0% found this document useful (0 votes)
817 views2 pages

Sanaysay

Ang sanaysay ay isang mahabang komposisyon na naglalaman ng magkakaugnay na talata upang maiparating ang isang pangunahing kaisipan sa mambabasa. Ito ay binubuo ng pamagat, introduksyon, katawan, at konklusyon. Ang introduksyon ay naglalaman ng tesis na pangungusap na nagpapahayag ng kaisipang nais ipaabot ng manunulat. Ang katawan ay naglalaman ng mga impormasyong sumusuporta sa tesis. Ang konklusyon ay nagbibigay-wakas sa sanaysay sa pamamagitan ng pag-uulit o pag-iwan ng makabuluhang pahayag.

Uploaded by

tolen06
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Ang sanaysay isang mahabang komposisyon na may layuning maagpa-abot ng isang

pangunahing kaisipan sa isang tiyak na mambabasa o grupo ng mambabasa. Ito ay binubuo ng
mga talatang magkaka-ugnay.

Bahagi ng Sanaysay

Ang isang sanaysay ay may pamagat na pumupukaw sa interes ng mambabasa at

nagbibigay ng ideya sa mga mambabasa kung ano ang paksa ng manunulat at kaisipang nais
nitong ipahayag.

Ang introduksyon ay binubuo ng isang talata kung saan inilalatag ng manunulat ang
paksang pag-uusapan o mga tanong na layuning sagutin ng sanaysay. Sa introduksyon itinatakda
ng manunulat ang tono ng sanaysay na maaaring pormal o di kaya ay pamilyar. Nilalaman din ng
bahaging ito ang tesis na pangungusap(thesis statement) na nagpapahayag ng kaisipang nais
ipaabot ng manunulat na pag-iikutan ng talakayan sa loob ng sanaysay.

Ang katawan ay maaaring binubuo ng dalawa o marami pang mga talatang naglalaman
ng mga impormasyong sumusuporta sa pagpapalawig ng pagtalakay sa tesis na pangungusap.
Ang bawat talata ay may paksang pangungusap na konektado sa tesis na pangungusap at
pantulong na pangungusap na nagpapalawig sa pagtalakay ng talata.

Ang konklusyon ay isang talata na kumukumpleto sa isang sanaysay. Dito maaaring

ibuod ng manunulat ang mga kaisipang tinalakay o mag-iwan ng isang makabuluhang pahayag
na nais niyang iwan sa kanyang mambabasa.

Pagsulat ng Sanaysay

Bago Magsulat

- Mag-isip ng mga paksa at hati-hatiin ito hanggang maging mas partikular ang paksang
nais talakayin sa sanaysay.
- Pagkatapos pumili ng paksa, isipin ang katangian ng mambabasa, layunin ng pagsulat, at
magsulat ng tesis na pangungusap na nagpapahayag ng iyong kaisipang sa paksang pinili.
- Magsaliksik ng mga facts, detalye, halimbawa, o mga pangyayari na maaaring sumuporta
sa tesis ng iyong sanaysay.
- Organisahin ang mga ideya at gumawa ng balangkas ng isusulat na sanaysay.
Pagsulat

- Mula sa ginawang outline o balangkas, isulat ang unang burador ng iyong sanaysay.
Pagkatapos Magsulat
- Basahin ang unang burador at gumamit ang rubrik upang suriin ang komposisyon sa
nilalaman nito, organisasyon ng mga ideya, at paggamit ng wika.
- Maaari ring ipabasa ang unang burador sa iba.
- Isulat ang ikalawang burador batay sa mga nais ayusin mula unang burador.

You might also like