You are on page 1of 4

Tekstong Ekspositori o Paglalahad

Ang tekstong ekspositori ay may layuning magpaliwanag at maglahad ng mga


impormasyon.

Katangian ng Tekstong Ekspositori

a. Obhetibo ang pagtalakay sa paksa;


b. Sapat na mga kaalamang ilalahad;
c. Malinaw ang pagkakahanay ng mga ideya; at
d. Analitiko ang pagssuri ng mga kaisipan at datos.

Mga Huwaran ng Organisasyon ng Teksto: Uri at Katangian

1. Depinisyon – Pagbibigay sa kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng iba’t ibang


pananaw o maaaring sa pagbibigay ng mga kasingkahulugan.
2. Enumerasyon o Paglilista – Ang hulwarang ito ay maaaring maglahad ng mga
halimbawa na nabibilang sa isang uri o klasipikasyon.

3. Pagsusunod-sunod (Sekwensyal, Kronolohikal at Prosejural) – Nagpapakita ito ng


serye ng mga pangyayari na maaaring humantong sa isang kongklusyon o pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari.
a. Sekwensyal - Kasama rito ang mga serye ng mga pangyayari na patungo sa kongklusyon
o ang sekwens ng mga pangyayari na may kaugnayan sa particular na pangyayari.
b. Kronolohikal na Kaayusan – Kapag inayos ng manunulat sa kronolohikal na kaayusan
ang materyales, inililista niya ang hakbang o pangyayari ayon sa pagkapangyayari ng
kasanayan, ng kwento at iba pa.
c. Prosejural – Kapag nagpapaliwanag ng isang proseso ang manunulat, ang mga hakbang
ay kailangang ayusin din. Sa paglalarawan ng isang proseso, ang manunulat ay
kailangang mag-ingat sa pagpapakita ng bawat hakbang at siguruhin na walang
makaliligtaang hakbang.
4. Paghahambing at Pagkokontrast – Sa paghahambing, ipinaliliwanag ng manunulat ang
pagkakatulad sa pagitan ng dalawa o mahigit pang ideya, tao, lugar, pangyayari, bagay at
iba pa.
5. Problema at Solusyon – Paglalahad ito ng mga suliranin at paglalapat ng kaukulang
solusyon.
6. Sanhi at Bunga - Nagpapakita ito ng mga kadahilanan ng isang bagay o pangyayari at
ang kaugnay na epekto nito.

Mga Kasanayan sa Akademikong Pagbasa

A. Pagkuha ng Pangunahing Ideya – Ang katawagang pangunahing idea ay tumutukoy sa


pagkilala ng kung ano ang mahalaga. Ito ay karaniwang inuugnay sa tekstong ekpository
ngunit mahalaga rin ito sa tekstong naratibo na nagsasaaad kung ano nag teme at aral na
makukuha sa kwento ng tula.
B. Pagkilala sa Paksa – Ang paksa ay ang pangkalahatang tema o mensahe. Upang
makilala ang paksa, ang unang kailangang gawin ay makuha muna ang pangunahing
ideya ng teksto
C. Pagtukoy sa Layunin ng Teksto – Tumutukoy sa layunin ng teksto sa kung ano ang nais
mangyari ng isang awtor sa kanyang mambabasa, Makikita rin ito sa mga salitang
ginamit sa teksto at sa paraan ng pagkakaorganisa nito.

Tatlong bisa sa mambabasa

1. Bisa sa isip – ito ay pangunahing kaisipan buhat sa isang akda na dpat makintal at maukit
sa isip ng mambabasa.
2. Bisa sa kaasalan – ang panitikan at paghubog sa kaasalan at pagkatao ay may malaking
pagkakaugnayan.
3. Bisa sa damdamin – Ang bias sa damdamin ay maituturin na siyang pinakamahalagang
katangiang maaaring taglayin ng panitikan.
D. Pagtiyak sa Damdamin at Tono ng Teksto:
1. Damdamin ng Teksto – tumutukoy sa kung ano ang nagging saloobin ng mambabasa sa
binasang teksto, maaaring saya/tuwa, lungkot, takot,galit pagkahabala at iba pa.
2. Tono ng Teksto – tumutukoy sa saloobin ng awtor sa paksang kanyang tinatalakay,
maaaring masaya, malungkot, seryoso, mapagbiro, mangutya at iba pa.
E. Paghinuha at Paghula sa Kalalabasan ng Pangyayari – Nagbibigay ng pahiwatig o
implikasyon ang manunulat o tagapag-salita samantalang ang mambabasa o tagapakinig
ay bumubuo ng palagay o hinuha.
F. Pagbuo ng Lagom at Kongklusyon – Ang lagom ay nangangahulugan ng kabuuan.
Ito’y maikling pahayag na nagsasaad ng pangunahing kaisipan ng anumang uri ng sulatin
sa pinakapayak na pananalita.
G. Pagbibigay ng Interpretasyon sa Grap, Mapa at Talahanayan – Palasak na sa mga
babasahin natin ang mga grapikong material Kaya’t isang mahlagang kasanayang dapat
angkinin bilang mag-aaral ang pagbibigay-kahulugan sa mga grap, pagbibigay
interpretasyon sa talahanayan.

Grap – ito ay sistematikong paglalarawan ng mga datos na istatistikal at may layunung


maipakita sa madaliang paraan ang mga makabuluhang kaisipan o ideya.

1. Bar Grap – ito ay binubuo ng mga bara o bloke na kumakatawan sa halaga, sukat, dami
ng mga aytem na nilalarawan at pinaghahambing
2. Ang Linyang Grap – sa linyang grap ay mabisang nilalahad ang pagbabago, pagsulong
ng tinatalakay na paksa.
3. Ang Bilog na Grap – ito ay bilog na ilustrasyon ng kabuuan at naipapakita ang relasyon
ng bawat bahagi sa kabuuan.
4. Ang Piktograp – gumagamit ito ng larawang kumakatawan sa mga bagay na
pinaghahambing.
5. Ang Talahanayan – ito ay paglalahad ng mga datos o mga mahalagang kaisipan sa
pormang tabyular. Tawag dito sa ingles ay “table” o “tabulation” at sa Filipino naman ay
talahanayan. Hanayan ng mga tala o datos.

Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina

Sosyo-Kognitibong Pananaw sa Pagsusulat

R.T. Kellogg (1994) – ang pag-iisip ay kasama ng set ng mga kasanayang pampag-iisip
na lumikha, magmanipula at makipagtalastasan sa iba ng personal na simbolo ng isip.

Kellogg – ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak.


May ilang argumento sap ag-aaral ng pagsulat:

1. Ang kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip.


2. Ang pagsulat ay isang instrumento para mag-isip.
3. Kasama sa pagsulat ang apat na kognitibong operasyon na gumaganap ng tungkulin sa
lahat ng gawaing pampag-iisip.
4. Ang tatak ng pag-iisip ay ang pagsisikap o pagpupunyagi na mag-isip.

Modelong Kognitibo at Modelo nina Bereiter at Scardamalia (1987)

Dalawang Panukala sa Pagbuo ng Pagsulat

1. Ang isang modelo ay nakatuon sa paguhang manunulat na isinulat lamang ang nalalaman
gaya ng simpleng pagsasalaysay.
2. Ang ikalawang modelo ay nakatuon sa mga bihasang manunulat na ang layunin ay
mailipat ang nalalaman gaya ng ekspositoring pagsulat.

You might also like