Professional Documents
Culture Documents
A. Introduksiyon
3. Pagtatanong
Patanong ang ginagamit na paraan ng manunulat.
4. Tuwirang Sinasabi
Itoy karaniwang nakikita na nakapanipi dahil kuha ito sa mga awtor o bantog na tao.
5. Panlahat na Pahayag
Itoy nagtataglay ng kahalagahang unibersal na maaaring hanguin sa mga salawikain,
sa mga kawikaan at maging sa mga pamilyar at pang-araw-araw na makatotohanang
kaalaman ng lahat na nagtataglay ng diwa o aral.
6. Paglalarawan
7. Pagsalungat
Binibigyang diin dito ang pagkakaiba. Kung mas malaki ang pagkakaiba mas matindi
ang bisa.
B. Gitna o Nilalaman
Itoy pinakakatawan ng sulatin. Ang mga talata nito ay kinapapalooban ng mga
pangunahing kaisipan at mga pantulong o pansuportang detalyeng maayos ang
pagkasunod-sunod tungo sa malinaw na ikapaliliwanag ng paksa.
Sa pagbuo ng bahaging ito ng komposisyon, alalahaning dapat na mapanatili ang
kawilihan ng mga mambabasa. Ang nakalilito at malabong pagpapahayag ng mga ideya
ay makababagot sa mga mambabasa. Kailangang mapagsama ang mga kaisipang
magkakatulad, magkakauri at magkakaugnay upang maging maliwanag at hindi
nakalilito ang pagpapahayag.
Mga Paraan
1. Pakronolihikal
Itoy pag-aayos sa mga pangyayari na magkasunod-sunod mula sa pinakamatagal
hanggang sa pinakasalukuyan.
2. Paanggulo
Itoy pagsasaayos na ibinabatay sa personal na masasabi o reaksiyon ng bawat tao
tungkol sa mga bagay-bagay o isyu tungo sa isang obhektibong paglalagom. Sa isang
isyu, ang tatlong anggulo ay sapat na para makabuo ng isang komposisyon.
3. Paespasyal o Paagwat
Pinauunlad ang paglalahad sa malapit na sinisimulan dahil ang mga bagay-bagay ditoy
alam na alam, patungong malayo o palayo kung saan man ang mga bagay-bagay ay
hindi gaanong kilala o vice versa.
C. Wakas o Kongklusyon
Kung dapat isaalang-alang sa pagsulat ng isang makabuluhang sulatin ang wastong
pagsisimula, nararapat ding pagtuunan ng pansin ang maayos na pagwawakas.
Mawawalan ng saysay ang kagandahan ng komposisyon kung ang sumulat nito ay
nakalimot sa katangian ng isang maayos na pagwawakas. Ang maayos na
pagwawakas ay lumalagom sa mga kaisipang inilahad sa komposisyon.
Ang wakas ay dapat na maikli dahil kung itoy pahahabain, di na ito mabisa at di kasiya-
siya. Ito ang pangkalahatang palagay o pasya tungkol sa paksa batay sa mga katibayan
at mga katwirang iniisa-isa sa gitnang bahagi. Kailangang mag-iwan ito ng kakintalan o
bisang pangmatagalan sa mga mambabasa.
1. Tuwirang Sinasabi
Halimbawa:
2. Panlahat na Pahayag
Halimbawa:
Kung ano ang bawal, iyon ang masarap. Subalit ang masarap ay pumapalit din
kalaunan, wika nga.
3. Pagbubuod
Halimbawa:
Marami pang humihingi ng hustisya. Walang nakaaalam kung kailan nila iyon
makakamtan.
4. Pagpapahiwatig ng Aksyon
Halimbawa:
5. Pagtatanong
Halimbawa:
6. Pagsisipi
Halimbawa:
(Kumukopya ito ng isang linya o mahigit pa sa isang akda, patula man o tuluyan, na
angkop sa tinatalakay na paksa.)
1. Informativ- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga bagong kaalaman,
bagong pangyayari, bagong paniniwala at mga bagong informasyon. Ang mga
kaalaman ay nakaayos ng sekwensyal at inilalahad nang buong linaw at kaisahan
2. Argumentativ- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga posisyong umiiral na
kaugnayan ng mga proposisyon na nangangailangan ng pagtalunan o
pagpapaliwanagan.Ang ganitong uri ng teksto ay tumutugon sa tanong na bakit.
8. Exposisyon- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga informasyon tungkol
sa pag-aanalays ng mga tiyak na konsepto. Tinutugon nito ang tanong na paano.
9. Referensyal- ang isang teksto kung ito ay naglalahad ng mga tiyak na pinaghanguan
ng mga inilalahad na kaalaman. Ang mga kaalamang hinango mula sa iba ay malinaw
na tinitiyak at inilalahad.
Ang mga kaalaman na nabasa at narinig na naisusulat din kaya ang tahasang
pagsasanay ay dapat na gawin upang malinang nang husto ang kasanayan sa
pagsusulat. Bago magawa ito, mahalaga na magkaroon muna ng kaalaman sa iba't
ibang pananaw sa proseso ng pagsusulat.
Sosyo- Kognitibong Pananaw sa Pagsusulat
Ayon kay Kellogg (1994), ang pag-iisip ay kasama ng set ng mga kasanayang pampag-
iisip na lumikha, magmanipula at makipagtalastasan sa iba ng personal na simbolo ng
isip. Ganito rin ang sinabi ni Gilhooly (1982,p.1) na ang pag-iisip bilang set ng mga
proseso, ang mga tao ay bumubo, gumagamit at nagbabago ng panloob na simbolikong
modelo.
Binanggit pa ni Kellogg na ang pag-iisip at pagsusulat ay kakambal ng utak. Ang pag-
aaral ng pagsulat ay may bentahe kaysa sa pag-aaral ng paglutas ng mga problema,
pagbuo ng pagpapasya at gawain sa pangangatwiran. Isang bentahe nito ay ang
mayamang produkto na ginagawa ng mga manunulat.
May ilang argumento rin na sinabi si Kellogg sa pag-aaral ng pagsulat. Una. Ang
kalidad ng pagsulat ay hindi matatamo kung walang kalidad ng pag-iisip. Ang pag-iisip
na mabuti ay maaaring hindi sapat na kondisyon para makasulat nang maganda subalit
tiyak na lilitaw pa rin ang kinakailangang kondisyon. Ikalawa, ang pagsulat ay isang
instrumento para mag-isip ang isang tao tungkol sa kanyang paksa. Ikatlo, kasama ssa
pagsulat ang apat na kognitibong operasyon na gumaganap ng tungkulin sa lahat ng
gawwaing pampag-iisip. Bilang pangwakas, ang tatak ng pag-iisip ay ang pagsisikap o
pagpupunyagi na mag-isip.
Ang modelong kognitibo nina Bereiter at Scardamalia (1987) ay nagbigay ng dalawang
panukala sa pagbuo ng pagsulat. Ang isang modelo ay nakatuon sa baguhang
manunulat na isinusulat lamang ang nalalaman gaya ng simpleng pagsasalaysay at ang
ikalawang modelo ay nakatuon sa mga bihasang manunulat na ang layunin ay mailipat
ang nalalaman gaya ng ekspositoring pagsulat. Nagkaroon din ng problema rito kung
paano maipakikita ang proseso ng pagsulat at kung kailan nagsisimulang magsulat ang
manunulat
Samantala nagkaroon ng pag-aaral si Halliday noong 1980 tungkol sa sosyolinggwistika
at edukasyonal na etnograpiya sa sosolingwistikaat edukasyonal na etnograpiya.
Binatikos niya rito ang mga estratehiya o pamamaraan sa proseso ng pagsulat dahil
nakaligtaan daw sa mga prosesong ito ang aspektong panlipunan. Binigyang-diin ng
kilusang pang-edukasyon sa Amerika na ang mga manunulat ay hindi kumikilos ng
isahan bilang indibidwal bagkus kasapi ng isang pangkat na pangkultural at panlipunan.
Ang komunidad ng diskurso ay nabuo mula sa pananaw na ang pagsulat ay isang
gawaing panlipunan. Ang hinuha ng mambabasa at ang genre na pundamental dito at
ang pag-unawa ay nakatuon sa pagsulat sa antas pantersyayrya na humiling na ang
mga mag-aaral ay kailangang magsulat ng katanggap-tanggap sa komunidad na pang-
akademiko.
Bumuo sina White at Arndt (1991) ng dayagram sa proseso ng pagsulat. Ipinakita sa
dayagram ang balangkas ng paulit-ulit at hindi palinya o pahabang kalikasan ng
pagsulat. Narito ang dayagram nina White at Arndt sa proseso ng pagsulat.
1. Paggawa ng burador
2. Paggawa ng estruktura
3. Muling pagtingin
4. Pagpopokus
5. Paglabas ng mga ideya
6. Pagtataya o Ebalwasyon