You are on page 1of 150

HASAAN

Opisyal na Journal sa Filipino ng Unibersidad ng Santo Tomas

Tomo I 2014

Departamento ng Filipino
Unibersidad ng Santo Tomas
Maynila
Ang HASAAN ay isang interdisiplinaryong refereed journal
na inilalathala ng UST Departamento ng Filipino

Karapatang-ari ng mga awtor at mga editor 2014


Reserbado ang lahat ng karapatan

Maaaring kopyahin, halawin o gamitin sa pananaliksik


KUNG MAY NILAGDAANG PERMISO
ng mga awtor at publikasyon.

HASAAN
Opisyal na Journal sa Filipino ng Unibersidad ng Santo Tomas
Departamento ng Filipino
Unibersidad ng Santo Tomas, Maynila
ISSN 2362-3790

Lupon ng Editor

Punong Editor: Wennielyn F. Fajilan


Kawaksing Editor: Crizel P. Sicat
Tagapangasiwang Editor: Jonathan V. Geronimo
Mga Kasapi: Roberto D. Ampil, PhD
Alvin Ringgo C. Reyes
Reynele Bren G. Zafra

Konsultant: Jovy M. Peregrino, PhD


Disenyo at Lay-out: Ronald Verzo

Inilimbag ng Paragon Printing Corporation


182 Aurora Blvd., 1500 San Juan, Metro Manila
HASAAN:
Opisyal na Journal sa Filipino ng Unibersidad ng Santo Tomas

Ang Hasaan ay isang taunang interdisiplinaryong refereed journal sa


Filipino ng Unibersidad ng Santo Tomas sa pangangasiwa ng Departamento ng
Filipino. Tampok dito ang mga artikulong nakatuon sa Filipino bilang larangan
ng kaalaman mula sa mga mananaliksik at iskolar sa bansa.
1. Maaaring maging bahagi ng journal ang mga pananaliksik ukol sa anumang
paksa na may kinalaman sa mga napapanahong usapin at konsepto sa
Filipino kaugnay ng iba pang disiplina/konsepto gaya ng: relihiyon, teolohiya,
edukasyon, panitikan, agham panlipunan, ekonomiya, pilosopiya, sining, mass
media, agham, arkitektura, politika, wika, kultura, sikolohiya, globalisasyon,
identidad, kasarian, pamamahala, teknolohiya, komunikasyon, ideolohiya,
agham at teknolohiya.
2. Ang papel ay nararapat na magtaglay ng sumusunod na katangian:
a. napapanahon, interdisiplinaryo at makabuluhang paksang makapag-
aambag sa diskursong Filipino na maaaring makapagpayaman sa mga kurso sa
pananaliksik sa Filipino.
b. may sapat na lawak at lalim ng pagtalakay sa paksa batay sa mga
matitibay na ebidensya, angkop na metodo at masinop na pagkilala sa mga
sanggunian.
c. tuwiran at malinaw ang pagtalakay sa paksa ayon sa pamantayan ng
mahusay na akademikong publikasyon.
3. Ang mungkahing papel ay maaaring bahagi ng gradwadong tesis, disertasyon
o presentasyon sa isang kumperensiya o anumang pananaliksik na hindi pa
nalalathala sa anumang anyo.
4. Ang haba ng papel ay hindi hihigit sa 6,500 salita. Kalakip nito ang 250-300
salitang abstrak at limang susing salita sa format na Times New Roman 12,
doble-espasyo, Microsoft Word 97-2003.
5. Ang dokumentasyon ay estilong parentetikal-sanggunian ayon sa format ng
MLA Seventh Edition.
6. Tungkulin ng awtor na kumuha ng permiso para sa anumang materyal na
may karapatang-ari at isumite ito sa Lupon ng Editor.
7. Tuwing Hunyo 30 ang deadline ng pagsusumite ng papel.
8. Para sa sabskripsyon at iba pang katanungan, makipag-ugnayan sa Lupon ng
Editor sa usthasaanjournal@gmail.com.
MENSAHE

Mahalaga ang ambag ng HASAAN Journal sa pagpapalaganap ng mga
usaping pang-ademiko na sumasaklaw sa mga larangang may kinalaman sa
wika, edukasyon, etnograpiya, kultura, pilosopiya, politika at iba pa. Mainam
ang pagtalakay sa mga paksa tulad ng kapangyarihan ng tsismis sa lipunan; ang
papel ng wika sa eksklusyon sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas; ang pagbuo
at paghubog ng mahabang kasaysayan sa pagkataong Pilipino; ang pagsusuri sa
larong basketbol upang maipakita ang halaga ng wika, etika, at ng pilosopiya ng
gilid-gilid; ang kinalaman ng kultura ng bayan sa relihiyon; ang paghahambing
ng mga gamit ng iba’t ibang dayalekto; at ang ugnayan ng pag-iisang dibdib sa
kultura ng pamayanan.

Ang mga pag-aaral na nabanggit ay patunay lamang ng patuloy na


pagyaman ng kultura ng pananaliksik sa unibersidad. Tinatalakay ng bawat
sanaysay ang mga bagay at karanasan na may kinalaman sa ating kamalayang
Pilipino. Mahusay at masusi rin ang paghahanay ng mga isyu at datos sa mga na-
sabing sanaysay. Sa unang edisyon ng HASAAN Journal, pinatutunayang buhay
na buhay ang gawaing akademiko sa unibersidad.

Malugod kong ipinaaabot ang aking pagbati sa Departamento ng Fili-
pino ng Unibersidad ng Santo Tomas sa pamumuno ni Dr. Roberto Ampil sa
paglulunsad ng kauna-unahang isyu ng HASAAN Journal.

FR. HERMINIO V. DAGOHOY, O.P.


Rektor
MENSAHE

Katulad ng tubig na patuloy na dumadaloy sa ilog, ang wika ay patuloy
na dumadaloy sa iba’t ibang henerasyon ng mga gumagamit nito at iba’t
ibang panahon na kinakatawan nito. Hindi maiiwasang may mabago. Hindi
maikakailang may pagbabago.
Dahil dito, ang patuloy na paglinang at pagpapayaman ng wika ay
isinusulong ng isang institusyong akademiko hindi lamang sa pamamagitan
ng pagtuturo o pagdaraos ng mga eksibit, patimpalak sa wika, at pagpupulong.
Habang natututo ang ating mga mag-aaral sa wika, magandang maitanong
rin natin sa ating mga sarili kung ano ba ang ating itinuturo? Ano kaya ang
maidaragdag natin sa mga kaalamang dati na nating ibinabahagi? May mga
katanungan bang dapat nating hanapan ng kasagutan? Paano natin mabibigyan
ng kasagutan ang ating mga tanong?
Marahil, ang ganang maghanap ng mga kasagutan at ibahagi ang mga
ito ang nagtulak sa ating mga gurong-mananaliksik upang maging kasama ng
unang labas ng HASAAN, ang opisyal na journal sa Filipino ng Unibersidad
ng Santo Tomas. Bagaman ilang taon pa lamang ang nakalipas mula nang
muling itinatag ang UST Departamento ng Filipino, narito na ang HASAAN
na maglilinang hindi lamang ng wikang Filipino kundi ng kakayahan ng mga
gurong mulat na sa kaisipang ang itinuturo, ang pagtuturo at ang nagtuturo ay
yayabong lamang sa pamamagitan ng patuloy na pag-aaral at pananaliksik.
Isang mainit na pagbati sa Departamento ng Filipino!
Mabuhay ang mga gurong-mananaliksik!
Mabuhay ang HASAAN Journal!

PROP. CLARITA D. CARILLO, PhD


Bise Rektor sa mga Gawaing Akademiko
MENSAHE

Ang kailangan ng isang isda na gutom at naghahangad na makabilang
at makasabay sa mga nilalang sa karagatan ay sapat na pagkain, pag-aalaga at
pagsasanay upang makalangoy nang simbilis, kung hindi man mas mabilis, sa
isang mas malaki at mas mapagsubok na dagat. Hindi nito kailangan ng mga
bagay na pipigil sa mga hangarin nito. Hindi nito kailangang makulong sa isang
palaisdaan kung ang nais nitong malipol ay ang karagatan. Tulad ng isang isda,
ang Departamento ng Filipino ay hindi dapat malugmok sa kaisipang wala na
itong maaaring pagharian maliban sa apat na sulok ng UST, na wala na itong
ibubuga sa labas at liban sa lugar na ito. Mapanghamon ito, malakas at matibay
ang loob, determinado na suungin ang malawak at mapagsubok na mundo.
Nakikita ko na kung paano ito ngayon nakatayo sa may dalampasigan at tila
tinatanaw at iniisip kung ano ang mayroon sa mga lugar sa ibayo, at kung ano
ang kaya nitong ihandog sa mundong nasa kabilang dulo ng karagatang ito.
Bagaman, apat na taon pa lamang muling naitatag ang departamento
ng Filipino, hinangad na nitong makisabay kundi man lagpasan ang nagawa ng
iba pang departamentong nauna. Mula sa HASAAN Pambansang Komperensiya
ngayon ay isinilang ang HASAAN Journal upang mapatunayan na ang guro ay
hindi lamang nagtuturo sa klase kundi isa ring mananaliksik. HASAAN ang
pangalan ng opisyal na journal sa Filipino ng Unibersidad ng Santo Tomas. Gaya
ng pangalan nito ang mga saliksik ay hinasa upang maging matalim na armas na
magagamit sa pag-aaral at pagtuturo ng pananaliksik. Inaasahan na ang journal
na ito ay magsisilbing daluyan ng mga kaalaman at karunungan ng mga mag-
aaral, guro, mananaliksik at manunulat.
Mabuhay ang HASAAN!
Mabuhay ang Wikang Filipino!
Mabuhay ang Kulturang Filipino!

ASSOC. PROF. ROBERTO D. AMPIL, PhD


Tagapangulo, UST Departamento ng Filipino
TALAAN NG NILALAMAN

Paunang Salita
Hasaan Tungo sa Mapagpalayang Pananaliksik:
Kalakaran at mga Hamon I
Lupon ng Editor

Tungo sa Paghitik ng mga Bunga:


Isang Sipat sa Kasaysayan ng Pambansang Wika
sa Unibersidad ng Santo Tomas VII
Wennielyn F. Fajilan

Introduksyon:
Mula Tsismis Hanggang Panata:
Filipino Bilang Multidisiplinal at
Interdisiplinaryong Larangan XIII
Crizel Pascual Sicat


Mga Pananaliksik

Kaya Nakikinig ang Lupa at Lumilipad ang Balita:


Ang Tsismis at ang Tunggalian ng
Uri sa Lipunang Pilipino 1
Mar Anthony S. Dela Cruz

Ang Paggamit ng Inklusibong Wika sa Filipino


tungo sa Pagtamo ng Inklusibong Edukasyon 19
Jane K. Lartec, Sheila D. Dotimas, Carren Mae R. Maraño,
Mary Ann P. Pitas, Jonabeth L. Polido at Kristine L. Senio
Betad Pedlegamit: Isang Pag-aaral sa mga Varyasyon ng
Wikang Subanen sa Zamboanga Peninsula 34
Julieta A. Cruz-Cebrero

Ang Diyalektika ng Pilosopiyang Filipino


batay kay Theodor Adorno 53
Jovito V. Cariño

Si Roque Ferriols, Wika at Ang Larong Basketbol 66


Emmanuel C. De Leon

Desposoryo: Katekesis sa mga Mag-iisang Dibdib


sa mga Gilid-gilid at Suluk-sulok ng mga Bayan
ng Malolos, Paombong at Hagonoy, Bulacan 83
Arvin D. Eballo

Pasubo bilang Panata: Pagbabalik, Pagtatagpo


at Pagdiriwang sa Pook-Pangkalinangan ng Pateros 106
Voltaire M. Villanueva

Tala ukol sa Lupon ng Editor 122


PAUNANG SALITA

Hasaan Tungo sa Mapagpalayang Pananaliksik:


Mga Kalakaran at Hamon
Lupon ng Editor

Ideolohikal ang pananaliksik. Usapin ng pagkiling sa mga nagtutunggaling


ideolohiya ang pamimili ng wika, konteksto at paksang sasaliksikin. May
malaking kakulangan sa kritikal na pagtataya ng kalagayan ng pananaliksik
sa Filipino ang kasalukuyang daluyong ng elaborasyon at estandardisasyon
ng wika sa mga multidisiplinal na pananaliksik. Tila patas ang tingin sa iba’t
ibang wika at at may malabnaw na pagtingin sa usapin ng kapangyarihang
bumabalot dito. Sa tunggalian, nasa posisyong mapaggiit pa rin ang
maka-Filipinong pananaliksik. Kakikitaan ito ng hindi pa nagaganap na
tagumpay ngunit hindi rin napapatdang lakas upang itanghal ang pagiging
esensyal nito sa loob at labas ng akademya. Sa pagkiling ng mananaliksik sa
nagtatalabang puwersa, nagaganap ang tungkuling sosyal ng pananaliksik.
Ang pamimili ng isang iskolar sa wika at paksang gagamitin sa
pananaliksik ay malinaw na pagkiling sa mga nagtutunggaliang ideolohiya sa
loob ng akademya. Dinanas ni Bienvenido Lumbera, Pambansang Alagad ng
Sining sa Panitikan at isang Tomasino, ang tunggalian sa pamimili at pagkiling.
Bakit hindi paksaing Pilipino? Tanong ito ng isang kababayang kararating
lamang sa Indiana University mula sa Pilipinas. Ginulantang ako ng
tanong. Sa loob kasi ng tatlong taong pagkalayo sa sariling bayan, hindi
sumagi sa isipan ko na importante pala na iugnay ko ang aking mga plano
para sa sariling hinaharap sa mga pangangailangan ng aking bayang
tinubuan. Taong 1959 noon, at simula iyon ng aking re-edukasyon bilang
intelektwal na ang kamalaya’y hinubog ng kulturang kolonyal. (Lumbera 3)
Ang pagninilay na ito ni Lumbera ang tuluyang nagbunsod ng desididong
pagkiling niya bilang iskolar na itanghal ang wika at paksaing Filipino sa
kanyang pananaliksik sa kultura at panitikan. Malinaw sa kanyang ang
intelekwal na gawain ay hindi pansarili lamang bagkus ay kailangang iugnay
sa pangangailangan ng bayan. Mula noon, “itinaguyod niya ang posisyon na
ang wikang pambansa ay wika ng marurunong, at wikang hindi naghihiwalay
sa intelektuwal sa sambayanan” (Torres-Yu xvi). Kasabay ng malakas na
panawagang patalsikin ang diktaduryang Marcos, naging mas matining
din ang kagustuhan ng mga nasyonalistikong iskolar na bumuo ng sariling
pagkakakilanlang nagmumula sa pagsusuri ng sariling lipunan, kultura at

i
kasaysayan. Sa panahong iyon, tinaya ni Lumbera na wikang Filipino ang
gagamiting wikang panturo pagkatapos ng limampung taon (Torres-Yu xiii).

Matagal nang panahon ang lumipas nang matalinong hulaan ni


Lumbera ang magiging kalagayan ng iskolarsyip sa bansa. Marami nang
napagtagumpayan ang araling Filipino ngunit hindi buong-buong nakamit ang
misyong ito. Sa kasalukuyan, karaniwan pa ring ipinupukol sa wikang Filipino
ang kawalan ng malinaw na istandard sa paggamit ng wika na nagreresulta sa
kahinaan nitong gamitin sa iba’t ibang larangan tulad ng agham panlipunan,
agham at teknolohiya, matematika, pagsasabatas at pamamahala, medisina at
iba pa. Ingles pa rin ang namamayaning wika sa mga akademikong larangan
at maganit pa rin ang pagsasalin ng mga pananaliksik labas sa humanidades,
panitikan at agham panlipunan. Bagaman sasagutin ng mga maka-Filipino
ang argumentong ito sa pagsasabing higit pa sa daang taon ang kakailanganin
ng wika bago maging ganap ang estandardisasyon, mahalaga pa ring ilinaw
kung ano ang tungkulin ng mga iskolar at mananaliksik sa napakahabang
kurso ng pagpapaunlad ng wika. Ang tungkuling ito ang pinanghawakan ng
mga mananaliksik at Lupon ng Editor sa unang isyu ng Hasaan Journal.

Kalakaran at Hamon sa Pagtuturo ng Maka-Filipinong Pananaliksik

May tungkuling panlipunan ang pananaliksik at ang bawat mananaliksik


ay tagapagtaguyod ng uri ng lipunang sinusulong ng kanyang pananaliksik.
Kung kaya, mahalagang linawin ang mga esensyal na usapin kaakibat ng maka-
Filipinong pananaliksik sa kasalukuyan. Ang pambabalewala sa mga ito ay
katumbas ng pagsuporta sa mga makapangyarihang aninong sumasagka sa
pagpapayabong ng Filipino hindi lamang bilang wika ng pananaliksik kundi
bilang larangan ng kaalaman.

Patakarang Pangwika sa Edukasyon. Nakasaad sa Konstitusyong 1987


ang mga probisyong kaugnay ng pagpapaunlad at pagpapayabong ng Filipino
bilang wikang pambansa, sa pamamagitan ng paggamit dito bilang midyum
ng pagtuturo sa sistema ng edukasyon at pamamahala. Gayunpaman, tila
tumataliwas ang kasalukuyang kalagayan ng wikang pambansa lalung-lalo na
sa edukasyon. Napawalang-bisa man ang kapangyarihan ng Executive Order
210 (Establishing the Policy to Strengthen the Use of English in the Educational
System) na ipinatupad ng dating Pangulong Gloria Arroyo noong Mayo, 2003 at
tangkang lehislasyon ng Gullas Bill 4710 o mas kilala sa tawag na English Bill,
ay nananatiling etsa pwera sa patakarang pangwika ng edukasyon ang wikang
Filipino.

II
Hindi malinaw ang tungkulin ng pagtuturo at pagpapaunlad ng wikang
pambansa sa bagong kurikulum ng K-12. Sa inilabas na DepEd Order No. 74,
s. 2009 (Institutionalizing Mother Tongue-Based Multilingual Education
(MLE) at DepEd Order No.16 s.2012 (Guidelines on the Implementation of
the MTB-MLE), malinaw na tinukoy na isa sa mahahalagang layunin ang ‘pag-
unlad ng kamalayang sosyo-kultural na magpapayabong sa pagpapahalaga
at pagmamalaki ng mag-aaral sa kanyang pinagmulang kultura at wika.’
Gayunpaman, kapag sinuri ang aktwal na implementasyon ng MTB-MLE,
ginagamit bilang unang wika ang Ingles sa maraming pribadong paaralan sa
Maynila at kalapit na mga lalawigan. Malinaw na paglabag ito sa itinatakdang
layunin ng patakarang pangwika ngunit mas kapansin-pansin ang kahinaan sa
implementasyon ng polisiya.
Sa bagong istruktura na ipapatupad ng Commission on Higher Education
(CHED) sa antas tersyarya, aalisin bilang batayang asignatura ang anim
hanggang siyam na yunit ng Filipino sa antas kolehiyo at ibababa sa antas ng
hayskul. Mahalagang panatilihin ang pag-aaral ng Filipino sa pinakamataas
na antas ng edukasyon sapagkat dito magbubukas ang posibilidad na gamitin
ang wika sa mataas na uri ng pananaliksik sa iba’t ibang disiplina. Napaunlad
na ang akademikong aktitud at intelektwal na kakayahan ng mga mag-aaral sa
antas na ito, kung kaya tiyak na kaya na nilang sapulin ang pangangailangang
manaliksik sa wika at paksaing Filipino. Ngunit dahil sa mabuway na pagtangan
at pagpapatupad ng isang kritikal na patakarang pangwika sa edukasyon ay
lumiliit ang pag-asang umunlad ang araling makabansa sa iba’t ibang disiplina.
Ingles Bilang Lehitimong Wika. Ingles pa rin ang lehitimong wika
ng sistema ng edukasyon at lakas-paggawa. Nagiging tuntungan ang
pagpapaigting ng globalisadong kaayusan sa lalong pagpapalakas nito bilang
wika ng komunikasyon, komersyo at pagkatuto lalung-lalo na sa pananaliksik.
Wikang Ingles ang namamayaning midyum ng pagtuturo at pagkatuto sa mga
unibersidad at ang husay rin dito ang batayan sa pagkuha ng disenteng trabaho.
Neoliberal ang katangian ng polisiyang pangwika sapagkat umaayon ito sa
pangangailangan ng ibang bansa habang tinatalikdan ang batayang tungkulin
sa pambansang industriyalisasyon (Campoamor 208-209 at Abad 218-220). Sa
ganitong kalagayan, hindi masisisi ang mga mag-aaral na nais magpakadalubhasa
sa wika at araling Ingles dahil ito ang magbibigay sa kanila ng magandang
posisyon sa larangan ng edukasyon, at kalaunan ay mag-aakyat sa kanila sa mas
mataas na posisyon sa lipunan. Daang taon pa ang lalakbayin upang makamit
ang kritikal na pananaw sa pagpaplanong pangwika sa bansa ngunit kailangang

iii
maging ahente ng pagkuwestiyon ang mga guro at mag-aaral ng pananaliksik sa
kalakarang ito. Kailangan ng matalas na panunuri sa pagtataya ng mga palagay,
dahil batbat ng politika, maging ang mga institusyonal at personal na pagkiling
na malaon nang tinanggap na makatuwiran at totoo.

Internasyonalisasyon ng Pananaliksik. Dahil sa daluyong ng globalisasyon,


maging ang pamantayan sa pananaliksik ng mga unibersidad at kolehiyo ay
umaayon na rin sa istandard ng internasyonal na pananaliksik. Positibong
bagay ang pagkatuto at pagpapahusay mula sa mga bansang mauunlad ang
pananaliksik ngunit nalalagay sa alanganin ang mga guro at mag-aaral na nais
magpakadalubhasa sa pananaliksik sa araling Filipino. Halimbawa, naging
mainit na usapin sa Unibersidad ng Pilipinas kamakailan ang paglalagay ng
internasyonal na publikasyon bilang batayan sa promosyon ng mga guro. Naging
suliranin ito para sa mga gurong nagsusulat sa wikang Filipino lalo na yaong
nasa larangan ng malikhaing pagsulat. Gayundin, maliwanag ang mababang
pagtingin sa mga journal ng pananaliksik na nalalathala sa pambansang antas na
kadalasang tumatalakay sa wika, kultura at kabihasnang Pilipino. Nararanasan
din ito sa iba pang unibersidad dahil sa nalalapit na ASEAN Integration 2015.
Hindi lamang ito mahigpit na ugnayang politikal at pang-ekonomiya ng mga
bansa sa Asya, bagkus ay pagpapaunlad din sa sosyo-kultural na pagkakaisa ng
mga bansa na magreresulta sa internasyonalisasyon ng pag-aaral sa mataas na
edukasyon at pananaliksik. Positibo ang magiging dulot nito kung matututo ang
Pilipinas sa mas maunlad na pamamaraan ng pananaliksik sa mga karatig bansa
ngunit magiging mabuway kung hindi magiging malinaw ang oryentasyon at
tunguhin ng mga pananaliksik sa mataas na edukasyon. Kailangang bungkalin
at payabungin muna ang uri ng pananaliksik na nakakonteksto sa kalagayan
at pangangailangan ng lipunang Pilipino habang umuugnay sa maunlad na
karanasan ng iba pang lipunan.

Tungo sa Mapagpalayang Pedagohiya sa Pananaliksik


Natukoy na sa unang bahagi ang kahalagahang panghawakan ng
isang mananaliksik ang tungkuling sosyal ng pananaliksik. Nagagawa ito sa
pamamagitan ng pagkiling o partisanship sa kung ano ang paksa at wikang
gagamitin sa pananaliksik. Nauna nang tinalakay ni Patricia Melendrez-Cruz
(23-24) ang tungkuling sosyal ng panitikan sa pamamagitan ng kritisismong
ideolohikal. Kung itinuring niyang ang sining ay anyo ng kognisyon, magiging
matalas din ang anumang pananaliksik kung panghahawakan ang makalipunang
kalikasan nito. Sa proseso ng kognisyon, nasa antas konseptwal ang pananaliksik

IV
kung saan binibigyang kahulugan at sinisistematisa ng mananaliksik ang
mga hilaw na karanasang produkto ng realidad. Ang mahusay na pagsapol sa
realidad at matalas na pagsusuri nito ang pinakamahalagang tungkulin ng isang
mananaliksik.
Estratehikal ang kasalukuyang kalagayan ng pagtuturo ng pananaliksik
sa Filipino bilang isa sa mga batayang asignatura (Pagbasa at Pagsulat Tungo
sa Pananaliksik) sa kolehiyo. Dito, nagagawang abutin ng mga guro sa Filipino
ang mga mag-aaral na nasa iba’t ibang larangan at disiplina. Sa ganitong
kalagayan, tungkulin ng guro na ipaunawa sa mga mag-aaral ang silbi ng
pananaliksik sa bawat larangan, lalo na’t kung tutugon ito sa pangangailangan
ng lipunan. Bukod dito, kailangang maunawaan ng mga mag-aaral ang halaga
ng pagsasalubungan at pagtutulungan ng mga disiplina upang makabuo ng
holistikong pagsipat at panunuri sa kalagayan ng iskolarsyip sa bansa. Mula
sa pagtatayang ito, matutugunan nila ang mga bahagi ng kanilang larangan na
lubos pang nangangailangan ng pananaliksik.
Tungkulin ng mga gurong manaliksik at magturo ng pananaliksik na may
pagmamalasakit sa bayan. Kung ipauunawa sa mga mag-aaral ang seryosong
pangangailangan na manaliksik sa paksain at wikang Filipino, magkakaroon ng
silbi ang pag-aaral ng asignaturang Filipino, bagay na kailangang mahigpit na
tanganan sa panahong mabuway ang posisyon nito sa sistema ng edukasyon.
Lilihis ito sa abstraktong nasyonalismong nagtuturong mahalin ang wika at
bayan sa malabo at hindi konkretong paraan.
Kailangang maunawaan ng sinumang mag-aaral ng pananaliksik na
nakapaloob ito sa dambuhalang paghahasa at pagtatalaban ng ideya tungo sa
mas mataas na pagteteorya at pagsasapraktika sa anumang larangan. Kung
pagtutuunan ang ugat ng salita na ‘hasa’, maaaring makuha rin ang mga kaugnay
na salita tulad ng pagpapatalim o pagpapatalas. Hinahasa ang anumang gamit na
nais patalimin o patalasin sa layuning mas episyente itong gumampan sa isang
partikular na gawain. Kung ilalapat sa paghahasa ng kaalaman, dumadaan din ito
sa diyalektikong proseso at palagiang pagtataya sa kawastuhan at katumpakan.
Mula rin sa hasa, mahihinuha ang talas at pagpapatalas. Kailangang maging
matalas ang kaalaman at lumalatay sa namamayaning kairalan upang sa gayon
ay magdulot ito ng paghahasa ng lipunan.

v
Mga Sanggunian
Abad, Melania. “Neoliberalistang Pagpaplanong Pangwika: Tungo sa Komodipikado at Episyenteng
Pagpapahayag.” Mula Tore Patungong Palengke: Neoliberal education in the Philippines. Ed.
Bienvenido Lumbera, Ramon Guillermo at Arnold Alamon. Quezon City: IBON Philippines at
Congress of Teachers and Education for Nationalism and Democracy at Alliance of Concerned
Teachers, 2007. Nakalimbag.
Bourdieu, Pierre. Language and Symbolic Power. Britain: Polity Press, 1991. Nakalimbag.
Campoamor, Gonzalo Jr. “The Pedagogical Role of English in the Reproduction of Labor.” Mula
Tore Patungong Palengke: Neoliberal education in the Philippines. Ed. Bienvenido Lumbera,
Ramon Guillermo at Arnold Alamon. Quezon City: IBON Philippines at Congress of Teachers
and Education for Nationalism and Democracy at Alliance of Concerned Teachers, 2007.
Nakalimbag.
Lumbera, Bienvenido. “Bakit Hindi Paksaing Pilipino.” Bayan at Lipunan: Ang Kritisimo ni Bienvenido
Lumbera. Ed. Rosario Torres-Yu. Maynila: UST Publishing House, 1993. Nakalimbag.
Melendrez-Cruz, Paticia. “Ideolohiya Bilang Perspektibang Pampanitikan.” Patricia Melendrez-Cruz:
Filipinong Pananaw sa Wika, Panitikan, at Kultura. Ed. Laura Samson, Ruby Alcantara, Monico
Atienza at Nilo Ocampo. Quezon City: University of the Philippines Press, 1994. Nakalimbag.
Yu, Rosario Torres. Bayan at Lipunan: Ang Kritisismo ni Bienvenido Lumbera. Maynila: University of
Santo Tomas Publishing House, 2005. Nakalimbag.

vi
Tungo sa Paghitik ng mga Bunga:
Isang Sipat sa Kasaysayan ng Pambansang Wika
sa Unibersidad ng Santo Tomas

Wennielyn F. Fajilan

Ang Unibersidad ng Santo Tomas ang isa sa mga pangunahing sentro ng


karunungan sa bansa. Sa pagtukoy sa ambag ng Unibersidad sa paglinang ng
pambansang wika, babagtasin ng sanaysay na ito ang panimulang kasaysayan
ng pagtataguyod ng pambansang wika sa Unibersidad ng Santo Tomas na
nakatuon sa programang akademiko at pananaliksik mula sa mga punla ng
pagsisikap sa unang 70 taon hanggang sa kasalukuyang mga pagkilos at hamon.

Mga Punla ng Pagsisikap:


Ang Pagsusulong ng Pambansang Wika sa UST (1937-2007)
Taong 1937 nang unang nagbukas ng mga klase sa Tagalog ang Unibersidad.
Si Jose Villa Panganiban ang unang guro ng mga estudyanteng karamihan ay
mga dayuhang pari at madre (Panganiban 78). Sa sumunod na taon, naging
tagapangulo siya ng bagong tatag na Kagawaran ng Tagalog.
Mula noong maitatag ang departamento, maraming pagbabago ang
dinaanan nito. Hindi agad napasinayaan ang Kagawaran ng Tagalog na itinatag
noong 1938 dahil sa sumunod na taon, nahinto ang pagtuturo ni Panganiban.
Ipinadala siya ng Unibersidad sa Notre Dame University sa Amerika upang mag-
aral. Sa kanyang pagbabalik noong 1941, isinulong ang pagbuo ng Kagawaran
ng Pambansang Wika sa ilalim ng Fakultad ng Pilosopiya at Letras. Nagbukas ito
ng kursong Bachelor of Literature in National Language samantalang nagbukas
din ng kursong BSE Major sa Pambansang Wika ang Kolehiyo ng Edukasyon.
Ngunit dahil sa digmaan, nahinto ang pag-aaral sa unibersidad (Panganiban
78).
Kasagsagan ng digmaan nang pahintulutang ipagpatuloy ang pagtuturo
ng mga kursong Medisina sa Unibersidad noong 1943. Isinama sa kurikulum ng
mga mag-aaral na kumukuha ng kursong Premedic (una at ikalawang taon) at
kursong Medisina (una hanggang ikaapat na taon) ang Tagalog. Sina Panganiban
at Paz Latorena ang mga naging guro. Sa taong ito rin pormal na itinatag ang

vii
Kagawaran ng Wikang Pambansa ng UST na pinasinayaan ni Padre Bazaco.
Muling natigil ang pagtuturo ng Tagalog nang magbalik ang mga Amerikano
noong 1944. Subalit noong 1945 muling binuksan ang pagtuturo ng Major at
Minor sa Wikang Pambansa sa Kolehiyo ng Edukasyon (Panganiban 78). Lahat
ng mga estudyante sa Kursong Normal, Edukasyon at Liberal Arts ay kailangang
mag-aral ng anim na yunit ng Tagalog. Ngunit hindi ito naisakatuparan dahil
noong 1947, naging opsyonal ang pagtuturo sa Liberal Arts hanggang sa
tuluyan itong nawala sa kanilang kurikulum. Dahil dito, ang pagtataguyod sa
pagpapalaganap ng pambansang wika ay naiwan sa Kolehiyo ng Edukasyon at
Jr. Normal School (Yamio 10).
Nakasama ni Panganiban sina Antonia Villanueva at Eufronio Alip sa
pagtataguyod ng wikang pambansa. Ayon pa kay Panganiban, naglunsad sila
ng libreng lingguhang panayam sa wikang pambansa sa loob ng dalawang taon
bilang paglilingkod sa Unibersidad at sa bayan. Dinayo ang mga panayam ng
mga taga-lalawigan gaya ng mga guro mula sa Pangasinan, Tarlac, Pampanga,
Isabela, Nueva Ecija, Bulacan, Rizal, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas,
Quezon at Camarines Norte. Noong Dekada ’50, nagmula sa Unibersidad ang
pinakamalaking bilang ng mga gurong nagtapos ng Major at Minor sa Tagalog
(Panganiban 78).
Noong 1949, nagkaroon ng digring masterado ang kursong Wikang
Pambansa. Binuksan din ang “Batsilyer sa Pamamahayag sa Tagalog” sa Fakultad
ng Pilosopiya at Letras sa taong 1955. Ngunit ‘di kalauna’y nabuwag din ang
departamento. Ang pagtataguyod ng pambansang wika ay nasuportahan naman
ng pagsulat ng mga mag-aaral sa wikang pambansa. Alinsunod na rin ito sa mga
paligsahang pinamahalaan ng samahang Piletras (Panganiban 78).
Sa pamumuno ni Antonia Villanueva muling nabuksan ang departamento
sa Unibersidad bilang Kagawaran ng Pilipino noong 1967. Layunin ng
departamento na linangin ang pagpapahalaga sa wikang pambansa; makatulong
sa pagpapalaganap nito; ituro ang mga mahahalagang elemento ng pambansang
wika na pangunahing kailangan sa pag-unawa ng mga mag-aaral at sa gayon,
makilala nila ang Panitikang Pilipino at mapahusay ang kanilang kakayahang
pampanitikan; palawakin ang kanilang kaalaman sa mayamang pambansang
pamanang kultural; at linangin ang kanilang kamalayang makabayan (akin ang
salin sa Pe 117).
Ilan sa mga asignaturang itinuro ng departamento ay ang mga sumusunod:
Grammar and Composition, Advanced Pilipino Grammar, Survey and Appreciative
Study of Filipino Literature, Methods of Teaching Filipino in the School Level,

viii
Principles of Applied Rhetoric, Expository Writing, Drama, Poetry Writing, Public
Speaking and Argumentation, Literary Criticism and Filipino Semantics (Pe
117). Bukod sa mga nabanggit, naging mahalaga rin ang ambag nina Mina
Custodio, Consuelo Panganiban, Amparo P. de la Cruz, Alejandra P. de la Cruz at
Godofreda Cruz sa unang mga dekada ng pagtataguyod ng wikang pambansa sa
Unibersidad (Yamio 10).
Samantala, naapektuhan ang departamento ng pagbabago ng kurikulum
na nagbabawas ng mga yunit sa wikang Espanyol noong 1979. Dahil dito,
napagpasyahan na pagsamahin na ang lahat ng wikang pinag-aaralan sa
Unibersidad sa ilalim ng isang departamento na tinawag na Departamento ng mga
Wika. Pinangasiwaan nito ang mga kaguruan ng Filipino, Ingles at Kastila. Unti-
unti ding lumiit ang bilang ng mga major sa Filipino sa Kolehiyo ng Edukasyon at
tuluyan nang naglaho noong 2007. Sa kabila nito, nagpatuloy ang pagtuturo ng
Filipino bilang bahagi ng General Education Curriculum na nagtatampok ng mga
kurso sa Akademikong Komunikasyon, Pananaliksik at Retorika. Kanya-kanyang
sikap ang mga guro sa pagtataguyod ng pagpapalaganap sa pambansang wika
sa loob ng klasrum at kalimitang nagiging pinakaaktibo kapag Buwan ng Wika.
Kaugnay ng pagtuturo, 27 pananaliksik ang naisulat ng mga mag-aaral
sa gradwadong antas mula 1941-1981. 13 dito ang tumalakay sa estruktura ng
Filipino. Walo ang tungkol sa pagtuturo at pagkatuto; apat sa sosyolinggwistika at
dalawa sa pagpaplanong pangwika. Kung pagbabatayan ang bilang na ito, higit na
naging prayoridad ng mga mananaliksik na Tomasino ang pag-unawa sa estruktura
ng wikang pambansa lalo na sa mga unang dekada ng paglinang nito. Kabilang sina
Panganiban, Pineda, Rufino, Santiago, Villanueva, Tiangco, Edroza-Matute at Aldave-
Yap sa mga produkto ng Gradwadong Edukasyon na mga naging masigasig din sa
pagpapalaganap sa Pambansang Wika bilang mga guro, manunulat at aktibong
bahagi ng Komisyon sa Wikang Filipino sa nakaraang mga dekada.
Bukod sa nabanggit, may mga Tomasinong propesor mula sa ibang disiplina
tulad ng Agham na nagtaguyod ng wikang pambansa sa kanilang pagtuturo at
pananaliksik. Matingkad na halimbawa si Dr. Jose R. Sytangco na naglathala ng
kanyang siyentipikong diksyonaryo noong 1977 na may pamagat na Maunlaring
Talasalitaang Pang-Agham sa Ingles-Pilipino sa pagtataguyod ng Lunduyan ng
Pananaliksik o Research Center ng UST. Gamit ang prinsipyong Maugnayin, sinikap
ng akdang ito na mag-ambag sa paglinang ng wikang pambansa sa larangan ng
Agham. Gaya ni Sytangco, aktibong nag-ambag din sa paglinang ng wikang pambansa
ang mga pilosopong sina Emerita Quito at Florentino Timbreza (De Castro); pati na
ang siyentipikong si Fortunato Sevilla III at ang napakaraming mga Tomasinong

ix
manunulat at alagad ng sining.

Muling Pagdidilig: Mga Kasalukuyang Pagkilos

Noong 2010, muling itinatag ang UST Departamento ng Filipino bilang


isang nagsasariling departamento sa ilalim ng General Education Office ng
Bise Rektor sa Gawaing Akademiko. Pinamunuan ito ni Imelda De Castro na
naging masigasig sa pagtataguyod ng mga proyekto tulad ng Gawad Jose Villa
Panganiban (parangal para sa mga tagapagtaguyod ng Filipino mula sa ibang
disiplina), Hasaan (pambansang kumperensiya sa pagtuturo at pananaliksik sa
Filipino) at seryeng panayam para sa mga pananaliksik ng mga fakulti.
Ipinagpatuloy ni Roberto Ampil ang mga programang nabanggit nang
maging tagapangulo siya noong 2011. Mula sa tradisyonal na mga timpalak
bigkasan at pagsulat, higit na itinuon sa pananaliksik ang mga gawain sa
Buwan ng Wika sa pamamagitan ng programang USTewikaan 2012 at 2013,
Karatulastasan 2013; kasama na rin ang mga panayam na pinangunahan
nina Jovy Peregrino (2011), Rolando Tolentino (2012) at Ramon Guillermo
(2013). Nakipagtulungan rin ang departamento sa Pambansang Samahan sa
Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) para sa Saliksikan 2013.
Sa kasalukuyan, pinakamalaking hamon ang pagpapalakas ng kultura ng
pananaliksik sa Unibersidad kung kaya karamihan ng mga pagsasanay para sa
mga guro ay nakatuon dito, gaya ng maikling kurso ukol sa Pananaliksik para
sa Publikasyon sa ilalim ni Dr. Allan De Guzman noong 2012. Bukod pa rito,
maraming mga gawaing nararapat tugunan ang departamento tulad ng pagbuo
ng istandard na korespondensiya sa unibersidad, pagkilos para sa muling
pagbubukas ng BSE Filipino sa Kolehiyo ng Edukasyon at ng BA Filipino at BA
Araling Filipino sa Fakultad ng Sining at Panitik, pakikipag-ugnayan sa mga
mananaliksik sa Agham ukol sa pagsasaling-wika, pagbabalangkas ng Filipino
bilang isang kursong ehemplo ng Outcomes Based Education, pagtugon sa mga
pagbabagong dulot ng K-12 kurikulum at pagpapalakas ng ugnayan sa mga
organisasyong pangwika at iba pang institusyon.

Bukod sa mga administratibong gawain, isang makabuluhang proyekto


rin ang suriin ang mga publikasyong nailathala ng unibersidad upang makabuo
ng pagtataya sa sariling danas sa paggamit ng Filipino mula sa mga tesis at
disertasyon, magasin, Varsitarian, mga journal at maging ang mga malikhaing
akdang nailathala ng mga Tomasino. Bukod dito, kailangan ding idokumento
ang pasalitang komunikasyon sa Filipino mula sa sampung kolehiyo upang

x
maitaya ang aktuwal na gamit ng mga Tomasino sa akademikong Filipino.
Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa mga oportunidad upang tugunan
ng Unibersidad ang kanyang tungkulin. Kabahagi ito ng kanyang papel sa
implementasyon ng pagdebelop ng pambansang wika. Nasa antas tersarya
at sa kamay ng mga malikhaing iskolar sa unibersidad ang responsibilidad at
kakayahan para sa pagsasalin at pananaliksik ukol sa iba’t ibang wika at mga
varayti na ito na makatutulong sa intelektwalisasyon ng Filipino (Gonzalez 335).
Sa ngayon, ang paglalathala ng Hasaan Journal ay pagpapatuloy ng
pagsusumikap ng Unibersidad na itaguyod ang Filipino. Higit sa pagiging
midyum ng pananaliksik, ninais ng publikasyon na itampok ang Filipino bilang
larang ng kaisipan na pinapatatag at pinayayabong ng pakikipag-ugnayan at
talaban nito sa iba’t ibang disiplina. Kung kaya, nasa puso ng Journal ang lapit na
interdisiplinaryo. Tinugunan naman ito ng humigit-kumulang 50 mungkahing
papel mula Baguio hanggang Zamboanga. Sa patnubay ni Prop. Jovy Peregrino,
kasama ng 20 kritiko mula sa iba’t ibang larang at unibersidad, napili ang
mga artikulong kumakatawan sa hangarin ng Journal na maging lunsaran ng
pagpapanday ng kaisipang Filipino.
Kapwa paloob at palabas na pagsisikap ang paglalathalang ito na inabot
ng higit isang taon ang paghahanda. Paloob sapagkat katuwang ng suporta ng
administrasyon ng Unibersidad at ng Departamento, hinasa nito ang Lupon
ng Editor upang mapatatag ang mga kasanayan bilang tagapamagitan ng mga
awtor at referee. Hinamon ng proyektong ito ang mga kabataang guro ng
Departamento na harapin ang mga kahingian ng masinsin at kolaboratibong
pananaliksik. Sa kabilang banda, palabas na proseso ang gawaing ito dahil
nakipagdayalogo ang Journal sa pagtataya ng maka-Filipinong pananaliksik
mula sa iba’t ibang disiplina at iba’t ibang panig ng bansa. Sa proseso, habang
binabantayan ang bisa ng kaisipang inilatag ng bawat artikulo, binigyang-
halaga ng Lupon ang pagkiling ng mga awtor sa kanilang tindig sa ispeling kung
kaya makikitang may mga sanaysay na kakikitaan ng varyasyon ng P/Filipinas
at P/Filipino. Iginalang ang usapin ng ispeling bilang pagkilala sa ideolohikal
na kalikasan ng usaping ito. Kung gayon, diyalektikal ang proyekto na bunga
ng kolektibong pagsisikap ng mga iskolar sa mga pangunahing unibersidad ng
bansa sa kasalukuyan.
Isa lamang itong simula. Kailangan pa ng higit na maraming pagpupunla
at pagpapayabong mula sa matining at determinadong pamumuno ng UST
Departamento ng Filipino sa pagharap sa mga nagwawalang-halaga at/o

xi
di pa rin nakakaunawa sa kabuluhan ng Filipino. Tinatanaw ng Lupon ang
Hasaan Journal na isang pag-aalay sa pagpapatibay sa papel ng UST bilang
tagapaglingkod sa paghitik ng kaisipan at wikang Filipino.

Mga Sanggunian
Cangco, Ellora Joselle F. “UST, Nanguna sa Pagtaguyod ng Wikang Pambansa” The Varsitarian. 19
Agosto, 2012. Web. 19 Oktubre, 2013.
De Castro, Imelda, P. “Wikang Filipino sa UST.” The Varsitarian. 31 Agosto, 2010. Web. 19 Oktubre,
2013.
Gonzalez, Andrew FSC. “Evaluating Bilingual Education in the Philippines: Towards a
Multilidimensional Model of Evaluation in Language Planning (1990)” . Readings in
Philippine Sociolinguistics 2nd Edition. Ed. Bautista, Lourdes. Maynila: De La Salle University
Press, 1996. Nakalimbag.
Panganiban, Jose V. “Ang Wikang Pilipino sa UST.” The Varsitarian, 31 Enero, 1957: 78.Nakalimbag.
Pe, Josefina Lim. The University of Santo Tomas in the 20th Century. Maynila: Unibersidad ng Santo
Tomas, 1973. Nakalimbag.

Yamio, Teodora M. “National Language in the UST”. The Varsitarian, 1 Pebrero, 1951:10. Nakalimbag.

xii
INTRODUKSYON

Mula Tsismis Hanggang Panata:


Filipino Bilang Multidisiplinal at Interdisiplinaryong Larangan

Crizel Pascual Sicat

Malawak ang hangganan ng paksa ng mga pananaliksik sa unang isyu


ng Hasaan Journal, mula sa sosyolingwistikang lapit sa pag-aaral ng varayti
ng wika, sosyo-kultural na pagsusuri sa iba’t ibang lokalidad at pagdalumat
sa iba’t ibang disiplina. Multidisiplinal ang saklaw upang itanghal ang wikang
Filipino bilang midyum ng pagpapakahulugan at pagtuklas sa iba’t ibang larang.
Kakikitaan din ng interdisiplinaryong pagdulog ang mga pananaliksik na
gumamit ng magkakaugnay na kaalaman sa bawat kasangkot na larang. May
pangkalahatang layunin ang mga ito na magdulot ng bagong kaalaman at mas
progresibong pagsusuri sa iba’t ibang paksa sa larangan ng Filipino at mga
kaugnay na disiplina.
“Kaya Nakikinig ang Lupa at Lumilipad ang Balita: Ang Tsismis at ang Tunggalian
ng Uri sa Lipunang Pilipino” ni Mar Anthony S. Dela Cruz
Kawili-wili ang pagtalakay at paghahabi ni Dela Cruz ng mga salita tungo
sa mataas na pagdidiskurso sa tsismis. Karamihan ay pamilyar at nakikibahagi
sa gawaing ito na kadalasang isinasantabi bilang isa sa pinakamababang
porma ng komunikasyon. Kagaya nang inilahad ng mananaliksik, madalas na
pang-aliw ang gamit ng tsismis na kadalasan ay kinakapitan ng negatibong
pagpapakahulugan. Humuhugot ng panunuri ang pananaliksik mula sa
historikal-kultural at sosyo-politikal na kaligiran ng wika. Nagtagumpay ang
pananaliksik na ipakita ang isa sa pinakamahalagang tungkulin ng wika –
bilang instrumento ng kapangyarihan. Hindi neutral ang wika at nabibigyan o
nagbibigay ito ng kapangyarihan batay sa panlipunang uri na gumagamit nito at
kaligirang panlipunan na pinangyayarihan nito. Nagbubukas ito ng posibilidad
sa mas maunlad na pananaliksik na mulat na tumatangan sa tunggalian ng
lipunan bilang batayan ng pagpapakahulugan.
“Ang Paggamit ng Inklusibong Wika sa Filipino tungo sa Inklusibong Edukasyon”
nina Jane K. Lartec, Sheila D. Dotimas, et al.
Maituturing na isa sa mga kauna-unahang pananaliksik sa inklusibong
wika sa Filipino ang kina Lartec, et al. Tinukoy ng pananaliksik na mahalagang
tugunan ng wika ang anumang porma ng eksklusyon o limitasyon sa oportunidad

xiii
sa edukasyon na nakabatay sa mga pagkakaibang itinatakda ng lipunan tulad
ng kasarian, lahi, etnikong pagkakakilanlan, wika, relihiyon, politika at opinyon,
nasyonalidad, paraan ng pagluwal, pinagmulan, ekonomikong kondisyon, ari-
arian, kapansanan, at ang istatus, aktibidad, opinyon, o paniniwala ng mga
magulang o sinumang kaanak ng bata. Ipinaliwanag ng mga mananaliksik na isa
lamang ang wika sa napakaraming suliranin sa pagpapatupad ng inklusibong
edukasyon ngunit naglalatag ito ng batayan sa mas pundamental na mga usapin
sa repormang pang-edukasyon sa bansa. Payak at deskriptibo ang disenyo ng
pananaliksik ngunit maraming binubuksang posibilidad sa mas malalim na
pagsisiyasat sa halaga ng literasing kultural at angkop at sensitibong paggamit
ng wika sa edukasyon. Sa kabuuan, mahihinuhang hindi pa ganap na nagagamit
ng mga guro ang inklusibong wikang Filipino sa kanilang pagtuturo dahil sa iba’t
ibang salik na tinukoy ng pag-aaral. Gayunpaman, tumatanaw ang pananaliksik
sa isang uri ng lipunang may paggalang sa pagkakaiba-iba at mulat na nakikibaka
sa mga eksklusyong itinatakda ng kasalukuyang sistema ng edukasyon.

“Ang Diyalektika ng Pilosopiyang Filipino batay kay Theodor Adorno” ni Jovito V.


Cariño
Nagtagumpay ang pagtatangka ni Cariño na dalumatin ang posibilidad
ng Pilosopiyang Pilipino mula sa dayuhang uri ng pamimilosopiya ni Theodor
Adorno sa kanyang pananaliksik. Bagamat hindi naniniwalang may orihinal at
buo nang kalinangan ang pagkataong Pilipino batay sa nauna nang panukala
ni Jose Rizal at historyador na si Renato Constantino, ay naniniwala ang
mananaliksik na mahalaga ang panlipunang konteksto at karanasan na
huhubog sa pagka-Pilipino. Ayon sa kanya, hindi pa ganap ang pagpapaunlad at
paghubog sa pagkataong Pilipino, bagkus ay patuloy itong sumasabay sa agos
ng kasaysayan. Tinatalikdan ng pananaliksik ang unibersal at esensyalistang
pagtingin sa kalikasan ng tao at nagpapalukob sa diyalektikal na ugnayan ng tao
sa kanyang lipunan at kasaysayan. Napapanahon ang pagsusuri sa partikular na
karanasan ng pagkataong Pilipino na dumanas ng napakahabang kasaysayan ng
direktang kolonyalismo at pagkatapos ay inanod ng daluyong ng globalisasyon.
Akma ang suhestiyon ni Cariño na galugarin ang ating pagkatao sa pamamagitan
ng negatibong diyalektika ni Adorno kung saan pag-unawa sa lipunan o
kaligiran ang mag-aakay sa atin tungo sa pagkilala sa sarili. Progresibo ang
pag-unawa sa sarili bilang isang ‘pangyayari’ na hindi ganap at hindi magaganap
kailanman, bagkus ay patuloy na nagpapanibagong-hubog batay sa pagbabago
ng lipunan. Malinaw nitong tinatalikdan ang indibidwalistikong kultura ng
namamayaning sistema at ipinapanukala ang sosyolohikal na imahinasyon

xiv
tungo sa pagbabagong panlipunan.
“Si Roque Ferriols, Wika at ang Larong Basketbol” ni Emmanuel C. De Leon
Kaiba sa naunang pananaliksik sa larangan ng pilosopiya, dinadalumat ng
pag-aaral ni De Leon ang pamimilosopiya ng isang Pilipinong paring Heswita na
si Roque Ferriols, gamit ang wika at karanasang Filipino. Mahalaga ang papel
ni Ferriols sa intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa larangan ng pilosopiya.
Di iilang klasikong akda na ang naisalin niya tungong Filipino at hindi rin
matatawaran ang prolipikong pag-aambag niya ng kaalaman sa Pilosopiyang
Pilipino na nakaugat sa pambansang kamalayan. Makikita ang potensyal ng wika
sa pamimilosopiya sapagkat ayon kay Ferriols nauunawaan at naipahahayag
ang rurok ng pagkatao batay sa wikang kinagisnan o kinasanayang gamitin
ng isang tao. Mahalagang ambag sa pag-unlad ng Pilosopiyang Pilipino ang
pag-aaral ni De Leon. Ang halaga ng wika at ang pilosopiya ng gilid-gilid ni
Ferriols ay inilapat ng mananaliksik sa larong basketbol na bagamat dayuhan,
ay nag-ugat na rin sa kulturang Pilipino. Itinuring na praktikum ang pagsusuri
sa basketbol upang ipakita ang etikang likas na nakapaloob sa tuntunin ng laro.
Madadatnan ng sinumang sasabay sa pagsusuri ni De Leon ang isang uri ng
pilosopiyang nakaugat sa karanasang Pilipino. Napatunayan ng pag-aaral na
posibleng makapagpahayag sa intelektwal na wikang kayang unawain maging
ng karaniwang tao.
“Betad Pedlegamit: Isang Pag-aaral sa mga Varyasyon ng Wikang Subanen sa
Zamboanga Peninsula” ni Julieta A. Cruz-Cebrero
Sinuri ni Cebrero ang linggwistikong pagkakaiba ng dalawang dayalekto
ng wikang Subanen sa Zamboanga Peninsula. Sosyolingwistikong lapit sa wika
ang kinasangkapan ng mananaliksik upang unawain ang pagkakaiba sa kultura
at paraan ng pamumuhay batay sa heograpikal na distribusyon ng mga taong
nagsasalita nito. Natuklasan ng pananaliksik ang pagkakaiba sa leksikon,
morpolohiya at ponolohiya ng mga wika at pinagtibay ang malaon nang ugnayan
ng wika at kultura. Ang pananaliksik ni Cebrero ay pagpapasilip ng mayamang
pagkakaiba-iba ng kultura at wika sa Pilipinas, isa sa mga naging batayan ng
pagpapatupad ng Mother Tongue Based-Multilingual Education sa bansa.
Pinatutunayan nitong napakalaki ng pangangailangang bumuo ng polisiya at
kurikulum sa wika ng edukasyon na mulat at may paggalang sa pagkakaiba-iba.
Ipinapaalala nito sa mga iskolar at dalubhasa sa wika na bungkalin at aralin
ang mga hindi pa naidodokumentong katangian ng wika at kultura sa buong
Pilipinas tungo sa lalong pag-unawa sa sariling pagkabansa.

xv
“Desposoryo: Katekesis sa mga Mag-iisang Dibdib sa mga Gilid-gilid at Suluk-sulok sa
Bayan ng Malolos, Paombong at Hagonoy, Bulacan” ni Arvin D. Eballo
Etnograpikal na disenyo sa pananaliksik ang ginamit ni Eballo upang
suriin ang desposoryo, na isang panimulang gawain ng Katolikong pagpapakasal
sa ilang magkakatabing bayan ng Bulacan (Malolos, Paombong at Hagonoy).
Ginamit ang pamamaraang K– Katalaan, Karanasan at Kahulugan upang suriin ang
mga datos. Ipinakita ng pananaliksik na hindi lamang ang magpapakasal at ang
simbahang Katoliko ang sangkot sa pag-iisang dibdib kundi ang buong pamayanang
pinangyayarihan ng kasalan. Mainam na halimbawa ang pag-aaral kung paanong
ang napakapersonal na karanasan ay dinadalumat sa konteksto ng mga panlipunang
pagpapahalaga at paniniwala. Naging mabisa rin ang pagsasakasaysayan ng
desposoryo na nagbigay-linaw sa pagmamapa ng isang uri ng katekesis ng mga
maralitang mangingisda at magsasaka na nagmula sa gilid-gilid, na hindi direktang
isinasagawa, ngunit sumusuhay sa paniniwala ng simbahang Katoliko.

“Pasubo bilang Panata: Pagbabalik, Pagtatagpo, at Pagdiriwang sa Pook


Pangkalinangan ng Pateros” ni Voltaire M.Villanueva
Gaya ng naunang pananaliksik, ang etnograpikong pananaliksik ni
Villanueva sa pasubo, na isang mahalagang pagdiriwang at pamamanata na may
kaugnayan sa industriya ng pagbabalut sa Pateros, ay mahalagang ambag sa mga
lokal na pananaliksik upang itanghal ang multikultural na katangian ng lipunang
Pilipino. Mahalaga ang pagsasakasaysayan ng pananaliksik sa pag-unlad ng bayan ng
Pateros, kasabay ng pagbabago sa industriya ng pagbabalut at mga kaugnay nitong
kultural at relihiyosong gawain, upang ipakita ang magkakasalikop na pangyayari
at karanasan ng isang pook pangkalinangan. Komprehensibong dinalumat ni
Villanueva, batay sa konsepto ng pagwiwika, ang kultural, politikal at pang-
ekonomikong konteksto ng pasubo na magpapaunawa sa mayamang karanasan ng
isang lokal na pamayanan.
Ang mga etnograpikal na pananaliksik na tinalakay, lalo’t kung iuugnay sa iba
pang lokal na pananaliksik ng iba pang pamayanan, ay magiging mahusay na padron
tungo sa mas malalim at malawak na pag-unawa sa uri ng multikulturalismong
dinadatalan ng globalisadong pagbabago.
Sa kabuuan, ang multidisiplinaryong katangian ng Hasaan Journal ay
nagbubukas ng posibilidad na mamili ng paksaing Filipino at maging epektibo ang
wikang Filipino bilang midyum ng pagtuklas at pagtatalaban ng anumang larangan.
Magsisilbi itong gabay at inspirasyon sa mga mag-aaral na panimulang nanaliksik
at magbubukas ng marami pang hamon sa paksaing Filipino gamit ang wikang
pambansa.

xvi
Kaya Nakikinig ang Lupa
at Lumilipad ang Balita:
Ang Tsismis at ang Tunggalian ng Uri
sa Lipunang Pilipino

Mar Anthony S. Dela Cruz


Unibersidad ng Pilipinas, Los Baños

Si Dela Cruz ay propesor sa Abstrak


Departamento ng Humani- Gamit ang ilang halimbawa mula sa
dades sa UP Los Baños. Nag- kasaysayan ng Pilipinas, susuriin ng papel ang
tapos ng BA Aralin sa Sining tsismis bilang instrumento ng kapangyarihan.
at MA Filipino-Malikhaing Ang kahulugan, katangian at silbi ng tsismis
ay tatalakayin sa unang bahagi ng papel.
Pagsulat sa Unibersidad ng Sa ikalawang bahagi, bibigyang-pansin ang
Pilipinas-Diliman(UPD). kakayahan ng tsismis bilang kasangkapan
Kasalukuyan siyang kumu- ng kapangyarihan. Sa ikatlong bahagi,
kuha ng programang PhD sa ilalatag kung paano ito kinakasangkapan ng
Filipino-Pagsasalin sa pare- pribilehiyadong uri sa pagsusulong ng kanilang
interes at ng mga nasa laylayan para banggain
hong pamantasan. Nagwagi ang dominanteng sistema sa lipunan. Panghuli,
siya ng Ikatlong Gantimpala sa pamamagitan ng mga kasalukuyang
para sa Maikling Kuwento mga usapin, masisipat ang patuloy na
sa Carlos Palanca Memo- tunggalian sa mga uring ito upang patunayan
rial Awards for Literature ang politika ng wikang bitbit ng tsismis.
(2012). Naging fellow siya ng
IYAS National Creative Writ- Mga Susing Salita
ing Workshop at Palihang
tsismis, kapangyarihan, kasaysayan, masa,
Rogelio Sicat. Nalathala sa naghaharing-uri
UBOD New Authors Series II
ang koleksyon niya ng mai-
kling kuwento sa Filipino.

1
HASAAN
Introduksyon
Unang araw ko sa inuupahang apartment sa Tandang Sora. Hindi ko pa
naipapasok ang mga bagahe, kung ano-ano na ang itsinismis akin ni Aling
Tessie, ang landlady. Huwag ko raw kausapin ang mag-asawang nakatira sa
gawing kanan ng unit ko dahil may topak daw sila. “Okey lang ho, anti-social
ho ako, allergic ako sa tao,” sabi ko sa matanda. “Good, magkakasundo tayo,”
sagot niya. Winarningan din niya ako na iwasan ko raw si Lawrence, ‘yong nasa
kaliwa ng unit ko. Utangero raw at di marunong magbayad. ‘Wag na ‘wag ko rin
daw bubuksan ang bintana sa likod. May matandang babae raw na di nagsusuot
ng bra, baka raw akitin ako. Hindi pa man ako tapos sa paglilipat ng mga gamit,
nasabi na lahat sa akin ng landlady ang lahat ng mga itinatagong “baho” ng mga
kapitbahay.
Kung nagagawa niyang itsismis ang iba, alam kong kaya rin niya itong
gawin sa akin. Inasahan ko pa nga na magiging target din ako ng malisyosong
utak at makating dila ng landlady ko. Ngunit ikinagulat ko ang mga kuwento-
kuwentong ipinakalat niya tungkol sa akin. Nagtapos sa isang matinding sigawan
at banatan ng mga linya (sayang at di ko nagamit ang mga inipong linya mula
sa mga pelikulang ‘90s) sa gitna ng daan, sa harap ng mga taong tumitingin sa
garage sale, ang Aling Tessie episode ng buhay ko.
Karaniwan nang tinitingnan ang tsismis bilang gawaing naninira
ng reputasyon. Ngunit marami pa itong ibang katangiang hindi gaanong
napagtutuunan ng pansin sa mga pag-aaral. Sa papel na ito, ihaharap ang iba
pang mukha ng tsismis. Susuriin dito ang tsismis sa panlipunang antas bilang
isang mabisang instrumento ng kapangyarihan. Gamit ang ilang halimbawa
sa kasaysayan ng Pilipinas, ipakikita kung paano kinakasangkapan kapwa ng
mga naghaharing-uri at ng masa ang tsismis sa banggaan ng kanilang mga
panlipunang interes.
Mga Kahulugan ng Tsismis
Hango sa salitang Español na chismes, ang karaniwang pakahulugan sa
tsismis ay bali-balitang walang sapat na katibayan, ngunit hindi masasabing
lubos na walang katotohanan, na kumakalat sa talikuran ng iba pang tao (Aldaña
147). Ang mga pag-uusap sa porma nito ay araw-araw na naririnig at nakikita
sa maraming sitwasyon: sa showbiz (sabunutan nina Young Actress at Network
Diva sa dressing room), sa politika (panunuhol ni Veteran Politician kay Newbie
Politician), sa paaralan (kung paanong sumisipsip kay Principal si Mr. So-and-
so), at kung saan-saan pa.

2
MAR ANTHONY S. DELA CRUZ

Sa Tagalog, katumbas ng tsismis ang sabi-sabi, bulung-bulungan, usap-


usapan, kuwento-kuwento, alingasngas at bali-balita. Kung sasangguni sa mga
diksiyonaryo, makikitang marami rin itong katumbas na salita sa iba pang
wika sa Pilipinas. Sa mga Iluko, ito ay tinatawag na alimadamad, aliwangwang,
o sayangguseng (Gelade). Sa Cebuano, ito ay libak, satsat o tabi (Wolff). Sa
Hiligaynon, ito ay ad-ad, bati-bati o sugid-sugid (Kaufman). Sa Maranao,
tinatawag itong anta’, kerikeri o ondorondor (McKaughan at Macaraya).
Ilan sa mga salitang kaugnay sa tsismis ay tumutukoy sa tunog. Halimbawa,
ang alingasngas at bulung-bulungan. Ang bulong sa Cebuano ay hunghung (Wolff)
at sa Hiligaynon ay huring-huring (Kaufman). Sa isang karaniwang tsismisan,
pabulong kung magsalita ang mga sangkot dahil ayaw nilang iparinig sa iba
ang kanilang pinag-uusapan. Ngunit nagiging maingay ang tsismisan kapag
kumalat na ito at naging isang malaking eskandalo. Sa Iluko, ang ngawngaw ay
tumutukoy sa pagngiyaw (Rubino) at ang sayangguseng naman ay tumutukoy
rin sa humuhugong na bubuyog (Gelade). Sa mga Cebuano, ang kiyaw na isa
pang katawagan sa tsismis ay isa ring uri ng ibong kilala sa tunog nito (Wolff).
Makikita rin sa mga salita ang katangian ng mga kalahok dito. Sa mga
Iluko, ang tarabitab/natarabit ay tumutukoy sa mga taong madaldal at mahilig
sa tsismis, samantalang ang salawitwit ay nangangahulugang ‘matalas ang dila”
o mabilis, maliksi, aktibo, at alerto (Gelade). Ang kabukab, salitang iniuugnay
rin sa tsismis, ay nangangahulugang pagnguya nang walang laman ang bibig
(Gelade). Sa Hiligaynon, ang tublok-lawi (tublok – tusok, lawi – balahibong
buntot ng manok) ay tumutukoy sa taong karaniwang nagpapaningas ng
tsismis; siya ang promotor ng away at gulo. Ang dila-an ay taong may mahaba at
malaking dila at ang hambalera/ hambalero ay madaldal (Kaufman).
Kung titingnan naman ang kasaysayan ng salitang gossip sa Kanluran,
lumilitaw na positibo ang kahulugan ng tsismis. Mula sa Old English na goddsib
(godparent), ang salitang gossip ay ginamit noong ika-19 siglo para tumukoy sa
pag-iinuman ng mga lalaki at ng kanilang pagkakaibigan. Bago ito, ginamit ito
para tukuyin ang pagtitipon ng mga magkakaibigan, karaniwan ay mga babae,
habang hinihintay ang pagsilang ng sanggol (Levin at Arluke, nasa Villasanta
85).
Rumor ang isa pang katumbas na salita sa Ingles ng tsismis. Para sa ilang
iskolar, magkaiba ang konteksto, nilalaman at gamit ng gossip sa rumor. Ang
gossip ay tungkol sa tao samantalang ang rumor ay tungkol sa mga pangyayari
(Cooley 49, nasa Rosnow at Fine 83). Sa partikular, ang una ay tungkol sa

3
HASAAN
“pagsisiwalat ng mga impormasyong nauukol lang sa pansariling bagay-bagay”
(Maggay 25) samantalang ang huli ay tungkol sa mahahalagang pangyayari sa
paligid, labas sa personal na level (DiFonzo at Bordia 14, 19). Ang tsismis, kung
gayon, ay hindi lang tumatalakay sa mga nangyayari sa personal na buhay, kundi
sa mga nangyayari rin sa lipunan (Tolentino 7).
May ilang paraan ng pagkaklasipika ng tsismis. May mga tsismis na
sumisingaw na parang alimuom, na kumakalat sa panahon ng krisis at
pagkabalisa. Kusa itong kumakalat dahil naghahanap tayo ng paliwanag sa mga
pangyayaring hindi natin lubos na maunawaan. Karaniwan itong eksaherado
at walang katotohanan gaya ng bali-balitang magkakaroon daw ng isang
napakalakas na lindol sa Maynila.
May mga tsismis naman na pinagpaplanuhan. Karaniwan na sa ganitong
uri ng tsismis ang layuning sirain ang katunggaling indibidwal o grupo. Sa
panliligaw, halimbawa, gumagawa ng kuwento ang isang lalaki para siraan
sa nililigawan ang katunggali. Karaniwang nasa porma ng advertising at
propaganda ang intensiyonal na tsismis. Halimbawa, ang tsismis na satanic na
inumin ang Coca-Cola.
Karaniwang inuuri ang tsismis bilang home-stretcher, pipe-dream, bogey
at wedge-driver (Knapp 22-37). Ang home-stretcher ay tsismis na kumakalat
bago ang aktuwal na pangyayari. Halimbawa nito ang tsismis na magkakaroon
ng malawakang tanggalan sa trabaho, na inaasahan na rin naman ng mga
empleado. Ang pipe-dream ay optimistikong tsismis na nagtataglay ng mga
imahen ng mga positibong pangyayari sa hinaharap. Halimbawa nito ang tsismis
na magkakaroon ng pagtaas sa sahod.
Ang bogey naman ay tsismis na nagdudulot ng labis na pagkabalisa
sa mga sumasagap at nagpapakalat nito. Hindi iilan sa atin ang nangamba
nang marinig ang balitang aabot sa Pilipinas ang radiation galing sa nasirang
plantang nuklear sa Japan dahil sa lindol noong Marso 2011. Nagdudulot din
ng matinding pagkabalisa sa mga manggagawa ang mga tsismis na magsasara
na ang kompanyang pinagtatrabahuhan nila. Ang wedge-driver ay agresibong
tsismis. Mapanira ito at kung minsan ay matindi ang epekto. Halimbawa nito
ang pagkakalat ng tsismis para pag-awayin ang dalawang grupo o indibidwal.
Iniuugnay rin ang tsismis sa mga mitolohiyang urban o alamat sa lungsod
(urban legend), mga salaysay tungkol sa kakaiba, kababalaghan, misteryo, at
minsan ay nakakatawang pangyayari na maaaring may katotohanan o gawa-
gawa lang (DiFonzo at Bordia 23). Halimbawa nito ang white lady sa Balete

4
MAR ANTHONY S. DELA CRUZ

Drive at ang manananggal sa Tondo. Isang alamat sa lungsod na kinatakutan


din ng marami noong Dekada ‘90 ang tungkol sa sinasabing kalahating-tao,
kalahating-ahas sa Robinsons Galleria.
Tsismis at Pakikipagkapwa
Isang mahalagang silbi ng tsismis ang kasiyahang dulot nito (Foster 85).
Sa anumang okasyon, ginagamit ito bilang pantanggal-umay sa monotoni ng
araw-araw na buhay. Bonding moment para sa mga magkakaibigan ang pag-
usapan ang buhay ng ibang tao. Binabasa natin ang mga tsismis sa pahayagan
bilang pahinga matapos ang pagbabasa ng mabibigat at mas seryosong balita.
Ang tsismis ay hindi lamang simpleng pagbabalita; kaakibat din nito
ang ebalwasyon (Foster 82): nabuntis si ano, na kerengkeng, ng pangit na
construction worker, sadyang ipinaaamoy ng kapitbahay ang masasarap na ulam
para mang-inggit, babaero raw ang politiko at sa mga kabit daw nito napupunta
ang mga kinukurakot. Nakikilahok tayo sa tsismis upang maging malay sa mga
tuntunin, tradisyon at norm ng kulturang kinabibilangan natin (Baumeister,
Zhang, at Vohs 113). Isa itong pagmamatyag at pagtataya kung ano ang tama,
normal at karapat-dapat.
Ang tsismis ay proseso rin ng pagbubuo ng samahan (Foster 85). Sa isang
“community of talkers” (Wickham 13), ito ay pag-aari ng eksklusibong grupo at
ang impormasyon ay nagpapasalin-salin at hinuhulma lamang ng mga kasapi.
Sa isang pag-aaral tungkol sa ugaling magtsismis ng mga Cebuana, lumalabas
na nakikipagtsismisan lamang ang mga sangkot sa kanilang mga matalik na
kaibigan, asawa at mga kamag-anak; hindi kasali sa kanilang tsismisan ang mga
taong hindi nila lubos na kilala, o iyong hindi kabilang sa kanilang grupo (Nuevo
6).
Subalit, negatibo ang pakikipagtsismisan para sa karaniwang Pilipino. Sa
Google pa lamang, mababasa na ang mga artikulong nagsasabing ang tsismis
ang “pinakamasalimuot na pangyayari na puwedeng maranasan ng isang tao,”
“nakalalason” at “nakamamatay na sandata,” “isang epidemya” at “mabigat na
kasalanan,” at “walang mabuti sa tsismis.” Tinitingnan ng marami ang mga
lumalahok dito bilang dalahira, mapanghimasok, pakialamero/a, may makating
dila, at walang moralidad.
Ang negatibong pananaw sa tsismis ay bunga ng Kanluraning oryentasyon
sa sikolohiya at kulturang Pilipino gaya ng kumbensiyonal na pagpapakahulugan
sa utang na loob, hiya, ningas cogon, bahala na, amor propio, at iba pa. Ang
tunguhin kung gayon ay palitawin ang katutubong perspektiba sa tsismis upang

5
HASAAN
lumalim at lumawak pa ang pag-unawa sa kultura at sikolohiyang Pilipino.
Sa pag-aaral sa interpersonal na relasyon ng mga Pilipino, matutukoy
ang walong level ng interaksiyon: pakikitungo, pakikisalamuha, pakikilahok,
pakikibagay, pakikisama, pakikipagpalagayang-loob, pakikisangkot at pakikiisa
(Enriquez 10). Ang naunang limang level ng interaksiyon ay nakatuon sa
kategorya ng “ibang-tao” (outsider) samantalang ang huling tatlo ay nakatuon
sa kategoryang “di-ibang-tao” (one-of-us). Ang pakikiisa ang pinakamataas
na level ng pakikipagkapwa. Sinusundan ito ng pakikipagpalagayang-loob at
pakikisangkot.
Kapag tayo ay nakikipagtsismisan sa ibang-tao (di-kilalang kasabayang
mamimili sa palengke o kakilalang hindi naman kaibigan) ang level ng
interaksiyon ay mula pakikitungo hanggang pakikisama lamang. Alangan
tayong magbahagi ng impormasyon at karanasan sa kanila dahil kabubuo
pa lamang ng relasyon. Kapag di-ibang tao ang ating katsismisan (matalik
na kaibigan, kasintahan, o kapamilya), ang level ng interaksiyon ay maaaring
pakikipagpalagayang-loob, pakikisangkot, o pakikiisa, depende sa digri ng
relasyon. Umaabot sa level ng pakikiisa ang interaksiyon kapag matatag na ang
samahan, palagay na ang loob sa isa’t isa at buo na ang kanilang tiwala. Sa antas
na ito, ibinubunyag na ng mga kalahok sa tsismis ang mga pinakaiingatang
sikreto ng iba, maging ang pinakapribadong detalye tungkol sa sarili.
Kaugnay nito, pakikipagkapwa ang bisa ng matagalang paglahok sa tsismis.
Sa isang pag-aaral tungkol sa kinagawiang komunikasyon ng mga informal
settler, lumalabas na pakikipagkapwa at pakikipaghuntahan ang pangunahing
layunin o motibasyon sa pag-uusap ang mga kalahok (Casanova, nasa Maggay
86). Karaniwang umiikot ang usap-usapan sa kumustahan at pagbabahagi ng
saloobin, karanasan, at mga kuwento tungkol sa sarili at sa iba na “nagpapatibay
ng pagsasamahan at nagpapaibayo ng pagtatalik sa isa’t isa (Maggay 86). ”
Nakikipagtsismisan din tayo upang makasabay sa mga pagbabago sa ating
kapaligiran. Kasabay ng pagpapatatag, pagbabago at pagpapanatili ng kaayusan
at estrukturang pangkapangyarihan sa grupo ang kolektibong paghahanap ng
kalutasan sa mga suliraning panlipunan (Shibutani 17). Ang tsismis kung gayon,
ay isang kolektibong paraan ng pagbibigay-kahulugan sa sariling karanasan at
sa mga nangyayari sa kapwa at lipunan. Kung kaya mahalaga ring suriin ang
papel nito bilang kasangkapan ng kapangyarihan. Kailangang tingnan kung
paano nagtutunggali ang mga uri at grupo sa lipunan gamit ang tsismis.

6
MAR ANTHONY S. DELA CRUZ

Tsismis bilang Instrumento ng Kapangyarihan


Kapag binaybay natin ang kasaysayan, malinaw kung sino ang mga nasa
itaas at nasa ibaba sa lipunan. Ang mga nasa itaas ay ang mga naghaharing-uri
na siyang nagtatakda ng kaayusan sa lipunan. Sila ang may hawak ng politikal at
ekonomikong kapangyarihan at nagtatakda ng moralidad upang maprotektahan
at mapatindi pa ang kanilang sariling interes. Katulong nila ang estado at mga
institusyong tulad ng simbahan, edukasyon at media sa mga pagtatakdang ito.
Ang mga nasa ibaba naman ang uring pinaghaharian. Sila ang masang
nalulugmok sa tabi-tabi, sa gilid-gilid at sa laylayan ng lipunan dahil sa kawalan
ng ekonomiko at politikal na kapangyarihan. Hinuhubog ang kanilang isip ayon
sa pamantayan ng moralidad ng mga nasa itaas at natural itong ipinayayakap sa
kanila. Subalit, malay ang masa sa kanilang pagkaetsapuwera at aktibo nilang
nilalabanan ang mga itinatakda ng nasa itaas sa larangang kultural, partikular
sa wika.
Kapag pinag-uusapan ang kahalagahan ng wika, hindi gaanong
nasusuri ang gamit nito bilang instrumento ng kapangyarihan at kontrol
(Paz 69). Sa katotohanan, politikal ang wika dahil kinokontrol ito ng mga
nagtutunggaliang uri o grupo sa lipunan para matugunan ang kanilang
pangangailangan. Dahil nagkakaiba sa paniniwala, aspirasyon at interes,
nagkakaiba rin sila sa paggamit ng wika. Sa tsismis, lantad ang paghahangad
ng kapangyarihan ng iba’t ibang grupo gamit ang wika. Sa isang banda,
masigasig ang naghaharing-uri sa pagpapalaganap ng mga mensaheng
nagsusulong sa kanilang paniniwala at interes. Sa kabilang banda naman
ang mga naetsapuwera sa lipunan na gumagamit ng wika ng tsismis para
salagin ang mga naghahari.
Madalas gumamit ng pormalistikong lapit sa wika ang dominanteng grupo
dahil nais nilang magtakda ng istatiko o nag-iisang set ng kahulugan na siyang
nagpapatahimik sa uri o grupong di-kaisa sa kanilang hangarin (sipi ni McNally
kay Voloshinov 116). Ang pagdomina gamit ang wika ang pangunahing paraan
sa pagsupil at pagkontrol sa isip at kilos ng tao. Hindi ito gaanong napapansin
tulad ng politikal at ekonomikong pagkontrol kaya hindi agad nahahalata ang
malubhang epekto nito (Paz 77).
Halimbawa, sa mga sermon sa simbahan, may mga pagkakataong
nagkukuwento ang pari sa paraan ng pagtsitsismis. Ginagamit niya ang wika
ng relihiyon na maituturing na hindi neutral. Ginagamit ang wikang ito para
kontrolin ang nasasakupan sa pamamagitan ng mga pahayag na nagsasaad ng

7
HASAAN
utos, moral na pananaw at katotohanan. Bagaman paggigiit lamang ang wika
ng relihiyon, pinaniniwalaan at sinusunod ito ng mga mananampalataya. May
kapangyarihan kasi ang wika ng relihiyon na kontrolin ang kanilang buhay dahil
sa mababang pagtingin nito sa kanilang katayuan kumpara sa mga banal na may
kapangyarihang makipag-ugnayan sa supernatural being (Peregrino 226, 228,
231).
Pinaniniwalaan na ang kapangyarihan ay umiiral lamang sa opresyon ng
nasa itaas sa nasa ibaba. Ngunit sa kabila ng pagtatangkang supilin ang pag-iisip
at kilos ng mga maliliit, nagluluwal din ang dominasyong ito ng mga panibagong
pag-iisip, pananalita, ugali at kilos. Hindi mapipigilan ang pag-usbong ng mga
alternatibong wika at boses sa mga di-opisyal at underground na setting.
Partikular na sumisingaw ito sa mga panahon ng mga krisis at rebolusyonaryong
pagbabago sa lipunan (McNally, 116). Kaya naman ang tsismis at ang wika nito
at iba pang mga kaakibat na simbolo ay nagiging entablado ng tunggalian ng uri.
Kaugnay nito ang tsismis ay isang uri ng araw-araw na pananalag,
isa sa mga “weapons of the weak” (Scott, Weapons 29). Katulad ng iba pang
uri ng pananalag (pangungupit, pananabotahe, kunwang-pagsunod o false
compliance, pagpapaliban ng gawain o foot dragging), hindi na kailangan ang
puspusang koordinasyon at pagpaplano sa tsismis (Scott, Weapons 29). Dito ay
lumilikha ang itinuturing na walang kapangyarihan ng “hidden transcript” sa
likod ng dominanteng tao o grupo (Scott, Domination xii) bilang artikulasyon
ng kapangyarihan.
Halimbawa, sa kanilang paghaharap, ipaliliwanag ng amo sa kasambahay
ang mga dahilan kung bakit hindi sila magtataas ng sweldo. Kaharap ang
kanilang amo, sasang-ayon ang kasambahay at hindi na magtatanong pa. Ngunit
kung kaharap na ang kapwa kasambahay, ilalabas nila ang reklamo tungkol sa
makunat na among ayaw magtaas ng sweldo gamit ang mga salitang nakakasira
sa reputasyon at kredibilidad ng kanilang amo. Bagaman hindi nailalagay
sa dominanteng posisyon ang mahihina sa ganitong paraan ng pananalag,
nabibigyan naman sila ng pakiramdam ng kapangyarihan na karaniwang
nangyayari kapag pinagtatawanan nila ang mga nang-agrabyado.
Tatalakayin sa sumusunod na bahagi ang pagsasakapangyarihan
ng dalawang nag-uumpugan at nagtutunggaliang pwersa sa lipunan sa
pamamagitan ng kanilang pag-aangkop sa tsismis.

8
MAR ANTHONY S. DELA CRUZ

Tsismis mula sa Itaas


Sa panahon ng pananakop ng Espanyol, malalantad ang papel ng tsismis
bilang kasangkapan ng dominasyon. Nang dumating ang mga manlulupig,
nadatnan nila ang isang kultura at lipunang may mataas na tingin sa mga babae
(Quindoza-Santiago 160). Taliwas ito sa pananaw ng mga Espanyol tungkol
sa kasarian at lipunan. Lalo nilang ikinabahala ang malayang pagpapakita ng
seksuwalidad ng kababaihan at sa mataas na posisyong panlipunan ng babaylan
(Woods 27).
Dahil sa hadlang sa kanilang interes, isinulat ng mga misyonerong
Pransiskano, Heswita at Augustino sa mga aklat ng kasaysayan ang babaylan
bilang mga primitibo, imoral at mga kampon ng kasamaan. Nilubos nila ang
kanilang paninira sa paglikha ng mga kuwentong aswang ang babaylan (Meñez
91). Ang pinaghihinalaang babaylan ay binansagan ding bruha at baliw, ang ilan
pa nga sa kanila ay pinagsuot ng dilaw na kasuotan at ipinarada sa mga bayan-
bayan, katulad ng ginagawa sa Europa (Veneracion 5). Dahil sa gawa-gawang
kuwento ng mga prayle, ang dating imahen ng babaylan bilang manggagamot at
kumadrona ay napalitan ng imahen ng isang mamamatay-tao, walang pakikiisa,
at walang pagpapahalaga sa pamilya at kamag-anak. Ang mga pagbabansag na
ito ay instrumental sa paglupig ng kapangyarihan ng babae upang itanghal ang
bitbit nilang relihiyon.
Bago sumiklab ang rebolusyong 1896, isa sa mga pangunahing target ng
tsismis si Jose Rizal. Nang bumalik siya sa Pilipinas mula Europa noong 1887,
sinalubong siya ng sari-saring tsismis at haka-haka tungkol sa kanyang buhay.
Siya raw ay espiya ng Alemanya, mason, Protestante at heretiko. Walang dudang
ang mga prayle ang nagpalaganap ng mga ganitong kuwento para ipakitang siya
ay subersibo at para ilayo ang loob sa kanya ng mga Pilipino (Ileto, Filipinos 64).
Ginamit din ng mga mananakop na Espanyol ang tsismis sa pagtatangkang
mabawasan ang mga kasapi ng Katipunan. Natakot ang marami sa bali-
balitang ipatutupad ang marahas na juez de cuchillo o kangaroo court at walang
patatawarin; bata man, matanda, lalaki, o babae. Dahil dito, maraming kasapi ng
Katipunan ang dumulog sa mga pari at nangumpisal. Ang iba naman ay dumulog
sa mga pinunong Espanyol para hindi madamay sa banta (Alvarez 17).
Nang magkaroon ng mga paksyon sa loob ng Katipunan, kinasangkapan
ang tsismis para pabagsakin si Andres Bonifacio. Siya raw ay tauhan ng mga
prayle at napag-utusang lumikha ng kaguluhan, nilustay rin daw niya ang pondo
ng Katipunan at ipinagyayabang ang titulong “Supremo” gayong hindi naman

9
HASAAN
siya Diyos. Bukod pa riyan, mayroon siyang magandang kapatid na karelasyon
daw ng kura ng Tondo at si Bonifacio raw ang tagapag-ugnay ng dalawa (Alvarez
68).
Kumalat din ang liham na isinulat umano ni Daniel Tirona, isa sa mga
pinuno ng paksyong Magdalo, laban kay Bonifacio. Nagpaikot-ikot ang tsismis
tungkol sa mga “baho” ng Supremo partikular sa San Francisco de Malabon, kung
saan lubos siyang hinahangaan at nirerespeto. Ayon sa tala ni Artemio Ricarte
sa Himagsikan nang manga Pilipino Laban sa Kastila, inudyukan ng nagsulat
ng liham ang mga taga-Cavite na huwag “pag-ukulan ng anomang paggalang”
si Bonifacio dahil siya ay isang mason, “na di naniniwala sa Diyos, yumuyurak
sa mga kabanalan, pumapaibabaw sa mananakop, isang taong may mababang
pinag-aralan; anopa’t isang hamak na katiwala lamang na naglilingkod sa
isang bahay-kalakal Aleman” (Ricarte 34). Nang komprontahin ni Bonifacio,
pinabulaanan ni Tirona na sa kanya galing ang tsismis. Napoot si Bonifacio at
muntik nang mapatay si Tirona (Ricarte 34).
Ang pagkakalat ng tsismis para isulong ang interes ng iilan ay nagpatuloy
sa pagdating ng mga Amerikano. Isa si Antonio Luna sa mga naging target
nina Aguinaldo at ng kanyang tauhan. Dahil sa kanyang mariing pagtutol sa
awtonomiyang inaalok ng Amerika, pinag-initan siya ng mga awtonomista na
kinabibilangan nina Felipe Buencamino at Pedro Paterno. Pinagningas nila ang
tsismis na balak agawin ni Luna kay Aguinaldo ang pagkapresidente. Bagaman
walang sapat na katibayan, pinaniwalaan ito ni Aguinaldo na gumawa pa
ng liham sa ilang kasamahan para hingin ang kanilang katapatan at suporta
(Constantino 229). Sa huli, pinaslang si Luna ng mga tauhan ni Aguinaldo.
Ganito rin ang nangyari kay Macario Sakay. Nang sumuko si Aguinaldo sa
mga Amerikano, tinangka ni Sakay na buhayin ang Katipunan sa Maynila. Nang
madakip ng mga Amerikano, inakusahan siya at ang kanyang mga tauhan ng
pagnanakaw, panggagahasa, pagdukot at pagpatay. Ginawaran siya ng parusang
kamatayan kahit na walang sapat na ebidensiya ang mga paratang na ito. Sa
araw ng pagbitay, pinabulaanan niya lahat: “[G]usto kong ipahayag na hindi
kami mga bandido at magnanakaw, katulad ng ibinibintang sa amin ng mga
Amerikano, kundi mga kasama ng rebolusyonaryong puwersa na nagtatanggol
sa ating bansa, ang Pilipinas! Paalam! (Abad 100-101, nasa Constantino 267,
akin ang salin). ”

10
MAR ANTHONY S. DELA CRUZ

Tsismis mula sa Ibaba


Kinakasangkapan din ng mga nasa ibaba ang tsismis para salagin ang
pwersa ng mga makapangyarihan. Nang malathala ang Noli Me Tangere (1887),
kumilos ang kolonyal na gobyerno at ang mga prayle para pigilan ang pagkalat ng
subersibong nilalaman ng nobela.
Bagaman karamihan sa mga tao noon ay hindi nabasa o nahawakan man
lamang ang aklat, nakakuha sila ng impormasyon tungkol sa nilalaman nito sa
pamamagitan ng tsismis. Dahil sa pagtatakwil ng mga prayle sa akda, nabigyan
tuloy ng alternatibo ang mga tao sa pagsagap at pagpapalaganap ng nilalaman ng
nobela (Hau 55). Patunay ito ng sinasabi ni Voloshinov tungkol sa pagkakaroon
ng mga alternatibong wika at boses sa gitna ng krisis.
Isang araw, kasama si Josè Taviel de Andrade, ang guwardyang Espanyol
na inutusang magbantay sa kanya, inakyat ni Rizal ang Bundok Makiling.
Iwinagayway niya ang isang puting tela para ipaalam na narating na nila ang
tuktok ng bundok. Ang puting tela ay tiningnan ng marami bilang bandila ng
Alemanya at ang pagwagayway nito ni Rizal kasama ang isang Europeo ay
babala na magkakaroon ng rebelyon (Ileto, Filipinos 64). Ipinapakita sa tsismis
na ito ang hangarin ng mga Pilipino na makalaya sa kamay ng Espanya at ang
pangangailangan nila ng mamumuno rito.
Kumalat din ang tsismis na nakaharap ni Rizal si Bernardo Carpio sa
Makiling. Sinabihan daw siya nitong panahon na para lumaban sa Espanya
(Ileto, Filipinos 11). Naniniwala ang mga paisanong Tagalog na si Bernardo
Carpio ang kanilang hari. Nakakulong siya sa loob ng bundok at pinaniniwalaang
ang kanang paa na lamang niya ang nakakadena. Sinasabing lumilindol kapag
pinipilit niyang kumawala mula sa pagkakakadena. Paniwala nila, magbabalik
siya para palayain sila. Ang kuwentong ito ang nagbibigay sa mga Tagalog ng
pag-asang sa huli, magiging maayos din ang kanilang pamumuhay, malaya
sa opresyon at paghahari-harian ng mga banyagang mapagsamantala (Ileto,
Pasyon 101).
Ang paniniwalang ito ng masang hindi nakapag-aral ay pinagtuunang-
pansin ng mga ilustrado, kabilang na si Rizal (Ileto, Filipinos 10). Sa El
Filibusterismo (1891), naglaro sa isipan ni Rizal ang posibilidad ng armadong
rebolusyon laban sa Espanya. Sa isang kabanata, sinabi ng kutsero na kapag
nakalaya ang kanang paa ni Bernardo Carpio, ibibigay niya sa kanilang hari
ang kabayo, susunod sa mga ipinag-uutos nito at handa siyang mamatay para
sa kanya. Naniniwala ang kutsero na si Bernardo Carpio ang magpapalaya sa

11
HASAAN
kanila mula sa kalupitan ng Espanya.
Kumalat rin ang mga tsismis tungkol sa ekstraordinaryong kakayahan
ni Rizal. Pagkabalik mula Europa, nagtayo siya ng klinika para sa mga may
problema sa paningin. Dahil hindi pa gaanong pamilyar sa ophtalmic surgery ang
mga Pilipino noon, tiningnan ng mga tao ang panunumbalik ng paningin ng mga
pasyente bilang himala. Dito nagsimulang kumalat ang mga bali-balita tungkol
sa isang “Doktor Uliman” (korupsiyon ng “Aleman”) na nakapagpapagaling hindi
lamang ng pagkabulag, kundi ng iba pang karamdaman. Mahalagang idiin na
para sa mga nagbabasa ng Pasyong Mahal, tanging ang Panginoong Hesukristo
lamang ang nakapagpapagaling ng bulag (Ocampo 261 nasa Chua 6). Dahil sa
pagkalat ng bali-balitang ito, tumindi ang pag-asa ng mga Pilipino na si Rizal ang
magpapalaya sa kanila.
Sa tsismis din nailalabas ng karaniwang tao ang kanilang mga hinaing laban
sa mga mapagsamantala. Nagkakaroon sila ng pakiramdam ng kapangyarihan
dahil ito ang pagkakataon para iangat ang sarili at libakin ang mga nagpapahirap
sa kanila kahit sa salita man lamang. Madalas, ginagawa nilang katawa-tawa sa
kanilang pagtsitsismisan ang mga taong nasa kapangyarihan.
Naging laman noon ng tsismis si Tirona, ang pinaghihinalaang nagpakalat
ng tsismis tungkol kay Bonifacio. Naging tampulan siya ng katatawanan matapos
niyang sumuko sa mga Amerikano sa kasagsagan ng Digmaang Pilipino-
Amerikano. Ayon sa isang tenyente, nakatira si Tirona bilang alalay sa bahay ng
Amerikanong kapitang kanyang pinagsukuan. Dito, tagahanda siya ng pagkain
at tagalinis ng sapatos ng kapitan. Itsinismis din ng tinyente na katakot-takot
na insulto ang inabot ni Tirona mula sa mga taga-Cagayan na saksi sa kanyang
pagsuko. Tinawag nila siyang magnanakaw, walang hiya, duwag at marami pang
iba (Villa at Barcelona 27, nasa Constantino 242).
Nagbigay rin si Teodoro Agoncillo ng ilang halimbawa kung saan, sa
pamamagitan ng tsismis, nailalagay sa mababang posisyon ang mga naghahari-
harian:
Isang umaga, noong Pebrero 1942, isang lalaki ang nagpakalat ng tsismis
na sinasabi raw ng mga Hapon, sa kanilang paliwanag sa kanilang pagkatalo
sa Bataan, na naglagay ang USAFFE ng mga nakakakuryenteng kawad sa
mga tubigan at ilog para makuryente ang mga uhaw na Hapon na iinom
dito. “Tubig kuru-kuru!”—Water boiring (r imbes na l ayon sa ponetikong
Hapon) ang mga salitang sinasambit umano ng mga sundalong Hapon na
masuwerteng nakaligtas (162, akin ang salin).

Nagbibigay lamang ang mga ganitong tsismis ng panandaliang pagkapanalo

12
MAR ANTHONY S. DELA CRUZ

para sa mga Pilipino, bagaman hindi naman talaga napailalim ang mga nang-aapi
(Rafael 120). Sa kabila nito, hindi matatawaran ang kapangyarihang ibinibigay
ng tsismis sa sinasakop. Ang tsismis ay isa lamang sa mga unang hakbang
bilang tugon nila sa mga pwersang pilit na sumusupil sa kanila. Bilang unang
hakbang, ginagamit ito upang malinawan sa mga nangyayari sa paligid. Ang bisa
ng tsismis bilang instrumento ng paghamon sa namamayaning estruktura ng
lipunan ay nakasalalay sa mga aktibong lumalahok dito. Sapagkat ang tsismis ay
isang kolektibong gawain, may potensyal ito na baguhin ang lipunan.
Ilang tala rin sa kasaysayan ang nagpapakitang malay ang mga nasa
kapangyarihan na malaki ang potensyal ng tsismis sa paggiba ng status quo sa
lipunan. Noong panahon ng diktadurya, halimbawa, napasailalim sa kontrol
ng militar ang komunikasyon at daloy ng impormasyon para mapanatili sa
kapangyarihan si Marcos. Ipinag-utos niya ito dahil nakikita niyang isang
malaking banta ang media sa kanyang diktadurya. Ngunit taliwas sa inaasahan
ang naging epekto ng utos. Dahil dumaraan sa sensura ang mga impormasyon,
at dahil sa kakulangan ng mga impormasyon mula sa ibang ahensiya maliban
sa pamahalaan, naghanap ang mga Pilipino ng mga alternatibong paraan sa
pangangalap ng impormasyon. At ito nga ay sa paraan ng tsismis. Katulad ito ng
ginawa ng mga Pilipino nang pigilan ng mga prayle ang pagkalat ng mga akda
ni Rizal.
Sabi nga ng ilang observer sa mga unang taon ng Martial Law, “Rumors
fly wildly in the absence of concrete information (Laquian 10). ” Halimbawa,
tuwing nagkakaroon ng brownout, sasabihin noon ng mga tagalungsod,
“they are unloading more casualties at the airport again” (Laquian 12) upang
maghinuha sa totoong nangyayari sa digmaan sa Mindanao na hindi gaanong
naibabalita sa mga pahayagan sa Maynila. Ginagamit nila ang tsismis dahil sa
kanilang pangangailangang malaman at maunawaan ang mga nangyayari sa
kanilang kapaligiran. Totoo man o gawa-gawa lamang ang mga kumalat na
impormasyon, nabigyan ng ibayong lakas ang mga Pilipino na banggain ang
diktadura.
Ang paraang ito ng pagsagap at pagpapakalat ng impormasyon ay
ipinagbawal ni Marcos. Isinabatas noong Enero 6,1973 ang Presidential Decree
No. 90, kung saan itinuturing na kalaban ng estado ang sinomang magpapakalat
ng tsismis laban sa gobyerno:
Isa sa mga mapanlinlang na paraan ng pagsira ng kapayapaan, kaayusan
at katahimikan ay ang pagsambit, publikasyon, distribusyon, sirkulasyon
at pagpapakalat ng tsismis, maling balita o impormasyon na nagdudulot

13
HASAAN
ng pagkakahati-hati ng mga tao, kawalan ng tiwala sa awtoridad at/o
pagpapahina sa pundasyon ng gobyerno at mga tunguhin ng Bagong
Lipunan... (akin ang salin at diin)

Dito, itinuturing na tsismis ang mga pahayag na kontra sa pamahalaan.


Isang dating press secretary, si Baldomero T. Olivera ang inaresto dahil dito
(Celoza 41). Maging sina dating pangulong Diosdado Macapagal at dating
Supreme Court Justice Abraham F. Sarmiento ay kinasuhan noong Agosto
1979 dahil lamang sa publikasyon at pagpapakalat ng aklat ni Macapagal na
may pamagat na Ang Demokrasya sa Pilipinas (Sarmiento online). Sa kabila
ng pananakot na ito, nagpatuloy ang mga Pilipino, partikular ang kabataan,
sa pagpapasa-pasa ng mga impormasyong sa bandang huli ay nakatulong sa
pagbagsak ng diktadura.
Karaniwan nang isinusulat ang kasaysayan gamit ang mga batis na
nakasulat na madalas namang nagtatanghal sa tinig ng naghaharing-uri
(Camagay 250). Ngunit ginagamit din ang tsismis upang bigyan ng tinig ang mga
nasa gilid-gilid ng kasaysayan. Sa pamamagitan ng pagdodokumento ng alaala at
karanasan gamit ang tsismis (at iba pang alternatibong batis tulad ng pasalitang
kasaysayan), nabibigyan ng kapangyarihan ang mga ordinaryong Pilipino na
daantaong naetsapuwera sa kasaysayan. Dito, inaalis sa dominanteng posisyon
ang interpretasyon sa kasaysayan ng tradisyonal na historyador at binibigyang-
halaga naman ang interpretasyon ng ordinaryong tao (Camagay 250).
Pagpapatuloy ng Tunggalian
Mula sa mga halimbawang tinalakay, masasabi nga na ang kasaysayan
natin ay kasaysayan ng patuloy na tunggalian: sa isang banda ay ang mga
naningibabaw na pilit na pinananatili ang itinatag nilang kaayusan, sa kabila
naman ay ang mga pinangingibabawang walang tigil na lumalaban para sa
kapakanan at karapatan ng nakararami. Sa salpukang ito, gumagamit ang
magkabilang hanay ng mga instrumentong magbibigay sa kanila ng ibayong
kapangyarihan upang ipanalo ang kanilang laban. Tsismis ang isa rito.
Sa kasalukuyan, lumalawak ang pakikilahok ng mga Pilipino sa tsismis
dahil na rin sa mga batas na pumoprotekta sa malayang pamamahayag. Patunay
rito ang buhay na buhay na industriya ng showbiz tsismis, mga patayang nag-
ugat sa tsismis, mataas na bilang ng mga kasong libelo; at mga di mamatay-
matay na blind item tungkol sa mga politiko at opisyal ng pamahalaan. May
ilang grupo ang nababahala sa mga “paninirang” ito, lalo na sa pagkalat ng
tsismis at ng mga opensibong impormasyong kumakalat online. Kaya naman

14
MAR ANTHONY S. DELA CRUZ

inaprubahan ng Kongreso ang Cybercrime Prevention Act of 2012 na naglalayong


ireguleyt ang mga impormasyon sa Internet; isa na namang paraan ng estado
upang sikilin ang mamamayan at igiit ang kapangyarihan nito. Ngunit natigil
ang implementasyon nito dahil na rin sa oposisyon ng mga nagsusulong ng
malayang pamamahayag.
Kung isinusulong ng estado ang Cybercrime Prevention Act, isinusulong
naman ng mamamayan ang Freedom of Information (FOI) Bill. Layunin nito na
kilalanin ang karapatan ng bawat tao na maakses ang mga rekord ng gobyerno.
Pinatatatag nito ang karapatan ng mamamayan na maging bahagi sa paglikha
ng mga desisyon sa lipunan. Isa itong paraan para labanan ang panlilinlang ng
gobyerno at ng mga opisyal nito.
Maituturing na malaki ang papel ng pagkalat ng mga hindi mamatay-
matay na tsismis tungkol sa korupsyon at iba pang ilegal na gawain sa gobyerno
sa pag-igting ng suporta sa pagpasa sa panukalang batas na ito. Sa katunayan,
pumutok ang fertilizer fund scam, NBN/ZTE deal, Euro generals scandal, lottery
fund scam, Corona impeachment, Malampaya fund scam, at pork barrel scam, at
iba pa dahil sa mga alingasngas. Ito rin ang isa sa mga dahilan ng pagkatanggal
sa pwesto nina Joseph Estrada at Gloria Macapagal-Arroyo. Ang sabi nga, kapag
may usok, may apoy.
Dahil sa makabagong teknolohiya, nabibigyan ng ibayong kapangyarihan
ang masa sa pagpapakalat ng mga alternatibong kaisipang bumabangga
sa namamayaning kaayusan. Sa kasalukuyan, naipapasa ang tsismis sa
pamamagitan ng e-mail, instant messaging, online forum, blog at mga social
networking site tulad ng Facebook at Twitter; online TV, online newspaper, at
online radio. Maliban sa serbisyong text messaging, naglipana na rin ngayon ang
mga libreng app sa cell phone tulad ng Wechat, Viber, Skype at iba pa. Dahil dito,
ang tsismis sa Pilipinas ay maaari nang masagap ng mga Pilipinong nasa iba’t
ibang panig ng mundo. Kaya hindi na kataka-takang nangyari ang Erap Resign
Movement, ang Million People March sa Luneta, at iba pang malawakang kilos-
protesta na, sa malaking bahagi ay naorganisa gamit ang social media.
Sa isang lipunang nagbibingi-bingihan, maghahanap at maghahanap
ang taong bayan ng pinakamabilis at episyenteng midyum para iparinig ang
kanilang boses – isang midyum na aksesibol sa nakararami. Malay rin ang
nasa kapangyarihan sa kahalagahan ng social media, kaya ineeksployt nila ito
para ipalaganap ang kaisipang poprotekta sa sistemang ilang daantaon nang
pumapabor sa kanila. Kung gayon, lumilitaw na isang bahagi ng tunggalian ng uri

15
HASAAN
ang tunggalian sa kung sino ang may kontrol sa midyum na ito. Sa kasalukuyan,
malinaw na nagtatagumpay ang mga pinangingibabawan sa aspektong ito.
Sa unang tingin, nagbibigay lamang ang tsismis ng panandaliang
pagkapanalo para sa mga nasa ibaba dahil hindi naman talaga natatanggalan
ng kapangyarihan ang mga nasa itaas. Maoobserbahan din na sa kaso ng mga
malawakang kilos-protesta na pinagningas ng tsismis, hanggang pagkatok
lamang sa kamalayan ang nangyayari. Hindi lubos ang pagkamulat. Napipilay
ang potensya ng ganitong mga pagkilos dahil walang pag-angat sa diskurso.
Ngunit hindi matatawaran ang kapangyarihang ibinibigay ng tsismis sa
naisasantabing uri. Ang tsismis ay unang hakbang lamang nila sa pagsangga sa
mga pwersang pilit na umaapi sa kanila. Isa itong paraan upang maging malay
sila sa mga nangyayari sa kanilang paligid. Ang pagiging mulat at ang kolektibong
paghahanap ng kalutasan sa mga problema sa lipunan ay nagbibigay sa kanila ng
ibayong kapangyarihan para harangin ang mga imposisyon ng mga nasa itaas.
Dahil sa pagnanais na makalaya, maaaring magpatuloy ang tsismis hanggang
sa ang pananalag ay maging ganap na pagbaklas. Patunay ang kasaysayan na
sa panahon ng rebolusyon, walang ibang gagawin ang taong bayan kundi ang
gisingin ang sariling kamalayan, makisangkot at kumilos para sa pagbabago.
Mga Sanggunian
Agoncillo, Teodoro A. Fateful Years: Japan’s Adventure in the Philippines (1941-1945). Lungsod
Quezon: University of the Philippines Press, 2001. Nakalimbag.
Aldaña, Marilou A. “Ang Sikolohikal na Batayan ng Pagsagap sa Bali-balita.” Tao at Lipunan. Mga Ed.
Virgilio G. Enriquez, Pemari Banzuela at Ma. Carmen Galang. Lungsod Quezon: Departamento
ng Sikolohiya, UP, 1974. 147-154. Nakalimbag.
Alvarez, Santiago. The Katipunan and the Revolution: Memoirs of a General. Trans. Paula Carolina S.
Malay. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press, 1992. Nakalimbag.
Baumeister, Roy F., Liqing Zhang, at Kathleen D. Vohs. “Gossip as Cultural Learning.” Review of
General Psychology 8.2 (2004), 111-121, 113. Web. 19 Disyembre 2011.
Camagay, Ma. Luisa T. “Ang Kahalagahan ng Kasaysayang Pasalita.” Kuwentong Bayan Noong
Panahon ng Hapon: Everyday Life in a Time of War. Mga Ed. Thelma B. Kintanar at Clemen C.
Aquino (Lungsod Quezon: University of the Philippines Press, 2006. 249-251. Nakalimbag.
Celoza, Albert F. Ferdinand Marcos and the Philippines: The Political Economy of Authoritarianism.
Connecticut: Praeger Publishers, 1997. Nakalimbag.
Chua, Michael Charleston B. “Ang Panginoong Diyos, ang Inang Bayan, at si José Rizal Ay Iisa!: Ang
Diwang Katutubo na Nanatili sa Mga Kapatirang Rizalista.” Papel na binasa sa kumperensiyang
“Rizal in the 21st Century,” sa GT-Toyota Auditorium, Asian Center, Unibersidad ng Pilipinas
Diliman, 24 Hunyo, 2011. Web. 14 Enero 2014.
Constantino, Renato. The Philippines: A Past Revisited. Lungsod Quezon: Renato Constantino, 1998.
Nakalimbag.

16
MAR ANTHONY S. DELA CRUZ
DiFonzo, Nicholas at Prashant Bordia. Rumor Psychology: Social and Organizational Approaches.
Washington: American Psychological Association, 2007. Nakalimbag.
Enriquez, Virgilio G. “Kapwa: A Core Concept in Pilipino Social Psychology.” Philippine World-
view. Ed. Virgilio G. Enriquez. Singapore: Institute of Southeast Asian Studies, 1986. 6-19.
Nakalimbag.
Foster, Eric K. “Research on Gossip: Taxonomy, Methods, and Future Directions.” Review of Cultural
Psychology 8.2(2004), 78-99. Web. 24 Hulyo 2011.
Gelade, George P. Ilokano-English Dictionary. Lungsod Quezon: CICM Missionaries, Inc., 1993.
Nakalimbag.
Hau, Caroline S. Necessary Fictions: Philippine Literature and the Nation, 1946-1980. Lungsod
Quezon: Ateneo De Manila University Press, 2000. Nakalimbag.
Ileto, Reynaldo C. Filipinos and Their Revolution: Event, Discourse, and Historiography. Lungsod
Quezon: Ateneo de Manila University Press, 1998. Nakalimbag.
---. Pasyon and Revolution: Popular Movements in the Philippines, 1840-1910. Lungsod Quezon:
Ateneo de Manila University Press, 1979. Nakalimbag.
Kaufmann, John. Visayan-English Dictionary (Kapulungan Binisaya-Ininglis). Iloilo: La Editorial,
1934. Web. 18 Setyembre 2013.
Knapp, Robert H. “A Psychology of Rumor.” Public Opinion Quarterly 8 (1944), 22-37.
Laquian, Aprodicio A. “Martial Law in the Philippines to Date.” Binasang papel sa ika-10 taunang
pagpupulong ng Association of Asian Studies, Boston, Massachusetts, 1-3 Abril 1974. Web.
29 Disyembre 2011.
Maggay, Melba Padilla. Pahiwatig: Kagawiang Pangkomunikasyon ng Pilipino. Lungsod Quezon:
Ateneo de Manila University Press, 2002. Nakalimbag.
McKaughan, Howard at Batua Al. Macaraya. A Maranao Dictionary. Maynila: De La Salle University
Press, 1996. Nakalimbag.
McNally, David. Bodies of Meaning: Studies on Language, Labor, and Liberation. New York: State
University of New York Press, 2001. Nakalimbag.
Meñez, Herminia Q. Explorations in Philippine Folklore. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila
University Press, 1996. Nakalimbag.
Nuevo, Marilyn O. “Ang mga Paksa, Layunin, at Ekspresyong Ginagamit sa Paghuhuntahan ng mga
Cebuana.” Tismis: Implikasyon sa Wika at Komunikasyon. Ed. Generoso C. Nastor. Lungsod
Quezon: Kolehiyo ng Agham at Sining, Unibersidad ng Pilipinas, 1980, 4-10. Nakalimbag.
Paz, Consuelo J. “Wika ng Naghaharing-Uri.” Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan. Mga Ed. Pamela
C. Constantino at Monico M. Atienza. Lungsod Quezon: University of the Philippines Press,
1996. 69-78. Nakalimbag.
Peregrino, Jovy M. “Wika at Relihiyon.” Salindaw: Varayti at Baryasyon ng Pilipino. Mga Ed. Jovy
M. Peregrino, Pamela C, Constantino, Nilo S. Ocampo, at Jayson D. Petras. Lungsod Quezon:
Sentro ng Wikang Pilipino, Unibersidad ng Pilipinas, 2012. 223-233. Nakalimbag.
Presidential Decree No. 90 January 6, 1973 Declaring Unlawful Rumor-Mongering and Spreading
False Information. Nasa Philippine Laws and Jurisprudence Databank. Web. 29 Disyembre
2011.
Quindoza-Santiago, Lilia. “Roots of Feminist Thought in the Philippines.” Review of Women’s Studies
5.2 (1996), 159-172. Web. 1 Enero 2014.

17
HASAAN
Rafael, Vicente L. White Love and Other Events in Pilipino History. Lungsod Quezon: Ateneo de
Manila University Press, 2000. Nakalimbag.
Ricarte, Artemio. Himagsikan nang manga Pilipino Laban sa Kastila. Yokohama, 1927. Web. 14 Set.
2013.
Rosnow, Ralph L. at Gary Alan Fine. Rumor and Gossip: The Social Psychology of Hearsay. New York:
Elsevier, 1976. Nakalimbag.
Rubino, Carl R. Galvez. Ilocano Dictionary and Grammar: Ilocano-English, English-Ilocano. Honolulu:
University of Hawaii Press, 2000. Nakalimbag.
Sarmiento, Abraham F. “A Man of Courage.” Parangal kay Diosdado Macapagal, University of Sto.
Tomas Chapel, 25 Abril 1997. Web. 29 Disyembre 2011.
Scott, James C. Domination and the Arts of Resistance: Hidden Transcripts. London: Yale University
Press, 1990. Nakalimbag.
Scott, James C. Weapons of the Weak: Everyday Forms of Peasant Resistance. New Haven: Yale
University Press, 1985. Nakalimbag.
Shibutani, Tamotsu. Improvised News: A Sociological Study of Rumor. Indianapolis: Boobs-Merrill,
1966. Nakalimbag.
Tolentino, Roland B. “Chica-chica, Beso-beso, Seryoso Ka Ba?” Diyaryo Pilipino, Hulyo 31 1989, 7.
Nakalimbag.
Veneracion, Jaime B. “From Babaylan to Beata: A Study on the Religiosity of Pilipino Women” Review
of Women’s Studies 3.1 (1992), 1-15. Web. 14 Enero 2014.
Villasanta, Boy. Exposé: Peryodismong Pampelikula sa Pilipinas. Maynila: UST Publishing House,
2007. Nakalimbag.
Wickham, Chris. “Gossip and Resistance among the Medieval Peasantry.” Past & Present, 60 (1988),
3-24. Web. 31 Hulyo 2011.
Wolff, John U. A Dictionary of Cebuano Visayan. Ithaca, New York: Southeast Asia Program, Cornell
University, 1972. Nakalimbag.
Woods, Damon L. The Philippines: A Global Studies Handbook. Oxford: ABC-CLIO, 2006. Nakalimbag.

18
Ang Paggamit ng Inklusibong Wika sa Filipino
tungo sa Pagtamo ng Inklusibong Edukasyon

Jane K. Lartec, Sheila D. Dotimas,


Carren Mae R. Maraño, Mary Ann P. Pitas,
Jonabeth L. Polido at Kristine L. Senio
Saint Louis University, Baguio City

Si Lartec ay kasalukuyang Abstrak


Kawaksing Dekana ng School Ang inklusibong edukasyon ay tumutukoy sa ka-
of Teacher Education ng Saint gustuhang malampasan ang mga hadlang sa parti-
Louis University, Baguio sipasyon at pagkatuto ng lahat ng mga mag-aaral
City. Nagsilbi rin siya bilang sa paaralan- anuman ang kanilang wika, politikal na
paninindigan o uring kinabibilangan. Upang matamo
Graduate Program Coordina- ito, mahalaga ang papel na ginagampanan ng inklu-
tor at Tagapangulo ng Kaga- sibong wika. Kung kaya, layon ng pag-aaral na suriin
waran ng Filipino. Aktibo ang paggamit ng inklusibong wika sa Filipino ng mga
rin siyang opisyal at kasapi guro sa Paaralan ng Edukasyong Pangguro ng Saint
ng mga samahang pangwika Louis University, Baguio City. Ginamit ang deskripti-
bong pamamaraan upang makuha ang mga datos
tulad ng Philippine Associa- mula sa labing-anim na respondente. Lumabas sa
tion for Language Teaching resulta ng pag-aaral na ang paggamit ng mga guro
(PALT), Sanggunian sa Filipi- ng inklusibong wika sa Filipino ay kalimitang ukol sa
no (SANGFIL) at Wika ng Kul- mga katawagan sa kapansanang pisikal at mental.
tura at Agham, Ink (WIKA). Natuklasan ding nangungunang salik ang ugnayan
ng wika at kultura sa paggamit ng inklusibong wika
Si Dotimas ay Propesor sa tungo sa pagpapatupad ng inklusibong edukasyon.
Antas Gradwado at Di-Grad- Sa huli, ang mga mungkahing pamantayan mula
wado sa Saint Louis Univer- sa mga guro ay nagbibigay ng pansin sa lahat ng
sity, Baguio City. Sinusulat domeyn ng holistikong pagkatuto gaya ng pagkaka-
niya ang kanyang disertasyon roon ng kaalaman, pagpapahalaga at pagsasagawa.
Samakatwid, kailangang bigyang-pansin ang ug-
para sa kursong PhD in nayan ng wika at edukasyon sa pagtamo ng inklu-
Language Education. sibong edukasyon sa lahat ng aspekto at larangan.
Sina Maraño, Pitas, Polido
Mga Susing Salita
at Senio ay mga mag-aaral ng
Filipino sa School of Teacher inklusibong wika, inklusibong edukasyon, inklusi-
bong wika sa Filipino, mga salik sa inklusibong wika
Education, Saint Louis
University.

19
HASAAN
Introduksyon
Ang inklusyon ay isang gawaing edukasyunal na nagpapanukalang lahat
ng mga mag-aaral ay may pantay na pagkakataon at karapatang mabigyan ng
kaukulang edukasyon anuman ang kanilang kalagayan - walang kapansanan
o may kapansanan man. Kailangan silang maging bahagi sa pangkalahatang
edukasyong nakabatay sa kanilang kakayahan at hindi sa kapansanan (Al Zyoudi
4, Forlin 235-45). Kaugnay ito ng pundamental na karapatan ng mag-aaral na
makilahok sa anumang gawaing pampagkatuto (Ulep 6-15).
Maiuugnay ang inklusibong edukasyon sa kagustuhang malampasan
ang mga hadlang na nakasasagabal sa partisipasyon at pagkatuto ng lahat ng
mga bata, anuman ang kanilang lahi, kasarian, kaligirang sosyal, kapansanan
at antas ng pagkatuto sa mga paaralan (Booth at Ainscow 3- 10). Ito ay isang
programang nakatuon sa pagtanggap sa lahat ng uri ng indibidwal upang
malinang ang magandang samahan ayon sa natatanging katangiang taglay ng
bawat isa (UNESCO 1-6). Hangarin nito ang interaksyon sa pagitan ng iba’t
ibang kultura, tradisyon, kasarian, relihiyon, antas sa buhay at iba pa. Layunin
din nitong magkaroon ng mga pagbabago sa sistema ng edukasyon upang
mas maging angkop ang pagtuturo sa sinumang nais matuto. Maisasagawa
ito sa pamamagitan ng pagbibigay-pansin sa kasalukuyang estratehiya at
mga programang tumutugon sa hindi pagkakapantay-pantay, pagkakaroon ng
ugnayan at integrasyon ng mga pagdulog, gayundin ang mga pandaigdigang
balangkas ng iba’t ibang mga ahensiya upang maipalaganap ang adbokasiya,
kaalaman, pagbibigay ng teknikal na tulong at pagpapakilala sa pangunahing
prinsipyo at pangangailangan ng inklusibong edukasyon.
Ang inklusibong edukasyon ay tumutukoy rin sa partisipasyon ng mga
mag-aaral sa proseso ng pagkatutong akademiko at pangkomunidad (Barton
3-4), sa proseso ng paghahanap ng mga kasagutan sa mga problema o
pangangailangan ng bawat isa at sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga
mag-aaral upang mas umangat ang partisipasyon sa pagkatuto at mabawasan
ang diskriminasyon sa edukasyon (Booth at Ainscow 3-10).
Ang mga mag-aaral ay aktibong kalahok sa proseso ng pagkatuto sa
pamamagitan ng asimilasyon at akomodasyong naaayon sa kanilang kakayahan,
kalakasan at kahinaan (sipi nina Corpuz at Lucas kay Piaget 8). Kahit na sila ay
may iba’t ibang wika, kultura, pamumuhay, kawilihan at paraan ng pagkatuto ay
kailangan nila ng kakayahang makisalamuha sa kanilang kapwa (sipi ni Ketley
kay Dewey 1). Sa gayon, nagkakaroon ng kapaki-pakinabang na pagkatuto.

20
LARTEC, DOTIMAS, MARAñO, PITAS, POLIDO, SENIO

Naging prayoridad ang inklusibong edukasyon sa mga usaping pang-


edukasyon sa maraming bansa tulad ng Pilipinas, India, USA, Canada, United
Kingdom at Australia (Angelides 317-327) na makikita sa pagtatag ng mga
polisiyang pang-edukasyon at sa pagsasabatas ng mga ito (Sharma, Forlin, at
Loreman 773-774).
Upang maging matagumpay ang implementasyon ng inklusyon,
mahalagang bigyang pansin ang pagpapahalaga mula sa mga tagapagtaguyod
nito tulad ng pamahalaan, institusyong pangguro, mga paaralan, mga guro at
mga komunidad. Sa kaso ang mga guro, mahalaga ang kanilang pagpapahalaga,
pananaw at aktitud sa tagumpay ng inklusibong edukasyon dahil nakaaapekto
ito sa kanilang pagpapahusay sa implementasyon nito (Avramidis at Norwich
130). Sa gayon, mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga institusyong
pangguro sa pagkakaroon ng positibong aktitud at kasanayan sa pagpapatupad
ng inklusyon dahil sila ang magsasanay sa mga magiging guro sa kinabukasan
(Sharma et.al. 80-84).
Nakapokus din ang inklusibong edukasyon sa pag-unlad ng kultura,
polisiya, mga gawain sa sistemang pang-edukasyon, at mga institusyong pang-
edukasyon upang mabigyang pansin ang pagkakaiba-iba ng kanilang mga mag-
aaral at ang pagtrato sa kanila nang pantay-pantay (Booth at Dyssegaard 6-10).
Dahil dito, mahalaga ang tungkulin ng mga guro sa paglikha ng kapaligirang
makabuluhan sa pagkatuto ng mga mag-aaral kung saan nararamdaman ang
tunay na inklusyon. Nagbubunga ito ng pagsusulong sa iba’t ibang estilo ng
pagtuturo upang maging mas epektibo ang pagkatuto para sa lahat ng uri ng
mag-aaral. Kung kaya nasa ubod ng inklusyon ang konsepto ng pagkapantay-
pantay. Kaugnay nito, wika ang pinakamahalagang kasangkapang ginagamit sa
pagpapaunawa ng mga impormasyon sa mga mag-aaral kaya nararapat ding
maging inklusibo ang wikang ginagamit ng mga guro.
Matagal nang usapin sa edukasyon ang pinakamabisang wika sa
pagkatuto ngunit hindi rin maikakailang ang wika pa minsan ang nagiging
sagka sa pagkakamit nito. Ang paggamit ng inklusibong wika ay nakatutulong
sa pagpapalawak ng partisipasyon ng mga mag-aaral sa proseso ng pagkatuto.
Dahil dito, maaari silang makalikha ng bagong kaalamang magagamit nila sa
paglutas ng mga suliranin sa kanilang pagkatuto.
Mababakas sa ilang pag-aaral ang iba’t ibang larang na nakaugnay sa
paggamit ng inklusibong wika. Isa rito ang tungkol sa epekto ng kasarian sa
wikang pangkasarian nina Parks at Roberton (233-239) na nagpapakitang

21
HASAAN
higit na mas maraming babae ang gumagamit ng inklusibong wika. Binanggit
din ni Nixon (246-250) na kailangang muling maibalik sa mga pamantasan ang
pangmasa at inklusibong wika sa edukasyon na nagpapakita ng moralidad at
layuning pang-akademya.
Isang malaking hamon ng inklusibong wika ang pagpapalawak at
pagpapayaman pa sa ating mga talasalitaan. Magagawa lamang ito kung maging
bukas tayo sa mga pagbabagong nagaganap sa ating kapaligiran (Thorsen
at Becker 1-10) upang mabuo ang inklusibong wika na hindi gumamit ng
mga salitang nagdidiskrimina at lumilinang ng konsepto ng stereotyping.
Samakatuwid, ang inklusibong wika ay may kaugnayan sa konsensiya dahil
ang mga salitang pinipili natin ay may malaking epekto kung paano natin
pakikitunguhan ang isang tao nang may respeto.
Ang kagustuhan natin sa paggamit ng mas inklusibong wika ay
nakatutulong sa atin na maging mulat hindi lamang sa ating kasarian kundi pati
sa ating lahi, antas ng buhay, pagkamamamayan, edad, uri at kalagayan sa buhay
at lahat ng ating pagkiling sa mga bagay-bagay (Handesty 14-16).
Ang wikang Filipino bilang isang wikang buhay ay hindi maikakailang
kasangkot sa usapin ng inklusibong wika. Mas maraming mga katawagan ang
masasabing inklusibo lalo na sa paggamit ng panghalip gaya ng “siya”, di tulad
sa Ingles na lantarang makikita ang panlalaking “he” at pambabaeng “she.” Ilan
pang halimbawa ay ang katawagan sa mga propesyon. Sa wikang Ingles kung
ang tinukoy ay bombero ay tinutumbasann ng “fireman” at ‘firewoman”, ang
salitang pulis ay “policeman” at “policewoman” o sa mga salitang “mankind”
(sangkatauhan), “manpower” (manggagawa), “chairman” (namumuno/pinuno),
“actress/actor” (gumaganap), “waitress/waiter” (tagapagsilbi). Gayunpaman,
marami ring mga salitang diskriminatibo lalo na sa mga aspektong may
kaugnayan sa kapansanan o kakulangan. Ilang halimbawa nito ay ang lantarang
pagbanggit sa kapansanan ng indibidwal tulad ng “bulag”, “pipi”, “bingi”, “bobo”,
“tanga”, at iba pa na nakakasakit sa damdamin.
Ang Filipino ay isang katutubong wika na nililinang mula sa panghihiram
ng mga wikang katutubo at di-katutubo sa bansa (Garcia et al. 44). Bukas ito sa
pagtanggap sa mga paraan ng pagpapahayag na mula sa iba’t ibang rehiyon. Sa
pamamagitan ng pagpapayaman ng korpus ng ating wika ay mapapaigting itong
kabahagi sa lahat sa larangan ng pagkatuto at sa pagsusulong sa mga pagbabago
sa isang lipunang mapanghusga.
Mapapansin sa mga inilahad na kaugnay na literatura na wala pang pag-

22
LARTEC, DOTIMAS, MARAñO, PITAS, POLIDO, SENIO

aaral na hinggil sa paggamit ng inklusibong wika sa Filipino. Bilang panimulang


pagsusuri sa paggamit ng inklusibong wika, bibigyang-pansin ng papel ang
paggamit ng mga guro ng inklusibong wika na magsisilbing pundasyon sa
paggawa ng mga pamantayan at lalong pagpapalawak sa kaalaman ng konsepto
ng inklusibong edukasyon.
Layunin ng pag-aaral na suriin ang paggamit ng inklusibong wika sa Filipino
ng mga guro; ihanay ang mga salik sa paggamit ng inklusibong wika sa Filipino;
at makabuo ng mga mungkahing pamantayang gagamitin sa pagpapatupad ng
inklusibong wika sa Filipino tungo sa pagtatamo ng inklusibong edukasyon.
Metodolohiya
Disenyo ng Pananaliksik. Ginamit ang deskriptibong pamamaraan sa
pananaliksik upang matalakay ang paglalarawan sa mga uri ng inklusibong wika
sa Filipino na ginagamit ng mga guro gayundin ang mga salik na nakaaapekto sa
kanilang paggamit ng inklusibong wika.
Lugar at Respondente. Isinagawa ang pananaliksik sa Paaralan ng
Edukasyong Pangguro ng Saint Louis University, Baguio City. Ang Saint Louis
University lamang ang pamantasang may opisina ng Institute of Inclusive
Education sa buong Pilipinas na ang adbokasiya ay tungo sa pagpapalaganap
ng inklusibong edukasyon. Gayundin, kasama ang kursong Inclusive Education
bilang isa sa mga asignatura ng mga mag-aaral sa kursong Edukasyon. Dahil dito,
gumagawa ang paaralan ng mga pamamaraan upang lalong maisakatuparan ang
pagkakaroon ng inklusibong edukasyon. Bahagi nito ang pagkakaroon ng mga
guro ng mabuting pananaw, pilosopiya at adbokasiya tungkol sa inklusibong
edukasyon.
Kalahok sa pananaliksik ang labing-anim na mga guro sa Paaralan ng
Edukasyong Pangguro. Sila ang napiling respondente dahil sila ang nakaaalam
sa pilosopiya ng inklusibong edukasyon. Bahagi ito ng kanilang oryentasyon sa
bawat semestre. Mayroon ding mga serye ng taunang pagsasanay na ibinibigay
sa mga guro ng Paaralan ng Edukasyong Pangguro mula sa Institute of Inclusive
Education. Bilang mga guro rin sa syudad ng Baguio na tinaguriang ‘melting
pot’ ng Norte, nalalantad sila sa iba’t ibang uri ng mga mag-aaral. Malaking
bahagdan ng mga mag-aaral ang mga taga-Cordillera. Mayroon ring mga galing
sa kalapit na mga probinsya tulad ng La Union, Pangasinan, rehiyong Ilocos,
Pampanga, kasama na rin ang mga dayuhan tulad ng mga Koreano, Amerikano,
Indonesian at iba pa. Ang pagkakaiba-iba ay lalong magbibigay ng kabuluhan
sa pagpapaigting ng paggamit ng inklusibong wika upang maiwasan ang

23
HASAAN
diskriminasyon sa pagitan ng mga mag-aaral. Hindi lamang ang mga mag-aaral
ang nanggaling sa iba-ibang lugar kundi pati rin ang mga guro.
Kasangkapan sa Pangangalap ng Datos. Nangalap ng mga datos gamit
ang pakikipanayam at mga talatanungan. Sa bahagi ng panayam, naging pokus
ng mga tanong ang mga paksang may kaugnayan sa paggamit ng mga guro
ng inklusibong wika sa Filipino, gayundin ang paraan at dalas ng kanilang
gamit nito. Hinalaw ang mga mahahalagang ideya at mga konsepto mula sa
pamantayan sa inklusibong wika na ginamit ng Kagawaran ng Edukasyon
ng Tasmania (1-10). Nahahati sa dalawang mahahalagang bahagi ang
talatanungan. Ang unang bahagi ay binubuo ng 20 aytem na tumitiyak sa mga
salik na nakaaapekto sa paggamit ng inklusibong wika ng mga guro. Iniantas
nila ito ayon sa apat na iskala: 4 – Lubos na Lubos na Nakaaapekto, 3 – Lubos
na Nakaaapekto, 2 – Bahagyang Nakaaapekto at 1 – Hindi Nakaaapekto. Ang
ikalawang bahagi naman ay ukol sa nabuong mungkahing pamantayan para sa
pagtamo ng inklusibong edukasyon batay sa mga tugon ng mga respondente.
Isinagawa ang validity test sa mga gurong nagtuturo ng inklusibong
edukasyon na may kaalaman sa wikang Filipino at ang reliability test ay
isinagawa ng mga gurong nagtuturo ng Filipino sa pamantasan na nakapagturo
na sa Paaralan ng Edukasyong Pangguro. Ang huli ay may mataas na resultang
0.91 ayon sa Chronbach Alpha.
Pamamaraan sa Pangangalap ng Datos. Upang makakalap ng impormasyon,
humingi ang mga mananaliksik ng pahintulot mula sa Dekana ng Paaralan ng
Edukasyong Pangguro. Bago isinagawa ang pakikipanayam, ipinaliwanag sa
mga respondente ang layunin ng pananaliksik. Tiniyak sa mga respondente
na maaari silang tumanggi sa pagsagot ng mga tanong kung hindi nila gusto
at maaari rin silang huminto sa panayam anumang oras. Naipaliwanag rin sa
kanila na boluntaryo ang paglahok nila sa panayam (Fraenkel at Wallen 465-
468). Isa hanggang dalawang oras ang panahong ginugol sa pakikipanayam.
Pagsusuri ng Datos. Tiniyak ng mga mananaliksik ang kawastuhan ng
transkripsyon sa pamamagitan ng corrective listening (Flick et al. 616). Pinasuri
ang transkripsyon sa mga respondente para sa anumang pagwawasto. Mula
sa transkripsyon, sinuri ng mga mananaliksik ang mga mahahalagang pahayag
at pinagsasama-sama ang magkakatulad upang makabuo ng kaukulang tema
(Patton 201-205).
Ginamit ang frequency counts, weighted mean at pagraranggo para
sa panunuri sa mga salik sa pagpapatupad ng inklusibong wika. Binigyan ng

24
LARTEC, DOTIMAS, MARAñO, PITAS, POLIDO, SENIO

interpretasyon ang pagraranggo. Sa huli, tinaya naman ng mga mananaliksik


ang mga magkakaugnay na mungkahing ibinigay ng mga respondente tungkol sa
pamantayan sa paggamit ng inklusibong wika sa Filipino tungo sa pagkakaroon
ng inklusibong edukasyon.
Resulta at Diskusyon
Nahahati sa tatlong bahagi ang pagtalakay sa resulta ng pananaliksik
batay sa inilahad na mga layunin ng pag-aaral: paggamit at paraan ng mga
guro ng inklusibong wika sa Filipino; mga salik na nakaaapekto sa paggamit
ng inklusibong wika sa Filipino; at mungkahing pamantayan sa epektibong
paggamit at pagpapatupad ng inklusibong wika tungo sa ganap na inklusibong
edukasyon.
Binigyang-pansin ang antas ng kadalasan ng paggamit ng mga guro sa
inklusibong wika na nailahad sa Talahanayan 1.
Talahanayan 1:Dalas ng Paggamit ng Inklusibong Wika sa Filipino
Tradisyunal Mga Inklusibong wika sa Filipino sa WM I R
Inklusibong Edukasyon
1. Bulag taong may kapansanan sa paningin 2.94 MsG 1
2. Pipi taong may kapansanan sa pananalita 2.88 MsG 2.5
3. Bingi taong may kapansanan sa pandinig 2.88 MsG 2.5
4. Lumpo taong may kapansanang maglakad 2.31 MnG 7.5
5. Pilay taong may kapansanan sa paglalakad 2.44 MnG 5
6. Bobo taong may kahinaan sa pag-unawa 2.50 MsG 4
7. Tanga taong may kakulangan sa pag-unawa 2.25 MnG 9
8. Pangit taong hindi kagandahan 2.31 MnG 5
9. Tamad taong hindi produktibo 2.06 MnG 12.5
10. Matanda taong may edad 2.19 MnG 10
11. Mataba taong malusog 2.38 MnG 6
12. Payatot taong balingkinitin 2.13 MnG 11
13. Duling taong may kapansanan sa paningin (cross-eyed) 2.16 MnG 12.5
14. Sakang taong may pagitan ang hita sa paglalakad 1.56 HG 14.5
15. Piki taong nagkakasundo ang mga tuhod sa 1.56 HG 14.5
paglalakad
Kabuuan 2.3 MnG
• 3.25 – 4.00 – Palaging Ginagamit (PG)
• 2.50 – 3.24 – Madalas na Ginagamit (MsG)
• 1.75 – 2.49 – Madalang na Ginagamit (MnG)
• 1.00 – 1.74 – Hindi Ginagamit (HG)

25
HASAAN
Nangunguna ang “taong may kapansanan sa paningin” (2.94) habang
ang “taong may kapansanan sa pananalita” at ang “taong may kapansanan sa
pandinig” ay pumapangalawa (2.88) at pang-apat ang “taong may kahinaan
sa pag-unawa” (2.50). Mahihinuhang ang nakakuha ng mataas na ranggo na
madalas na ginagamitan ng inklusibong wika ay ang mga nakakasagabal sa
proseso ng pagkatuto. Samantala, nahuhuli ang “taong may pagitan ang hita
sa paglalakad” at “taong nagkakasundo ang mga tuhod sa paglalakad” (1.56)
na may interpretasyong Hindi Ginagamit (HG). Ipinahihiwatig nito na hindi
naging suliranin sa klasrum ang mga taong may kapansanan sa paglalakad kaya
hindi gaanong pinapansin ng mga guro ang kanilang kapansanan. Maiuugnay
ang resulta ng talahanayan sa tatlong mahahalagang temang lumabas mula sa
pakikipanayam sa respondente.
Paggamit ng mga inklusibong pahayag ukol sa pisikal na katangian.
Marami sa mga respondente ang nagsabi na ang mga salitang tumutukoy sa
kapansanang pisikal ang lantarang kakikitaan ng paggamit nila ng inklusibong
wika. Makikita ito sa ilang pahayag ng mga respondente:

“Ang kadalasan kong ginagamit na inklusibong wika sa Filipino ay


ang mga salita tulad ng ‘taong may kapansanan sa paningin’, ‘taong may
kapansanan sa pandinig’, ‘taong may kapansanan sa pananalita.”

Kadalasan, ang mga kapansanan ang pinakaunang napapansin ng mga


guro ngunit, mas minamabuti nilang gumamit ng mga salitang nagbibigay-
pansin sa kanilang katauhan bago ang kanilang kapansanan. Mula noong
naitatag ang opisina ng Inklusibong Edukasyon sa pamantasan, naging daan ito
sa pagtanggap sa paaralan ng mga mag-aaral na may kapansanan sa paningin,
pandinig at iba pa. Ito ang dahilan kung bakit nalalantad ang mga guro sa
naturang mga kapansanan at nasasanay na rin sila sa madalas na paggamit ng
mga salitang may kaugnayan dito. Ang paggamit nila ng mga inklusibong wika
ay isa ring paraan upang mas aktibong makibahagi ang mga may kapansanan
sa klase.
Paggamit ng mga inklusibong pahayag ukol sa abilidad ng mag-aaral. Ayon
sa mga guro, binibigyan rin nila ng pansin ang mental na kakayahan ng mga
mag-aaral kaugnay ng kanilang akademikong pagganap sa klase. Ilan sa mga
halimbawa na binanggit nito ay ang paggamit ng salitang ‘taong may kahinaan
sa pag-unawa’ sa halip na ‘bobo’, ‘taong may kakulangan sa pag-unawa’ sa
halip na ‘tanga’ at ‘taong hindi produktibo’ sa halip na ‘tamad.’ Ayon sa isang
respondente, “ang paggamit ko ng pahayag na ‘taong may kahinaan sa pag-
unawa’ kahit papaano ay nakakabawas ng mabigat na datíng sa mga mag-aaral’.

26
LARTEC, DOTIMAS, MARAñO, PITAS, POLIDO, SENIO

Dagdag pa ng karamihan, hindi maikakailang may mga mag-aaral na hindi


nakauunawa sa paliwanag o kaya’y bumabagsak sa klase kaya minamabuti
nilang gamitin ang mga pahayag na hindi lubos na nakapagpapababa ng
paningin ng mga mag-aaral sa kanilang sariling kakayahan.
Paggamit ng mga salitang kaugnay ng rehiyonalismo. Ayon sa mga
respondente, kadalasang ginagamit nila ang inklusibong wika sa Filipino
upang hikayatin ang pagtanggap sa anumang uri at etnikong pangkat: ‘Hindi ko
ginagamit ang mga salitang ‘barriotic’ dahil alam kong nakakasakit ito lalo na sa
mga mag-aaral na galing sa probinsiya.’ Sa pananaw rin ng isang respondente,
‘Dahil ang rehiyong Cordillera ay isang multilinggwal at multikultural na rehiyon,
kadalasan ang mga galing sa mga liblib na pook ang binabansagan ng mga
salitang minsan ay hindi katanggap-tanggap.’ Para sa ibang respondente, ang
pagiging multilinggwal at multikultural ng rehiyong Cordillera ay nakabubuti
sa pagsusulong ng inklusibong wika. May nagsabing, ‘dahil ako ay isang
Cordilleran, hindi isyu sa akin ang pagkakaroon ng maraming wika at maraming
kultura, bagkus ito ay isang bentahe para sa bawat mag-aaral upang respetuhin
ang kultura at paniniwala ng ibang tao.’ Sang-ayon din ang ilang respondente
sa paniniwalang ang mga guro at mag-aaral na lantad sa maraming wika at
kultura ay may positibong pananaw sa pagtanggap ng pagkakaiba-iba dahil
nararanasan nila ang kanilang kaibahan. Isa pang maaaring kahulugan nito ang
katotohanang hindi naging suliranin sa loob at sa labas ng klasrum ang mga taong
kabilang sa iba’t ibang pangkat etniko dahil hindi naman gaanong nakaaapekto
sa kanilang pagkatuto ang kanilang lahi. Kung gayon, hindi na nila kailangang
gumamit pa ng inklusibong wika upang tukuyin ang naturang sitwasyon. Sa
kabuuan, gumagamit ang mga guro ng inklusibong wika sa Filipino sa kanilang
pagtuturo at komunikasyon. Ngunit, hindi nila madalas ginagamit ang mga
pahayag na ito. Nangangahulugan itong kahit may alam sila sa pilosopiya ng
inklusibong edukasyon ay hindi pa gaanong naipapamalas sa paggamit nila ng
inklusibong wika. Ayon din sa resulta ng pag-aaral, ang pagbibigay halaga sa
katauhan bago ang kanilang kakulangan o kakayahan ang saligan ng paraan
ng paggamit ng mga respondente ng inklusibong wika sa Filipino. Sumasang-
ayon ito sa isang mahalagang kaisipang nakapaloob sa konsepto ng inklusibong
edukasyon na igalang ang isang tao sa pamamagitan ng pagtukoy muna sa
kanya bilang isang tao bago isunod kung ano man ang kanyang kapansanan,
kahinaan at kakulangan (Johnson 72-74). Sa ganito rin umiikot ang naging
ideya nina Thorsen at Becker (1-10) sa kanilang pagtingin na ang mga salitang
pinipiling gamitin ay may malaking epekto sa pagtrato sa isang indibidwal.
Likas na sa isang taong magkaroon ng hangaring igalang ng kapwa. Bawat isa ay

27
HASAAN
naghahangad na tanggapin ng lipunang kanyang kinabibilangan. Kaugnay rin ito
ng usapin ng multikultural na edukasyon kung saan ang pangunahing layunin
ay ang pagpahahalaga sa edukasyon at ang tagumpay ng bawat mag-aaral lalo
na sa mga hindi masyadong pinapansin o sa mga taong napapabilang sa mga
etnikong pangkat at ang hindi nabibigyan ng pagkakataong makapagkamit ng
edukasyon (sipi ni Espique kay Nieto 55-59).
Mga Salik na sa Paggamit ng mga Inklusibong Wika sa Filipino
Inilalahad sa Talahanayan 2 ang mga salik na nakaaapekto sa paggamit ng
mga inklusibong wika sa Filipino sa inklusibong edukasyon.

Nilalaman WM I R
Salik para sa mga Mag-aaral
01. Kinagisnang kultura at relihiyon 2.87 LN 1
02. Kalakasan at kahinaan sa paggamit ng wika 2.68 LN 4
03. Kawilihan o interes sa kanilang pagkatuto 2.62 LN 7
04. Paraan ng pakikisalamuhasa kanyang kapwa 2.56 LN 8
05. Kawalan ng partisipasyon sa akademikong gawain 2.68 LN 4
06. Pagkakaiba-iba ng kasarian 1.87 BN 20
07. Pagkakaiba-iba ng talino 2.5 LN 11
08. Antas ng pamumuhay 1.93 BN 19
09. Taglay na kakayahan at talento 2.31 BN 15.5

10. Pagkakaiba-iba sa estilo ng pagkatuto 2.37 BN 13


11. Sariling paraan ng pagpapahayag ng mga kaisipan o ideya 2.25 BN 17
12. Unang wika na ginagamit ng mga mag-aaral 2.37 BN 13
13. Pagkakaiba-iba ng wika ng mga mag-aaral 2.37 BN 13
14. Hindi angkop na paggamit ng mga salita ng mga mag-aaral 2.68 LN 4
15. Pagkakaiba-iba ng edad 2.06 BN 18
Salik para sa Guro
16. Kaalaman sa inklusibong edukasyon 2.68 LN 4
17. Pagpapahalaga sa inklusibong edukasyon 2.68 LN 4

18. Kalikasan ng asignaturang itinuturo 2.31 BN 15.5


19. Pagdalo sa mga palihan sa inklusibong edukasyon 2.56 BN 9
20. Pagdalo sa mga seminar tungkol sa inklusibong edukasyon 2.56 BN 9
Kabuuan 2.45 BN

• 3.25 – 4.00 – Lubos na Lubos na Nakaaapekto (LLN)


• 2.50 – 3.24 – Lubos na Nakaaapekto (LN)
• 1.75 – 2.49 – Bahagyang Nakaaapekto (BN)
• 1.00 – 1.74 – Hindi Nakaaapekto (HN)

28
LARTEC, DOTIMAS, MARAñO, PITAS, POLIDO, SENIO

Batay sa talahanayan, isinasaalang-alang ng mga respondente ang salik


na kultura at relihiyon ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga inklusibong wika.
Gaya ng nabanggit, ang syudad ng Baguio ay isang multilinggwal at multikultural
na komunidad kaya mahalaga sa mga guro na bigyang-pansin ang salik ng
pagkakaibang ito sa mga mag-aaral upang gamitin at maiangkop nila ang mga
terminong kanilang ginagamit sa kultura at relihiyon ng mga mag-aaral.
Mapapansin din sa mga salik na mas marami ang nakapokus sa pagganap
ng mga mag-aaral sa loob ng klase gaya ng kanilang kalakasan at kahinaan,
kawalan ng partisipasyong akademiko at ang kanilang pakikisalamuha sa
kanilang kapwa mag-aaral. Mahalaga kung gayon ang partisipasyon ng mga
mag-aaral sa loob ng klase gayundin ang kanilang pakikipag-ugnayan sa
kanilang kapwa mag-aaral at ng kanilang guro upang ganap na maisakatuparan
ang paggamit ng inklusibong wika sa edukasyon.
Holistikong pagkatuto ang pinakalayunin ng edukasyon kaya para sa mga
guro, kailangan nilang bigyan ng pansin ang iba’t ibang katangian at kalikasan
ng kanilang mga mag-aaral upang maiangkop nila ang paggamit nila ng
inklusibong wika sa proseso ng kanilang pagtuturo. Sinasang-ayunan din ito ng
aspektong pangguro na makikita sa mga pahayag na ang kaalaman ng mga guro
sa konsepto ng inklusibong edukasyon gayundin ang kanilang pagpapahalaga
rito ay mapapansing mahalagang salik sa pagsasakatuparan ng inklusibong
wika.
Samantala, nahuhuli sa lahat ng salik ang pagkakaiba-iba ng kasarian
ng mga mag-aaral (1.88). Ipinahihiwatig nito na hindi gaanong suliranin sa
paggamit ng inklusibong wika sa Filipino ang pagkakaiba-iba ng kasarian.
Maiuugnay ito sa nabanggit na sa wikang Filipino, mas patas ang pagtingin o
paggamit ng inklusibong wikang kaugnay ng kasarian dahil hindi nakikita ang
tahasang pagkakaiba ng mga ito kumpara sa ibang wika tulad ng Ingles.
Makikita sa kabuuan ang resulta ng weighted mean na 2.41 na may
interpretasyong Bahagyang Nakaaapekto (BN) ang mga inihanay na salik. Ayon
sa mga respondente, bahagya ito dahil hindi pa masyadong malay ang mga guro
na may ipinatupad na inklusibong edukasyon dito sa Pilipinas.
Ang pangunahing salik na nakaaapekto sa paggamit ng inklusibong wika sa
Filipino ay ang iba’t ibang kinagisnang kultura at relihiyon ng bawat mag-aaral,
ang kalakasan at kahinaan ng isang mag-aaral sa paggamit ng wika, kawalan
ng partisipasyon ng mga mag-aaral sa akademikong gawain ang hindi angkop
na paggamit ng mga salita ng mga mag-aaral, ang kawilihan o interes ng mga

29
HASAAN
mag-aaral at pagpapahalaga ng guro sa inklusibong edukasyon. Ang resultang
ito ay sang-ayon sa mga naunang pag-aaral, habang ang wika ay nagpapakita
ng realidad, may bisa rin ang wika sa realidad (Department of Education of
Tasmania 1-10). Matagal nang usapin ang tungkol sa kultura na tumutukoy
sa magkakahalong kabuuan kasama ang mga kaalaman, paniniwala, sining,
moralidad, batas, kaugalian at iba pang kakayahan at kinasanayan ng tao bilang
kasapi ng pamayanan. Napakahalagang bahagi nito, na bubuo sa pagkatao ng
isang indibidwal kung kaya’t nararapat lamang na isaalang-alang ng guro sa
pagtuturo upang maging kapaki-pakinabang at makatotohanan ang pagkatuto.
Mahalaga ring usapin ang mga salik na may kaugnayan sa mga mag-aaral
kung saan nakita ang kawalan ng interes ng mag-aaral at ang hindi paggamit ng
mag-aaral ng angkop na salita. May kaugnayan ito sa tamang motibasyon. Dahil
dito, kailangang isaalang-alang din ng guro ang pagpukaw ng interes ng mga
mag-aaral sa pamamagitan ng mga estratehiya hindi lamang sa pagtuturo at sa
paggamit ng wika. Sa bahagi ng wika, salik rin kung una o pangalawang wika
ng isang bata ang ginagamit sa pagkatuto. Malaki ang nagagawa ng unang wika
sa paglinang ng tiwala at kagalingan ng mga mag-aaral (Malone 1-7). Sinasabi
rin na ang mga suliraning kaugnay sa pag-aalinlangan at pagkakamali ng isang
mag-aaral na magpahayag hinggil sa isang mahalagang usapin ay mababawasan
kung bihasa siya sa wikang kanyang ginagamit sa pagpapahayag.
Dagdag pa, mahalaga rin ang kaalaman at pagpapahalaga sa usapin
ng inklusibong edukasyon ng mga guro. Ang pagkakaroon ng asignatura, ng
Institute of Inclusive Education, seminar hinggil sa inklusibong edukasyon sa
paaralan ng edukasyong pangguro at ang mismong pagiging bahagi nito sa
bisyon at misyon ng pamantasan ay nakatutulong sa pagkamulat ng mga guro.
Mungkahing Pamantayan sa Pagpapatupad ng Inklusibong Wika sa Filipino
Tungo sa Inklusibong edukasyon
Mahalaga ang papel ng wika sa pagtatamo ng inklusibong edukasyon kaya
nararapat na magkaroon din ng malinaw na tuntunin kaugnay ng paggamit
at pagpapatupad ng inklusibong wika dahil nakasisira ang mga wikang
diskriminatori sa iba at sa kanilang trabaho at pagkatuto (Department of
Education of Tasmania 1-10).
Ang paglikha ng pamantayan ay humihimok sa mga mag-aaral na aktibong
pag-isipang mabuti ang wikang kanilang ginagamit. Kaugnay nito, hindi
matatawaran ang kahalagahan ng paggamit ng inklusibong wika sa Filipino
ng mga guro ng inklusibong edukasyon para sa mas malawakang pagkatuto ng

30
LARTEC, DOTIMAS, MARAñO, PITAS, POLIDO, SENIO

mag-aaral. Narito ang buod ng mga pamantayang iminungkahi ng mga guro:


1. Kailangan ang aktibong pagdalo ng mga guro sa mga pagsasanay ukol sa
inklusibong edukasyon gaya ng ibinibigay ng Paaralan ng Edukasyong Pangguro
ukol sa tamang pagpapadaloy ng isang inklusibong klase.
2. Maging malikhain ang mga guro sa kanilang pagtuturo bilang tulong sa
pagpapatupad ng inklusibong wika upang matugunan ang pangangailangan ng
mga mag-aaral sa proseso ng kanilang pagkatuto.
3. Kilalanin ang kultura at komunidad dahil may malaki itong papel na
ginagampanan sa paggamit ng isang tao sa wika. Sa pamamagitan nito ay
kinikilala ang pagkakaiba-iba ng bawat isa.
4. Maging maalam sa paggamit ng wika at kalikasan nito. Sa ganitong
paraan ay maiiwasan ang paggamit ng wika sa anyong nakasasakit ng damdamin.
Mapapansin sa naitalang mungkahi ang iba’t ibang aspekto na isinasaalang-
alang upang ganap na maipatupad ang paggamit ng inklusibong wika sa Filipino.
Kung susuriin ang mga pahayag, binigyang-pansin ng mga guro ang lahat ng
domeyn ng pagkatuto tulad ng kaalaman, pagpapahalaga at pagsasagawa. Ayon
sa mga guro, hindi lamang sapat na magkaroon sila ng kaalaman hinggil sa
inklusibong wika sa pamamagitan ng pagsasanay at pag-alam sa tungkulin ng
wika, kundi mahalaga rin ang pagpapahalaga at ang aktibong pagpapatupad
nito.
Sa mga pamantayang nabuo, maipapaloob ang mahahalagang konseptong
unibersal na tinatanggap ng nakararami, anumang lahi, relihiyon, kasarian,
kalagayan sa buhay, antas ng edukasyong natamo, paniniwala at iba pa. Bagaman
may mga pamantayan nang nalathala ay mainam ding tingnan ang mga tiyak na
pamantayan na malilinang mula sa mga kasagutan ng mga naging kasangkot sa
pag-aaral lalo pa at mga guro ang nagsilbing respondente; hindi maikakailang
ang kanilang karanasan at sariling pananaw ay may malaking epekto sa mga
mag-aaral.
Konklusyon
Malaki ang papel na ginagampanan ng paggamit ng inklusibong wika sa
pagkakaroon ng inklusibong edukasyon. Magkaugnay ang wika at edukasyon,
kaya kung magagamit ang mga inklusibong wikang ito sa angkop na sitwasyon,
matatamo ang tunguhin ng inklusibong edukasyon.
Kailangang isaalang-alang ang mga salik na nakaaapekto sa paggamit
ng mga inklusibong wika upang mabigyan ng kaukulang pansin ng mga guro

31
HASAAN
ang angkop na paggamit nito. Batay sa resulta ng pag-aaral, hindi madalas
na gumagamit ang mga guro ng inklusibong wika sa Filipino. Kung gayon,
mahalagang bigyang-pansin ang iba’t ibang paraan kung paano nila malalaman
ang angkop na mga inklusibong wikang nararapat gamitin sa mga mag-aaral.
Ang ganap na pagpapatupad ng inklusibong wika sa pagtatamo ng
inklusibong edukasyon ay magbubunga ng makabuluhang epekto sa iba’t ibang
aspekto tulad ng kaaya-ayang kalagayan sa klase na nagdudulot ng epektibong
proseso ng pagtuturo at pagkatuto. Sa usapin ng inklusibong wika sa Filipino,
lalong kailangang bigyang-halaga ang iba’t ibang wika ng bansa upang
makatulong sa pagbuo at pagkakatatag ng wikang pambansa na naiintindihan
at natatanggap ng lahat. Ang pagkilala at pagpapahalaga sa pagkakaiba-iba ng
bawat isa sa lahat ng aspekto ang magpapaigting sa kamalayan ng bawat mag-
aaral. Ang kamalayang ito ang maghuhubog sa kanila tungo sa mas malawak na
edukasyon at mas magalang na pakikipamuhay.

Mga Sanggunian
Al-Zyoudi, Mohammed. “Teachers’ Attitudes Towards Inclusive Education in Jordan Schools.”
International Journal of Special Education 1.2 (2006): 4. Nakalimbag.
Angelides, Panayiotis. “Patterns of Inclusive Education Through the Practice of Student Teachers.”
International Journal of Inclusive Education 12. 3 . (2008): 310-327. Nakalimbag.
Avramidis, Elias. at Norwich, Brahm. “Teachers Attitudes Towards Integration/Inclusion: A Review
of the Literature,” European Journal of Special Needs Education 17.2 (2002): 130. Nakalimbag.
Barton, Michelle. L. “Teachers’ Opinion on the Implementation and Effects of Mainstreaming. “ ERIC
Database. 13, Pebrero 1997. Web. 21 Setyembre, 2013.
Booth, Tony at Ainscow, Mel. Index of Inclusion: Developing Learning and Participation In Schools.
Bristol: Centre for Studies on Inclusive Education (CSIE). 21, Pebrero 1998. Web. 28 Agosto,
2013.
Booth, Tony at Dyssegaard, Birgit. Quality is not Enough, The Contribution of Inclusive Values to the
Development of Education For All. Copenhagen, Danida. 6, 0ctobre 2008. Web. 18 Hunyo,
2013.
Corpuz, Brenda at Lucas, Maria Rita. Facilitating Learning: A Metacognitive Process. Quezon City:
Lorimar Publishing Inc., 2007. Nakalimbag.
Department of Education of Tasmania. “Guidelines for the Use of Non-discriminatory Language”
Language Matters. 23, Marso 2008. Web. 17 Enero, 2012.
Espique, Felina., et al. “Training Student Teachers toward Multiculturalism”. Baguio City: Saint
Louis University Researh Journal. 40.2. (2009): 55-59. Nakalimbag.
Flick, Uwi., et al. A Companion to Qualitative Research. Translated by Bryan Jenner. London: Sage
Publications Ltd. 2004. Nakalimbag.
Fraenkel, Jack. at Wallen, Norman. How to Design and Evaluate Research in Education (6th Ed.) New
York: Mac Graw Hill Co., 2006. Nakalimbag.

32
LARTEC, DOTIMAS, MARAñO, PITAS, POLIDO, SENIO
Forlin, Chris. “Inclusion: Identifying Potential Stressors for Regular Teachers.” Educational
Research, 43.3 (2001). 235-45.Nakalimbag.
Garcia, Lakandupil. et al. Tinig: Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Malabon: Jimcyville
Publications, 2011. Nakalimbag.
Handesty, Nancy. Inclusive Language in the Church. Atlanta Georgia. John Knox Press, 1987.
Nakalimbag.
Jacobs, Richard. “Educational Research.” 16, Abril 1983. Web. 20 Nobyembre, 2013.
Johnson, Genevieve. “Inclusive Education: Fundamental Instructional Strategies and Considerations.
Preventing school failure.” Taylor and Francis 72 (1999): 72-78 Nakalimbag.
Ketley, Catherine. Proponents of Theories of Inclusive Education. 16, Marso, 2007. Web. 15 Hunyo,
2011.
Malone, Susan. Developing Teaching at Learning Materials For MT-Based Multilingual Education.
SIL: Bangkok, Thailand, 2007. Nakalimbag.
Nixon, Jon. “Education for the good society: The Integrity of Academic Practice.” London Review of
Education 2:3 (2004): 246-50. Nakalimbag.
Parks, Janet. B. at Roberton, Maryann. “Attitudes Toward Women Mediate the Gender Effect on
Attitudes Toward Sexist Language.” Psychology of Women Quarterly 28 (2004): 233-39.
Nakalimbag.
Patton, Michael Quin. Qualitative Evaluation and Research Methods (2nd ed.). CA: Sage, 10, Mayo
1990. Web. 2 Setyembre, 2013
Sharma, Umesh, Forlin, Chris, at Loreman, Tim. “Impact of Training on Pre-ServiceTeachers’
Attitudes and Concerns About Inclusive Education and Sentiments About Persons with
Disabilities.” Disability and Society 23.7 (2008): 773- 74. Nakalimbag.
Sharma, Umesh, Forlin Chris, Loreman Tim, at Earle C. “Pre-Service Teachers’ Attitudes, Concerns,
and Sentiments About Inclusive Education: An International Comparison of Novice Pre-
Service Teachers.” International Journal of Special Education 21.2 (2006) 80- 84.Nakalimbag.
Theoharis, George. et al. “Teaching Pre-Service Teachers to Design Inclusive Instruction: A Lesson
Planning Template.” International Journal of Inclusive Education 12 (2008). 381-399.
Nakalimbag.
Thorsen, Don at Becker, Vivian. Inclusive Handbook: A Practical Guide to Using Inclusive Language.
31 Enero, 2006. Web. 24 Agosto 2012.
Ulep, Lilian. “Inclusive Education in the Elementary level, Division of Benguet.” M.A. Thesis.
University of the Cordilleras, Baguio City, 2006. Nakalimbag.
UNESCO. “Education Sector Technical Notes: Inclusive Education.” 8, Hunyo, 2013. Web. 23
Nobyembre, 2013.

33
HASAAN
Betad Pedlegamit:
Isang Pag-aaral sa mga Varyasyon ng Wikang Subanen
sa Zamboanga Peninsula

Julieta A. Cruz-Cebrero
JH Cerilles State College, Zamboanga Del Sur

Si Cebrero ay propesor sa Abstrak


College of Arts and Sciences Ang mga Subanen ay isa sa mga etnikong
sa JH Cerilles State College pangkat na naninirahan sa Zamboanga Pen-
(JHCSC), Mati, San Miguel, insula. Isinagawa ang pag-aaral upang mala-
Zamboanga del Sur. Nagta- man ang linggwistikong pagkakaiba sa wikang
Subanen na ginagamit sa Lapuyan, Zamboanga
pos ng Doktor ng Pilosopiya del Sur at sa Sindangan, Zamboanga del Norte.
sa Filipino sa Mindanao State Kinalap ang mga katawagang kultural sa siklo
University- Iligan Institute of ng buhay, pangkabuhayan at pananampalataya
Technology, Iligan City. Na- sa pamamagitan ng pamamaraang indehinus
kapokus ang kanyang mga nina Santiago at Enriquez. Sinuri ang mga ito
gamit ang kwalitatibo, kwantitatibo at deskrip-
papel-pananaliksik sa wika tibong pamamaraan. Sa huli, natuklasan na ang
at varyasyon ng Subanen sa dalawang dayalek na Subanen ay may varyasyon
Rehiyon 9 katuwang ang kan- sa leksikon, morpolohiya at ponolohiya.
yang tapagayo na si Prop. Mga Susing Salita
Angelina L. Santos, PhD.
sosyolinggwistika, varyasyon, dayalek,
Subanen-Lapuyan, Subanen-Sindangan

34
JULIETA A. CRUZ-CEBRERO

Introduksyon
Ang betad pedlegamit ay salitang Subanen na nangangahulugang
paggamit ng kultura- (betad-kultura at pedlegamit-paggamit). Tinutukoy nito
na ang paggamit ng wika ay isang pagsasakultura at kung gagamitin ang wika
ay mananatili ang kultura.
Ang wika ay tagapagpahayag ng kultura ng isang etnikong pangkat.
Hangga’t ang wika ay ginagamit, mananatiling buhay ang lipunan at kulturang
pinaglilingkuran nito. Nakasalalay sa paggamit ng wika ang pagpapanatili ng
kultura. Matalik na magkakaugnay ang wika at kultura at walang pag-unlad na
magaganap kung mawawala ang isa. Sa katunayan, hindi maaaring mawala ang
wika sa isang kultura at lipunan. Ang wika ay nasa kultura, kung ano ang estilo at
paraan ng pananalita ay repleksyon ng kultura ng isang lipunan. Sa ginagamit na
wika at paraan ng pagsasalita, maaaring makilala ang grupong kinabibilangan
ng tagapagsalita bukod sa kanyang kilos, gawi, pananampalataya, damit, musika
at iba pa.
Wika ang gumagabay sa tao upang tingnan, alamin at unawain ang
mundong ginagalawan. Namumuhay ang tao nang may kamalayan sa mga
katotohanang naganap at nagaganap sa kanyang paligid. Umaayon ang pahayag
na ito sa haypotesis ni Sapir-Whorf (Magracia at Santos 16) na ang sinasalitang
wika ng tao ay nagpapakita kung paano niya tinitingnan ang daigdig na kanyang
ginagalawan. Ang wika ng tao ang nagbibigay sa kanya ng ideya kung ano ang
daigdig na kanyang kinaroroonan at anumang konseptong labas sa kanyang
daigdig ay magiging banyaga sa kanya. Hinuhubog ng wika ang kanyang mga
nakikita, naririnig, nadarama at ang mga ideyang ibinibigay ng mga ito ang
siyang bumubuo sa kanyang mga konsepto kung ano ang daigdig na kanyang
pinananahanan (Magracia at Santos 16).
Ang dayalek ay varayti ng wika ng mas maliit na grupong panlipunan.
Bunga ito ng heograpikal na katangian ng mga lugar na maaaring nahihiwalay
ng isang anyong tubig o kabundukan. Maaari ding mabuo ang dayalek dahil sa
hangganan ng wika o language boundary na dulot ng migrasyon o paglilipat ng
komunidad sa ibang lugar.
Ang wikang Subanen sa Rehiyon 9 ay binubuo ng iba’t ibang dayalek
kung saan kabilang ang Subanen sa Sindangan Zamboanga Del Norte (Sub-ZdN)
at Lapuyan sa Zamboanga Del Sur (Sub-ZdS). 170 kilometro ang distansya
ng mga lugar na ito. Bukod pa rito, nakikisalamuha rin mga ang sub-pangkat
na ito sa iba pang etnikong pangkat para sa kanilang sosyal at ekonomikong

35
HASAAN
pangangailangan. Kaya makikilala ang kaibahan ng mga ispiker ng isang
dayalek sa pamamagitan ng kanilang mga katawagan o terminong ginagamit.
May mga linggwistikong tag o pagkakakilanlan kung saan madaling matukoy
ang sub-pangkat ng Subanen.
Ang salitang Subanon/Suban-un/Subanen ay nagmula sa salitang-
ugat na suba na nangangahulugang ilog at ang hulaping nen/non/nun ay
nagpapahiwatig ng lugar na pinanggalingan. Kaya, ang ibig sabihin ng terminong
Subanen ay isang tao o mga tao ng ilog/ sa itaas na bahagi ng ilog /kabundukan.
Ang mga Subanen ang unang katutubong nanirahan sa Zamboanga Peninsula.
Nakatira din sila sa Rehiyon 10 – sa probinsya ng Misamis Occidental at Misamis
Oriental. Batay sa teoryang pandarayuhan (Zaide 34) ang mga Subanen ay
kabilang sa mga Indones, pangkat na nandayuhan sa bansa, mga ilang libong
taon na ang nakalipas. Sila’y tinatawag na lumad, kabilang sila sa unang mga
katutubo na nanirahan sa rehiyon.
Sa kasalukuyan ang mga Subanen ay matatagpuan sa Rehiyon ng
Zamboanga Peninsula at Probinsya ng Misamis Occidental at Misamis Oriental.
Kabilang sila sa 110 etnikong pangkat sa Pilipinas. Dahil sa Republic Act 8371 o
“The Indigenous Peoples Act of 1997” (IPRA) ay nabigyan ang mga indehinus at
lokal na mga komunidad ng isang legal na balangkas para sa pagkilala, proteksyon
at pagsusulong ng kanilang interes at ikabubuti, nang may pagsasaalang-alang
sa kanilang mga ancestral domain, pamamahala at kapangyarihang pansarili,
hustisyang panlipunan at mga karapatang pantao at kultural na integridad.
Bunga ng pagkakaroon ng mga varayti ng wikang Subanen, maaaring
hindi na matukoy ang lehitimong wikang Subanen kaya’t nilalayon ng pag-aaral
na maipreserba ang wikang Subanen sa rehiyon ng Zamboanga Peninsula. Ang
papel na ito ay makatutulong sa mga Subanen lalo na sa mga bagong henerasyon
upang magkaroon sila ng gabay sa pag-unawa at paggamit ng kanilang
wika. Upang maisakatuparan ito, pinagsikapang sagutin ang sumusunod na
katanungan:
(1) Ano ang mga katawagang kultural ng mga Subanen sa Lapuyan,
Zamboanga del Sur at Sindangan, Zamboanga del Norte sa siklo ng buhay (pag-
aasawa, panganganak at kamatayan), pangkabuhayan at pananampalataya?
(2) May varyasyon ba ang mga katawagang kultural sa dalawang lugar
batay sa – leksikon, ponolohiya at morpolohiya?
(3) Anong elementong linggwistikal ang higit na kakikitaan ng pagkakaiba
o varyasyon?

36
JULIETA A. CRUZ-CEBRERO

Wikang Subanen-Lapuyan. Naging lingua franca ang wikang Subanen


sa Lapuyan, Zamboanga del Sur dahil 75% sa kabuuang populasyon ay
mga Subanen. Subanen lamang ang wika ng mayorya ng mga mamamayan,
tanging ang mga matatandang Subanen na nagsasalita ng Ingles. Marami
sa matatandang Subanen ang mahusay mag-Ingles at hindi makaintindi
ng ibang wika. Ito ang dahilan kung bakit tinaguriang “Little America” ang
bayan ng Lapuyan. Sa katunayan, dati, kung may mga dayong pumupunta sa
Lapuyan na hindi marunong ng wikang Subanen, wikang Ingles ang ginamit
nila sa pakikipag-usap sa matatandang Subanen (Dawang). Dahil malapit sa
Margosatubig, naging aktibo ang interaksyon ng mga Subanen-Lapuyan sa
mga Chavacano mula sa Zamboanga City, pati na rin sa mga Cebuano, Ilokano,
Tausug, Maguindanaoan at Tagalog. Kalaunan sila ay nakapag-asawa at doon
na nainirahan. Kahit na Cebuano ang lingua franca sa Zamboanga del Sur,
naipreserba ng mga Subanen-Lapuyan ang kanilang kultura lalo na ang wika.
Kapag may dayo na pumupunta sa nasabing lugar ay kailangan ng interpreter
na maalam sa wikang Subanen. Dito pumasok ang teorya ng akomodasyon
ni Howard Giles (Santos et al. 112) na nagpapaliwanag sa motibasyon at
kinalabasan ng mga pangyayari kung bakit ang ispiker ay nagbabago ng estilo
o paraan sa pakikipagkomunikasyon. Sa teorya ng convergence, ang indibidwal
ay nagpupursiging makitungo sa kapwa sa iba’t ibang aspektong sosyal- edad,
kasarian, estado sa buhay, hanapbuhay, pananampalataya, lugar, edukasyon at
iba pa; at maging sa aspektong heograpikal upang magkalapit o mapaliit ang
agwat na nakapagitan sa kanya at sa nakakasalamuha.
Wikang Subanen-Sindangan. Samantala, sa Sindangan, Zamboanga del
Norte, Cebuano ang lingua franca. Ginagamit ang wikang Subanen sa loob lamang
ng pamayanang Subanen. Ang bayan ng Sindangan ay malapit sa Zamboanga
City na napapalibutan ng dagat. Madali sa mga Tausug na makipagkalakalan
sa kanila. Ito ang dahilan ng pagkakaroon ng malaking varyasyon ng Subanen
sa Sindangan. Sapagkat minoryang pangkat lamang ang mga Subanen, hindi
nila maiwasang manghiram sa wikang nangingibabaw gaya ng Cebuano upang
makisalamuha sa ibang grupo. Dahil dito ang mga Subanen na nasa lungsod
ay naimpluwensyahan ng wikang nangingibabaw at hindi na ginagamit nang
madalas ang kanilang wikang nakagisnan. Maipaliliwanag pa rin ng teoryang
akomodasyon ang sitwasyon sa Sindangan. Di tulad sa Lapuyan, ang mga
Subanen sa Sindangan ang nakikibagay sa iba’t ibang mga grupo kaya nagiging
bukas sa higit na pagbabago ang kanilang wika.

37
HASAAN
Metodolohiya
Pamaraang indehinus nina Santiago at Enriquez (Pe-Pua 155 at Sevilla
et al. 174-176) ang ginamit sa pangongolekta ng mga datos. Deskriptibong
pamamaraan naman ang ginamit sa pagsusuri at pagtalakay. Ang modelo
nina Santiago at Enriquez ay gumagamit ng dalawang iskala, ang iskala
ng mananaliksik at iskala ng patutunguhan. Sangkot rito ang pakikitungo,
pakikisalamuha, pakikibagay, pakikisama, pakikipagpalagayang-loob at
pakikiisa.
Rehiyon ng Zamboanga (Rehiyon IX) ang lugar ng pananaliksik. Pinili ang
bayan ng Lapuyan dahil ito ang sentro ng mga Subanen sa Zamboanga del Sur
at ang Sindangan naman sa Zamboanga del Norte. 15 lugar ang pinagkunan ng
mga datos sa Lapuyan at 26 naman mula sa Sindangan. Umabot ng anim na
buwan ang pangongolekta ng datos.

Larawan 2. Mapa ng Zamboanga Peninsula

Ginamit ang mga sampling na convenience at snowball sa paghahanap


ng mga impormante batay sa sumusunod na pamantayan: (1) katutubong
Subanen na ang mga magulang ay taal na Subanen; (2) ipinanganak, lumaki at
nananatiling nakatira sa mga lugar ng pag-aaral; (3) may edad na 50 pataas;
(4) maalam sa kulturang Subanen; at (5) hindi nangibang lugar na nagdulot
nang matagal na pagkakalayo sa etnikong grupong kinabibilangan. Sa bayan
ng Lapuyan, walong (8) impormante ang ininterbyu at labinlimang (15)
impormante rin naman ang naging bahagi ng survey. Sa Sindangan, walo (8) rin
ang ininterbyu at dalawampu’t anim (26) ang bahagi ng survey. Sa pangongolekta
ng mga katawagang kultural, natulungan ang mananaliksik ng isang katutubong
Subanen na bihasa sa mga wikang Subanen, Cebuano at Filipino. Tatlong uri
ng talatanungan ang ginamit na idinaan muna sa field testing: Jabergs at Judd

38
JULIETA A. CRUZ-CEBRERO

Innovation, Edmond Edmonts Application of Guillerons Questionnaire, at


Dieth-Orton. Ang unang dalawang talatanungan ay ang direktang paraan ng
pangangalap ng datos kung saan may mga tanong o pariralang dapat punuan.
Ang huling talatanungan ay nagpapakita lamang ng larawang tutukuyin ng mga
impormante. Sa pag-aaral na ito, ginawan ng modipikasyon ang Dieth-Orton na
ginamitan din ng direktang paraan ng pagtatanong.
Hinanay ang mga datos ayon sa lugar. Pinangkat ito batay sa mga kategorya
ng katawagang kultural gaya ng pag-aasawa, panganganak at kamatayan;
pangkabuhayan, na pinangkat sa paghahalaman, paghahayupan, pandaragatan;
at iba pang kaugnay na gawain tulad ng mga katawagan sa pera, kulay, bilang,
mga buwan ng taon, mga araw sa isang linggo, katawagang astronomikal,
insekto, at uri ng panahon; at pananampalataya. Ang mga datos ay ginawan
ng transkripsyong ponolohikal para naman makuha ang paraan ng pagbigkas
ng mga salita ng mga Subanen sa Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte.
Bumuo ng talahanayan ng mga datos. Upang maunawaan ng mambabasang
hindi Subanen, hinati sa apat na kolum ang talahanayan. Ang unang kolum ay
ang mga katawagang nasa Subanen Lapuyan (Sub-ZdS) na nakaayos nang pa-
alpabeto. Ang ikalawang kolum ay ang katumbas ng mga katawagan sa wikang
Subanen Sindangan (Sub-ZdN). Ang ikatlong kolum ay ang katumbas ng mga
katawagan sa wikang Cebuano at ikatlong kolum ay ang katumbas ng mga
katawagan sa wikang Filipino.
Matapos maitala ang mga katawagang kultural sa ilalim ng bawat
klasipikasyon, idinaan ito sa validation upang masiguro ang katumpakan ng
pagkaklasipika. Muling dumaan sa validation ang mga salita matapos paghiwa-
hiwalayin ang mga salitang kultural na itinala sa ilalim ng mga sumusunod na
kategorya – (1)leksikon ng wikang Subanen; (2) bokabularyong Subanen na
magkaibang-magkaiba ang anyo; (3) bokabularyong Subanen na magkatulad
ang anyo; (4) bokabularyong Subanen na magkaiba ang ispeling ngunit
magkatulad ang kahulugan; (5) bokabularyong Subanen na magkaiba ang
paraan ng pagbigkas; (6) bokabularyong Subanen na magkatulad ang paraan ng
pagbigkas; (7) mga panlapi; (8) kombinasyon ng pagdaragdag at pagkakaltas ng
ponema sa wikang Subanen; at (9) pagpapalit ng ponema sa wikang Subanen.
Sa pagsusuring leksikal, hinati-hati ang mga leksikon sa tatlo – mga leksikong
magkaibang-magkaiba sa anyo, mga leksikong magkakaiba lamang sa ispeling
(isa o higit pang mga letra) at mga leksikong magkatulad na magkatulad sa
anyo. Sa pagsusuring ponolohikal, ginamit ang transkripsyon sa alpabeto
at palatunugang Subanen-Lapuyan at Subanen-Sindangan na nakuha mula

39
HASAAN
sa libro nina Quia et al. (25) at sa tulong ng International Phonetic Alphabet
(IPA). Sinuri ang mga leksikon sa tatlong kategorya – paraan ng pagbigkas, uri
ng diptonggo at uri ng kambal-katinig o klaster. Sa pagsusuring morpolohikal,
inalam ang salitang-ugat at mga panlapi. Tinukoy din ang mga pagbabagong
morpoponemikong nagaganap sa leksikon ng dalawang varayti ng wikang
Subanen. Matapos na suriin ang mga bokabularyo, ponolohiya, at morpolohiya.
Inalam ang mga elementong pangwika na higit na kinakitaan ng pagkakaiba o
varyasyon.
Mga Resulta ng Pag-aaral
Mga katawagang kultural. Hinati sa tatlong kategorya ang mga katawagang
kultural ng mga Subanen: siklo ng buhay, pangkabuhayan, at pananampalataya
na makikita sa sumusunod na talahanayan.
Talahanayan 1. Kabuuang Bilang ng mga Katawagang Kultural ng mga Subanen mula sa
Zamboanga del Sur at Zamboanga del Norte

Mga Katawagan Bilang Porsyento


Siklo ng Buhay 475 38.81
Pag-aasawa (100)
Panganganak (96)
Kamatayan (279)
Pangkabuhayan 597 48.77
Paghahalaman (211)
Paghahayupan (86)
Pandaragatan o pantubigan (63)
Katawagan sa iba pang hanapbuhay (69)
Katawagang astronomikal at uri ng panahon (35)
Panawag sa pangalan ng buwan ng taon (12)
Mga araw sa isang linggo (7)
Pangalan ng mga insekto (29)
Panawag sa halaga ng pera (8)
Panawag sa mga kulay (8)
Panawag sa mga bilang (40)
Panawag sa mga bahagi ng bahay (14)
Panawag sa mga gamit sa bahay (23)
Pananampalataya 152 12.42
Karaniwang katawagan sa pananampalataya (55)
Ritwal, diyos/diyosa, gamit at iba pa (97)
KABUUANG BILANG 1,224 100

40
JULIETA A. CRUZ-CEBRERO

Kapansin-pansin na sa mga katawagang kultural, pinakamarami ang


bilang ng pangkabuhayan (597 o 48.77%) na sinundan ng mga katawagan
sa siklo ng buhay (475 o 38.81%) at pinakakaunti ang mga katawagan sa
pananampalataya na nakakuha lamang ng bilang na 152 o 12.42%. Lumabas
sa pag-aaral na maraming katawagang nakolekta sa pangkabuhayan sapagkat
ang pangunahing hanapbuhay ng mga impormante ay pagsasaka. Sa kabuuang
bilang ng mga impormante, may pitumpu’t limang (75%) bahagdan ang
mga magsasaka. Maliban sa pagsasaka may impormante rin na pangingisda,
pagtotroso at pangangaso ang hanapbuhay.
Ang terminong pangkabuhayan na nakolekta ay ikinaklasipika ayon sa
paghahalaman, paghahayupan, pangkaragatan at iba pa. Kabilang din ang
sumusunod na termino na may kaugnayan sa kabuhayan tulad ng katawagang
astronomiko, mga buwan ng taon, mga araw sa isang linggo, mga insekto, halaga
ng pera, kulay, bilang, bahagi ng bahay, at gamit ng bahay.
II. Panunuri sa mga katangiang linggwistika
A. Varyasyong Leksikal
Tinutukoy ng varyasyong leksikal ang mga salitang magkakaiba ang anyo
ngunit may iisang kahulugan. Upang mapangkat ang mga salita, sinadyang
isa-isahin o paghiwalayin ang mga salitang bumubuo sa mga partikular na
katawagang kultural. Halimbawa, ang katawagang mendagang gumhanok
(pagbebenta ng itlog sa Filipino) ng Sub-ZdS na may katumbas na megdagang
gumanok sa Sub-ZdN ay hinati sa dalawa. Ito ang mendagang/ megdagang
(pagbebenta) na isang pandiwa, ay inihiwalay sa gumhanok/ gumanok (itlog)
na isang pangalan.

Talahanayan 2. Bilang ng Leksikon ng Subanen Lapuyan, ZdS at Sindangan, ZdN

Leksikon ng Wikang Subanen

Sub- ZdS at Sub- ZdN Bilang Porsyento


Magkaibang-magkaiba sa anyo 559 48.77
Magkaiba sa isa o dalawang letra 538 45.72
Magkatulad na magkatulad sa anyo 66 5.61
KABUUANG BILANG 1,176 100

41
HASAAN

Mga Halimbawa:

Sub- ZdS Sub- ZdN Filipino


Magkaibang-magkaiba sa anyo
Akhad Duminggo Linggo
belathik penensul Marso
binathaen penagay inaanak
Nagkakaiba lamang sa ispeling
abokado gabukado abokado
dlibon glibun babae
gbegas begas bigas
Magkatulad na magkatulad sa anyo
delaga delaga dalaga
gilek gilek kilikili
ngisi ngisi ngipin

B. Varyasyong Ponolohikal
Pagkakaiba-iba sa mga tunog o ponema ng isang wika ang tinutukoy ng
varyasyong ponolohikal. Alinmang wika ay may sari-sariling makabuluhang
tunog. Makabuluhan ang mga tunog na ito sapagkat itoy nakapagpapaiba sa
kahulugan ng mga salitang bumubuo sa wika.
Ang varyasyong ponolohikal sa pag-aaral na ito ay hinati sa tatlo – paraan
ng pagbigkas, diptonggo at kambal katinig.
1. Paraan ng pagbigkas
Malumay/ Maragsa
Fil. – bago (uri ng gulay) Fil. – pusod
Sub-ZdS -- /ba.guh/ Sub-ZdS -- /phu.səd/
Sub-ZdN -- /bagu?/ Sub-ZdN -- /pusəd/
Sa mga halimbawa sa itaas, makikita na ang mga salitang binibigkas
nang malumay sa Subanen-Lapuyan ay binibigkas nang mabilis sa Subanen-
Sindangan. Samantala sa sumusunod na mga halimbawa, ang binibigkas nang
mabilis sa Subanen-Lapuyan ay binibigkas naman nang malumay sa Subanen-
Sindangan.

42
JULIETA A. CRUZ-CEBRERO

Mabilis/ Malumay
Fil. – babae Fil. – kakaw
Sub-ZdS -- /dlIbun/ Sub-ZdS -- /khakaw/
Sub-ZdN -- /glI.bun/ Sub-ZdN -- /ka.kaw/
Ang sumusunod namang mga salita ay binibigkas nang malumay sa
parehong dayalek.
Malumay
Fil. – langis Fil. – apog
Sub-ZdS -- /dla.nah/ Sub-ZdS -- /ga.phug/
Sub-ZdN -- /la.nah/ Sub-ZdN -- /ga.pug/
Pareho namang mabilis ang paraan ng pagbigkas ng dalawang grupo sa
sumusunod na salita.
Mabilis
Fil. – atip (bubong) Fil. – gamot
Sub-ZdS -- /gətap/ Sub-ZdS -- /gbuluŋ/
Sub-ZdN -- /gətap/ Sub-ZdN -- /buluŋ/
May mga salitang maragsa ang paraan ng pagbigkas sa parehong dayalek
tulad ng mga sumusunod.
Maragsa
Fil. – baga Fil. – sampu
Sub-ZdS -- /gbagaˀ/ Sub-ZdS -- /phuluˀ/
Sub-ZdN -- /bagaˀ/ Sub-ZdN -- /puluˀ/
May mga salita sa parehong dayalek na pinahahaba ang paraan ng
pagbigkas, ngunit kapansin-pansin na higit ang paraang ito sa Subanen-
Sindangan.
Pagpapahaba ng pagbikas
Fil. – baha Fil. – apat Fil. – sikmura
Sub-ZdS -- /bha/ Sub-ZdS -- /pat/ Sub-ZdS -- /gibusibus/
Sub-ZdN -- /baˀ:/ Sub-ZdN -- /pa:t/ Sub-ZdN -- /gabus:a.busən/

43
HASAAN

2. Diptonggo
Diptonggo ang magkasamang tunog ng isang patinig at ng isang
malapatinig. Sa dalawang lugar ng mga Subanen, may anim na anyo ang
diptonggo sa Subanen-Sindangan -- /ai/, /ay/, /au/, /aw/, /ou/, at /ow/,
samantala, tatlo lamang ang sa Subanen-Lapuyan -- /oy/, /aw/, at /ow/.
Halimbawa:

Sub-ZdS Sub-ZdN Filipino


medlehilelamay mikpinitailay nagmamahalan
ghendaw gendaw araw
gbaboy babuy baboy
sumaloy suminaluy bumili
phenileb pektai pananahi
mheranlag milegenau nalungkot

3. Kambal-Katinig o Klaster
Sa mga nakolektang salita , may 12 klaster ang Subanen-Lapuyan – dl,
dw, gb, gl, gm, gw, ky, my, ny, sy, at ty. Samantala, tatlo naman ang klaster ang
Subanen-Sindangan – bl, gl, at gw. Ang bl ay hindi natagpuan sa Subanen-
Lapuyan.
Halimbawa:

Sub-ZdS Sub-ZdN Filipino


dleti gleti kidlat
dwà duà dalawa
gbages bakes sinturon
glaỳng padas palikpik ng isda
gmilemes milemes nalunod
gwayan betung kawayan
khapa gwasay palakol

Ang resultang ito ng pag-aaral sa ponolohiyang Subanen ay nagpapatunay


sa sinabi nina O’Grady at Dubrovolsky (197) na higit na kapansin-pansin ang
varyasyong ponolohikal sa isang wika. Sapagkat nakaapekto ang pagkakaiba-
iba ng mga ponema tulad ng pagpapalit, paglilipat, pagdaragdag; ito’y nagdulot
na malaking varyasyon sa baybay ng mga salita at gayundin naman sa pagbigkas

44
JULIETA A. CRUZ-CEBRERO

kaya madaling matukoy ang varyasyon ponolohikal.


C. Varyasyong Morpolohikal
1. Morpema ng Salitang-ugat
Halimbawa:

Sub-ZdS Sub-ZdN Filipino


belayan luwatan dote/bigay kaya
bethut bektut kuba
dlehu sub damit

2. Morpemang Panlapi
Natukoy ang 21 unlapi sa dalawang dayalek:
Sub-ZdS – he-, hephe-, me-, mhen-, mig-, phe-, phedle-, meg-, mhe-, mhi-,
ming-, at mi-;
Sub- ZdN – meke-, pape-, pekpe-, mek-, meg-, me-, pegi-, peg-, mi-, mig-)
Sa unlapi, tatlo lamang ang magkatulad: me-, mi- at mig-/meg. Sa gitlapi
naman, dalawa lamang ang magkatulad: –in- at –um-.
Sa hulapi, dalawa lamang ang magkapareho – ang –en at –an; at sa
kabilaang panlapi, wala kahit isa sa mga kombinasyon ang magkakatulad:
Sub-ZdS – he- -en, khi- -an, phe- -an;
Sub-ZdN – ka- -an, tali- -an, kele- -an, pigle- -an.
Halimbawa

Sub- ZdS Sub- ZdN Filipino


Unlapi
hephetubu mekpetubu pag-alaga
methangag mektangag pagtanan
miguthem migutem nagugutom
Gitlapi
sumaloy suminaloy bumili
thumap pektaap pagtahip
Hulapi
dlemeten lemeten paglalaro
dlemphanan lempanan gulayan
thulugen tulugen inantok

45
HASAAN
Sub- ZdS Sub- ZdN Filipino
Kabilaan
khibetanan talibetaan bahay bata
phegethawan piglegetawan matao
phenlebengan kelebengan libingan

3. Pagbabagong Morpoponemiko
Sa pag-aaral sa wikang Subanen natuklasan na may anim (6) na uri ng
pagbabagong morpoponemiko — (1) asimilasyon; (2) pagpapalit ng ponema;
(3) pagkakaltas ng ponema; (4) paglilipat- diin; (5) pagdaragdag ng ponema;
(6) pagdaragdag at pagkakaltas ng ponema at iba pang ponemang patinig at
katinig na nagpapalitan.
a. Asimilasyon
Ang pagbabagong ito ay nagaganap dahil sa pagbabagong anyo ng
morpema dulot ng impluwensya ng mga katabing tunog nito. Kinabibilangan ito
ng mga panlaping nagtatapos sa -ng katulad ng sing– na maaaring maging sin- o
sim-. Gayundin ang pang- na maaaring maging pan- o pam dahil sa impluwensya
ng kasunod na katinig. Ang mga salitang inuunlapian ng sin- at pan- ay mga
salitang nagsisimula sa /d, l, r, s, t/. Ang mga salitang inuunlapian ng sim- at
pam- ay mga salitang nagsisimula sa /b, p/. At ang mga salitang inuunlapian
ng sing-, pang- at mang- o iyong mga walang pagbabagong nagaganap ay mga
salitang nagsisimula sa patinig na /a , e, i, o, u/ at katinnig na /k, g, h, m, n, w,
y/ (Edroza- Matute 20). Makikita sa ibaba ang ilang halimbawa ng asimilasyon.

Sub- ZdS Sub- ZdN Filipino


shung bhalay /shung bha.lay/ sumbalay /sumba.lay/ kapitbahay
mhenguling /mhөngu.ling/ meleguling /mөlө.guling/ pag-uuling
phemingguwit /phөming.guwit/ mimenggwit /mimөng.gwit/ pamimingwit

b. Pagpapalit ng Ponema
May mga ponemang malayang nagpapalitan na nakapagpapaiba sa ispeling
at bigkas, at nakapagbabago rin sa anyo ng salita pero nanatili ang kahulugan.
Patinig

Sub- ZdS Sub- ZdN Filipino


/e/ - /i/
dlemonsito /dlө.monsito/ glimonsto /glimon.sito/ kalamansi
dlegenan /dlө.gөnan/ ligenan /li.gөnan/ naghirap

46
JULIETA A. CRUZ-CEBRERO

Sub- ZdS Sub- ZdN Filipino


dbebingka /gbө.bingka/ bibingka /bibingka/ bibingka
/ i / - /e/
bhintul /bhin.tul/ bentul /bөn.tul/ pagpalo
gmilemes /gmi.lөmөs/ melemes /mөlө.mөs/ nalunod
/e/ - /a/
gmeishan /gmө.ishan/ maisan /mai.san/ taniman ng mais
shera- en /shөra. өn/ sedà an /sөda.an/ ulam
/o/ - /u/
abokado /abo.kado/ gabukado /gabu.kado/ abokado
don /don/ daun /daun/ dahon
/u / - /o/
dlungun /dlu.ngun/ lungon /lu.ngon/ kabaong
phulut /phu.lut/ pulot /pulot/ malagkit
/a/ - /e/
bhagisan /bhagi.san/ begisan /bөgi.san/ pating
mitahaw /mita.haw/ mitekaw /mitө.kaw/ aksidente
phawihan /pha.wihan/ pawiken /pawi.kөn/ pawikan
/a/ - /i/
mangustan /ma.ngustan/ mangustin /mangus.tin/ mangosteen

Katinig

Sub- ZdS Sub- ZdN Filipino


/ r/ - /d/
gberes /gbө.rөs/ bedes /bөdөs/ buntis
pheru /phө.ru/ pedu /pedu/ apdo
/ h/ - /k/
mitahaw /mita.haw/ mitekaw /mitө.kaw/ aksidente
khenuho /khө.nuho/ kenuko /kөnu.ko/ kuko
/ d/ - /g/
dlemonsito /dlө.monsito/ glimunsito /glimun.sito/ kalamansi
dlibon /dli.bon/ glibun /gli.bun/ babae
/b/ - /d/

47
HASAAN
Sub- ZdS Sub- ZdN Filipino
khambing /kham.bing/ kanding /kanding/ kambing
/g/ - /l/
ghangaman /ghang.gaman/ langaman /langga.man/ gamit sa pag-aani
/g/ - /t/
phanig /pha.nig/ panit /pa.nit/ balat ng kahoy
/l/ - /g/
khulita /khu.lita/ kugita /kugi.ta/ pugita
/m/ - /n/
khambing /kham.bing/ kanding /kanding/ kambing
/r/ - /l/
giras /ghi.ras/ bilas /bi.las/ bilas
/ t/ - /s/
tikwa /tik.wa/ sikwa /sik.wa/ sikwa
/w/ - /u /
dwa /dwa/ dua /dua/ dalawa
/y/ - /i/
hya /hya/ kiya`/kiya/ tiyo
myangel /mya.ngөl/ miangel /mia.ngөl/ nasugatan

c. Pagkakaltas ng Ponema

Sub- ZdS Sub- ZdN Filipino


bhenguwit /bhөn.guwit/ beng ̀wit /bөng.wit/ bingwit
ginhurem /ginhu.rөm/ inurem /inu.rөm/ bangungot
phunen /phu.nөn/ pun /pun/ puno

d. Pagdaragdag ng Ponema

Sub- ZdS Sub- ZdN Filipino


dlawas /dla.was/ lawasen /la.wasөn/ katawan
gunlu /gun.lu/ gunglù /gung.lu/ higante
mhesit /mhө.sit/ mesait /mөsa.it/ masakit

e. Pagkakaltas at Pagdaragdag ng Ponema

Sub- ZdS Sub- ZdN Filipino


hinal /bhi.nal/ binaalan /bina-.lan/ kaingin
dlimbung /dlim.bung/ melimbung /mөlim.bung/ sinungaling

48
JULIETA A. CRUZ-CEBRERO

Sub- ZdS Sub- ZdN Filipino


pethud /pө.thud/ kepetuud /kөpө.tu-d/ paniniwala

f. Paglilipat ng diin

Sub- ZdS Sub- ZdN Filipino


dlemphanan /dlөmpha.nan/ lempanan /lөmpa.nan/ gulayan
methangag /mө.thangag/ megtangag /mөg.tangag/ magtanan
thebuwan /thөbu.wan/ tebuan /tөbu.an/ tubuhan

Karaniwang nakakaltas ang isa sa mga ponema ng mga klaster sa


Subanen-Lapuyan kung ihahambing ang mga salita sa Subanen-Sindangan tulad
halimbawa ng salitang bhunga ng Lapuyan kung saan bunga ito sa Sindangan.
Makikita na nakaltas ang /h/ ng Lapuyan sa Sindangan. Nangyayari rin ito sa
klaster na /dl/ kung saan nawawala and /d/ sa Subanen-Sindangan tulad ng
salitang dlana ng Lapuyan na nagiging lana sa Sindangan, dlangit Lapuyan na
nagiging langit din sa Sindangan.
Batay sa mga naitalang impormasyon, may mga nananatili pa ring mga
katawagang kultural ang dalawang grupo ng mga Subanen sa Zamboanga
Peninsula lalo na sa mga katawagang pangkabuhayan. Ngunit higit na
naaapektuhan ang kanilang paraan ng pananampalataya na kung hindi
isasabuhay ay maaaring mawala sapagkat higit na malakas ang impluwensya ng
Cebuano bilang rehiyonal na lingua franca.
Sa pagsusuring sosyolohikal, napag-alaman na ang mga Subanen sa
Sindangan ay naimpluwensyahan ng pakikisalamuha sa ibang grupo tulad ng
mga Cebuano, Tausug, Ilonggo, at Tagalog na lumikas mula sa Luzon at Visayas.
Ang kanilang pakikibagay ay nabunga ng unti-unting pagpasok ng ibang wika.
Samantala, sa bayan ng Lapuyan nakasalamuha rin nila ang mga misyonerong
Amerikano noon kung saan naapektuhan ang kanilang wika sa pamamagitan ng
paggamit ng mga aspirated sound gaya ng /th/, /ph/, /sh/ dahil dito tinatawag
ang bayan ng Lapuyan bilang “Little America”. Subalit, dahil sila ang mayorya sa
Lapuyan, napreserba nila ang kanilang wika sa gitna ng pagdating ng iba pang
mga pangkat-etniko.
Marami sa mga Subanen ngayon ang ikinahihiya ang pagiging Subanen
dahil sa palagay na mas prestihiyoso ang ibang wika tulad ng mga Cebuano
kaysa sa kanilang grupo. Dahil dito marami sa mga Subanen ang ikinahihiya ang
pagiging Subanen, pilit nilang itinatago ang sariling identidad at iniaangkop ang
sarili kung ano ang wikang nangingibabaw sa lipunan. Walang diskriminasyon

49
HASAAN
laban sa mga Subanen sa Zamboanga Peninsula na galing sa mga hindi
Subanen ngunit, ang mga Subanen mismo ang nag-isip ng ganoon kaya sila’y
nanghihiram sa dominanteng pangkat gaya ng mga Cebuano.
Patuloy na nagkakaroon ng malaking varyasyon ang wikang Subanen na
ginagamit sa Lapuyan, Zamboanga del Sur at Sindangan, Zamboanga del Norte.
Bagamat maituturing pa ring mutually intelligible, maaaring dumating ang
panahon na ang mga dayalek na ito ay maging magkaibang wika kung hindi
gagamitin at babalikan ang kasaysayan at kulturang Subanen.
Batay sa naging resulta ng pag-aaral, iminumungkahi ng papel na
patatagin ang pagpapagamit ng unang wika batay sa programang Mother Tongue
Based- Multilingual Education (MTB-MLE) sa mga lugar ng Subanen sapagkat
makatutulong ito upang hindi ikahiya ng mga batang Subanen ang kanilang
kultura at wika. Maaari ding ipakilala ang kulturang Subanen sa pamamagitan ng
pagtatanghal ng kanilang sayaw at mga awitin sa mga eskwelahan o kasiyahang
pangkomunidad. Bukod dito, nararapat na magsagawa ng ekstensibong
pananaliksik tungkol sa (a) panitikang Subanen; (b) wikang Subanen; (c)
awiting Subanen; at (d) sayaw ng mga Subanen. Maaari ding palawakin ang pag-
aaral na ito gamit ang limang sub-pangkat ng mga Subanen – Southern Subanen,
Central Subanen, Northern Subanen at Kalibugan na matatagpuang lahat sa
Zamboanga Peninsula. Dapat ring magsagawa ng pananaliksik sa paglilikom ng
mga terminong Subanen sa pagsasagawa ng mga ritwal sa siklo ng buhay upang
makauo ng isang diksyunaryong kultural.

Mga Sanggunian
Apatan, Kimberly F. “Lapuyan: The Little America of Zamboanga Peninsula (The story of Lapuyan
Subanen and the American Impact 1912 – present).” M.A. Tesis, Mindanao State University –
Marawi Campus, 2011. Nakalimbag.
Apostol, Carlos S. Al Hajj. The Subanen Original Inhabitants of Western Mindanao.(2006).Web.
Oktubre 11, 2011.
Apostol, Mike S. Timuays, Subanon King of Zamboanga City. (2007). Web. Oktubre 11, 2011.
Bautista, Maria Lourdes S. Readings in Philippine Sociolinguistics (2nd ed). Manila: De La Salle
University Press, 1996. Nakalimbag.
Brichoux, Felcia. A Voice from Many Rivers Central Subanen Oral and Written Literature. Manila:
Linguistic Society of the Philippines, 2002. Nakalimbag.
Campbell, William G., et al. Form and Style Theses, Reports, Term Papers 8th ed. USA: Houghton
Mifflin Co., 1991. Nakalimbag.
Chambers, Jack K. at Peter Trudgill. Dialectology. Cambridge: Cambridge University Press, 1994.
Nakalimbag.

50
JULIETA A. CRUZ-CEBRERO
Constantino, Pamela C. atMonico M. Atienza. Ed. Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan. Quezon
City: University of the Philippines Press, 1996. Nakalimbag.
Coupland, Nikolas at Adam Jaworski. Sociolinguistics a Reader and Sourcebook. New York: Palgrave
McMillan, 1997. Nakalimbag.
Dugho, Jeany T. “Mga Piling Awiting Subanen: Isang Pagsusuri.” Di-Gradwadong Tesis. JH Cerilles
State College – Mati Campus, 2005. Nakalimbag.
Enriquez, Joy V. “A Legend of the Subanen Buklog.” M.A.Tesis. Xavier University, 2003. Nakalimbag.
Fishman, Joshua. Language and Ethnicity in Minority Sociolinguistics Perspective. England:
Multilingual Matters Ltd., 1989. Nakalimbag.
Fromkin, Victorinaat Robert Rodman. An Introduction to Language 3rd ed. New York: Thomson
Heinle, 1983. Nakalimbag.
Georsua, Raquel B. Traditional Practices Among Subanen in Lapuyan, Zamboanga del Sur with
Special Reference to Music. Diss. Unibersidad ng Diliman, 1987. Nakalimbag.
Gudykunst, William B. Intercultural Communication Theory Current Perspective. New Delhi: SAGE
Publications, 1983. Nakalimbag.
Hufana, Nerissa L. Wika, Kultura at Lipunang Pilipino. Iligan City: DFIW, MSU-IIT, 2010. Nakalimbag.
Magracia, Emma. B. Angelina L. Santos. Pagsulat ng Proposal sa Pananaliksik sa Filipino. Iligan City:
DFIW, MSU-IIT, 2010. Nakalimbag.
Manaya, Natividad. Subanen Indigenous Culture Changes and Problems: Their Implications to
Educational Administration. Diss. WMSU, 1984.Nakalimbag.
Matute, Genoveva Edroza, Paz M. Belvez, Corazon E. Kabigting. Filipino sa Bagong Panahon Binagong
Edisyon. Metro Manila: National Book Store Inc., 1991. Nakalimbag.
Montgomery, Martin. An Introduction to Language and Society (2nd ed.). London: Routledge, 1995.
Nakalimbag.
O’Grady, William at Walter Dobrovolsky. Contemporary Linguistics Analysis An Introduction. Toronto:
Copp Clark Pitmann Ltd. A Longman Company, 1983. Nakalimbag.
Pasion, Raymund M. Yang Pagbul’luk bul’luk : Varyasyon ng Wikang Mandaya sa Ilang Munisipalidad
ng Davao Oriental. Diss. MSU- Iligan Institute of Technology, Iligan City, 2013. Nakalimbag.
Pe-Pua, Rogelia. Sikolohiyang Pilipino Teorya, Metodo at Gamit. Quezon city: UP Press, 1989.
Nakalimbag.
Peregrino, Jovy C., Pamela C. Constantino, Nilo S. Ocampo. Minanga: Mga Babasahin sa Varayti at
Varyasyon ng Filipino. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, Unibersidad ng Pilipinas,
2002. Nakalimbag.
Quia, Maganda D., Rev. Robert F. Rice, Rev. Lorenzo Quia Jr. Shulu Pegenaran 1-26. Subanen Lapuyan
Dlibru I. Literary Evangelism International, 1980. Nakalimbag.
Quia, Maganda D., Rev. Robert F. Rice, Rev. Lorenzo Quia Jr. Shulu Pegenaran 27-60. Subanen Lapuyan
Dlibru II. Literary Evangelism International, 1980. Nakalimbag.
Rubin, Ligaya T., Arthur P. Casanova, Eugene Y. Evasco, Heracleo D. Lagrada, Ariel B. Vidanes. Wika,
Kultura at Lipunang Pilipino sa Panahon ng Impormasyon. Manila: Rex Book Store, 2002.
Nakalimbag.
Samin, Mila A. The Cause of Homelessness in Four Select Cities in Mindanao, Causes, Risks, Effects
2009: Basis for Proposed Intervention Program. Diss. Mindanao State University – Marawi
Campus, 2010.Nakalimbag.

51
HASAAN
Santiago, Carmen , Virgilio G. Enriquez. Tungo sa Makalipunang Pananaliksik, Sikolohiyang
Pilipino Teorya, Metodo at Gamit. Lunsod Quezon: University of the Philippines Press, 1989.
Nakalimbag.
Santos, Angelina. L., Emma B. Magracia . Mga Babasahin sa Varayti at Varyasyon ng Wikang Filipino
at Iba Pang mga Wika at Wikain. Iligan City: DFIW, MSU-IIT, 2010. Nakalimbag.
Santos, Angelina L., Nerissa L. Hufana, Emma B. Magracia. Ang Akademikong Filipino sa Komunikasyon
Teksbuk Workbuk sa Filipino. Malabon City: Mutya Publishing House, 2012. Nakalimbag.
Sevilla, Consuelo G. , Jesus A. Ochave, Twila G. Punsalan, Bella P. Regala, and Gabriel G. Uriante.
Research Methods Revised Edition. Manila: Rex Book Store; 1992. Print
Suminguit, Villorino J. “The Subanen Culture in Mount Malindang: An Ethnography.” M.A.Tesis. UP–
Diliman, 1989.Nakalimbag.
Tiyagi, Darshna. Linguistic Anthropology Annual Publications. New York: PUY Ltd., 2006. Nakalimbag.
Tiemeyer, Bertain. O.F.M. Suk Tandan Nangok Subanen – Ang Mitolohiya, Mga Pagtoo ug Mga Ritwal
ng Seremonyas sa mga Subanen. Quezon City: Kadena Press, 2001. Nakalimbag.
Tundag, Fidela K. “Mga Kultural na Katawagang Higaunon: Isang Panimulang Pagtutumbas sa
Cebuano at Filipino.” M.A.Tesis. MSU-Iligan Institute of Technology, 2010. Nakalimbag.
Wood, Julia. T. Communication Theories in Action an Introduction. USA: Woodsworth Publishing
Company, 1995. Nakalimbag.
Zaide, Sonia. M. Philippine History & Government 4th ed. Quezon City: All Nations Publishing House,
1999. Nakalimbag.
Mga Panayam:
Andus, Ernesto. Personal na Interbyu. 31 Enero, 2012
Bualan, Heide. Personal na Interbyu. 10 Abril, 2012.
Dalap, Marcelina. Personal na Interbyu. 13, Disyenbre, 2011.
Dawang, Alejandro. Personal na Interbyu. 08 Nobyermbre, 2011.
Guilingan, Isis. Personal na Interbyu. 28 Disyenbre, 2011.
Hernane, Lordith T. Personal na Interbyu. 28 Nobyembre, 2011.
Imbing, Jessie Singgo. Personal na Interbyu. 20 Pebrero, 2012.
Isaw, Farolito Q. Personal na Interbyu. 27 Enero, 2012
Lingating, Aleli Grace D. Personal na Interbyu. 13 Marso, 2012.
Lusay, Jefferson. Personal na Interbyu. 04 Oktubre, 2011.
Lusay, Roland H. Personal na Interbyu. 18 Enero, 2012.
Macapala, Delio. Personal na Interbyu. 12 Disyembre, 2011.
Mariano, Romero G. Personal na Interbyu. 16 Enero, 2012
Masurong, Ester Sango. Personal na Interbyu. 15 Disyembre, 2011.
Otap, Marcelino. Personal na Interbyu. 16 Disyembre, 2011.
Oto, Rosemarie G. Personal na Interbyu. 4 Abril, 2012.

52
Ang Diyalektika
ng Pilosopiyang Filipino
batay kay Theodor Adorno

Jovito V. Cariño
Departamento ng Pilosopiya
Unibersidad ng Santo Tomas

Si Cariño ay propesor sa Abstrak


Departamento ng Pilosopiya, Ang pilosopiyang Filipino ay karaniwang inilalarawan
Unibersidad ng Santo Tomas. bilang pagsisiwalat ng katutubong kaisipan. Kaakibat
Kasalukuyan din siyang nag- nito ang paghimok ng paggamit ng wikang Filipino
aaral sa Paaralang Gradwado tungo sa paghahanap ng pananaw na sariling-atin bi-
lang patunay na ang logos ay umusbong din sa ating
ng nasabing pamantasan sariling kalinangan. Bagamat hindi matatawaran ang
para sa programang doktoral mga nakamit na ng pagsisikap na ito, naninindigan pa
sa Pilosopiya. Liban sa kan- rin ako na ang pilosopiyang Filipino, bilang isang lehiti-
mong pilosopikal na diskurso, ay hindi dapat ituring na
yang mga interes sa pilosopi- kasangkapan lamang sa pagbuo ng identidad o kaya tu-
kal na pananaliksik, masugid lay lamang upang buhayin muli ang pambansang guni-
din siyang mag-aaral ng kul- ta ng isang lumipas na hindi pa nadudungisan. Kung
nais nating palawakin ang ating kakayanang mamilo-
tura, kasaysayan at paniti- sopiya bilang mga Filipino, hindi natin dapat hayaan
kang Filipino. ang pilosopiyang Filipino na makulong sa diskurso ng
identidad o nasyonalismo. Mas magiging makabuluhan
ang panukalang ito kung aalahanin natin na ang sarili
bilang isang konsepto ay malaon nang problematiko. Sa
papel na ito, sinikap na ilapat ang mga kaisipan tungkol
sa diyalektika ni Theodor Adorno sa pagbabakasakali
na makasumpong ng iba pang posibilidad para sa pi-
losopiyang Filipino. Naging gabay sa pagtalakay ang
tanong na: May pupuntahan ba ang pilosopiyang Fili-
pino liban sa diskurso ng sariling-atin? Nananalig ang
papel na ito na may puwang pa ang pilosopiyang Fili-
pino sa labas ng tunggalian ng Silangan at Kanluran, ng
katutubo at ng dayuhan, ng atin at ng hiram. Sa pana-
hon na tuluyan nang binago ng globalisasyon ang ating
Mga Susing Salita tradisyonal na pag-unawa tungkol sa pagkabansa, kul-
tura at akademikong disiplina, hindi na maikakaila pa
Pilosopiyang Filipino, ng mga tagapagsulong at mananaliksik ng pilosopiyang
Filipino ang pangangailangan na muling usisain kung
Theodor Adorno, sino nga ba tayo bilang Filipino habang sinisikap nating
diyalektika ng Pilosopiyang Fili- gawing mas makabuluhan pa ang pilosopiya sa ating
pino, pagsasapilosopiya ng Filipino kasalukuyang panahon.

53
HASAAN
Introduksyon
Kapag pinag-usapan ang Filipino at pilosopiya, mas madalas na
nakapaloob ito sa diskurso ng pagsasa-Filipino ng pilosopiya. May dalawang
posibleng kahulugan ang katagang nabanggit: una, may kinalaman ito sa
paghahanap ng isang uri ng diwa na maka-Filipino; ikalawa, tumutukoy ito
sa pagsisikap na itampok ang ilang elemento ng kalinangang Filipino na
maituturing na pilosopikal. Sa larangang ito, masasabi nating malayo na ang
narating ng pananaliksik tungkol sa pilosopiyang Filipino. At dahil malayo na
ang narating, mas mabigat ang dahilan na ito’y sariwain upang halungkatin ang
iba pang aspekto na maaaring nangangailangan ng pansin o kaya ay muling pag-
usisa. Bahagi ito ng pagiging kritikal sa sarili at kung ang pilosopiyang Filipino ay
tunay ngang pilosopiya, marapat lamang na sumailalim ito sa ganitong proseso
dahil sa tingin ko, bagaman may narating na, problematiko pa rin ang katagang
pilosopiyang Filipino. Problematiko ito lalo pa’t kung ang pakahulugan natin
dito hanggang ngayon ay ang pagsasa-Filipino ng pilosopiya. May dalawa akong
dahilan kung bakit ko nabanggit na ito ay problematiko: una, ito ay batay sa
palagay na nagsasabing ang Filipino ay isang buo at ganap nang konsepto at
dahil dito, ang kinakailangan lamang ay ilapat ang pilosopiya sa Filipino at
magkakaroon na tayo ng pilosopiyang Filipino. Hindi man aminin, ang ganitong
kaisipan ay lantay ng metapisikal na pagpapalagay tungkol sa kung ano nga ba
ang Filipino. Ang pagpapalawig ng ganitong pananaw, ibig sabihin, ay tuwirang
pagsusulong ng pag-iral ng isang metapisikal na kaisipan. Ang ikalawang dahilan
ay may kinalaman sa layon ng pagsasa-Filipino ng pilosopiya. Mas madalas,
ito ay nakadikit sa ating pagsisikap na itanghal ang sariling-atin. Problematiko
ito dahil ang sarili, bilang isang konseptong pilosopikal, ay problematiko din.
Ang sarili ay nakapaloob sa pilosopikal na diskurso ng Enlightenment na ayon
kay Adorno (Dialectics 1-34) ay isang mapaniil na ideolohiya at sa pagsisikap
nating ilathala ang sariling-atin, hindi natin talaga napapalaya ang ating sarili
bagkus pinapaigting pa ang karanasan ng ating pagiging sakop sa pamamagitan
ng ating di-malay na pagsang-ayon sa isang mentalidad na mapanlupig.
Ang papel na ito, na tumutukoy sa katanungang, May pupuntahan ba
ang pilosopiyang Filipino liban sa diskurso ng sariling-atin? ay isang pagsisikap
na maghanap ng alternatibong diskurso para pilosopiyang Filipino na lampas
pa sa konteksto ng nasyonalismo. Upang maging mas mabunga, hindi siguro
marapat na maipit lagi ang pamimilosopiya sa tagisan ng Silanganin at
Kanluraning kaisipan. Hindi rin ako sang-ayon na maging tagapagsalita lamang
ng nasyonalismo ang pilosopiya sapagkat ang tungkulin ng pilosopiya ay hindi
ang pagsang-ayon kundi ang paglikha, pagpipino, paghahasa at pagtuligsa ng
mga kaisipan, luma o bago man. Sa bagay na ito, sinusundan ko si Theodor
Adorno na nagpanukalang ang pamimilosopiya ay hindi dapat na magbukal
mula sa katwiran at sa paghahanap ng katwiran kundi sa pagkamulat sa
mga karanasan at kalagayan natin na sadyang taliwas sa katwiran (Negative
Dialectics 11). Hindi sa loob kundi sa labas ang sinapupunan ng pilosopiya.

54
JOVITO V. CARIñO

Upang isakatuparan ito, ipinapanukala ko ang pagsasa-pilosopiya ng Filipino


sa halip ng pagsasa-Filipino ng pilosopiya bilang alternatibong diskurso na
magsusulong ng pilosopiyang Filipino.
Ang katagang pagsasapilosopiya ng Filipino ay isang pagtatangka na
sumalungat o tumaliwas sa akala na maisasa-Filipino ang pilosopiya. Maaaring
oo sa bandang huli, subalit sa tingin ko, magaganap lamang ito kung una muna
nating susuriin kung ano nga ba ang Filipino at ayon sa panukalang pilosopikal
ni Adorno, matatagpuan natin ito sa pamamagitan ng pagbibigay pansin sa
labas ng Filipino sa halip na sa kanyang loob.

Pilosopiya at Nasyonalismo
Sa isang papel na una ko nang isinulat (“Re-thinking Filipino Philosophy”),
ipinanukala ko na ang pilosopiyang Filipino hanggang ngayon ay nakapaloob pa
rin sa diskurso ng nasyonalismo, ibig sabihin, sa pananaliksik at pagsisiwalat ng
sariling-atin. Ipinalagay ko rin na ang bukal ng nasyonalistang tradisyon na ito
ay nagbuhat kay Rizal, hindi sa kanyang Noli, hindi sa kanyang Fili, hindi sa ano
pa mang lathalain niyang politikal kundi sa kanyang anotasyon ng aklat ni Fray
Antonio de Morga na pinamagatang Sucesos de las Islas Pilipinas. Dito sa aklat
na nabanggit, tuwirang tinuring ni Rizal ang dakilang nakaraan ng Pilipinas
na nasira sa pagdating ng mga banyaga. Kailangan daw lamang na balikan at
papanariwain ang nasabing dakilang lumipas sa pamamagitan ng pagpawi ng
anumang bahid ng impluwensyang dayuhan. Ang direksyong ito na inihain ni
Rizal ang siyang magtatakda ng pangkalahatang tunguhin ng pag-aaral tungkol sa
kalinangang Filipino hanggang sa mga susunod pang henerasyon. Hindi kataka-
taka na sa paglaganap ng kampanya tungo sa mas marubdob na nasyonalismo
na higit na naramdaman noong dekada sisenta, sitenta hanggang otsenta, hindi
nagpahuli ang pilosopiya sa pagpapakita ng kanyang angking galing sa larangan
ng pananaliksik at pagsisiwalat ng sariling-atin (Quito 40-43). Saksi dito ang
mga kilala na nating institusyon sa larangan ng pilosopiyang Filipino gaya nina
Quito, Timbreza, Mercado at Ceniza. Sa panulat ng mga nabanggit na maestro,
mababasa ang malinaw na pagsusog sa nauna nang pahiwatig ni Rizal: na tayo
ay may diwa at kalinangang sariling-atin; kinakailangan lamang na ilantad ito at
ikalat upang patunayan na hindi tayo dahop sa talino at kalinangan. Hindi natin
kailangan pang lumingon sa kanluran upang matutong mamilosopiya sapagkat
ang pilosopiya ay maaaring magmula dito mismo sa atin. Kailangan lamang na
ito ay halungkatin at bigkasin upang mabigyang buhay.
Sa naturang papel, ipinanukala ko na ang pag-angkop ng pilosopiyang
Filipino ng nasyonalistang diskurso ay mahirap panghawakan sa kadahilanang
nakabatay ito sa dalawang problematikong batayan: ang pagka-Filipino at ang
pagsisiwalat ng sariling atin.
Problematiko ang posisyon ni Rizal tungkol sa pagka-Filipino sapagkat

55
HASAAN
ito ay nakabatay sa isang metapisikal, esensyalistang turing sa kung ano at
kung sino ang Filipino. Bilang konsepto man o bilang tao, naniniwala si Rizal
na ang Filipino ay ganap na at buo, higit sa lahat totoo sa habang panahon –
kahapon, ngayon at bukas. Tinatalikuran ng palagay na ito ang katotohanan
na ang Filipino ay likha ng kasaysayan. Hindi siya buo o ganap na, subalit isang
pangyayari na patuloy na nabubuo at patuloy na nagaganap sa paglipat at
paglipas ng panahon.
Ganito rin ang taya ko sa sinasabing katungkulan ng pilosopiya na
bigyang tinig ang sariling-atin. Marupok din ang pundasyon ng palagay na
ito dahil nakapaloob ito sa diskurso ng sarili na siyang sinusulong ng mga
tagapagtaguyod ng ideolohiya ng Enlightenment, ang mismong ideolohiya
na naglunsad ng pagpapalawak ng Europa sa iba’t ibang sulok ng mundo
kasama na ang Pilipinas. Maituturing na ang pagpapaibayo ng Europa ng
kanyang kapangyarihan sa Hilaga at Timog Amerika, kasama na ang Gitnang
Asya, Gitnang Silangan at Timog Asya ay isang malawakang kampanya tungo
sa pagpapalawig ng sakop ng kanyang sarili sa pamamagitan ng sapilitang
paghulma ng ibang bansa at kultura sa kanyang anyo. Kaya nga ang paggamit
ng pilosopiya bilang kasangkapan upang hanapin kung ano ang sariling atin ay
isang di-tuwirang pagsusog sa ganitong ideolohiya. Patibay ito ng isang hindi
malay na pagtanggap na ang sariling ipinakilala ng mga mananakop ay isang
buhay na kapangyarihan pa hanggang ngayon at ang tanging paraan lamang
upang makawala sa ating gapos ay ang itambad ang katotohanan na tayo rin ay
may sariling-atin. Wala tayong kamalay-malay na sa ganitong uri ng diskurso,
mas pinapalawig pa natin ang ating pagiging sakop o suheto dahil para bang
sinasabi nating tama lang at marapat ang diskursong siya mismong naging susi
ng ating pagkagapi.
Dahil dito, bagamat mahigpit na tinututulan ni Renato Constantino
(Veneration without Understanding) si Rizal bilang imahen ng nasyonalismo,
sa bandang huli, wala rin naman talaga silang pinag-iba sa isa’t isa. Kapwa
kasi sila naninindigan para sa nasyonalismo at kapwa rin sila gumagamit ng
nasabing diskurso. Kapwa rin sila impluwensyal na bukal ng nasyonalistang
pilosopiya na kinikilala natin bilang pilosopiyang Filipino. Kung ang pilosopiya
ay pagpapalaya ng kaisipan at ang Filipino ay naghahanap ng nasabing
kalayaan, marapat lamang siguro na maghawan tayo ng alternatibong
daraanan. Tinatawag ko ang alternatibong daan na ito na pamimilosopiya mula
sa labas. Kung ang pilosopiya ng Enlightenment ay nagtatampok sa katuwiran,
ibig sabihin, sa tuwid na daan, posible marahil na ang alternatibong daan ay
matagpuan sa pamimilosopiya mula sa mga katotohanan at pangyayaring labag
sa katwiran, ibig sabihin, sa kabaligtaran nito, sa tuwad na daan. Hindi na ito
lihim at alam na natin itong lahat: maraming lamat ang ating pagiging Filipino.
Posible marahil na sa halip na maghanap tayo ng katwiran na magpapatibay sa
kung sino tayo o magpapakilala sa mundo ng sariling-atin, mas makatutulong
siguro kung hahanapin muna natin at kikilalanin ang mga bantad na paglabag

56
JOVITO V. CARIñO

at pagtalikod sa katwiran na siyang pinagmumulan ng mga lamat ng ating sarili,


ng pamilya at lipunan sa pangkalahatan. Ito ang isang bagay na sa tingin ko ay
hindi natin magagawa kung tayo ay mamimilosopiya mula sa loob kung saan
lahat ay maayos, maganda, totoo at matuwid. Kung durungaw lamang tayo
kahit sandali, tatambad sa atin ang kabaligtaran ng lahat ng ito sa labas. Dito
marahil marapat magbuhat ang pamimilosopiya sa isang bansa kung saan ang
paglihis sa daan ng katwiran ay bahagi ng buhay araw-araw.

Si Theodor Adorno at ang Pamimilosopiya Mula sa Labas


Ang pilosopiya mula sa labas ang ibig sabihin ng tinutukoy kong
pagsasapilosopiya ng Filipino. Pangunahing hangarin nito ang maisulong ang
pamimilosopiya sa pamamagitan ng pagpapakita ng kaibahan ng katwiran
mula sa loob at paglihis sa katwiran na nangyayari sa labas. Ang ganitong
pamimilosopiya ay nagtuturo sa atin na hindi ang isip ng tao ang pinagmumulan
ng katotohanan kundi ang mga nagaganap na laging higit pa sa gagap ng isip
ng tao. Ibig sabihin, ang katotohanan ay isang historikal na karanasan at hindi
isang konsepto na dahil laging nasa loob ay walang pangambang masalang sa
kawalan ng katiyakan ng mga tunay na pangyayari. Ano mang konsepto o teorya
na likhain ng isip ng tao ay mananatiling isang imahen lamang ng mga nagaganap
at hindi ang kahulugan nito. Ang mga salita ay hindi isang patibong o butas
kung saan maaaring mahulog ang pangyayari (“Theses” 36-37). Lalong hindi
maaaring mahulog ang pangyayari sapagkat ito ay laging umaagos, kumikilos,
nagpapatuloy sa iba’t ibang direksyon. Walang iisang lugar kung saan maaari
itong mahulog. Hindi kailanman matitiyak ang kanyang kahuhulugan. Hindi ito
kayang saluhin lalo pa ng mga marurupok na salita.
Ganito kung paano tinuran ni Theodor Adorno ang pilosopiya. Malinaw
para sa kanya na ang pilosopiya ay isang lenggwahe ng pagkakaiba (Negative
Dialectics 144-145). Tutol si Adorno sa paniniwala na maaaring masakop ng
isip ng tao kung ano ang nasa labas o makatulad o makapantay kaya. Hindi ang
labas ang nahuhulog sa isip ng tao; sa halip ang isip ng tao ang mas malamang
na mahulog sa labas o maligaw kaya. Kung tutuusin, takot ang isip ng tao sa
labas dahil sa taglay nitong lawak at kasukalan. Pilit pinagtatakpan ng tao
ang takot na ito sa pamamagitan ng paglalarawan o pagbibigay ng pangalan
sa kanyang mga naririnig, nakikita, nararanasan mula sa labas (Dialectics of
Enlightenment 10-11). Sa simula, ang paglalarawan na ito ay nakapaloob sa
iba’t ibang mitolohiya na kinagisnan natin mula pa sa kani-kanyang sinaunang
kalinangan. Nakapaloob sa mga mitolohiyang ito ang mga naunang pagtatangka
ng tao na paamuin ang nasa labas nang sa gayo’y mapasailalim ito sa kanyang
kapangyarihan. Kinatatakutan ng tao ang hindi niya alam kaya gayun na lamang
ang pagsisikap niya na malaman ang lahat upang wala na siyang katakutan.
Ang taong walang kinatatakutan ay siyang hari at panginoon ng lahat. Ito
ang pangarap ng sangkatauhan na nagbunsod sa pagsisikap nitong sakupin

57
HASAAN
ang labas ng kanyang isip. Bandang huli, ang mga katutubong mitolohiya ay
naging agham at matematika, ang mga modernong lenggwahe ng katwiran
ng tao. Sa pamamagitan nila, pumailanlang ang isip ng tao. Ang katwiran na
dating nasa loob lamang, ngayon ay nangangarap na itulad sa kanya ang lahat
ng nasa labas, abot man o hindi ng kanyang tanaw. Ito ang naging bagong diyos
na naghahangad na likhaing muli ang lahat ng bagay bilang kanyang kawangis
(Dialectics of Enlightenment 8-9). Mas malawak ang abot ng kaalaman ng tao,
mas ganap ang kanyang tagumpay at ito ang tagumpay na ipinagdiriwang ng
Enlightenment, ang pamagat ng kasaysayan ng modernong panahon.
Ayon kay Adorno, ang panahon ng mitolohiya at ang panahon ng
Enlightenment ay hindi magkahiwalay na yugto (Dialectics of Enlightenment
xviii). Sa mitolohiya ay mababanaagan na ang Enlightenment sa kasagsagan ng
pantasya ng tao na masakop ang labas, ang kumakatawan ngayon sa makabagong
mitolohiya, sa mitolohiya ng kapangyarihan ng isip ng tao (Dialectics of
Enlightenment 18-28). Nangako ang mitolohiyang ito na magbubukas ng bagong
panahon ng kasaganaan, ginhawa, kasiyahan at kapayapaan subalit kabaligtaran
ang bungang inani ng sangkatauhan sa modernong panahon. Sa halip ng mga
nabanggit, gutom, paghihirap, digmaan at pagkakawatak-watak ang naging
bunga ng maganda sanang simulain. Ang rurok ng bangungot ng Enlightenment
ay walang iba kundi ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na para kay Adorno ay
kinakatawan ng Auschwitz (“Meditations” 84-88). Ang Auschwitz ay ngalan ng
pinakamalaking kampo na ginamit ni Hitler at ng partidong Nazi upang kitilin
ang buhay ng milyon-milyong Hudyo sa kasagsagan ng nasabing digmaan.
Bilang isang Hudyo, tumimo sa gunita ni Adorno ang Auschwitz bilang isang
malagim na paalaala ng makabagong barbarismo na inilunsad Enlightenment
sa anyo ng modernong sibilisasyon (Dialectics of Enlightenment 15) Kung
ang Enlightenment ay kwento ng walang patumanggang pagsisikap ng tao na
iwangis sa kanyang isip ang lahat ng nasa labas, ang Auschwitz ay tumatayong
saksi sa kabangisan na kayang gawin ng tao upang iwaksi ang anomang uri
ng kaibahan o di pagkakatulad sa itinakda ng kanyang isip. Matatandaan na
ang tanging naging krimen ng mga Hudyo noong panahon ng digmaan ay
ang hindi nila pagkakawangis sa mga Aleman. Ang di-pagkakatulad sa sarili
ng mga Aleman na inaakala ni Hitler na pinakadakilang lahi sa buong mundo
ang naging dahilan upang sa pagsasara ng digmaan, tinatayang halos anim na
milyong Hudyo sa Europa ang sistematikong nalipol sa tulong ng makabagong
agham at teknolohiya na ginamit ni Hitler at ng kanyang mga tagasunod. Si
Hitler ay isang mukha lamang sa listahan ng iba’ t ibang barbaro na sumulpot
sa modernong panahon at nagtangkang pilit na iwangis ang nasa labas sa
panukala ng kanyang sarili. Liban sa kanya, maaalala rin ang mga pangalan ni
Stalin ng Russia, Mussolini ng Italya o Pol Pot ng Cambodia. Ilan lamang sila
na nagbigay ng mukha sa panlipunan at politikal na aspekto ng pagpipilit ng
tao na gawing pamantayan ng labas ang kanyang kaisipan. Nasilip na natin
ang ganitong pangitain sa cogito ni Descartes hanggang sa transcendental ego
ni Kant hanggang sa mabigyan ito ng mas ganap na pagpapaliwanag sa Geist

58
JOVITO V. CARIñO

ni Hegel. Si Hegel, para kay Adorno, ang maituturing na pinakatampok na


tagapagtaguyod ng pilosopiya ng pagkakamukha (Dialectics of Enlightenment
6-18). Sa anyo ng Geist, ang katwiran ang naging unibersal na kapangyarihan
na siyang sasakop at sasaklaw sa lahat. Papaloob ang lahat ng nasa labas sa
Geist at lahat ay magliliwanag at maipaliliwanag. Wala nang iiral na paglihis
at pagwaksi. Wala nang maiiwan sa labas. Ang lahat ay mabibigyan ng
kaayusan at linaw ng iisang kahulugan, ng iisang katwiran. Sa loob ng nag-
iisang katwirang ito, magkakasama ang lahat sa iisang hulmahan: ang lahat ay
magiging magkakamukha.
Sa madaling salita, sangkot ang pilosopiya sa pagpapalawig ng barbarismo
na ipinunla at iniluwal ng modernong sibilisasyon. Pinatunayan na ng kasaysayan
na hindi tama ang pilosopiya; sa halip, may tama ang pilosopiya. Makatwiran
bang talikuran na lamang ang katwiran? Makabubuti bang bitawan na lamang
ang pilosopiya? Hindi ang tugon ni Adorno at dito siya lumihis sa panukala
ni Karl Marx. Ayon kay Marx, dapat talikuran na lamang ang pilosopiya dahil
mas kailangang baguhin ang mundo sa halip na kilatisin ito (“Metaphysics”
34-35) Ayon kay Adorno, dapat na ituloy ang pamimilosopiya dahil walang
makakapagligtas sa pilosopiya kundi pilosopiya din mismo. Karugtong ito ng
paniniwala ni Adorno na ang lunas sa karamdaman ng Enlightenment ay sa
Enlightenment din matatagpuan. Ito ang katangian ng pag-iisip ni Adorno.
Ang kanyang pamimilosopiya mula sa labas ay hindi nangangahulugan na
dapat paboran lamang ang labas laban sa loob o kaya’y dapat iwaksi ang loob
at labas lamang ang dapat na bigyang- pansin. Ang kanyang kritika laban sa
Enlightenment ay hindi nangangahulugan na laban siya sa Enlightenment
(Simon 23). Para kay Adorno, anumang uri ng pag-iisip na naghahangad na
magwaksi, magsantabi o magpatahimik sa isang tinig ay kaisipang nanggagaling
sa sariili, sa katwiran, ibig sabihin, sa daang matuwid o ang paniniwala na ang
totoo ay makikita lamang sa iisang pananaw. Hindi magkalaban ang loob at
labas, ang sarili at di-gaya-ng-sarili, ang katwiran at di-gaya-ng katwiran subalit
hindi rin sila magkamukha. Magkaiba sila at ang relasyon na ito ng pagkakaiba
ang dapat na laging isaalang-alang ng pilosopiya (Negative Dialectics 146-
150). Ang pagkakaiba ng sarili sa di-gaya ng sarili ang tinatawag ni Adorno
na negatibong diyalektika. Labag ito sa diyalektika ni Hegel na nagsabing ang
tagumpay daw ng pilosopiya ay magaganap kapag ang sarili at ang di-gaya-
ng sarili, ang katwiran at di-gaya-ng-katwiran, ng loob at labas ay maging isa
bandang huli. Binaligtad ni Adorno ang diyalektika ni Hegel kaya tinagurian
niya ito na negatibong diyalektika at ang layunin nito ay ang isiwalat hindi ang
balang-araw na pagsasanib ng katwiran at di-gaya-ng-katwiran, ng sarili at
di-gaya-ng-sarili, ng loob at labas kundi ang permanenteng pagkakahiwalay o
pagkakaiba nila. Hindi magiging isa ang katwiran at di-gaya-ng katwiran, ang
sarili at di-gaya-ng-sarili, ang loob at labas; hindi sila magsasanib. Mahirap mang
tanggapin, hindi sila magiging sila. Ang loob ay mananatiling loob at ang labas
ay habang buhay na nasa labas. Ang kanilang ugnayan, sabi nga ng isang kanta
ni Joey Ayala, ay isang walang hanggang paalam. Ito ang panukala ni Adorno

59
HASAAN
na lunas para sa pilosopiya. Dahil walang yugto kung saan maaaring magtagpo
ang sarili at di-gaya-ng sarili, ang katwiran at di-gaya-ng-katwiran, ang loob at
labas, mananatiling lantay ng lamat ang pilosopiya. Ang kilalanin at tanggapin
ang lamat na ito ang siyang pagmumulan ng lunas para sa pilosopiya. Ang
tagumpay ng pilosopiya at ng Enlightenment sa pangkalahatan ay nakasalalay
sa kanyang kakayahan na tanggapin ang katotohanan na mas makitid ang isip
ng tao kaysa sa inaakala natin; tanggapin na may puwang sa pagitan ng totoo at
hindi-totoo, sa pagitan ng tama at hindi-tama, sa pagitan ng katuwiran at hindi-
makatuwiran. Hindi matatawid ng isip ng puwang na iyon. Walang bangka na
masasakyan ang kategorya o teorya na makatatawid sa magkabilang pampang.

Ang Negatibong Diyalektika at ang Pagsasapilosopiya ng Filipino


Mahalagang bigyang-diin, bago ko talakayin ang pagsasapilosopiya ng
Filipino, na hindi tahasang winawaksi ng negatibong diyalektika ni Adorno ang
loob o sarili o katwiran. Hindi lamang sang-ayon si Adorno sa pamimilosopiya
na nagsisimula sa katiyakan ng loob o sarili o katwiran at lalong tutol siya sa
pagpapasailalim ng labas sa kunwaring katiyakang ito. Mahirap makatiyak
tungkol sa loob o sarili o katwiran. Anumang kaalaman na hawak natin ay hindi
talaga masasabing kaalaman kundi pawang mga akala o hula lamang dahil kahit
ang mga bagay na kinakawing natin sa loob o sarili o katwiran ay umaasa rin
lamang sa ating kondisyon sa labas. Wala tayong makikita sa loob na hindi
nagmula o bunga ng labas. Kung labas din lamang ang salalayan ng lahat, marapat
lamang, ayon kay Adorno, na labas ang maging simula ng pamimilosopiya. Sa
bagay na ito, sinusundan niya si Spinoza na nauna nang nagsabi na ang ating
kamalayan ay ayon lamang sa kung ano ang nalalaman natin tungkol sa ating
katawan, ibig sabihin, sa ating panlabas na kalagayan (Spinoza). Kaya nga sa
diskurso ng negatibong diyalektika, ang dapat itanong ng isang namimilosopiya
ay hindi kung ano ang kahulugan ng isang bagay kundi kung ano ang kalagayan
nito. Ang tanong sa kahulugan ay patungkol sa loob; ang tanong sa kalagayan
ay nakatuon sa labas. Kung susundan natin si Adorno, ang marapat na maging
pakay ng pilosopiyang Filipino ay hindi pagsisiwalat kung ano ang sariling-atin
kundi ang pananaliksik kung ano ang kalagayan natin. Ang sarili ay walang
kamalayan tungkol sa kanya. Nakikilala lamang niya kung sino siya kung siya
ay titingin sa labas bilang kanyang salamin. Ito ang dahilan kung bakit para
kay Adorno, ang pundasyon ng pilosopiya ay hindi dapat katwiran o sarili o
loob, kundi sosyolohiya. Ayon sa kanya, ang ating kalagayang panlipunan ay
hindi nagkataon lang o isiningit sa pilosopiya kundi bahagi mismo ng kanyang
sariling lohika (“Metaphysics” 132) .
Ang hamon sa pagsasapilosopiya ng Filipino ay siyang hamon ng
pilosopiyang ipinapanukala ni Adorno sa pamamagitan ng negatibong diyalektika.
Ito ang pilosopiyang hindi takot masangkot sa kalituhan o mamantsahan ng
dumi o kaya ay tumawid sa tulay ng walang katiyakang katotohanan. Ang unang

60
JOVITO V. CARIñO

hakbang ng pagsasapilosopiya ng Filipino ay hindi paghahanap ng sagot sa


problema kundi ang pagturing sa bawat nakagisnang sagot bilang isang tanong.
Hindi ito pagyakap sa liwanag kundi pagdungaw sa dilim. Hindi pag-ilanlang
sa alapaap kundi paglusong sa putikan. Nagsisimula ito hindi sa tanong kung
ano ang Filipino o kung sino ang Filipino kundi nasaan ang Filipino. Alinman
sa naunang dalawang tanong ay nagpapahiwatig na mayroong iisang sagot
sa problemang nakahain at ang sagot na iyon ay maidudulot sa pamamagitan
ng depinisyon o kahulugan. Samantalang ang pagtatanong kung nasaan ang
Filipino ay isang pag-amin na hindi pa siya nakikita o nakikilala. Imbitasyon ito
upang siya ay sipatin. Pambungad ito sa paghahanap. At gaya ng isang bagong
salta sa isang lugar, ang tanging batid ng isang namimilosopiya ay hindi niya
lubos na alam ang kanyang pupuntahan. Kailangang magtanong-tanong at sa
kanyang pagtatanong, kailangang bukas sa labas ang kanyang atensyon.
Mahirap gamitin ang pilosopiya upang lutasin ang tanong na sino ang
Filipino o kaya itambad ang sariling-atin. Isang sulyap lamang sa labas at
makikita natin kung gaano karami ang maaaring maging posibleng sagot sa
tanong na ito at kung paanong wala ni isa man sa kanila ang maaaring maging
tama. Ang hangarin na gawing bibig ang pilosopiya ng pagsisiwalat ng sariling-
atin ay kailangan ng masusing kritika. Mapapansin ang likas na pagiging sarado
o eksklusibo ng nasabing kataga: sarili na, atin pa. Ipinapalagay ng ganitong
ekspresyon na ang sarili ay tila isang yaman sa loob ng kaban at ang tanging
kailangan lamang ay mabuksan ito upang makilala. Itinuturing nito ang sarili
bilang lihim.
Nauna ko nang binanggit na si Adorno ay hindi laban sa nosyon ng sarili.
Tinututulan niya ang palagay na nagtatampok sa sarili sa simula ng kasaysayan
gaya ni Descartes o sa wakas ng kasaysayan gaya ni Hegel o kaya angat sa
kasaysayan gaya ni Kant. Para kay Adorno, ang saysay ng sarili ay nasa kasaysayan.
Wala ito sa simula o katapusan, lalong hindi ito angat sa kasaysayan gaya ng
isang haring nagmamando lamang mula sa kanyang luklukan. Pangyayari ang
sarili, nangyayari at nangyayaring paulit-ulit. Nakasiksik ito sa kasaysayan, sa
pagitan ng bawat simula at katapusan.
Hindi masasabing ganap na ang ating sarili bilang mga Filipino bago pa
dumating ang mga Kastila gaya ng pagdidiin ni Rizal. Hindi rin nalabag ang
paglikha sa sarili ng mga Filipino sa pagdating ng mga Amerikano gaya ng
tinuturing ni Constantino. Walang padron sa pagka-Filipino dahil ang pagiging
Filipino ay isang pangyayari na hindi sa loob kundi sa labas nangyayari. Ang
Filipino ay binubuo ng iba’t ibang salik ng kasaysayan. Kahit ang salitang
“Filipino” ay likha ng kasaysayan. Bago ang salitang Filipino, tayo ay mga
Tagalog, Tausug, Malay, Intsik, Muslim; bahagi tayo ng iba’t ibang komunidad na
nakakalat sa iba’t ibang isla, kapatagan, kabundukan at mga pampang na balang
araw ay kikilalanin bilang Pilipinas. May nanatili at nagbabago sa kasaysayan,
may nadadagdag at nababawas, may napupuksa at isinisilang at lahat ng ito
ay dinadaanan ng pagka-Filipino. Ang pagka-Filipino ay hindi isang himpilan

61
HASAAN
kung saan tumitigil at nagtatagpo ang iba’t ibang sangkap. Ang pagka-Filipino
ay ang daluyan mismo ng mga salik habang ang Filipino mismo ay sumasabay sa
daloy ng kasaysayan. Dahil dito, sadyang mahirap magsimula ng isang diskurso
na ang tunguhin ay paglalantad ng sariling-atin. Anumang atin ay kanila rin
at anumang sarili ay hindi buo kundi laging binubuo pa lang sa pandayan ng
panahon. Ito ang isang bagay na mahirap hanapan ng katwiran o kaya hanapan
ng patunay mula sa argumento ng loob. Walang iisang lohika na maaaring
sumakop sa yaman at kumplikasyon ng pagka-Filipino na totoo lamang dahil
ito ay nangyayari sa labas. Sa halip, ang labas ang sumasakop sa pagka-Filipino
dahil ito ang pinangyayarihan ng lahat. Hindi mabibigyan ng katwiran ang
pagka-Filipino sa pamamagitan ng pagsusulong ng tagisan sa pagitan ng
katutubo at dayuhan o ng Silangan laban sa Kanluran. Ang pagka-Filipino ay
ang palagiang pagtawid sa kung ano ang katutubo at kung ano ang dayuhan,
sa bahagi ng Silangan at panig ng Kanluran at sa palagiang pagiging malay na
alinman sa dalawa ay hindi sumasakop o nagpapasakop sa isa’t isa. Ito ang
dahilan kung bakit si Rizal na laban sa Kastila ay gumagamit ng wikang Kastila o
si Constantino na laban sa Amerikano ay gumagamit ng Ingles. Kapwa nila batid
na kailangan nilang tumawid paroon at pabalik at paroon at pabalik muli upang
bigyang buhay ang kanilang pagka-Filipino. Kaya nga ang nasyonalismo bilang
isang konseptong nagtatanggol ng sariling-atin lamang ay hindi maituturing
na totohanang nagsusulong ng pagiging malaya. Sa kabaligtaran, pinapakitid
pa nito ang ating kaisipan sa pamamagitan ng paglikha ng mga bakod na
humaharang sa ating pananaw na magpapakita sana sa atin ng labas kung saan
naroon ang mga katotohanang iba sa atin. Hindi kalaban ang iba, lalong hindi
ito dapat katakutan. Hindi dayuhan ang katunggali ng katutubo; hindi Kanluran
ang kaagaw ng Silangan. Ang dapat nating katakutan ay ang pag-iisip na isa
lamang sa kanila ang dapat mamayani at ang sarili ay matatagpuan lamang sa
dulo o simula ng pamamayaning ito. Matatandaang ito ang kaisipang lumikha
sa Auschwitz at iba pang mga bantayog ng karahasan sa iba’t ibang bansa at iba’t
ibang yugto ng kasaysayan: sa Gulag ng Russia, sa Killing Fields ng Cambodia,
sa Apartheid ng Africa, sa Cultural Revolution ng China, sa Desert Storm at
Shock and Awe sa Baghdad, sa Ku Klux Klan ng Amerika, sa etnikong digmaan
sa Bosnia at Serbia.
Sa panahong ang mga bansa ay halos naging magkakapitbahay na lamang
dahil sa bilis teknolohiya ng komunikasyon at transportasyon; sa panahong
ang paglilipat-lipat ng bansa at pagpapalit ng nasyonalidad ay ordinaryong
bahagi na lamang ng modernong pamumuhay; sa panahon na halos 10 milyong
Pilipino ang naninirahan sa labas ng bansa at dumaragdag pa rito ang mga
Pilipinong isinisilang sa ibang panig ng mundo bunga ng pakikipagrelasyon ng
mga Pilipino sa ibang lahi, mahirap panaligan ang isang diskurso o konsepto
na magbubukod tangi sa atin. Sa paliwanag ni Fernando Zialcita, ang sarili ay
sabay na isa at iba. Hindi tayo ganap na isa; lalong hindi tayo ganap na iba. Ang
hamon sa diskurso, partikular sa pilosopiya, ay ipagpatuloy ang kritikal na
pagmamatyag sa diyalektikang ito. Dito rin magmumula ang pagsasapilosopiya

62
JOVITO V. CARIñO

ng Filipino.
Konklusyon
Ipinapakita ng papel na ito ang puwang para sa isang alternatibong
paraan ng pagsusulong ng pilosopiyang Filipino. Hango sa kritikal na teorya
ni Theodor Adorno, ang nasabing alternatibo ay nagpapanukala na ang
pilosopiyang Filipino ay maaari ding tingnan hindi lamang bilang pagsasa-
Filipino ng pilosopiya kundi bilang pagsasapilosopiya ng Filipino. Tinawag itong
pagsasapilosopiya ng Filipino sapagkat hangad nitong dumulog sa Filipino, sa
anyong tao man o konsepto, bilang buhay na katanungan at hindi kasagutang
ganap na. Ang pagsasapilosopiya ng Filipino ay pagsalang sa Filipino sa gilingan
ng pag-uusisa at pananaliksik. Nais nitong gawin ang Filipino bilang isang
temang pilosopikal, isang tema na pag-uusapan at pagtatalunan pa lamang
mula sa mga retaso ng kanyang katotohanan na matatagpuan sa lipunan.
Upang isakatuparan ito, mahalaga na ang pamimilosopiya ay magmula sa labas
at hindi sa loob. Ang loob ay kumakatawan sa paniniwala na ang Filipino, tao
man o konsepto ay may angking kabuuan. Tumutukoy ito sa ating pagsisikap na
bigyan ng kahulugan o katwiran ang ating pagiging Filipino sa pamamagitan ng
pagtatampok ng sariling-atin. Sa nagdaang pagtalakay, ipinakita na ang ganitong
uri ng diskurso, bagamat makabayan, ay hindi nagsusulong ng pilosopiya o
pagiging-Filipino. Sa halip na palawakin ang abot ng ating tanaw, pinapakitid
nito ang ating paningin sa pamamagitan ng pagpipilit na ikulong sa loob ng
isang konsepto ng sarili ang masalimuot at maraming salik na pumapalibot
sa ating pagka-Filipino. Binabaligtad ito ng pagsasapilosopiya ng Filipino sa
pamamagitan ng pamimilosopiya mula sa labas. Tinawag itong tuwad na daan
dahil kabaligtaran ito ng nakagisnang pamimilosopiya na ang tanging layon ay
maghanap ng katwiran. Taliwas sa pamimilosopiya mula sa loob, ang kalagayan,
hindi ang kahulugan, ng pagiging Filipino ang hanap ng pamimilosopiya mula sa
labas. Ang labas ang kumakatawan sa daigdig, sa kasaysayan, sa panahon kung
saan ang Filipino ay matatagpuan. Sa labas, ang Filipino ay hindi isang konsepto
kundi isang buhay na katotohanan na gumagalaw at nagbabago kasabay ng
kasaysayan.
Kung hangad ng pilosopiya na maging makabuluhan sa Filipino, marapat
lamang na bigkasin nito ang iba’t ibang mukha ng kalagayan na kanyang
kinasasangkutan. Ang pilosopiyang napako na sa diskurso ng nasyonalismo,
ibig sabihin sa pagtatampok ng sariling-atin, ay magiging biktima ng kanyang
sariling romantisismo kung hindi nito bibigyan ng tinig ang sitwasyong
kinalalagyan niya. Ito, sa tuwad na daan, ang tuon ng pansin ng pamimilosopiya
mula sa labas. Pagkilala ito sa ating pagka-Filipino bilang isang historikal na
proseso.
Alternatibong maituturing ang pamimilosopiya mula sa labas, ang
pagtahak sa tuwad na daan, sapagkat binabago nito ang pag-unawa sa gawain
ng pilosopiya at sa konsepto ng nasyonalismo.

63
HASAAN
Ibinababa nito ang pilosopiya mula sa dating tore kung saan alam at tiyak
niya ang lahat pababa sa larangan ng mga pangamba at baka sakali. Dito mismo
magsisimula ang pilosopiya hindi upang maghari kundi para makisabay sa agos
ng kasaysayan. Hindi niya rin hinuhubog ang mga pangyayari. Pumapaloob siya
sa kasaysayan bilang isang saksi. Dito niya makikita kung gaano ka-imposible ng
iwangis sa katwiran ang kasaysaysan dahil mas maraming bagay sa mundo ang
walang katwiran o tahasang tumatanggi sa katwiran: ang laganap na taggutom,
ang pagkalat ng iba’t ibang karamdaman, ang di mapuksang digmaan, kasakiman
sa kapangyarihan, sobra-sobrang yaman sa harap ng malabis na kahirapan.
Ilan lamang ito sa mga bagay na tumatambad sa pilosopiya at nagpapatunay
sa kakapusan ng mga teorya at kategorya. Sa harap nila, walang paliwanag na
makasasapat. Gaya ng sinasabi ni Adorno, hindi maaaring magkamukha ang
katwiran bilang loob at hindi katwiran bilang labas. Hindi layunin ng pilosopiya
na hanapan ito ng paliwanag. Ang pamimilosopiya mula sa labas ay nasa
pagsisikap na makalikha ng mga kamalayan upang ang mga sitwasyong hindi
makatwiran ay hindi na muling maulit pa. Sa ganitong paraan, ang kakapusan
ng pilosopiya ay nagbibigay daan sa pag-asa. Hindi man ito mabanaag kung ano
pero may pangako na iba ito sa kasalukuyang kalagayan.
Hindi rin isinisantabi ng pamimilosopiya mula sa labas ang nasyonalismo.
Nagbibigay lamang ito ng bagong pag-unawa sa konseptong ito upang higit
itong maging totoo kung nasaan tayo ngayon. Binanggit na sa simula na hindi
tinatawaran ni Theodor Adorno ang nosyon ng sarili o loob. Ang tinututulan
niyang mahigpit ay ang pagsusulong ng paniniwala na ang sarili o loob at
ang daigdig o labas ay dapat maging magkamukha gaya ng pinapanukala
ng Enlightenment. Mapamuksa ang ganitong kaisipan. Ang nasyonalismo
bilang isang konsepto na nagsusulong ng sarili ay may ganitong posibilidad
kung hindi ito babantayan. Ang kailangan sa kasalukuyan ay ang konsepto
ng nasyonalismo na mapagbuklod, hindi mapagbukod; mapang-angkop, hindi
mapanakop; mapanuri, hindi mapang-uri. Magagawa lamang natin ito kung sa
pamimilosopiya natin, labas ang ating panggagalingan, kung tatahakin natin
ang tuwad na daan. Kung tutuusin, hindi naman talaga tayo makakapasok
sa loob kung hindi tayo manggagaling sa labas. Ang taong laging nasa loob
at hindi lumalabas kahit kailan ay malamang may sakit o kaya nasa libingan.
Ang masiglang pamimilosopiya ay nangangailangan hindi ng pagbabalik-loob
kundi ng pagbabalik-balik sa loob at labas. Hindi kailangan mamayani ang isa
laban sa isa. Kapwa sila kailangan sa pamimilosopiya. Napatunayan na natin sa
kasaysayan ang masaklap na hantungan ng pamimilosopiya na idinikta ng loob
o sarili lamang. Ang pamimilosopiya mula sa labas ay nagbubukas ng tuwad
na daan. Huwag ninyong itanong sa akin kung saan tayo makararating. Ngunit
kung itatanong ninyo kung may mararating tayo, isa lang ang sagot ko.
Meron.

64
JOVITO V. CARIñO
Mga Sanggunian
Adorno, Theodor. Dialectics of Enlightenment. Stanford, California: Stanford University Press, 2002.
Nakalimbag.
---. “Meditations on Methaphysics: After Auschiwitz” nasa The Adorno Reader. Brian O’Connor (Ed.).
Oxford: Blackwell Publishing, 2000. Nakalimbag.
---.Negative Dialectics. New York: Continuum, 1997. Nakalimbag.
---.“Theses on the Language of the Philosopher” nasa Adorno and The Need in Thinking: New Critical
Essays. Toronto: Toronto University Press, 2007. Nakalimbag.
Cariño, Jovito V. “Re-thinking Filipino Philosophy with Gilles Deleuze”; hindi pa nalalathalang
artikulong binasa sa 1st International Deleuze Studies in Asia Conference, Taipei, Taiwan sa
Mayo 31 – Hunyo 2, 2013.
Constantino, Renato. “Veneration Without Understanding”. Web.
Jarvis, Simon. Adorno: A Critical Introduction. New York: Routledge 1998.
Quito, Enerita S. The State of Philosophy in the Philippines. De La Salle University: Monograph Series
5, 1983.Nakalimbag.
Rizal, Jose. Events In The Philippine Islands. Manila: National Historical Commission, 2011.
Nakalimbag.
Spinoza, Benedict, Prop. 13, Part II “The Nature and Origin of the Mind” nasa Ethics Demonstrated
in Geometrical Order .Web.
Zialcita, Fernando. Authentic Though Not Exotic: Essays On Filipino Identity. Quezon City: Ateneo de
Manila University Press, 2005. Nakalimbag.

65
Si Roque Ferriols, Wika,
at ang Larong Basketbol

Emmanuel C. De Leon
Departamento ng Pilosopiya
Unibersidad ng Santo Tomas

Si De Leon ay propesor sa Abstrak


Departamento ng Pilosopiya, Ang papel na ito ay tumatalakay sa gawaing pi-
Unibersidad ng Santo Tomas. losopikal na iminumungkahi ni Roque Ferriols,
Nagtapos siya ng Batsilyer sa isang paring Heswita, dalubguro, at pilosopo.
Pilosopiya sa Saint Augus- Sa unang bahagi ng papel, masinsinang inuugat
tine Seminary at ng Maste- ang proyekto ng nasabing pilosopo. Nakasentro
rado sa Pilosopiya sa UST. Sa sa pagmumulat sa halaga ng gawaing pagpa-
kasalukuyan, nakasentro ang pakatao at pagkahiwatig ni Ferriols sa poten-
kanyang mga pananaliksik sa syal ng wika ang papel na ito. Sa pagkagising
mga temang may kaugnayan at pagkamulat natin sa reyalidad ng wika bi-
sa teknolohiya, pluralismo, at lang tahanan ng katotohanan, kailangan itong
Pilosopiyang Filipino. itaas sa nibel ng epistemolohiya. Kasama rito
ang hamon ng pag-iisip sa gilid-gilid. Sa huling
bahagi ng papel, isang matapat na pagtingin
sa larong basketbol ang ating matatagpuan
upang magbigay ng isang kongkretong prakti-
kum sa uring pag-iisip na inilalarawan ni Ferri-
ols. Penomenolohikal ang pamamaraan. Hindi
ito nagnanais na maglagay ng mga ganap na
depenisyon, bagkus layunin lamang nitong
maglarawan ng uring kaisipan mula sa mga
tuwirang sinabi ni Ferriols sa kanyang mga si-
nulat at sa mga pahiwatig nito.

Mga Susing Salita

Pilosopiyang Pilipino, Wika,


Penomenolohiya, Basketbol, Ferriols

66
emmanuel c. de leon

Introduksyon
May kahirapan ang gagawin nating eksplorasyon sa mga kaisipan ni
Roque Ferriols. Paano mo tatalakayin ang isang pilosopong nagsabing, “Hindi
ako brand. Tao ako.” Maging siya mismo ay hindi naglalagay ng mga pader na
hangganan sa kanyang mga konsepto. Kaya susubukan lamang nating makisabay
sa uri ng pag-iisip ni Ferriols. Maingat nating uulitin, sa paraang mapangilatis,
ang mga pagmumuni-muni ni Ferriols nang sa gayon ay makapagbigay tayo ng
ilang pag-uulat tungkol sa kanyang pilosopiya.
Susubukan nating pasukin ang mundong pilosopikal ni Ferriols sa
pamamagitan ng pakikisimpatya sa kanyang mga tanong. Ano ang hitsura ng
mundo sa paningin ni Ferriols? May mag-iiba ba sa pagtingin natin sa mundo
kung aampunin natin ang pagtingin ni Ferriols sa mundo? Maaaring may
magtaas ng kilay at sabihing napakapersonal naman ng pamamaraan. Pero,
sabi nga ni Ferriols, “Isang umiiral na pag-uunawa ang pilosopiya. Hindi iyan
tumpak na pagpapaliwanag” (Pambungad 239). Isang potensyal ang pagtingin
ni Ferriols. Baka sakaling mayroon tayong makita kung titingnan rin natin
ang kanyang mga tiningnan. Baka sakaling maliwanagan tayo ng kanyang mga
paliwanag.
Ngayon, hindi natin kayang isiksik sa isang papel ang lahat ukol sa
pamimilosopiya ni Ferriols. Kaya, gaya ng sinabi niya, “may kinukuha, may
iniiwan [muna].” Nakatuon lamang ang ating kasalukuyang atensyon sa mga
sumusunod na usapin: 1) proyektong pilosopikal ni Ferriols, 2) wika bilang
potensyal, 3) ang pilosopiya sa gilid-gilid, 4) wika sa gilid-gilid, at 5) wika ng
larong basketbol sa gilid-gilid.

Ang Proyektong Pilosopikal ni Ferriols: Ang Bulaga ng Katotohanan


Binubuo raw ng kahuhulugan (telos) ang pag-iisip ng isang pilosopo.
Dito nakasentro ang uring pamimilosopiya at mga tanong na nais sagutin ng
isang pilosopo. Tawagin natin itong “proyekto”. Ang salitang “proyekto” ay
galing sa salitang Latin na may kaugnayan sa mga bagay-bagay na nakatapon sa
hinaharap. Ano ang pinoproyekto ni Ferriols? Sa kanyang pamimilosopiya, saan
niya gustong makarating ang landas na kanyang tinatahak?
Ang gawaing pamimilosopiya para kay Ferriols ay ang walang-hanggang-
pagtatangka ng isang tao na magtanong at unawain ang kanyang karanasan sa
Meron upang kahit paano ay matanaw ang katotohanan (sa isang magalang na

67
HASAAN
paraan). Ibig sabihin, hindi tayo natatapos mamilosopiya at hindi rin natatapos
ang pilosopiya sa atin. Ito marahil ang dahilan kung bakit binansagan ng
matematikong si Pythagoras ang mga nagsasabuhay ng ganitong gawain na
“mangingibig ng karunungan”. Ang isang mangingibig ay hindi napapagod na
alamin ang iba’t ibang mukha ng pagkatao ng kanyang minamahal.
Ngunit kahit na likas sa ating mga tao ang kahiligang magtanong at
umunawa, bukas din ang posibilidad na mahulog tayo sa katamaran at tignan
ang Meron sa paraang awtomatiko. Kung talagang nakikinig tayo kay Ferriols,
ginigising niya tayo at binibigyan ng babala na delikadong bisyo ang hindi pag-
iisip.
Malinaw na binigkas ni Ferriols na wala sa intensyon niyang bumuo ng
isang partikular na uri ng pilosopiya. Kaugnay nito, sinabi niya,
“Kung talagang nais ng isang taong mamilosopiya, ang hinahanap niya
ay ang totoo na nagpapakita sa kanya. At gagamitin niya ang anumang
makatutulong sa paghanap sa totoo. Kung ang pinag-aabalahan niya’y
Pilipino ba ako? o Intsik? o Indian? o kung ano? Hindi na siya namimilosopiya.
Lalabas siyang gaya ng taong tingin nang tingin sa salaming walang
katapusang pagkabagabag na baka hindi siya mukhang Pinoy (Pambungad
278).”

Hindi ibig sabihin na masama ang paggalugad sa Pilosopiyang Pilipino.


Para kay Ferriols, nakapaloob ang proyektong ito sa “tanong sa Meron”. Isang
nibel lamang ng sangkameronan ang paghahanap sa Pilosopiyang Pilipino.
Kung itatanong “meron bang Pilosopiyang Pilipino?” Ewan! Baka! Nakabitin ang
sagot. Itinuturo muna ni Ferriols ang uring pag-iisip na bukas sa nagpapakita.
Kung saan tayo dadalhin noon ay hindi pa rin niya alam.
Mas mahalaga kay Ferriols ang pagiging mulat sa karanasan kaysa
pagbubuo ng Pilosopiyang Pilipino. Malinaw niyang ipinaliwanag, “When I try
to philosophize in [F]ilipino, it is with intent to live and to help awaken other
people into living” (“A Memoir” 217). Hindi sinasabi ni Ferriols na tagabunyag
siya ng lahat ng katotohanan. Mas mainam sabihin na proyekto ni Ferriols
ang gisingin ang kanyang mambabasa upang gamitin ng mga napukaw ang
kanilang kakayahang humanap, makatuklas, makarinig, mangilatis at gumanap
sa katotohanan. Palagi nga raw may trabaho ang “bangaw” na nagngangalang
Sokrates, ayon kay Ferriols.
Ginugulat tayo ni Ferriols sa dinamismo ng Meron bilang walang
hanggang dinamismo. Sa kanyang Pambungad sa Metapisika, inilarawan niya
ang metapisika bilang pintuan ng pagmumulat kung ano nga ba ang maging tao.

68
emmanuel c. de leon

Dahil lahat tayo ay bahagi ng tinatawag ni Ferriols na “sangkameronan”, ang


pagkamulat mo rito ang susi upang makilala mo ang iyong pagkatao. Sa mga
pagninilay ni Ferriols tungkol sa langgam, puno, taxi driver, pagtatampisaw sa
tubig at iba pa (parating mahalaga ang “at iba pa”), kinakalabit niya ang kanyang
mga mambabasa upang ituon ang kanilang atensyon sa mga ordinaryong bagay
na mas madalas pa sa malimit ay hindi binibigyan ng atensyon.
Maaari nating makutuban na itong Pambungad sa Metapisika ni Ferriols
ay halimbawa ng pagmumuni-muni na minumungkahi niya. Isa nga itong
praktikum. Ito nga ang sinasabi niyang “librong hindi matapus-tapos”; na kapag
pinasya mong pumasok sa bungad ng sangkameronan, palawak nang palawak,
palayo nang palayo ang mga masasabi at hindi masasabi. Ginagamit ni Ferriols
ang isang talinghaga ng “abot-tanaw” bilang pantukoy dito. Kapag gumalaw
ang tumatanaw, mararanasan niya ang isang walang hanggang pag-akit. Ano
ang ibig sabihin ni Ferriols dito? Minsan dinadanas natin ang magmasid-masid,
parating may sasagi sa ating paningin. Parating may nakaharang. Ngunit sa tabi
noong bagay na sumagi sa ating paningin, sa gilid noon, sa likod noon, mayroon
pa ring mga nagpapakita. Ganito kalawak ang Meron o ang “abot-tanaw” o ang
Katotohanan. At dito mismo sa loob ng “abot-tanaw” nakatanim ang tao, hindi
bilang sentro ng daigdig, pero may gampaning bigkasin parati ang meron. Ano
ba itong pagbigkas sa meron na isa sa mga panguhing tema sa pilosopiya ni
Ferriols?
Dito ginamit ni Ferriols ang talinghaga ng “paggawa ng gulong” upang
maipaliwanag ang ibig sabihin ng pagbigkas sa meron (pagtubo ng pag-unawa).
Isa itong paulit-ulit na paggawa. Ngunit sa gawaing pag-uulit, tumatalab ang
katotohanan at namumunga. Samakatuwid, may kaugnayan ang pagbigkas sa
meron at ang pangongonsepto. Sa pilosopiya ni Ferriols, ang pangongonsepto
ay hindi upang magyabang na mas marami kang alam. Kadalasan, ayon kay
Ferriols, sa ating pagbigkas sa meron natatauhan tayo sa ating katangahan. Ang
pagbigkas sa meron ay isang mapagkumbabang pag-amin na hindi masasabi
ang totoo, magagawa lamang. Sabi nga ni Ferriols, “Sapagkat sa paggawa ng
gulong, kapag nasabi na ang lahat na masasabi, ang pinakamahalaga ay hindi
masasabi. Magagawa lamang. Mauunawaan lamang ng kamay na gumagawa. At
kapag nagawa na, lalabas na pinagkataman lamang at pinaglagarian ang lahat
ng nasabi” (Pambungad 28). Hindi ibig sabihin na masama ang mangonsepto.
Bahagi ng pagbigkas ang pangongonsepto. Kailangang dumaan ng tao sa
masasabi, bago niya matamo ang hindi masasabi. Pero, itinuturo ni Ferriols na
may mga bagay na kinukuha, may mga bagay na iniiwan.

69
HASAAN
Wika Bilang Potensyal
Sa kalagitnaan ng Dekada 60, unti-unting umusbong sa damdamin ng mga
politiko at taong simbahan ang masidhing kagustuhang gamitin ang wikang
Filipino. Nanatiling wika ng mga “matatalino” at “kagalang-galang” ang wikang
Ingles, ngunit matindi ang hamon ng panahon na mag-Filipino, salitain ang wika
ng ordinaryong tao. “When respectable people can talk Tagalog in public as badly
as I do and be applauded for it, it must be high time for such me to speak Tagalog
in public without having to fear the censorious eyes of some pure Bulakanese” (“A
Memoir” 215).
May kahirapan ang pagsisimula ng ganitong adhikain. Nariyan nang
mabansagang “experimental” ang mga klase ni Ferriols. Ngunit napakahalaga
at napakalaki ng hakbang na ginawa ni Ferriols sa paggamit ng wikang Filipino
sa pilosopiya. Unang-una, naipakita nito na kaya palang mamilosopiya sa wika
ng karaniwang tao. Ano ang nakita ni Ferriols sa paggamit ng wikang Filipino?
Maging si Alfredo Co ay umaming marami nang guro sa pilosopiya ang nawalan
ng ganang ituro ang pilosopiya sa wikang Filipino maliban kay Ferriols (“Doing
Philosophy in the Philippines” 11). Hindi kaya korning-korni sa pandinig ng
mga sosyal ang paggamit ng wikang Filipino?
Sa paggamit natin ng wikang batay sa atin mismong karanasan, pinapalaya
rin natin ang ating damdamin, binibigkas natin ang kakornihan at kalaliman
ng ating pagkatao. Para kay Ferriols, may mga bagay na korning-korni pero
importanteng-importante. Kabilang dito ang paggamit ng wikang nagpapalaya.
Hindi niya sinasabing wikang Filipino lamang, sapagkat hindi rin baog ang
ibang wika.
Dito importante ang mga teksto ni Ferriols na sinusubukang isalin ang mga
orihinal na teksto na nasa Griyego. Kahit sa kanyang pagsasalin, sinusubukan
niyang makisabay sa pag-iisip ni Parmenides, Heraclitus, Sokrates, at iba pang
pilosopo. Kahit na sa kanyang pagsasalin, pinapalaya pa rin niya ang mga teksto
at ginugulat pa rin niya ang mga mambabasa sa yaman ng mga kataga. Kaya
nga potensyal ang kataga. Masasalamin sa wika ang katotohanan sapagkat, ayon
kay Ferriols, “…taglay ng bawat wika ang kapaitan at pananabik ng paghabol sa
katotohanan: paghabol ng mga unang naghubog at ng mga sumunod na gumamit
sa wikang iyon” (Pambungad 278). Kaya nga, dapat danasin ang mga kataga ng
mga taong gumagamit at umuulit nito. Ang mga kataga ang ekspresyon ng samu’t
saring karanasan ng tao sa daigdig. Kaya marahil ito ay tinawag na “katagâ”;
kasama ito sa ating “pagkaka-tagâ” o pagkakababad sa mundo. Nagdudulot ng

70
emmanuel c. de leon

sugat at pagkakahati ang isang “tagâ”. Kaya minsan sinasabihan natin ang isang
na tao na “masakit kang magsalita”. Sapagkat ikaw ay “natagâ” ng kanyang mga
sinabi. Pero, ang wika rin ay nagpapalaya. Kumakawala ang mga kaisipan sa
pamamagitan ng mga kataga. Kung dadanasin lamang talaga natin at gagamitin
ang katagang nagpapalaya, sisibol ang mga kaisipan. Dapat nga nating sariwain
ang sinaunang paggamit at pagbigkas sa mga katagang nagpapalaya.
Paano dinadanas ang wika? Walang eksaktong patakaran. Nalalaman
na lamang niya ang paraan sa pamamagitan ng pagsasagawa. Sa wika ng
mga jejemon ng kasalukuyang panahon, praktis-praktis din ‘pag may time!
Halimbawa raw sa larong beysbol. Tinatawag nating magaling na manlalaro ang
nakapagpatama ng tatlong daang beses. Palibhasa’y bihira ang makagagawa
nito. Alam rin natin na dumaan sa matinding pagsasanay ang nakagagawa nito.
Sa pagsasanay, mas malamang na marami rin siyang beses na pumaltos. Ganyan
rin daw sa pagdanas ng mga kataga. Lumalalim ang ating kaalaman sa wika sa
paggamit nito. May mga pagkakataon ng pagpaltos, pero bahagi ito ng pagdanas.
Hindi nga natin malalaman kung ano ang meron sa kailaliman ng dagat kung
hindi natin personal na sisisirin. Ganito rin ang wika. Malalim ang mga ito.
Kailangan lamang itong danasin at sisirin hindi upang ilagay sa isang garapon
at gawing mistulang tropeyo na maipagyayabang. Ang gawaing ito ay bahagi
ng ating pagpapakatao. Isa itong gawain ng isang taong nagsisikap mabuhay sa
katotohanan, sang-ayon kay Ferriols. Sabi pa niya:
“Ganito ang pag-uulit sa wika: hanapin, gisingin, pairalin ang pagtataka,
ang mapaglikhang pagkalito na nakatago sa mga katagang buod. Magiging
bago at sariwa muli ang wika. Matutuklasan ng umuulit na ang wika ay
potensyal sa pag-unawa at paglikha sa meron. Magiging bago at sariwa ang
pakikihalubilo sa meron ng taong umuulit sa anomang wika (Pambungad
52).”

Kaya nga, maaaring sabihing “sosyal” at kontra-sosyal ang paggamit


ni Ferriols ng wikang Filipino. Sa isang banda, sosyal dahil buhay ang
pangangailangang lumubog sa karanasan ng mga gumagamit ng wika. Bahagi
nito ang pagsisikap manirahan sa bayan ng katotohanan. Ginamit ni Ferriols
ang katagang “katoto” bilang pantukoy sa kapwa, ibig sabihin mga kasama
sa katotohanan. Sa kabilang banda naman, kontra-sosyal dahil itinataas
niya sa nibel ng epistemolohiya ang wikang Filipino. Kung tutuusin, kayang-
kayang makipagtalastasan ng mga estudyante ni Ferriols sa Ateneo sa wikang
Ingles. Kung ang layunin lamang ni Ferriols ay matuto sila ng mga konsepto
ng napakaraming pilosopo, hindi na kailangang gumamit ng wikang Filipino.

71
HASAAN
Ngunit makukutuban nating may aspektong politikal ang paggamit ni Ferriols
ng wikang Filipino. Nakikita niyang potensyal ang wika upang basagin ang
pader na naghihiwalay sa mga mayayaman at mahihirap. Hindi ito upang
sabihing “imperyalista” ang wikang Ingles. Sabi nga ni Ferriols, hindi naman
niya paborito ang wikang Filipino. Lahat ng wika ay potensyal kung matatalaban
tayo nito. Ngunit kung ipagpipilitan ko lamang ang wikang alam ko, baka ako
magyabang-yabangan at sabihing ako lamang ang edukado at taga-bundok
silang lahat. Sa paggamit niya ng wikang Filipino sa pamimilosopiya, nakikita
niya itong potensyal upang gawing lehitimo ang isang ordinaryo at hamunin
tayong danasin, kilatisin, at patalabin ang mga ito sa ating pagkatao.

Ang Pilosopiya sa Gilid-Gilid


Ano ang hantungan ng pilosopiya ni Ferriols? Kung nakikinig tayo nang
mataimtim sa itinuturo ni Ferriols, pag-aaksaya ng oras ang sagutin ang tanong
na ito. Malinaw pa sa sabaw ng pusit na bukas ang posibilidad ng Meron. Ang
maaari lamang nating gawin sa huling bahagi ng papel na ito ay magbanggit ng
ilang posibleng ruta na binuksan ng pamimilosopiya ni Ferriols. Kung saan man
ito patutungo, kasama na ‘yun sa mga “hindi masasabi”.
Para kay Ferriols, ang metapisika ang pintuan ng pagmumulat kung ano
nga ba ang maging tao. Dahil lahat tayo ay bahagi ng tinatawag ni Ferriols na
“sangkameronan”, ang pagkamulat mo rito ang susi upang makilala mo ang
iyong pagkatao.
Gamit ang ideya ni Norris Clarke, inilarawan ni Ferriols ang
pagmemetapisika bilang “…sabay na paglalatag ng sarili sa kalawakan, pero lalo
na, pagpasok sa kalaliman ng mga nilalang at sa kalaliman ng sarili. Kaya nga ang
metapisika ay hindi paghahanap ng isang pambihirang impormasyon. Sinasabi
lamang sa iyo, pumasok ka sa iyong sarili, at tingnan mo ang iyong dinamismo
para sa lahat ng meron” (Pambungad 270). Nagsisimula sa pinakamalapit sa
iyong katotohanan, sa iyong sarili, at sa pinakamalalim na katotohanan nitong
sariling ito na angkop sa Meron. Ang simula mo ay ang iyong sarili bilang walang
alam pero nais malaman ang lahat.
May kanya-kanya tayong ginagalawan. Sabi nga ni Ferriols, “Pati sa mga
bagay na bukal sa tao, ang bawat tao ay nananawagan na punahin ang kanyang
tanging kakanyahan” (Pambungad 195). Iniiwan ni Feriols ang kakayahan ng
ibang mag-isip tungkol sa mga insekto, tungkol sa mga tandang, tungkol sa
karagatan, tungkol sa mga tala. Walang masama sa mga ito. Magiging sagabal

72
emmanuel c. de leon

nga lamang ang mga ito kung hindi ito tumutungo sa Meron. Samakatuwid, iba’t
iba ang anyo ng pamimilosopiya para kay Ferriols. Subalit, kung tutuusin, pare-
pareho pa rin. Magkakaiba dahil maraming gilid, pare-pareho dahil iisa at may
kaisahan ang Meron.
Ngayon, paano nga ba ang pagsisiyasat na pilosopiko? Walang iisang
patakaran na itinuturo si Ferriols. Hindi rin naman nakabatay sa kanya-kanyang
kaparaanan. Nagsisimula ang pilosopikong pagsisiyasat sa isang matinding
pagkabalisa ukol sa mga nararanasan ng isang tao sa araw-araw niyang pag-
iral. Samakatuwid, may mahalagang papel na ginagampanan sa larangang ito
ang isang ako, ang isang palaisip. Sabi nga ni Florentino Timbreza:
“Hindi kusang uunlad ang anumang pag-iisip sa sarili nito mismo. Uunlad ito
sa pamamagitan ng pag-iisip ng taong nag-iisip. Ang pag-unlad ng pag-iisip
ay isang prosesong intelektwal na nagaganap habang ang tao ay nag-iisip.
Kaya magkakaroon lamang ng pag-iisip kung mayroong taong nag-iisip;
at sa pamamagitan ng taong nag-iisip ay uunlad ang pag-iisip na kanyang
pinag-iisipan (Intelektwalisasyon xi).”

Kaakibat ng pagkadama sa matinding pangangailangang makaalam ang


mulat na pagtataya ng sarili sa gawaing pilosopikal. Hindi maaaring hilaw
o patumpik-tumpik ang isang palaisip. Kinakailangang totoo sa sarili at buo
ang hangaring malaman ang mga kasagutan sa mga tanong-ng-buhay tulad ng
“sino ako?”, “sino ang kapwa ko?”, “ano ang katotohanan?”, “ano ang hustisya?”,
“meron bang Diyos?”, “may buhay ba pagkatapos mamatay?” at marami pang
iba. Kung nasagot mo na ang mga tanong na ito at hindi ka na nababalisa, hindi
para sa iyo ang pilosopiya.
Ngunit, paano iyon gagawin? Mas mainam sigurong gawin muna,
mamilosopiya. Sapagkat hinding-hindi maituturo ng kahit na sino, kahit na ng
pinakamahusay na guro sa Unibersidad ng Harvard, ang daan sa pagkaunawa.
Totoong instrumento ng katotohanan ang paaralan. Subalit, sa huli, nananatili
pa rin na ang isang tunay na mag-aaral ay nangangailangang humanap ng
kanyang sariling paraan at ritmo. Iyon ngang kanyang hodos (daan, paraan),
isang bagay na nangangailangan ng kahandaan, disiplina at flexibility. Ito ang
sinasabi ni Ferriols na paggalaw sa abot-tanaw. “Kapag gumalaw ang tumatanaw,
mararanasan niya ang abot-tanaw bilang isang walang hanggang tawag at pag-
akit, sa walang hanggang paglampas at pagtanaw” (Pambungad 10). Hindi siya
pinanghihinaan kahit paminsan-minsan ay pumapaltos. Para sa katotohanan
siya bumabangon.
Dito, mahalaga pa rin ang pagpili ng wika. Hindi maaaring balagbag ang

73
HASAAN
wikang gagamitin sa lehitimong ginagamit ng mga ordinaryong tao. Buhay na
buhay ang panawagan ni Ferriols na sa pamimilosopiya sa gilid-gilid, hindi
sapat na pag-isipan lamang ang larangang ito. Kailangan itong isapuso. Sa
kanya mismong sinabi, “Hindi sapat saulohin. Kailangang isaloob at isagawa”
(Pambungad 45).
Kaya nga, bilang pagtugon sa hamon ni Ferriols, susubukan nating mag-
iisip sa gilid-gilid. Papasukin natin ang mga ordinaryong karanasan na madalas
maisantabi. Dito, sisipatin natin nang mas malapitan ang larong basketbol.
Mayroon kaya tayong makikitang kaisipan sa pinakapaboritong laro ng mga
Pilipino? Isa itong pagtatangkang gamitin ang uring pag-iisip na binalangkas ni
Ferriols. Isa nga itong praktikum na naglalayong maglarawan ng mga nakikita
sa gilid-gilid.

Mahalagang Punto sa Pilosopiya ni Ferriols:


Wika sa Gilid Gilid
Katulad ng napakaraming pilosopo sa kasaysayan ng Pilosopiya, masasabi
nating ang pinakamatinding ambag ni Ferriols ay wala sa kanyang mga
pangunahing sagot. Mas matingkad ang naiambag ng kanyang pamamaraan
sa pamimilosopiya. Nagbukas ng napakaraming pintuan ang kanyang mga
kaisipan.
Kung talagang matapat ang ating pagsunod sa pag-iisip ni Ferriols,
mahihiwatigan natin na mas mahalaga sa kanya ang maging kagulat-gulat kaysa
maging masinop sa kanyang mga sinusulat. Patagong tatawanan marahil ng
mga maselan sa wika ang kanyang mga ispeling, gramatiko, at panghihiram sa
ibang wika. Subalit, wala sa mga iyon ang “sining ng pamumuhay na mulat sa
meron” (Pambungad 51).
Hindi sensitibo si Ferriols sa patakaran. Mas mainam sigurong sabihing
kritikal siya sa ating pagkahumaling sa iisa lamang na patakaran. Sa ganitong
klaseng “katamaran”, nasusupil ang yaman na pwedeng pagtakahan labas sa
kanyang sistema. Ito ang tinatawag niyang “pagtanggi sa Meron”. Inilalarawan
ni Ferriols ang mundo bilang malaking silid-aralan. Sa loob ng silid-aralang
ito, walang hanggan ang paksa nitong Meron. Gamitin nating halimbawa ang
sistema ng agham. Walang masama sa sistemang ito. Marami nga itong naiambag
sa larangan ng pag-iisip at sa pag-unlad ng ating pamumuhay. Subalit, kung
magpapakasiga tayo at sasabihin nating agham lamang ang ating gagamitin at
kung hindi masagot ng agham ay sabihing hindi ito totoo, magiging delikadong

74
emmanuel c. de leon

bisyo ang ganitong kaisipan. Sabi nga ni Ferriols, “sapagkat sa pagbigkas sa


meron, kailangan nating galangin ang ating sariling katangahan” (Pambungad,
69). Kaya nga, ganoon din sa paggamit ng wika. Walang monopolyo ang kahit
na anong wika pagdating sa kakayahan nitong gisingin ang kamalayan ng tao.
Kahit na ang mga wika sa gilid-gilid; laman ng mga ito ang karanasan ng mga
tao sa kanilang paghahanap sa katotohanan. Samakatuwid, may aspektong
pilosopikal ang pag-unawa sa wika.
Ngunit sa pamamaraang pilosopikal ni Ferriols, hindi natin inaaral ang
wika upang tayo ay maging cute sa paningin ng mga may alam. Hindi rin ito
isang paligsahan ng kung sino ang pinakamagaling sa wika. Inaaral natin ito at
ginagamit dahil bahagi tayo ng sangkatauhan na naghahanap sa katotohanan.
Malinaw na malinaw nga ang ugnayan ng wika at pilosopiya.
Ngayon, wikang Filipino lang ba ang dapat gamitin sa pamimilosopiya?
Malinaw ang sagot ni Ferriols dito. Hinding-hindi dapat tayo makulong sa
iisang wika. Hindi sarado si Ferriols sa wikang Aleman, Pranses, Ingles, Ilokano,
Cebuano, at marami pang iba. Inaaral natin at itinataas sa nibel ng pang-
unawa ang ibang mga wika hindi upang maging alipin nila tayo, kundi upang
makibahagi sa kanilang katalinuhan sa paghahanap ng totoo.
Matingkad na matingkad sa pilosopiya ni Ferriols ang aspekto ng
pagkabukas. Sabi nga niya, pairalin ang pagtataka (Pambungad 34). Habang
buhay na buhay ang pagtataka sa kaisipan ng isang tao, hindi dapat itong
supilin sa pamamagitan ng paglalagay ng mga hangganan. Marami nga sigurong
dalubhasa at dalubguro ang matatawa kung gagamit tayo ng wika na ginagamit
sa kanto sa ating pamimilosopiya. Maaaring sabihing hindi naman iyon nasa
nibel ng akademikong pagsusulat. Subalit, kung ating pakikinggan at hindi
pagtatawanan ang wika sa gilid-gilid, marami rin tayong matututunan. Para
kay Ferriols, ang pamimilosipiya ay dapat kauna-unawa sa tao. Hindi dapat ito
nalalambungan ng sopistikadong wika na hindi naman nauunawaan ng tao.
Kung ang pilosopiya ay naipapahayag sa wika ng karaniwang tao, nagagawa nito
ang kanyang layunin.
Pero, dapat rin nating banggitin sa bahaging ito ng papel na hindi sa wika
natatapos ang pamimilosopiya. Ang totoo ay hindi ito natatapos. Pero, malinaw
pa sa sabaw ng pusit na para kay Ferriols instrumento lamang ang wika.
Isang aspekto lamang ng pamimilosopiya ang pagpili sa wikang gagamitin. Sa
madaling salita, nakapaloob lamang ito sa pangunahing layunin ni Ferriols na
pagpapakatao. Sabi niya, “Ang sining ng pamumuhay na mulat sa meron, ay sining

75
HASAAN
ng wasto at buhay na pagtatanong. Sa panahon na isinisilang ang isang wika, ang
mga taong lumilikha’t humuhubog sa wika ay nakakatanggap ng biyaya ng bago
at sariwang pagkalito sa meron, sa orihinal na pagtatanong” (Pambungad 51-
52). Isang sining itong proyekto ni Ferriols. Wala itong eksaktong sukat. Kaya
nga maaari niyang sabihin sa mga taong patumpik-tumpik at may pagdududa sa
kakayanan ng ordinaryong wika upang gisingin ang ating kamalayan sa paraang
pilosopikal na huwag panghinaan ng loob. Gawin mo ito hindi man maaari o
maaari. Para bagang sinasabi niya: “huwag mong pababayaang mahati ang loob
mo: kahit na hindi potensyal, gawin mong potensyal: buoin mo ang loob mo
(Pambungad 55). “
Praktikum: Wika ng Larong Basketbol sa Gilid Gilid
Ano nga ba ang larong basketbol? Parang napakasimple ng tanong. Batay
sa pagpapakahulugan ng Federation Internationale de Basketball (FIBA) ito ay
nilalaro ng dalawang koponan na may tig-lilimang manlalaro. Ang layunin ng
bawat koponan ay maka-iskor sa buslo (basket) ng katunggaling koponan at
pigilan ang kalabang koponan sa pag-iskor. Ang laro ay nasa ilalim ng pagkontrol
ng mga opisyal sa loob ng court, mga opisyal sa table, at ng komisyonado (kung
naroroon). Ngunit lampas pa sa nasabing depenisyon ang katotohanan ng
larong basketbol. Sabi nga ng FIBA, “We are basketball.” Kung taimtim tayong
nakikinig sa sinasabing ito, tinatawagan tayong pagnilayan ng purong-puro ang
larong basketbol. Sa gawaing ito, nakasangkot ang ating sarili. Sapagkat, hindi
malulubos ang ating tinatangkang pag-unawa kung hindi tayo makikisangkot sa
loob ng inuunawa mismo. Kailangang maging magalang sa gawaing ito sapagkat
bahagi tayo ng ating inuunawa.
Hindi maikukubli na marami sa mga Pilipino ang nahuhumaling sa larong
basketbol. Kahit saang kanto makakakita ka ng basketball court. Sabi nga,
magkaroon lamang ng bakanteng espasyo, mabilis pa sa alas-kwatro, makakaisip
na tayo ng paraan para makapagtayo ng basketbolan. Tuwing bakasyon, nauuna
sa isipan ng mga nag-oorganisa sa mga barangay ang pagpapaliga ng basketbol.
Parang kulang ang kasiyahan sa tag-init kung wala nito. Bakit nga ba ganito na
lamang ang pagkahumaling ng mga Pilipino sa basketbol? Kung tutuusin, hindi
ito ang pinakanababagay sa ating laro kung pagbabatayan ang tangkad at kaha
ng katawan ng mga Pilipino. Susubukan nating alamin ang pinag-ugatan ng
kahumalingang ito upang sa ganun ay makapagbigay ng ilang konseptong etikal.
Dinala ng mga gurong Amerikano ang larong basketbol sa Pilipinas noong
1905. Sang-ayon sa mga tala, isinama ng mga opisyal ng Young Men’s Christian

76
emmanuel c. de leon

Association (YMCA) ang larong basketbol bilang minor sport para sa mga
kababaihan. Habang ang mga kalalakihan ay tinuturuan ng larong beysbol, na
siya namang usong-uso laro sa mga Amerikano hanggang sa ngayon. Ang larong
basketbol ay ginamit upang hubugin ang edukasyon at mga pagpapahalaga ng
mga Pilipino.1
Isa marahil sa hindi maikukubling dahilan kung bakit mistulang pinili
ng mga Pilipino ang mahumaling sa basketbol kumpara sa beysbol ay ang
klima ng bansa. Sa halip na maglaro ka sa napakainit na damuhan, lohikal na
mas gugustuhin mong maglaro sa covered court.2 At dahil may bubungan ang
palaruan ng basketbol, mas marami rin ang nahahatak na manonood. Kung
maraming nanonood, mas mataas ang porsyentong maging tanyag.
Mistulang nakatadhana talagang tumatak sa puso ng mga Pilipino ang
larong basketbol. Hindi naglaon, itinatag ng mga Katolikong tagapangasiwa ng
mga paaralan sa Maynila ang Pilipinong bersyon ng National Collegiate Athletic
Association (NCAA) noong 1924 upang makibahagi sa programa ng pamahalaang
kolonyal na magtaguyod ng mga pagpapahalaga o values sa pamamagitan ng
palakasan. Dahil dito, tuloy-tuloy nang sumikat ang larong basketbol. Nagtayo
ang bawat paaralan ng kani-kaniyang gymnasium. Gayundin, kumuha rin ang
bawat kolehiyo ng mga banyagang coach. Dito na nagsimulang matutong mag-
set shot, lay-up, at iba pang kumplikadong diskarte ang mga Pilipino.
Dahil nga marahil sa NCAA, lalo pang naging pangunahing libangan at
tagpuan ng mga tao (masa o elitista) ang larong basketbol. Isa itong pagkakataon
upang makita ang mga sikat sa lipunan. Gayundin, isa rin itong pamamaraan
upang maipakita ang antas mo sa lipunan. Kumbaga, ang penomenon ng laro ay
ang sanib-sanib na intensyon ng mga taong nakapaloob dito.

1“Education was also used to indoctrinate Filipinos with American values, and sports, in particu-
lar, were believed to promote discipline and cooperation. The United States developed a comprehensive
physical education curriculum for use in public schools throughout the country; in Manila, Americans
built recreational facilities like playgrounds and a YMCA.” [Rafe Bartholomew, Pacific Rims (USA:
Penguin Books Ltd., 2010), 57-58].
2Naimbento ni Dr. James Naismith (1861-1939) ang larong basketball bilang solusyon sa prob-
lema ng kanilang paaralan sa sistema ng palakasan tuwing sasapit ang winter. Dahil hindi pa uso noon ang
mga covered court, nilalaro ito sa loob ng isang cage. Ito ang dahilan kaya hanggang ngayon tinatawag pa
ring cagers ang mga manlalaro ng basketbol.

77
HASAAN
Kaya nga, hindi lamang libangan ang larong basketbol. Dahil isa itong
pangyayari, mayaman din ito sa pilosopikal na bagay-bagay. Marami nga tayong
matututunan sa nasabing laro kung atin lamang itong pagmumuni-munihan.
Unang-una, palasak na kasabihan sa larong basketbol ang bilog ang bola.
Dito masasalamin ang samu’t saring pagpapahalaga na nakapaloob sa kaisipang
Pilipino. Sa isang bansang tulad natin na hindi naman ganoong nakaririwasa
sa larangan ng pamumuhay, mahalaga ang konsepto ng pag-asa. Ito marahil
ang dahilan kung bakit tumatak sa puso ng maraming Pilipino ang koponan
ng Ginebra San Miguel. Ang kanilang “never say die” na prinsipyo ang nagdala
sa kanila sa posisyon bilang pinakasikat at pinakakinatatakutang koponan
sa Philippine Basketball Association (PBA). Sa paglalarawan nga ni Coach Bo
Perasol sa laban ng kanyang dating koponang Air 21 Express at ng Ginebra,
“versus the Philippines”. Sa kahit anong laro ng Ginebra sa liga, parating nasa
kanila ang “home-court advantage”. Kaya nga sila pinangalanang Barangay
Ginebra, isang bansag na nagpapakita ng kapitbahayan; isang pambansang
komunidad ng masang Pilipino na sumusuporta sa isang koponang para
bang dapat ipaglaban kapalit ng kanilang buhay. Pero, kung uugatin natin ang
dahilan ng kasikatang ito malamang makita natin sa kahiligan ng mga Pilipino
sa mga dehado, sa mga inaapi. At buhay na buhay ang pag-asa ng pagbangon
sa hinaharap. Kaya nga, hindi masamang tingnan ang larong basketbol bilang
salamin ng mentalidad nating mga Pilipino. Sa pangkalahatang pagtingin sa
kinahuhumalingang larong basketbol, mahihiwatigan natin ang uring kaisipan
nating mga Pilipino na lubos ang pag-asa na makababangon sa mga dagok ng
buhay. At ito nga ang ipinapapakita ng mga kataga sa larong basketbol, bilog
ang bola. Hindi lamang sila mga kataga. Bagkus mga buhay na konsepto at
kamalayan na nasa sikolohiya ng isang bansang tumatangkilik at nagmamahal
sa larong basketbol.
Pangalawa, mayroon rin siguro tayong masisilip na prinsipyo sa konsepto
ng diskarte at gulang na nakaugat sa konsepto ng “matalinong pagpapasya”.
Halos lahat ng koponan sa larong basketbol ay nagtatalaga ng kanilang bruskong
“hitman” na ang raison d’etre sa loob ng court ay asarin sa paraang pisikal ang
pinakamahusay umiskor ng kalabang koponan. Kung ang Crispa ay may Johnny
Revilla, ang Toyota naman ay may Alberto “Big Boy” Reynoso. Ang Ginebra noon
ay may Rudy “The Destroyer” Distrito, ang Rain or Shine naman ngayon ay may
Beau “Extra Rice” Belga. Sa etika ng basketbol sa Pilipinas, ang panggugulang sa
mga kulang pa ng karanasan na manlalaro ay tanggap bilang paggamit ng utak o
pagiging madiskarte. Ang salitang gulang (craftiness) ay mauugat natin sa

78
emmanuel c. de leon

Tagalog na salitang “magulang”. Sa isang batang manlalaro na nagsisimula pa


lamang, ang sitwasyong naiisahan ng mas nakatatanda sa kanya na marami
nang pinagdaanan sa laro (at sa buhay) ay bahagi nga ng paglalaro. Ipinapakita
sa larong basketbol ang kahalagahan ng diskarte sa buhay. Kailangang matalino
ka sa larangan ng buhay. Ito marahil ang dahilan kung bakit binansagang “The
Scholar” ang isa sa pinakamagaling sa depensa sa kasaysayan ng basketbol sa
Pilipinas, si Philip Cezar. Hindi man siya ang pinakamatangkad na manlalaro sa
taas na 6”3’ noong henerasyon niya, subalit malimit niyang nalalamangan ang
kanyang mga kasabayan gamit ang kanyang utak. Ito ang dahilan ng kanyang
kasikatan at nagdala rin sa kanya sa mundo ng politika bilang Vice Mayor ng San
Juan City. Kaya nga, mahihiwatigan din natin sa mga kataga sa larong basketbol
sa Pilipinas ang uring kaisipan na tumatangkilik sa “matalinong pagpapasya”
na nakaugat sa isang kasanayan na hinuhulma ng mga karanasan sa buhay.
Nasa gitna ng “kulang sa diskarte” at “sobrang gulang” ang isang “matalinong
pagpapasya”. Malinaw sa larong basketbol at sa tunay na buhay ng isang tao ang
kahalagahan ng diskarte na nakakasanayan galing sa mga karanasan habang
ikaw ay nakakaroon ng gulang.
Pangatlo, ginagamit rin ang salitang buwaya sa larong basketbol sa Pilipinas
bilang negatibong paghahambing sa mga manlalarong sariling kasikatan
lamang ang iniisip. Mayroong aspekto ng maayos na pakikitungo sa kapwa na
maaari nating masilip sa palasak na katagang “buwaya” sa larong basketbol.
Sa paglalaro ng basketbol, malimit nating naririnig sa mga sikat na manlalaro
na isinasantabi nila ang kanilang personal na hangarin. Halimbawa, mas
mahalaga ang kapakanan ng koponan kaysa sa personal na tagumpay, katulad
halimbawa ng pagkakamit ng MVP awards. Hindi katanggap-tanggap ang isang
manlalarong matakaw sa bola dahil sa paghahangad ng karangalang personal.
Samakatuwid, malinaw na konsepto sa larong basketbol ang kahalagahan
ng kakampi. Kailangan ang pagkakaunawaan ng magkakakampi. Kaya nga,
mayroong malinaw na gampanin ang bawat isang manlalaro sa isang koponan.
Hindi magandang puro point guard, o kaya puro sentro ang magkakakampi.
Dahil mayroon ngang iba’t ibang gampanin ang mga manlalaro, kailangan nila
ng koordinasyon. Dito mahalaga ang papel ng coach at ng point guard, para pag-
isahin ang iba’t ibang talento ng mga manlalaro. Sa salita ni Gadamer, tinatawag
niya itong pagsasanib-ng-abot-tanaw (fusion of horizon). Ito rin ang itinuturo
ng etika tungkol sa pagtangkilik sa pagkakaisa (solidarity) at pagtitiwala sa
tungkulin ng bawat kasapi ng lipunan (subsidiarity) na nakaugat sa prinsipyo
ng kabutihang panlahat (common good). Kaya kung ayaw mong mabansagang

79
HASAAN
buwaya, sa laro man o sa totoong buhay, itinuturo ng larong basketbol ang
halaga ng pakikisama at pag-iisip sa kabutihan ng iba.
Bilang panghuli, sa isang bansang halos sumasamba sa larong basketbol,
mahalagang maunawaan natin na may negatibo ring aspekto ang pagkahumaling
dito. Kahit ang mismong kasikatan nito ay mayroon ring sinasabi kung atin
lamang pakikinggan. Sa isang bansang hindi naman ganoon kayaman at hindi
naman natutugunan ang lahat ng pangunahing pangangailangan ng mamamayan,
ano ang dahilan at mistulang ibinubuhos ng ibang pulitiko ang kaban ng bayan
para sa isang marangyang gymnasium? Hindi naman siguro maling sabihin na
may ilang pulitikong ginagamit ang larong basketbol para patahanin ang mga
tao sa kanilang pagngalngal sa kawalan ng serbisyong pampubliko. Hindi na
marahil masasakop ng papel na ito ang pag-aaral sa pagkakaugnay ng kahirapan
sa bansang Pilipinas, pagkahumaling ng mga Pilipino sa larong basketbol, at
ng iresponsableng pagwawaldas ng mga taong gobyerno sa kaban ng bayan.
Nangangailangan ito ng panibagong atensyon at oras. Pero, hindi naman siguro
mahirap sabihing hindi malalamanan ng fiberglass backboards ang kumakalam
na sikmura ng ordinaryong Juan dela Cruz. Hindi magagamot ng mamahaling
pintura ang impeksyon at sakit ng mga tao. Sa halip na gamot at pagkain, mas
inuuna ang basketbol. Sabi nga sa kanto-kanto, “dalawang mukha ng pag-ibig”.
Ang “love affair” ng mga Pilipino sa larong basketbol ay may dalawang mukha
rin. Kilalanin pa natin ang atin mismong minamahal at kinahuhumalingan.
Paglalagom
Sinubukan natin sa papel na ito na makisabay sa uring pag-iisip ni
Roque Ferriols na umuudyok sa ating mag-isip sa gilid-gilid. Sa magalang
nating pakikinig at pag-uulit ng pilosopiya ni Ferriols, natuklasan natin ang
kanyang pangunahing proyekto na gisingin ang kanyang mga mambabasa sa
panganib ng hindi pag-iisip. Ginamit ni Ferriols bilang kasangkapan ang wikang
Filipino upang patalabin ang kanyang pilosopiya sa mismong Meron ng kanyang
mambabasa. Mahalagang sangkap ito upang mamulat tayo sa yaman ng mga
ordinaryong karanasan. Nananahan sa wika ang karanasan ng mga taong
gumagamit nito sa kanilang paghahabol sa katotohanan. Kaya nga, potensyal
ang wika upang imulat tayo sa napakalawak na abot-tanaw ng katotohanan. At
sa huling bahagi ng papel, sinilip natin ang penomenon ng larong basketbol sa
Pilipinas. Naliwanagan tayo sa yaman nito sa patuturo ng mga pagpapahalaga
at relasyon sa tunay na buhay. Noong sinisimulan pa lamang ang papel na ito,
mayroong pagdududa kung may silbi ba ito. Mayroon ba tayong makikitang
kahulugan sa mga gilid-gilid? Pero, sabi nga ni Roque Ferriols, “Kung iyong

80
emmanuel c. de leon

tititigan, mayroon kang makikita.”


Mahalaga nga ang muling pagtingin. Kung minsan, tumitingin tayo sa
isang puno. Walang bunga. Subali’t kapag tumingin kang muli, makikita mong
mayroon pala, nakakubli lamang sa mga dahon. Marami pa tayong bagong
makikita kapag tayo ay tumingin. Kahit sa mga ordinaryong bagay, kahit sa
mga simpleng karanasan, ang mga ito ay mga pangyayari. Mayroon bang
bagong kaisipan na matututuhan sa okasyon ng inuman, sa loob ng sabungan,
sa paaralan, sa loob ng bahay, sa tambayan, sa palengke, at marami pang iba?
Palibhasa’y tigib ang karunungang maaari nating malaman sa sangkameronan,
inaakit tayo nito na siya ay pagmasdan. Harinawa’y binuksan ng kasalukuyang
papel ang ating kamalayan sa ating likas na kakayahang magbunyag sa mga
nagpapakita.

Mga Sanggunian

Bartholomew, Rafe. Pacific Rims. USA: Penguin Books Ltd., 2010. Nakalimbag.

Co, Alfredo P. “Doing Philosophy in the Philippines: Fifty Years Ago and Fifty Years From Now.” Two
Filipino Thomasian Philosophers: On Postmodernism. (Ed). Romualdo E. Abulad, SVD. Manila: UST
Publishing House, 2004. Nakalimbag.

Dy, Manuel B., Jr. “Ang Pamamaraang Penomenolohiko.” Magpakatao: Ilang Babasahing
Pilosopiko(Ed). Roque J. Ferriols, S.J.. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1999.
Nakalimbag.

Ferriols, Roque. Pambungad sa Metapisika. Quezon City: Office of Research and Publications, Ateneo
de Manila University, 2002. Nakalimbag.

---. Mga Sinaunang Griyego. Quezon City: Office of Research and Publications, Ateneo de Manila
University, 1999. Nakalimbag.

---. Pilosopiya ng Relihiyon. Quezon City: Office of Research and Publications, Ateneo de Manila
University, 1995. Nakalimbag.

---. Magpakatao: Ilang babasahing Pilosopiko. Quezon City: Office of Research and Publications,
Ateneo de Manila University, 1979. Nakalimbag.

---. “A Memoir of Six Years.” Pagdiriwang sa Meron: A Festival of Thought Celebrating Roque J. Ferriols,
S.J. Ed. Nemesio Que, S.J. and Agustin Martin G. Rodriguez. Quezon City: Office of Research and
Publications, Ateneo de Manila University, 1977. Nakalimbag.

---.“A Cultural Adaptation.” Pagdiriwang sa Meron: A Festival of Thought Celebrating Roque J. Ferriols,
S.J. Ed. Nemesio Que, S.J. and Agustin Martin G. Rodriguez. Quezon City: Office of Research and
Publications, Ateneo de Manila University, 1977. Nakalimbag.

81
HASAAN
---. “Fr. Norris Clarke, S.J.: Heswitang Metapisiko.” Pagdiriwang sa Meron: A Festival of Thought
Celebrating Roque J. Ferriols, S.J.. Ed. Nemesio Que, S.J. and Agustin Martin G. Rodriguez. Quezon
City: Office of Research and Publications, Ateneo de Manila University, 1977. Nakalimbag.

---. “Ilang Nota: Etika.” Pagdiriwang sa Meron: A Festival of Thought Celebrating Roque J. Ferriols,
S.J.. Ed. Nemesio Que, S.J. and Agustin Martin G. Rodriguez. Quezon City: Office of Research and
Publications, Ateneo de Manila University, 1977. Nakalimbag.

Gadamer, Hans-Georg. Truth and Method. 2nd Revised Edition. (Trans.) Joel Weinsheimer at Donald
G. Marshall. New York: The Continuum Publishing Company, 1994. Nakalimbag.

Timbreza, Florentino. Intelektwalisasyon ng Pilisopiyang Filipino. Manila: De La Salle University


Press, 1999. Nakalimbag.

82
Desposoryo:
Katekesis sa mga Mag-iisang Dibdib
sa mga Gilid-gilid at Suluk-sulok
ng mga Bayan ng Malolos, Paombong at Hagonoy, Bulacan

Arvin D. Eballo
Institute of Religion
Unibersidad ng Santo Tomas

Si Eballo ay propesor ng Abstrak


Teolohiya at kasapi ng Insti-
tute of Religion ng Uniber- Desposoryo ang tawag sa pinakahuling yugto
sidad ng Santo Tomas. Nagta- ng proseso ng pamamanhikan para sa mga
pos ng Pilosopiya noong 1995 ikakasal sa mga bayan ng Malolos, Paombong
sa UST. Nagtapos ng kanyang at Hagonoy, Bulacan. Isa itong ritwal ng pag-
MA noong 2001 at Doctor of kakasundo sa pagitan ng mga pamilya na ki-
Education major in Religious
Education noong 2009 sa nasasangkutan rin ng mga tagabaryo. Upang
Pamantasang De La Salle sa unawain ang kabuluhang kultural ng despo-
Maynila (DLSU-M). Siya ay soryo, nangalap ng etnograpikong datos ang
isa sa mga editor ng aklat na mananaliksik sa pamamagitan ng pamama-
pinamagatang Contextualiz- raang K. Ang pamamaraang K ay nakatuon sa
ing the Theological Constants
of Justice noong 2010. obserbasyon at pakikilahok kaya nakaayon sa
kamalayan at buhay ng mga Tagalog. Nahahati
ito sa tatlong hakbang ng panunuri ayon sa:
Katalaan, Karanasan at Kahulugan. Sa pama-
magitan nito, isiniwalat ng papel ang mga aral
at epekto ng desposoryo sa mga mag-iisang
dibdib; sinuri ang mga kaugaliang Bulaken-
yo na nakapaloob dito; at pinatunayan kung
paanong ang kaugaliang ito ay isang halimba-
wa ng inkulturadong (inculturation) katekesis
na pinagyayaman ang kulturang Tagalog at
Kristiyanong pananampalataya.

Mga Susing Salita


Desposoryo, Katekesis, Bersohan, Pamanhikan,
Kaugaliang Tagalog

83
HASAAN
Introduksyon
Proseso ang buhay ng mga magsasaka kaya hindi dapat madaliin
ang mga bagay-bagay. Sabi nga, ang hinog sa pilit ay mapait kung
kainin. Idinadaan sa proseso ang mga mahahalagang yugto ng buhay
upang maging makahulugan, makabuluhan at pangmatagalan. Ang
pamamanhikan ay binubuo ng iba’t ibang yugto (Casanova 7). May
bulong o alok ng binata ng kasal sa kanyang nobya habang sumasaksi
ang kani-kanilang mga magulang. May kayare na ang ibig sabihin ay
napagkasunduan na ang detalye ng kasal. May dulog kung saan pupunta
sila sa pinuno ng barangay upang pagtibayin ang naging usapan.
Ang desposoryo naman ay ang huling bahagi ng pamamanhikan
kung saan hinahandugan ng kasayahan at bersohan ang mga ikakasal.
Nananaog ang lalaki sa kanyang bahay kasama ang kanyang mga
kamag-anak, kaibigan at mga kababaryo patungo sa bahay ng babae
upang ihandog ang istampa o larawan ng pag-iisang dibdib nina San
Jose at Santa Maria o kaya naman ay larawan ng Banal na Mag-anak.
Nagkakaroon ng sayawan, kantahan at bersohan sa gabi ng bisperas ng
kasal. Sa bersohan binibigkas at naipaliliwanag ang mga aral para sa mga
ikakasal (Mga Tula ni Conrado Victoria 162).
Ginagawa ang desposoryo sa mga sumusunod na baryo ng Malolos:
Panasahan, Balite, Tikay, Dakila, Sumapa, Bungahan, Ligas, Santissima
Trinidad, Anilao, Bulihan, Malanggam at Longos na pawang mga sakahan.
Sa Paombong, makikita ito sa Tabon, Gusi, Pinalagdan at Kapitangan.
Tumawid ang desposoryo sa Abulalas hanggang sa Iba-Ibayo sa bayan
ng Hagonoy. Dahil sa mga latian at palaisdan, kalat-kalat at watak-watak
ang mga nagdedesposoryo subalit sila ay nagkakaisa kapag isasagawa
na ang ritwal na ito.
Kung titingnan natin sa mapa ay kapansin-pansin na magkakatabi
lamang ang tatlong bayang nabanggit. Sa ibabang bahagi ng mga bayang
ito, maraming ilog na umuugnay sa look ng Maynila. Ang sinaunang
Katagalugan ay sumasaklaw sa mga babay ng look ng Maynila na
nagmumula sa Bataan hanggang Batangas, Mindoro at Masbate. Sa
mga pulo sila nanirahan bilang pamayanang pambaybay-dagat na mas
nakilala bilang mga ‘taga-ilog’. Natunton nila ang ilog mula sa aplaya
hanggang Laguna de Bai at sa ibayo patungong Tayabas. Mula sa arko
ng Batangas, Cavite, Bulacan at Bataan o paligid ng Look ng Maynila ay

84
ARVIN D. EBALLo

lunduyan ng Katagalugan (Veneracion 49). Kabilang ang mga bayan


ng Malolos, Paombong at Hagonoy na nagsasagawa ng desposoryo sa
sinaunang Katagalugan.
Matutukoy rin na ang mga lugar na may desposoryo ay yaong
malayo sa simbahan at sa Poblacion. Matatagpuan ito sa mga suluk-sulok
at gilid-gilid na itinataguyod ng mga magsasaka at mga mangingisda.
Kung kaya, ang desposoryo ay latak ng sinaunang kaugalian ng mga
Tagalog na nasa suluk-sulok at gilid-gilid ng bayan na nilapatan ng mga
Kristiyanong elemento upang magsilbing katekesis sa mga tao. Sa ritwal
na ito makikita ang pagsasanib ng sinaunang kultura at ng Katolikong
pananampalataya.
Nakatuon ang pananaliksik sa desposoryo bilang isang natatanging
gawaing kultural ng mga Tagalog sa Bulacan gamit ang pamamaraang K.
Ang pamamaraang K ang ginamit ng mananaliksik bilang pangkalahatang
pagkalap ng mga datos dahil hiyang at angkop ito sa kamalayan at buhay ng
mga Tagalog (Obusan at Enriquez 92). Ang pamamaraang ito ay binubuo
ng tatlong hakbang: Katalaan, Karanasan at Kahulugan (Obusan 38). Ang
unang hakbang ay ang pagtukoy at pagkalap sa mga datos ng desposoryo
mula sa KATALAAN na nakalagak sa mga libro at mga taong nakakaalam
nito. Ang pangalawa ay ang pagtalakay sa KARANASAN ng mga taong
sangkot dito. Ang pinakahuling hakbang ay tinatawag na KAHULUGAN
o ang paglalapat ng kahulugan sa mga datos na nakalap. Nakaayon din
sa tatlong hakbang ng pamamaraang K ang balangkas ng papel na ito.
Sa Katalaan, ilalahad ang kaligiran ng desposoryo bilang isang ritwal at
iisa-isahin ang proseso ng pagsasagawa nito. Sa Karanasan, tatalakayin
ang mga elemento ng desposoryo bilang sinaunang ritwal na Tagalog.
Sa Kahulugan, ihahanay ng pag-aaral ang mga aral ng desposoryo bilang
inkulturadong katekesis.
I. Katalaan: Kaligiran at Proseso ng Desposoryo
Maraming ritwal para sa mga ikakasal ang matatagpuan sa
Pilipinas. Nabanggit ni Antonio de Morga noong 1592 ang pakantang
seremonya sa Batangas na tinatawag na balayang (sinipi sa Sucesos de
las Islas Filipinas 176). Ang salitang-ugat ng balayang ay balayi na ang
kahulugan ay kasalan (Malay 1). Sa Tayabas ay may tinatawag na papuri.
Sa Pangasinan ay may tinatawag na onseguep, bansal at pagatin o mga
seremonya bago at pagkatapos ng kasal (del Castillo 14). Sa Palawan

85
HASAAN
ay may seremonya sa gabi ng bisperas ng kasal na kilala sa tawag na
esposadas.
A. Kaligiran ng Desposoryo
Sa Malolos, Paombong at Hagonoy, desposoryo ang tawag sa ritwal na
ginaganap sa gabi ng bisperas ng kasal. Nagbuhat ito sa salitang Espanyol
na desposorio na ang kahulugan ay kasunduang pagpapakasal o betrothal
sa wikang Ingles (UP Diksiyonaryong Filipino). Kaugalian ito ng mga
Tagalog na nilapatan ng mga Kristiyanong simbolo kung kaya’t makikita
rito ang pagsasanib ng kulturang Tagalog at ng pananampalatayang
Kristiyano. Dalawa lang ang maaaring makatanggap nito. Una, yaong
dumaan sa proseso ng pamanhikan. Ikalawa, yaong ‘matandaan’. Tatlo
sa mga nakapanayam ng mananaliksik ay ‘matandaan’ o pinagkasundo
lamang ng kanilang mga magulang. Kadalasan ay kasama sa pag-uusap
ang mga matatanda kung mayroong desposoryo ang magaganap na
kasalan. Ang ‘nagtanan’ ay hindi maaaring handugan ng desposoryo
dahil salungat ito sa kaugaliang dapat igalang ang mga magulang at mga
matatanda. Lumilitaw na ang desposoryo ay isang social control upang
pigilan ang pagtatanan.
B. Pagsasagawa ng desposoryo
Nasaksihan ng mananaliksik ang desposoryo ng Tikay, Malolos nang
handugan si Jenny (tunay na pangalan ng impormante na taga-Bulakan,
Bulacan), ng pamilya ni Jericho (tunay ring pangalan ng impormante
na taga-Tikay, Malolos, Bulacan). Pareho silang nagmula sa pamilya
ng mga magsasaka. Noong ika-30 ng Agosto 2008, gabi ng bisperas ng
kasal ginanap ang desposoryo. May arkong yari sa mga dahon ng sasâ
sa tarangkahan ng bahay nina Jenny na kilala sa tawag na singkaban o
arko ng tagumpay. May handang lutong ulam para sa mga kasangkot sa
desposoryo. Nakahanda na rin ang damara o pansamantalang bulwagan
kung saan isinasagawa ang seremonya ng desposoryo at handaan ng
kasal kinabukasan.
Narating ng Samahan ng Tikay ang bahay ni Jericho bandang
alas-sais ng hapon. Samahan ang tawag sa grupong naghahandog
ng desposoryo, nagdadalit sa lamayan at bumabasa ng pasyon kapag
panahon ng Kuwaresma. Namahinga muna sila. Maya-maya ay nag-
ensayo ng sayaw ang matatanda pagkatapos ay nagsalu-salo sila sa
meryenda.

86
ARVIN D. EBALLo

Mag-aalas-otso ng gabi nang sabihin ni Andrea Camua, pinuno ng


desposoryo ng Tikay, na humanda na sa pagpanaog at pagsisimula ng
prusisyon. Nagmano na si Jericho sa kanyang mga magulang. Napaiyak
ang kanyang ina habang bumeberso si Camua ng pamamaalam ng lalaking
ikakasal sa kanyang pamilya. Pagpanaog nila, sumagitsit ang mga kwitis
bilang hudyat ng simula ng prusisyon. May dalang mga sulo ang mga tao.
Halos lahat ay napapaindak sa saliw ng gitara, silindro at tambol. Hindi
magkamayaw ang sigawan, tawanan at palakpakan. Mayroon ding isang
lalaking may dalang alak at tinatagayan ang mga nahihiya sa pagsayaw.
Walang-sawa sa pagkunday ng istampa ang tagalibad nito. Libad
ang tawag sa masiglang pagkunday-kunday, pag-ikit-ikit at pag-ikut-ikot
sa istampa.
Nang tanaw na ang bakuran ng babae, lalong sumigla ang sayaw at
lalong lumakas ang sigawan. Sumisigaw sila ng ‘hayan na!’, ‘malapit na!’,
‘heto na kami!’ at ang iba naman ay ‘yeho!’ Nang nasa tarangkahan na
sila ng bakuran nina Jenny, hinudyat ang pagtigil ng lahat.
Ang dalawang batikan sa pagbeberso na sina Andrea Camua at
Heling Hernandez ay pumuwesto sa may tapat ng bintana upang simulan
ang bersohan. Si Camua ay beberso para sa panig ng lalaki at si Hernandez
naman para sa panig ng babae. Gumamit sila ng mikropono upang
maintindihan ng mga naroroon ang nilalaman ng bersohan. Panawagan
ang tawag sa unang bahagi ng berso ni Camua. Tumugon si Hernandez
kung ano ang pakay ng lalaki. Saulado ng dalawa ang kanilang mga berso.
Kumukumpas sila sa pagdiin sa mga salita. Tumugon ng pagpapakilala
si Camua at nagsabing nagsanla ng singsing ang babae kay Jericho. Ibig
sabihin, si Jericho ang napiling katipan ng babae. Nagsigawan ang mga
tao dahil sa bersong narinig. Pagkatapos sumigaw sila ng pong! Hudyat
ito na sasalitan ng sayaw-bukid ang bersohan. Matapos ang sayawan ay
bersohan na naman. Pagkatapos, dumako na ang pagberso ni Hernandez
sa pagpapatuloy sa istampa at kina Jericho. Bago iakyat sa bahay ang
istampa ay bumerso si Camua tungkol sa kahalagahan ng Banal na Mag-
anak bilang halimbawa ng mahusay na pagbubuo ng pamilya.
Nagkaroon muna ng mahabang libiran ng istampa na mistulang
eksibisyon ng sayaw-bukid. Nagsisigawan pa ang matatanda na bilisan
at husayan ang pagkunday-kunday sa istampa. Matapos ang libiran,
pinapila ni Camua ang mga mananayaw. Maya-maya, nagmartsa ang

87
HASAAN
dalawang hanay ng mga mananayaw paakyat sa bahay nina Jenny. Dito
inalay kina Jenny at Jericho ang istampa na nagpapahiwatig na sina San
Jose at Santa Maria ang tularan sa pagbubuo at pagtataguyod ng pamilya.
Sinundan ito ng pangangaral ng matatanda.
Nagkaroon ng sayawan at kantahan. Unang pinagsayaw ang mga
magkakabalae at mga tiyuhin at tiyahin, pagkatapos, ang mga dalaga at
mga binata at sa huli sina Jenny at Jericho. Pinaupo sa silyang magkatabi
ang magkaisang-dibdib. Pinaikutan sila ng mga manganganta. Mangiyak-
ngiyak si Jenny habang kumakanta ang samahan ng ‘Kahapung-kahapon
Lang’. Ito ang opisyal na kanta para sa babaeng ikakasal na hawig ang
tono sa kantang ‘Sa Lumang Simbahan’. Madaling araw na nang umuwi
ang samahan.

II. Karanasan: Mula sa Pagiging Katutubo Hanggang Inkulturasyon


Ayon kay Jose de Mesa, may mababakas na katutubong
pananaw sa likod ng mga seremonya, sining, katutubong kanta o berso,
paniniwala, ritwal at gawaing pagpapakabanal (Primal Religion 79-80).
Kanyang ipinaliwanag na marapat lamang tukuyin kung anu-ano ang
mga katutubong pananaw at kamalayan ng mga tao na nagsisilbing ugat
ng isang ritwal. Marapat lamang na mabatid kung anu-ano ang mga
katutubong kamalayan ang nagtatago sa tradisyong desposoryo at kung
paano ito nilapatan ng mga Kristiyanong elemento.
A. Katutubong elemento
Ang mga sumusunod ay ang mga kapansin-pansing elemento ng
desposoryo na nababahiran ng katutubong katangian:
1. Ang damara
Ang damara ay nagmula sa kaugalian ng mga sinaunang Tagalog na
isagawa ang mga mahahalagang seremonya gaya ng kasal sa malaking
bahay ng pinuno ng baranggay (Merino 51-53). Naitala ni Pigafetta ang
paggawa ng sibi upang magsilbing pansamantalang lugar kung saan
idaraos ang isang mahalagang pagdiriwang. Sa Bulacan, damara ang
katumbas ng sibi. Binabakuran ang lugar gamit ang mga dahon ng buko
na pinapatibay ng mga posteng kawayan. Nakapalupot dito ang mga
dahon ng kalyos o kamuning (Almario 88-89). Malinaw na ang damara
ay isang sagradong lugar para sa isang mahalagang pagdiriwang.

88
ARVIN D. EBALLo

2. Ang namumuno
Ang pagbeberso ay minamana mula sa mga ninuno. Ayon kay
Andrea Camua, nakamulatan na niya ang kanyang lola na bumeberso
at naisalin sa kanyang ina hanggang sa manahin niya. Mahalaga ang
ginagampanan ng mga tagaberso sa desposoryo. Sila ang namumuno sa
ritwal, namamagitan sa dalawang pamilya at nagsisikap na maiugnay
ang mga seremonya sa espiritwal na daigdig. Dalubhasa rin sila sa
ibang ritwal tulad ng pagberso sa binyagan, pagkanta sa kaarawan,
pagdasal sa lamayan at pagbasa ng pasyon. Sinasalamin ng mga
tagaberso ng desposoryo ang mga ninunong catalonan ng Katagalugan
na pinagkakatiwalaan sa pagriritwal.
3. Mga bakas ng sinaunang prusisyon
Hindi katulad ng prusisyong Katoliko, ang prusisyon sa desposoryo
ay puro sigawan at kasayahan ang mararanasan. Kung ang prusisyon
ng Simbahan ay paikot sa sentro ng bayan, ang sa desposoryo naman ay
tumatahak sa suluk-sulok at gilid-gilid ng baryo kung saan nananahan
ang ikakasal. Puro kantiyawan ang mga mananayaw at bumibilis ang
‘tagayan’. Sumisigaw ang mga kasali lalo na kapag malapit na sa bahay
ng babae. Malinaw na katutubo ang ganitong uri ng prusisyon dahil
hindi ito saklaw at sakop ng simbahan na nilalahukan pa ng sayawan,
kantahan at tagayan.
4. Ang paggamit ng larawan
Mababakas sa istampa na ginagamit sa desposoryo ang kaugalian
ng mga sinaunang Tagalog. Bago pa man nakilala sa kapuluan ang mga
imahen ng mga santo at santo ay may kaugalian na ang mga ninunong
Tagalog na alalahanin ang mga yumao nilang mahal sa buhay sa
pamamagitan ng larawan. Ito ay maaaring gawa sa kahoy, sa buto, sa
ngipin ng buwaya, sa garing o sa ginto. Ito ang kanilang imahen o idolo
na ginagamit kapag sila ang nag-aanito kung saan sila ay nag-aalay sa
lic-ha o larawan na simbulo ng mga anito o ng mga kaanak na yumao na
(Schumacher 72).
May pagkakahawig ang pananaw ng mga nagdedesposoryo sa
istampa sa pananaw ng mga sinaunang Tagalog sa larawan o lic-ha. Hindi
lamang nagriritwal ang mga ninuno sa larawan o lic-ha para sa mabuting
ani o kaya para sa kagalingan ng isang may karamdaman kundi para
humiling ng anak. Ang larawan o lic-ha ay ginagamit din sa seremonya

89
HASAAN
ng paghingi ng anak o pagbubuntis (Jocano, Philippine Prehistory 185).
Ang mga nagdedesposoryo naman ay nagriritwal sa pamamagitan ng
paglibad sa istampa para maging kalugud-lugod sa lumikha na siyang
nagdudulot ng anak.
5. Ang tagayan
Ang ‘tagayan’ ay laging kalahok sa mga mahahalagang okasyon
tulad ng seremonya ng kasal ng mga sinaunang Tagalog (Schumacher
176). Matatandaan na ang mga catalonan noong araw ay umiinom ng
alak sa pagriritwal upang lubusang makipag-ugnayan sa mga espiritu
(Schumacher 15).
Naranasan ng mananaliksik ang ‘tagayan’ sa desposoryo. May isang
lalaking nagsisilbing tanggero. Ayon sa kanya, gaganahang sumayaw
ang mga naroroon at huhusay sa pagberso ang mga tagaberso dahil sa
tagay. May malalim na kahulugan ang pag-ikot ng baso at ang sukat ng
laman nito. Ang pag-ikot ng baso na may pare-parehong sukat ng alak ay
simbolo ng pagpapakapantay-pantay, walang mayaman o dukha at higit
sa lahat, walang diskriminasyon maging sa kababaihan (Sarza 54).
Nasaksihan din ng mananaliksik sa desposoryo na walang nalasing
at walang nanggulo. Isang katotohanan na hindi dapat mailagay ang alak
sa ulo kundi sa tiyan lang, na ang ibig sabihan ay hindi dapat hayaang alak
ang magdikta sa utak. Ang silbi ng alak sa desposoryo ay upang lalong
maramdaman ng mga kalahok ang ligaya at pansamantalang iwan ang
pangkaraniwang daloy ng buhay para maramdaman ang pagkakabuklud-
buklod ng mga tao at ang kabuluhan ng ginagawa nilang ritwal.
Samakatuwid, may ‘tagayan’ sa desposoryo upang hindi maglasing
kundi maranasan ang kaligayahan at maramdaman ang pagkakapantay-
pantay at pagkakaisa. Sa berso nga ng Tikay, iniugnay pa sa Bibliya ang
‘tagayan’ upang magmistulang Kristiyano ang seremonya.

Manong loobin po ng inyong kamahalan


Sumalok ng tubig sa ilog ng Jordan
Sa nilayu-layo ng pinagbuhatan
Iindahin mo rin ang matinding uhaw.

6. Mga galaw
Ang pinakaimportanteng simbolo sa ritwal ay kilos ng katawan.
Ang pagpapatong ng kamay sa ulo ay pagpapahayag ng pagtawag sa

90
ARVIN D. EBALLo

Espiritu Santo (Pinkus 181). Ang pag-aabot at pagtanggap naman ng


istampa ng desposoryo ng mga ikakasal habang sila’y nakaluhod ay galaw
na naghuhudyat ng pagbabago sa estado ng buhay. Ang paghapay-hapay
naman ng kamay ng mga mananayaw at pagkunday-kunday sa istampa
ay isang panalangin upang mabiyayaan ng anak ang ikakasal. Ayon nga
kay Chupungco, ang pagpapakabanal o debosyon ay isinasagawa sa
harap ng imahen (istampa) para hilingin ang petisyon (39). Ang galaw
ay isang matibay na pagpapahayag ng petisyon o pananampalataya.
Samakatuwid, bawat indak ng paa at kunday ng kamay ng mga
nagdedesposoryo ay may kahulugan at kabuluhan.

7. Bersohan, kantahan at sayawan


Nakapaloob sa sermonya ng kasal ng mga sinaunang Tagalog ang
bersohan, kantahan at sayawan. Kapag napagod na ang mga panauhin
ay matutulog na sila (Colin 73). Sa desposoryo, kasunod ng bersohan
ang sayawan ng mag-asawa, magkakabalae, mga abay at mga bisita.
Sinasalitan ang sayawan ng mga palasintahing awitin o love songs.
Inaabot ito ng madaling araw. Matapos ang kasayahan ay mamamahinga
na ang lahat dahil sa magaganap na kasalan kinabukasan.

8. Paggamit ng sariling wika


Ayon sa Second Plenary Council of the Philippines (PCP II) 160, mas
makabuluhan kung ang katekesis ay isinasagawa gamit ang sariling wika
ng mga tao upang tumimo sa kalooban at mapahalagahan ng mga tao. Ang
desposoryo ay halimbawa ng tanyag na pagpapakabanal na tumatangkilik
sa sariling wika. Tingnan ang berso ng Bulihan at Malanggam:

Saka ilalagay sa inyo ang belo


Sunong mo nga nobya at pasan mo nobyo
Yaon namang lubid, magtatali sa inyo
Na siyang magbibigkis sa suyuan ninyo.

Ang ibig ipahiwatig ng ‘sunong n’yo ang lubid na magtatali sa inyo’


ay nawa ay laging isaisip ng mag-asawa na sila ay nagsumpaan at iwasan
na ang hindi magandang gawi na hindi angkop sa may asawa at anak.

91
HASAAN
Nagpapaalala rin ang berso na dapat isipin lagi ng mag-asawa na isang
mabigat na gampanin o responsibilidad ang kanilang tinahak.
Ang paggamit ng sariling wika ay inaasahang madaling titimo at
maiintindihan ng mga ikakasal. May talab sa damdamin ang kantang
‘Kahapung-kahapon Lang’ na kalimitang nagpapaiyak sa mga babaeng
nahandugan ng desposoryo.

Kahapung-kahapon ay malaya ka pa sa iyong magulang


At laging sariwa sa iyong alaala ang kaligayahan
Wala sa gunitang gawang mag-intindi at gawang manimbang
Subalit sa ngayon sisimulan mo nang mag-impok sa buhay.
Sisimulan mo na ang pakikisama at pakikibagay,
Sa mga biyenan at mga hinipag na ‘di mo kilala
Ang makakatulad parang isang ibong nasa hawla
‘Di paris ng dati na malaya ka pa sa pagkadalaga.
Wala na tapos na tapos na ang layaw
Sasalungain bagong daigdigan
Ang pag-aasawa’y panibagong buhay
Na katakut-takot na katakut-takot ang paninimbangan.

Kapansin-pansin sa desposoryo ang kahusayan ng mga tagaberso.


Saulado nila ang kanilang mga linya kaya’t nakukuha nila ang atensyon
ng madla. Gayundin, dahil sa iisang wika, agad din ang reaksyon ng mga
tagapakinig sa salitan ng mga berso na makikita sa kanilang paghiyaw
at paghanga. Taal ang wikang Tagalog sa kanila kaya tumatagos at
tumatalab ang bersohan sa kamalayan at damdamin ng mga nakikinig.
Ang bersohan ay isang halimbawa ng isang matandang tradisyon ng
pasalitang panitikan sa Bulacan.

9. Ritwal at pilosopiya ng siklo ng buhay


Ang buhay ay nakaayon sa siklo. Lahat ng pag-unlad sa kalikasan,
maging sa daigdig pampisikal o kalagayang-tao ay may sinusunod
na siklong kalakaran o disenyo ng paglitaw o pagparam, ng paglaki at
pagliit, pagsilang at pagkamatay (Timbreza 16). Umiinog ang buhay at
dumaraan sa iba’t ibang yugto. Ang mga mahahalagang yugto ng buhay
ay nilalangkapan ng mga seremonya upang maging makabuluhan at
makahulugan dahil minsan lamang dadaan ang isang tao sa mga yugtong
nabanggit. Ang pag-iisang dibdib ay kakaiba sa mga yugto ng buhay dahil
sangkot dito ang dalawang tao at ang kanilang mga pamilya. Sa kaso ng

92
ARVIN D. EBALLo

desposoryo, maging ang baryo ay kabahagi sa ritwal.


Mahihinuha na ang desposoryo ay isang seremonya kung saan ang
kultura, kamalayan at pananampalatayang Kristiyano ay nagkakaisa.
Ang desposoryo ay isang pagkakataon sa mga Tagalog na ipahayag
ang kanilang pananampalatayang Kristiyano na nakaugat sa kanilang
mayamang kultura at pananaw sa buhay. Inculturation ang tawag sa
pagsasanib ng kultura at pananampalatayang Kristiyano. Ito ay ang
pagpapahayag ng pananampalatayang Kristiyano na sinasangkapan
ng mga simbolo, sining, kanta at sayaw na nagmula at umusbong sa
kultura ng mga tao (Mercado, Inculturation and Filipino Theology
23). Samakatuwid, ang desposoryo ay matatawag na isang uri ng
inculturation kung saan naglalapat ang mayamang tradisyong Tagalog
at ang pananampalatayang Kristiyano. Makikita ito sa mga sumusunod:

A. Mga turong Katoliko


Ayon kay Joseph Martos, ang mga sakramento ay mga pinto patungo
sa kabanalan (51). Sa desposoryo, isinasadula ang ‘paghahagdan’ upang
ipahayag na ang buhay ng tao ay umaakyat sa mahahalagang yugto
tulad ng pagsilang, pagiging binata at dalaga, pagtanda at pagkamatay.
Inihahalintulad ng desposoryo sa pag-akyat sa mga baitang ng hagdan
ang mga kabanalang nararanasan sa mga sakramentong dulot ni Kristo
gaya sa magkaparehong berso ng Paombong at Hagonoy:

Aba! Hagdang dorado


Lalang ng Poong si Kristo
Ang unang tuntungan ko
Itong mahal na bautismo.

Baitang na ikalawa
Eskrimonyo ng badya
Ngayon tutuntungan ka.

Aba’y ikatlo kang baitang


Lalang ng poong mahal
Ikatlo sa bilang, konpesyon siyang ngalan
Sa taong pagkukumpisal ay pagsisising matibay.

Baitang na ikaapat
Sa ‘yo’y Eukaristiya ang tawag

93
HASAAN
Ang pamuti mo’y hiyas
Diyamanteng nagniningas.

Aba! Lana kang mahal


Ikalima kang baitang
Lunas ka’t kagamutan
Pamawi ka sa kasalanan.

Aba po mahal na orden


Baitang na ikaanim
Sa iyo inihahabilin
Ang lahat na dapat gawin.

Baitang na ikapito
Ngalan ay matrimonyo
Ang batang tumuntong sa ‘yo
Sumusupling, namumuko.

Ang paglalagay ng mga kahulugan sa mga baitang ng hagdan


ayon sa Pitong Sakramento ay isang alegoriya na ang mga baitang ay
mga tutuntungan paakyat sa langit. Ginamit din ni Juan de Oliver ang
talinghaga ng hagdan sa kanyang katesismo para sa mga Tagalog (xix).
Hindi makakaakyat sa langit kung hindi yayapak sa mga baitang ng
hagdan. Basahin ang ilang bahagi ng kanyang katesismo:

Datapoua, may hagdan man ang tauo sa caniyang bahay, cun


baliin niya ang ybang bayitang, anong capapacanan niya sa caniyang
hagdan, macatoloy pa sa bahay? Anong totongtongan niya cun bali
yaong ybang bayitang? Magooli rin sa lupa, at indi macatoloy, ang
malayo ngani ang pagytan (108).

Inilarawan ni Juan de Oliver na ang hagdan patungong langit


ay kahawig ng hagdan ng bahay na kinakailangang tuntungan para
makaakyat sa itaas. Ayon sa katesismo, ang sampung utos ang mga
baitang ng hagdan na mag-aakyat sa tao sa langit.

Gayon din naman tayo, may hagdan man sa langit, quinaauaan


man tayo nitong sangpouong baytang, cun baliin natin ang yba, cun
di baga sundin, cun ypahamac natin sa langit, cun mamatay at indi
macacarating doon, bagcus mahoholog tayo sa infierno? Sundin man
pala ninyo ang lahat na otos nang Dios, cun may yysa man lamang

94
ARVIN D. EBALLo

na inyong suayin, uala rin cacapacanan ang inyong gaua, at indi cayo
macatotoloy sa langit (109).
Kung ang katesismo ni Juan Oliver ay tumutukoy sa sampung utos
ng Diyos bilang mga baitang na mag-aakyat sa tao sa langit, tinukoy
naman ng desposoryo ang Pitong Sakramento bilang mga baitang paakyat
sa langit.
Ipinaliwanag naman sa berso ng Bulihan at Malanggam ang
kahulugan ng ‘tatlong kabutihang naidudulot ng pag-iisang dibdib’.
Tinukoy na dapat ay nakaayon ang pag-aasawa sa pagkakaroon ng
supling o anak na ayon sa berso ay dapat aralan (proles), na dapat maging
tapat ang bawat isa (fides) at ang pag-aasawa ay panghabambuhay
(sacramentum). Basahin:

Unang bono flores [sic] sa libro ay sabi


At ang ikalawa, yaong bono fide [sic]
At ang ikatlo, bono sacramenti [sic]
Na siyang palaging isadili-dili.

Yaong bono flores [sic] ay ang kahulugan


Ang magiging anak ay dapat aralan
Sumamba’t magpuri sa Diyos na mahal
Magsunuran sila’t sa grasya’y mamahay.

Yaong bono fide [sic] naman ay ganito


Magsanggunian ang kahima’t sino
Kayong mag-asawa, sa anumang tungo
Sa pagkakagalit ay huwag mabuyo.

Bono Sacramento [sic] ay ang katuturan


Matrimonyo ninyo ay pakalinisan
Ayon sa pahayag nang Diyos na mahal
Na lumikha nitong buong santinakpan.

Ang unang kabutihan ng pag-aasawa ay ang kakayahang maging


katulong ng Diyos sa paglikha o magkaroon ng mga supling (proles).
Ayon kay San Agustin, hindi sapat ang gampaning isilang lang ang
supling dahil may kaakibat na pagmamahal, pag-aaruga at pagtuturo ng
kabutihan ang pagiging magulang (Lana et al. 218).

95
HASAAN
Ayon kay San Agustin ang ikalawang kabutihan ng pag-aasawa ay
tumutukoy sa katapatan ng mag-asawa (fides). Ayon nga kay San Pablo:
“Ang babae ay walang sariling kapangyarihan sa kanyang katawan dahil
ang lalaki ay may karapatan at gayun din naman ang lalaki.” (1 Cor. 7, 4)
Nakapaloob din sa turong ito ang pagiging magkatuwang sa buhay ng
mag-asawa (Lana et al. 219).
Ang ikatlong kabutihan ng pag-aasawa ay tumutukoy sa
panghabambuhay na pagsasama ng mag-asawa (sacramentum) gaya ng
pag-ibig ni Kristo sa Simbahan na hanggang kamatayan (Lana et al. 219).

B. Kapwa at katutubong pagpapahalaga


Maraming magagandang kaugalian ang nakapaloob sa ritwal na
ito na maaaring magpalalim ng ugnayan sa Diyos at sa kapwa at ang
kultura at ang pananampalataya ng mga tao. Tunay ngang nagpapakilala
ang Diyos sa kultura ng mga tao. Ang mga sumusunod ay ang mga
pangunahing pagpapahalaga na lumulutang sa desposoryo:
1. Mahalaga ang damay ng kapwa. Mababatid sa mga
magkakapitbahay ang damayan sa tuwing may mahahalagang okasyon
(Jocano, Filipino Worldview 59). Inaasahang sila ay karamay sa
pamamagitan ng pagtulong sa pagkatay ng baboy at baka, sa pag-igib ng
tubig, sa pagkuha ng mga kahoy na panggatong at sa paglilinis ng bahay
para masigurong matagumpay ang isasagawang okasyon.
2. Mahalaga ang utang na loob. Malaki ang utang na loob ng mga
ikakasal sa kanilang mga magulang kaya dinaan nila sa maayos na proseso
o pamamanhikan ang kasalan. Utang na loob din ang dahilan kung bakit
ang mga mananayaw ng desposoryo ay patuloy na handang maghatid
bilang pasasalamat sa mga matatandang naghatid ng kasayahan at aral
noong sila ay ikasal.
3. Ang bawat isa ay sakop. Ang bawat isa ay kasapi sa isang pamilya
at pamayanan kaya marapat lamang na siya ay tulungan ng kanyang mga
kasama (Mercado, Elements of Filipino Theology 190). Handang ialay
ng isang kasapi ang kanyang talino, kakayahan, panahon at gamit para
sa isang adhikain ng kanyang sakop. Ang sistemang sakop ay lantarang
ipinahihiwatig ng desposoryo dahil ang sakop ng mga ikakasal ay may
gampanin para maisagawa ang desposoryo pati ang kasalan.

96
ARVIN D. EBALLo

4. Mahalaga ang kagandahang loob. Ang kusang pagbibigay ng


panahon, kaalaman at sarili sa isang mabuting gawain ng walang
hinahangad na kapalit ay pagpapahiwatig ng kagandahang loob (de
Mesa, Following the Way of Disciples 80). Kusang-loob ang pakikisangkot
ng mga mananayaw, tagaberso at manunugtog na naghahandog ng
desposoryo at hindi sila kailanman naghangad ng pabuya. Pagpapakita
rin ng kagandahang loob ang pagpapatuloy sa bahay at ang libreng
pagpapakain na mas kilala sa tawag na caridad.

III. Kahulugan: Mga Kahingian at Kabuluhan ng Pag-aasawa ayon sa


Desposoryo

Batay sa naunang bahagi, naisa-isa ang mga elemento at


pagpapahalagang katutubo at turong Katoliko na nagbunga ng pagiging
inkulturadong katekismo ng desposoryo. Sa bahaging ito, iisa-isahin ang
mga kahingian at kabuluhan ng pag-iisang dibdib na nalilikha ng ritwal
na ito.
A. Mga kahingian ng mabuting pag-aasawa
1. Mahusay na pagsasama at unawaan. Ang dahilan kung bakit
inihahandog ang istampa nina San Jose at Santa Maria sa mga ikakasal
ay upang lagi nilang maalala na ang mahusay na pagsasama nina San
Jose at Santa Maria ang laging tularan.

Kayo ay natulad kay Santa Maria


Sa Poong San Hosep noong panahong una
Ayon sa maganda nilang pagsasama
Kinamtan ay langit, lubhang maligaya.
(Berso ng Paombong at Hagonoy)

Itong desposorio’y kaya dinadala


Ay inihahandog sa mag-aasawa
Itong si San Josef at si Santa Maria
Maganda ang kanilang mga pagsasama.
(Berso ng Tikay)

Sa berso ng Ligas, hindi lang ang mahusay na pagsasama nina San


Jose at Santa Maria ang tinutukoy kundi ang mabuting ugnayan ng Banal

97
HASAAN
na Mag-anak na dapat maging inspirasyon ng bawat pamilya. Mahusay
ang samahan ng Banal na Mag-anak na dapat tularan. Halimbawa nito
ay ang ipinamalas ni Jesus kina Santa Maria at San Jose na paggalang
hanggang siya ay lumaki (Katekismo para sa mga Pilipinong Katoliko
1022).

Ngayong narinig na ang aming habilin


Desposoryong dala ay pakamahalin
Iyong iingatan tulad sa salamin
Sagradong Pamilya’y inspirasyon natin.

Tampok din sa berso ng Bulihan at Malanggam ang kahalagahan ng


mahusay na pagsasama at unawaan ng mag-asawa. Ayon sa berso, si Eba
ay hinango sa tapat ng puso na ang kahulugan ay dapat magkasundo,
magbigayan, mag-unawaan, magsunuran at magmahalan ang mag-
asawa.
Sa ulo ni Adan kaya ‘di hinango
Ang babaing Eva nang ‘di magpalalo
Doon nga binuksan sa tapat ng puso
Ang dalawang sinta upang magkasundo.

Kaya ‘di hinango naman sa paanan


Ang babaing Eva nang hindi yurakan
Sa tapat ng puso doon nga binuksan
Ang dalawang sinta upang magmahalan.

2. Biyaya ang pagkakaroon ng anak. Sa seremonya ng libiran o


pagkunday-kunday ng istampa ng desposoryo, humihiling ang mga tao sa
isang makapangyarihan na dulutan agad ng anak ang ikakasal. Naniniwala
ang mga sangkot sa desposoryo na mas mabilis ang pagkunday-kunday sa
istampa ay mabilis ding mabubuntis ang babaeng ikakasal. Ilang buwan
matapos ang kasal, nakikibalita ang samahang naghandog ng desposoryo
kung buntis na ang babaeng kanilang nahatiran. Patunay na panalangin
nila na handugan agad ng anak ang ikinasal. Nagsisilbing deus-ex-
machina o isang makapangyarihang sinusuyo ng mga magsasaka upang
dulutan agad ng anak ang mga ikakasal sa pamamagitan ng pagsasayaw
(Boyer 236). Kailangan ng maraming anak ng mga magsasaka para may
makatulong sila sa bukid. Ayon nga sa berso ng Paombong at Hagonoy,
ang sinumang tumuntong sa Matrimonyo ay tulad ng halaman na

98
ARVIN D. EBALLo

magsusupling.

Baitang na ikapito
Ngalan ay Matrimonyo
Ang batang tumuntong sa ‘yo
Sumusupling, namumuko.

Malaki ang kaugnayan ng desposoryo sa sayaw sa Obando. Kapag


hindi agad nabiyayaan ng anak ang mag-asawang hinandugan ng
desposoryo, maaari silang pumunta sa Obando. Naniniwala ang mga
deboto na hindi pa iyon ang tamang panahon para sila ay biyayaan ng
anak kaya may pagkakataon pang mamanata sa Obando na hindi naman
kalayuan sa Malolos, Paombong at Hagonoy.

3. Panghabambuhay na pag-aalay ng sarili. Hindi isang laro ang pag-


aasawa na kapag napagod at nauyam ay maaari nang umayaw. Ang pag-
aasawa ay isang pangako. Hindi ito gaya ng pangkaraniwang kontrata na
maaaring mapaso o lumipas. Ito ay panghabambuhay na pagbibigay ng
sarili. Ayon nga sa berso ni Conrado Victoria (165-177):

Kaya sa iglesya duon inihuwad
Ang iyong asawa o nobyong matikas
Pag-ibig ni Kristo sa tao ay wagas
Dito sa iglesya ay pinisang lahat.

Kaya mahalin mo ang iyong asawa


Dalawang katawan ninyong pinag-isa
Susundin mong lahat sa gawang maganda
Ang ano mang nais sa yo’y inaala.

Nilinaw ng berso ang pagbibigay ng sarili, ang pagiging masunurin


sa isa’t isa lalo na sa paggawa ng mabuti at ang pag-unawa kung ano ang
makakabuti. Sa unang taludtod naman ay sinabing kung gaano inibig ni
Kristo ang Simbahan ay ganoon dapat ang pag-ibig ng mag-asawa sa isa’t isa.
Binigyang diin naman sa berso ng Tikay na ang pag-aasawa ay
panghabambuhay at hindi parang kanin na mainit na kapag napaso ay
maaaring iluwa.

99
HASAAN

Nobya at nobyo ngayo’y iyong maaala-ala


Ang pasan at sunong ninyong dala-dala
Kayo’y magsasama sa hirap at ginhawa
Kaya lang maghiwalay kung pantay ang paa.

Tinutukoy ng berso ang lubid at belo na sunong ng mag-asawa na


dapat ay lagi nilang iisipin, tutuparin at paninindigan ang pangako ng
kasal na sila ay magkasama sa hirap at ginhawa. Ang mag-asawa ang may
pananagutan at tungkulin na tupdin ang kanilang binitiwang pangako
noong sila ay humarap sa altar. Sinasaad din sa berso ang matandang
kasabihan na ang pag-aasawa ay panghabambuhay.

B. Mga kabuluhan ng pag-iisang dibdib


1. Pagbubuo ng ugnayang pansimbahan. Maaaring magtulungan
ang tanyag na pagpapakabanal at ang Liturhiya ng Simbahan. Ang tanyag
na pagpapakabanal (popular religiosity) ay nagsisilbing inspirasyon ng
Liturhiya sa paggamit ng maalab na pamamaraan ng pagpapahayag ng
pananampalataya (Chupungco 36).
Ang desposoryo ay isang halimbawa ng ugnayan ng tanyag na
pagpapakabanal at Liturhiya dahil pinagtitibay nito ang kasalang
magaganap sa Sakramento ng Kasal. Ayon nga kay Aurelia Cabantog,
tubong Sto. Nino, Paombong, Bulacan at nahandugan din ng desposoryo,
pinagtibay ang sumpaan nilang mag-asawa dahil nagsilbing paghahanda
ang desposoryo. Ang sinumpaan nila sa simbahan na hindi magtataksil at
magsasama habambuhay ay nabanggit sa berso.

Bukas ng umaga haharap sa altar


At pagbubuhulin ang pagmamahalan
Sa harap ng padre kayo’y aarasan
Tugtog ng kampana ay mapapakinggan.

Samakatuwid, nagsisilbing tugon ang desposoryo sa hamon ng PCP


II # 178 na marapat lamang na magkaroon ng paunang katekesis o pre-
sacramental catechesis ang mga tatanggap ng mga sakramento tulad ng
Binyag, Kumpil at Pag-iisang Dibdib upang mabatid ng mga tatanggap

100
ARVIN D. EBALLo

ang kahulugan at kabuluhan ng mga sakramento.


Ang berso ng desposoryo ay nagsisilbing katekesis para sa mga
ikakasal na magbubuo ng pamilya. Ayon kay Felissa Victoria, asawa ni
Conrado Victoria, tagaberso sa desposoryo ng Kapitangan, Paombong,
Bulacan, ang katumbas ng desposoryo ay ang pre-Cana seminar ng parokya
na ginagampanan ng mga katekista. Dinagdag pa niya na ang bersong
sinulat ng kanyang asawa ay maihahalintulad sa mga binabanggit sa pre-
Cana seminar. Dinadaan nga lang sa pagberso at pagkanta ang mga aral
sa desposoryo para lalong tumalab sa mga ikakasal.
Nagsisilbi ring pre-sacramental catechesis o paunang katekesis
ang desposoryo dahil sa bersohan ay ipinapahayag ang kahulugan at
kabuluhan ng Sakramento ng Pag-iisang Dibdib. Kasama rin sa mga aral
ng desposoryo ang mga gampanin ng mga Katolikong ama, ina at anak.

2. Pagtutulay sa ugnayan ng mga henerasyon. Sinisikap ng matatanda


na mapabuti ang pagsasama ng mga ikakasal kaya dinudulutan nila ito ng
mga aral. Layunin nilang maging mabuting magulang ang mga ikakasal
at kasunod nito ang mabuting paghubog sa kanilang mga anak. Sabi nga
sa berso ng Paombong at Hagonoy:

Kayo ay natulad kay Santa Maria


Sa Poong San Hosep noong panahong una
Ayon sa maganda nilang pagsasama
Kinamtan ay langit, lubhang maligaya.

Nagsusumikap ang matatanda na bersohan ang mga ikakasal


upang matulungan sa tamang pagpapalaki ng mga anak at pagbubuo
ng Kristiyanong pamilya sa pamamagitan ng mga aral. Naniniwala ang
matatanda na lahat ay tinatawag sa buhay na naayon sa pagmamahal sa
Diyos at sa kapwa. Para sa kanila, isang pananagutan ang makatulong sa
paghubog ng mga kabataan.
Likas sa matatanda ng baryo ang pangalagaan at tiyakin ang
ikabubuti ng mga nagnanais lumagay sa tahimik. Ganito ang samahan
nina Carmen dela Cruz at magkapatid na Mely Varella at Isabel Mano ng
Ligas, Malolos. Hindi lang pagbeberso ng mga aral sa mga ikakasal ang
gampanin nila. Ang samahan nila ang nag-aayos kung may mag-asawang
nasa bingit ng hiwalayan.

101
HASAAN
Katulad ng pabasa ng pasyon, tumatayong tagapaghatid ng aral ang
mga matatanda. Malaki ang naiambag ng pasyon bilang katesismo para
sa mga katutubong Tagalog noong pinapalaganap ang Katolisismo sa
kapuluan (Aligan 61-62). Ang matatanda ang nagsisilbing tagahatid ng
turong Kristiyano sa mga suluk-sulok at gilid-gilid na malayo na sa tunog
ng kampana.
Ang matatanda ay may pananagutan pa rin kahit tapos na ang
desposoryo. Si Carmen dela Cruz na namumuno sa desposoryo ng Ligas,
Malolos ay laging namamagitan sa mga mag-asawang nanganganib ang
pagsasama. Pananagutan nilang tumulong mamagitan sa mga mag-
asawa lalo na kung ang mga ito ay nasa bingit ng hiwalayan.

3. Pagtataguyod ng ugnayang pampamayanan. Nagsisilbing


pampublikong deklarasyon ang prusisyon ng desposoryo. Sa
pamamagitan ng prusisyon ay malalaman ng publiko na nakaharap na sa
pagbubuo ng pamilya ang binata at hindi na siya maaaring manligaw pa
ng iba. Sa kadahilanang kalahok ang istampa, kaya isang pampublikong
deklarasyon din ito ng pagiging Katoliko.
Umiral ang desposoryo dahil nagnanais na maging maayos at
matagumpay ang kasunduan sa pagitan ng dalawang pamilya. Ang
pangunahing layunin nito ay maihanda ang mga ikakasal patungo sa
tamang pagpapalaki ng mga anak at wastong pagbubuo ng pamilya sa
pamamagitan ng pagbeberso ng mga paalala at aral. Binibigyang halaga
ng pamayanan ang bawat pamilya kaya inihahanda nito ang mga ikakasal
sa maka-Kristiyanong pagbuo ng pamilya at pamayana. Ayon nga sa
Katekismo para sa mga Pilipinong Katoliko 1010:

Kaloob ng Diyos na makibahagi ang lahat ng tao sa kanyang banal na


buhay, upang maging bayan ng Diyos. Ang pamilya ang pangunahing paraan
para sa pagpapatupad ng planong ito, dahil ito’y isang pamayanan ng mga
tao, na naglilingkod sa buhay sa pamamagitan ng pagsilang at pagpapaaral
sa mga anak, pakikilahok sa pagpapaunlad ng lipunan at pakikibahagi sa
misyon ng Simbahan.

Bilang pagbubuod, ang desposoryo ay ritwal ng mga Tagalog upang


magdulot ng kasiyahan at aral sa mga ikakasal. Mababanaag sa tradisyong

102
ARVIN D. EBALLo

ito ang mayamang paglalapat ng kultura at pananampalatayang


Kristiyano na kung tawagin ay inculturation. Handog ito sa mga dumaan
sa proseso ng pamanhikan. Ito rin ay nagsisilbing katekesis sa mga
nakatira sa mga suluk-sulok at gilid-gilid ng mga bayan ng Malolos,
Paombong at Hagonoy.
Tumatayong katekista ang matatanda at dinadaan nila sa bersohan
at kantahan ang mga aral upang maging makahulugan. Tungkulin ng mga
matatanda na bersohan ng mga aral ang mga ikakasal upang masiguro
ang tamang pagtatayo ng pamilya. Sinusubaybayan din nila ang mag-
asawa upang maiwasan ang hiwalayan. Bihira ang naghihiwalay na
nadesposoryohan sa kadahilanang idinaan sa ritwal ang pag-iibigan
kaya mahirap makalimutan. Nagsisilbing alaala ang desposoryo ng
makabuluhan at makahulugang seremonya na panghahawakan ng
mag-asawa patungo sa kanilang mahusay na pagsasama hanggang sa
magpantay ang kanilang paa.

Mga Sanggunian:
Acts and Decrees of the Second Plenary Council of the Philippines. CBCP. Manila: St. Paul Publications,
1992. Nakalimbag.
Aligan, Rodel. Pasyon. Manila: University of Santo Tomas Publishing House, 2001. Nakalimbag.
Almario, Virgilio. Bulacan Lalawigan ng Bayani at Bulaklak. Bulacan: Pamanang Bulacan Foundation,
Inc., 2002. Nakalimbag.
______________. Ed. UP Diksiyonaryong Filipino (Ikalawang Edisyon). Quezon City: UP SWF, 2010.
Nakalimbag.
Andrade, Moises. “Dancing in Obando as an Expression of Marian Cult.” Ph.D. diss., University of
Santo Tomas, 1976. Nakalimbag.
Boyer, Pascal. Religion Explained: The Evolutionary Origins of Religious Thought. New York: Basic
Books, 2002. Nakalimbag.
Cabantog, Aurelia. Personal na Interbyu. 29 March 2007.
Camua, Andrea. Personal na Interbyu. 10 July 2008.
Casanova, Arthur. Kasaysayan at Pag-unlad ng Dulaang Pilipino. Manila: Rex Book Store, 1984.
Nakalimbag.
Chupungco, Anscar, OSB. “Liturgy and Popular Religiosity.” Josefina Manabat (ed.) Liturgy for the
Filipino Church. Manila: San Beda College, Graduate School of Liturgy, 2004. Nakalimbag.
Colin, Francisco S.J. Labor Evangelica: Fundacion y Progresos de su Provincia en las Islas Filipinas,
Book 1. Madrid, 1663. Nakalimbag.
de Luna, Crispin. Personal na Interbyu. 29 March 2007.
dela Cruz, Carmen. Personal na Interbyu. 11 August 2008.

103
HASAAN
Delos Santos, Conching. Personal na Interbyu.18 July 2008.
de Mesa, Jose. Following the Way of Disciples. East Asia Pastoral Institute, 1996. Nakalimbag.
---. “Primal Religion and Popular Religiosity.” East Asian Pastoral Review, Vol. 75, No. 1, 2000.
Nakalimbag.
de Oliver, Juan. Declaracion de la Doctrina Christiana en Idioma Tagalog. PULONG: Sources
for Philippine Studies, 1995. Nakalimbag.
del Castillo, Teofilo and Buenaventura Medina, Buenaventura. Philippine Literature From Ancient
Times to the Present. Quezon City: Teofilo del Castillo, 1974. Nakalimbag.
Gennep, Arnold Van. The Rites of Passage (trans.) Monika Vizedom and Gabrielle Caffee. Illinois: The
University of Chicago Press, 1960. Nakalimbag.
Jocano, F. Landa. Filipino Worldview: Ethnography of Local Knowledge. Metro Manila: Punlad
Research House, Inc., 2001. Nakalimbag.
---. Philippine Prehistory. Quezon City: Philippine Center for Advanced Studies. 1975. Nakalimbag.
Katesismo para sa mga Katolikong Pilipino. Episcopal Commission on Catechesis and Catholic
Education, 2007. Nakalimbag.
Lana, Tamerlane et al. Marriage and Family: A Life of Love and Commitment. Manila: UST Publishing
House, 2004. Nakalimbag.
Lacson, Dely. Personal na Interbyu. 18 July 2008.
Magandang Balita BIBLIA. Manila: Philippine Bible Society, 1980. Nakalimbag.
Malay, Paula Carolina. Matrimonyo: A Wedding Ballad of Southern Bulacan. Quezon City: Philippine
Folklore Society, 1966. Nakalimbag.
Mano, Isabel. Personal na Interbyu. 11 August 2008.
Martos, Joseph. Doors to the Sacred. Liguori, Missouri: Triumph Books, 1991. Nakalimbag.
Mercado, Leonardo. Elements of Filipino Theology. Tacloban City: Divine Word University
Publications, 1975. Nakalimbag.
---.Inculturation and Filipino Theology. Manila: Divine Word Publications, 1992. Nakalimbag.
Merino, Luis, OSA. Arquitectura y Urbanismo en el Siglo XIX. Manila: Centro Cultural de Espana and
the Intramuros Administration, 1987. Nakalimbag.
“Mga Tula ni Conrado Victoria”. (Ed.) Ed Lapiz. Sa Gulugod ng Kalabaw. Makati City: Kaloob, 1998.
Nakalimbag.
Obusan, Teresita. Kinaiyang Pamamaraan: Towards Discovering the Wisdom of our Nation. Manila:
Center for Spirituality, 2005. Nakalimbag.
Obusan, Teresita and Enriquez, Angelina (eds.) Pamamaraan: Indigenous and Evolving Research
Paradigms. Quezon City: Asian Center/ University of the Philippines, 1994. Nakalimbag.
Pinkus, Lucio, OSM. “The Psychological Aspect of the Liturgy.” Anscar Chupungco (ed.) Handbook
for Liturgical Studies, Volume II, Minnesota: A Pueblo Book, 1998. Nakalimbag.
Pinton, Josef. Compendio Historico de la Religion: Maicling Casaysayan nang Sari-saring Bagay na
Nauucol sa Pagquilala at Pagsamba sa Dios, Aklat 1, (Trans) D. Antonio Florentino Puansen.
Maynila, Tipografia de la Universidad de Santo Tomas, 1932. Nakalimbag.
Santos, Lito. Personal na Interbyu. 24 July 2008.

104
ARVIN D. EBALLo
Sarza, Beverly. “Isang Tagay para sa Pilosopiyang Pilipino.” Malay 19, No. 3, 2007. Nakalimbag.
Schumacher, John S.J. Readings in Philippine Church History, 2nd Edition. Quezon City: Loyola School
of Theology Ateneo de Manila University, 1987. Nakalimbag.
Shorter, Aylward. African Christian Theology: Adaptation or Incarnation. New York: Orbis Books,
1977. Nakalimbag.
Scott, William Henry. Barangay: Sixteenth-Century Philippine Culture and Society. Quezon City:
Ateneo de Manila University Press, 1994. Nakalimbag.
Sucesos de las Islas Filipinas. Rizal ed. Paris, 1890. Nakalimbag.
Timbreza, Florentino. Pilosopiyang Pilipino. Manila: Rex Bookstore, 1982. Nakalimbag.
Varella, Mely. Personal na Interbyu. 11 August 2008.
Veneracion, Jaime. Kasaysayan ng Bulakan. Kolonya, Aleman: Bahay Saliksikan ng Kasaysayan, 1986.
Nakalimbag.

Victoria, Felissa. Personal na Interbyu. 24 July 2008.

105
Pasubo bilang Panata:
Pagbabalik, Pagtatagpo at Pagdiriwang
sa Pook Pangkalinangan ng Pateros

Voltaire M. Villanueva
Pamantasang De La Salle-Maynila

Si Villanueva ay propesor Abstrak


sa Departamento ng Fili- Nakatuon ang papel sa pasubo, isang ritwal na
pino ng Pamantasang De La pangunahing bahagi ng pista ng Pateros. Gamit
Salle-Maynila. Nagtapos ng ang pamamaraang etnograpiko, nangalap ng
BSE-Social Science na may datos upang suriin ang ritwal bilang batayan
espesyalisasyon sa Filipino ng mayamang kalinangang bayan. Batay sa
sa Pamantasang Normal ng lapit na historikal, tatalakayin ng pag-aaral
Pilipinas (PNU), cum laude ang ugat ng pasubo bilang panata ng mga
noong 2005. Nakamit ang magbabalut kay Santa Marta na sa pagdaloy
kanyang digring MA sa Filipi- ng panahon ay nagkaroon ng iba’t ibang anyo
no-Lingguwistika sa Man- at kahulugang kultural. Sa pagsusuri sa rit-
uel Luis Quezon University wal bilang pagwiwika, nagpapahiwatig ito ng
(MLQU) bilang Best Thesis paraan ng pagkontrol sa pagkilos upang isabu-
at kasalukuyang tinatapos hay at ilapat ang mga tungkuling panlipunan.
ang kanyang PhD sa Aral- Dahil dito, nagkakaroon ng ugnayan ng mga
ing Filipino sa Wika, Kultura, mamamayang taal (kaugnay ng pagbabalut)
at Midya sa DLSU-Maynila. at di-taal (dayo at nais sumaksi sa pasubo) na
Siya rin ay may-akda, edi- taga-Pateros. Sa huli, inilatag ng pag-aaral
tor at tagapag-ugnay ng mga ang paglahok sa pasubo bilang “pagbabalik,”
sanayang aklat sa Filipino at “pagtatagpo,” at “pasasalamat” na bunga ng
Araling Panlipunan sa antas maigting at organikong ugnayan ng tao sa
kindergarten, elementarya, at kapaligiran at isang produkto ng talastasang
sekondarya. bayan.

Mga Susing Salita

Pateros, pasubo, Santa Marta, pagwiwika,


kalinangang bayan

106
VOLTAIRE M. VILLANUEVA

I. Pateros: Lunan ng Pagbabalut


Ang Pateros ay kilala bilang bayang pinagmulan ng balut mula sa
sinasabing mga Tsino na sina Andres at Juan Candichoy. Sila ang katuwang ng
mga taga-Pateros sa pag-uumpisa at pagpapaunlad ng industriya ng balutan.
Ang industriya ng balutan ay maituturing na kuhanan, lagusan, at impukan ng
kalinangang bayan ng Pateros.
Hindi maihihiwalay ang balut sa Pateros. Ang balut ay nagmula sa itlog
ng mga itik (Mallard ducks). Tinatayang 17-18 na araw mula paggamit ng
tradisyunal o artipisyal na init ang pinakamasarap na balut na mas kilala sa
tawag na ”balut sa puti”. Kung hindi ito umakma sa tiyak na itinakdang araw,
may posibilidad itong maging ibang produkto na nagmula rin sa itlog gaya ng
penoy, mamatong, abnoy, heko, at iba pa. Sa balutan o kamalig ginagawa ang
masarap at malinamnam na balut. Ito ang mahabang bahay na yari ang mga
dingding sa sawali, nipa, o tabla. Ang bubong ay maaaring gawa sa pawid, nipa,
kugon, o yero. Nakabatay ang uri ng pagawaan ng balut sa klasipikasyon ng
produksyon, distribusyon, at konsumpsyon ng balut. Mahalagang mayroong
magandang daanan ng hangin ang balutan sa pamamagitan ng paglalagay ng
maliliit na bintana. Makatutulong din ang bintana sa preserbasyon ng init at
lamig sa loob ng pagawaan ng balut.
Kakabit ng pagbabalut ang “pasubo,” isang anyo ng pamamanata sa
kinikilalang patrona ng balut na si Santa Marta bilang tanda ng pasasalamat
sa masaganang ani ng balut at iba pang aning biyaya sa bayan. Isinusubo ang
biyaya sa pamamagitan ng paghahagis at pagpapaagaw upang maipamahagi
ang biyaya sa mga taga-loob at taga-labas ng Pateros.
Ginamit ang pamamaraang etnograpiko- mula sa paraang pagmamasid
o obserbasyon hanggang sa malalim na pakikipag-ugnayan sa pook na pag-
aaralan, at madalas na pagbababad sa lugar upang malapatan ng tamang
pagsusuri (Dagmang 54-55) para sa pangangalap at panunuri ng datos. Sa
pagsasakatuparan ng pananaliksik na ito, naging sandigan ang mga tiyak na
hakbang sa pagsasagawa ng etnograpikong pag-aaral gaya ng pakikisalamuha,
pagmamatyag, pakapa-kapa, patanong-tanong, at panayam at talakayan (Javier
1-12 at Dagmang 55). Sa tulong ng etnograpiya, natutuhog ang pagpapahalaga
at pagpapalago sa malalim na pag-unawa sa ating gawi at pagkatao. Ang
mga nakalap na datos ay daan upang makabuo ng iba’t ibang paraan ng
pagpapaliwanag ukol sa paniniwala, gawi, organisasyon, ritwal, at iba pa ng
isang komunidad (Turner 45-47).

107
HASAAN
Kaligiran ng Pasubo
Maituturing na kakaiba at namumukod-tangi ang pasubo ng Pateros. Ayon
sa tala:
Isang pagsasaya ito sa ilog. Ang mga bangka ay napalalamutian ng
ginagauran ng makikisig na ”batang Pasig” ang yaong ditong maluwag na
ilog sa tapat ng Bambang, sa pag-uunahan ay parang palasong binibinit
na paminsan sa busog ng isang kamay na bakal. Ang mga bangka kung
sumagitsit na ay parang pisaw na humahati sa tubig. Kasabay na paligsahan
sa paggaod ang paghahagisan sa magkabilang dako ng mga kakanin na
pangunahing palamuti ng pagdiriwang(”Renacimiento Filipino” 27-28).

Tinatayang 1572 nang maitatag ang bayan ng Pasig. Mayroon itong


orihinal na labindalawang baryo; isa rito ay ang Baryo Aguho na ngayon ay
kilalang Pateros. Ang Baryo Aguho ay sinasabing nagmula sa pangalan ng mga
punong tumutubo at napakarami sa baybay ilog. Pagsapit ng 1799, inihiwalay sa
Pasig ang Aguho upang maging isang bayan ng Provincia de Manila. Ipinahayag
naman noong 1801 na ang Aguho ay tatawaging Pueblo de Patero (Bayan ng
mga mag-iitik), pinaikli ng mga prayle sa “Pateros” na siyang tawag sa nasabing
bayan hanggang sa kasalukuyan (Nocheseda 68-69).
Bago pa man manakop ang mga Kastila ay may mga naninirahan nang
mga katutubo na tinatawag na “taga-ilog.” Mayaman ang kanilang kultura.
Mayroon silang mga paniniwala at tradisyon tulad ng paggalang sa mga buwaya
bilang mga “nuno” kaya’t nagkakaroon sila ng ”pagpapasubo,” isang paraan ng
pag-aalay ng pagkain na may kasamang pagsasayaw bilang anyo ng kanilang
mataimtim na panalangin. Pinaniniwalaang may isang napakalaking buwaya
na kinatatakutan sa ilog. Ito ang nanginginain ng mga alagang itik ng mga patero
o gumagawa ng balut na minsan pa ngang kumitil ng buhay ng mga tao. Dahil sa
malaking pangamba ng mga mamamayan ay may isang pari na hindi naitala ang
pangalan ang nagdebosyon kay Santa Marta.
Pinaniniwalaang ang pasubo ay pagbabalik ng grasya sa Panginoon kaya’t
tinatawag din itong “subo sa Panginoon.” Ginagawa ang pagpapasubo tuwing
pista ng bayan kasabay sa kaarawan ng Mahal na Patrong si Santa Marta, isa
sa patron ng bayan. Ang isinusubo ay iba’t ibang alay na mga produkto tulad
ng balut, itlog na pula, alpombrang tsinelas, prutas, suman, kendi, at iba pa.
Ihahagis ito o isusubo ng mga tao sa kanilang tahanan habang dumaraan ang
prusisyon at ang Patron ng balut na si Santa Marta.
Ang tradisyon at kultura ay kaluluwa ng isang bayan. Sa Pateros, ang

108
VOLTAIRE M. VILLANUEVA

kaluluwa ng bayan ay pinayayaman ng ekolohiya at ang pagsamba ng mga


mamamayan. Sa pista ng bayan ay mababanaag ang pagiging pala-bigay ng
mga mamamayan. Kasama na rito ang pagbibigay ng suman at balut. Tinatawag
na pasubo o prusisyong dinadaluhan ng mga taal na mamamayan at ang mga
bumalik na mamamayan mula sa pandarayuhang lokal at pambansa.
Sa sinaunang paniniwala ng mga Pilipino nakaugat ang pasubo bilang
paggalang sa mga nuno o mga elementong hindi nakikita ng tao upang humingi
ng pahintulot o pasasalamat. Sa tulong ng pasubo pinaniniwalaang ang ritwal
na ito ay tanda ng pagpapahalaga sa anuman o sinumang makapangyarihang
elementong nasasakupan ng ilog. Ang paniniwala at pananampalataya kay
Santa Marta na nagbunga ng pagdiriwang ng pasasalamat na kinikilalang
pasubo ay isang taal na tradisyon ng ating mga ninuno (Covar 169). Kagaya ito
ng paniniwala ng marami sa mga diwata na naging paniniwala rin ng mga taga-
Pateros kay Santa Marta.
Magkadikit ang balut at pasubo bilang pangunahing kultura ng bayan.
Lagus-lagusan ang konsepto ng pagbabalik, pagdiriwang, at pagtatagpo ng mga
taga-loob at taga-labas ng Pateros sa selebrasyon tuwing sasapit ang Pista ng
Pateros.

Bayan ng Pateros, ayon sa kasaysayan


Lahing magiting, kanyang pinagmulan
May sakahang lupa, may ilog na daluyan
Kinagisnang gawain ay pag-iitikan

Bahagi ang mga linyang ito ng “Himno ng Pateros” na isinulat ni


Prop. Patrocinio Villafuerte. Nakaugat anf awitin sa maigting na ugnayan
ng kasaysayan, kapaligiran, at kabuhayan. Hindi maihihiwalay ang pag-
iitikan sa nagsasalakupang salik sa kaakuhan ng bayan ng Pateros. Sa tiyak
na pagsasakonteksto, mahigpit ang ugnayan ng mayamang kasaysayan at
kalinangan ng industriya (balutan) at panata (pasubo) sa pagkakakilanlan ng
payak na bayan ng Pateros. Ang nagtatalabang konsepto ng balut, balutan, at
pasubo ay batayang konseptuwal sa pagdalumat ng pagbabalik, pagtatagpo, at
pagdiriwang ng mga taga-loob at labas ng komunidad ng Pateros.

109
HASAAN
II. Ugat ng Panata: Si Santa Marta, Patron ng Pateros

Sa dusa’t dilang hilahil,


At sakunang sapin-sapin,
Martang pintakasi namin,
Kama’y iyong idalangin

Bahagi ito ng dalit o dasal tuwing sasapit ang pagnonobena kay Santa
Marta bago ipagdiwang ang pista ng Pateros.
Ayon sa paniniwalang Katoliko, si Santa Marta ay nakapagpaamo ng
isang dragon sa ilog ng Rhone Tarascon sa bansang Pransya. Si Santa Marta at
ang kanyang kapatid na sina Santa Maria at San Lazaro kasama ang ilan pang
mga banal ay ipinatapon ng ilang malulupit na mga Hudyo na nagnanais na
sila ay mamatay sa karagatan ng Palestina. Isinakay sila sa bangkang walang
layag, walang pagkain, at mga kagamitan. Ang kanilang pangkat ay napadpad sa
Camargue sa Timog Arles, Pransya na tinatayang naganap noong 48AD. Nagtungo
si Santa Marta sa Rhone hanggang makarating sa Tarascon na pinaniniwalaang
pinamumugaran ng mga dragon na tinatawag na Tarasque. Hiningan siya ng
tulong ng mga mamamayan na mahuli ito. Nang mahuli ni Santa Marta ang
mga dragon, ibinigay niya ito sa mga mamamayan at kanila itong pinagpira-
piraso. Dahil sa milagrong hatid ni Santa Marta ay dumami ang nagpabinyag
upang maging Kristiyano. Tinatayang namatay si Santa Marta sa nasabi ring
lugar noong 68 AD. Taong 1199 itinayo ang napakagandang simbahan para sa
kanyang karangalan. Mula noon marami nang dumayo sa lugar na iyon upang
manalangin kay Santa Marta at nadagdagan pa ng maraming monasteryo at
bahay panalanginan mula sa alaala nang yumaong si Sta. Marta (“Dasal ng
Pamimintuho kay Sta Marta” 8-9).
Ayon sa kasaysayan, noong 1700, tinatayang 200 lamang (Gonzales 12-
13) ang nakatira sa malapit sa baybay-ilog ng Pateros. May sariling kultura
at paniniwala ang mga nasabing mamamayan. Bago pa man maging isang
maunlad na bayan ang Pateros ay pinaniniwalaang may malaking buwaya
na kinatatakutan ang mga tao rito. Ito ang kumakain ng itik na alaga ng mga
mamamayan. Sinunod ng mga mamamayan ang payo ng pari na magdebosyon
kay Santa Marta. Mula sa kuwentong bayan sa Pateros, isang gabi na kabilugan
ng buwan ay may isang lalaki na naglakas ng loob na harapin ang hamon na
lupigin ang buwaya sa ilog. Mayroon siyang dalang tabak at patpat na pinainan
o nilagyan ng manika. Ngunit napatay ng buwaya ang nasabing lalaki. Dahil sa
takot, sama-samang nanalangin ang buong bayan at humingi ng gabay kay Santa

110
VOLTAIRE M. VILLANUEVA

Marta. Madaliang napatay ang buwaya matapos ang sama-samang panalangin


sa santa. Naniniwalang ito ay tulong ni Santa Marta. Agad na nagdiwang ang mga
patero. Dahil dito ay nagpasya ang mga patero na kung maaari ay magpagawa
ng isang imahen ng isang santa na anyong dalaga na nakatuntong sa ibabaw ng
buwaya, may tangang palaspas sa kanan at krus sa kanyang kaliwang kamay.
Mula noon ay pinarangalan nila ang mahal na pintakasi ng isang pamisa at
pagpipista sa ilog na tinatawag na pagoda. Kasabay ng pista ay ang pagkakaroon
ng sayaw ng pandango sa kalsada hango sa katutubong mga paniniwala ng
mga taong bininyagang Kristiyano. Noong Hulyo 1, 1885 sinimulang itayo ang
simbahang bato at nang sumapit ang Agosto sa taon ding iyon ay dumating ang
kauna-unahang kura- Paroko na si Fray Andres Veil. Siya ang unang namuno sa
unang misa bilang bagong parokya ng Pateros noong Agosto 16, 1815. Naging
araw din ito ng pagluluklok kay San Roque bilang titular na patron ng parokya
na marahil ay bilang paggunita sa kanyang pagdating at isang debosyong
ipinangangalat ng mga paring Agustino.
Bagaman popular na santo at santa sina San Roque, Santo Rosario, natatangi
ang pag-uugnay kay Santa Marta sa bayan ng Pateros bilang pinaniniwalaang
patrona ng mga magbabalut (Nocheseda 87). Ang paniniwalang ito ang humubog
sa pasubo at iba’t ibang anyo ng gawaing kadikit ng pamimintuho sa santang
pinaniniwalaang tagaprotekta ng bayan at tagapagpaunlad ng industriya ng
balutan.

Ilang Kuwentong Bayan ukol Kay Santa Marta


Bahagi ng mayamang kasaysayan ng Pateros ang pamimintuho kay Santa
Marta. Ang pamimintuhong ito ay nakaugat sa kabuhayan ng mga taga-Pateros:
ang pag-iitik at pagbabalut. Ang mga kuwento sa buwaya, pag-aalalaga ng itik,
at biyaya ng ilog ang masasabing ugat ng pamimintuho sa santa (Nocheseda
65-67).
Maraming paniniwala ukol sa kapangyarihang taglay ni Santa Marta batay
sa iba’t ibang kuwentong nagpasalin-salin na sa iba’t ibang henerasyon (Maayo
1-10). Ayon sa mga kuwento, si Santa Marta ay pinaniniwalaan ng kanyang mga
deboto na isang napakaganda at napakabuting dalaginding na nanirahan sa
Aguho. Isang araw nang siya ay naglalaba sa may tabing ilog siya ay nilunok
ng buwaya. Dala ng kanyang kadakilaan ay muli siyang iniluwa ng buwaya at
ito ay kanyang tinuntungan. Ang buwaya at si Santa Marta ay naging kapwa
estatwang kahoy (Poblete 22). Isa pang paniniwala na isa siyang imaheng

111
HASAAN
matanda na napulot ng mga patero noong may isang malakas na bagyo at
kabilugan ng buwan. Dinala nila ang imahen ni Santa Marta sa tahanan nina
Kabesang Selo (Ortega 12). Inilagay ito ng kabesa sa silong ng kanyang tahanan
sa pag-aakalang ito ay manikang hindi maaaring paglaruan. Ngunit isang gabi,
ang nasabing imahen ay nagliwanag at nasaksihan ng maraming mamamayan
kasama ang mga pari na naroroon at nakumpirmang ito ay imahen ni Santa
Marta.
May paniniwala ring ang imahen ni Santa Marta ay ibinigay ng isang
matandang babae sa taong bayan. Ang kauna-unahang imahen ni Santa Marta
ay isang maliit na pigura na mistulang isang anting-anting na nagligtas sa bayan
ng Pateros mula sa isang buwaya na pumapalibot sa ilog sa Pateros. Panghuli,
pinaniniwalaan din na si Santa Marta ay madalas na magpakita sa ilog tuwing
kabilugan ng buwan na tila isang napakagandang diwata na nakasakay sa
ibabaw ng buwaya at mistulang nagbabantay sa buong bayan.
Ang ilang mga kuwentong bayang ito ay nagpaigting sa pananampalataya
ng mga mamamayan kay Santa Marta. Hanggang ngayon, nananatiling buhay
ang tradisyon ukol sa parangal kay Santa Marta. Tinatawag na orihinal na
Santa Marta o ang “matandang santa” ang tinaguriang mapaghimalang patrona
ng Pateros. Dahil sa kanyang morenang kulay, ang birhen ay tinatawag na
”Prinsesang may Koronang Imperyal.” Ang birhen ay may tangan-tangan na
dahon ng palaspas. Gawa sa Molave ang katawan ng imahen samantalang ang
ulo ay gawa sa Batikuling.

Pista kay Santa Marta, Alay ng mga Magbabalut


Noon pa mang 1799, tuwing buwan ng Pebrero o bago sumapit ang Mahal
na Araw, mayroon nang nagaganap na malaking pagdiriwang ng kapistahan sa
Aguho o Pateros. Ang buwan ng Pebrero ay panahon ng masaganang ani ng itlog
ng itik kaya’t masigla ang pagbabalut. Akma ang panahon sa mga tumutubong
organismo na magiging pagkain ng mga suso, tulya, at kuhol na pangunahing
pagkain ng mga itik. Kadalasang ligtas din ang mga itik sa banta ng bagyo kaya
sagana ang pagbibigay nila ng mga itlog. Masagana rin ang ani mula sa mga
palayan at iba pang pananim sa bayan (Nocheseda 73-74). Dahil dito, halos
lahat ng mga mamamayan ay may kakayahang maghanda para sa Pista kay Santa
Marta. Dahil sa masaganang ani, lahat ay may kakayahang maghanda, kaya ang
buwan ng Pebrero ay tinatawag na ”Pistang Pobrero.” Habang ang pagdiriwang
naman sa ikahuling linggo ng Hulyo ay tinatawag na Pista ng Mayaman.

112
VOLTAIRE M. VILLANUEVA

Ang mga angkan ng Tuason, de Borja at Quiogue na sinasabing nanguna


sa paggawa ng balut ang mga masisigasig na tagapag-alaga o rekamaderos ng
patron ni Santa Marta. Bilang pasasalamat sa walang tigil na pagbibigay ng
mga biyaya sa kanila, sila ang nangangalaga sa imahen, nagsusuot ng magarang
damit at nagpapakain sa oras ng iba’t ibang seremonya.

III. Ang Pasubo bilang Pagtatagpo:


Lunan ng Iba’t ibang Uri ng Pagwiwika
Karaniwang matatanggap na ipinapasubo ang mga kakanin (sumang
malagkit o balinghoy, binalot na bibingka), prutas (kahel o mansanas), gawang
Pateros (balut, penoy, itlog na maalat, alpombra). Noon, makikita ang malalim
na ugnayan ng mga mamamayan ng Pateros sa mga kuwento ng diwata at
katalonan na sinasabing namumuno ng ritwal. Sa kasalukuyan, ang ugnayang
ito ay bitbit ng selebrasyon ng pasasalamat kay Santa Marta.
Hitik ang pasubo sa iba’t ibang anyo ng pagtatanghal o pagganap. Bago
mangyari ang pinakahihintay na pasubo ay nagkakaroon ng nobena sa loob
ng simbahan bago maganap ang hinihintay na prusisyon sa gilid (ligid kung
tawagin ng mga taga-Pateros) ng patio patungo sa iba’t ibang baranggay.
Bahagi rin ng pagtatanghal ang pagpapadamit kay Santa Marta, pagkakaroon
ng pagoda sa lansangan (dati ay sa ilog), prusisyon, at paghahanda sa patron.
Ang mga ganitong tagpo ay naka-angkla sa ugnayan ng pananampalataya at
espiritwalidad (Covar 168-170). Ito ay nakabatay sa ating mga paniniwala.
Gumagalaw ang lahat ng ito sa ugnayan ng espiritwal at materyal na iniikutan
ng kalikasan at kultura ng isang kalinangang bayan gaya ng Pateros.

Ugnayang tao-kalikasan
Mababakas din sa mahabang tradisyon ng pasubo sa Pateros ang ugnayan
nila sa kalikasan partikular sa Ilog Pateros at ang ugnayan ng taga-Pateros
sa kanyang kapwa gaya ng mga taong kaugnay ng produksyon, distribusyon,
at konsumpsyon ng balut. Samakatuwid ang pasubo sa Pateros ay ubod ng
organikong pagkakabuo ng bayan (Rodriquez-Tatel 15).
Dahil sa talaban ng kultura at kalikasan bilang ikutan ng pananampalataya
at espiritwalidad, nagkakaroon ng ugnayang panlipunan na iniluluwal ng pasubo
na nagbubunga ng ugnayan sa Pateros. Ang ugnayang nabuo dahil sa pasubo
ay bahaginan ng buong komunidad. Ang pasubo ay maituturing na wikang di-

113
HASAAN
kognitibo. Iginigiit nito ang wika ng paniniwala at pananampalataya sa bayan
ng Pateros.

Paggalaw bilang Pananampalataya


Sa paglipas ng panahon, unti-unting nagbagong bihis ang pasubo. Sa
prusisyon mamamalas ang sayawan sa daan sa saliw ng tugtog ng “balitaw”.
Kapag huminto ang sayaw ay isasagawa na ang seremonya ng pagsasagawa ng
pagbibigay o pasubo. Nagpapatuloy ang prusisyon ng pagsasayaw sa imahen ni
Santa Marta hanggang marating ang ilog ng Sto. Rosario. Nag-aabang naman
ang mamamayan upang sumama sa pagoda o prusisyon sa ilog. Inaabangan
din ang “pandangguhan,” at pagkatapos ng misa sa ganap na alas-otso ng
umaga ay magsisimula na ang prusisyon. Halos lahat ay umiindak sa saliw ng
pandanggo na pinaniniwalaang ginagaya ang ilang galaw ng mga itik. Ang galaw
ay pinaniniwalaang halaw sa isinasagawang sayaw ng mga ninuno ng mga taga-
Pateros upang gumaling sa kanilang mga sakit.
Ang pasubo bilang ritwal o pamamanata ay salaysay ng kalinangan sa
Pateros. Ito ay talaban ng talastasan sa pagitan ng nagpapasubo, pinasusubuan,
at ng buong bayan Maihahalintulad sa isang pagtatanghal ang mga ritwal o
pamamanata sa anyong panalangin (Covar 168-170). Ito ay manipestasyon
ng pananampalataya at naisasakatuparan sa pamamagitan ng mga taong
namumuno.

Pagsunod at Pagkontrol
Nakaugat sa pananampalataya ng mga taga-Pateros ang ritwal ng
pasubo bilang kalahok sa mahalagang gawain ng bayan. Nakabatay sa
pananampalataya ng isang indibidwal ang pag-iral at paglahok sa mga ritwal
ng kanyang kinabibilangang relihiyon at pagtingin sa relihiyon bilang produkto
ng lipunan. Tuwiran lamang itong mabubuhay, iiral, lalahok, at mas magiging
makapangyarihan kung gagamitin bilang instrumentong makatutulong sa
pagpapahayag ng mga saloobin, sasabihin, at paniniwala (Peregrino 223).
Ang pasubo bilang ritwal ay daluyan ng pagpapahalaga sa mga biyayang
natatatanggap sa pinaniniwalaang misteryosang si Santa Marta. Bilang
pagpupugay ay papalitan ito ng pagpapasubo bilang anyo ng paniniwala at
pasasalamat.
Kapansin-pansin ang pagsunod ng mga mananampalataya mula sa taal

114
VOLTAIRE M. VILLANUEVA

na taga-Pateros, dayo, at nagbabalik-bayan dahil sa senaryong ang pasubo ay


nagiging “paagaw” na nagiging sanhi ng paglihis ng taimtim na pananampalataya
kay Santa. Marta (Nocheseda 83-85). Kinokontrol ng pasubo ang pag-iisip ng
mga taong sumasali sa selebrasyon bilang pansamantalang pagtakas sa realidad
ng lipunan. Kitang-kita ang pagsunod ng mga mananamplataya dahil sa dagat
ng tao ng nakikipagsiksikan, nakikipagbalyahan, nakikipag-agawan makakuha
lamang ng biyayang ipinapasubo sa mga matiyagang sumasama sa prusisyon.
Tinitingnan rin ang pasubo bilang iba’t ibang anyo ng pagdiriwang
batay sa iba’t ibang katayuang panlipunan. Isa itong tipikal na pagdiriwang
ng pasasalamat sa mga magbabalut, negosyante, o mayamang angkan sa
pamayanan ng Pateros na “makapagpasubo.” Sila ang mga taong nakaposisyon
sa mga taas ng kani-kanilang tahanan upang maghagis, magbigay, magpaagaw,
o magpasubo ng mga sinasabing biyaya.
Nagaganap ang pasubo sa pagitan ng mga “nagpapasubo” o namamanata
na nagbibigay ng “subo” o hagis sa mga tao o “pinapasubuan”. Ang posisyon
ng mga kalahok ay batayang perpormatibo ng nagtatalabang kapangyarihan.
Sukatan din ito ng katayuang panlipunan ng mga taong magpapasubo. Ang nasa
taas ay ang nagpapasubo at ang nasa baba na nakikipag-agawan. Posibleng
makaranas ng sakitan ang namamanata o masa na pansamantalang umaasa sa
biyayang pasubo kung papalaring makasalo, makaagaw, o makadampot buhat
sa biyaya ng nagpapasubo. Inaabangan din ng mga sumasama sa prusisyon
upang makilahok sa pasubo ang mga biyayang maaaring ipasubo.
Isang klarong pagwiwika ang pasubo. Ang ganitong pananampalataya
ay pagpapamalas ng pagsunod sa wika o salitang sinasabi, pinaniniwalaan,
at sinusunod ng marami sa isang tiyak na pamayanan (Peregrino 223-26).
Matingkad itong makikita sa idinaraos na pamamanata ng mga nagpapasubo
o nakikiagaw. Upang maging kabahagi ng paniniwala, kailangang gamitin
at sundin ang kaakibat na wika ng pasubo na may taglay na internal na
pamantayang nagtatakda sa pagiging tama o mali ng gawaing pampamayanan.
Dahil sa balut at pasubo, nagiging isa ang bayan. Sa kabilang banda, ang
pangyayaring ito sa panloob na ugnayan ng tao sa kalikasan at tao sa tao ay
may posibilidad na dumanas ng batikos o kritisismo mula sa hindi nakauunawa
sa pasubo (Constantino 7-10). Pansamantalang naililihis nito ang isyu ng
kahirapan, politika, at kabuhayan ng pamayanan bunga ng layuning itanghal
ang mayamang kasaysayan at kalinangan ng Pateros.

115
HASAAN
IV. Pasubo Bilang Pagbabalik

Dahil sa pagtatangkang dalhin ang industriya at komersiyo sa maliit na bayan


ng Pateros, nangyari ang transisyon mula sa agrikultural na kapaligiran patungo
sa masikip at mataong Pateros (Gonzales 26-27). Binago nito ang dating luntiang
kapaligiran na sagana sa mga kawayan at palayan. Ang mga puno ng aguho na
lumilikha ng lilim ay unti-unti nang nangaubos.

Lumaki ang populasyon mula sa tinatayang 8,340 noong 1948 patungong 59,
407 noong 2000. Tugma ito sa mabilis na paglobo ng bilang ng kabahayan mula
11,377 noong 1995 na naging 12,029 noong taong 2000. Kitang-kita ang masikip na
paninirahan ng maraming tao sa lumiliit na lupain ng Pateros na umabot na lamang
sa 14 na ektarya.

Naitalang halos 82 milyong kilo ang nakukuhang mga isda sa kabuuan ng Lawa
ng Laguna na pinagdurugtungan ng mga ilog sa Pateros. Dahil sa polusyon, paglaki
ng populasyon at malawakang industriyalisasyon na pumipinsala sa mga anyong
tubig, tinatayang apat na milyong kilo na lamang ang nakukuhang isda noong 2000
(Gonzales14-16). Maging ang kabuhayan sa pagpapalayan ay unti-unti nang nawala.
Tuluyang lumikas ang mga mangingisda sa ilog upang humanap ng ikabubuhay sa
iba’t ibang lugar. Dagdag pa rito ang pag-alis ng mga orihinal na mga taga-Pateros
upang tumungo sa mga karatig lugar dahil kaunti na ang mapagkukunan ng mga
pagkain tulad ng suso, tulya at kuhol.

Sa paglipas ng panahon ay lumiit at kaunti na ang mga taong gumagawa ng


balut, kumpara noon na halos lahat ng mga mamamayan ay sangkot rito.Dulot ito
ng pagbabagong pangkapaligiran sa Pateros. Nabago ang ekolohikal na kalagayan
ng Pateros dulot ng malawakang pagbabago ng ilog (Nocheseda 74-77). Nasira
ng polusyon sa tubig ang sanga-sangang ilog na tinatayang humigit-kumulang
sa labinlima. Dahil sa pagkasira ng ilog na nagdulot ng pagliit ng produksyon ng
balutan, ang iba ay lumipat na ng mga tirahan sa karatig bayan ng Taguig, Pasig, at
Makati (Gonzales 22-23) at Laguna. Kasabay ng pagkamatay ng ilog ang unti-unting
paghina ng industriya ng balutan. Nag-umpisa ito sa Kalawaan malapit sa Ilog Pasig
hanggang sa palibot ng lawa sa mga bayan ng Angono at Binangonan sa Rizal at
San Pedro, Cabuyao, at Sta Cruz sa Laguna. Maging ang mga lalawigan ng Bulacan,
Pampanga, Nueva Ecija, at Bataan ay pinaglipatan na rin ng industriya ng itikan na
kalauna’y naging pagawaan na rin ng balut.

Ang naitalang mga pagbabago sa bayan ng Pateros sa aspektong ekolohikal,


pang-ekonomiya, at kultural ay may direktang kaugnayan sa pagbabago ng
komunidad sa domeyn ng balutan. Ito ang mga pangunahing salik sa paghina at

116
VOLTAIRE M. VILLANUEVA
pangambang pagkamatay ng industriya ng balutan sa Pateros.

Kung ang mga nakagisnang gawain na may kaugnayan sa pagbabalutan ay


nagbibigkis sa buong komunidad ay tuluyang magbabago at maglalaho, makikita
kung paano lumaban ang pamamanata at “pagpapasubo” upang ipagpatuloy ang
balutan bilang bahagi ng kaakuhan ng Pateros.

Sa kabila ng nag-uumpugang bato ng modernisasyon at globalisasyon ay


tuloy pa rin ang ritwal at pagriritwal (Salanga 60-64). Mamamalas ito sa pasubo
na magbago man ang panahon ay hindi mabubuwag ang nakagisnang tradisyon
bilang pagtatagpo ng iba’t ibang naratibo na may kaugnayan sa pinagdaanan at
pagkakakilanlan ng bayan.

Kapag dumarating ang buwan ng Pebrero, nagsisibalikan ang mga magbabalut


sa Pateros bilang panata sa pinaniniwalaang milagrosang birhen na si Santa Marta
(Quiogue). Muling ipamamalas ang pakikiisa sa masayang pagdiriwang ng pista.
Nagkakaroon ng pagtatanghal gaya ng moro-moro at sarsuela ang mga lokal na
artista ng bayan. Mayroon ding peryahan.

Tinatayang ang mga bumabalik na mga taga-Laguna at taga-Rizal ay umalis sa


bayan ng Pateros matapos ang pagputok ng bulkang Taal sa pagitan ng 1920-1930.
Bumabalik rin ang mga nangibambansa upang mamanata gaya ng nakagisnan at
nakikisaya sa makulay na pista ni Santa Marta sa Pateros.

Kasama sa pagbabalik ang pagsaksi sa pamamanata kay Santa Marta at


pakikilahok sa pasubo. Sa mga may naiwang kamag-anak sa bayan ng Pateros, muli
nilang gagawin ang nakagawiang paghahagis ng iba’t ibang produktong ipasusubo.
Buong gilas na ihahagis ang mga produkto na sagisag ng pasasalamat. Kinikilala
naman ito ng mga taong bumabalik upang makakuha ng “subo”.

Sa mga taal na taga-Pateros na hindi na nakauuwi o nakababalik sa Pateros,


naging bahagi pa rin ng kanilang buhay ang pagdiriwang ng pasasalamat kay
Santa Marta. Naitalang may mga pagdiriwang ng mga Pilipinong taga-Pateros sa
kapistahan ni Sta Marta sa Chicago, Illinois, New York, New Jersey, Los Angeles, San
Francisco, San Diego, sa Estados Unidos at Winnepeg, Toronto, at Edmonton sa
Canada.

Maliwanag na hindi sarado ang pasubo sa pakikipag-ugnayan mula sa


loob at labas. Ayon kay Mojares (16), nabibigyang lohika ang pagbabahaginan
ng komunidad ng mga materyal na bagay at pag-uugali. Samakatwid, kahit pa
maraming pagbabago, patuloy na hinuhubog ng kapaligiran at ng mga mamamayan
ang kalinangang bayan.

117
HASAAN
V. Pasubo Bilang Pasasalamat at Pamamahagi sa Kaalamang Bayan

Balut, penoy, balut, bili na kayo ng itlog na balut


Sapagkat itong balut ay mainam na gamot
sa mga taong laging nanlalambot
Balut, penoy, balut, bili na kayo ng itlog na balut
Sapagkat itong balut ay pampalipas ng pagod
at mainam pampalakas ng tuhod.

Bahagi ito ng awit kaugnay ng pagkain at paglalako ng balut.


Maihahalintulad ito sa paraan kung paano bibigyang pagpapakahulugan ang
pasubo bilang mayamang bahagi ng pagkakakilanlan ng Pateros na malaki
ang kaugnayan sa pamamanata sa kinikilalang patrona ng balut (“Dasal ng
Pamimintuho kay Santa Marta” 8-9). Ang pamamanata kay Santa Marta ay isang
uri ng pamimintuho sa mga banal para sa mga Katoliko lalo na sa mga martir.
Hindi lamang ito tinitingnan bilang bahagi ng pagiging isang Katoliko kung
hindi bilang kasapi ng isang komunidad na mayroon pinagsasaluhang kultura.
Ang kultura ay isang komplikadong salita. Gaya ng pasubo posibleng may
iba pang kahulugan batay sa kung paano ito titingnan. Walang isang natatangi
o tiyak na depinisyon ng kultura maging ng pasubo sa Pateros. Mahalagang
mabigyan ng identidad ang kontekstong diskursibo nito upang lalong makapag-
ambag sa lumalalim at lumalawak na kaalaman ng isang bayan.
Ang kultura ay salitang halaw sa Latin na ‘colone/colonus’ na may
pakahulugang cultivation, inhabit, propagation at protect. Mailalapat ang
kahulugan ng kultura sa kultibasyon. Sa unang pagtingin ay tila nakatuon
ang pagtukoy nito sa agrikultural na katuturan. Ngunit sa mas malalim na
pagpapakahulugan, hindi lamang ito basta kultibasyon bagkus ay nakatuon
sa sentro ng pagpapalago o paglilinang upang mapino, mapalago, mapaunlad
ang isang bagay na napili. Ang nasabing paglinang at pagpapalago ay daraan
sa isang proseso ng pagsasanay at pagpipino na magagawa sa pamamagitan ng
edukasyon. Isa pa ring tinitingnang batayan ay ang paniniwalang ang kultura
ay katumbas ng sibilisasyon.
Ang antas ng sibilisasyon ang nagtatakda sa pagpapahalaga ng kahulugan
ng kultura. Ito ay umuunlad bilang alternatibo sa dominanteng paniniwala sa
konsepto ng sibilisasyon. Sinasaklaw nito ang lahat ng aspektong istandard
na gawaing panlipunan kaya’t bawat kilos ng tao ay nakabatay rito. Kultura
ang nagtatakda ng maangking kakanyahan ng kalipunan ng tao. Kolektibo
ito. Bagaman bawat indibidwal ay may halaga sa pagbuo nito; ang pagiging

118
VOLTAIRE M. VILLANUEVA

grupo ang nagpapatingkad nito. Ang kultura ay natututuhan, pinagsasaluhan,


mekanismo sa pakikibagay at integratibo. Samakatuwid, nakaugat sa pasubo
bilang anyo ng pamamanata ang mayamang ugnayan ng wika at kultura. Hindi
nagtatapos ang pamamanata bilang anyong perpormatibo dahil nakaugat dito
ang wika at kultura ng Pateros. Ito ay kolektibong kaban ng karanasan ng tao sa
ngalan ng kalinangang bayan. Sa isang gawaing pinagsasaluhan ng komunidad,
makikilala ang bayan, ang kanyang kultura at matutuhan niya itong angkinin at
ipagmalaki.
Ang paglahok sa pasubo ay ipinaliliwanag ng maigting na organikong
ugnayan ng tao sa kapaligiran. Hinuhubog ng kapaligiran at mamamayan ang
kalinangang bayan. Ipinapamalas ang pagsunod sa wika o salitang sinasabi
upang maging bahagi ng ritwal. Ang pasubo ay nagiging isang pampamayanang
pangyayari na bukod sa pasasalamat, pagbabalik, pagtatagpo, at pamamanata
ay pagkontrol sa kanilang pagkilos upang isabuhay at ilapat ang panlipunang
perpormatibo sa bayan ng Pateros. Dahil sa pasubo nagkakaroon ng ugnayan
ng pagbabalik, pagtatagpo at pagdiriwang na pinagsasaluhan ng mga
mamamayang taal (kaugnay ng pagbabalut) at di-taal (dayo at nais sumaksi sa
pasubo) na taga-Pateros. Ang pagbabalik, pagtatagpo, at pagdiriwang sa bayan
ng Pateros ay buhay na patotoo sa tunay na esensiya na ang pasubo ay batayan
ng mayamang kalinangang bayan.

Mga Sanggunian
Arganda, Amelia H. “The Business Conditon of Balut Industry in Municipality of Pateros, Metro
Manila”. Rizal Technological College, 1989. Di-nailathalang masteradong tesis.
Constantino, Pamela C, Ramos, Jesus Fer. Wika, Linguwistika, at Bilinguwalismo sa Pilipinas. Quezon
City: Rex Bookstore, 1985. Nakalimbag.
Capitan S.S. Ang Paggawa ng Balot. Laguna: College of Agriculture Publication Program University
of the Philippines Los Baños College, 1993. Nakalimbag.
Cosme, Elias. “The Emerging Feasibility Study of an Integrated Balut Making.”Asian Institute of
Management, 1972. Di- nailathalang masteradong tesis.
Covar, Prospero R. Mga Babasahin sa Agham Panlipunan. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino-
Diliman,1999. Nakalimbag.
---. Seminal Essays on Philippine Culture. Manila: National Commission on Culture and the Arts,1998.
Nakalimbag.
Dagmang Ferdinand D. “Ang Ethnographer/ Field Worker: Sa Pagitan ng Damdamin at Isipan.”
Malay XXV: 2, 2012. Nakalimbag.
Dela Paz, Cecilia. “Poon at Panata: Sining at Paniniwala sa Mahal na Senyor ng Lucban, Quezon.”
Philippine Humanities Review 2, 2008. Nakalimbag.

119
HASAAN
Estevez, Gervacio E. “The Growth Prospects of the Balut Industry in Municipality of Pateros.” Diss.
University of Asia and the Pacific, 2001.
Evasco, Eugene Y. ”Sapagkat Lagi Tayong Humahakbang kahit may Binabalikan” Diliman Review
49:3-4, 2001. Nakalimbag.
Gonzales, Ernesto. “The Economics of Ecological Anthropology of Pateros and Its Implication to
Sustainable Development in the Philippines.” Diss. Maynila: Asian Social Institute, 2002.
---. “The Changing Ecology of the Economic Globalization in Pateros, Metro Manila: A Preliminary
Approach to Eco-Geographic Historiography in Social Development.” UNITAS. 75:1 (9-28),
2002. Nakalimbag.
Maayo, Geraldine. “A Collection of Pateros Folktales” Pasig Papers. Vol.36 of E. Arsenio Collection,
1964. Nakalimbag.
Mojares, Resil. Theater in Society, Society in Theater: Social History of a Cebuano Village. Quezon City:
Ateneo de Manila University Press, 1985. Nakalimbag.
Nocheseda, Elmer I. “Ecological and Ritual Change in the Devotion to Santa Marta of Pateros.”Philippine
Quarterly of Culture and Society. Pilipinas: Maynila, 2002 (65-100). Nakalimbag.
Ortega, Leopoldo. “Pateros” Meralco Magasin (2-9), 1961. Nakalimbag.
---. ”History and Coin Hoarders: Four Stories from Pateros,” Sunday Times Magazine (2). 1965.
Nakalimbag.
Pe-pua, R. “Kros-katutubong Perspektibo sa Metodolohiya: Ang Karanasan ng Pilipinas.” Binhi 1,
2005. Nakalimbag.
Peregrino, Jovy M Pamela C. Constantino, Nilo S. Ocampo, at Jayson D. Petras. (Mga Ed.) Salindaw:
Varayti at Baryasyon ng Filipino. Lungsod Quezon: Sentro ng Wikang Pilipino, Unibersidad
ng Pilipinas, 2012. Nakalimbag.
---. Constantino, Pamela, Ocampo, Nilo (Mga Ed.). Minanga: Mga Babasahin sa Varayti at Varyasyon
ng Filipino. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino-Diliman, 2002. Nakalimbag.
Resuma Vilma M. ”Ang Wikang Filipino sa Kalakarang Globalisasyon” nasa Komunikatibong
Suplemento sa Filipino XIV (1-2). Maynila: Innovative Educational Materials, Inc.. Nakalimbag.
Rodriguez-Tatel, Mary Jane. Ang Dalumat ng Bayan sa Kamalayan at Kasaysayang Pilipino. Quezon
City: Bagong Kasaysayan, 2005. Nakalimbag.
Salanga, Elyrah Loyola. “Buhay Ritwal: Ang Ritwal sa Kamalayan at Kulturang Pilipino.” Malay XIX:
3, 2007. Nakalimbag.
Salazar, Zeus. Sikolohiyang Panlipunan at Kalinangan: Panimulang Pagbabalangkas ng Isang
Larangan. Lungsod Quezon: Palimbagan ng Lahi, 2004.Nakalimbag.
---. BAKAS: Babaylan sa Kasaysayan. Lungsod Quezon: Bagong Kasaysayan, 1999. Nakalimbag.
---. “Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino.” Constantino, P.C. at M.M. Atienza (Mga Pat.) Mga Piling
Diskurso sa Wika at Lipunan. Lungsod Quezon: UP Press, 1996. Nakalimbag.
---. “Pantayong Pananaw Bilang Diskursong Pangkabihasnan.” Bautista, V.V. at R. Pe –Pua (Mga
Pat.), Pilipinolohiya: Kasaysayan, Pilosopiya at Pananaliksik. Maynila: Kalikasan Press, 1991.
Nakalimbag.
San Buenaventura, Mario. “Ang Kaganapang Sikolohiyang Pilipino sa Pagsasakatutubo,Pagka-Agham
at Pagka-Filipino.” Ang Sikolohiyang Pilipino Isyu: Pananaw at Kaalaman. Maynila:National
Bookstore, 1985. Nakalimbag.
Tablante, Nathaniel at Constantino Melchor. “The Marketing of Duck Eggs in Morong ,Pasig and

120
VOLTAIRE M. VILLANUEVA
Pateros, Rizal. Philippine Agriculturist”, 36: 6 (303-30) 1974. Nakalimbag.
---. “Ducks Moves to Luzon Rice Lands” BAIF Recorder, 14:33,8. 1974.Nakalimbag.
Tiatco, Sir Anril P. “Celebrating in the Waters and Frolicking with St. Peter: Performance of Folk
Narrative and Catholic Church Nararative in a Kapampangan Community.” Philippine
Humanities Review 2, 2008. Nakalimbag.
Turner, Victor. W. The Ritual Process. Aldine Publishing Company. United States of America:
Chicago,1976. Nakalimbag.
Villanueva, Voltaire M. “Panimulang Pag-aaral sa Varayti ng Tagalog Pateros sa Domeyn ng Balutan.”
Dalumat E-Journal 3:1-2, 2012. Nakalimbag.
Virtusio, Wilfredo. “Ang Kuwento ng Nawawalang Ilog (O Isang Sulyap sa Bayan ng Pateros”. Burador.
Ateneo de Manila University Press. Pilipinas: Quezon City, 2010. Nakalimbag.

121
Lupon ng Editor
WENNIELYN F. FAJILAN
Punong Editor

Nagtapos ng BA Araling Pilipino, cum laude, MA Araling Pilipino at nag-


aaral ng Ph.D. Filipino (Major sa Pagsasalin) sa Unibersidad ng Pilipinas, Dili-
man. Isa rin siyang Research Associate sa Research Center on Culture Education
and Social Issues ng Unibersidad ng Santo Tomas (UST-RCCESI).
Ang kanyang mga pananaliksik na nakatuon sa Teorya ng Pagsasalin, Aral-
ing Lokal, Araling Pambata, Kulturang Popular at Araling Romblon ay naging
bahagi ng mga pambansa at pandaigdigang kumperensya. Naging fellow siya sa
mga pambansang palihan gaya ng Sangandiwa National Graduate Conference
(2007), UST Creative Writing Workshop (2012) at Kritika: National Workshop
on Art and Cultural Criticism (2013). Naging finalist siya para sa Sawikaan
2012; at tagapagsalita sa Ambagan 2013 at Pilandokan 2013.
Nalathala ang kanyang akda sa mga aklat na Hilakbot (2006), Haunted
Philippines 8 (2007), Haunted Philippines 9 (2007), Palalim nang Palalim,
Padilim nang Padilim (2008) at Sopas Muna (2008). Itinanghal sa CCP bilang
bahagi ng Virgin Labfest 7 ang kanyang unang dulang may pamagat na “Kinau-
magahan” at nalathala sa Virgin Labfest 2: Antolohiya ng mga Dula 2008-2012
(2013). Ang kanyang pananaliksik sa wika at kulturang popular ay nailathala sa
Dalumat E-journal, 2011.
Isa siya sa mga editor ng aklat na Mahabe Pagotan: Kasaysayan, Kalinan-
gan at Lipunan ng mga Dumagat sa Bahaging Bulacan ng Sierra Madre (2012) at
ng Panumtom: Kalipunan ng mga Akda ng mga Kabataang Zambaleño (2012).
Contributing editor din siya sa Filipino ng Summit Media Publications.
Kasalukuyan siyang instruktor at puno ng komite sa pananaliksik ng UST
Departamento ng Filipino.

122
CRIZEL PASCUAL SICAT
Kawaksing Editor

Kasalukuyan siyang kumukuha ng PhD Filipino (Pagpaplanong Pangwika)


sa UP Diliman kung saan nagtapos din siya ng BA Philippine Studies, cum laude
noong 2008. Nagtapos ng digring MA Education (Filipino), magna cum laude,
noong 2010 sa Saint Louis University, Baguio. Kasalukuyang instruktor ng wika
at panitikan sa Fakultad ng Sining at Panitik ng Unibersidad ng Santo Tomas.
Naging fellow ng UST Creative Writing Workshop (2013) at napasama sa
mga pambansang journal ang kanyang mga pananaliksik sa transpormatibong
edukasyon at nakapaglathala na rin ng mga teksbuk sa wika at panitikan. Kini-
lala bilang finalist ng Gawad Clemencia Espiritu sa Saliksik-Wika sa pamamagi-
tan ng Pambansang Samahan sa Literatura at Linggwistikang Filipino (PSLLF).
Nakapagtanghal na siya ng iba’t ibang pananaliksik sa patakaran at pagpa-
planong pangwika, politika ng wika, transpormatibo at inklusibong edukasyon,
kasarian at panitikan at varayti at varyasyon ng wika, sa mga pambansa at pan-
daigdigang kumperensya.

JONATHAN VERGARA GERONIMO


Tagapamahalang Editor

Kasalukuyang instruktor sa wika, pananaliksik at talastasang Filipino sa


UST Departamento ng Filipino. Nagtapos ng BSE Filipino at MA Teaching in Fili-
pino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas-Maynila. Naging fellow ng mga pam-
bansang palihan gaya ng UST Creative Writing Workshop (2013) at Ika-6 na
Palihang Rogelio Sicat (2013).
Naging tagapagsalita sa mga panadaigdigan, pambansa at lokal na kom-
perensya sa larang ng Araling Filipino. Lektyurer sa mga seminar sa larang ng
pedagohiya, kritisismong pampelikula, wika, panitikan, malikhaing pagsulat at
pamamahayag.
Dating manunulat sa pang-hayskul na magasin journal sa wika at paniti-
kan na Tambuli ng Diwa Scholastic Press. Nailathala ang kanyang mga akdang
pampanitikan, lathalain at pananaliksik sa mga literary folio, magasin at antolo-
hiya. Naging recipient ng Gawad KADIPAN sa PNU (2008) at nagwagi sa Gawad
KWF sa Sanaysay ng Komisyon sa Wikang Filipino (Unang karangalang-banggit,
2012). Kasapi ng PSLLF, Philippine PEN at KATAGA.

123
ALVIN RINGGO C. REYES
Kasapi ng Lupon

Kandidato sa pagtatamo ng digring Doktor ng Pilosopiya sa Araling Fili-


pino – Wika, Kultura, Midya sa De La Salle University Manila. Dito rin niya tina-
pos ang kanyang Master sa Sining sa Araling Filipino – Wika, Kultura, Midya na
may karangalang Outstanding Master’s Thesis. Kasalukuyang instruktor sa UST
Departamento ng Filipino.
Naging fellow ng mga pambansang palihan gaya ng UST Creative Writing
Workshop (2012) at Ika-3 na Palihang Rogelio Sicat (2010) at 3rd J. Elizalde
Navarro National Criticism Workshop (2010). Nakapaglathala ng mga batayang
aklat sa lahat ng antas ng junior high school at ng sangguniang aklat sa mabi-
sang pagpapahayag. Nakapaglathala na rin siya ng artikulo sa journal ng Komi-
syon sa Wikang Filipino na bahagi ng ika-75 anibersaryo nito. Kasalukuyang
kalihim ng malawak na samahang pangwika na Pambansang Samahan sa Ling-
gwistika at Literaturang Filipino, Inc. (PSLLF,Inc.)

REYNELE BREN G. ZAFRA


Kasapi ng Lupon

Kasalukuyang instruktor sa Unibersidad ng Santo Tomas, Fakultad ng In-


henyeriya, Departamento ng Wika at Humanidades. Nag-aaral ng kursong Dok-
tor sa Pilosopiya sa Araling Filipino-Wika, Kultura at Midya sa Pamantasang De
La Salle-Maynila bilang iskolar. Nagtapos din sa nasabing pamantasan ng kur-
song Araling Filipino-Wika, Kultura at Midya (MA in Philippine Studies major in
Language, Culture and Media) kung saan ginawaran ng Gintong Medalya para
sa Pinakamahusay na Tesis.
Nakapaglathala na rin ng ilang pananaliksik at aklat tungkol sa kultura,
edukasyon at kasaysayan ng Pilipinas. Gaya ng artikulong Isang Pagsusuri sa
Edukasyong Di Pormal ng mga Katutubong Agta sa General Nakar, Quezon
gamit ang SWOT Analisis na inilathala ng Dalumat E-journal, Tuli sa Pukpok:
Kulturang Pilipino, Tradisyong Pagbilawin na inilathala naman ng Departa-
mento ng Filipino, Pamantasang De La Salle-Maynila at Tala ng Kasaysayan na
inilimbag naman ng St. Augustine Publishing, Inc.
Bilang isang edukador at mananaliksik, nakapagsalita na rin siya sa ilang
Pambansang Komperensiya gaya ng 7th Tayabas Province Studies National Con-
ference at ng Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino, Inc.

124
ROBERTO D.L. AMPIL, PhD.
Tagapangulo, Departamento ng Filipino ng UST

Kasalukuyang Kawaksing Propesor 3 sa Fakultad ng Sining at Panitik sa


Unibersidad ng Santo Tomas at Tagapangulo ng UST Departamento ng Filipino.
Nagtapos ng Ph.D. at Master sa Filipino sa Pamantasang Normal ng Pilipinas
(PNU) bilang iskolar ng CHED. Nagtapos ng BSE major sa Filipino sa Paman-
tasan ng Silangan (UE).
Nailimbag ang kanyang disertasyon sa Philippine Education Research
Journal. Manunulat siya ng batayang aklat sa hayskul at kolehiyo. Ebalweytor ng
mga teksbuk ng DepEd. Nakapagbasa na ng mga pananaliksik papel sa wika at
kultura sa mga pambansang kumperensya.
Kinilala bilang Most Outstanding Teacher ng KAGUFIL at DCS-Manila
(2001). Nagwagi sa Gawad Collantes sa Sanaysay ng Komisyon sa Wikang Fili-
pino (Ikatlong Gantimpala, 2001). Naging finalist sa Gawad Clemencia Espiritu
sa Pananaliksik (2010). Kasalukuyang Sekretaryo-Heneral ng Sanggunian sa
Filipino (SANGFIL).

JOVY M. PEREGRINO, PhD


Konsultant

Kasalukuyang Associate Professor sa Departamento ng Filipino at Pani-


tikan ng Pilipinas (DFPP) sa Kolehiyo ng Arte at Literatura (KAL) ng Uniber-
sidad ng Pilipinas-Diliman (UPD). Tumanggap siya ng Gawad Leopoldo Yabes-
Pagkilala bilang Pinakamahusay na Propesor sa Filipino ng UP. Ginawaran din
siya ng Chua Giok Hong Professional Chair Award, UPFI Professorial Chair
Award, at Doctoral Studies Grant Fellowship upang pag-aralan ang Semiotika
sa Wika ng Metapisiks o Transcendental Communication. Tinapos niya ang kan-
yang Ph.D. sa UP Diliman at sumulat ng pananaliksik sa Metapisikalisasyon ng
Wika: Pagdalumat sa Pagpapakahulugan at Pagsasaysay sa Wika ng Ugnayan ng
Tao at Kaluluwa. Ginawaran din siya ng PhD Incentive Grant noong 2008 upang
mapag-aralan naman ang Politika sa Pagsasaysay at pagpapakahulugan sa Se-
miotika ng Pagwiwika ng Mahal na Araw sa Kawit Cavite.
Tumanggap mula sa Unibersidad ng Pilipinas ng mga local at foreign fac-
ulty fellowship upang makapaglakbay sa iba’t ibang panig ng daigdig, makapag-
tanghal sa mga Pilipino at mapag-aralan ang ugnayan ng wika at relihiyon.

125
Aktibo siyang tagapanayam at nagbibigay ng palihan sa iba’t ibang kolehi-
yo, pamantasan, at institusyon sa buong Pilipinas. Aktibong konsultant sa ABS-
CBN News and Current Affairs at GMA News and Public Affairs.
Nanungkulan siya bilang Pinuno ng Pambansang Komite sa Wika at Salin
sa ilalim ng Pambansang Komisyon sa Kultura at mga Sining at naging kasapi ng
National Advisory Board ng National Commision for Culture and the Arts mula
2008-2011. Dating Direktor ng Sentro ng Wikang Filipino sa UP Diliman at nag-
ing Sekretaryo-Heneral ng Sangfil.

126

You might also like