayon ay
mapanatili at mas lalong mapagyaman pa ang ating wika at kultura.

Pangkalahatang Layunin
Ang pananaliksik na ito ay nilalayong alamin ang mga salitang ginagamit sa Timog-
Katagalugan (Quezon, Batangas at Laguna) batay sa produkto; gawi at pagdiriwang; kultura,
tradisyon at pananampalataya. Nais din malaman ng mananaliksik ang mga salitang palagiang
ginagamit sa mga nabanggit na lalawigan. Nilalayon din ng pananaliksik na ito na makabuo ng
isang diksyunaryo ng mga salitang madalas na ginagamit sa Timog-Katagalugan upang maging
sanggunian ng mga guro, mag-aaral, mga Tagalog at hindi Tagalog sa kanilang
pakikipagtalastasan at pag-aaral. Kaya’t layunin rin ng pananaliksik na ito na malaman ang
lebel ng pagtanggap ng mga guro sa diksyunaryong bubuuin batay sa pagkabuo ng materyal;
nilalaman; impak sa guro at orihinalidad. Ito ay isasagawa upang malaman ng mga mag-aaral
ang barayti o pagkakaiba ng wika sa Timog-Katagalugan (Quezon, Batangas at Laguna) at
matuklasan rin nila ang mga mga salitang madalas gamitin sa lugar na nabanggit.
Panimula
Ang wika ay sumasalamin sa kultura ng isang bansa. Ito rin ang isa sa mga paraang
nagbibigay ng buhay at nagtataglay ng iba’t ibang barayti. Masasabi ring ang wika ang isa sa
mga paraan upang maibahagi at maiparating sa ibang tao ang nilalaman ng ating saloobin,
naiisip, damdamin, opinyon at adhikain.
Mayroon ring iba’t ibang barayti ang wika na maaaring iklasipika na higit pa sa isang
paraan. Tulad n lamang ng tinatawag na idyolek, dayalek at marami pang iba na may
kaparaanan ng pagkaklasipa ng wika sa mga gumagamit nito., at ang kondisyong sosyal naman
ay ang pagkakaiba-iba ng wika dahil sa iba’t iba nitong gawain, interes, propesyon
pamumuhay at iba pa. Bagamat may tinatawag tayong barayti ng wika kabilang pa rin to sa
iisang wika. Iisang wika ang kailangan upang magkaisa ang buong sambayanan Pilipino.
Ipinahayag nina Mangahis et. al (2005), ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan
sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng
mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
Ang wika ay naging bahagi na ng ating kasaysayan at nagsisilbing pagkakakilanlan ng
ating bayan at lalawigan. Ang bawat salitang ating ginagamit ay bahagi ng ating nakaraan at
ang pagpapanatili nito ay nakasalalay sa ating kasalukuyan. Ito ang nagbibigay anyo sa diwa
at saloobin ng isang kultura. Ito rin ang nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura. Ang wika ay
isang paraan kung saan nagkakaintindihan ang mga tao sa iba’t ibang lugar at sa pamamagitan
ng isang wika nagkakaroon ng pagkakaunawaan ang mga tao sa isang lugar na nagreresulta sa
pagkakabuo ng kultura.

Batayang Teoretikal ng Pag-aaral


Batay sa aklat nina Constantino et.al (2012), isinasaalang-alang ni Howard Giles at
sociolinguistics ni William Lobov ang pagiging heterogeneous ng wika. Ayon sa teoryang ito,
nagmula ito sa pagkakaiba ng mga indibidwal at grupo maging ang kani-kanilang
tirahan,interes at gawain. Dagdag pa niya na ang pagkakaroon ng mga uri o varayti ng wika na
nakikita sakatayuang panlipunan ng isang indibidwal,dito nagsisimula ang mga pag-aaral sa
varayti ng wika na naging bahagi ng larangan ng sosyoilinggwistika.
Sa pamamagitan ng wika, naitatala ng tao ang mga karanasan at kasaysayan ng
sinaunang panahon. Wika ang sumasalamin sa mga pangayari sa lipunang kaniyang
ginagalawan. Naipahahayag ng tao ang kaniyang saloobin tungkol sa isang baga na nais niyang
bigyang-pansin. Ang wika ang siyang puno’t dulo ng mga pangyayaring kinasasangkutan ng
tao sa lipunang kaniyang ginagalawan.
Malaki ang ginagampanan ng pagbuo ng diksyunaryo sa pagpapanatili ng isang wika.
Sa paggawa nito napapadali ang paghahanap ng mga salitang nais malaman ang kahulugan.
Sinabi na isang sining ng pagbuo at pag-eedit ng mga diksynaryo ang leksigrapiya ayon
sa pagpapakahulugan ng Nation Master na isang online dictioary kung saan ito ay lubusan
sinang-ayunan din naman ng Merriam Webster Dictionary (2010) na naglahad ng mga simulain
at praktika ng paggawa, paglikha o pag-eedit ng diksyunaryo ang kahulugan ng leksikograpiya.

Mga Literatura at Kaugnay na Pag-aaral


Ang bahaging ng pananaliksik na ito ay nagbiibigay ng mga kaugnay na literatura at
pag-aaral bilang karagdagang impormasyon at kaalaman sa pananaliksik na ito. Ang mga
teorya at impormasyon ay magsisilbing batayan sa pagbibigay-kahulugan sa kinalabasan ng
pananaliksik at magdaragdag rin ng ilang kaalaman hinggil sa suliraning tinangkang sagutin ng
mag-aaral.
Sa paglalahad sa artikulo ni Macarayan na “Wikang Filipino, Tungo sa Pagkakaisa ng
Sambayanan” (2007, p.118), sinasabing ang wika ay opisyal na salita ng ating bansa, dahil dito
natutunan ang makipagkomunikasyon sa ating kapwa. Maipapahayag din natin ang sigaw ng
ating damdamin at higit sa lahat, natutukoy nito kkung saang bansa ka naninirahan. Sa gayon
ay napupukaw ang makabagong damdamin sa makabagong panahon at maunlad na
pagnanasa na magamit ang wikang Filipino sa pagbabagong landas ng sistema ng edukasyon
sa ating bansa.
Napakahalaga ng wika dahil ito ang pangunahing sangkap ng komunikasyon.
Nagkaroon man ng bagong bihis ang mga paraan ng paggamit nito, nakatutulong pa rin ito sa
pakikisalamuha sa ibang tao. Sa paliwanag ni Acopra (2015), ang wika ang siyang
nagpapagalaw sa tao upang siya ay maayos na makipamuhay sa kaniyang lipunan na binubuo
ng mga wikang ginagamit sa kaniyang kapaligiran. Samakatuwid, ang wika ay kasangkapan sa
pakikipagkomunikasyon. Ito ang nagsisilbing daluyan ng lahing Pilipino. Sinasalamin nito ang
kulturang pinagmulan ng lahi.
Ayon kay Coroza (2008), bawat bayan sa bawat lalawigan ay may sari-sariling
dayalekto. Hindi lamang sa kawalan ng ilang leksikon nagkakaiba ang mga mamamayan ng
bawat bayan sa isang lalawiganin. Nagkakaiba rin sila sa tunog o punto. At walang nagsasalita
na walang punto. Ang mga salitang ito ay ginagamit sa partikular na pook o lalawiganin
lamang, malliban lamang kung ang taal na gumagamit nito ay magkikita-kita sa ibang lugar
dahil natural na nila itong maibubulalas o mabibigkas.
Dagdag pa ni Rubin et. al (2006), lubhang mahalaga ang pagpapayaman ng
bokabularyo o talasalitaan ng wikang Pambansa upang matamo ang nasyonalismo,
modernisasyon ng wika. Kailangang mapayabong ang kasalukuyang korpus ng mga salita sa
Filipino upang mailahok ang lahat ng posibleng maisasamang salta nangagailangan sa mga
katutubong wika sa lahat ng sulok ng Pilipinas.
Sang-ayon naman sa pahayag nina Astorga et.al (2010), mayaman sa salita ang mga
Pilipino kaya umuusbong at patuloy na ipinapanganak ang ilang katawagan at barayti ng wika
na maituturing na buhay na minsan naman ay namamatay kapag walang tagatangkilik. Habang
patuloy na nagpapalitmukha ang mundo ay patuloy ang pagsilang ng mga bagong salita na
bahagi ng wika. Nagiging bukambibig ito bunga ng pagtanggap at paggamit ng nakararami.
Ayon kay Ocampo (2012), tumutukoy ang baryasyon sa dayalekto sa (1) tunog o
punto, (2) pagkakaiba ng salita, at (3) paraan ng pagsasalita (lang/nangka, sagwan/gaod,
alam/batid, damit/baro, kalamansi/kalamunding/sinturis). Isa pa rin sa baryasyon ang
pagkakaiba ng mga salita.
Sa pagtalakay sa pag-aaral ni Principe (2013, p.15), ang pagpapaunlad ng wika kung
minsan ay pagpapayaman muna ng pakikipag-ugnayang sosyal sa mga taong nasa paligid. Ang
mga taong nasa paligid ay isang malaking salik na nakakaapekto sa pagbabago at pag-unlad
ng wika.
Dagdag pa ni Nada (2012), may kaugnayan ang punto sa paraan ng pagbigkas ng isang
tao gamit ang kaniyang wika. Dito maaaring madetermina ang lugar na kaniyang pinagmulan.
Isang delimitasyon ng diyalekto ang pagbigkas. Masasabi ring isang baryasyon sa diyalekto ang
paraan ng pagbigkas ng mga salita, kaya mayroong sinasabing puntong Bulacan, puntong
Batangas at iba pa.
Sinabi ni Cometa (2015) sa kanyang pag-aaral tungkol sa Mga Leksikon ng mga
Katutubong Agta sa General una, Nakar Quezon na ang katutubong wika ay siyang paraan
upang magkaintindhan ang taong naninirahan sa iisang pangkat.
Ang pagkakaroon ng isang kalipunan ng mga salita sa Pilipinas ay isang hakbang upang
matiipon ang maraming wika at diyalekto ng mga katutubo. Magagamit din ito ng mga
dayuhan upang mapadali ang kanilang pakikipagtalastasan sa mga Pilipino. Ang unang listahan
ng mga salita ng wika ng Pilipinas ay ang Sebuano na ginawa noong 1512.
Para kina Robinson et. al (2010), ang diksyunaryo ay isang napakahalagang
kasangkapan para malaman ang kahulugan ng mga salita. Mahalaga ito sa mga mag-aaral na
nag-aaral ng iba’t ibang disiplina na naghahangad matagpuan ang ibig sabihin ng mga salitang
hindi alam ang kahulugan. Ang diksyunaryo ay isang mahalagang kagamitan na nilikha dulot
na rin ng pangangailangan ng tao na mabigyan ng kasagutan ang isang salitang kakaiba para
sa kanya.

Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral na ito ay nakapokus sa barayti ng wika ng Timog-Katagalugan: batayan
sa pagbuo ng diksyunaryo.
Ang mga tagasagot ay magmumula sa tatlong lalawigan sa Timog-Katagalugan-
(Quezon, Batangas at Laguna) na mayroong (29) na mag-aaral, (29) na manggagawa at (32)
na guro para sa kabuuang bilang na siyamnapu (90) na pinili sa pamamaraang “purposive
random sampling”. Samantalang dalawampu (20) guro sa Kagawaran ng Filipino na
kinabibilangan ng guro ang siyang magsasagawa ng balidasyon sa mabubuong materyal sa
pag-aaral na ito.

Kahalagahan ng Pag-aaral
Naniniwala ang mananaliksik na ang kalalabasan ng pag-aaral na ito ay magbibigay
impormasyon, kalinawan, kapakinabangan at kontribusyon para sa mga sumusunod:

Pamunuan ng DepEd at Administrador ng Paaralan. Ang pananaliksik na ito ay


inaasahang makatutulong sa mga namumuno sa ahensyang ito upang magsilbing gabay at
makatulong na makagawa ng mga talaan ng salitang palagiang ginagamit sa Timog-
Katagalugan.
Sa mga naniniraha sa Timog-Katagalugan. Inaasahang makatutulong ang pag-aaral
na ito sa mga taong naninirahan sa lalawigan ng Qezon, Batangas at Laguna upang magkaroon
sila ng kaalaman sa barayti ng wika mayroon sa kanilang lugar at upang mas mapahalagahan
nila ang dayalekto o wikang mayroon ang kanilang lugar tungo sa pagpapayaman pang lalo ng
kaalaman at kultura.
Sa mga guro sa Timog-Katagalugan. Inaasahang makatutulong ang pag-aaral na ito
sapagkat naglalayon itong maipabatid sa mga guro ang mga salitang pamilyar sa mga mag-
aaral sa Timog-Katagalugan na maaari nilang gawing batayan sa kanilang pagtuturo.
Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay inaasahang makatutulong upang malaman
nila na ang kanila pa lang ginagamit na salita ay ginagamit din sa mga karatig bayan at
mapapaunlad ng pananaliksik na ito ang bokabularyo ng mga mag-aaral.
Sa mga susunod na Mananaliksik. Maging batayan, kadluan ng impormasyon at
karunungan sa kanilang gagawing pag-aaral upang lubos nilang maunawaan ang mga sallitang
ginagamit sa Timog-Katagalugan.

Depinisyon ng mga katawagang ginamit


Ang mga sumusunod na salitang ginamit ay binigyang-kahulugan ayon sa
pagkakagamit sa isinagawang pag-aaral na lubos na maunawaan ng mga babasa ng mga
salitang ito.

Barayti ng Wika tumutukoy sa iba’t ibang grupo ng mga tagapagsalita o grupong


kinabibilangan.
Kultura ay tumutukoy sa kinamulatang paniniwala, tradisyong sinusunod, mga gawi na
kinasanayan sa isang lugar.
Pakikipagtalastasan ay ang pagpapahayag, pagbibigay o paghahatid ng kabatiran sa mabisang
paraan.
Salitang Lalawiganin ito ay ang mga salitang karaniwang naririnig at ginagamit sa isang pook
o lugar na naging palasak ang kinagisnang salita na tanging sa pook na iyon lamang maririnig
at ginagamit.
Second Language Acquisition ay tumutukoy sa pagkatuto ng wika na kung saan nagkaroon
ng tendensiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap para bigyang-halaga ang
pakikiisa.

Paglalahad ng Suliranin
Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang barayti ng wika sa Timog-Katagalugan
(Batangas, Laguna at Quezon) na magiging batayan upang mabuo ang diksyunaryo. Ang mga
sumusunod na katangian ay nilalayong masagot ng mananaliksik.

1. Ano-ano ang mga salitang ginagamit batay sa:


1.1 Produkto;
1.2 Gawi at Pagdiriwang;
1.3 Kultura, Tradisyon at Pananampalataya?
2. Anong mga salita ang palagiang ginagamit sa Timog-Katagalugan batay sa:
2.1 Produkto;
2.2 Gawi at Pagdiriwang;
2.3 Kultura, Tradisyon at Pananampalataya?
3. Lebel ng pagtanggap ng mga guro sa diksyunaryong kinapapalooban ng mga
salitang palagiang ginagamit sa Timog-Katagalugan batay sa:
3.1 pagkabuo ng materyal;
3.2 nilalaman;
3.3 impak sa guro;
3.4 orihinalidad?

Paradima ng Pag-aaral

INPUT PROSESO
 Ano-ano ang mga
salitang ginagamit batay sa:  Pagtukoy sa
AWTPUT
1.1 Produkto; mga salitang
1.2 Gawi at Pagdiriwang; ginagamit sa Timog- Pagbuo ng
1.3 Kultura, Tradisyon at Katagalugan mula sa Diksyunaryo ng
Pananampalataya? mga mag-aaral na salitang lalawiganin
 Anong mga salita ang nagpapakadalubhasa sa Timog-
palagiang ginagamit sa sa Filipino sa LSPU. Katagalugan
Timog-Katagalugan batay sa:
 Pagpapagot
1.4 Produkto;
ng sarbeytseklist sa
1.5 Gawi at Pagdiriwang;
1.6 Kultura, Tradisyon at mga guro, mag-aaral
Pananampalataya? at manggagawa.

FIDBAK
Lebel ng pagtanggap ng mga guro sa
diksyunaryo.
Pigura 1. Ang paradima ng pag-aaral ay nagpapakita ng proseso sa pag-aaral sa barayti ng wika
ng Timog-Katagalugan: batayan sa pagbuo ng diksyunaryo.

Sa kahon ng input, ipinapakita ang mga salitang ginagamit ng Timog-Katagalugan.


Kasama din ang mga termino o salitang palagian o madalas gamitin ng mga naninirahan sa
nasabing lugar.
Mula sa input, ang mananaliksik ay magsisimula upang maisagawa ang proseso na
kinapapalooban ng dalawang gawain. Ang una ay tumutukoy sa pagtukoy sa mga salitang
ginagamit ng Quezon, Batangas at Laguna batay sa produkto; gawi at pagdiriwang; kultura,
paniniwala at pananampalataya. Ang ikalawa naman ay ang pagpapasagot ng sarbey tseklist.
Sa bahagi ng awtput, inaasahang makabubuo ng diksyunaryo ng Timog-Katagalugan
na makatutulong upang makadagdag kaalaman sa mga mag-aaral. Sa bahagi naman ng fidbak,
nilalayon nito na makuha ang lebel ng pagtanggap ng mga guro sa binuong diksyunaryo.

Presentasyon ng Datos
Matapos makalap at mapag-aralan ang mga datos na kinakailangan, ang mga
sumusunod ang kinalabasan:
1.1 Mga
A
Bagay
1. Alulod
Salulo
(Gutter)
2. Aparador
Tokador
(Cabinet)
3. Banga
Tapayan
(Jar)
4. Baunan
ng
Pagkain Binalot
(Lunch
box)

1. Makikita sa Talahanayan ang mga salitang ginagamit sa Timog-Katagalugan batay sa


produko; gawi at pagdiriwang ; paniniwala, kultura at pananampalataya
2. Makikita rin mula sa Talahanayan mula sa siyamnapu (90) salitang nakatala, madalas
ginagamit batay sa :
2.1 produkto; may bilang na labin-anim (16) na nagmula sa Lalawigan ng Quezon,
labindalawa (12) na nagmula sa Batangas at ang tatlo (3) ay nagmula naman sa
Laguna;
2.2 gawi at pagdiriwang; may bilang na labinllima (15) na nagmula sa Lalawigan ng
Quezon, labin-apat (14) na nagmula sa Batangas at ang isa (1) ay nagmula naman
sa Laguna;
2.3 paniniwala, kultura at pananampalataya; dalawampu’t isa (21) na nagmula sa
Lalawigan ng Quezon, pito (7) na nagmula sa Batangas at ang tatlo (3) ay nagmula
naman sa Laguna;
3. Batay naman sa lebel ng pagtanggap sa diksyunaryong binuo ay lumalabas na
katangga-tanggap ito para sa mga guro.

Konklusyon
Isang katotohanang kahit pa sabihing iisang wika lamang ang ginagamit, may
pagkakataon pa ring maaaring hindi magkaintindihan ng tinutukoy ang tao lalo na kung ang
nag-uusap ay nagmula sa magkaibang lugar. Patunay ang resultang hatid ng talahanayan ng
barayti ng wika ng Timog-Katagalugan na may ilang salita na ginagamit sa Batangas at Laguna
na hindi ginagamit sa Quezon, o di kaya naman ay kitang-kita na maraming salita sa Quezon
ang marami ang nakakaalam at mas madalas pa ngang gamitin. Ang magkakaibang katawagan
sa isang salita ay nagpapakilala sa kanilang identidad dahil natutukoy agad ang pinanggalingan
ng lugar nito. Isang patunay lamang ito na ang wika ay dinamiko o buhay.

Bibliografiya

Acopra, J.A. et al. (2015). Retorika. Mandaluyong City: Books Atbp. Publishing.

Astorga, E. et al (2010). Pagbasa, pagsulat at pananaliksik. Intramuros, Manila: Mindshapers.

Cometa, R.V (2015). Mga leksikon ng mga katutubong Agta sa General Luna Nakar, Quezon:
Basehan sa pagbuo ng diksyunaryo. (Unpublished thesis Southern Luzon State University)

Constantino, P. et al. (2012). Salindaw. Varayti at Baryasyon ng Filipino. Quezon City:Sentro


ng Wikang Filipino.

Coroza, M.M (2008). Mga Varayti ng wikang Filipino: Isang pag-uusisang teorotiko. Retrieved
from http://bulawanonline.com/2008. Disyembre 11, 2018.

Gonzalvo, R.P (2016). Komunikasyon at pananaliksik sa wika at kulturang Pilipino. Intramuros,


Manila: Mindshapers.

Macarayan. N.A (2007). ‘Wikang Filipino, Tungo sa Pagkakaisa ng Sambayanan”. Modern


Teacher . Vol. LV . No.3, Quezon City, Philippines. Hiyas Press, Inc.

Mangahis, J. C. (2005). Filipino: Wika-katutubong kahalagahan, katangian at antas. Retrieved


from blogspot: www.kadipanvalsci.blogspot. Disyembre 11, 2018.

Ocampo, S.et al (2012). Salindaw varayti at baryasyon ng Filipino. Quezon City: Sentro ng
Wikang Filipino, Unibersidad ng Pilipinas.

Principe, T.J (2013). Mga Leksikong Dumagat sa bayan ng General, Nakar. (Unpublished thesis
Southern Luzon State University)

Robinson, C. (2009). Filipino: Pagbasa at Pagsulat. Iloilo City: Seguiban Printers &Publishing
House.

Rubin, L. et al (2006). Retorika. Wikang Filipino at salitang pananaliksik. Sampalok, Manila:


Rex Printing Company Inc.\
TALATANUNGAN
(Para sa mga guro)

Sa mga tagasagot,

Ang talatanungang ito ay naglalaman ng mga katanungan upang malaman ang


Barayti ng Wika ng Timog-Katagalugan: Batayan sa Pagbuo ng Diksyunaryo.
Magalang na hinihiling ng mananaliksik na buong katapatan pong bigyang kasagutan
ang mga katanungang nakalahad upang magkaroon ng katunayan ang mga datos na
gagamitin sa pananaliksik.
Bilang paggalang ay sisikapin ng mananaliksik na gawing pribado ang mga
makukuhang datos.

Maraming Salamat po!

Ang Mananaliksik,

Maybelle R. Tecio
1.LEBEL NG PAGTANGGAP SA Diksyunaryo ng mga Salita sa Timog
Katagalugan bilang gabay sa pagtuturo

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang hanay na naglalarawan ng iyong pagtataya sa bawat
aytem ng talatanungan. Gamiting batayan ang palatandaan sa ibaba.

4- Lubos na Katanggap-tanggap (LK)


3- Tinatanggap (T)
1- Bahagyang Tinatanggap (BT)
1- Lubos na Di-tinatanggap (LDT)

Pagkabuo ng materyal 4 3 2 1

(LK) (T) (BT) (LDT)

1. Ang bawat salita ay nasa maayos na pagkakasunod-


sunod para sa lubos na pag-unawa
2. Ang mga salita sa diksyunaryo na gabay sa pagtuturo
ay madaling maunawaan.
3. Ang diksyunaryo na gabay sa pagtuturo ay naayon
sa edad at karanasan ng mga mag-aaral.
4. Ang mga estratehiya ay maayos at malinaw sa mga
guro.
5. Ang mga ideya at konsepto ay maayos na
naipahayag sa diksyunaryo na gabay sa pagtuturo.
Nilalaman

1. Ang bawat konsepto sa diksyunaryo na gabay sa


pagtuturo ay malinaw at madaling maunawaan.
2. Ang diksyunaryo na gabay sa pagtuturo ay naayon
sa layunin.
Impak sa guro

1. Nakapupukaw ng interes ang pamagat ng


isinagawang diksyunaryo na gabay sa pagtuturo.
2. Ang mga ginamit na larawan sa inobatibong
estratihikong gabay sa pagtuturo ng pagbasa ay
nakatawag ng pansin ng mga guro.
3. Ang isinagawang diksyunaryo na gabay sa pagtuturo
nakaeengganyo ng mga guro.
4. Ang diksyunaryong gabay sa pagtuturo ay nagbigay
sa mga guro ng interes tungkol sa mga salitang
lalawiganin.
Orihinalidad
1. Ang disenyo at ang pagpapahayag na isigawa ay
kakaiba sa ibang presentasyon.
2. Ang isinagawang diksyunaryo na gabay sa
pagtuturo ay kakaiba sa ibang kagamitang
pagtuturo.

You might also like