Professional Documents
Culture Documents
Modyul Blg. 5
I. TALAKAY
1) Pagsusulat sa iba’t ibang Disiplina
Ang pagsusulat ay sinasabing may dinaraanang proseso bago ito mabuo at maipahatid ang mensahe sa kanyang
mambabasa. May iba’t ibang pagpapakahulugan din sa salitang pagsulat.
a) Ang pagsulat ay isang proseso ng pagtatala ng mga karakter sa isang midyum na may layuning makabuo ng
mga salita.
b) Ipinakita sa dayagram nina White at Arndt ang balangkas ng paulit-ulit, at hindi palinya o pahabang kalikasan
ng pagsulat.
1. Paglabas ng mga Ideya – May iba’t ibang Gawain para matulungan ang manunulat na lumabas ang ideya
sa paksang tatalakayin sa pagsulat. Isa na rito ang pagsasagawa ng malayang talakayan sa paksang napili.
2. Paggawa ng estraktura – Ipinakikita rito ang pag-oorganisa at mulinga pag-aayos ng teksto at sinasagot
nito ang tanong na “paano ko mailalahad ang aking ideya sa paraang katanggap-tanggap sa aking mga
mambabasa?
3. Paggawa ng Burador – ang burador ay nangangahulugan ng pansamantalang pagbuo ng komposisyon o
anumang isinulat na aayusin at lilinisin pa. sa bahaging ito pa lamang sisimulan ang pagbuo ng teksto.
4. Pagpopokus – tumutukoy ito sa mabilisang pagsulat na ang gabay na tanong ay “ano ang kabuuang
layunin ko sa pagsulat ng paksang ito”
5. Pagtataya – Ang pagbuo ng talatanungan na magagamit sa pagkuha ng reaksyon o puna ay isang paraan
ng pagtataya sa isinulat na teksto.
6. Muling Pagtingin – ito ay muling pagbabasa ng teksto at pagtingin kung tama ang ginawa. Ang kabuuang
layunin nito ay makalikha ng makabuluhan at mabisang teksto.
1. Panimula Ito ang pinakamukha ng sulatin; Kailangan itong maging kaakit-akit; Ito’y dapat maging malinaw,
maiintindihan, makaapekto at mabisa dahil maaasahan ang atensyong ibibigay ng mambabasa; Ang haba ay dapat
ibagay sa haba ng komposisyon.
B. Pagsasalaysay
- Malumanay na pagkukwento
Halimbawa:
Biktima ako at ang aking pamilya ng giyera. Patuloy na nagtutugisan ang magkabilang panig. Naiipit ang taong
bayan sa “crossfires”. Saan kami tatakbo? Papaano kaming mamumuhay nang matiwasay? Ang tagal naman ng
kapayapaan!
C. Pagsasalitaan
- Dinaraan sa usapan o dayalogo
Halimbawa:
“Amnestiya sa magbabalik-loob? Pag-aralan natin. Kaibigan, marami nang nagsisuko. Bumaba sa bundok para
muling mayakap ang kanilang pamilya. Palalampasin ba natin ito?”
“Mabuhay! Mabuhay ang Presidente! Ang walang kamayawang pagbati ng nagsisisiksikang madla sa harap ng
Luneta Grand Stand nang humarap sa kanila ang bagong halal na pangulo na abot –tainga ang mga ngiti ng
“Maraming salamat mga kababayan! Maraming-maraming salamat sa pagtitiwala ninyo!”
D. Tuwirang Sinabi
- Ito’y karaniwang nakikita na nakapanipi dahil kuha ito sa mga awtor o bantog na tao.
Halimbawa:
“Ikaw ay isang Pilipino. Hindi pili-pilipinuhan lang. Samakatwid, ganap kang Pilipino. Susulat ng tungkol sa
Pilipino, para sa Pilipino, para sa Pilipinas.”
“They’r e liars!” Ito ang mariing sinabi kahapon ni Senador Wigberto Tañada sa mga US officials.
E. Analohiya
- nagtutulad o nagwawangis
Halimbawa:
Di ka laging bata. Ang bata ma’y tumatanda. At kapag ang bata’y tumanda, dapat siyang may pinagkatandaan.
Mahirap maging bata kung matanda na. Ito’y isang pagkukunwari.
F. Makatawag-pansing Pangugusap
- Isang pangungusap na makakakuha ng atensyon ng nagbabasa.
Halimbawa:
Bawat puso ng minorya ay pintig ng kanyang tribo.
Masarap ang magmeryenda sa CR.
Lumantad ang kanyang walang buhay na katawan pagbukas ng pinto.
G. Anekdota
- Nagkukwento ng maikling istorya para pasiglahin ang mambabasa o di kayang sabihin kaya’y gamiting tularang
lundaya ang kaugnayan sa paksang tatalakayin.
Halimbawa:
“Manong bayad.” “Mama bayad”… Maraming beses na iniabot ko sa drayber ang pamasahe ng mga nakasakay
sa jip. Malapit kasi ako sa drayber. Ngunit anong mangha ko nang bilangin ko ang aking pera. Di nabawasan
ang aking pera. Nakalimutan kong magbayad. “Sori manong, bulong ko sa sarili ko, di ko sinasadya”.
H. Paglalarawan
- Ito’y ginagamit kapag nagtatampok ng tao sapagkat nagbibigay-deskripsyon, mga malarawan at maaksyong
salita ang ginagamit
Halimbawa:
Nakalahad na mga palad. Yayat ang katawan. Dilat ang mga mata. Gusot-gusot ang buhok. Nanginginig sa
gutom. Marumi. Nanlilimahid. Masangsang ang amoy.Nabalot ng banil ang buong katawan sa napakatagal na
panahong di pagligo. Taong grasa kung siya’y tawagin.
I. Pasaklaw na Pahayag
- Ang resulta o kinalabasan muna ang sinasabi bago isa-isahin at pagsunud-sunurin mula sa di gaanong mahalaga
hanggang sa pinakamahalagang mga detalye. Ito’t karaniwang makikita sa araw-araw na pahayagan.
Halimbawa:
Tatlo-katao kabilang na ang isang kagawad ng pulisya ang dinakip ng mga awtoridad makaraang ireklamo ng
walumpung sibilyan sa kasong illegal recruitment sa isinagawang entrapment kamakalawa sa Antipolo City.
J. Pagsasalungat
- binibigyang-diin ang pagkakaiba
Halimbawa:
Noon malinis, maayos at mapayapa ang aming bayan. Ngayon, malaki na talaga ang pinagbago ng bayan
naming ito dahil kabaligtaran na ang makikita mo.
2. Katawan - Ito ang pinakamalaking bahagi ng teksto; Dito pinapaliwanag ang lahat-lahat tungkol sa paksa;
Ang lahat ng datos na nakalap ay kailangang maisaysay rito;Samakatuwid, binibigyan ito ng mahabang
preparasyon upang ganap na maorganisa.
ANG KATAWAN AY MAY TATLONG (3) HAKBANG PARA MAGAWA ANG KATAWAN.
1. Pagpili ng organisasyon ng padron
2. Pagbabalangkas ng nilalaman
3. Paghahanda sa transisyon ng talaan
• Kronolohikal na paraan
- Itinatakda ang oras, kaganapan o “sequence” ng pangyayari.
• Klasipikasyon
- Inilalagay sa tamang kategorya o klas ang mga datos o entri ng klas o uri, seks, lebel, ekspiryens, abilidad at iba
pa.
• Problema-solusyong pagkakaayos
- Ang unang bahagi ng sulatin ay tumatalakay sa problema at saka susundan ng solusyon.
3. Wakas - Ito ang kaganapan ng sulatin; Ito ang nagsusuma sa nilalaman at nag-iiwan ng impresyon sa
mambabasa; Ito ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan at mga katwirang
iniisa-isa sa gitnang bahagi; Kailangang mag-iwan ito ng kakintalan o bisang pangmatagalan sa mga mambabasa.
- Kung naging epektibo ang panimula, dapat ay gayon din ang pangwakas.
- Ang wakas ay dapat na maikli dahil kung ito’y pahahabain, di na ito mabisa at di kasiya-siya.
B. Pagpapahiwatig ng aksyon
- tuwiran o di-tuwirang nagpapakilos sa mga mambabasa
Halimbawa:
Ang dapat sisihin ay hindi ang bayang naging biktima ng panggagahis kundi angpinunong kasangkapan sa
hukbong sandatahan upang gahisin ang bayan.
Kung hindi na madadagdagan ang populasyon, maaaring wala nang gaanong magugutom. Kung ganoon, dapat
na magkaroon nang masidhing kampanya ang pamahalaan para mapigil ang pagdami ng mga tao.
C. Mahalagang insidente
- madulang pangwakas na maaaring magpakita ng pagbabago sa takbo ng mga pangyayari at sa katawan ng mga
nasasangkot sa katha
Halimbawa:
Sa wakas, nakamit din ng mag-asawa ang katahimikang naging mailap noong sila’y nagsasama pa, nang
magtagpo silang muli… sa morgue.
D. Pagsisipi
- kumukopya ng isang taludtod o mahigpit pa sa isang akda patula man o patuluyan na ang sinasabi ay angkop sa
tinalakay na paksa
Halimbawa:
Isang magalang na manunulat ang nagsabi: “Pagkatiwalaan ang kapwa mo at sila’y magiging matapat sa’yo.
Purihin mo sila at sila ay magiging kapuri-puri.”
Wala na namang pakialam si Lorraine sa kanila, o maging sa mundo. Tila pakawalang bahala sa mga
kumbensyon ng lipunan. Kalayaan na maihahalintulad sa paglipad ng ibong pipit. Paglipad upang salubungin
ang umagang nagpapangako ng mas magandang bukas.
II. PAGLALAHAT/PAGLALAPAT
A. Ipaliwanag ang “Daloy o proseso” ng pagsulat batay sa DAYAGRAM nina White at Arndt.
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________
III. PAGLINANG/PAGSASANAY
TUKUYIN ANG BINABANGGIT NG BAWAT BILANG.
_____________ 1. Ito ang kaganapan ng sulatin; Ito ang nagsusuma sa nilalaman at nag-iiwan ng impresyon sa
mambabasa; Ito ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan
_____________ 2. Inaayos ito ayon sa pagtaya ng manunulat kung aling impormasyon ang dapat na mauna.
_____________ 3. ito ay isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal o komersyal na
layunin. Hangarin nitong maibahagi ang impormasyon tungkol sa isang paksa sa paggawa ng isang bagay.
_____________ 4. ito ay may kaugnayan sa malinaw at wastong presentasyon ng paksa. Ito ay isang uri ng pagsulat na
nagpapaliwanag, nagbibigay ng impormasyon o nagsusuri.
_____________ 5. Isa itong impormal na paraan ng pagsulat, sarili ng manunulat ang target nitong mambabasa. At
naglalarawan ito ng personal na damdamin, saloobin, ideya at paniniwala.
_____________ 6. Ayon kay_____, ang pag-iisip ay kasama ng set ng mga kasanayang pampag-iisip na lumikha,
magmanipula ag makipagtalastasan sa iba ng personal na simbolo ng isip.
_____________ 7. ito ay mahigpit na nauugnay sa mga salita o lenggwaheng ginamit ng isang awtor sa kanyang teksto na
inilalantad ng mga nakalimbag na simbulo.
_____________ 8. tumutukoy ito sa mabilisang pagsulat na ang gabay na tanong ay “ano ang kabuuang layunin ko sa
pagsulat ng paksang ito”
_____________ 9. May iba’t ibang Gawain para matulungan ang manunulat na lumabas ang ideya sa paksang tatalakayin
sa pagsulat. Isa na rito ang pagsasagawa ng malayang talakayan sa paksang napili.
_____________ 10.Ito ay isang proseso ng pagtatala ng mga karakter sa isang midyum na may layuning makabuo ng mga
salita.