You are on page 1of 2

Jasper John M.

Gomez
BSCE-5

Kahulugan at Katangian ng Wika

Wika ang siyang nagbubuklod sa atin mula sa mga banyagang bansa, ang siyang nagbibigay ng
pagkakakilanlan at katangian ng isang bansang may laya. Ang wika ang nagkokonekta sa mga tao upang
mamuhay ng magkakasama at matagumpay sa pamamagitang ng pakikipagkomunikasyon sa isa’t isa. Kung
gayon, mainam lamang nap ag aralan ang kalikasan ng wika.

May iba’t ibang kahulugan ng wika depende kung papaano mo ito ginagamit at kung papaano ito
nakakaapekto sa iyong pamumuhay. Ayon kay Dr. Jose Rizal, ang wika ay ang diwa ng tao. Ayon naman kay
Rubico (2009), ang bawat tao sa daigdig ay may kultura at ito ay nagbibigay ng anyo, nagpapahayag sa ilang
henerasyon sa pamamagitan ng wika. Ang wika ang kasangkapan ng isang manunulat sa paglikha ng kanyang
sining ayon kay Pineda, 2004:236. Ayon naman kina Antonio, et al. (2005), ang wika ay buhay. Ang wika ay
naglalarawan ng kultura ng bansa. Ito ay naglalantad ng saloobin ng tao. Malawak ang pagpapakahulugan ng
wika dahil na rin sa lawak ng impluwensya nito sa buhay natin. Maaring iba-iba ang ating pananaw tungkol sa
wika ngunit iisa lamang ang gamit, ang maipahayag at maitala ang ating mga ideya at saloobin.

Ang wika ay may mga katangian. Mayroon itong 13 katangian ayon sa wikang Filipino. Isa sa mga
katangian ay ang wika ay may sinusunod na masistemang balangkas kung saan ang masistemang estruktura nito
ang siyang nagpapadali sa ating pag-aaral tungkol sa wika. Nakikita natin ang wika na isang balangkas na
mayroong iba-ibang parte katulad ng ponema, morpema, sintaksis at semantiks. Binubuo ng mga bahaging ito
ang wika na siyang ating ginagamit.

May malaking papel din ang wikang Filipino sa pagbasa, pagsulat at pananaliksik. Halimbawa nito ay sa
pagbasa kung saan ang wika ay nagsisilbing tulay upang magkaunawaan ang mambabasa at ang may akda. Dito
nagsisilbing tagapamagitan o tulay ang wika upang maipahayg ng may akda ang kanyang ideya sa mga taong
nagbabasa ng kanyang likha. Isa itong matibay na katibayan na ang wika ang siyang naglalapit sa mga tao upang
magtulungan at maibahagi ang iba’t ibang karunungan.

Ang wikang Filipino ay binubuo rin ng mga uri ng salita at kaantasan ng mga salita. Natukoy nina Mabilin,
et al. (2012), ang mga uri ng salita bilang likas, likha o kolokyal, inangkin at hiram. At ang mga antas nito ay ang
mga sumusunod: Pambansa o panretorika, lalawiganin, kolokyal at balbal.
Jasper John M. Gomez
BSCE-5

Ang napakalawak na network ng kaalaman na tinatamasa natin ngayon ay hindi magiging posible kung
hindi dahil sa wika na ating pinag-aaralan sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ang wika sa pangkalahatan ang
humahawak sa mga kaalaman at gamit ang wika nalilinang natin ang kaalamang ito. Ang wika rin ang nagbibigay
sa atin ng pagkakakilanlan mula sa mga banyagang bansang nakapalibot sa atin. Napakahalaga ng ginagampanan
ng wika sa ating pamumuhay at kung wala ito ay maaaring mapabilang na lamang tayo sa mga hayop, kahit ang
mga hayop ay may sarili din uri ng wika upang sila ay makagawa ng komunikasyon sa ibang hayop.

You might also like