You are on page 1of 31

Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

AKLAN STATE UNIVERSITY


School of Arts and Sciences
Department of Communication, Languages, Humanities and Culture
Banga, Aklan

LEKTYUR NOTES:
FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

Hinanda ni:

REY D. PEÑAROYO
Course Instructor
2018
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

III. PANANALIKSIK
Mga Layunin:

Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1 Nakapagbibigay ng sariling depinisyon ng sulating pananaliksik.


2 Naiuugnay ang sariling obserbasyon sa makabagong panahon na may mabuting
maidudulot sa ating pang-araw-araw na buhay; at
3 Naisusulat sa wastong pormat ang pananaliksik.

Introduksiyon

Nais nating tuklasin ang mga bagay- bagay sa mundong ibabaw kung saan,
paano at kung kanino man ito nanggaling. Maraming tanong na bumabagabag sa
ating isipan na nais nating alamin. Sa bahaging ito, mauunawaan natin ang takbo ng
mundo sa pamamagitan ng pagiging mapanuri, obhetibo at magkaroon ng akyureyt
na imbestigasyon sa isang paksa/ isyu.

Kahulugan
Ayon kay Good (1963), pananalisik ay isang isang maingat, kritikal,
disiplinadong injury sa pamamagitan ng iba’t ibang tenik at paraan batay sa
kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa klaripikasyon at/o
resolusyon nito.
Samantala, si Aquino (1974) naman ay may detalyadong depinisyon.
Ayon sa kanya, ang pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga
mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiya na paksa o suliranin. Matapos
ang maingat at sistematikong paghahanap ng mga pertinenting impormasyon o
datos hinggil sa isang tiya na paksa o suliranin at matapos suriin at lapatan ng
interpretasyon ng mananaliksik ang mga nakalap niyang datos ay mahaharap siya
sa isa pang esensyal na gawain-ang paghahanda ng kanyang ulat –pananaliksik.

Masasabi ring ang pananaliksik ay isang proceso ng pangangalap ng mga


datos o impormasyon upang malutas ang isang particular na suliranin sa isang
syentipikong pamamaraan (Manuel at Medel: 1976)
Layunin
Ang pangunahing layunin ng pananaliksik ay ang preserbasyon at
pagpapabuti ng kalidad ng pamumuhay ng tao. Lahat ng uri ay nakatuon sa
layuning ito.
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

Kaakibat ng pananaliksik ang pagsulat ng papel-pampananaliksik o


pampamanahong papel. Sa mga paaralang gradwado, tisis o disertasyonang
tawag ditto. Isa itong paraan ng pagoorganisa at paglalahad ng mga datos na
nakalap sa pananaliksik.

1.1. Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik


Mula pa lamang sa mga depinisyong inilahad na sa unang bahgi ng
liksyong ito ay mahahango na natin ang mga sumusunod na katangian ng
mabuting pananaliksik na binigay ng sapat na pagpapaliwanag sa mga kasunod
na talataan:

Ang pananaliksik ay sistematika. May sinusunod itong proseso o


magkakasunud-sunod na mga hakbang tungo sa pagtuklas ng katotohanan,
solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.

Ang pananaliksik ay kontrolado. Lahat ng mga baryabol na sinusuri ay


kailangang mapanatiling constant. Sa medaling salita hindi dapat baguhin, nang
sa gayon, ano mang pagbabagong magaganap sa asignatura na pinag-aaralan ay
maiuugnay sa eksperimental na baryabol. Ito ay kailangan lalunglalo na sa mga
eksperimental na pananaliksik.

Ang pananaliksik ay empirikal. Kailangang maging katanggap-tanggap ang


mga pamamaraang ginagamit sa pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap.
Halimbawa, kapag sinabi ng isang tao na mayroong limang tao sa loob ng isang
silid, magiging katanggap-tanggap ang datos na iyon kpg naobserbahan na at na-
verify ng ibang tao ang limang tao sa loob ng silid na iyon. Samakatuwid, ang
bilang ng tao ay isang datos na emperikal. Ngunit kapag sinabing may limang
multo sa loob ng isang silid, maaaring sang-ayunin iyon ng isang o dalawa. Ibig
sabihin, ang ibaay maaring tumutol at sabihing wala naming multo o kaya’y hindi
naman lima ang multo kundi ibang bilang. Ito ay sa kadahilanang ang mga multo
ay halimbawa ng mga di-empirikal na datos.

Ang pananaliksik ay mapanuri. Sa pananaliksik, ang mga datos na nakalap ay


kailangang suriin nang kritikal upang hindi magkamli ang mananaliksik sa
paglalapat ng interpretasyon sa mga mananaliksik ng mga nabalideyt nang
pamamaraang pang-estadistika sa pagsusuri ng datus upang masabing analitikal
ang pananaliksik.

Ang pananaliksik ay obhetibo, lohikal at walang pagkiling. Lahat ng tuklas


o findings at mga kongklusyon ay kailangang lohikal na nakabatay sa mga
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

empirikal na datos at walang pagtatangkang ginawa upang baguhin ang resulta


ng pananaliksik. Walang puwang ditto ang mga pansariling pagkiling.

Halos gayon din ang sinabi ni Parel (1966). Aayon sa kanya ang, ang
pananaliksik ay isang pananaliksik ay isang sistematikong pag- aaral o
imbestigasyon ng isang bagay sa layuning masagot ang mga katanungan ng isang
mananaliksik.
Maidaragdag din sa ating depinesyon ang kina E. Trece at J.W.Trece (1973) na
nagsasaad ng ang pananaliksik …ay isang pagtatangka upang makakuha ng mga
solusyon sa mga suliranin. Idinagdag pa nila na ito ay isang pangangalap ng mga
datos sa isang kontroladong sitwasyon para sa layunin ng prediksyon at
asplanasyon.
Bilang paglalagom sa mga naunag depinisyon, maaari natin magamit ang
kasunod na sipi mula kina Calderon at Gonzales (1993):

Ang pananaliksik ay gumagamit ng mg kwantiteytib o istatistikal na


metodo. Ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerical at masuri
sa pamamagitan ng istatistikal na tritment upang matukoy ang kanilang gamit at
kahalagahan. Halimbawa, ang pagsasaad ng siyamnapung bahagdan (prosyento),
isa sa sampung mag-aaral (ratio) at limang tanong bawat respondente
(distribusyon) ay ilang mga halimbawa ng kwantiteytib na datos, kumpara sa mga
pahayag na tulad ng marami, ilan, humigit-kumulang na walang malinaw na
istatistikal na halaga.

Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda. Maliban sa historical na


pananaliksik, ang mga datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklasat
hindi mula sa panulat, tukalas o lathala ng ibang mananaliksik. Idagdag pa na ang
mga datos ay kailangang nagmula sa mga praymari sorses o mga hanguang first-
hand.

Ang pananaliksik ay isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon at


deskripsyon. Bawat aktibidad na pampanaliksik ay kailangang maisagawa nang
tumpak o akyureyt nan gang tuklas ay humantong sa pormulasyon ng mga
syentipikong paglahat. Samakatwid lahat ng kongklusyon ay kailangan nakabaty
sa mga aktwal na ebidensya.

Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali. Upang matiyak ang


katumpakan o accuracy ng pananaliksik, kailangang pagtiyagaan ang bawat
hakbang nito. Ang pananaliksik na minadali at ginawa nang walang pag-iingat ay
kadalasang humahantong sa mga hindi matitibay na kongklusyon at paglahat.
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

Ang pananaliksik ay pinagsisikapan. Walang pananaliksik na naisasagawa


nang walang pagsisikap. Kailangan itong paglaanan ng panhon, talino at sipag
upang maging matagumpay.

Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang. Kailangan ang tapamg ng


isang mananaliksik sapgkat maaaring makaranas siya ng mga hazard at
discomforts sa kanyang pananliksik. May mga pagkakataon ding maaari siyang
dumanas ng di-pagsangayon ng publiko at lipunan. Maaari ring magkaroon ng
dipagkakaunawaan sa pagitan ng mga kasamang mananaliksik.

Ang pananliksik ay maingat na pagtatala at pag-uulat. Lahat ng datos na


nakllap ay kailangang maingat na maitala. Ang maliit na pag kakamali ay maaaring
makaapekto sa mga tuklas ng pananaliksik. Kailangan din itong maiulat sa pasulat
ana paraan sa ano ng isang papel- pampananaliksik (halimbawa: pamanahong
papel, tisis at disertasyon) para sa angkop na dokumentasyon, at kadalasan, sa
pasalitang paraan o ang tinatawag na oral presentation o defense.

1.2. Ang Mga Mananaliksik: Mga Katangian at Pananagutan

Mga Katangian na Dapat Taglayin ng Manaliksik


Sa sinundang liksyon, natalakay na ang mga katangian ng pananaliksik. Halos
gayon din ang masasabi sa mananaliksik. Sa pamamagitan ng pagkilala at pag-
unawa sa mga katangiang dapat taglayin ng isang mabuting mananaliksik,
mahihinuha na rin natin kung anu-ano ba ang mga katangiang dapat taglayin ng
isang mananaliksik. Ngunit para sa pagtatalakay na ito, bigyan natin ng diin ang
limang katangiang esensyal upang maging matagumpay ang isang mananaliksik
sa kanyang gawain. Ang isang mananaliksik, kung gayon, ay kinakailangang
maging:

a. Masipag. Kailangan niyang maging masipag sa pangangalap ng mga datos at


pagsisiyasat sa lahat ng anggulo at panig na pinapaksa ng pananaliksik. Hindi
maaring doktorin ng mananaliksik ang resulta ng kanyang pananaliksik. Kung
magiging tamad siya, mahahalata ito sa kakulangan ng kanyang datos,
kakulangan sa katibayan para sa kanyang mga pahayag at mg ahindi
mapangatwiranang kongklusyon.
b. Matiyaga. Kakambal na ng sipag ang tiyaga. Sa pangangalap kasi ng mga
datos, kailangan manging pasensyoso ang isang mananaliksik. Kapag inaakala
niyang kumpleto na ang mga datos, maaaring imungkahi pa rin ng kanyang
guro/tagpagpayo ang pagdaragdag sa nauna nang mga nakalap na datos.
Samakatwid, kailangan niyang pagtiyagaan, hindi pa man iminumungkahi ng
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

tagapayo, ang pangangalap ng mga datos mula sa ibat’t ibang hanguan tulad
ng aklat, magasin, pahayagan, journal, tisis, disertasyon, manuskripto,
manipesto, polyeto, praymer, imbestigasyon, obserbasyon at website sa
internet.
c. Maingat. Sa pagpili at paghimay-himay ng mga makabuluhang datos,
kailangang maging maingat ang isang mananaliksik. Lalo na sa dokumentasyon o
sa pagkilala sa pinakunan ng mga datos at pinagmulan ng anumang ideya, ang
pag-iingat ay kailangan upang maging kapani-paniwala ang mga resulta ng
pananaliksik. Kailangan ding magingat na tiyakin ang iba’t ibang panig ng paksang
sinisiyasat at maingat na tiyaking may sapat na katibayan o balidasyon ang
anumang posisyon o interpretasyonng ginawa sa pananaliksik.
a. Sistematik. Ang pananaliksik ay isang sistematikong gawain. Samakatwid,
kailangang sundin ng isang mananaliksik ang mga hakbang nito ayon sa
pagkakasunod-sunod. Halimbawa, hindi maaring unahin ang paglalagom at
pagbuo ng mga kongklusyon nang hindi pa nakapangangalap ng mga datos.
Sa pangangalap ng mga datos, kailangan din niyang maging sistematiko nang
hindi maiwaglit ang mga datos sa sandaling kailangan na niya ng mga ito.

e. Kritikal o mapanuri. Ang pananaliksik ay isang iskolarling gawain.


Pinaglalaanan ito ng buhos isip. Samakatwid, kailangan maging kritikal o mapanuri
ang isang mananaliksik sa pag-iesksamen ng mga impormasyon, datos, ideya o
opinion upang matukoy kung ang mga ito’y valid, mapagkakatiwalaan, lohikal at
my batayan. Sa madaling salita, kailangan niyang timbang-timbangin ang katwiran
ng mga impormasyon upang kanyang mapagpasyahan kung alin sa mga iyon ang
kanyang mapakikinabangan sa kanyang pananaliksik.

1.3. Mga Pananagutan ng Isang Mananaliksik


Katapatan ang pangunahing pananagutan ng isang mananaliksik. Ang
katapatang ito ay kailangan niyang maipamalas sa pagkilala ng pinagkunan niya
ng mga datos at iba pang ideya at impormasyon sa kanyang pananaliksik.
Idinagdag pa ni Atienza,et al.ang isa pang napakahalagang
pananagutan ng isang mananaliksik----- ang pagtiyak na mapanindigan ng
mananaliksik ang lahat ng interpretasyon sa kanyang binou batay sa kanyang
masinop at maingat na pagsusuri ng kanyang mga datos na nakalap.

1.4. Isyu ng Plagyarismo

Kaugnay ng pananagutan ng katapatan ay ang isyu ng plagyarismo.


Ang Plagyarismo ay pangongopya ng datos, mga ideya, mga
pangungusap, buod at balangkas ng isang akda, programa, himig at iba pa, hindi
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

kinikilala ang pinagmulan o kinopyahan. Ito ay isang uri ng pagnanakaw at


pagsisinungaling dahil inaangkin mo ang hindi iyo (Atienza, et al., 1996)
Sa pananaliksik ay may sinusunod na etika. Katulad ito ng anumang
disiplina na may istriktong code of ethics na ipinatutupad. Sa etika ng pananaliksik,
itinuturing na napakalaking kasalan ang plagyarismo. Dahil sa kabigatan ng
kasalanang ito, napatalsik ang isang dekano sa isang unibersidad, natanggalan ng
digri ang isang nagtapos nan g doktorado, nawalan ng kredibilidad ang isang
tanyag na iskolar, hinabla sa korte ang prodyuser ng isang programa sa telebisyon
(Atienza, et al., 1996)
Kamakailan, akala ng isang pangkat ng mga estudyante na
nakalusot na sila nang hindi mapansin ng kanilang guro na ang kanilang
pamanahong-papel ay kinopya lamang sa ibang pamanahong-papel. Ngunit sa
kanilang oral defense, halos mangilabot ang mga panelist ng makumpirma ang
kapalaluan ng mga estudyanteng nabanggit. Halos perpekto kasi ang papel,
malayo sa aktwal na kaalaman at kakayahan ng mga estudyanteng notoryus na
ang kahinaan ng isip at kapabayaan sa pag-aaral. Ang hinala ng mga panelist ay
lalo pang tumibay nang hindi maidepensa ng mga estudyante ang mga resulta ng
pananaliksik na kanilang kinopya lamang. Lumagpak ang mga estudyanteng iyon
hindi lamang sa kanilang defense kundi maging sa kanilang asignatura. Pasalamat
pa sila dahil hindi sila napatalsik sa unibersidad at hindi na naghabol ang orihinal
na mananaliksik ng kanilang pinagkopyahan!

Kung ginamit ang orihinal na termino o mga salita, hindi ipinaloob


sa panipi o hindi itinala ang pinagkunan.
Kung hiniram ang ideya o mga pangungusap at binago ang
pagkapahayag, ngunit hindi kinilala ang pinagmula.
Kung namulot ng mga ideya o mga pangungusap mula sa iba’t-
ibang akda at pinagtagni-tagni ang mga ito ngunit hindi kinilala ang mga
pinagkunan.
Kung isinalin ang mga termino, ideya, pahayag, at dahil nasa ibang
wika na ay inangkin na at hindi itinala na salin ang mga ito.
Kung ninanakaw ang bahagi ng isang disenyo, balangkas, himig at
hindi kinilala ang pinagkunan ng “inspirasyon,” at
Kung ginamit ng isang mananaliksik ang mga datos na
pinaghirapan ng iba at pinalabas niyang siya ang nagkalap ng mga datos na ito.

1.5. Mga Pamanahong Papel


Pahinang Preliminari o Front Matters
Fly Leaf 1 ang pinakaunang pahina ng pamanahong-papel. Walang nakasulat na
kahit ano sa pahinang ito. Sa madaling sabi, blangko ito.
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

Pamagating Pahina ang tawag sa pahinang nagpapakilala sa pamagat ng


pamanahong-papel. Nakasaad din dito kung kanino inihirap o ipinasa ang papel,
kung saang asigantura ito pangangailangan, kung sino ang gumawa at panahon
ng kumplesyon. Kung titingnan sa malayuan, kailangang magmukhang inverted
pyramid ang pagkakaayos ng mga impormasyong nasa pahinang ito.

Dahon ng Pagpapatibay ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkapasa


ng mananaliksik at pagkatanggap ng guro sa pamanahong-papel.

Sa pahina ng Pasasalamat o pagkilala tinutukoy ng mananaliksik ang


mgaindibidwal, pangkat, tanggapan o institusyong maaaring nakatulong sa
pagsulat ng pamanahong-papel at kung gayo’y nararapat pasalamatan o kilalanin.

Sa Talaan ng Nilalaman nakaayos ang pagbabalangkas ng mga papel at


nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.

Sa Talaan ng mga Talahanayang at Grap nakatala ang pamagat ng bawat


talahanayan at/o grap na nasa loob ng pamanahong-papel at ang bilang pahina
kung saan matatagpuan ang bawat isa.

Ang Fly Leaf 2 isa na naming blangkong pahina bago ang katawan ng
pamanahong-papel.

Hindi nilalagyan ng bilang ng pahina o pagination ang mga pahinang preliminary.


May mga pamanahong-papel din ang kakikitian ng Pag-aalay o Dedikasyon na
isang opsyonal na pahina.

Kabanata 1: Ang Suliranin at Kaligiran Nito


Ang kabanatang Ito ay bahagi sa mga sumusunod na bahagi;
a. Ang Panimula o Introduksyon ay Isang mailing talatang kinapapalooban ng
pangkalahatang pagtatalakay ng paksa ng pananaliksik.

b. Sa Layunin ng Pag -aaral, inilalahad ang pangkalahatang layunin o dahilan


kung bakit isinasagawa Ang pag -aaral. Tinutukoy din dito Ang mga ispesipik na
Suliranin na nasa anyong patanong.

c. Sa Kahalagahan ng Pag-aaral, inilalahad ang signipikans ng pagsasagawa


ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral. Tinutukoy din ang maaaring maging
kapakinabang o halaga ng pag-aaral sa iba't ibang indibidwal, pangkat,
tanggapan,institusyon,propesyon,disiplina o larangan.
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

d. Sa Saklaw at Limitasyon tinutukoy ang simula at hanganan ng pananaliksik.


Dito itinatakda ang parameter ng pananaliksik dahil tinutukoy rito Kung anu-ano
ang baryabol na sakop at hindi sakop ng pag-aaral.

e. Itinatala naman sa Depinisyon ng mga Terminolohiya ang mga


katawagang makailang ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa'y binigyan ng
kahulugan. Ang pagpapakahulugan ay maaarinh konseptwal (ibinigay ang
istandard na depinisyon ng mga katawagan) o operasyunal (kung paano iyon
ginamit sa pamanahong-papel).

“May mga panahong-papel na kakikitaan ninyo ng Conceptual o Theoretical


Framework, Hypotheses at Assumptions sa Kabanata 1”

Kabanata 2: Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Sa kabanatang ito, tinutukoy ang mga pagaaral at mga babasahin o


literaturang kaugnay ng paksa ng pananaliksik. Kailnangan ding matukoy ang
mananaliksik king sinu-sino ang mga may akda ng naunang pagaaral o literature,
disenyo ng pananaliksik na ginamit, mga layunin at mga resulta ng pagaaral.
Mahalaga ang kabanatang ito dahil ipinaaalam ditto ang mananaliksik ang
kasalukuyang estado ng kaalaman kaugnay ng kanayang paksa.
Hanggat maari, ang mga pagaaral at literaturang tutukuyin at tatalakayin dito ay
iyong mga bago o nalimbag sa loob ng huling sampung taon. Pilitin ding gumamit
ng mga pagaaral at literaturang local at dayuhan.

Kabanata 3: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

a. Ang Disenyo ng Pananaliksik nililinaw kung anong pananaliksik ang


kasalukuyang pag-aaral. Para sa iyong pamanahong-papel, iminumungkahi
namin ang pinakasimple na, deskriptib-analiktik na isang disenyo ng
pangangalap ng mga datos at impormasyon hinggil sa mga salik o factors na
kaugnay ng paksa ng pananaliksik.

b. Sa bahaging ito tinutukoy ang Respondente ng sarbey, kung ilan sila at paano
at bakit sila napili.

c. Sa intrumento ng pananaliksik, inilalarawan ang paraang ginagamit ng


pananaliksik sa pangangalap ng datos at impormasyon. Iniisaisa rito ang mga
hakbang na kanyang ginawa at kung maaari, kung paano at bakit niya ginawa
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

ang bawat hakbang sa bahaging ito, maaaring mabanggit ang interbyo o


pakikipanayam, pag-conduct ng sarbey at pagsasagot ng sarbey-kwestyoneyr
sa mga respondente bilang pinakakaraniwan at pinakamadaling paraang
aplikable sa isang deskribtib-analitik na disenyo.

d. Sa Tritment ng mga datos inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang


ginamit upang ang mga numerikal na datos ay mailarawan. Dahil ito'y isang
pamanagong-papel lamang, hindi kailangang gumamit ng mga kompleks na
istatistikal tritment. Sapat na ang pagkuha ng mga porsyento o bahagdan
matapos mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyoner ng mga respondente.

Kabanata 4: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Sa kabanatang ito inilalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa


pamamagitan ng tekstwal at tabular o grapik na presentasyon. Sa teksto,
inilalahad ng mananaliksik ang kanyang analisis o pagsusuri.

Kabanata 5: Lagom,Kongklusyon at Rekomendasyon

Lagom
Binubuod ng mga datos at impormasyongnakalap ng mananaliksik.

Kongklusyon
Ito ay ang mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon,
pangkalahatang pahayg, at/o paglalahad batay sa mga datos at impormasyong
nakalap ng mananaliksik.

Rekomendasyon
Ang ay ang mga mungkahing solusyon para sa sa mga suliraning natukoy o
natuklasan sa pananaliksik.

Mga Pangunahing Pahina


a.Listahan ng Sanggunian- ito ay isang kompletong tala ng lahat ng mga hanguan
o sorses na ginagamit ng mananaliksik sa pagsulat ng pamanahong papel.
b. Apendiks- ay tintawag ding Dahong-Dagdag. Maaring ipalagay o ipaloob ditto
ang mga liham, pormularyo ng ebalwasyon, transkripsyon ng interbyu, sampol ng
sarbey-kwestyuneyr, bio-data ng mananaliksik, mga larawan, kliping at kung anu-
ano pa.
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

1.6. Ang Paksa at Pamagat-Pampananaliksik

Mga Hanguan ng Paksa


Ilan sa mga maaaring paghanguan ng paksang pampananaliksik ay ang mga
sumusunod:
a. Sarili. Maaring humango ng paksa sa mga sariling karanasan, mga nabasa,
napakinggan, napag-aralan at natutuhan. Nangangahulugan ito na maaring
simulant sa sarili ang pag-iisip ng mga paksang pagpipilian.
b. Dyaryo at Magasin. Maaring paghanguan ng paksa ang mga napapanahong isyu
sa mga pamukhang pahina ng mga dyaryo at magasin o sa mga kolum, liham sa
editor at iba pang seksyon ng mga dyaryo at magasin tulad ng lokal na balita,
bisnes, intertainment at isports.
c. Radyo, TV at Cable TV. Maraming uri ng programa sa radyo at tv ang
mapagkukunan ng paksa. Marami ring bahay, hindi lamang sa Metro Manila, kundi
maging sa probinsiya, ang may cable tv. Mas maraming programa sa cable dahil
sa 24 na oras na balita,isports at mga programang edukasyunal.
d. Mga Awtoridad, Kaibigan at Guro. Sa pamamagitan ng pagtanung-tanong sa
ibang tao, maaaring makakuha ng mga ideya upang mapaghanguan ng paksang-
pampananaliksik. Makatutulong ito upang makakuha ng paksang hindi lamang
napapanahon kundi kawilihan din ng ibang tao.
e. Internet. Isa ito sa pinakamadali, mabilis, at sopistikadong paraan ng
paghahanap ng paksa.Maraming mga web site sa internet na tumutugon sa iba
ibang interes at pangangailangan ng ibat ibang uri ng tao.
f. Aklatan. Bagamat tradisyunal na hanguan ito ng paksa, hindi parin
mapapasubalian ang yaman ng mga paksang maaaring mahangu sa aklatan. Sa
aklatan matatagpuan ang iba’t ibang paksang nauugnay sa anumang larangang
pang- akademya.
Sa puntong ito, kapaki-pakinabang marahil na nagging obserbasyon nina
Atienza, et. (1996):
Madalas kapag nag-iisip na ang mananaliksik ng kanyang susulatin,
papasok na ang aborsyon, protitusyon, paninigarilyo,drug addiction,faith healing,
fiesta at marami pang gasgas at gastado ng mga paksa.Bakit nga ba ordinary at
paboritong paksain ang mga ito? Dahil mga karaniwang problema, pangyayari at
elementong panlipunan ang mga ito. Madalas ding talakayin ang mga paksang
ganito sa akademya at sa midya.
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

Para maiwasan na ang inilahad na obserbasyon, kailangang maghanap at


mag-isp ng mga paksang wika nga nina Atienza ay hindi gasgas at gastado na na
hango sa alin man sa mga natukoy nang hanguan. Upang lalo pang matiyak ito,
iminumungkahi naming pumili ng paksa na kaugnay ng disiplina o kursong inyong
pinagpakadalubhasaan.

6.7. Mga Konsiderasyon sa Pagpili ng Paksa


1. Kasapatan ng datos. Kailangang may sapat nang literature hinggil sa paksang
pipiliin. Magiging labis na limitado ang saklaw ng pananaliksik kung mangilan-
ngilan pa lamang ang mga abeylabol na datos hinggil doon.
2. Limitasyon ng panahon. Tandaan, ang kursong ito ay para sa isang semester
lamang. Magiging konsiderasyon sa pagpili ng paksa ang limitasyong ito. May mga
paksa na mangangailangan ng mahabang panahon , higit pa sa isang semester,
upang maisakatuparan.
3. Kakayahang pinansyal. Isa pang problema ito sa pagpili ng paksa. May mga
paksang magangailangan ng malaking gastusin, na kung titipirin ay maaaring
maisakripisyo ang kalidad ng pananaliksik. Samakatwiran, kailangang pumili ng
paksang naayon sa kakayahang pinansyal ng mananaliksik.
4. Kabuluhan ng paksa. Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang
walang kabuluhan ay humahantong sa isang pananaliksik na wala ring kabuluhan.
Samakatwid, kailangang pumili ng paksang hindi lamang napapanahon, kundi
maaaring pakinabangan ng mananaliksik at iba pang tao.
5.Kabuluhan ng paksa. Ang isang pananaliksik na nauukol sa isang paksang
walang kabuluhan ay humahantong sa isang pananaliksik na wala ring kabuluhan.
Samakatwid, kailangang pumili ng paksang hindi lamang napapanahon, kundi
maaaring pakinabangan ng mananaliksik at iba pang tao.
6.8. Paglimita ng Paksa
Matapos makapamili ng paksa, kailangan iyong limitahan upang maiwasan
ang masaklaw na pagaaral. Sa pamamagitan ng paglilimita ng paksa, mabibigyan
ng direksyun at pokus ang pananaliksik at maiiwasan ang padamput-damput o
sabog na pagtatalakaysa paksa. Maaring gamiting batayan sa paglilimia ng pakjsa
ang mga sumusunod;

• Panahon -Propesyon
• Edad -Anyo o uri
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

• Kasarian -Partikular na Halimbawa o kaso


• Perspektibo -Kumbinasyon ng dalawa o higit pang
batayan
• Lugar

6.9. Pagdidisenyo ng Pamagat-Pampananaliksik


Ang pamagat-pampananaliksik ay kaiba sa pamagat ng mga akdang
pampanitikan. Kaiba ito sa pamagat ng mga kuwento, nobela, sanaysay at dula.
Pansinin ang mga kasunod na pamagat ng mga sumusunod na akda:
• Sa Kabataang Pilipino (Tula)
• Sa Kadawagan ng Pilik-mata (Kwento)
• Bata… Bata… Paano ka Ginawa? (Nobela)
• Sino si Bill Gates? (Sanaysay)
• Ang Paglilitis ni Mang Serapio (Dula)

6.10. Pangangalap ng mga Datos, Impormasyon at Sanggunian

Hanguan ng Impormasyon o Datos


Ayon kina Mosura, et al., ang mga hanguang primary ay:
Mga indibidwal o awtoridad
Mga grupo o organisasyon
Mga pampublikong kasulatan o Dokumento
Maliban sa hanguan primary at sekundarya, may isa pang mapagkukunan ng mga
impormasyon o datos--- ang hanguang elektroniko o mas kilala sa tawag na
internet.
Pangangalap nga Impormasyon o Datos
Matapos matukoy ang iba’t ibang pagkukunan o paghahanguan ng
impormasyon o datos, sa pagkakataong ito atin naming pansinin ang
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

pangangalap ng impormasyon o datos. Una, tukuyin kung anong uri ng


impormasyon o datos ang kailangan gayundin ang klasipikasyon kung saan
maaaring matagpuan ito sa silid-aklatan. Ang lahat ng posibleng sanggunian ay
kailangan itala upang mapadali ang paghahanap nito.
Halimbawa:
Tanong: Ano ang obsesyon?
Impormasyong hahanapin
Pagkakaiba o pagkakatulad sa hilig, gusto at adiksyon.
Kalian masasabi na may obsesyon
Mga posibleng sanggunian
Ensayklopidya, aklat sa medisina at sikolohiya
Mga artikulo at kolum sa pahayag at magasin
Mga artikulo sa mga propesyunnal na journal
Panayam sa mga eksperto.
Kapansin-pansin na magiging sistematiko ang pangangalap ng mga impormasyon
o datos sapagkat nakaayos ang balangkas ng paksang saliksikin. Natukoy rin ang
mga posibleng sanggunian kaya’t mapadadali ang paghahanap nito sa silid-
aklatan.
Tatlong (3) yugto ng pananaliksik sa silig-aklatan.
Yugto 1: Panimulang paghahanap ng kard katalog, sangguniang aklat,
bibliograpi, indeks at hanguang elektroniko o internet.
Yugto 2. Pagsusuri na kinakasangkutan ng browsing, skimming at scanning ng
mg aklat at artikulo at ng pagpili ng citation mula sa mga babasahin.
Yugto 3. Pagbabasa at pagtatala mula sa aklat, sanaysay artikulo, computer
printouts, at iba pang sanggunian.
Ang tatlong yugtong ito ay dapat sundin kung gusto ng isang
mananaliksik na maging sistematiko ang kanyang pananaliksik. Talakayin natin
ang unang yugto – ang panimulang paghahanap.
Maliban sa mga aklat na nasa loob ng silid-aklatan, makabubuting
sumannguni rin sa mga magasin, dyaryo at iba pang babasahin. Huwag ikulong
ang sarili sa silid-aklatan bagkus ay isiping marami pang impormasyon na
makukuha sa paligid. Nariyan ang medya.
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

Kaugnay ng paghahanap ng mga kard katalog, kailangang batid ng


isang mananaliksik kung anong uri ng kard katalog ang kanyang kailangan at
hahanapin. Dahil nga sa kalawakan ng koleksyon ng mga libro, sadyang inihanda
ang isang tanging lugar sa aklatan na dapat na unang lapitan ng mga
mananaliksik. Sa ngayon, ang kard katalog ay hindi na lamang mga kabinet na
nakaayos nang alpabetikal kundi nakaprograma na rin ito sa mga kompyuter (kung
ang aklatan ay moderno na). Ano man ang anyo nito, iisa pa rin naman ang mga
uri at paraan ng pagkakasulat nito.

6.11. Interbyu: Kahulugan, Layunin at Kahalagahan


Ang interbyu ay isang uri ng pasalitang diskurso ng dalawang tao o isa pang
pangkat at isang indibidwal, ang unay interbyuwer at ang pangalaway interbyuwi.
Ang layunin ng interbyu ay makakalap ng mapanghahawakang
mahahalagang impormasyon mula sa interbyuwi hinggil sa isang tiyak na paksa.
Sa pananaliksik, ang interbyu ay isang napakamabuluhang paraan ng
pagkuha ng mga impormasyon na magagamit sa pagsulat ng papel-
pampananaliksik.
Pagpili ng Interbyuwi
May mga konsiderasyon sa pagpili ng interbyuwi:
May malawak na kaalaman- may sapat ba syang kaalaman sa paksa ng
pananaliksik
Relayabol- may pakakataon na ang impormasyon na ibinibigay ay hindi
pinanghahawakan, samakatuwid kailangan isaalang-alang ang tao ba ay hindi
nagsisinungaling? At makatwiran ba ang kanyang pananaw?
6.12. Mga Hakbangin sa Pormal na Interbyu
Sina Arrogante, et al. (1983) ay nagbigay ng ilang tagubilin na dapat
tandaan bago mag-interbyu, sa takdang oras ng pag-uusap at pagkatapos ng pag-
uusap . Narito ang mga tagubiling nabanggit na aming dinagdagan upang
maiangkop sa pangangailangan ng pananaliksik.
a. Bago Mag-interbyu
1. Tiyakin muna ang layunin ng interbyu.
2. Pumuli ng interbyuwing nagtataglay ng mga katangiang pantalakay.
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

3. Itakda ang interbyu. Alamin ang abeylabiliti at preperd na lugar at oras ng


interbyuwi.
4. Hangga't maaari kumuha ng pahintulot upang mag-interbyu sa interbyuwi o iba
pang kinauukulan sa pamamagitan ng sulat.
5. Hangga't maaari, alamin ang lahat ng nahihinggil sa katauhan ng iinterbyuhin.
6. Pag-aralan muna ang paksang tatalakayin sa interbyu.
7. Tiyakin ang mga sasaklawing kasanggang-paksa at ang panahong gugugulin sa
interbyu.
8. Maghanda ng balangkas o mga gabay na tanong.
9. Magdala ng mga kakailanganing kagamitan tulad ng teyp recorder, bidyo
kamera, bolpen, papel at iba pa.
10. Magbihis nang presentable.
b. Sa Takdang Oras
1. Dumating nang mas maaga sa itinakdang oras napagkasunduang lugar
2. Magalang na magpakilala at ipaalala ang pakay
3. Maging masigla at magtiwala sa sarili.
c. Sa Oras ng Pag-uusap
1. Maging tuwiran at matalino sa pagtatanong. Iwasan ang mga tanong na
sinasagot lamang ay oo at hindi.
2. Magpakita ng kawilihan sa interbyu.
3. Huwag gambalain o putulin ang pagsasalita ng interbyuwi.
4. Huwag labis na pakahon sa mga inihandang gabay na tanong, subalit umiwas
din sapaglihis sa paksa ng interbyu.
5. Makinig nang mabuti.
6. Itala ang mga kakailanganing mahahalagang kaalaman sa di-kapansin-pansing
paraan
7. Huwag makipagtalo sa interbyuwi.
8. Maging magalang sa kabuuan ng interbyu.
d. Pagkatapos ng Pag-uusap
1. Huwag pabigla-bigla sa pagtatapos ng interbyu.
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

2. I-ayos kapag ang mga datos o impormasyong naitala.


3. Kung nakateyp ang interbyu, itranskrayb agad iyon.
4. Sakaling may alinlangan hinggil sa kawastuhan ng tuwirang sinabi ng
interbyuwi, makipag-ugnayan agad sa kanya nang sa gayo'y maliwanagan at nang
maiwasang mamis-qoute ang interbyuwi.
5. Hangga't maaari, bigyan ang interbyuwi ng Kopya ng transkrip ng iterbyu o ng
awtput ng interbyu.
6.13. Ang Sarbey-Kwestyoneyr
Ang sarbey ay isang malawakang paraan sa pagkuha ng mga datos o
impormasyon sa isang deskriptibong pananaliksik.Madalas itong gamitin sa
pagsusuri ng kalagayan ng lipunan,politika at edukasyon.
Sa madaling sabi ang kwestyoneyr ay isang set ng mga tanong na kapag
nasagutan ng maayos ang kailangang bilang ng piniling respondent ay magbibigay
ng mga impormasyonng kaylangan upang makumpleto ang isang pananaliksik.
6.14. Mga Adbentahe at Disadbantahe ng Kwestyoneyr
Mga Adbentahe:
• Ang kwestyoneyr ay madaling gawin
• Distribusyon nito ay madali at hindi magastos
• Sagot ng mga respondante ay madaling itabyuleyt
• Higit na akyureyt ang mga sagot ng respondent.
Mga Disadbentahe:
• Hindi ito maaaring sagutan ng mga hindi marunong bumasa at sumulat o mga
ilitereyt
• Maaring hindi maintindihan ng respondent ang ilang katanungan sa kwestyoneyr.

6.15. Mga Tagubilin sa Paggawa ng Kwestyoneyr


Upang matiyak ang tagumpay sa pangangalap ng mga datos at
impormasyon sa pagsasarbey, iminumungkahing isaalang-alang at tupdin ang mga
sumusunod na tagubilin sa paggawa ng kwestyoneyr:
a. Simulan ito sa isang talatang magpapakilala sa mananaliksik, layunin ng
pagsasarbey, kahalagahan nang matapat at akyureyt na sagot ng mga
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

respondente, takdang-araw na inaasahang maibabalik sa mananaliksik ang


nasagutang kwestyuneyr, garantiya ng anonimiti, pagsasalamat at iba pang
makatutulong sa paghihikayat sa respondente ng kooperasyon.
b. Tiyaking malinaw ang lahat ng panuto o direksyon.
c. Tiyaking tama ang gramar ng lahat ng pahayag sa kwestyoneyr.
d. Iwasan ang mga may-pagkiling na katanungan.
e. Itala ang lahat ng posibleng sagot bilang mga pagpipilian.
f. Tiyaking nauugnay ang lahat ng tanong sa paksa ng pananaliksik.
g. Iayos ang mga tanong sa lohikal na pagkakasunud-sunod.
h. Iwasan ang mga tanong na mangangailangan ng mga kumpidensyal na sagot
o mga nakakahiyang impormasyon.
i. Ipaliwanag at bigyang-halimbawa ang mga mahihirap na tanong.
j. Iayos ang mga espasyong pagsasagutan sa isang hanay lamang.
Iminumungkahing ilagay iyon sa kaliwa ng mga pagpipilian.
k. Panatilihing anonimus ang mga respondente.
7. Dokumentasyon Istilong Parentetikal
7.1. Kahalagahan at Tungkulin ng Dokumentasyon
Dokumentasyon ay gumaganap ng mahalagang tungkulin sa isang papel-
pampananaliksik. Bukod sa manipestasyon ito ng katapatan ng isang mananaliksik,
nagbibigay ito ng kredibilidad sa mga datos o impormasyon na kanyang ginamit.
Lubhang mapanganib para sa isang mananaliksik ang pagbabale-wala
sa halaga at tungkulin ng dokumentasyon. Ang hindi pagkilala sa pinagmulan ng
mga hiram na ideya ay isang uri ng pagnanakaw ng intelektwal na pag-aari ng iba
sa larangan ng pananaliksik.

7.2. Istilong A.P.A


Dati-rati, footnoting o paggamit ng talababa ang pinakagamiting paraan ng
dokumentasyon ng mga mananaliksik. Sa ngayon, mas pinipili na ng marami ang
paraang iminungkahi ng American Psychological Association o Modern Language
Association. Ito ang tinatawag na talang-parentetikal na higit na simple at
madaling gawin kaysa footnote.
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

7.3. Presentasyon ng mga Datos


Tekstwal na Presentasyon
Ito ay gumagamit ng mga patalatang pahayag upang ilarawan ang mga
datos. Ang layunin nito ay upang maipokus ang atensyon sa ilang mahahalagang
datos at upang magsilbing supplement ng presentasyong tabular o grapikal.
Ang kaisahan ay nangangahulogang pagkakaroon ng isang ideya sa loob ng
talata. Ang kohirens ay tumutokoy sa pagkakaugnay-ugnay ng mga bahagi sa
loob ng isang talataan. Ang emphasis naman ay tumutukoy sa pagbibigay angkop
at sapat na diin sa datos na nangangailangan niyon.

7.4. Tabular na Presentasyon


Ang tabular na presentasyon, ang ginagamit ay isang istatistikal na
talahanayan. Sa presentasyong ito, ang mga magkakaugnay na datos ay inaayos
ng sistematiko. Ang bawat numerical na datos ay tinatala sa ilalim ng isang kolum
at katapat ng isang hanay upang ipakita ang ugnayan ng mga iyson sa tiyak,
kompak at nauunawaang anyo.

7.5. Grapikal na Presentasyon


Ang grap ay isang biswal na presentasyong kumakatawan sa kwantiteytib na
barsasyon o pagbabago ng isang baryabol, o kwantiteytib na comparison ng
pagbabago ng isang baryabol sa iba pang baryabolo mga baryabol sa anyong
palarawan o diagramatik (Ccalderon at Gonzales, 1993).
Ang mga pinakamagiting grap sa pananaliksik ay ang mga sumusunod: layn grap,
bilog nag rap, bar grap at piktograp.
• Ang lyn grap ay ginagamit upang ipakita ang mga pagbabago ng baryabol.
Epektibo ito upang ilantad ang trend (kung mayroon) o pataas, pagdami o
pagsulong (o angkabaliktaranng mga ito) ng isang tiyak na baryabol.
• Ang bilog na grap ay tinatawag ding circle o pie graph. Ginagamit ito upang
ipakita ang ditribusyon, pagaahati-hati o dibisyon, proporsyon,alokasyon, bahagi
o praksyon ng isang kabuuan. Ang kabuuang hinati-hati ay maaaring katawanin
ng isang sempling bilog o di aya’y ng multidimensyunal na bilog na kahawig ng
isang pie.
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

• Ang bar grap naman ay epiktibo na gamitin upang ipakita ang sukat, halaga o
dami ng isa o higit pang baryabol sa pamamagitan ng baha ng bar. Maari itong
gawing patayo o pahiga.
• Ang piktograp, ang presentasyon ay sa pamamagitan ng larawang kumakatawan
sa isang baryabol.

7.6. Huling Tagubilin


Sa pananaliksik, kailangan sikaping maging malinaw at akyureyt ang
presentasyon ng mga datos na nakalap. Samakatuwid, kailangang gamitin ang
kumbinasyon ng tekstwal na presentasyon at ng tabular o grapikal na
presentasyon. Tandaan lamang na kailangan maging konsistent ang mga datos na
inilalahad sa teksto at talahanayan o grap.

7.7. Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon


Lagom
a. Simulan ang lagom sa isang maikling pahayag tungkol sa pangunahing layunin ng
pag-aaral, mga responde, saklaw, limitasyon at panahon ng pag-aaral,
pamamaraan at instrumentong ginamit sa pangangalap ng mga datos at
impormasyon at ang disenyo ng pananaliksik. Hindi na kailangan ng anumang
eksplanasyon o pagpapalawig.
b. Ilahad ang lagom sa paraang tekstwal at numerikal sa pamamagitan ng
pagbubuod ng mga importanteng datos.
c. Huwag gumawa ng mga deduction, inference at interpretasyon sa lagom dahil
mauulit lamang ang mga iyon sa kongklusyon.
d. Ang mga importanteng tuklas at haylayt ng mga datos and dapat banggitin sa
lagom, lalung-lalo na iyong mga pinagbatayan ng mga kongklusyon.
e. Ang mga datos ay hindi dapat ipaliwanag pang huli.
f. Gawing maiikli at tuwiran ang mga pahayag at lago.
g. Huwag magdaragdag ng mga bagong datos o impormasyon sa lagom.
Kongklusyon
a. lahat ng kungklusyon ay dapat ibatay sa lohika ng mga datos at impormasyon
nakalap.
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

b. Dapat masugot nang tumpak at maayos ang mga katunungang tinukoy sa


Layunin ng Pag-aaral.Mawalan ng kabuluhan ang pananaliksik kung ang mga
katunugang iyon ay hindi malalapatan ng mga kasagutan sa kongklusyon.
c. Dapat matukoy sa kong ang mga pakwal na napag-alaman sa inkwiri.
d. Huwag bumubuo ng kongklusyon batay sa mga implad o inderektang epekto
ng mgadatos o impormasyon nakalap.
e. Gawain maiikli at tuwiran ang mga kongklusyon ,ngunit tandaang kailangang
maihayag ang mga kailangang ipormasyon resulta ng pag aaral na hinihinge ng
mga tiyak o ispsipeik na taning sa Layunin ng pag aaral .
f. Maging tiyak sa paglalahad ng mga kongusyon. Hindi dapat ipahiwatig ng mga
mananaliksik na silay may pagdududa o aling langan sa alidity at reliability ng
kanilang .Kailangan kung gayon ang mga slitang nagpapahayag ng walng –
katiyakan tulad ng siguro ,marahil,baka,at iba pa.
g. Ilimita ang mga kongklusyon sa paksa, salaw at panahon ng pag aaral.
h. Ang mga kongklusyon ay hindi dapat repetasyon lamang ng mga pahayag ng
ibng bahagi ng pamamahong papel .Samakatuwid ,ang isang diwang una nang
nabangit sa ibang bahagi ay kailangang maipahayag sa ibang kaparaanan sa
kongklusyon.

Rekomendasyon
• Ito ay naglalayong lutasin ang mga suliraning natuklasan sa imbestigasyon
• Huwag magrekomenda ng mga solusyon sa anumang suliraning hindi naman
natuklasan o natalakay sa pagaaral
• Dapat maging balid at lohikal ang bawat rekomendasyon
• Dapat ipatungkol ang bawat rekomendasyon sa bawat indibidwal.
• Kung may mabuting magay na natuklasan, dapat itong irekomenda.

7.8. Listahan ng mga Sanggunian


Tungkulin
Mahalaga ang listahan ng sanggunian sa isang pamanahong-papel. Ito ay
gumaganap sa mga sumusunod na tungkulin:
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

a. Nagpapahalaga at nagbibigay ng kredit sa mga pinaghanguan ng mga ideya,


ilustrasyon, mga pahayag na hiniram o mga materyales na hinalaw.

b. Nagpapakita ng pagkilalasa mga taong pinaghanguan ng mga kaalaman.


c. Nagbibigay ng mga karagdagang impormasyon para sa mambabasa na
nagnanais na palawakin pa ang isang pananaliksik, at.
d. Nagbibigay ng oportunidad sa mga mambabasa na alamin kung may
katotohanan ang mga nakalap na impormasyon ng isang mananaliksik, at
e. Nagbibigay ito ng kredibilidad sa pananaliksik na isinasagawa
Ang mga entris ng sanggunian ay kailangang maging kumpleto sa
kapakanan ng iba pang mananaliksik na maaring nagbabalak na sumangguni rin
sa mga sangguniang nakatala roon. Kung gayon, kailangang matukoy sa listahan
ng sanggunian ang mga sumusunod na batayang impormasyon.
a. awtor o mga awtor
b. Pamagat
c. Lugar ng publikasyon
d. pablisher/tagalimbag
e. petsa/taon ng publikasyon/pagkakalimbag
f. editor, tagasalin, konsultant, compiler (kung mayroon)

7.9. Tagubilin
Si Burgess (1995)ay nagtala ng mga tagubilin sa paggawa ng listahan
ng sanggunian sa akda niyang A Guide for Research Paper, A.P.A. Style na
matatagpuan sa http://webster.commet.edu/apa/apa htm#content2. Pinili
naming ang ilan niyang tagubilin sa paglilista ng iba’t ibang uri ng sangguniang
madalas na gamitin sa kasalukuyan. Pansinin ang mga sumusunod na tagubilin na
pinilit naming gawaing simple at ang mga halimbawang nasa loob ng mga kahon.

Aklat na may isang Awtor


• Simulan sa apelyido ng awtor, sundan ng kuwit at inisyal ng awtor ( o buong
pangalan kung abeylabol ang datos na iyon), at tuldukan.
• Sunod ang taon ng publikasyon. Tuldukan.
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

• Isunod ang pamagat ng aklat. Tanging ang unang salita ang nagsisimula sa
malaking titik at ang mga pangngalang pantangi at subtitle na karaniwang
sumusunod sa tutuldok. Tuldukan ang huling salita ng pamagat.
• Isunod ang lugar ng publikasyon at ang pablisher. Paghiwalayin ang dalawa ng
tutuldok. Tapusin ang entri sa isang tuldok
HALIMBAWA: Aguino, B. 1990. The taming of the millionaire. New York: Random
House. Bernales, Rolando A. 1995. Bukal 3: Pagbasa. San Mateo, Rizal:
VicentePublishing House, Inc.
Aklat na may isa o higit pang awtor
• Simulan sa apelyido ng unang awtor, kuwit at inisyal o pangalan (kung abeylabol).
Huwag babaguhin ang pagkakasunod-sunod ng mga awtor na nakatala sa aklat.
• Isunod ang apelyido ng (mga) ko-awtor. Tularan ang pormat ng unang awtor.
Paghiwalayin ang mga pangalan ng awtor ng kuwit, maliban kung dalawa lamang
ang awtor at bago ang huling awtor na ginagamitan ng ampersand (&).
• Sundin ang tuntunin a.2, a.3 at a.4.

7.10. Pagsulat ng Pinal na Sipi


Ang Kultura sa Pananaliksik
• Napakahalaga ng pamanahong papel ang nilalaman o ang mga ideyang ipinaabot
niyon sa mga mambabasa. Ngunit kasinghalaga niyon ang matuto at masanay ang
mananaliksik sa wasto at mabisang representasyon nito, ang wastong pormat,
margin, indensyon at iba pa. Bahagi ito ng disiplina ng isang mananaliksik.
Sinasalamin kasi nito ang kanyang kultura sa pananaliksik at sino sa paggawa.

Papel makinilya/kompyuter, Printer at Correction fluid


• Ang sukat ng papel ay 8 1/2 × 11 o ang kinasanayang nating tawaging short bond
paper. Gumagamit ng may katamtamang kapal, maaaring substance 20-26.
Huwag gumamit ng napakanipis na papel.
• Hanggat maaari, gumamit ng kompyuter sa halip na tayprayter dahil sa mga
features nitong nakakatulong sa mga mananaliksik sa pagpapadali sa pagsulat ng
pamanahong-papel.
• Ang kompyuter printer naman ang gagamitin, makakabuti nang ang gamitin ay
inkjet o laser. Mas mabilis ito,mas malinaw at opisyente. Ngunit kung dotmatix pa
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

rin ang gagamitin, iminumungkahing nylon cloth ang gamiting ribon sa halip na
carbon at cotton cloth.
• Ang correction fluid naman ay angkop na gamitin sa makinilyang kopya ngunit
hindi dapat abusuhin ang gamit nito. Kadalasang mas makakabuting
Margin, Spacing at Centering
• Ang tamang margin ay sa isa at kalahating pulgada sa kaliwa at isang pulgada sa
kanan, sa itaas at baba.Ang dahilan nito ay para sa binding lalo na kung gagamit
ng plastic slide o hardbound.
Font
• Ang isang ikinalalamang ng feature ng kompyuter sa makinilya ay ang bersatiliti
ng font nito. Ngunit sa pagsulat ng pamanahong papel gamit ang kompyuter,
kailangangpumili ng simpleng tipo ng font tulad ng Times New Roman o Arial..
• Huwag ding gagamitin ng labis na maliit o malaking tipo. Pinakaideyal na
ang font na may sukat 11labindalawa 912).
• Ang paghahaylayt o bold facing naman ng font ay kailangang gamitin
lamang kung kailankailangan. Ang mga bilang ng kabanata, titles at
subtitles ng katawan ng pamanahong-papel ay kailangang i-bold.
• Sa mantala, ang italics na font ay kailangan naming gamitin sa mga
dayuhang salitang binaybay sa orihinal na ispeling at ginamit sa loob ng
isang tekstong Filpino. Maari rin itong gawing sabstityut sa panipi (“ “),
halimbawa sa mga siniping pahayag, mga banggit na pahayag at ang mga
pamagat ng akdang binabanggit sa loob ng teksto ng pamanahong-papel.
Kapitalisasyon, Abrebiyeysyon Pagsulat ng Bilang
Ang tuntunin ng gramatika sa paggamit ng malaking titik ay kailangang
istriktong masusunod sa pagsulat ng pamanahong papel tulad ng sa simula ng
mga pangungusapm opanggalang pantangi, mga dinaglat na titulo, mga titulong
oantawag tulad ng mang, aling,padre at iba pa.Ang tanging eksepsyon sa mga
tuntuning ito ay pamagat bilang at pamagat ng bawat kabanata sa katawan ng
pamanahong papel na isinusulat ng buo sa malaking titik (all caps).

Bilang ng Pahina
Ito ay kailangang ilagay sa itaas, gawing kanan o upper right hand corner ng
papel. Ang pahina ay nagsisimula sa katawan ng pamanahong papel o sa kabanata
1 hanggang sa mga huling pahina nito. Hindi na nilalagyan ng bilang ng pahina
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

ang fly leaf, pamagating pahina, dahoon ng pagpapatibay, pasasalamat, listahan


ng mga talahanayan at grap.
Pagbabantas
Kailangang sundin ang alituntuning pangramatika sa
pagbabantas.Makatutulong kung muling sasangguni sa mga aklat na tumatalakay
sa gamit ng mga bantas. Sa komunikasyon sa makabagong panahon, tinalakay
nina Bernales et al. (2002) ang paksang ito.
Proofreading at Editing
Karaniwang hindi maiiwasan ang mga pagkakamali sa pagsusulat.
Maaring ito ay pagkakamali sa gramatika,ispeling,pagbabantas o sa pagsipi ng
datos.Maaari ring ang pagkakamli ay tipograpikal o pagkakamli sa pag-eenkowd
sa kompyuter lalo na kung ibang tao ang nag-enkowd o nagtayp ng teksto.Kung
gayon,mahalaga ang hakbang na proofreading sa pagsulat ng pamanahong papel.
Sa hakbang na ito, muling pinapasadahan ang teksto upang salain
at iwasto ang anumang pagkakamali sa teksto.isa itong mahalagang tungkulin nng
mananaliksik bago ipasa ang pinal na kopya ng kanyang pamanahong papel.
May mga pagkakataong ang mga mananaliksik na hindi gaanong
maalam sa gramatika o hindi nakakatiyak sa kawastuhan ng kanyang presentasyon
ay kumukuha at nagbabayad pa ng editor, ngunit ang Gawain niyo’y kailangang
ilimita lamang sa gawaing pag-eedit ng mga pagkakamali sa teksto.
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

PAGSASANAY 5

Pangalan: _____________________________ Kurso/Taon &Seksyon: __________

Petsa: ___________ Marka: ________________

PANUTO: Gumawa ng concept map at magbigay ng limang salita na may kaugnayan sa


pananaliksik. Ipaliwanag ito sa 10 pangungusap.

Pagpapaliwanag:______________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

PAGSASANAY 6

Pangalan: _____________________________ Kurso/Taon &Seksyon: __________

Petsa: ___________ Marka: ________________

PANUTO: Bumalangkas ng makabuluhang pamagat ng pananaliksik at ipaliwanag kung bakit ito


ang iyong napili.

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Pamagat ng Pananaliksik

Pagpapaliwanag:______________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

PAGSASANAY 7

Pangalan: _____________________________ Kurso/Taon &Seksyon: __________

Petsa: ___________ Marka: ________________

PANUTO: Mag-isip ng suliranin na maaaring bigyan ng sagot at mga tanong na maaaring


talakayin tungkol sa paksa. Punan ang talahanayan sa ibaba ng mga sagot.

Paksa:_______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Suliranin tungkol sa paksa na nais sagutin:


_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

Mga tanong na sisiyasat sa paksa at suliranin ng iyong napili:

1.__________________________________________________________________

2.__________________________________________________________________

3.__________________________________________________________________

Ipaliwanag ang iyong layunin upang malutas ang suliranin

_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________

-Nuncio, et. al. (Sidhaya 12 Pagbasa at Pagsulat tungo sa


Pananaliksik)
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

PAGSASANAY 8

Pangalan: _____________________________ Kurso/Taon &Seksyon: __________

Petsa: ___________ Marka: ________________

PANUTO: Pumili at gumawa ng isang grapikong presentasyon. Batay sa mga datos sa ibaba
gawan ito ng sariling interpretasyon at ipaliwanag ito.

2020-2021- 69%

2020-2019- 89%

2019-2018- 79%

2018-2017- 95%

2017-2016- 55%
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

MGA SANGGUNIAN

Tumangan, Alcomtiser P. Sr. et. al., .2016. Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik
(Filipino 2). Pateros Metro Manila: Grandbooks Publishing Inc.

Bernales, Rolando A. et. al., .2008. Pagbasa, pagsulat, pananaliksik: Batayan at


sanayang-aklat sa Filipino 2 antas-tersarya. Valenzuela City: Mutya Publishing House ,
Inc.

Aguinaldo, Milagros.2002. Simplified approach to thesis writing. Quezon City: MMA


Publication.

Research Capability Building Workshop.2001. Makti City: AMA Educational System.

Villanueva, Avida S. 2001. PSERE journal (Vol. 3, No. 1) Manila PSERE centro Escolar
University

Badayos, Paquito B. 2000. Filipino sa ibat-ibang disiplina. Makati City: Grand Water
Publications and Research Corporation.

Atienza, Glecy, Constantino, Pamela, Maceda, Teresita and Zafra, Galeleo. 1998.
Teksbuk ng komunikasyon II. Quezon City. UP Diliman: Sentro ng Wikang Filipino.

Aquino, Gaudencio B.1974. Elements of research and thesis writng. Quezon City:
Alemars Pheonix Publishing House.

Casambre, Jose F. and Gonzales, Expectation C.1973. Methods of research and thesis
writing. Valenzeula City: National Book Store.

Burgess, Patricia.1995. A guide for research paper. APA Style.

Campbell, William Giles.1969. Form and style in thesis writing. Bosto: Houghton Mifflin
Company.

Good, Carter B. 1963. Introduction of educational research New York:


MeredithPublishing Comapany Inc.

UP-Sentro ng Wikang Filipino: Up diksyonaryong Filipino, Quezon City: April Publishing


Inc.
Lektyur Notes: FILIPINO 2 (Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik)

COURSE INSTRUCTOR

Si G. Rey Dalida Peñaroyo ay isang Instructor 1 sa Aklan State University-New


Washington-Campus. Siya ay nakapagtapos ng kanyang pag-aaral sa Aklan State
University-College of Fisheries and Marine Sciences sa kursong Batsilyer sa Edukasyong
Pansekundarya Medyor sa Filipino at kasalukuyang nag-aaral ng Master of Arts in
Teaching Filipino sa Filamer Christian University-Lungsod ng Roxas. Siya ngayon ay
nagtuturo ng asignaturang Filipino sa nasabing Unibersidad. Siya ay dating C0-Adviser ng
SASSC at AB Circle ng Aklan State University-School of Arts and Sciences-Banga, Aklan.

You might also like