You are on page 1of 45

Modyul 1:

Kaalaman sa
Pananaliksik

1
Aralin 1: Kahulugan ng
Pananaliksik

Layunin sa Pagkatuto

Matapos ang araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

 Natutukoy ang iba’t ibang kahulugan ng pananaliksik ayon sa mga eksperto.

 Nailalahad ang kahalagahan ng pananaliksik para sa isang lipunan.

 Nakapagtatala ng mga hamon na karaniwang kinahaharap sa isang pananaliksik

at nakapagmumungkahi ng mga posibleng solusyon.

2
Pagtalakay sa Aralin

Kahulugan ng Pananaliksik

Sinasabing isinilang ang gawaing pananaliksik nang magsimulang magtanong


ang mga sinaunang mga tao hinggil sa mga bagay-bagay at nang magsimulang
maghanap ng mga kasagutan ang tao sa mga katanungang gumugulo sa kanilang
kaisipan. Halimbawa na lamang nang paniniwalang ang mundo ay lapad at sa dulo nito
ay isang napakalaking bangin na maaaring mahulog ang tao. Nang dahil sa kuryosidad
na ito ay sinikap ng tao na magsagawa ng ekspedisyon at natuklasan nila na ang
mundo ay bilog. Sinasabi ring nagsimula lamang ang tunay na makabagong gawi sa
pananaliksik dahil kay Galileo Galilei noong mga 1500.

Maraming manunulat at mga eksperto ang nagbigay ng iba’t ibang interpretasyon


at pagpapakahulugan sa pananaliksik. Narito ang ilang kahulugan ng pananaliksik.

Ayon kay Santiago (1987), ang pananaliksik ay pagtuklas at paglinang ng mga


bagong kaalaman, pagbibiripika, pagpapalawak o pagmomodipika ng dati nang mga
kaalaman para sa kapakinabangan ng tao.

Ayon kina Arrogante, et.al. (2007) sa aklat na Pagbasa at Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik, ang pananaliksik ay isang dokumentadong sanaysay pang-akademya.
Iskolarli itong ipepresenta dahil pinag-aaralan ang pormat at nilalaman. Matalino at
maingat itong isinusulat sapagkat pinaghahandaan, pinag-iisipan, pinaplano,
pinakaiisip ang paksa, pinakahahanap ang mga material, at masikhay na pagbabasa
at malikhaing pagsusulat.

3
Ayon kay Consuelo Sevilla (2001:1), ang pananaliksik ay isang paraan ng
pagpapaliwanag ng isang teorya, pagbuo ng teorya o paglutas ng suliranin.

Ayon kay Kerlinger, (binanggit ni Espritu, 2000:1), ito ay isang sistematiko,


kontrolado, emperikal, at kritikal na pagsisiyasat ng mga proposisyong haypotetikal
tungkol sa relasyon ng mga pangyayari.

Sina Atienza at iba pa (1996) ng Unibersidad ng Pilipinas ay bumuo ng isang


praktikal na depinisyon ng pananaliksik. Ayon sa kanila, ang pananaliksik ay ang
matiyaga, maingat, sistematiko, mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral
tungkol sa isang bagay, konsepto, kagawian, isyu o aspekto ng kultura at lipunan.

Ayon kay De Guzman (2005) ang pananaliksik ay ang proseso ng paghanap ng


mga totoong impormasyon na humahantong sa kaalaman. Isinasagawa ito sa
pamamagitan ng paggamit ng kung ano ang nalalaman o napag-alaman na.
Matatanggap ang karagdagang kaalaman sa pamamagitan ng pagpapatunay (o ng
hindi-pagpapatotoo) ng mga panukala (teorya) o mga pamamaraan (o sistema), at sa
pagsubok sa mas mainam na pagpapaliwanag ng mga napapansin o obserbasyon.
Isang prosesong mapagsuri, sistematiko o maparaan, organisado o nakaayos, at
walang-kinikilingan (obhetibo). Nararapat na masagot ng prosesong ito ang isang
katanungan o hipotesis. Sa ganitong paraan, dapat itong nakapagpapataas o
nakapagdaragdag ng kaalaman hinggil sa isang hindi nakikilalang bagay na ibig
mapag-alaman pa ng mga mamamayan.

Bilang kongklusyon, ang pananaliksik batay sa ibinigay na iba’t ibang kahulugan,


ito ay isang sistematiko at siyentipikong proseso ng pangangalap, pagsusuri, pag-
aayos, pag-oorganisa at pagpapakahulugan ng mga datos tungo sa paglutas ng
suliranin, pagpapatotoo ng prediksyon at pagpapatunay sa imbensyong nagawa ng
tao.

4
Gawain -A

Sa tulong ng grapikong paglalarawan na nasa ibaba, Ibigay ang kahulugan ng


pananaliksik ayon sa iba’t ibang manunulat.

5
Gawain-B

Ibahagi ang mga hamon na kadalasang kinakaharap ng mananaliksik sa


pagsasagawa ng pananaliksik at ang mga maaaring solusyon dito. Bigyang pansin din
ang hamon sa mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino sa pananaliksik.

6
Gawaing Digital
Pumunta sa mga link na nasa ibaba at sagutin ang mga sumusunod na tanong
gamit ang argumentation frame ni Dean et al (2012)
 http://www.pssp.org.ph/diwa/wp-content/uploads/2014/11/03.3- Rebyu-
Galano.pdf
 https://www.studocu.com/ph/document/holyangeluniversity/psychology/
angeluniversity/psychology/lecture-notes/sikolohiyang-pilipino makapilipinong
pananaliksik/6027374/viewmakapilipinong pananaliksik/6027374/view

1. Ano ang binibigyang pansin ng mga impormasyon?

______________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga katibayang nagbibigay-daan sa mga argumentong


binibigyang diin?

______________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________

3. Ano ang mga halimbawa o paliwanag ang sumusuporta sa argumento?

______________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________

4. Ano-ano ang mga naglilimita o hadlang sa pagpapatibay sa inihaing


argumento?

______________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________________

7
Pagtataya #1

Panuto: Tukuyin kung sino ang angpahayag ng mga sumusunod. Isulat sa


patlang ang tamang sagot.

_________________ 1. Iskolarli itong ipepresenta dahil pinag-aaralan ang pormat at


nilalaman.

_________________ 2. Ang pananaliksik ay ang matiyaga, maingat, sistematiko,


mapanuri at kritikal na pagsisiyasat o pag-aaral tungkol sa isang bagay,
konsepto, kagawian, isyu o aspekto ng kultura at lipunan.

_________________ 3. Ang pananaliksik ay isang paraan ng pagpapaliwanag ng isang


teorya, pagbuo ng teorya o paglutas ng suliranin.

_________________ 4. Ito ay isang sistematiko, kontrolado, emperikal, at kritikal na


pagsisiyasat ng mga proposisyong haypotetikal tungkol sa relasyon ng mga
pangyayari.

_________________ 5. Ang pananaliksik ay ang proseso ng paghanap ng mga totoong


impormasyon na humahantong sa kaalaman.

8
Takdang Aralin
Magsaliksik tungkol sa mga katangiang dapat taglayin ng isang

pananaliksik. Gawing gabay ang grapiko sa ibaba.

Sanggunian
 http://www.pssp.org.ph/diwa/wp-content/uploads/
2014/11/03.3-Rebyu-Galano.pdf

 https://www.studocu.com/ph/document/holy-angel
university/psychology/lecture-notes/sikolohiyang-
pilipino-tungo-sa
makapilipinong-pananaliksik/6027374/view

 Corpuz, B. at Salandanan, G. (2015). Principles of


Teaching (with TLE) 2.Quezon City: Lorimar Publishing
House

9
Aralin 2: Mga Katangiang Dapat
Taglayin sa Pagbuo ng Pananaliksik

Layunin sa Pagkatuto

Matapos ang araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

 Naiisa-isa ang mga katangiang dapat taglayin sa pagbuo ng pananaliksik.

 Nahihinuha ang maaaring kalabasan ng pananaliksik na hindi nagtataglay

ng mga katangiang ito.

 Nakapagsasaliksik ng iba pang katangian na dapat taglayin sa pagbuo ng

pananaliksik.

10
Pagtalakay sa Aralin

1. Ang Pananaliksik ay Sistematiko. Ito’y sumusunod sa maayos at


makabuluhang proseso na nagbubunsod sa pagtuklas ng katotohanan,
solusyon sa suliranin o anuman na naglalayong matuklasan ang bagay na
hinahanapang ng kasagutan.

2. Ang Pananaliksik ay Kontrolado. Ito’y hindi isang ordinaryong problema


na madaling lutasin. Pinaplano itong mabuti at ang bawat hakbang ay
pinag-iisipan kaya hindi pwedeng manghula sa resulta ng pag-aaral na
isinasagawa. Ang napiling suliranin ay binibigyan ng pagpapaliwanag,
kinikilala at pinipili ang mga baryabol. Pinili ang instrumentong gagamitin
sa pananaliksik at hinahanap ang kongklusyon mula sa nakuhang datos.
Sa kabilang banda, nakasalalay sa resulta at kongklusyon ang mga
rekomendasyon ng isinasagawang pag-aaral.

3. Ang Pananaliksik ay Emperikal. Ipinakikita rito na kapag ang lahat ng


mga datos ay kumpleto na, ang mga ebidensiya ay handa na upang
mapatunayan o mapasinungalingan ang binuong hipotesis sa umpisa pa
lamang ng pagsisiyasat. Ang mga emperikal na datos na ito ay magsisilbing
batayan sa pagbuo ng kungklusyon

4. Ang Pananaliksik ay Pagsusuri. Ito’y masusing pag-aaral sa mga datos na


kwantitatibo at kwalitatibo. Sinasabing kwantitatibo kapag ang pagsusuri
ay nakatuon sa pagkalkula ng mga bilang na ginagamit samantalang ang
kwalitatibo ay tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay ng kuro-kuro o
interpretasyon. Dito makikita ang kritikal na pagsusuri sa mga
dokumentong nakuha na magiging batayan sa pagbibigay ng kongklusyon.

11
5. Ang Pananaliksik ay Pagsusuri. Ito’y masusing pag-aaral sa mga datos na
kwantitatibo at kwalitatibo. Sinasabing kwantitatibo kapag ang pagsusuri
ay nakatuon sa pagkalkula ng mga bilang na ginagamit samantalang ang
kwalitatibo ay tumutukoy sa malinaw at tiyak na pagbibigay ng kuro-kuro
o interpretasyon. Dito makikita ang kritikal na pagsusuri sa mga
dokumentong nakuha na magiging batayan sa pagbibigay ng kongklusyon.

6. Ang Pananaliksik ay Obhetibo, Walang Kinikilingan at Lohikal.


Ipinapakita sa pahayag na ito na anumang resulta ng pag-aaral ay may
sapat na batayan at hindi salig sa sariling opinion ng mananaliksik. Isa pa,
ang mananaliksik ay dapat na walang pinapanigan o kinakampihan at
dapat itala ang anumang maging resulta ng anumang maging resulta ng
pag-aaral. Isang pagkakamaling matatawag ang pagmamanipula sa resulta
ng anumang pag-aaral kaya dapat sikapin ng mananaliksik na maging
obhetibo.

7. Ang Pananaliksik ay Ginagamitan ng Hipotesis. Ayon kay Gay (1976),


ang hipotesis ay pansamatala o temporaryong pagpapaliwanag sa isang
tiyak na kaasalan, bagay na hindi pangkaraniwan, pangyayaring naganap
na magaganap pa lamang. Ang hipotesis ay tumutukoy sa tiyak na
nagpapahayag ng suliranin sa isasagawang pag-aaral.

12
Gawain -A

Panuto: Ilahad ang sariling pagkakaunawa tungkol sa mga katangian na dapat

taglayin sa pagbuo ng pananaliksik.

Sistematiko

Kontrolado

Imperikal

Pagsusuri

Obhetibo, Walang Kinikilingan

Ginagamitan ng Hipotesis

13
Gawaing Digital
Panuto: Itala ang mga dagdag na katangiang dapat taglayin sa pagbuo ng pananaliksik
batay sa inilalahad ng presentasyon sa link na ito:
https://prezi.com/tfzesovbsexy/mga-dapat-katangiang-dapat-taglayin-ng-isang-
mananaliksik/

 _________________________________________________________

 _________________________________________________________

 _________________________________________________________

 _________________________________________________________

 _________________________________________________________

 _________________________________________________________

 _________________________________________________________

14
Pagtataya #1
Panuto: Tukuyin ang katangian na inilalarawan ng bawat bilang sa ibaba. Gamitin
ang mga word clues na ginamit sa Gawain A sa pagsasagot.

_________________ 1. Ang mga ebidensiya ay handa na upang mapatunayan o


mapasinungalingan ang binuong hipotesis sa umpisa pa lamang ng pagsisiyasat.
_________________ 2. Ito’y masusing pag-aaral sa mga datos na kwantitatibo at
kwalitatibo.
_________________ 3. Nagbubunsod sa pagtuklas ng katotohanan, solusyon sa
suliranin na naglalayong matuklasan ang bagay na hinahanapang ng kasagutan.

_________________ 4. Ipinapakita sa pahayag na ito na anumang resulta ng pag-aaral


ay may sapat na batayan at hindi salig sa sariling opinion ng mananaliksik.
_________________ 5. Isang pagkakamaling matatawag ang pagmamanipula sa
resulta ng anumang pag-aaral kaya dapat sikapin ng mananaliksik na maging
obhetibo.

_________________ 6. Ang napiling suliranin ay binibigyan ng pagpapaliwanag,


kinikilala at pinipili ang mga baryabol. Pinili ang instrumentong gagamitin.
_________________ 7. Tumutukoy sa tiyak na nagpapahayag ng suliranin sa
isasagawang pag-aaral.

_________________ 8. Ito’y sumusunod sa maayos at makabuluhang proseso.

_________________ 9. Dito makikita ang kritikal na pagsusuri sa mga dokumentong


nakuha na magiging batayan sa pagbibigay ng kongklusyon.

_________________ 10. Pinaplano itong mabuti at ang bawat hakbang ay pinag-iisipan


kaya hindi pwedeng manghula sa resulta ng pag-aaral na isinasagawa.

15
Pagtataya #2
Ano ang maaaring maging epekto kung hindi matataglay ng pananaliksik ang mga
katangiang itO?

16
Takdang Aralin
Bumuo ng isang sariling likhang kahulugan ng pananaliksik at ilakip dito ang

mga nasaliksik at natalakay na katangiang dapat taglayin sa pagbuo ng isang

pananaliksik.

Sanggunian

17
Aralin 3: Tungkulin at
Responsibilidad ng
Mananaliksik

Layunin sa Pagkatuto

 Naipaliliwanag ang bawat katangiang dapat taglayin ng isang mananaliksik.

 Nakapagsasaliksik ng iba pang katangiang dapat taglayin ng isang

mananaliksik.

 Nalalagom ang mga responsibilidad ng isang mananaliksik gamit ang isang

akrostik.

18
Pagtalakay sa Aralin

Katangian ng Isang Mananaliksik

Ang isang mananaliksik ay:

1. Masigasig;

2. Masinop;

3. Masistema;

4. Mapamaraan;

5. Magaling magsiyasat; at

6. May pananagutan.

Responsabilidad ng Isang Mananaliksik

1. Huwag mangopya ng mga impormasyong gagamitin sa sulating


pananaliksik. May batas tayo na nagpaparusa sa tuwirang pangongopya ng
impormasyon na hindi kinikilala ang tunay na sumulat nito. Tinatawag na
plagiarism ang tuwirang pangongopya ng mga impormasyon. Ayon kay Atienza at
iba pa, ang plagiarism ay:

a. Tuwirang paggamit ng orihinal na termino o salita na hindi ginamitan ng


bantas na panipi at hindi binanggit ang pinaghanguan;

b. Panghihiram ng mga ideya o pangungusap at pinalitan lamang ang


pagkakapahayag ngunit hindi kinikilala ang pinaghanguan;

c. Pamumulot ng mga ideya mula sa iba’t ibang mananaliksik o manunulat at


pinagsama-sama lamang ang mga ito subalit hindi itinala ang pinaghanguang
datos;kin na siya ang naghagilap ng mga datos na ito.

19
d. Pagsasalin ng mga termino na nasa ibang wika na inangkin at hindi itinala
na salin ang mga ito; at

e. Pagnanakaw ng bahagi ng isang disenyo, banghay, himig nang hindi


kinikilala ang pinagbatayan ng ibang mananaliksik subalit inangkin na siya ang
naghagilap ng mga datos na ito.

2. Humingi ng permiso o pahintulot sa manunulat ng akdang gagamitin sa


pananaliksik. Isa itong pagkilala sa awtoridad ng nasabing manunulat.

3. Isulat ang pangalan ng manunulat at ang taon ng pagkakalathala ng


tekstong pinaghanguan ng ideya o mga impormasyon. Nagpapakita ito na
kinikilala mo ang taong orihinal na nagbigay ng gayong ideya.

4. Gumawa ng bibliograpiya sa mga ginamit na sanggunian bilang


pagpapatunay na may sapat na batayan ang ginawang pananaliksik.

5. Sikaping maging matapat sa paglalahad ng resulta ng isinasagawang pag-


aaral. Isang malaking kamalian ang pandaraya sa resulta ng pananaliksik.

6. Sundin ang prosesong inaprubahan ng tagapayo sa paggawa ng


pananaliksik. Sa ganitong paraan, maiiwasan ang anumang pagtatangka na
manipulahin at dayain ang isinasagawang pag-aaral.

20
Gawain -A

Panuto: Naipaliliwanag ang bawat katangian na dapat taglayin ng isang mananaliksik


at kung bakit nila ito dapat taglayin.

Masigasig Masinop Masistema

Magaling
Maparaan Mapanagutan
Magsiyasat

21
Gawaing Digital
Panuto: Suriin ang nilalaman ng lik na to at sagutin ang mga katanungan.
https://prezi.com/tfzesovbsexy/mga-dapat-katangiang-dapat-taglayin-ng-isang-
mananaliksik/.

1. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang mananaliksik, batay sa


nakalap na impormasyon sa presentasyon?
____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

2. Ano ang magiging epekto kung hindi mataglay ang isa man lamang sa mga
katangiang ito?
____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________

3. Ano ang hakbang na dapat gawin ng mananaliksik upang mataglay niya ang mga
katangiang ito na may malaking bahagi sa kaayusan ng pananaliksik na
isasagawa?
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________

22
Pagtataya #1
Panuto: Lagumin ang RESPONSIBILIDAD ng isang mananaliksik sa pamamagitan ng
pagbuo ng akrostik.

R-

E-

S-

P-

O-

N-

S-

I-

B-

I-

L-

I-

D-

A-

D-

23
Takdang Aralin
Batay sa iyong sariling pagtanaw, ano pa ang karagdagang responsibilidad ng isang
mananaliksik. Bumuo ng graphic organizer na maglalaman ng mga ito. Iguhit sa ibaba.

Sanggunian

24
Aralin 4: Etika sa Lahat ng Antas, sa
Lahat ng Pagkakataon

Layunin sa Pagkatuto

Matapos ang araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:

 Naiisa-isa ang mga etikal na pamantayan sa pananaliksik.

 Napaghahambing-hambing ang mga uri ng etika ng pananaliksik.

 Naitatala ang mga batas na may kinalaman sa bawat uri ng etika ng

pananaliksik.

 Nakapagbabahagi ng ilang mga paraan kung paano maiiwasan ang

plagirismo.

25
Pagtalakay sa Aralin

Ang pananaliksik ay itinuturing na akademikong gawain, at propesyonal na gawain


naman para sa iba. Samakatuwid, ang proseso nito ay dapat na tumalima sa kung ano
ang naaayon, nararapat, tama, at mabuti. Tinatawag ang pagtalimang ito bilang etika
sa pananaliksik.(Nuncio, et.al. )
Etika ang pagbibigkis sa kabuuan ng pananaliksik, na ang bawat bahagi’y dapat kakitaan ng
masinop at tapat na pagsunod sa etika na pamantayan.

Pormulasyon ng Paksa at tesis


ETIKA ETIKA

Problematisasyon

Koleksiyon ng Datos

Interpretasyon at Analisis

Desiminasyon

Etika sa Pananaliksik

Hindi batas ang etika kundi unibersal na prinsipyong gumagabay sa kilos,pag-


uugali, at damdamin sa kung ano ang tama at wasto-ito ngayon ang bumubuo sa
moralidad ng tao. Kahit hindi ito batas, sinusunod ito bilang gabay sa maayos na
takbo ng pamumuhay ng tao, gayundin para sa mabuting pakikitungo ng bawat isa.
Ayon kay Neuman (2000), ang mananaliksik ay may moral at propesyonal na
obligasyon na maging etikal kahit na hindi malay at mabatid ng kalahok ang etikang
gumagabay sa kanila.

26
Uri ng Etika

May tatlong uri ng etika: pangkalahatan, propesyonal, at pampananaliksik


(Parades-Canilo,2001).
1. Pangkalahatang etika ay sangay ng pilosopiya na tumatalakay sa unibersal na
konsepto ng matuwid at tama. Pinagtutuunan ng pansin ditto ang
pamimilosopiya tungkol sa kalikasan ng tao, karapatan, at pagpili ukol sa
kaniyang gagawing pagkilos. Ang denotolohiya ay usapin ng pagiging matuwid
mula simula hanggang wakas, mula pag-iisip hanggang pagkilos. Walang
panganagtwiran para ipagtanggol ang isang kamalian-ang mali ay mananatiling
mali. Halimbawa nito’y pagsisinungaling upang maitago ang isang kaibigan sa
naghahanap na kaaway. Hindi mapapangatwiran ang pagsisinungaling para
maitama ang mali. Ang isang pang usaping etikal ay ang teleohiya, mula sa
salitang Griyego na telos (kahihinatnan) at lohiya (pag-aaral). Kabaligtaran ito
ng nauna sapagkat sinasang-ayunan nito ang kasabihang: the end justifies the
means (sa malayang salin: napapangatwiranan ng mabuting kinahinatnan ang
anumang pamamaraan). Kung kaya’t sa unang halimbawang ibinigay, naaayon
ang pagsisinungaling para sa mabuting kapakanan ng iyong kaibigan. Ang huling
usaping etikal ay tinatawag na utilitaryanismo. Ang batayang etikal ay
tumutukoy kung marami ang makikinabang sa pinakamabuting anyo ng pagkilos,
karapatan, at pagpili. Kahit na hindi natin gusto ang nanalong kandidato sa
pagkapangulo ng bansa, etikal na tumalima tayo sa kagustuhan ng nakararami.

2. Propesyonal na etika ay tumutukoy sa mga pamantayan para sa


praktika,metodo, polisiya, at pananaliksik ng iba’t ibang propesyon (Paredes-
Canilo, 2001, p.31). May binubuong kodigong etikal ang bawat propesyon
tulad sa medisina, abogasya, pagtuturo, at iba pa. Nagbibigay ng makatwirang
parusa sa mga lumalabag sa kodigong ito. Ang pagiging doktor at abogado ay
mahigpit na pinangangalagaan at binabantayan ng mga asosasyong propesyonal
na may kapangyarihang tanggalin sa isang propesyon ang sinumang lalabag sa
etika ng kanilang propesyon.

3. Etikang pampananaliksik naman ay tumutukoy sa kodigo, karaniwa’y


nakasulat at nakaangkla sa propesyonal na etika, nagtatakda ng pamantayan
para sa mga karapatan at tungkulin ng mananaliksik/siyentista at sa kanilang
pakikipag-ugnayan sa taong patutungkulan ng pananaliksik (subject), kliyente, at
empleyado sa ginagawang pananaliksik (Paredes- Canilao,p.32).

27
Mga Etikal na Pamantayan sa Pananaliksik

1. Kabatiran at Pagsang-ayon

Ito ang pinakamahalagang bahagi dahil may pagkakataon nang makipag-


ugnayan ang mananaliksik sa mga kalahok sa proyekto. Subalit binibigyang-diin ang
pagiging mahinahon at matiisin ng mga mananaliksik lalo na kung mailap ang ilang
napiling kalahok. Ang pagsasabi nang matapat tungkol sa gawaing pananaliksik nang
bukas ang loob ay tanda ng isang propesyonal at etikal na mananaliksik. Kailangan
sang-ayon ang kalahok sa lahat ng partisipasyon na kanilang gagawin. Upang
maiwasan ang hindi pagkakaunwaan tungkol sa pagsang-ayon sa pakikilahok, sundin
ang sumusunod:
a. Kailangan may kakilala sa komunidad ng mga kalahok upang makilala rin nang
husto ang iba pang kalahok. Alam ng tagaroon na ikaw ay tagalabas, mangingimi
silang magsalita kung basta-basta mo sila kakausapin.

b. Magpakilala at sabihin kung saang institusyon ka nanggaling. Kung may ilang


kasamang katuwang sa pananaliksik, ipakilala rin sila. Hayaan ang mga
katuwang mismo ang magpakilala ng kanilang sarili.

c. Kung maramihan, iharap sa kanila ang pakay ng iyong pananaliksik. Sabihin


kung ano ang dahilan at layunin ng inyong pagsisiyasat. Gayundin ang gawain sa
paisa-isang pakikipag-usap sa mga kalahok.

d. Sabihin sa mga kalahok kung bakit sila kailangan sa pananaliksik. Banggitin ang
espesipikong inaasahan mula sa kanila.

e. Hikayatin silang magtanong kung sakaling malabuan sa ilang bahagi ng iyong


paliwanag. Sagutin nang may katapatan ang kanilang pag-uusisa subalit
tumanggi rin naman sa pagsagot kung alam mong labas na ito sa layunin ng
pananaliksik o di kaya’y magdudulot ng kapahamakan sa iyo ang impormasyong
sasabihin.

28
f. May ilang pagkakataon na may kontrata o waiver form na pipirmahan ang
mga kalahok na tumutukoy sa layunin, responsibilidad, pananagutan, at
paglilinaw tungkol sa tagal, sakop, at probisyon sa maayos na pagsasagawa
ng pananaliksik at para din sa ilang pananaliksik na Malaki ang
partisipasyon ng kalahok. Isinasaad sa ganitong kasulatan ang nararapat
at hindi nararapat na gawin para sa maayos na pananaliksik.

g. Igalang ang karapatan ng kalahok na umatras sa paglahok sa


pananaliksik. Kahit na sa kalagitnaan o huling bahagi ng pananaliksik,
may karapatan silang tumanggi sa kadahilanang maaari at di-maaaring
sabihin. Huwag puwersahin ang mga kalahok na sumali sa pananaliksik.
Ang pagsang-ayon nang may kamulatan sa anumang partisipasyon nila ay
hindi dapat isawalang-bahala.

h. Laging pasalamatan ang mga kalahok sa tuwing matatapos ang sesyon sa


araw na iyon at humingi ng iskedyul sa muling pagkikita. Maaari din
namang gumawa ng iskedyul kasama sila para maging maayos ang
pagpapatuloy ng pananaliksik.

2. Proteksiyon ng kalahok
Kung nasa yugto na nang mismong pananaliksik, nararapat na isipin lagi ang
kalagayan at kondisyon ng mga kalahok. Kung kaya’t dapat panatilihin ang maayos at
ligtas na pagsasagawa ng pananaliksik kasama sila. Nagbigay si Neuman (2000) ng
tatlong sitwasyon ng mga kalahok laban sa: sikolohikal na abuso, pisikal na
kapahamakan, at asuntong legal.

29
A.Sikolohikal na Abuso
Upang maiwasan ang sikolohikal na abuso na maaaring magpababa sa pagtingin sa
pagkatao at damdamin ng kalahok, nararapat lamang na:
 Maging sensitibo sa katauhan ng iyong kalahok. Iwasang maghusga batay sa lahi,
paniniwala, kasarian, estado, at lahi o etnisidad. Kung may pagkakataon, alamin ang
kanilang background (hal. Edukasyon, hanapbuhay, at iba pa) subalit huwag nang
ungkatin pa ang mga personal na impormasyon tungkol sa kanilan maliban na lang
kung kailangan sa pananaliksik.

 Karugtong pa, huwag magtanong tungkol sa karanasan nila na dadako sa mapait,


traumatiko, at malungkot na bahagi ng kanilang buhay maliban na lang kung kusa
silang nagsalita o di kaya’y humingi kayo ng permiso.

 Subuking magbigay ng payo sa kalahok na nakararanas ng trauma o problema sa


buhay. Ngunit kung kulang sa kakayahan upang gawin ito, isang propesyonal ang
dapat gumawa nito.

 Makinig at makiramdam sa kanilang sinasabi.

 Maging sensitibo rin tungkol sa usaping kasarian.

 Biyayaan at bigyang-papugay ang nagawang kontribusyon ng mga kalahok.


B.Pisikal na Kapahamakan

Tumutukoy ito sa pagkakataong maaaring maaksidente at mabaldado ang isang


kalahok dahil sa kapabayaan ng mananaliksik. May obligasyon ang mananaliksik na
pangalagaan ang kaayusan at kaligtasan ng mga kalahok.

 Kung hindi sumang-ayon ang kalahok, huwag silang hayaang lumahok sa gawaing
magdudulot ng matinding kapaguran.
 Kung sakaling lumahok, bigyan sila ng hustong kaalaman tungkol sa kaligtasan at
pagiging maingat.
 Tiyaking nauuwanaan nang lubos ng kalahok ang mga hakbang at panuto bago
sumabak sa gawain o eksperimento.
 Alamin kung sino sa mga kalahok ang may kapansanan upang makaiwas sa
aksidente. Ihiwalay sila sa grupo at gawing tagamasid.
 Huwag magsagawa ng pananaliksik sa alaganing oras, halimbawa’y hatinggabi o
madaling araw. Karaniwang oras na ito ng pahinga maliban na lang kung ito ang
kinakailangang oras para sa paksa ng saliksik.
 Kung batid mo nang may kapahamakang maaaring mangyari, huwag nang ituloy ang
gawain/eksperimento.
 Gumamit ng mga kagamitang nasa tamang kondisyon pa.
 Maglaan ng meryenda at inumin ng mga kalahok matapos ang nakapapagod na
gawain.

30
C. Asuntong Legal

Mahalagang malaman na hindi ganap at lubos ang kalayaan at pribilehiyong


ibinigay sa mga mananaliksik. Hindi lamang sa pagiging matuwid, naaayon, at tama
ang kinakailangang pamantayan, subalit maski ang pamantayang legal ay dapat ding
nasa isip at naipatutupad.
 Maging masinop at maingat sa paggawa ng pananaliksik. Iwasang magpabaya
tungkol sa dapat gawin at pagsunod sa tamang proseso. Karaniwang
nagkakaroon ng kasong legal bunga ng kapabayaan (negligence).

 Gawing legal ang lahat ng transaksiyon sa pagitan ng mananaliksik at ng


isponsor, kalahok, katuwang, at institusyon.

 Hangga’t maaari, konsultahin ang legalidad ng mga aksiyong ipinatutupad na


may kinalaman sa pananaliksik at maging ang implikasyon ng mga ito sa buhay,
ari-arian, kalayaan, karapatan ng ibang tao gayundin sa kalikasan, at ilan pang
maaapektuhang entidad.

3. Privacy at Confidentiality

May kinalaman ang usapin ng privacy at confidentiality sa karapatan ng kalahok


sa kaniyang ari-arian at sensitibong impormasyon tungkol sa sarili. Pinahahalagahan
ito ng kalahok dahil pinangangalagaan ng batas ang privacy at confidentiality ng
impormasyon taglay nila.

a. Bago pumasok sa bakuran ng tahanan at maging sa anumang lugar, humingi


muna ng pahintulot sa may-ari o sa naninirahan doon. Kailangan ng pagsang-ayon ng
kinauukulan bago magsagawa ng fieldwork.
b. Humingi ng permiso kung kinakailangan kumuha ng sampol o bagay-bagay mula sa
ari-arian ng kalahok. Huwang ding guguluhin o pakikialaman ang ayos ng kagamitan
nang walang pahintulot.

31
c. Ang kabatiran at pagsang-ayon ng kinauukulan sa layunin ng pananaliksik ay
kinakailangan matamo. Iwasang magsagawa ng palihim na pananaliksik. Ang
tungkulin ng mananaliksik ay pang-akademiko at hindi bilang espiya o ahente ng
military at pulisya.
d. Hangga’t maaari ay iwasang iiskedyul ang pananaliksik o panayam sa alanganing
oras tulad ng masyadong maaga o masyadong gabi na, maliban na lamang kung
gugustuhin ito ng kalahok.
Tungkol sa mahahalagang impormasyon nakalap, panatilihing lihim ang mga ito.
a. Humingi ng pahintulot kung maaaring gamitin ang buong pangalan at ilang
impormasyong personal sa naratibo ng pananaliksik. Gumamit ng alyas kung
hindi pumayag ang kalahok.

b. Kung hindi naitanong o di kaya’y may pag-aalinlangan sa malinaw na pagsang-


ayon ng kalahok na ibigay ang mga detalye ng kanilang pagkakakilanlan, dapat
pa ring pangalagaan ang kanilang katauhan.

c. Ang ilang impormasyon tungkol sa katauhan, hanapbuhay, katayuan sa buhay,


kasaysayan, karanasan, at iba pa ay maaaring sensitibong datos. Itinuturing na
lihim ang mga ito. Ang karapatan ng madla na malaman ang katotohanan ay
dapat na mabalanse sa karapatan ng indibidwal na protektahan ang kaniyang
sarili.

32
4. Kasanayan at Kaalaman ng Mananaliksik at Kaniyang Katuwang

Hindi lamang ugnayan ng mga datos ang mahalaga sa pananaliksik. Katimbang o


mas higit pa ang ugnayan ng mga taong may kinalaman sa pananaliksik. Litaw na
litaw ang kahalagahan ng ugnayang mananaliksik at kalahok subalit mahalaga ring
malaman ang ugnayang mananaliksik at ng kaniyang katuwang. Interesanteng
malaman kung paano pa ito pinagtitibay ng mga etikal na pamantayan.

a. Dapat isagawa ang pananaliksik ng mga kuwalipikado at sanay na


mananaliksik.

b. Isailalim sa pagsasanay ang mga katuwang (research associates/ assistant at


student assistant) kung kinakailangan. Kadalasang kinukuha ang mga sanay na,
masisipag, at masisinop na katuwang sa pananaliksik.

c. Talakayin sa mga katuwang sa pananaliksik ang layunin, disenyo ng


pananaliksik. Iskedyul, at iba pa. Ngunit panatilihin din ang pagiging lihim ng
pananaliksik.

d. Hindi dapat kunin ng mananaliksik ang ideya ng katuwang o iba pang taong
bahagi ng pananaliksik, gayundin ang mga katuwang o iba pang tao sa pananaliksik
para sa mga ideya ng mananaliksik. Kung kukunin man, mahalagang kilalanin ang
kanilang kontribusyon at bigyan ng wastong tala.

e. Hindi dapat inuutusan ang mga katuwang ng labas sa kanilang obligasyon at


tungkulin.

f. Magbigay ng husto at tamang kabayaran sa katuwang.

33
5. Political na Isyu

Ang produksiyon ng kaalaman ay isang political na gawain. Ang isyu ng politika


ng pananaliksik ay nakatali sa relasyon ng kapangyarihan. Ang ganitong relasyon ay
karaniwang makikita sa mga institusyon na ang bawat hakbang sa pagsisiyasat o
pananaliksik ay sinusubaybayan at pinapangalagaan. Kapangyarihan itong itinadhana
ng politika na nagbibigay ng obligasyon sa isa o lahat ng sangkot sa produksiyon ng
kaalaman. Halimbawa, sa isang pamantasan ay may mga regulasyong gumagabay sa
pananaliksik. Ang ponding nakalaan sa pananaliksik ay dumadaan sa masusing
pangangalaga at ng paggagawad ng pondo sa mga mananaliksik ay nagiging
kompetitibo. Dapat makitaan ng kahalagahan sa institusyon ang pananaliksik na
popondohan. Dadaan sa pagkilatis, pagsusuri, at ebalwasyon ang lahat ng
proposal ng pananaliksik. Kung tutuusin, maraming tao at opisina ang kasama sa
proseso bago pa man masimulan ang pananaliksik hanggang sa kabuuan nito.
Bagaman maaaring hindi na umabot sa ganitong antas ang pananaliksik ng mga mag-
aaral na para lamang sa tesis, asahan pa rin ang mga pangyayari na maaaring
maitulad sa ganitong habang isinasagawa ang pangangalap ng datos.

Narito ang ilang panukalang sagot para sa mga katanungang maaaring


makapagbigay-linaw sa ilang sitwasyong kinalalagyan ng mga mag-aaral, guro,
mananaliksik, at iba pa tungkol sa isyu ng politika sa/ng pananaliksik.

34
a. Sino ang nagtatakda ng pananaliksik? Sino ang isponsor ng pananaliksi?

Kapag humingi ng tulong pinansiyal para maisagawa ang pananaliksik,


nagiging ko-isponsor ang mga institusyon, tanggapan, o taong nagbigay ng pondo.
Karaniwan sa pagsulat ng tesis, ang sumusulat mismo ang pangunahing isponsor. Siya
mismo ang gumagastos sa kabuuan ng kaniyang pananaliksik. Subalit kung may ibang
isponsor, nagkakaroon ng kasunduan sakaling matapos o hindi matapos ang
pananaliksik. Kung matapos man ito, nagiging bahagi ng pagmamay-ari ng
pananaliksik. Kung matapos man ito, nagiging bahagi ng pagmamay-ari ng
pananaliksik ang ko-isponsor. May karapatan silang ipalimbag ang pananaliksik kung
itinakda ito ng kasunduan. Binibigyan din sila ng pagkakataong magamit ang ilang
datos o buong resulta ng pananaliksik. Samantala, kung hindi naman natapos ang
pananaliksik, kadalasang nagbibigay pa ang institusyon ng palugit, ngunit kung hindi
naman, naaatasang bayaran ng mananaliksik ang ginastos sa pananaliksik. Kaya
mahalaga na basahin at unawain muna ang polisiya, regulasyon, kontrata, o
kasunduan bago sumang-ayon.

b. Paano kung hindi nagustuhan ng pribadong isponsor ang kinalabasan ng


pananaliksik? Maaari bang ipabago ang resulta?

Ang mga pribadong isponsor ay maaaring mga institusyong naglalaan ng


malaking pondo para sa proyektong pampananaliksik ng mga guro, mag-aaral, at
mananaliksik. Isang malaking dagok kung hindi sasang-ayon ang isponsor sa naging
kinalabasan ng pananaliksik. Basahin muli ang napagkasunduan o kontrata.
Hanggang maaari ay huwag ikompromiso ang integridad ng pananaliksik.

35
c. Ano ang iba-ibang tanggapan na maaaring kailanganing kausapin o konsultahin para

maaprubahan ang pananaliksik?

Mahalagang malaman kung ilang tanggapan ang pupuntahan at sino-sino

ang taong pupuntahan. Kadalasang nakakalimutan ng mga mag-aaral o mananaliksik

na kasinghalaga ng manuskrito ng pananaliksik ang mga papeles na dumadaan sa iba’t

ibang opisina sa akademya o pribadong institusyon. Ang mga lihim para sa tagapayo,

kritiko, tagapangulo, dekano, at iba pa ay napakahalaga. Umiikot ang inyong

memorandum, pormularyo, at iba pang liham sa iba’t ibang opisina. Minsan naaantala

ang depensa ng tesis o pagtatapos ng pananaliksik dahil sa mga nawawalang papeles.

Mas nakakabuti kung may sariling kopya ng mga opisyal na papeles para sa iyong tesis

o pananaliksik.

6. Kapakinabangang Panlipunan

Kadalasan, nagiging produktibo ang pananaliksik kung may implikasyon ito

para sa pagbubuo ng polisiya at batas na gagabay sa panlipunang administrasyon.

Subalit para sa iba, mahalaga ang pananaliksik kung lalamanin nito ang paksang may

kinalaman sa lipunang ginagalawan ng mananaliksik. Paano ito makatutulong sa pag-

unawa sa kasalukuyang sitwasyon at kondisyon ng lipunan? Paano magsisilbing

bagong karunungan o polisiya ang pananaliksik sa hinaharap? Bakit kailangan nutong

baguhin at paunlarin ang mga karunungan at polisiyang hindi tumutugon sa tawag ng

panahon at pangangailangang panlipunan?

36
7. Pangongopya ng Ideya (plagiarism)

Ang lantarang pagkuha ng impormasyon, ideya, o konsepto ng iba nang

walang pahintulot ay pangongopya (plagirasim). Kadalasan itong nangyayari sa

pagkopya ng mga sinipi o sulatin at kinaliligtaang kilalanin ang may-akda o di-kaya’y

sinasadyang hindi kilalanin upang angkinin nang buo ang intelektuwal na gawa. Sa

mga mag-aaral sa kolehiyo, kadalasang pagpapatalsik sa paaralan ang nagiging parusa

sa nahuhuling gumagawa nito. Sa mga mananaliksik at guro, kadalasang pagtatanggal

sa posisyon o pagbawi ng akademikong digri at may iba pang karampatang parusa o

pandisiplinang aksiyon. Ang pangongopya nang walang angkop na pagkilala sa

nagmamay-ari ng ideya ay hindi etikal dahil ito’y tuwirang pagnanakaw sa intelektuwal

na pag-aari ng iba na nakalimbag, nilikha, o ginawa.

8. Diseminasyon at Publikasyon

Kaugnay marahil ng panlipunang pakinabang, nararapat na malimbag ang

pananaliksik upang maipalaganap ang bagong kaalaman sa akademya at lipunan.

Tungjulin ng mananaliksik na maipalaganap ang mga ginawang pagtuklas at

pagdadalumat sa dyornal, aklat, ensayklopidya, magasin, at iba pa. Gayundin,

tungkulin ng iba pang personel sa akademya, partikular ang mga iskolar at propesor,

na palaganapin ito sa pamamagitan na mahusay na pagtuturo. Layunin nitong

mapalitan ang mga mali nang teorya at kaalaman, at maipabatid sa pampubliko at

pribadong edukasyon. Sa ganito ring paraan, maaaring makapagbunsod ng panibagong

pananaliksik at panunuri batay sa nakahaing kaalaman bunga ng pananaliksik.

- Ang mga gabay na etikal na isinakonteksto sa Filipino ay hango sa Punch,

37
Gawain -A

Panuto: Pagkumparahin ang mga uri ng pananaliksik gamit ang graphic organizer sa

ibaba.

38
Gawain-B

Panuto: Bigyang pansin ang tatlong pamantayang nakapaloob na nakapaloob sa

etika ng pananaliksik- ang proteksiyon ng kalahok, privacy at confidentiality,

at pangongopya ng ideya (plagiarism). Ibigay ang mga batas na nakapaloob sa

mga nasabing pamantayan at karampatang parusa kung malalabag ang mga ito.

Gawing gabay ang grapikong nasa ibaba.

Proteksiyon ng Privacy at Pangongopya ng


Kalahok Confidentiality Ideya (plagiarism)

39
Gawain-C

Panuto: Saguti ang mga sumusunod na tanong.

1. Bakit mahalaga ang pagkakaroon etika sa pagsasagawa ng pananaliksik?

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

2. Mayroon bang kaugnayan ng propesyonal na etika sa etika sa


pananaliksik? Pangatwiranan.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

______________________________________________________________________

3. Kaugnay ng bilang 2, tulad ng Propesyonal na Etika ay may sinusunod


din na batas ang Etika ng Pananaliksik. Dahil dito maituturing kaya na
isang gawaing pampropesyonal ang pananaliksik?
_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

40
Gawaing Digital
Panuto: Suriin ang nilalaman at ilahad ang mga mahahalagang impormasyon mula sa

bidyo na ito tungkol sa etika ng pananaliksik. https://www.youtube.com/watch?

v=gy8jMqnQjLs

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

________________________________________________________________________________

41
Pagtataya #1
Panuto: Tukuyin kung ano ang tinutukoy sa bawat pahayag.

1. Ang __________ ay sangay ng pilosopiya na tumatalakay sa unibersal na

konsepto ng matuwid at tama.

2. Ang____________ ay usapin ng pagiging matuwid mula simula hanggang

wakas, mula pag-iisip hanggang pagkilos.

3. Tumutukoy sa unibersal na prinsipyong gumagabay sa kilos, pag-uugali, at

damdamin sa kung ano ang tama at wasto-ito ngayon ang bumubuo sa moralidad ng

tao. Ito ay ang ___________.

4. Ang____________ ay nagtatakda ng pamantayan para sa mga karapatan at

tungkulin ng mananaliksik/siyentista at sa kanilang pakikipag-ugnayan sa taong

patutungkulan ng pananaliksik, kliyente, at empleyado sa ginagawan ng

pananaliksik.

5. Ang batayang etikal ay tumutukoy kung marami ang makikinabang sa

pinakamabuting anyo ng pagkilos, karapatan, at pagpili. Ang tawag sa batayang

etikal na ito ay_____________.

42
Pagtataya #2

Panuto: Ibigay ang mga detalyeng hinihingi sa ibaba.

1-3. Tatlong Uri ng Etika

1.

2.

3.

4-11. Mga Etikal na Pamantayan sa Pananaliksik

4. 8.

5. 9.

6. 10.

7. 11.

43
Pagtataya #3

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.

1. Paano maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan sa pananaliksik?

2. Ano-ano ang mga pang-aabusong maaaring maranasan ng bawat kalahok?

Ipaliwanag ang bawat isa.

3. Paano mapoprotektahan ang sarili sa laban sa plagirism?

44
Takdang Aralin
Maghanda para sa Ikalawang Modyul. Magbasa at magsaliksik na hinggil dito.

Sanggunian

45

You might also like