You are on page 1of 5

ARELLANO UNIVERSITY

Jose Abad Santos Campus


Basic Education Department – Senior High School
3058 Taft Avenue Pasay City

Pangalan: _____________________________________________________ Kalinisan: 2


Antas / Strand / Seksyon: ________________________________________ Kompleto: 3
Malikhain: 2
Petsa: ________________________________________________________
Nilalaman: 8
Guro: ________________________________________________________ Kabuuan 15

Asignatura: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino


Sanggunian: Phoenix Publishing House: Pinagyamang Pluma, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika

Paksa: Kakayahang Pangkomunikatibo ng mga Pilipino Uri ng Gawain:


Kakayahang Diskorsal Gawain Bilang: 15
* Kakayahang Diskorsal
* Anim na Pamantayan sa Pagtataya ng kakayahang Pangkomunikatibo
Layunin:
A. Nakabubuo ng isang modelo ng isang epektibong komyunikeytor
B. Naihahayag ang saloobin hinggil sa makabagong paraan ng komunikasyon
C. Nakasusulat ng sanaysay tungkol sa pagiging epektibong komyunikeytor

PANIMULA
KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO NG MGA PILIPINO
KAKAYAHANG DISKORSAL

Ayon sa UP Diksyunaryong Filipino (2010), ang diskurso ay nangangahulugan ng “pag-uusap at palitan


ng kuro” (2010). Mula rito, mahihinuha na ang kakayahang diskorsal ay tumutukoy sa kakayahang umunawa
at makapagpahayag sa isang tiyak na wika.
Dalawa sa karaniwang uri ng kakayahang diskorsal ay ang kakayahang tekstuwal at ang kakayahang
retorikal. Tumutukoy ang kakayahang tekstuwal sa kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at pag-unawa ng
iba’t ibang teksto gaya ng mga akdang pampanitikan, gabay instruksiyonal, transkripsiyon at iba’t iba pang
pasulat na komunikasyon. Ang kakayahang retorikal ay tumutukoy naman sa kahusayan ng isang indibidwal na
makibahagi sa kumbersasyon, Kasama rito ang kakayahang unawain ang iba’t ibang tagapagsalita at
makapagbigay ng mga pananaw o opinyon.
Ayon kay Grice (1957, 1975; sipi kay Hoff 2001), May dalawang batayang panuntunan sa
pakikipagtalastasan. Ang unang tuntunin ay ang pagkilala sa pagpapalitan ng pahayag. Ang ikalawa naman
ay ang pakikiisa, na kinapapalooban ng mga panuntunan hinggil sa kantidad, kalidad, relasyon, at paraan ng
kumbersayon.
Saklaw ng diskorsal ang pagkakaugnay ng serye ng mga salita o pangungusap na bumubuo ng isang
makabuluhang teksto. Ang isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay nakakapagbigay rin ng wastong
inerpretasyon na napakinggan o nabasang pangungusap o pahayag upang makabuo ng isang makabuluhang
kahulugan.
Tandaan may dalawang bagay na isinasaalang-alang upang malinang ang kakayahang diskorsal – ang
cohesion o pagkakaisa at coherence o pagkakaugnay-ugnay. Ugaliing gumamit ng mga panandang kohesyong
gramtikal at panandang pandiskurso upang matiyak ang kaisahan at pagkakaugnay ng kaisipan. Masasabi nating
may kakayahang diskorsal ang isang taong nagpapahayag nang may kaisahan at magkakaugnay.

ANIM NA PAMANTAYAN SA PAGTATAYA NG KAKAYAHANG PANGKOMUNIKATIBO

Sina Canary at Cody (2000) ay nagbigay ng anim na pamantayan sa pagtataya ng kakayahang


pangkomunikatibo. Narito ang anim na pamantayan:

1. Pakikibagay (Adaptability) – Ang isang taong may kakayahang pangkomunikatibo ay may kakayahang
mabago ang pag-uugali at layunin upang maisakatuparan ang pakikipag-ugnayan.
Makikita ang kakayahang ito sa mga sumusunod:
a. Pagsali sa iba’t ibang inter-aksiyong sosyal
b. Pagpapakita ng pagiging kalmado sa pakikisalamuha sa iba
c. Kakayahang ipahayag ang kaalaman sa pamamagitan ng wika
d. Kakayahang magpatawa habang nakikisalamuha sa iba
2. Paglahok sa Pag-uusap (Conversational Involvement) - May kakayahan ang isang tao na gamitin ang
kaalaman tungkol sa anumang paksa sa pakikisalamuha sa iba.
Makikita ito kung taglay ng isang komyunikeytor ang sumusunod:
a. Kakayahang tumugon
b. Kakayahang makaramdam kung ano ang tingin sa kanya ng ibang tao
c. Kakayahang making at magpokus sa kausap

3. Pamamahala sa Pag-uusap (Conversational Management) – Tumutukoy ito sa kakayahan ng isang


taong pamahalaan ang pag-uusap. Nakokontrol nito ang daloy ng usapan at kung paano ang mga paksa ay
nagpapatuloy at naiiba.

4. Pagkapukaw-damdamin (Empathy) - Ito ay pagpapakita ng kakayahang mailagay ang damdamin sa


katauhan ng ibang tao at pag-iisip ng posibleng mangyari o maranasan kung ikaw ay nasa kalagayan ng
isang tao o samahan.

5. Bisa (Effectiveness) – Tumutukoy ito sa dalawang mahalagang pamantayan upang mataya ang
kakayahang pangkomunikatibo – ang pagtiyak kung epektibo ang pakikipag-usap. Ang taong may
kakayahang pangkomunikatibo ay may kakayahang mag-isip kung ang kanyang pakikipag-usap ay
epektibo at nauunawaan.

6. Kaangkupan (Appropriateness) – Kung ang isang tao ay may kakayahang pangkomunikatibo,


naiiangkop niya ang kanyang wika sa sitwasyon, sa lugar na pinangyarihan ng pag-uusap o sa taong
kausap.

MGA HAKBANG SA PAGBUO NG SULATING PANANALIKSIK

1. PAGPILI NG MABUTING PAKSA – Ang unang hakbang sa pagbuo ng sulating pananaliksik ay ang
masusing pag-unawa sa paksa at mga kaugnay na gawaing ibibigay ng guro.

ANG PAKSA
 Napakahalagang piliing mabuti ang paksa upang maging matagumpay ang isang sulating
pananaliksik. Nararapat na ang paksa ay pinag-iisipang mabuti at dumaan sa isang maingat na
pagsusuri upang matiyak na makabubuo ng isang makabuluhang sulatin.
Narito ang ilang tanong na maari mong itanong sa sarili bago tuluyang magpasiya sa paksang susulatin.
 Interesado ba ako sa paksang ito? Magiging kawili-wili kaya sa akin ang pananaliksik at pagsulat na
ukol dito?
 Angkop, makabuluhan, at napapanahon ba ang paksang ito? Magiging kapaki-pakinabang ba ang
magiging bunga nito sa akin o sa ibang babasa partikularsa mga kaklase ko?
 Masyado bang malawak o masaklaw ang paksa? Masyado ba itong limitado?
 Kaya ko kayang tapusin ang paksang ito sa loob ng panahong ibinigay sa amin?
 Marami kayang sangguniang nasusulat na maaari kong pagkunan ng impormasyon upang mapalawak
ang paksang napili ko?

Kung OO ang sagot sa mga tanong na ito, maaaring ito na nga ang pinakaangkop napaksa para sa iyo.

2. PAGBUO NG PAHAYAG NG TESIS (Thesis Statement)


Kapag napagpasiyahan mo na ang iyong paksa, bumuo ka nan g iyong pahayag ng tesis. Ito ang pahayag
na magsasaad ng posisyong sasagutin o patutunayan ng iyong bubuuing pananaliksik. Naririto ang ilang
mga tanong na maaaring gumabay sayo.
 Ano ang layunin ko sa pananaliksik na ito?
 Sino ang aking mga mambabasa? Ang guro lang ba ang makakabasa ng sinulat ko? Sino pa kaya
ang makakabasa? Ano kaya ang inaasahan at karanasan ng aking mga mambabasa?
 Ano-anong kagamitan o sanggunian ang kakailanganin ko? May sapat bang kagamitan o
sanggunian upang magamit ko sa pagpapatunay sa aking pahayag ng tesis? Saan ko mahahanap ang
mga ito?

3. PAGHANDA SA PANSAMANTALANG BIBLIYOGRAPIYA


Kakailanganin mong bumisita sa mga aklatan upang mangalap ng iyong mga sanggunian. Maaari ding
makakuha ng mga impormasyon mula sa Internet. Mula sa iyong mga nakuhang sanggunian ay bumuo ka
ng pansamantalang bibliyograpiya.
 Pangalan ng awtor
 Pamagat ng kanyang isinulat
 Impormasyong ukol sa pagkakalathala
 Mga naglimbag
 Lugar at taon ng pagkakalimbag
 Pamagat ng aklta
 Ilang mahahalagang tala ukol sa nilalaman

4. PAGHANDA NG TENTATIBONG BALANGKAS


Mahalaga ang paghahanda ng isang tentatibong balangkas upang magbigay direksiyon sa pagsasaayos ng
iyong mga ideya at pagtukoy kung ano-anong materyal pa ang kailangang hanapin. Maaari gamitin ang
mga inihanda mong card ng bibliyograpiya upang maging gabay sa pagbuo ng iyong balangkas.

5. PANGANGALAP NG TALA O NOTE TAKING


Balikan ang inihandang tentatibong balangkas at card ng bibliyograpiya at tukuyin kung alin-alin sa mga
ito ang kakailanganin sa iyong sulatin. Basahing mabuti at mula sa mga ito ay magtala ng mahalagang
impormasyong magagamit sa susulatin. Maari kang gumamit ng tatlong uri ng tala: tuwirang sinipi,
hawig, at buod.
 Tuwirang sinipi – kung ang tala ay direktang sinipi mula sa isang sanggunian. Gumamit ng panipi sa
simula at dulo ng sinipi. Itala ang sangguniang pinagkunan gayundin ang pahina kung saan ito
mababasa.
 Buod – kung ito ay pinaikling bersiyon ng isang mahabang teksto.
 Hawig – kung binago lamang ang mga pananalita subalit nananatili ang pagkakahawig sa orihinal.

6. PAGHAHANDA NG IWINASTONG BALANGKAS O FINAL OUTLINE


Dito na susuriing mabuti ang inihandang tentatibong balangkas upang matiyak kung may mga bagay na
kailanganing baguhin o ayusin. Maaari nang ayusin ang dapat ayusin upang ang pangwakas na balangkas
ay maging mabuting gabay sa pagsulat ng iyong borador.

7. PAGSULAT NG BURADO O ROUGH DRAFT


Mula sa iyong iwinastong balangkas at mga card ng tala ay maari ka nang magsimulang sumulat ng iyong
borador.
 Ang isang sulating pananaliksik ay dapat magkaroon ng introduksyon na kababasahan ng mga
ideyang matatagpuan sa kabuuan ng sulatin.
 Ang katawan na kababasahan ng pinalawig o nalamnan nang bahagi ng iyong balangkas, at ang
 iyong konklusyon na siyang nagsasaad ng buod ng iyong mga natuklasan sa iyong pananaliksik

8. PAGWAWASTO AT PAGREREBISA NG BORADOR


I-proofread o basahing mabuti at iwasto ang mga bagay na kailangang iwasto sa iyong burador. Pag-
ukulan ng pansin ang pagkakabuo ng mga pangungusap, ang baybay, bantas, wastong gamit, pamaraan ng
pagsulat at angkop na talababa o footnote.
Sa pagsulat ng bibliyograpiya ay nararapat tandaan ang mga sumusunod:
 Pagpangkat-pangkatin ang mga ginamit na sanggunian. Pagsama-samahin ang mga aklat, pahayagan,
web site, at iba pa.
 Isaayos muna nang paalpabeto ang pangalan ng mga awtor gamit ang apelyido bilang basehan.
 Isulat ang bibliyograpiya gamit ang isa sa iba’t ibang estilo ng pagsulat nito. Kung ang napiling estilo
ay American Psychological Association (APA), maaaring sundan na pattern para maisulat ang mga
ginaga,it na sanggunian.
Para sa mga Aklat
 Apelyido ng awtor, Pangalan ng Awtor. (Taon ng Paglilimbag)Pamagat. Lungsod ng Tagapaglimbag:
Tagapaglimbag.
Para sa mga Artikulo sa Pahayagan o Magasin
 Apelyido ng Awtor, Pangalan ng Awtor. (Taon ng Pagliliimbag) Pamagat ng Artikulo. Pamagat ng
pahayagn o Magasin, Paglilimbag #. (Isyu #), pahina #.
Para sa mga Kagamitan Mula sa Internet
 Awtor. (Petsa ng Publikasyon) “Pamagat ng Artikulo o Dokumento” Pamagat ng Publikasyon. Petsa
kung kailan sinipi o ginamit mula sa buong web address simula sa http://.

9. PAGSULAT NG PINAL NA SULATING PANANALIKSIK


Pagkatapos pagdaanan at isagawa nang mabuti ang naunang walong hakbang, ngayon ay nakakatiyak ka
nan g isang mainamn na sulating pananaliksik. I-type na ito gamit ang pormat na ibinigay ng iyong guro.

Gawain Blg 1.
Panuto: Isulat sa tamang format ng bibliyograpiya ang mga sangguniang nasa mga kahon gamit ang estilong
APA.

Pangalan ng awtor o mga awtor: Paz, Consuelo J. et al


Pamagat ng aklat: Ang Pag-aaral ng Wika
Taon ng Pagkakalathala: 2003
Ang Tagapaglathala: The University of the Philippine Press
Lugar kung saan inilimbag: Diliman, Quezon City

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Pangalan ng awtor o mga awtor: Ma. Gemma C. Dela Fuente


Pamagat ng artikulo: Kahalagan ng Pagsasaling Wika
Petsa ng Publikasyon: Oktubre 23, 2014
Pamagat ng Publikasyon: Udyong Bataan Official Website
Petsa kung kailan sinipi o ginamit: Agosto 30, 2015
Buong Web: http://udyong.gov.ph/teachers-corner/5650-
kahalagahan-ng-pagsasaling-wika

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Gawain Blg. 2
Panuto: Batay sa mga komponent ng kakayahang pangkomunikatibong tinalakay, bubuo ka ng isang modelong
sumisimbolo sa isang mahusay na komyunikeytor. Isulat sa loob ng katawan ng tao ang mga kakayahang taglay
niya kaya siya ay tinaguriang epektibong komyunikeytor. Sa mga linya naman ay ipaliwanag ang modelong
ginawa.

_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
________________________________
Gawain Blg. 3
Panuto: Ihayang ang saloobin hinggil sa makabagong paraan ng ng komunikasyon

Ikaw bilang miyembro ng Generation Y, ano ang maaari mong maitulog sa kapwa mo kabataan upang
maging maingat sila sa pagpapahayag ng saloobin sa social media at nang hindi makasakit o makasira sa iba?
Sumulat ng isang pahayag na maaari mong i-post sa social media. Isulat ang iyong pahayag sa loob ng kahon.

Gabay na tanong:
1. Kaya bang sukatin o tayain ang kakayahang pangkomunnikatibo batay lamang sa ilang salik?
Ipaliwanag ang iyong sagot.
2. Sumasang-ayon ka ba sa mga nakaisip ng mga pamantayang ito? Bakit?
3. Bakit kailangang taglayin ng isang taong nagnanais maging epektibong komyunikeytor ang bawat salik
ng kakayahang pangkomunikatibo?

You might also like