You are on page 1of 8

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

BATSILYER NG PANG-SEKUNDARYANG
EDUKASYON
(FILIPINO I)

SHARON M. GARDOCE
(GURO SA FILIPINO)

Modyul sa FIL 211


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Modyul 6

KABANATA I

KALALABASAN NG PAGKATUTO

1.Nakikilala at natutukoy ang kahulugan ng pagsulat bilang isa sa apat na makrong kasanayang

pangwika

2. Naipamamalas o nasasanay ang sariling kakayahan sa pagiging epektibong manunulat

3. Naisasaalang-alang ang pangangailangan ng isang mahusay na manunulat

4. Nalilinang ang kakayahan ng bawat indibidwal sa larangan ng pagkatuto gamit ang wastong proseso sa
pagsulat

PAUNANG PAGSUSULIT

Ilahad ang mga kabutihang dulot sa iyo ng pagbabasa at pagmamay-ari ng libro.

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________

NILALAMAN

PAGSULAT

Kahulugan ng Pagsulat
Ito ay pag sasatitik sa papel o anumang na maaaring gamitin sa pagsasalitan ng mga ideya, sagisag at
pag lalarawan sa isang pangkat o indibidwal na nagnanalis na maisiwalat ang kanya kanyang naiisip at
nadarama.
Ito ay uri ng interpersonal na gumagamit ng simbolo at inuukit/sinusulat sa isang makinis na bagay o
papel, tela o kaya'y isang malapad at makapal na bato na tipak ng bato.
Ang pagsulat ay pagsasalin ng papel at anumang kasangkapan maaaring magamit napagsalinan ng mga
nabuong salita simbolo o ilustrasyon ng isang tao o mga tao sa layuning maipahayag ang kanyang kaisipan.

Bakit nga ba nagsusulat ang tao?


Nagsusulat ang isang tao upang makapag-ambag ng kaalaman o kaisipang maaaring mang-uudyok
sa mambabasang sumulat nang makabuluhan.
Alinsunod dito, nagbigay si Arrogante (2000) ng apat na kahalagahan ng pagsulat. Ito ay ang kahalagahang
panterapyutika, pansosyal, pang-ekonomiya at pangkasaysayan

1. Kahalagang panterapyutika - Ang taong may kahinaan sa pagsasalita ay mahilig sumulat para
mailabas lamang ang nasa kalooban may babasa man o wala. Gumagaan ang kanilang pakiramdam
pagkatapos makapagsulat. Para bang naibsan sila ng isang mabigat na dalahin.

2. Kahalagahang pansosyal - Likas na sa ating mga tao ang pakikihalubilo at pakikipagpalitan ng


impormasyon sa ating kapwa. Mahalaga ang ginagampanan ng mga sulatin sa ating lipunan.
Nakakatulong ito upang magkaroon ng interaksyon ang mga tao kahit na malayo ang kanilang mga
kausap.

3. Kahalagahang pang ekonomiya - Ang tao’y sumusulat dahil kailangan para siya’y mabuhay, sa
madaling salita ito’y nagiging kanyang hanapbuhay. Pang-araw-araw na gawain niya ang pagsusulat
at ang paghahanap ng mga dapat isulat, lalo na kapag may hinahabol na deadline. Maraming

Modyul sa FIL 211


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

pwedeng pasuking propesyon ang mga manunulat tulad ng pagiging journalist, script writer sa mga
pelikula, pagsulat sa mga kompanya at iba pa na na maaring makatulong upang magkaroon ng kita.

4. Kahalagahang pangkasaysayan - Ang panulat ay mahalaga sa pagreserba ng ating kasaysayang


pambansa at ang mga naisasatitik ay nagsisilbing dokumento para sa mga sumusunod na
henerasyon.

Karagdagang kahalagan ng pagsulat


• Kung marunong tayo sumulat nakakaangat tayo sa iba
• makakasagot tayo sa pagsusulit
• makapagbibigay ng ulat
• makakapagtala ng resulta ng mga eksperimentasyon

PROSESO SA PAGSULAT

Pagsulat
Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag sa
pamamagitan ng mga simbolo.
Ang pagsulat ay pagsasalin sa papel ng anumang kasangkapang maaring magamit na
mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao. (Bernales, et al.,2001).
Ito ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit ng talasalitaan,pagbuo ng kaisipan at
retorika.

Ang proseso sa pagsulat ay nahahati sa apat na yugto;


1. Bago Sumulat
2. Habang Sumusulat
3. Pagrerebisa
4. Pag-eedit
1. Bago Sumulat
• Ito ang unang hakbang na isinasagawa sa pagpapaunlad sa paksang napili.
• Ginagawa rito ang pangangalap ng mga datos o impormasyong kailangan sa pagsulat.
• Sa yugtong ito ay may LIMANG TEKNIK na maaaring makatulong sa pagdebelop sa paksang
isusulat;

1.1 Malayang Pagsulat


• Ito'y pagsulat ng mga pangungusap o parirala sa papel nang tuloy-tuloy hanggang makabuo ka
ng burador. Sa pamamagitan nito ay maaaring pagmulan ito ng magandang paksang puwede
mong idedebelob.
• Hindi dapat alalahanin ang tamang ispeling, pagbabantas, pagbubura sa mga kamalian, pag-
oorganisa ng mga ideya o pagpili ng akyureyt na salita.

1.2 Pagtatanong
• Ang mga katanungang nabubuo ay maaaring panggalingan ng mga ideya at detalye sa
posibleng magamit sa pagsulat. Katulad ng mga katanungang nag-uumpisa sa Sino? Ano?
Saan?Kailan?Bakit?at Paano?
• Ito ay epektibong paraan upang matulungan ang iyong sarili na makapag-isip ng mga posibleng
paksa.

1.3 Paglilista
• Sa paglilista kinokolekta mo ang mga ideyang at detalye na may kaugnayan sa paksang
susulatin mula sa nabuong burador.
• Ililista ang mga paksang may kaugnayan sa isa't isa na maaaring gabay sa pagsulat.

1.4 Pagkaklaster
• Ang pagkaklaster ang isa sa mga pamamaraan na maaring pagmulan ng magandang materyal
para sa teksto. Ang metodong ito ay mabisa kung nais mong ipakita ang ideya sa paraang
biswal.

Modyul sa FIL 211


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

1.5 Pagbabalangkas
• Sa pamamagitan ng balangkas ay maaaring tayain ang sariling gawa, kung mayroon pa bang
kakulangan ang bubuuing teksto, kung hindi makabuo ng isang kongkretong balangkas,
maaaring balikan ang ibang teknik sa yugtong ito.
• Sa isang balangkas,pinag-iisipan nang mabuti ang ipapasok na mga punto at ang mga
pansuportang aytem dito. Titingnan din ang order ng bawat aytem upang masiguro an kaisahan,
koherens at organisadong ideya sa magiging teksto.

Sina Pharr at Buscemi (2005) ay may roong paraan nito na maaring makatulong sa mas mabilis na
pagbuo nito:
1. Impormal na balangkas
2. Balangkas na pangungusap
3. Pormal na balangkas

1. Impormal na balangkas - Halos katulad ito ng pormal na balangkas pero hindi kailangang
mahigpit na sundin ang herarkiya ng pagkakasunod-sunod ng mga ideya at detalye.

2. Balangkas na pangungusap - Mas debelop ito kumpara sa impormal na balangkas. Hindi


lamang paksa ang maaaringbipasok sa bawat talata kundi maging ang mga paksang
pangungusap at mga pangunahing detalye nito na ninanais gamitin.

3. Pormal na balangkas - Ang balangkas na ito ay hindi ginagamit sa pagpaplano ng pagbuo ng


teksto. Madalas itong nabubuo pagkatapos ng pinal na burador. Ang bawat entri sa
pagbabalangkas na ito ay nasa anyong pangungusap.

2. Habang Sumusulat
• Pagkatapos ng mga paghahanda sa bago sumulat ay dito masusukat ang iyong kasanayan sa
pagsulat. May mga simpleng gabay upang mabuo ang ninanais na bubuuing teksto:

a. Magsimula sa isang paksang pangungusap - Simulan sa paksang pangungusap ang iyong unang
talata. Mainam na sumusuporta sa paksang pangungusap ang bubuo sa unang talata.
b. Suportahan ang paksang pangungusap ng mga tiyak na katibayan - Nararapat na maipresenta
ang mga tiyak na detalye. Halimbawa: pangangatwiran, ebidensya upang masuportahan at maging
kapani-paniwala at makahikayat ng mga mambabasa.

c. Ayusin at pansinin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya - Obserbahan ang pagkakaugnay-


ugnay ng mga ideyang ipinapasok. Dapat isaisip ngang mabuti upang hindi maguluhan ang mga
mambabasa sa tekstong binabasa.

d. Isulat nang malinaw ang pangungusap - Hindi dapat ipagwalang-bahala ang mga tamang
estruktura ng balarila o maging simoleng mga paggamit ng bantas. Hangga't maaari ay error-free ang
kabuuan ng ating teksto.

3. Pagrerebisa
• Ito ang proseso ng pagsulat kung saan dito ay ginagawa ang pagbabasang muli sa burador nang
makailang ulit para sa layuning pagpapabuti at paghubog ng dokumento. Dito isinasagawa sa
prosesong ito ang pagbabawas at pagdaragdag ng mga ideya. Narito ang ilang dapat
isaalang-alang sa pagrerebisa;

a. Kohirens - kakayahang maipakita ang ugnayan ng nga ideya.


b. Kaisahan - kailangang ang nga ideya ay malinaw na magkakaugnay sa isa't isa at umiikot ang
talakay sa isang sentral na ideya.
c. Empasis - Ang mga mahahalagang salita o punto ay dapat nabibigyang-diin.
d. Kasapatan - sapat ang mga –halimbawa, detalye,paliwanag at mga ebidensiya/datos para ang
paksang tinatalakay.

4. Pag-eedit

Modyul sa FIL 211


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

• Ang pagwawasto ng mga posibleng pagkakamali ng mga salita, ispeling, balarila, gamit at
pagbabantas ay nakapaloob sa yugtong ito. Ang pageedit ang pinakahuling yugto sa proseso ng
pagsulat bago maiprodyus ang pinal na dokumento.

Pamaraan ng Pagsulat
1. Pag-asinta
Kailangan may isang bagay na magsisilbing daan upang tayo’y sumulat. Kung tayo ay may paniniwala
sa ating sarili, matutuklasan natin ang mga paraan upang magtagumpay sa pagsulat.Makalilikha ng mabuting
sulatin ang sinuman kung inilalagay niya ang kanyang sarili sa paksa

2. Pagtitipon
Anumang paksang napili, kailangan pa ring magdaan sa masusing pagsasaliksik at pagtuklas.
Kailangang mangalap ng ng sapat na materyales at ebidensiyang magpapatunay.

3. Paghuhugis
Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binibigyan na natin ito ng hugis ang ating paksang
susulatin. Maari na nating sulatin ang burador na maari ring maging batayan sa pangangalap ng mga
kagamitan.
Narito ang dapat iwasan sa pagsulat.
3.1 Iwasan ang pagiging maligoy o paikut-ikot na paglalahad ng mga ideya.
3.2 Isaalang-alang ang iyong mambabasa sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang madali
nilang unawaain.
3.3 Iwasan ang paggamit ng jargon o mga espesyalidang salita.
3.4 Iwasan din ang paggamit ng clichés o mga salitang gasgas.
3.5 Iwasan din ang pagkakaroon ng pagkakamaling balarila.

MGA URI NG PAGSULAT

1. Akademik – Ito ay isang intelektwal na pagsulat dahil layunin nitong pataasin ang antas at kalidad ng
kaalaman ng mga estudyante sa paaralan.
• kritikal na sanaysay
• lab report
• eksperimento term paper o pamanahong papel
2. Teknikal – isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa teknikal o komersyal
na layunin.
• ulat panlaboratoryo
• kompyuter

3. Jornalistik – saklaw nito ang pagsulat ng balita, editoryal, kolum, anunsiyo at iba pang akdang
karaniwang makikita sa mga pahayagan o magasin.

4. Referensyal – uri ng pagsulat na naglalayong magrekomenda ng iba pang sanggunian hinggil sa isang
paksa.
• Bibliography, index, note cards
• police report
• investigative report
• legal forms
• medical report

5. Malikhain – masining ang uring ito ng pagsulat. Ang fokus dito ay ang imahinasyon ng manunulat
bagamat maaaring fiksyonal at di- fiksyonal ang akdang isinusulat.
• pagsulat ng tula
• nobela
• maikling katha

Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Pamanahong Papel

Modyul sa FIL 211


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

1. Alamin ang mga pangangailangang ibinigay ng propesor sa pagbuo ng pamanahong papel. Bahagi
rito ang pipiliing paksa, pormat at istilo ng pananaliksik, deadline at iba pang kasunduan ( oras ng
konsultasyon, bilang ng pahina.
2. Siguraduhing naaprubahan ng iyong propesor ang paksang napili.
3. Tupdin ang mga iminungkahing hakbang sa pagbuo ng pananaliksik papel. Ang pagmamadali o
shortcut ay makakaapekto sa kalidad ng pananaliksik papel.
4. Laging kilalanin ang pinagkunan ng mga impormasyon. Ito ay maaaring awtor, aklat o nasa anyong
multi media . Iwasan ang pladyerismo.
5. Itago ang lahat ng mga sangguniang ginamit.
6. Tiyakin na ang tentatibong bibliograpiya ay updated . Itala ang pinakahuling sanggunian na ginamit.
Mainam na gumamit ng talahanayan.
7. Magkaroon nang maayos na sistema.
8. Alamin ang kahinaan at harapin ang kinatatakutan.
9. Magtakda ng iskedyul o timetable.
10. Sumangguni sa propesor kung may paglilinaw at mga tanong.

Mga Bahagi ng Pagsulat


1. Panimula
➢ Paggamit ng katanungan
➢ Paggamit ng makatas na pangungusap
➢ Paggamit ng makatawag-pansing pangungusap
➢ Paggamit ng paglalarawan
➢ Paggamit ng tuwirang sabi
➢ Paggamit ng dayalogo o salitaan
➢ Paggamit ng analohiya
➢ Paggamit ng isang pagsasalaysay/narativ
➢ Paggamit ng personal/historical at awdyens references
➢ Paggamit ng nakakatawang pangyayari

2. Paggitna
- dito ipinaliwanag ang lahat tungkol sa paksa

Hakbang sa Pagsulat ng Panggitna


a. Pagpili ng organisasyon o padron
b. Topical/lohikal na paraan
c. Kronolohikal
d. Ispatyal
e. Klasipikasyon
f. Problema-solusyong pagkakaayos
g. Sanhi at bungang pagkakaayos
h. Paggamit ng mga salita at pariralang transisyunal

GAWAIN SA PAGKATUTO
1.Magsaliksik at komopya ng artikulong may kaugnayan sa ating kursong ‘ Intro sa Pag-aaral ng Wika”. Itala ang
mga salitang hindi nauunawaan at hanapin at isulat ang katuturan nito sa diksyunaryo.
2. Sumulat ng maikling sanaysay o repleksyon tungkol sa pag-aaral at pandemyang kinahaharap mo bilang isang
mag-aaral. Banggitin ang mga balakaid, pagsubok at magagandang hangarin mo sa kabila ng mga pangyayaring
ito.

PAGTATASA
1.Ipaliwanag ang pahayag na “ Ang mambabasa at hindi ang teksto ang sentrong iniiukutan ng proseso ng
pagbasa”.
2. Magsaliksik ng mga salitang humigit o kumulang sa 20 o higit paang dinaglat na salitang ginagamit sa
social media at ibigay ang kahulugan nito.
Halimbawa: BTW- by the way

MGA SANGGUNIAN
Batayang Aklat

Modyul sa FIL 211


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Acopra, Jioffre A. etc. (2014) Komunikasyon sa Makabagong Filipino Intramuros Manila. Minshapers CO,Inc.
Belvez, Paz M. (2000) Ang Sining at Agham ng Pagtuturo. Manila, Rex Bookstore
Garcia, Dolores G. (2007) Designing Curriculum. Manila, Rex Bookstore
Sanchez, Remedios A. etc. (2014) Komunikasyon sa Akademikong Filipino Intramuros Manila.Unlimited Books
Library Services & Publishing, Inc.
Villafuerte, Pat V. (2007) Pagtuturo ng Filipino sa Filipino.Maynila, Mutya Publishing House

Sangguniang Elektroniko
https://www.slideshare.net/olivalucila/introduksyon-ng-pag-aaral-sa-wika-fonetiks
https://www.slideshare.net/antonnieredilla/introduksyon-sa-pag-aaral-ng-wika-mga-yugto-sa-pagkatuto-ng-wika
https://www.scribd.com/document/266347825/INTRODUKSYON-SA-PAG-AARAL-NG-WIKA
http://introduksyonsapagaaralngwika.blogspot.com/
https://www.goodreads.com/book/show/16037916-ang-pag-aaral-ng-wika
https://prezi.com/wht_jl6l-lny/introduksyon/

Rubrik sa Pagsagot sa Katanungan/ Gawain

Kategorya Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi Nakamit Walang Iskor


Inaasahan Inaasahan Nakamit ang ang Inaasahan Napatunayan
(5) (4) Inaasahan (2) (1)
(3)
Introduksyon Nakapanghihikayat Nakalahad sa Nakalahad sa Hindi malinaw *Hindi nakita
ang introduksyon. introduksyon introduksyon ang sa ginawang
Malinaw na ang ang introduksyon at sanaysay.
nakalahad ang pangunahing pangunahing ang
pangunahing paksa gayundin paksa subalit pangunahing
paksa gayundin ang panlahat hindi sapat angpaksa. Hindi rin
ang panlahat na na pagtanaw pagpapaliwanag nakalahad ang
pagtanaw ukol dito. ukol dito. ukol dito. panlahat na
pagpapaliwanag
ukol dito.
Diskusyon Makabuluhan ang Bawat talata ay May kakulangan Hindi nadebelop *
bawat talata dahil may sapat na sa detalye ang mga
sa husay na detalye pangunahing
pagpapaliwanag at ideya
pagtalakay tungkol
sa paksa.
Organisasyon Lohikal at mahusay Naipakita ang Lohikal ang Walang patunay *
ng mga Ideya ang debelopment pagkakaayos na organisado
pagkakasunud- ng mga talata ng mga talata ang
sunod ng mga subalit hindi subalit ang mga pagkakalahad
ideya; gumamit din makinis ang ideya ay hindi ng sanaysay.
ng mga pagkakalahad ganap na
transisyunal na nadebelop.
pantulong tungo sa
kalinawan ng mga
ideya.
Konklusyon Nakapanghahamon Naipakikita ang Hindi ganap na May kakulangan *
ang konklusyon at pangkalahatang naipakita ang at walang pokus
naipapakita ang palagay o pangkalahatang ang konklusyon
pangkalahatang pasya tungkol palagay o
palagay o paksa sa paksa batay pasya tungkol
batay sa katibayan sa mga sa paksa batay
at mga katwirang katibayan at sa mga
mga katwirang katibayan at

Modyul sa FIL 211


COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

inisa-isa sa inisa-isa sa mga katwirang


bahaging gitna. bahaging gitna. inisa-isa sa
bahaging gitna.

Mekaniks Walang Halos walang Maraming Napakarami at


pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa nakagugulo ang
mga bantas, mga bantas, mga bantas, mga
kapitalisasyon at kapitalisasyon kapitalisasyon pagkakamali sa
pagbabaybay. at at mga bantas,
pagbabaybay. pagbabaybay. kapitalisasyon
at
pagbabaybay.
Gamit Walang Halos walang Maraming Napakarami at *
pagkakamali sa pagkakamali sa pagkakamali sa nakagugulo ang
estruktura ng mga estruktura ng estruktura ng pagkakamali sa
pangungusap at mga mga estruktura ng
gamit ng mga pangungusap pangungusap at mga
salita. at gamit ng gamit ng mga pangungusap at
mga salita. salita. gamit ng mga
salita.

Modyul sa FIL 211

You might also like