You are on page 1of 62

Makrong Kasanayan sa Pagsulat

LAYUNIN:

1.Nalilinang ang kakayahan sa makrong kasanayan sa


pamamagitan ng kritikal na pag-iisip.
2. Nagagamit ang kaalaman sa mabisang pagsulat.
3. Naipapakita ang mga kasanayan sa pagsulat gamit ang
mga gabay.
KAHULUGAN NG PAGSULAT

•Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng


isang tao ay kanyang maipahayag sa pamamagitan ng
mga simbolo. Ito ay isang paraan ngpagpapahayag
kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya na
pumapasok sa ating isipan.
1. Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel o paggamit ng
anumang kasangkapang maaaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at
ilustrasyon ng isang tao. ( Bernales, et al., 2001)

2. Ito ay kapwa pisikal at mental na aktibiti


na ginagawa para sa iba’t ibang layunin.
(Bernales, et al., 2002)
3. Ayon kina Xing at Jin (1989), ang pagsulat ay
isang komprehensib na kakayahang naglalaman ng
wastong gamit, talasalitaan, pagbubuo ng
kaisipan,retorika at iba pang elemento.

4. Ayon naman kay Keller (1985), ang


pagsulat ay isang biyaya, isang
pangangailangan at isang kaligayahan ng
nagsasagawa nito.
ANYO NG PAGSULAT AYON SA LAYUNIN

Para kay James Kinneavy (1971) may limang kategorya sa pagsulat na


naging rason kung bakit nagsusulat ang tao. Ito ay ang mga sumusunod:

1. Ekspresiv - Personal na pagsulat upang maipahayag ang sarili.


Halimbawa:liham,talaarawan,talambuhay,dyurnal
2. Formulari - Isang mataas at istandardisadong pasulat
katulad ng kasulatan o kasunduan sa negosyo o bisnes at
iba pang transyong legal, politikal, at pang- ekonomiya.

3. Imaginativ- ginagamit upang mabigyang-ekspresyon


ang mapanilikhang imahinasyon ng manunulat sa pagsulat
ng mga dula, awit, tula, isksrip atbp.
4. Informativ- Upang magbigay ng mahahalagang
inpormasyon at ebidensya.

5. Persweysiv- Upang makapanghikayat, mapaniwala ang


mambabasa dahil sa mga ebidensya katibayang ipinahayag .
Layunin ng pagsulat

Maipahayag ang ideya’t kaisipan sa kapwa sa iba’t ibang


kadahilanan
Maiparating ang ating nararamdaman hinggil sa isang
paksa
Maging makabuluhang libangin
jh

Makumbinsi ang isang tao sa katotohanan ng ibinibigay


na opinyon
Pamamaraan ng Pagsulat

Pag-asinta (Triggering)

-Kailangang may isang bagasy na magsisilbing daan upang tayo’y


sumulat. Kung tayo’y may paniniwala sa ating sarili, matutuklasan
natin ang mga paraan upang magtagumpay sa pagsulat. Makalilikha
ng mabuting sulatin ang sinuman kung nailalagay niya ang kanyang
sarili sa paksa.
Pagtipon (Gathering)

Anumang paksang napili, kasilangan pa ring magdaan sa masusing


pagsasaliksik at pagtuklas. Kailangang makapangalap ng sapat na
materyales at ebidensyag magpapatunay. Bukod sa ating sariling
karanasan, maaari tayong magsaliksik sa dyornal, magazine,
ensayklopedya, pahayagan, interbyu at maging sa panonood ng sine
at telebisyon.
Paghugis (Shaping)

Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binbigyan na natin ng


hugis an gating paksang susulatin. Maaari na nating sulatin ang
burador na maaari ring maging batayan sa pangangalap ng mga
kagamitan. Kailangan Makita natin ang pokus n gating paksa sa
pamamagitan ng pagtatanong sa sarili kung ano ang tunay na paksa.
Pagrebisa (Revising)

Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang. Ang


isang mabuting papel ay nagdadaan ng ilang yugto ng pag-unlad
mula sa mga di-formal na tala tungo sa unang burador, hanggang sa
paynal na papel. Karamihan sa mga nalathalang sulatin ay dumaan
ng mga pagbabago at muling pagsulat hanggang sa maabot nito ang
pinakawasto at tumpak na pamaraan ng pagsulat.
Mga Dapat Isaalang-alang sa mabisang pagsulat

Mabubuti kung laging bago onapapanahon ang ideyang


isusulat.
Bumuo o umisip ng sariling estilo ng pagsulat.
Tiyaking organisado ang ideyang ilalahad.
Alamin ang layunin ng iyong isusulat.
jh

Gumamit ng mga payak na salita.


Kung iniisa-isa naman ang mga ideya ,maaaring
gumamit ng bullet o anumang grapikal na presentasyon.
MGA URI NG PAGSULAT

Akademik – Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin


nitong pataasin ang antas at kalidad ng kaalaman ng mga
estudyante sa paaralan.
- kritikal na sanaysay
- lab report
- eksperimento
-term paper o pamanahong papel
Teknikal – isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng
impormasyon parasa teknikal o komersyal na layunin.
- ulat panlaboratoryo
- kompyuter

Jornalistik – saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal,


kolum, anunsiyo at ibapang akdang karaniwang makikita
sa mga pahayagan o magasin.
Referensyal – uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda
ng iba pang sanggunian hinggil sa isang paksa.
- Bibliography, index, note cards

Profesyonal – uri ng pagsulat na nakatuon o ekslusiv sa isang


tiyak na propesyon.
- police report
- investigative report
- legal forms
- medical report
Malikhain – masining ang uring ito ng pagsulat. Ang fokus dito
ay ang imahinasyon ng manunulat bagamat maaaring fiksyonal
at di- fiksyonal ang akdang isinusulat.
- pagsulat ng tula
- nobela
- maikling katha
PROSESO NG PAGSULAT

1.Panimulang Pagsusulat (Pre-writing)

-Sa hakbang na ito nagaganap ang paghahanda sa


pagsulat.Ginagawa rito ang pagpili ng paksang isusulat at ang
pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan sa
pagsulat.Ang pagpili ng tono at perspektib na gagamitin ay
nagaganap din sa hakbang na ito.
PROSESO NG PAGSULAT

• Brainstorming
• Mapping at webbing
• Pagbasa ng sinulat na akda ng iba
• Paggamit ng larawan, texts tuwirang sipi upang gumana ang
isipan
2. Aktwal na pagsulat (drafting) (actual writing)

-Dito isinasagawa ang aktwal na pagsulat.Nakapaloob dito ang


pagsulat ng burador o draft.
• Pagkuha ng pinakamahalagang ideya mula sa panimulang
pagsulat at pagpapalusog ng mga ideyang ito
• Pagkilala sa awdyens o babasa; layunin sa pagsulat at ang
paggamit nitoupang makalikha ng draft o balangkas
• Pakikipag-komperensya sa kasamahan
• Pag-organisa ng mga ideya
3. Muling pagsulat (rewriting)

-Ito ang ikatlong hakbang sa pagsulat,nangangailangan ito ng


ilang ulit ng pagbabasa upang mabago ang mga
kakulangan,kamalian at kahinaan ng pagkakatalakay.Matapos
itoo,isusulat ng muli ang final draft.
• Rebisyon
• Pagbasa sa teksto at paglilimi sa kasapatan o kakulangan ng
pagkakasulat
• Pagkuha ng fidbak mula sa kasamahan
• Pagtatanong sa sarili kung nasagot ng sulatin ang kailangan
masagot sa paksa
• Nagawa ba ang lohikal na presentasyon- simula, gitna at
wakas
4. Pagrerebisa (revising)
• Nasunod ba ang panuntunan sa pagsulat tulad ng talataan,
sintaks, pagpili ng mga salita, ispeling, bantas at gamit ng
malalaking titik at kabuuan
Dayagram sa Proseso ng Pagsulat

Paggawa ng Burador

Muling Pagtingin
Pag-iistruktura Pagfofokus

Paglabas ng ideya
Ebalwasyon
MGA HAKBANG SA PAGSULAT NG TALATA

Ang isang mabisang sulatin ay dinadaan sa iba't ibang


hakbang na bumubuo sa proseso ng pagsulat
PAGHAHANDA SA PAGSULAT.

-Ang hakbang na ito ay sumasaklaw sa pangongolekta ng


mga impormasyon atideya para sa sulatin. Dito isinasagawa
ang pagpaplano na binubuo ng paglikha,pagtuklas,
pagdebelop, pagsasaayos at pagsubok sa mga ideya. Ito ang
hakbangna maghahanda sa manunulat bago niya buuin ang
kanyang burador.
AKTWAL NA PAGSULAT

-Sa hakbang na ito isinasalin na ng manunulat ang kanyang


mga ideya sa mgapangungusap at talata. Nag-eeksperimento
na ang manunulat sa pagbuo ngkanyang sulatin. Malaya
siyang gumamit ng iba't ibang pamamaraan o istilo
sapaglalahad ng kanyang mga ideya. Sa hakbang na ito,
malaya niyang inaalis,dinadagdagan o isinasaayos muli ang mga
detalye. Gayun paman, hindi parin niya binibigyan ng gaanong
pansin ang pagwawasto sa mga kamalian sa gramatika, sagamit ng
wika at sa mekaniks.
PAGREREBISA AT PAG-EEDIT

-Ang pagrerebisa na tinatawag ding pag-eedit ay nangangahulugan


ng mulingpagtingin, muling pagbasa, muling pag-iisip, muling
pagbubuo ng mga kaisipangnasa sulatin upang tumugma sa
iniisip ng manunulat. ang hakbang na ito aynasasangkot sa
maraming pagbabago sa nilalaman, sa organisasyon ng mga ideyaat sa
istraktura ng mga pangungusap at talata. Maaari pa ring baguhin sa
hakbangna ito ang paksa, magdagdag g mga detalye at muling isaayos
ang buong sulatin.
ORGANISASYON NG TEKSTO

Ang organisasyon ng teksto ay tumutukoy sa kung paano nakaayos


ang isang teksto upang tulungan ang mga mambabasa na sundin at
maunawaan ang impormasyong ipinakita. Mayroong ilang mga
karaniwang form na tumutulong sa organisasyon ng teksto kapag
nagsusulat. Ang gabay ng organisasyon ng teksto ay makakatulong sa
iyo na lohikal na gabayan ang iyong mga mambabasa sa pamamagitan
ng iyong teksto.
1.Titulo o Pamagat (Title)

-Naglalaman ito ng titulo o pamagat ng papel;


pangalanng sumulat, petsang pagsuslat o pagpasa, at
iba pang impormasyon na maaringtukuyin ng guro.
2.Introduksyon o Panimula
–Isinasaad dito ang paksa. At ipinapaliwanag dito
angtungkol sa pamagat.

3.Katawan (body)

– Dito matatagpuan ang mga pangunahing


pagtatalakay sa paksa.
4.Kongklusyon

–Dito nilalagom ang mga mahahalagang puntos ng


papel. Isinasaaddin dito ang mga bahagi na
napatunayan o napag-alaman batay sa paglalahad
atpgsusuri ng mga impormasyon.
Halimbawa:
1. Pamagat
"Ano ang kahalagahan ng Wika?"
2. Introduksyon
Ang wika ay isang lengwahe, idyoma, salita at diyalekto na ginagamit ng
mga tao paramagkaintindihan.
3. Katawan
Napakahalaga ng wikang dahil ito ang paraan para, magkakaintindihan
ang bawat isa.Kahit ano pa man ang ginagamit o nakasanayang wika ng
bawat indibidwal, ito aymahalaga dahil kung wala ito, tayong lahat ay
hindi magkakaintindihan.
4. Kongklusyon
Dapat nating pahalagahan ito dahil ito ang yaman nating mga Pilipino. Ito
angginagamit natin sa pakikipag komunikasyon sa isa't isa.
2.Di-Pormal.
-Ito ay mga sulatin na malaya ang pagtalakay sa
paksa, magaan ang pananalita, masaya at
maypagkapersonal na parang nakikipag-usap lamang sa
mga mambabasa. Ang ilang halimbawa nito ay di-pormal
nasanaysay, talaarawan, kwento at iba pa.
Anyo ng Akademikong Pagsulat
1.Pamumuna
– Ito ay isang malalim na paghimay sa mga akdang pampanitikan sa
pamamagitan ng paglalapat ng iba’t
-ibang dulog ng kritisismo para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing manunulat at katha.

2.Manwal
– Naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa isang paksa, maaaringtumatalakay sa mga
tuntunin ng isang kompanya or organisasyon at gayundin ngmga paraan o proseso na may
kinalaman sa paggawa, pagsasaayos o pagpapaganang isang bagay o produkto.3.

3.Ulat
– Isang uri ng paglalahad tungkol sa mga bagay na namasid, nabasa, sinaliksik,napakinggan, o
nagawa.
4.Sanaysay
– Ang sanaysay o essay sa wikang Ingles ay isang komposisyon nakadalasan ay
naglalaman ng pananaw o kuro-kuro ng may akda. Sa ganitong
paraan,naipapahayag ng may akda ang kanyang damdamin sa mga mambabasa.

5.Balita
– Isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan salabas
at/o loob ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mgamamamayan.

6.Editoryal
– O pangulong-tudling ang pangunahing tudling ng kuru-kuro ng
isangpahayagan. Kumakatawan ito sa sama-samang paninindigan ng patnugutan
ngpahayagan kaya sinasabing kaluluwa ito ng publikasyon.
7.Ensiklopedya
– Isang gawang pansanggunian o kompendyum na nagbibigay
ngmga buod ng mga impormasyon, mula sa lahat ng sangay ng
kaalaman man o saisang partikular na disiplina.

8.Rebyu ng Aklat, Pelikula o Sining-biswal


– Sinusulat hindi upang magbigay ngpapuri o manira bagkus
ay upang timbangin ang kahinaan at kagalingan atpagkatapos
ay magbigay ng angkop na pagpapahalaga at pagpapasiya sa
isang aklat,pelikula, akdang pampanitikan at iba pa.
9.Papel-pananaliksik

–Isang proseso ng paghahanap ng mga makatotohanangimpormasyon


na kinakailangan upang mapatunayan ang isang
phenomenon.Isinasagawa ito ito sa pamamagitan ng pagpapatunay (o
di pagpapatunay) sa mgateorya o panukala, o mga pamamaraan o
sistema na nais pag-aralan.

10.Tesis

–Nagpapahayag ng mga testamento o teorya na siyang iyong nararapat


namapatunayan o mapasinungalingan gamit ang iyong ginagawang
pag-aaral opananaliksik.
11.Disertasyon
– Isang mahabang ulat tungkol sa isang pag-aaral na batay sa
isangakademikong larangan ng estudyante. Sinusunod nito ang
isang mahigpit na gabayupang masubukan ang disiplinang
tagapagpananaliksik sa paglikha ng isang pag-aaral na maaaring
maging kapaki-pakinabang sa lipunan.

12.Pagsasalin
–Ang pagsasalin ay isang proseso ng paglilipat ng mga salita o
mensahesa malapit na katumbas na diwa gamit ang ibang wika.
13.Anotasyon ng Bibliograpi
– Isang listahan ng mga pagsipi sa mga aklat, artikulo,at mga
dokumento. Ang bawat pagsipi ay sinusundan ng isang maikling
paglalarawanna talata,
ang anotasyon .Ang layunin ng anotasyon ay upang ipaalam
samambabasa ang kaugnayan, katumpakan, at kalidad ng
mgapinagkukunan nabinanggit.14.

14.Artikulo sa journal
– Ang artikulo sa journal ay isang seksiyon nag naglalaman ngmga
impormasyon na isang paraan upang matuklasan ang mga sagot sa
iyong mgakatanungan at upang ipahayag ang iyong sarili sa
malikhaing paraan.
15.Rebyu ng mga Pag-aaral
– Ito ay isang pormal na pangangalap ng propesyunalna literatura na may
kaugnayan sa isang partikular na suliraning pananaliksik. Sapamamaraang ito
matutuklasan ng tiyak ang mga natutunan ng ibang nanaliksik namay
kaugnayan saiyong paksa.16.

16Meta-analysis
– Isang statistical analysis na pinagsasama ang mga resulta ngmaraming pag-
aaral sa agham.

17.White paper
– Ito ay isang makapangyarihan na ulat o gabay na nagpapahayag samga
mambabasa nang maikli sulatin tungkol sa isang kumplikadong isyu
atnagpapakita ng pilosopiya ng nagbigay ng katawan sa bagay na ito.
18.Liham
– Isang pahayag o mensahe sa pamamagitan ng pagsulat mula sa
isang taopatungo sa isa pang tao o grupo, kadalasan sa ibang
lugar.

19.Korespondensiya Opisyal
– Ito ay ang palitan ng mga liham na nasa opisina o ibang lugar
sa pagtatrabaho.

20.Autobiograpi
– O sariling talambuhay ay ang talambuhay ng isang tao na siya
rinang mismong paksa at/o sumulat; o ang pagsulat ng sariling
kabuhayan o nagingkabuhayan.
21.Memoir
– Isang koleksyon ng mga alaala na isinulat ng isang indibidwal tungkol samga
sandali o mga pangyayari, parehong pampubliko o pribado, na naganap sabuhay
ng paksa / ng tao.
22.Plano ng Pananaliksik
– Ito ay isang pamantayan ginagawa o sinusunod bago angproseso ng
pangangalap ng mga totoong impormasyon na humahantong sakaalaman.

23.Konseptong Papel
– Nagsisilbing proposal para maihanda ang isang pananaliksik.Isang kabuuang
ideya na nabuo mula sa isang framework o balangkas ng paksangbubuuin.

24.Mungkahing Pananaliksik
– O rekomendasyon ay mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning
tinutukoy o natuklasan sa pananaliksik.
Halimbawa ng Akademikong Pagsulat

Abstrak
–Karaniwang gamit sa pagsulat ng akademikong papel na kalimitan
dinginilalagay sa mga tesis, pananaliksik, mga pormal na papel siyentipiko, at
mga teknikalna papel, mga lektyur, at pati sa mga report. Layunin nitong
mapaikli o mabigyan ngbuod ang mga akademikong papel.

Bionote
–Ginagamit naman ito para sa personal na profile ng isang tao.
Maaaringnakalagay rito ang mga academic career ng isang tao o kaya naman iba
pangimpormasyon ukol sa kanya. Dapat ay hindi katha at may makatotohanang
paglalahadsa isang tao.
Panukalang Proyekto
– Proposal sa proyektong nais ipatupad na naglalayongmabigyan ng resolba
ang mga suliranin.

Talumpati
–Akademikong sulating na nagpapaliwanag ng isang paksangnaglalayong
manghikayat, tumugod, mangatwiran at / o magbigay ng mga kabatirano
kaalaman. Maaaring pormal at nakabatay sa uri ng mga tagapakinig at may
malinawang ayos ng ideya.

Sintesis
–Kalimitang ginagamit sa mga tekstong naratibo. Ito ay para mabigyan ngbuod
an mga maiklling kwento o kaya naman iba pang tuluyan o prosa .
Replektibong Sanaysay
– Isang uri ng sanaysay kung saan nagbabalik tanaw angakda at siya ay
nagninilay. Nangangailangan ito ng reaksyon at ng mga opinion.

Katitikan ng Pulong
–Tala o rekord na siyang pagdodokumento ng mgamahahalagang
puntong nailahad sa isang pagpupulong.

Posisyong Papel
–Naglalayong maipaglaban kung ano ang alam nakatotohanan.Dapat ay
nagtatakwil ng kamalian o mga kasinungalingangimpormasyon. Ito ay
nararapat lamang na isulat sa pormal at organisadongpagkakasunod-
sunod ng mga ideya.
Photo Essay (Sanaysay ng Larawan)
– Isang koleksiyon ng mga imahe na inilagaysa isang
partikular na pagkakasunod-sunod upang ipahayag ang mga
pangyayari,mga damdamin, at mga konsepto sa pinakapayak
na paraan.
Pangkatang
Gawain
Panuto:Bumuo ng dalawang
pangkat.Ang bawat pangkat ay susulat
ng sanaysay sa ipapakita naming
larawan.Kayo ang mag-iisip kung ano
ang Pamagat.Suriin ng mabuti ang
larawan.
Pamantayan sa Photo
Essay

Organisado-25%
Kalinawan sa
Kaangkupan sa paglalahad-25% Kooperasyon-25%
Paksa-25%

Kabuuan:100%
Photo Essay
Maraming
salamat

You might also like