Professional Documents
Culture Documents
Nakasaad sa Saligang Batas ng Biak na Bato noong 1847 na wikang Tagalog ang
gagamiting opisyal na wika ng pamahalaan Rebulusyunaryo.
Dapat isaalang-alang na Malaki ang pagkakaiba ng Opisyal na wika at wikang
pambansa. Sa mga transakyon na isinasagawa sa pamahalaan Opisyal na wika ang
ginagamit samantala ang wikang ginagamit naman ng mga mamamayan sa kanilang
pakikipagugnayan sa kanilang pamayanan ay tinatawag na wikang pambansa. Sa
Opisyal na wika, hindi lahat ay nakaiintindi tulad ng paggamit ng wikang pambansa.
Sa pagdating ng Amerikano ay ipinagamit ang wikang Ingles at hindi nagtagal
ang paggamit ng opisyal na wika ng kanilang batas ng Biak na Bato.
Sa pamamagitan ng itinayong public school system ipinagamit nila ang Wikang
ingles sa ilalim ng pamumuno ng mga Thomasite na unang guro ng mga Pilipino.
Sa ilalim ng Batas Blg.74 ipinag utos ng mga Pinunong Amerikano na gamitin
ang ingles bilang opisyal na wikang panturo sa mga paaralan. Batay sa isinagawang
pag-aaral ng Monroe Educational Survey Comission, hindi naging epektibo sa
pagkatuto ng mga Pilipino ang wikang Ingles
KAHALAGAHAN NG WIKA
Sa paanong paraan kaya magkakaunawaan ang tao kung walang wikang magagamit.
Kailangang ito ng tao upang mapanatili ang kapayapaan sa lahat ng pagkakataon. Hindi
magkakaunawaan at magiging magulo ang bawat isa kapag walang komunikasyon.
Bukod dito ang mga sumusunod ay ilan sa mga bagay kung bakit napakahalaga ng
wika.
Sa pamamagitan nito pinatatag nito ang pakikipagkapwa upang makakalap ng kaibigan
sa pamamagitan ng pakikipag-usap.
2. Nagagawa ng wika na mahusay na maipahayag ng tao ang kanyang nararamdaman at
ang laman ng kanyang isipan sa pamamagitan ng pagpapalitan ng kuro at pakikipag-usap.
KATANGIAN NG WIKA
Katangian ng Wika
Ang wika ay may kakanyahan o katangian. May sariling set ng palatunugan. Isa
sa katangian nito ay ang pagiging kapareho nito sa ibang wika ngunit hindi sa lahat
ng pagkakataon sapagkat may palatunugan ang isang wika na kakaiba sa iba pang
wika.
Halimbawa:
Maligo ka (Pilipino)
Mandilo na ka (Kapangpangan)
Magkarigos na kita (Bikol)
Ang wika ay patuloy na nagbabago, buhay o dinamiko. Ito ay patuloy na
umuunlad, nagkakaroon ito ng iba’t ibang kahulugan na isa namang karagdagan sa
ating talasalitaan.
Halimbawa: Bato
1. alahas d. maskulado
2. nainip e. matigas
3. ihagis f. droga
1. Balbal – ang mga balbal ay mga salitang di ginagamit ng mga aral na tao. Ito ay
tinatawag na salitang kalye, hindi magandang pakinggan kaya hindi rin tinatanggap
ng mga nakatatanda
Naririto ang ilang halimbawa ng bawat antas ng wika.
Sanrok
Waswit (sandok) Asawa
(asawa) Sanibit
Ringring Magulang
Tsikot (kotse) (dingding) Pananubitan
Guro
Yosi (sigarilyo) Taguling Kutob
(kanal) Paaralan
Tsimay (alila) Salamisin
Bungog (sira) Pamahalaan
Haybol Kasambahay
(bahay) Sagmaw Katulong
(kaning baboy)
Ang Alibata/Baybayin – Wikang Pambansa
REGISTER NG WIKA
Register ng Wika
Ang register ng wika ay tumutukoy sa mga salitang ginagamit sa iba’t ibang
disiplina. Karaniwan ito ay hindi nauunawaan ng mga taong hindi kabilang sa lipunang
kayang ginagalawan. Sa register ang kahulugan ng mga salita ay nagbabago kung
hindi siya kabilang sa lipunang kanyang ginagalawan. Nagkakaroon ng pagbabago ang
register kung naiiba na ang kausap ng taong gumagamit ng register na nasa iba’t ibang
larangan. Tulad ng mga salitang ginagamit sa pagbabangko, medisina, negosyo,
military at teknolohiya at iba pa. Suriin ang halimbawang nasa ibaba.
Lipunan Kasayahan
Party Partidong
Pulitika Kinaaniban sa
Pulitika
Halimbawa ng Dayalek:
Bataan - Baki ah? Tagalog - Nalilito ako
Batangas - Bakit ga? Bisaya - Nalilibog ako
Ilocos - Bakit ngay?
Pangasinan - Bakit ei?
Tagalog - Bakit?
3. Sosyolek – Ang barayti ng wika na nabubuo sa paggamit ng isang tiyak na pangkat
ng tao tulad ng haybol, etnek, tapune, olats, yosi, baryables mga salitang ginagamit ng
mga estambay sa kanot o magkakabardang tinedyer. Ang mga salitang ito ay may
kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng
mga naturang salita.
Halimbawa ng Sosyolek:
Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
Sige ka, jujumbagin kita! (sige ka, bubugbugin kita!)
May amats na ako ‘tol (may tama na ako kaibigan/kapatid o kaya ay lasing na ako
kaibigan/kapatid)
Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya ay pangit ng
gelpren mo)
Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)
KAHALAGAHAN NG PAGKATUTO
NG WIKA
Mahalaga ang wika sapagkat:
Dulang Panradyo
Ang dula ay isang masining na paraan upang maibahagi ang anumang papel na
kanyang gagampanan sa ibabaw ng tanghalan. Naipapahayag din ng dulang panradyo
ang tila isang makatotohanang paksa na mula sa mga karanasan at mga araw-araw na
pangyayari sa bawat isang mamamayan sa ating lipunan.
Ang dulang panradyo, pampelikula at telebisyon ay mayroon ding pagkakaiba-iba
sapagkat ito ay ipinapalabas sa entablado upang maibahagi sa mga manonood.
Mayroon itong mga tauhan at diyalogo na binibigkas at binibiyan ng wastong salita at
intonasyon upang maipabatid ang mensahe ng may buhay at damdamin na
maiintindihan ng mga manonood.
Elemento ng Dulang Panradyo
PANGALAWANG WIKA
Kapag pangawalang wika ang pinag-uusapan, ito ay nangangahulugang pagkatuto
gamit ang wikang kanyang natutuhan na maaaring sa bahay o sa lipunang kanyang
ginagalawan. Ito ay nangangahulugan na ang wikang ginagamit sa pagkatuto ng isang
tao ay base sa kung ano ang natutuhan niya sa mundong kanyang ginagalawan na
maaari niyang magamit sa pang araw-araw na pamumuhay.
Halimbawa:
Kapag wikang Tagalog ang nakagisnan mong wika (L1), kagyat kang matututo ng mga
konsepto mula sa wikang Ingles (L2) na magagamit sa pagtatrabaho o di kaya naman
kapag may mga kausap kang dayuhan.
Mahalaga rin naman matutunan ang pangalawang wika, huwag pa ring kalilimutan ang
nakagisnang wikang nagmulat sa ating pagkatuto.
Ano ang pangalawang wika?
Ayon sa mgadalubwika, ito ay tumutukoy sa alinmang wikang natutuhan ng isang tao
matapos niyang maunawaang lubos at magamit ang kaniyang sariling wika o ang
kanyang unang wika.
Kapag dalawang wikang iyong natutunan na gamitin sa pakikipagtalastasan, ang tawag
ay bilinggwal, kapag tatlo o higit pa ay multilinggwal at kapag maraming alam na wikang
ginagamit ay polyglot ang tawag.
TUNGKULIN NG WIKA
Ang komunikasyon ay ginagamit sa pagbabatid ng mga impormasyon na ang gamit ay
mga simbolo at karaniwang Sistema sa pagbubuo nito, Ito ay pinag-aaralan sa araling
komunikasyon sa mga disiplinang pang akademya na tinatalakay ang mga araling pang
komunikasyon.
Sa pag papahayag ay karaniwang ginagamit ang wika. Madali siyang
maintindihan mahaba man o maikli ang pangungusap.
Sinasabing pangkaisipan ang isang gawaing pang wika upang ito ay ginagamit
sap ag papaliwanag. Kasabay kilos ng kamay sa taong kanyang kausap, Dito nagyayari
ang pagkakaunawaan ng mga taong nag-uusap sa pagitan ng tatlo o higit pang mga
kausap.
Ang pag lalahad ng opinyon ng isang taga pag salita tungkol sa isang pagbasa
ay tinatawag ng komunikasyon. Sa ganitong paraan nagiging malinaw ang isang isyu sa
pamamagitan ng pag-uusap o komunikasyon. Dito nagkakaroon ng pagkatuto ng mga
ginagamit ng wika.
Mula sa mga tunog at simbulo at ang mga kaalaman sa lituntunin sa paggamit
nito ay nakabubuo ng mga kaisipang nais ipahayag ang tao. Ito rin ang mga naiisip o
nararamdaman sa pakikipag-usap o sa pamamagitan ng liham. Isa itong makataong
paraan upang makipag-ugnayan sa kapwa. Naibabatid ang anumang hangarin sa
pamamagitan ng paglikha ng tunog. Sa kabuuan nito ay sagisag ng mga salitang ating
binibigkas upang maipaabot ang nais nating ipahayag. Dahil ditto nagkaroon ng
ugnayan, unawaan at pagkakaisa ang kasapi ng isang pulutong ng mga mamamayan.
Naririto ang ilan sa mga tungkulin ng wika
Interaksyonal – Pinatitibay at pinamamalagi nito ang ugnayan ng tao sa lipunan o
pamayanan.
Instrumental – Sinasagot nito ang lahat ng kailangan ng tao tulad ng paggawa ng
memorandum o paggawa ng liham sa pag-aaplay ng trabaho.
Regulatori – Nagbibigay ng direksyon o komokontrol sa kaasalan ng tao tulad
pagbibigay panuto.
Personal – Naglalahad ng mga kaisipan o nadarama ng tao pagsulat man o pasalita.
TUNGKULIN NG WIKA
(PERSONAL)
Personal- Nagagamit ang wika upang maipabatid ang katauha ng isang tao. Ang bawat
tao ay may bahagi ng kanyang katauhan sa wika. Mayroong bahagi ang bawat isa sa
nangyayari. Hindi ipinagbabawa ang magsalita o magkwento ng marami o ang hindi
kumibo kung gusto nila at malaya rin silang magsabi ng kanilang nais sabihin.
Nagkakaroon ng pagkakataon ang bawat tao na makapagpahayag ng kanilang saloobin
kahit man ito ay padamdam, pagrerekomenda, o pagmumura o sa maingat na
pamamaraan na pagpili ng salita.
Halimbawa: paghiyaw,pagmumura, galit, pagiging mapaumanhin .
HEURISTIKO
Mahalagang malaman ng isang tao na ang pagkatuto ng isang wika ay hindi lamang
salik sa upang maunawaan ang isang bagay. Kadalasan, maaari tayong matuto ng
isang wika ayon sa ating nauunawan,naririning, nakikita, nadarama o nalalasahan na
nababase sa ating obserbasyon sa ating kapaligiran.
Ayon sapag-aaral ni M.A.K. Holliday, isa samga tungkulin ng wika ay ang Hueristiko.
Ang Hueristiko ay ang paggamit ng wika bilang isang kasangkapan sa pagkakaroon ng
kaalaman at pag-unawa. Ginagamit din ang wika upang magkaroon ng mga kaalaman
sa daigdig. Nagbubunga ng sagot ang mga tanong, konklusyon at pakikipagtalastasan,
mga bagong katuklasang konsepto at iba pa
Nagiging pamatayan din ito ng kaalaman sa iba’t ibang disiplina. Sa tulong ng wika
nagkakaroon ang tao ng mga pagkakataong makapagtanong tungkol sa mga mas
mahahalagang bagay tungkol sa daigdig na maaaring humantong sa isang kasagutan.
Halimbawa: pagtatanong, pagsagot, pangangatwiran, pagbibigay ng kongklusyon,
haypotesis, pagbibigay ng katuturan, pagtuklas, pagpapaliwanag, pagpuna, pagsusuri,
pagbuo, pag-eeksperimento, pagsang-ayon, di pagsang-ayon, pag-uulat at pagtataya.
REPRESENTATIBO
Representatibo
Halimbawa: pag-uulat, paglalahad, pagpapaliwanag, PAGHAHATID NG
MENSAHE, PAGBIBIGAY NG tama /MALING IM[PORMASYON, pagsisinungaling at
pagpapahayag.
Mga Teorya ng Wika