Professional Documents
Culture Documents
Pagbabawas NG Kontrol at Kotroladong Pagsulat (Ulat-Makro)
Pagbabawas NG Kontrol at Kotroladong Pagsulat (Ulat-Makro)
3. Free-Writing:
Mag-set ng oras, halimbawa 10 o 15 minuto, kung saan isusulat mo lang ang
lahat ng pumapasok sa iyong isipan. Huwag mong alalahanin ang tama o mali
sa pagsusulat.
4. Visual Journaling:
Gumamit ng mga larawan, doodles, o mga makukulay na sketch habang
isinusulat mo ang iyong kaisipan.
KONTROLADONG PAGSUSULAT
Ang kontroladong pagsusulat ay isang mahalagang aspeto ng pagsusulat, lalo na kapag ang
layunin mo ay magbigay ng malinaw at organisadong mensahe. Ito ay ang paggamit ng wastong
tuntunin ng gramatika, baybay, at estilo sa pagsusulat.
1. Paghuhusay sa Gramatika:
2. Pag-aaral ng Baybay:
3. Pagpapakita ng Loogika at Ugnayan:
4. Pag-iwas sa Redundansiya:
5. Paggamit ng Maayos na Estilo:
6. Pagrerebyu at Pag-aayos:.
7. Paggamit ng mga Tool:
HALIMBAWA NG KOTROLADONG PAGSULAT
1. Pagsulat ng Sanaysay:
Isang halimbawa ng kontroladong pagsusulat ay ang pagsusulat ng sanaysay. Sa
sanaysay, kailangan mong magkaroon ng maayos na introduksyon, katawan, at
konklusyon. Ang mga ideya mo ay dapat maipahayag nang malinaw at may
sistematikong pagkakasunod-sunod.
2. Akademikong Pagsusulat:
Sa akademikong pagsusulat, kailangan mong sundan ang mga tuntunin ng
akademikong disiplina, kabilang ang tamang pag-cite ng mga sanggunian.
3. Propesyonal na Email:
Sa pagsusulat ng propesyonal na email, mahalaga ang paggamit ng tonong propesyonal at
maayos na pagkaka-organisa ng mensahe.
4. Teknikal na Pagsusulat:
Ang teknikal na pagsusulat ay nagsasaad ng impormasyon o instruksyon ng may kahusayan at
kahalagahan sa mga technical na larangan tulad ng engineering, computer science, o medisina.
TANONG!
Paano mo naaapply ang kontroladong pagsusulat sa iba't ibang mga
larangan tulad ng akademikong pagsusulat, propesyonal na komunikasyon, at
personal na pagsusulat?
KONKLUSIYON :
Sa pagbasa ng mga artikulo tungkol sa pagbabawas ng kontrol sa pagsusulat at kontroladong pagsusulat,
maipapakita ang dalawang magkaibang aspeto ng pagsusulat na parehong may kahalagahan. Sa
pagbabawas ng kontrol sa pagsusulat, nakikita natin ang pagpapahalaga sa kreatibidad at pagpapahayag
ng sariling boses. Ito ay nagbibigay-daan sa mga manunulat na malaya nilang maipahayag ang kanilang
mga ideya, damdamin, at karanasan. Sa pamamagitan ng pagbibigay halaga sa prosesong ito,
nagkakaroon tayo ng mga likha-sining na puno ng buhay at kakaiba.
Sa pangkalahatan, ang dalawang aspetong ito ng pagsusulat ay maaaring isang tambalan sa kamay ng
isang manunulat. Ang pag-aaral at paggamit ng mga ito ay nagbibigay-daan sa pagpapahayag ng ideya
nang malikhaing paraan habang itinataguyod ang kalidad at kaayusan ng pagsusulat. Ang wastong
balanse ng pagbabawas ng kontrol at kontroladong pagsusulat ay nagpapahayag ng husay at kasanayan sa
larangan ng pagsusulat.