You are on page 1of 2

PANUTO: Sa araw ng talakayan, ang bawat pangkat ay magkakaroon ng mabilisang pag uulat tungkol sa

naiatas na bahagi sa kanila. Ito ay hindi dapat tatagal ng lima hanggang 8 minuto, ibigay lamang ang inyong
pagkakaunawa sa mga aralin.

PANGKAT I

ANG PANANALIKSIK

A. KAHULUGAN NG PANANALIKSIK

Ayon kay Good (1963), [a]ng pananaliksik ay isang maingat, kritikal, disiplinadong inkwiri sa
pamamagitan ng iba't bang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan na natukoy na suliranin tungo so
klaripikasyon at/o resolusyon nito.

Samantala, si Aquino (1974) naman ay may detalyadong depinisyon. Ayon sa kanya, [a]ng pananaliksik ay
isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o
suliranin.

KATEGORYA SA PAGGAWA NG PANANALIKSIK

1. PAPEL PANANALIKSIK
 Ang mga mag-aaral ng hayskul at Senior High School.
2. PAMANAHONG PAPEL
 Ang mga mag-aaral na nasa kolehiyo.
3. THESIS/TESIS
 Ang Thesis/tesis ay para sa mga taong kumukuha ng Master’s Degree
4. DISSERTATION
 Panghuli, ang Dissertation ay para sa mga taong kumukuha ng Doctorate.

PANGKAT II

B. KAHALAGAHAN NG PANANALIKSIK

Binigyang-kahulugan ni Kerlinger (1973) ang pananaliksik bilang isang sistematiko, kontrolado,


emperikal, at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong haypotetikal.

Sistematiko ang pananaliksik kapag sumusunod it sa mga hakbang o yugto na nagsisimula sa pagtukoy
sa suliranin sa mga umiral na teorya, pangangalap ng datos, pagbuo ng kongklusyon, at pagsasanib ng mga
kongklusyon mula sa iba pang pag-aaral na sinasaliksik.

Ang siyentipikong pananaliksik ay kontrolado at ang bawat hakbang ng pagsasaliksik ay nakaplano.


Hindi kailangang hulaan o gawin lámang ng imahinasyon ang pag-aaral dahil nawawalan ng bisa ang kahulugan
ng pag-aaral para sa isang mananaliksik.

PANGKAT III

C. LAYUNIN NG PANANALIKSIK
1. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid pang phenomena.
2. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral na metodo at
impormasyon.
3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o produkto.

PANGKAT IV

D. KATANGIAN AT PANANAGUTAN NG ISANG MANANALIKSIK


Ang isang mahusay na mananaliksik ay kailangang magtaglay ng sumusunod na mga katangian:
1. Masipag at matiyaga 2. Maingat

3. Masistema 4. Mapanuri

PANGKAT V

ETIKA NG PANANALIKSIK
Pananagutan ng isang mananallksik ang pag-iwas at pag-iingat sa plagiarism o pangongopya ng gawa
ng iba. Kailangan niyang maging matapat sa kanyang isinusulat upang mapanindigan niyang orihinal ang
produktong ginawa niya sa lanat ng oras.

Sa pagsasabatas ng Intellectual Property Rights, kailangan ang mahigpit na. pagsunod sa mga probisyon
nito upang makaiwas sa anumang kasong sibil at kriminal na maaaring kahantungan ng isang mananaliksik.

Narito ang ilang matatawag na Etika ng Mananaliksik.

1. Paggalang sa karapatan ng iba


2. Pagtingin sa lahat ng mga datos bilang confidential
3. Pagiging matapat sa bawat pahayag
4. Pagiging obhetibo at walang kinikilingan

You might also like