You are on page 1of 3

SURIGAO SUR COLLEGES

BAROBO, SURIGAO DEL SUR

MIDTERM
PANITIKAN NG PILIPINAS
Pangalan : JOSHUA G. NACARIO Petsa: 4/23/2021
ND
Kurso: BSED-II/2 Year Puntos:
Guro: ISRAEL B. MERCADO JR. LPT

I- Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem at bilugan ang titik ng pinakatamang
sagot.
1. Ito ay isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ni Hesuskristo.
a. Salubong b. Senakulo c. Santa Cruzan d. Panunuluyan
2. Ito ay ang pag-aalay ng bulaklak kasabay nang pag-awit bilang handog sa Birheng Maria.
a. Tibag b. Karilyo c. Moro-moro d. Flores de Mayo
3. Siya ang tinaguriang “Ama ng Klasikong tuluyan sa Tagalog”
a. Modestro de Castro c. Padre Diego Bergano
b. Padre Mariano Pilapil d. Mateo Sanchez
4. Ito ang kauna-unahang balarilang Ilokano na isinulat ni Franciso Lopez.
a. Arte de la Lengua Bicolana c. Arte Y Regalas de la Lengua Tagala
b. Arte de la Ilokana d. Compendio de la Lengua Tagala 5. Inakda ni
Padre Gaspar de San Agustin noong 1703.
a. Arte de la Lengua Bicolana c. Arte Y Regalas de la Lengua Tagala
b. Arte de la Ilokana d. Compendio de la Lengua Tagala
6. Ito ay binibigkas nang paawit ng isang naulila sa piling ng bangkay ng yumaong asawa,
magulang at anak.
a. Dalit b. Tibag c. Dung-aw d. Awit
7. Kwentong hango sa Banal na kasulatan na maaring umakay sa tao sa matuwid ng buhay.
a. Parabula b. Duplo c. Saynete d. Kurido
8. Isang pagtatanghal sa buwan ng Mayo, ng paghahanap ni Santa Elena sa krus na
pinagpakuan kay Kristo.
a. Salubong b. Senakulo c. Santa Cruzan d. Tibag
9. Larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang paglalamay sa
patay.
a. Dalit b. Tibag c. Dung-aw d. Awit
10. Tuwing Kwaresma ito ay inaawit dahil ito ay hinggil sa buhay, sakit at pagdurusa ni
Kristo.
a. Salubong b. Senakulo c. Duplo d. Pasyon
Mga Kantahing Bayan:
1. Dadansoy: Bisaya, Pamulinawen: Ilokano
2. Atin Cu pung Sing Sing: Kapampangan, ________: Bikol
3. Sarong Banggin: ________, Leron-leron Sinta

Ibigay ang mga impluwensiya ng kastila sa Panitikang Filipino:


1. Ang “Alibata”na ipinagmamalaki kauna-unahang abakadang Filipino na nahalinhan ng
alpabetong Romano
2. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang makarelihiyon
3. Ang wikang Kastila na naging wika ng Pantikan nang panahong yaon. Marami sa mga
salitang ito ang naging bahagi ng wikang Filipino
4. Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito na naging bahagi ng
Panitikang Filipino tulad ng awit, kurido, moro- moro at iba pa.
5. Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa Tagalog at sa ibang wikain.
6. Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat na pambalarila sa wikaing Filipino tulad sa Tagalog,
Ilokano at Bisaya.
7. Ang pagkakaroon ng makarelihiyong himig ng mga lathalain ng mga panahong yaon.

Dulang Pangtanghalan o Entablado


1. 1) Senakulo(Cenaculo)
2. Tibag
3. Panunuluyan
4. Comedia o Moro-moro 

Dulang Panlansangan:
1.
2.
3.
4.

Dulang Pantahanan:
1.
2.
3.
4.
5.
“GUMAWA NG KALAKIP ANG PUSO, GUMAWA NG KALAKIP ANG UTAK, GUMAWA NG
KALAKIP ANG KAMAY, GUMAWA NA ANG KUSA ANG KAAKIBAT”

You might also like