Professional Documents
Culture Documents
1. Bisa sa isip – ito ay pangunahing kaisipan buhat sa isang akda na dpat makintal at maukit
sa isip ng mambabasa.
2. Bisa sa kaasalan – ang panitikan at paghubog sa kaasalan at pagkatao ay may malaking
pagkakaugnayan.
3. Bisa sa damdamin – Ang bias sa damdamin ay maituturin na siyang pinakamahalagang
katangiang maaaring taglayin ng panitikan.
D. Pagtiyak sa Damdamin at Tono ng Teksto:
1. Damdamin ng Teksto – tumutukoy sa kung ano ang nagging saloobin ng mambabasa sa
binasang teksto, maaaring saya/tuwa, lungkot, takot,galit pagkahabala at iba pa.
2. Tono ng Teksto – tumutukoy sa saloobin ng awtor sa paksang kanyang tinatalakay,
maaaring masaya, malungkot, seryoso, mapagbiro, mangutya at iba pa.
E. Paghinuha at Paghula sa Kalalabasan ng Pangyayari – Nagbibigay ng pahiwatig o
implikasyon ang manunulat o tagapag-salita samantalang ang mambabasa o tagapakinig
ay bumubuo ng palagay o hinuha.
F. Pagbuo ng Lagom at Kongklusyon – Ang lagom ay nangangahulugan ng kabuuan.
Ito’y maikling pahayag na nagsasaad ng pangunahing kaisipan ng anumang uri ng sulatin
sa pinakapayak na pananalita.
G. Pagbibigay ng Interpretasyon sa Grap, Mapa at Talahanayan – Palasak na sa mga
babasahin natin ang mga grapikong material Kaya’t isang mahlagang kasanayang dapat
angkinin bilang mag-aaral ang pagbibigay-kahulugan sa mga grap, pagbibigay
interpretasyon sa talahanayan.
1. Bar Grap – ito ay binubuo ng mga bara o bloke na kumakatawan sa halaga, sukat, dami
ng mga aytem na nilalarawan at pinaghahambing
2. Ang Linyang Grap – sa linyang grap ay mabisang nilalahad ang pagbabago, pagsulong
ng tinatalakay na paksa.
3. Ang Bilog na Grap – ito ay bilog na ilustrasyon ng kabuuan at naipapakita ang relasyon
ng bawat bahagi sa kabuuan.
4. Ang Piktograp – gumagamit ito ng larawang kumakatawan sa mga bagay na
pinaghahambing.
5. Ang Talahanayan – ito ay paglalahad ng mga datos o mga mahalagang kaisipan sa
pormang tabyular. Tawag dito sa ingles ay “table” o “tabulation” at sa Filipino naman ay
talahanayan. Hanayan ng mga tala o datos.
R.T. Kellogg (1994) – ang pag-iisip ay kasama ng set ng mga kasanayang pampag-iisip
na lumikha, magmanipula at makipagtalastasan sa iba ng personal na simbolo ng isip.
1. Ang isang modelo ay nakatuon sa paguhang manunulat na isinulat lamang ang nalalaman
gaya ng simpleng pagsasalaysay.
2. Ang ikalawang modelo ay nakatuon sa mga bihasang manunulat na ang layunin ay
mailipat ang nalalaman gaya ng ekspositoring pagsulat.