You are on page 1of 11

Panulat

Benigno R. Ramos (1930)

Kung ikaw, Panulat, ay di magagamit kundi sa paghamak sa Bayang may hapis, manong mabakli ka't ang taglay mong tulis ay bulagin ako't sugatan sa dibdib. Kung dahil sa iyo'y aking tutulungan ang nagsisilait sa dangal ng Bayan, manong mawala ka sa kinalalagyan, at nang di na kita magawang pamaslang! . . . Di ko kailangang ang ikaw'y gamitin kung sa iyong katas ang Baya'y daraing, ibig ko pang ikaw'y tupuki't tadtarin kaysa maging sangkap sa gawaing taksil . . . Di ko kailangang ikaw ay magsabog ng bango sa landas ng masamang loob, ibig ko pang ikaw'y magkadurug-durog kaysa magamit kong sa Baya'y panlubog. Kailangan kita sa gitna ng digma at sa pagtatanghal ng bayaning diwa, hayo't ibangon mo ang lahat ng dukha! hayo't ibagsak mo ang mga masiba!

Kung ang tula ay isa lamang pumpon ng mga salita, nanaisin ko pang ako'y bigyan ng isang taling kangkong dili kaya'y isang bungkos ng mga talbos ng kamote na pinupol sa kung aling pusalian o inumit sa bilao ng kung sinong maggugulay, pagkat ako'y nagugutom at ang bituka'y walang ilong, walang mata. Malaon nang pinamanhid ng dalita ang panlasa kaya huwag, mga pinagpipitaganang makata ng bayan ko, huwag ninyo akong alukin ng mga taludtod kung ang tula ay isa lamang pumpon ng mga salita.

Kung 1. Galing Ka sa Mega At 2. Uuwi sa Pasig Kung Ang Tula Ay Isa Lamang
Jesus Manuel Santiago (1976) German Gervacio

kung wala kang pantaksi 2 ang opsyon mo: 1.a. jeep 2.a. FX kung 1.a., 2 ang opsyon mo: 1.b. sasabit sa galing-Quiapo 2.b. pipila sa Pasig-Crossing kung 2.a., 2 ang opsyon mo: 1.c. pipila sa likod ng EDSA Cinema 2.c. pipila sa harap ng EDSA Cinema kung 1.a. man o 2.a., 2 ang opsyon mo: 1.d. dadaan ka sa loob ng Shangri-la 2.d. dadaan ka sa gilid ng Shangri-la kung 1.d., 2 ang opsyon mo: 1.e. maghuhulog ka ng barya sa wishing fountain 2.e. hindi ka maghuhulog ng barya sa wf kung 2.d., 2 ang opsyon mo: 1.f. maghuhulog ka ng barya sa lata ng pulubi 2.f. hindi ka maghuhulog ng barya sa lata ng p kung 1.f., 2 ang opsyon mo: 1.g. ng matandang naglulupasay 2.g. ng bulag na umaawit ng Sa Mata Makikita kung 2.f., 2 ang opsyon mo: 1.h. tumulala 2.h. tumula
Isang Liham ng Pag-ibig
Lamberto Antonio

Buwan, buwan Hulugan mo ako ng sundang... Mahal kong Islaw Palitaw Bago ang lahat, pakiusap ko lang: Kamusta ang ating mga anak? Sumasala pa ba sila sa oras? Huwag mo silang hahayaang magbutot balat. Kung ako naman ang tatanungin, Huwag ninyo akong alalahanin: Mabait ang mga uod, malapit na akong ubusin. Ang pagkaputol ng isa mong bisig Ay di wakas ng daigdig, Islaw. Huwag pabibilanggo sa hinagpis. Ni pahihila sa pangungulila. Laging isaisip na ikaw ay may hininga, Kaya may pribilehiyong umasa. Huwag nga lang ipauubaya Sa kawalan ang palad at tadhana; Diyan nag-uumpisa ang pagkabusabos ng dukha Na paris natin, Islaw. Kaya nga iwaglit mo na ang buwan At ang ihuhulog nitong sundang Na minsay hinintay ko rin. Bukod sa kayoy magugutom at maninimdim, Lalabo pa ang inyong paningin. Ang nagmamahal mong kabiyak Na sa hukay napasadlak, Mariang Pandakokak.

Doon Po Sa Amin
Teo Antonio

Doon po sa amin, bayan ng Panique, Mga mamamayan ay lubhang maswerte. Ang pulis ay pilay, ang mayor ay pipi, Gobernor ay bulag, ang hukom ay bingi.

Ayokong marinig ang iyak ng sinuman, Maging sa iyo Ilayo ang lahat ng umiiyak! Akoy naririto, isang hayop na mabangis, Natiwalag sa mga kasama Mga pungloy maaaring maglagos sa balat ko Ngunit ako ay magpapatuloy, Mga sugat at sakit ang taglay sa pagsulong, Sumasalakay, Sumasalakay, Hanggang sa maglaho ang tiisin At ang lahat ay wala nang anuman sa akin Nais kong mabuhay nang sanlibong taon.

At may isang mutyang ginahasa noon, Ginahasang mutyay sa pulis nagsumbong. Ang pulis na pilay, nagbulong sa mayor Na ang sinangguniy bulag na gobernor.

Sa hukom na bingi, ang kasoy dinala Kaya katibayay tinakwil ng tenga. Doon po sa amin, sa Paniqueng sinta, Bingi, bulag, pipit pilay ang hustisya.

Ako
Charil Anwar
Salin ni Rogelio G. Mangahas

Pagsapit ng aking panahoy

Ang Maging Babae


Ruth E. S. Mabanglo

Bawat kapatid na lalakiy espiya, Asawa naman ang kandadong ikinakawit sa pinto. Tunguhin kat dahilan ng di mabilang na bagay. Kanin at pamulat ng hangarit paglingap. Anong pag-ibig o pagpapakasakit? Anong paglilingkod o pagtitiis? Ikaw ang pundiya ng karsonsilyo, ang kurbata, maging ang burda sa panyot kamiseta. Susukatin ang ganda mo sa kama, ang talinoy sa pagkita ng pera. Kumikita ang beer at sine, Nagdidildil ka ng pills. Tunay, ang maging babae sa panahong itoy Magiging kasumpa-sumpa lalo Kung di babalikwas ang lahat, matiim na magmumunit magsusuri Kahit masugat-sugatan ang sarili, upang ang dugong Sa kabahagi lamang dumadaloy, maglandas din sa isip at guni-guni.
Isang Tugon kay Elynia: Ang Pagiging Babae

I am exposed. I am a print of darkness on a square of film I am a garbled dream told by a breakfast-table liar. I am a wound which has forgotten how to heal. Erica Jong

Kasumpa-sumpa ang maging babae sa panahong ito: Depinisyong pamana ng nakaraat kasalukuyan. Anyong hinulma ng pang-asam at pangangailangan. Ibukod pa ang basal na kalikasan. Ang tungkulin at kapaligiran. Isaalang-alang bilang halimbawa, Ang maiambil sa babasaging kristal. Mulang pagsilang. Nagumon ang isip sa karupukan. Guwardiya ang bawat ama Ng pagkabihet kahihiyan.

Lilia Quindoza Santiago

Ayaw kong isumpa ang pagiging babae Sa panahong ito, kabarong makata, Kahit pa sugatan ang lahat ng sulok Ng puso kot kaluluwa. Ayaw kong isuko ang kayariang Ako rin ang bumubuo. Di ko ipamimigay Ang mumunting butil ng diwang Ako rin ang bumubuhay. Totoong kasumpa-sumpa ang maging babae sa panahong ito Kung panatag nating aakuin Ang hinulmang pagkatao Sa mga nagdaang siglo Nang walang pagtangi sa sarili O walang pagsalungat sa pang-aapi. Ngunit sa ganang akin Ang pagkababaey marami pang kahulugan Bukod sa pagtutol sa kostumbret kaugalian. Ang pagiging babaey pagkatha Ng mga tulang di pa nalilikha; Ang pagiging babaey pag-awit Ng awiting di pa naririnig; Ang pagiging babaey pagtuklas Ng daigdig na di pa natutuklasan; Ang pagiging babaey paghubog Ng mundong hindi pa nabubuo; Ang pagiging babaey pagluwal Ng buhay na hindi pa nararanasan. Ngunit higit sa lahat, ang pagiging babaey Higit pa sa lahat ng ito Na tayong kababaihan lamang bilang tao Ang tanging makakatanto.

Maliwanag ang sikat ng araw sa aking dampa Magandat mahinhin ang aking mga asawa Tulad ng punong niyog sa matamis na simoy ng gabi, Tumawid ang mga anak ko sa isang malawak na ilog Tungo sa usod ng kamatayan At ang aking mga bangkay nakipaguno sa mga buwaya, Sumaksi ang mapag-arugang buwan sa aming pagsasayaw Sa saliw ng malakas at mabilis na ritmo ng tom-tom Tom-tom ng kaligayahan, tom-tom ng kapabayaan Sa siga ng kalayaan. At isang araw, katahimikan... Sa aba kong dampa. Pumutok ang mapupulang bibig ng aking mga asawa Sa maninipis, matitigas na labi Ng mga manlulupig na may matang asero. At hinubad ng aking mga anak ang balat ng kawalangmalay At isinuot ang uniporme ng dugo at bakal. Maging ang tinig mo ay pumanaw. Ang kadena ng kaapihay tumarak sa aking puso. Tom-tom ng aking mga gabi Tom-tom ng aking mga ninuno.

Sa Kanilay Inagaw Nang Lahat


David Diop
Salin ni Delfin Tolentino Jr.

Ang Taj Mahal


Sahir Ludhianvi
Salin ni Lilia Quindoza Santiago

Sa iyo, mahal ko, ang Taj ay sagisag ng pag-ibig. Mabuti. Mabuti rin at sinasamba mo itong lambak sa kanyang kinatatayuan. Ngunit magtipan na lang tayo sa ibang lugar. Ang mahirap, bibisita sa pagtitipon ng mga maharlika? Kabulastugan! Anong mapapala ng magsing-irog sa paglalakbay Sa isang landas na may tatak ng poot ng mga naghahari? Masdan ang mga sagisag ng palalong karangyaan, Ang kapaligiran nitong tanda ng pag-ibig. Nasiyahan ka bas a nitso ng mga patay na hari? Kung gayon, masdan ang loob ng madilim mong tahanan. Sa daigdig na ito, di mabilang na mamamayan ang umibig. Sinong makapagsasabi na ang damdamin nilay di tunay? Hindi lamang nila kayang magpalabas ng isang tulad nito Pagkat silay mga pulubi... tulad natin. Itong mga gusali at nitso, itong mga pader at moog Kanser sa dibdib ng daigdig, nakamamatay na kanser Na sumasaid sa dugo n gating mga ninuno Na umibig din, mahal ko. Ang sining nila ang siyang humubog sa kagandahang ito. Ngunit sa nitso ng mga mahal nilay walang nakaaalala; Magpahanggang ngayon, ni walang nagsindi ng kandilang alay sa kanila. Ang hardin na ito, ang palasyo sa tabing-ilog, Ang mga nililok na pinto at dinding, itong arko, itong bulwagan ano ang mga ito? Pangungutya sa isang emperador na nakaluklok sa kanyang kayamanan Sa pag-ibig nating mahihirap. Mahal ko, magtipan na lang tayo sa ibang lugar. Ang United Fruit Co.
Pablo Neruda
Salin nig Komite sa Pagsasalin ng PAKSA

ipinamudmod ng Jehobah ang mundo sa Coca Cola, Inc., Anaconda, Ford Motors, at iba pang kompanya: Inilaan para sa sarili ng Fruit Company, Inc. ang pinakamakatas, ang gitnang baybayin ng sarili kong lupain, ang maselang baywang ng Amerika. Muli niyang bininyagan ang mga teritoryo niya na mga Republikang Saging at sa ibabaw ng mga balisang bayani na nagbunsod ng kadakilaan, ng kalayaan at ng mga bandera itinayo niya ang katawa-tawang opera: binigyang-wakas ang mga nagsasariling bansa, nag-alay siya ng mga korona ni Cesar, hinugot niya ang inggit, inakit ang diktatura ng mga langaw, mga langaw-Trujillo, mga langaw-Tacho, mga langaw-Carias, mga langaw-Martinez, mga langaw-Ubico, mamasa-masang mga langaw na may kakaunting dugo at marmalada, mga langong langaw na sumasalipadpad mga langaw-sirko, matatalinong langaw na sanay na sanay sa pagmamalupit. Sa uhaw-sa-dugong mga langaw inilunsad ng Fruit Company ang mga barko niya, kinamkam ang kape at prutas; ang yaman n gating lubog na mga teritoryo ay umaagos na animo nasa mga plato patungo sa mga barko. Samantala, bumubulusok ang mga Indio sa mga naasukalang bangin ng mga daungan, nababalutan para sa libing sa abu-abo ng bukang liwayway: gumugulong ang isang katawan, isang bagay na walang pangalan, isang bilang na nakatimbuwang, isang kumpol ng pantay na prutas na ipinukol sa basurahan.

Masa
Cesar Vallejo
Salin ni Jose F. Lacaba

Nang tumunog ang trumpeta, handa nang lahat sa lupa,

Nang matapos ang labanan

at patay na ang mandirigma, may lumapit sa kanya at nagsabing: Huwag kang mamatay; mahal na mahal kita! Pero ang bangkay, ay! patuloy na namatay. Dalawa naman ang lumapit, paulit-ulit ang sabing: Huwag mo kaming iwan! Maglakas-loob! Mabuhay na muli! Pero ang bangkay, ay! patuloy na namatay. Dumating ang dalawampu, sandaan, sanlibo, limang libo, Nanawagan: Ang laki ng aming pagmamahal ay wala bang magawa laban sa kamatayan? Pero ang bangkay, ay! patuloy na namatay. Pinaligiran siya ng isang milyong katao, Lahat nagsusumamo: Huwag kang umalis, kapatid! Pero ang bangkay, ay! patuloy na namatay. Pagkatapos, ang lahat ng tao sa lupa ay pumaligid sa kanya. Pinagmasdan sila ng bangkay, at naantig ang kanyang damdamin; umupo siya, dahan-dahan, niyakap ang unang tao; nagsimulang lumakad...

Silang Mga Hindi Nagsasalita


German Gervacio

nagbobomba ng kalan ang nagpipisbol hindi nagsasalita nagmumura ang tsuper ng bus nanggagalaiti ang konduktor bumubuntong hininga ang mga pasahero pumipito ang mga traffic aide hindi nagsasalita naghihinguto ang isang luko-luko sa gilid ng National at tinitigan ako bumubulong, hindi nagsasalita kaya dagli akong sumakay sa harapan ng FX nasungalngal ko tuloy ang mukha ng drayber ng shopping bags sinenyasan ako ng pakyu ng mga siningitan ko sa pila pero kailangan kong umuwi kaagad bago sila matutong magsalita

natotorete ako sa ingay sa Mega lahat ay nagsasalita Lets go ice skating for a whiiile! Ill take the size medium na lang Oh gosh! ang haba ng line sa bancnet! Ill go for tacos at Tia Marias, ikaw? You can get this Pyrex at 50% off if... 6:30 pa pala ang next show Top of the line to. Additional 6 Thou Sa modem and well give you free connection to the net na lang. Shiiit low batt! kaya lumabas ako: nadaanan ko ang isang utility girl na tahimik na nagwawalis, hindi nagsasalita nakalahad ang palad ng pulubi hindi nagsasalita kumakanta ang isa pang pulubi hindi nagsasalita nagbabarena, nagmumuhon, nagkakabilya ang mga tauhan ng EEI, hindi nagsasalita

Tip sa Paghahagip
Rod de Vera

Kapag biglang kumabog ang pusong Namamanglaw Sa asiwang lugar (sa loob ng bus, halimbawa) Dahil namataan mo ang bigoteng Matagal mo nang pinangarap; hindi malago, Hindi rin inahit, bagong tubo; Magpalipad ng isang sulyap Pero mag-ingat! Huwag gaanong madiin Baka mapansin Ng maraming ibang mahilig ding Umangkat ng lihim. At baka kung lumabis Ang sulyap ay maging Malamig na titig At baka siyay magulat Mabagabag, malito, mabuwisit. Huwag din namang Gaanong pino at baka rin din magising Ang puso niyang naiidlip. Suwabe, bigla ngunit malambing! Parang isang maamong tapik, Mapagbirong pitik, (Matamis na halik...) At kapag napukaw Ang kanyang antuking damdamin, Kapag sigurado Nang ikaw ang laman Ng maulap niyang kamalayan Sa susunod mong sulyap Sabayan mo ng isang Di sinasadya, Medyo nangingimi, Ngunit pinakamaganda mong Ngiti.

Oath
Ronald Baytan

Tonight you will undress me And take out of its cocoon my body. You will map the frontiers Of my soul with your fingers. Tonight you will sing to me Songs made of skin in piety And our bodies will gyrate as one In the rhythms of grass in the sun. Tonight you will summon for me The rain, and it will gently strum My back and sanctify my face, Now, free from a long droughts embrace. Tonight you will promise me forever On our first night as husbands to each other.

He Who Sleeps on My Lap


Ronald Baytan

My friend who sleeps on my lap loves someone else. He says he is a man and a man needs a woman and I disagree. We argue until he grows tired of talking and sleeps on my lap On this chilly night, and I sigh, knowing he loves someone else but still sleeps gently on my lap, innocent, not knowing that I am here slaughtering one wicked wish that when he wakes up I shall be in his dream.

if we must say good bye it should be like a kiss gentle and warm passionate and not pained we are both women we know the contours of our grief in loving and in living we must harvest joys like blossoms in may lining the alleyways in places quite unlikely along the path littered with rubbish a bougainvillea shoots up pink flowers daring the smog of this citys mornings

Aida Santos WOMAN-TO-WOMAN Poems, Essays and Fiction QC: Pintados, 1994

Sa Katipang Babae
Marian Caampued

Notes on Pain
Aida Santos

Pinupugay kita hindi ng mga halik at yakap sa tindi ng panahon kahit bumubuhos ang ulan. Ang sa akin ay mga lihim na ang mga salitay sisimsimin ka nang paulit-ulit at pag-aapuyin ng mga kataga ang buo mong katawan Kahit manawariy binibigkis tayo ng ibat ibang panulat saan mang sulok ng papel natin ihayag ang pananabik natin sa isat isa. Habang mulit muling tinutuklas pa rin ang relasyong sumusuway sa mga tuntunin ni Juan at Adan. At magpatuloy tayong magsasanib habang magkatagpo sa tindi ng init, ikaw at ako sa magkahiwalay na pagbuhos ng ulan.

You might also like