You are on page 1of 13

1

Pamagat ng Kurso: Filipino sa Iba’t ibang Disiplina


Bilang ng Yunit: 3 yunit

BSCRIM 1A
BSBA 1A
BSED/BEED 1

Instruktor: JAY PAUL C. LUTAO


lutao_jaypaul@fbc.ph.education

PAGLAPAT SA MGA BATAYANG KAALAMAN SA PANANALIKSIK

I. MGA LAYUNIN:
1. Matukoy ang mga mapagkakatiwalaan, makabuluhan, at kapaki-pakinabang na sanggunian sa pananaliksik.
2. Maisapraktika at mapaunlad ang mga batayang kasanayan sa pananaliksik.
3. Makapagsagawa ng pananaliksik sa Filipino at sa iba’t ibang laranngan.
4. Malinang ang Filipino bilang daluyan ng inter/multidisiplinaring diskurso at pananaliksikna nakaugat sa mga
realidad ng lipunang Pilipino.
5. Maisalang-alang ang kultura at iba pang aspektong panlipunan sa pagsasagawa ng pananaliksik.
6. Makapag-ambag sa pagtataguyod ng wikang Filipino bilang daluyan ng ng makabuluhan at mataas na antas
ng diskurso na akma at nakaugat sa lipunang Pilipino, bilang wika ng pananaliksik na nakaayon sa
pangangailangan ng komunidad at bansa.

II. INPUT/TALAKAYAN
Panimulang Gawain:
Panuto: Suriin ang talahanayan at sagutin ang mga tanong kasunod nito.
Kung ang isang tao ay may malalang karamdaman na wala nang lunas at hinihiling niya na isagawa ang euthanasia
pagdating ng araw na halos makina na lamang ng ospital ang bumubuhay sa kaniya, sang-ayon ka ba rito?

Kategorya Dami ng tugon Kabuoang Bahagdan


Pumapayag 3063 66%
Hindi pumapayag 1352 29%
Walang komento 225 5%
Kabuoan 4640 100%
Lumalabas sa estatistika ng isinagawang sarbey na 66 na porsiyento ng kabuoang bilang ng mga tinanong ang
sumasang-ayon sa pagsasagawa ng euthanasia, at 29 na porsiyento lamang ang hindi sumasang-ayon dito.

Gabay na Tanong:
1. Ano ang nais patunguhan ng sarbey?
2. Bakit kailangang isagawa ang ganitong mga estatistika at pag-uulat?
2
3. Paano isinasagawa ang ganitong pag-aaral?
4. Ano ang maidudulot nito sa tao o lipunan ng kaalamang makukuha mula sa pag-aaral na ito?

Ano ang Pananaliksik?


Ang research ay hango sa matandang salita na Pranses na researche galing sa recercher na ang ibig sabihin sa Ingles
ay to seek out o to search again. Sa pananaliksik nagaganap ang paghahanap ng resolusyon at ang muling
paghahanap ng mga ideya sa lalong ikabubuti ng isang sitwasyon. Ang pagtuklas at pag-alam sa mga dahilan o mga
bagay na nararapat bigyan ng kasagutan ay matatawag na isang pananaliksik.

Napakahalaga sa isang pananaliksik ang tamang proseso at sistema ng pangangalap ng mga datos. Ang isang papel
pananaliksik ayon kina O’Hare at Funk (2000 sa Bernales et.al., 2012) ay isang pangangalap ng impormasyon mula sa
iba’t ibang hanguan sa pamamaraang impormatibo at obhektibo.

Ang sistemang ito ng pangangalap ng datos ay isang malawak na pamamaraan kung saan ay iniiwasan ang
panghuhusga at sinisikap na manatiling obhektibo sa mga impormasyong nakalap. Halos ganito rin ang ideya nina L.
Brandon at K. Brandon (2008 sa Bernales et. al., 2012), na ang papel pananaliksik ay isang mahabang sulating
natutungkol sa isang tiyak na paksa na may tamang dokumentasyon sa mga pinaghanguan ng datos/ideya. Mula pa sa
mga tamang konsiderasyon sa pagpili ng napapanahong paksa hanggang sa pangangalap ng ideya ay
nangangailangan ng maingat na pagsunod sa proseso.

Ang pananaliksik ay isang gawaing nangangailangan ng isang sistematikong pamamaraan sa pangangalap ng ideya
kung saan ay ginagamit bilang batayan upang makabuo ng panibagong aplikasyon (OECD, 2002). Sinuportahan
ang ideyang ito ni Good sa Bernales (2009), na ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, at disiplinadong inkwiri sa
pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin tungo sa
klaripikasyon at/o resolusyon.

Ano’t ano pa man, iisa ang tinutumbok ng lahat ng depinisyon, ang pananaliksik ay isang proseso ng pangangalap ng
datos o impormasyon ukol sa isang bagay upang lubusang maunawaan ito. Sa pamamagitan ng isang sistematikong
pananaliksik, nagkakaroon ng resolusyon, prediksiyon at paliwanag ang mga usapin at suliranin.

URI NG PANANALIKSIK
Sa pangkalahatan, ang madalas na ginagamit sa akademya na pamamaraan ng pananaliksik lalo na sa mga
pamanahong-papel ay ang kwantiteytib, kwaliteytib at ang mixed method na ang ibig sabihin ay sabay na gagamitin
ang kwantiteytib at kwaliteytib. Sa bahaging ito ng talakayan, ipopokus lamang ang diskusyon sa kwantiteytib na
pananaliksik subalit gamit ang mga di kumplikadong pamamaraan.

Ang pamanahong-papel na nasa kwantiteytib na pananaliksik ayon kay Klazema (2010) ay isang empirikal na
pananaliksik kung saan ay may mga pamamaraan ng beripikasyon sa mga resulta ng datos. Ang mga datos na bahagi
ng pananaliksik na ito ay madalas na umiikot sa mga istatistikal na datos. Sa mga datos na ito manggagaling ang
interpretasyon upang makalikha ng mga tiyak at obserbabol na kongklusyon.

Halos ganito rin ang interpretasyon ni Creswell (2012), na ang kwantiteytib na pananaliksik ay isang obserbasyon at
pagtataya sa pamamagitan ng mga numerikal na impormasyon at ang mga datos na ito ang siyang tinatawag na
istatistikal na datos.

Ang mga naunang dalawang ideya ay halos kapareho noon ng paglalarawan nina Gunderson at Alliaga (2000, sa
Introduction to quantitative research, 2010), na ang kwantiteytib na pananaliksik ay nagpapaliwanag sa mga
phenomenal na sitwasyon sa pamamagitan ng pangangalap ng mga numero.

Ang mga impormasyong nakalap ang siyang panggagalingan ng mga kongklusyon batay sa layunin o haypotesis ng
pananaliksik. Ang mga puntong ito ay nabigyang-diin na ni Given (2008) na ang ganitong uri ng pananaliksik ay isang
empirikal na imbestigasyon ng mga obserbabol na phenomena sa pamamagitan sa pamamagitan ng istatistikal,
matematikal at computational na teknik.

Ayon pa sa kanya, ang proseso ng pagtataya ng ganitong uri ng pagsulat ang siyang pinakabuod sa konsepto ng
pananaliksik dahil sa konsepto ng pananaliksik dahil sa pundamental na koneksyon nito sa empirikalidad ng mga datos.
Mula sa dahilan, bakit at paano isasagawa ang pananaliksik, deskripsiyon ng pamamaraan, resulta, konglusyon at mga
kredensiyal ng mga pinaghanguang ideya ay isang empirikal na proseso. Sa pangkalahatan, napakahalaga ng
emperikalidad ng mga proseso at mga datos sa isang kwantiteytib na pamanahong-papel dahil ito ang nagiging daan
ng beripikasyon ng mga datos na nakalap.

KWANTITEYTIB
Sa pananaliksik na ito ay madalas na umiikot sa mga istatistikal na datos.

KWALITEYTIB
3
Kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na ang layunin ay malalimang unawain ang pag-uugali at ugnayan ng mga
tao at ang dahilan na gumagabay rito.

MIXED METHOD
Sabay na paggamit ng kwaliteytib at kwantiteytib na uri ng pananaliksik.

PAGPILI AT PAGLIMITA NG PAKSA


Ang unang hakbang sa pagbuo ng pananaliksik ay ang pagpili ng paksa. Ito rin ang bahaging pinakamahirap simulan
dahil hindi sapat na gusto mo lamang o kabilang sa mga hilig mong gawin ang nais isulat. Kailangan din ng
magandang dahilan kung bakit ito ang napiling saliksikin upang maipakita ang kahalagahan nito at ang maiaambag
nitong bagong kaalaman.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagpili ng Paksa


1. Interes at kakayahan – dahil ang kalikasan ng pananaliksik ay ang aktuwal na pagsasagawa nito, mahalagang
gusto mo ang iyong ginagawa o may kaugnayan sa hilig mo ang paksang nais saliksikin.
2. Pagkakaroon ng mga materyal na magagamit na sanggunian.
3. Kabuluhan ng paksa
4. Limitasyon at panahon
5. Kakayahang pinansiyal

Hangga’t maaari, iwasan ang mga paksang may kaugnayan sa sumusunod:

1. Mga pinagtatalunang paksa na may kinalaman sa relihiyon at usapin ng moralidad na mahirap hanapan ng
obhektibong pananaw at nangangailangan ng maselang pagtalakay.
2. Mga kaganapan o isyu dahil maaaring wala pang gaanong materyal na magagamit bilang saligan ng pag-aaral.
3. Mga paksang ititunutring nang “gasgas” o gamit na gamit sa pananaliksik ng mga mag-aaral.

Paano Bumuo ng Paksa sa Pananaliksik


Narito ang mga gabay na tanong upang makatulong sa pagbubuo ng paksa:
1. Ano-anong paksa ang maaaring pag-usapan?
2. Ano-anong paksa ang kawili-wili at mahalagang aspekto ng paksa?
3. Ano ang aking pananaw hinggil sa paksa?
4. Ano-anong suliranin tungkol sa sarili, komunidad, bansa, at daigdig ang ipinapakita o kaugnay ng paksa?
5. Bakit kailangang saliksikin at palalimin ang pagtalakay sa ganitong mga suliranin?
6. Sino-sino ang kasangkot?
7. Anong panahon ang sinasaklawan ng paksa?
8. Paano ko ipapahayag ang paksa sa mas malinaw at tiyak na paraan?
9. Paano ko pag-uugnayin at pagsusunod-sunurin ang mga ideyang ito?

Paglilimita ng Paksa
Panuto: Suriin ang dalawang sisidlan. Ibigay ang obserbasyon tungkol sa mga ito. Paano maihahambing ang dalawang
sisidlan sa paglilimita ng paksa para sa pananaliksik.

Ang malapad ngunit mababaw na sisidlan ay tulad ng isang malawak na paksa. Marami kang maaaring sabihin tungkol
sa iyong napiling paksadahil malawak ang nasasakupan nito kaya may malaking posibilidad din na maging mababaw
ang pagtalakay dahil wala itong tiyak na dapat pagtuunan ng pansin.

Samantala, ang sisidlan na makitid subalit malalim ay katulad din ng isang paksang nilimitahan. Dahil ang paksa ay
espisipiko, higit na may may lalim ang pagtalakay dito sapagkat tiyak ang bahaging pagtutuunan ng pansin at
tatalakayin.

4
Ang paggamit ng mga salitang naniniyak o nagpapatibay ay makatutulong sa paglilimita ng paksa. higit na maunawaan,
narito ang mga elementong makapaglilimita ng paksa.

Mga elementong makapaglilimita ng paksa:


1. Panahon
2. Uri o kategorya
3. Edad
4. Kasarian
5. Lugar o espasyo
6. Pangkat o sektor na kinasasangkutan
7. Perspektiba o pananaw

HALIMBAWA NG BATAYANG PAKSA NA NILIMITAHAN GAMIT ANG IBA’T IBANG ELEMENTO

Paksa: Teknolohiya at Kabataan


1. Perspektiba Nilimitahang
Paksa:
1. Ang epekto ng teknolohiya sa mga kabataan
2. Ang persepsyon ng mga mag-aaral sa paggamit ng social media bilang bukal ng impormasyon.

2. Panahon
Nilimitahang Paksa:
1. Epekto ng Internet at smartphone sa paggamit ng social media mula noong 2010 hanggang sa
kasalukuyan
3. Uri
Nilimitahang Paksa:
1. Epekto ng pagsasalarawan ng lipunan at media sa kagandahan

4. Edad
Nilimitahang Paksa:
1. Ang persepsyon ng mga kabataan mula edad 16 hanggang 18 sa impluwensiya ng Facebook.

5. Kasarian
Nilimitahang Paksa:
1. Ang epekto ng paglaganap ng teknolohiya sa sektor ng kababaihan

6. Lugar
Nilimitahang Paksa:
1. Ang epekto ng social media sa mga mag-aaral ng Far Eastern University
8. Pangkat
Nilimitahang Paksa:
1. Persepsyon ng mga mag-aaral ng Far Eastern University sa paglaganap ng social media.

Maaaring gamitin sa paglilimita ng paksa ang kombinasyon ng iba’t ibang elemento upang higit na maging
espisipiko. Tandaan na habang humahaba ang pamagat ay lalong nagiging espisipiko ang iyong paksa.

Halimbawa:
Persepsyon ng mga kababaihang mag-aaral na nasa edad 16-18 ng Institute of Education ng Far Eastern University sa
impluwensiya ng Facebook sa baninad ng mga kabataan

Narito pa ang ilang halimbawa:


1. Paksa: Ang teknolohiya sa pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak Nilimitahang
paksa gamit ang perspektiba at Uri:
1. Epekto ng media sa pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak

Nilimitahang paksa gamit ang perspektiba, uri at lugar:


1. Epekto ng telebisyon sa pagpapalaki ng mga
magulang sa kanilang mga anak sa Barangay Tuazon.

5
Nilimitahang paksa gamit ang perspektiba, uri, kasarian, edad at lugar:
1. Epekto ng telebisyon sa pagpapalaki ng mga magulang sa kanilang mga anak na lalaki na may edad 8
hanggang 13 sa Barangay Tuazon.

Iba pang paksa:


1. Pagsasalarawan ng media sa kababaihan
2. Ang paggamit ng social media sa promosyon ng negosyo
3. Kung paano binago ng cellphone ang pakikipagkapwa
4. Paniniwala ng mga Kristiano

KONSEPTONG PAPEL PANIMULANG


GAWAIN:
Suriin ang ilustrasyon sa ibaba. Anong konsepto o kaalaman ang nais na ilarawan ng tsart? Ano-ano ang kahulugan ng
mga hugis at mga direksiyon ng ideya?

Gabay na tanong:
1. Bakit mahalagang pag-isipan ang mga bagay na naitala sa ilustrasyon sa itaas bago makapamili ng kurso sa
paaralan?
2. Ano ang mahalagang maidudulot ng paghahanda sa anumang gawain?
3. Ikaw, sa papaanong paraan ka naghahanda para sa mga mahahalagang gawain?

Konsepto Tungo sa Pananaliksik

Mahalagang gawain ang pagkokonsepto upang makabuo ng ganap na larawan ng gagawing pananaliksik.
Maihahambing ang gawaing ito sa pagbabalak na makapagkarera para sa magandang kinabukasan. Samo’t saring
salik ang nararapat na isaalang-alang upang matiyak na hindi masasayang ang oras maging ang salapi. Nariyan ang
pagpili ng pinakamainam at pinakakilalang de kalidad na paaralang nag-aalok ng kursong ninanais.

Sa pagpili ng paaralan ay nararapat na pakaisipin din ang lokasyon nito dahil kung ang paaralan ay matatagpuan sa
probinsiya o lungsod, nangangahulugan din ito ng karagdagagang gastusin. Ang aspetong pinansyal ay nararapat na
isasaalang-alang sa pagpili ng papasukang paaralan. Ang pagkuha ng entrance exam ay isasagawa kung mayroon ng
napiling kurso at paaralan. Tiyakin na ang napiling kurso ay naaangkop sa kakayahang mental ng mag-aaral. Kung
pumasa sa paaralang nais pasukan sa mismong kurso na ninanais na kunin, maaaring masabi na angkop ang
kakayahang mental ng mag-aaral.

Sa pagkakataong natiyak ang kurso at paaralang papasukan at nakapasa sa entrance exam, maaari nang masimulan
ang pagsasaayos ng mga dokumentong kakailanganin. Ganitong-ganito rin ang pagbuo ng konseptong papel. Ang
konsepto ay isang plano na nagpapakita kung ano at saang direksyon ang patutunguhan ng binabalak na papel
pananaliksik.

Kapag nakasiguro ka na sa paksa ng pananaliksik, maaari nang pagpasyahan ang paraan at estilong gagamitin.
Gayundin ang paraang gagawin sa pagbuo ng pananaliksik hanggang sa inaakalang resulta ng pananaliksik. Lahat ng
gawaing pananaliksik ay nangangailangan ng konseptong papel: isang maikling buod na nagpapahayag sa
mambabasa kung ano ang proyekto, ang kahalagahan ng pag-aaral, at kung sa papaanong paraan ito isasagawa.

Ang konseptong papel ay tumutulong sa mananaliksik na agad na magkaroon ng pangkalahatang ideya kaugnay ng
isasagawang pananaliksik na maaaring maging isang malaking suliranin sa sandaling nasimulan na ang mismong
Panaliksik (Concept paper, 2005).Kaakibat ng konseptong papel ang balangkas o framework na nagsisilbing istruktura
ng daloy ng laman ng pananaliksik upang mabigyang linaw at kabuluhan ang paksa.

6
Bilang panimulang gawain sa pananaliksik, mahalagang paghandaan ang pagbuo ng isang konsepto. Ang konsepto ay
isang plano na nagpapakita kung ano at saang direksiyon patungo ang paksang nais pagtuunan. Mahalagang ilahad
kung paano isasakatuparan ang napiling paksa bago ang pagsasagawa ng mismong pananaliksik. Makatutulong din
ang konseptong papel na tinatawag ding pang-unang mungkahing papel, na panimulang mahalagang hakbang bago
magpatuloy sa pagsusulat. Nagsisilbi itong gabay upang maipakita ang potensiyal ng gagawing pag-aaral.

Narito ang mga pangunahing bahagi ng konseptong papel:

1. Pahinang Nagpapakita ng Paksa


Narito ang tentatibong pamagat ng pananaliksik na ginagamit kung hindi pa nakatitiyak sa magiging pamagat ng
saliksik. Ang pamagat ng konseptong papel ay kailangang ganap na naglalarawan ng pinakabuod ng manuskrito.

2. Kahalagahan ng Gagawing Pananaliksik (Rationale)


Tinatalakay sa bahaging ito ng konseptong papel ang saligan o batayang dahilan sa pagsasagawa ng pananaliksik
upang maipahihiwatig na rin ang kahalagahan ng gagawing pananaliksik.Makikita rito ang paglalahad ng suliranin
bilang pagpapakilala sa proyektong nais simulan. Nakatala rito ang mahahalagang impormasyon tungkol sa paksa at
pinagmulang ideya. Ang mga suportang dokumentasyon katulad ng mga datos at estatistika ay maaaring banggitin
upang mabigyang-diin ang pangangailangang maisakatuparan ang pananaliksik.Ilahad kung bakit mahalaga ang
gagawing pananaliksik.Iugnay ito sa mga nauna nang pag-aaral pati na ang ma teoritikal at praktikal na implikasyon ng
proyekto. Bahagi rin ng Rationale ang mga kaugnay na literatura na siyang nagpapatatag sa pananaliksik.

3. Layunin
Sa bahaging ito inilalahad ang nais makamit sa pamamagitan ng pananaliksik. Ito ang tinutukoy na adhikaing nais
patunayan, pabulaanan, mahimok, maiparanas, o ipagawa ng pananaliksik. Isinusulat ito bilang mga pahayag na
nagsasaad kung paano masasagot o matutupad ang mga tanong sa pananaliksik. Kapag natapos nang isulat ang
buong pananaliksik, alalahaning balikan ang mga layunin at siguruhing natupad o nagawa nga ang mga ito.Kung hindi
nasagot sa kongklusyon ang mga layunin, maaaring hindi nasunod ang wastong proseso, lumihis sa pokus ng
pananaliksik, o naiba ang tunguhin nito.

Paano bumuo ng layunin?


Ang mga layunin ng pananaliksik ay kadalasang nabubuo pagkatapos mailatag ang mga tanong sa pananaliksik.
Ibinubuod dito ang mga bagay na nais makamit sa pananaliksik. Sa pagbubuo ng mga layunin ng pananaliksik,
mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod:
1. Nakasaad sa paraang ipinaliliwanag o maliwanag na nakalahad kung ano ang dapat gawin at paano ito
gagawin.
2. Makatotohanan o maisasagawa
3. Gumagawa ng mga tiyak na pandiwa at nagsasaad ng mga pahayag na maaaring masukat o patunayan bilang
tugon sa mga tanong sa pananaliksik.

Ilang mga halimbawa ng mga pandiwang nagpapaliwanag ng proseso:


Matukoy Maihambing Makapili Mailarawan Maipaliwanag Makatalakay
Maihanay Maibuod Makapag-organisa Makilala
Makagamit/Magamit
Mailahad Mapili Makapagpahayag Maisa-isa Masukat
Makabuo

4. Metodolohiya
Tinutukoy rito kung paano maisasakatuparan ang proyekto. Ibigay ang pangkalahatang ideya ng metodolohiyang
maaaring gamitin. Kabilang dito ang lahat ng mga makabagong dulog, teknik, o mga proseso. Anong paraan ng
pangangalap ng datos ang balak gamitin para sa pananaliksik? Siguruhing magkaugnay ang mga layunin at metodo.

Ilakip din ang iskedyul ng Pananaliksik, kung kailan ito sisimulan at kung kailan ito inaasahang matatapos. Tiyaking

magkaugnay ang mga layunin at pamamaraan. Ilakip din ang panahong nasasakupan ng gagawing pag-aaral at kung
kailan ito inaasahang matatapos.

5. Inaasahang Bunga (Output)


Nakalahad dito kung sino ang makikinabang sa proyekto. Nakalahad din kung ano ang inaasahan sa proyekto at
paano ito mapapakinabangan.
7
6. Mga Sanggunian
Ilista ang mga sangguniang ginamit sa pagkuha ng mga impormasyon, ang mga sangguniang
maaaring magamit, at nabanggit sa mga kaugnay na pag-aaral.

Basahin at suriin nang mabuti ang halimbawa ng konseptong papel.

Kasal-Sakal: Alitang Mag-asawa

Balba, Ma. Francilia Q. Castronuevo,


Eva A.

I. Rasyonale

Ang pamilya ay ang pangunahing yunit ng lipunan. Ang pamilya ay ang nagsisilbing pundasyon ng
isang indibidwal, kung saan nagsisimula ang edukasyon, kung saan ang pang-unawa, mabuting-asal at
pakipipagkapwa ay natututunan, kung saan matatagpuan ng isang tao ang mga bagay na hindi tinuturo sa
paaralan. Sa pamilya nagsisimula ang pagkahubog ng pagkatao, kung kaya’t malaki ang ginagampanang
papel ng pamilya sa buhay ng isang tao. Katulad ng nakasaad sa ating konstitusyon, kinikilala ng Estado ang
pamilyang Filipino na pundasyon ng bansa (1987 Phil. Const. Art. XV sec. 1). Ang mga Filipino ay kilala bilang
makapamilya. Katulad nga ng sinabi nina Saito, Imamura at Miyagi (2010) ang mga Filipino ay kilala sa
pagbibigay ng halaga at pag-aaruga sa kanilang pamilya. Ang mga Filipino ay nagbibigay ng malaking
pagpapahalaga sa oras para sa pamilya, mula sa taunang pagsasama-sama at pagtitipon ng pamilya sa mga
pagdidiriwang pati na rin ang mga simpleng salu-salo sa hapag kainan. Ngunit bago ang lahat, ang pamilya ay
nagsisimula sa dalawang taong pinagbuklod ng kasal, kung saan ang dalawang tao ay nagiging isa. Subalit,
katulad ng karaniwang mga relasyon, dahil sa mga pagkakaiba, hindi maiiwasan ang hindi pagkakaunawaan
sa pagitan ng mag-asawa, at kapag hindi ito naayos, tumataas ang pagkakaroon ng alitan ng mag-asawa.
Ayon sa Philippines Statistics Authority website, sa taong 2011, ay nagkaroon ng 1.3 porsyentong pagbaba sa
bilang ng mga Pilipinong ikinasal kumpara sa nakaraang taon. Sa kabilang dako naman, ayon sa Office of
Solicitor General , nagkaroon ng 40 porsyentong pagtaas ang bilang ng mga annulment cases na inihain sa
loob ng sampung taon. Bagamat ang divorce ay hindi pinapayagan dito sa Pilipinas, ang hindi pagkakaayos ng
alitang mag-asawa ang lumalabas na isa sa mga sanhi ng pagkasira ng pagsasama ng mag-asawa. Bagay na
sinusuportahan ng pag-aaral nina Birditt, Brown, Orbuch, at McIlvane, (2010) kung saan nakasaad na ang
pagpapakita ng conflict behaviors ay maaaring humantong sa divorce. Ang alitang mag-asawa ay isang
distressing context (Koss, George, Bergman, Cummings, Davies, and Cicchetti, 2011). Hindi lang ang mag-
asawa ang naaapektuhan dito, pati na rin ang kanilang mga anak. Maaari itong magkaroon ng matagal na
epekto sa bata sapagkat ang mga magulang ang tumatayong unang guro, at mga taong tinutularan ng mga
bata.

II. Layunin

Nais malaman ng mananaliksik kung ano-ano ang:


1.) Ano ang pananaw ng mag-asawa sa alitang mag-asawa?
2.) Anu-ano ang mga karanasan sa buhay mag-asawa?
3.) Anu-ano ang mga dahilan ng alitang mag-asawa?
4.) Paano sinusulusyunan ng magasawa ang alitang mag-asawa?

III. Metodolohiya

Ang mananaliksik ay gagamit ng kwalitatibong pananaliksik. Ang mananaliksik ay naglalayong


malaman ang mga sanhi ng alitan ng mag-asawang Filipino. Gagamit ang mananaliksik ng katutubong
pamamaraan na angkop sa pananaliksik katulad ng pagmamasid-masid, pakikiramdam, pagtatanung-tanong,
pagdadalaw-dalaw, at pakikipagkwentuhan, upang makakalap ng mga datos. Sisiguraduhin ng mananaliksik na
maabot ang antas ng pakikipagpalagayang-loob upang makakuha ng datos na angkop at mapagkakatiwalaan
para sa pananaliksik.

IV. Inaasahang Bunga

Ang papel na ito ay panimulang hakbang upang malaman namin ang mga karanasan ng mga mag-
asawang may hindi pagkakaunawaan. Ang kanilang pananaw ukol sa away mag-asawa at ang mga dahilan

8
kung bakit sila nag-aaway at ano ang kanilang ginagawa upang mabigyang solusyon ang alitang ito. Ang lahat
ng mga mahahalagang datos na aming makakalap ay ilalakip din bilang karagdagang pahina.

Mula sa Kasal-Sakal:
Alitang Mag-asawa nina Balba at
Castronuevo, 2017
The Bedan Journal of Psychology, 2017

MGA ETIKAL NA PANANALIKSIK AT MGA RESPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK

Larawang kinuha ni Gregory John Smith (Mula sa www.gmanetwork.com, Setyembre 22, 2013)

Naging kontrobersiyal ang larawang ito na nagkamit ng unang gantimpala sa 2 nd Calidad Humana National Essay
Photography Competition nang ilahok ito ni Mark Joseph Solis, isang mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipininas,
noong Setyembre 2013. Binigyan ni Solis ng titulong “The Mettle of Filipino Spirit” ang larawang ‘di umano ay
kinuhanan niya sa isang komunidad ng mga mangingisda sa Zamboanga. Ayon sa kaniya, tungkol ito sa isang
batang tumutulong sa kaniyang ama na manguha ng halamang-dagat. Kalaunan ay pinabulaanan ni Gregory John
Smith, isang social worker at isa sa mga nagtatag ng Children at Risk Foundation, ang orihinalidad ng larawang
inilahok sa paligsahan ni Solis. Ayon sa kaniya, kinuha niya ang larawan sa Brazil noong 2006 at inilagay sa
Internet, na siya namang kinuha at inangkin ni Solis. Umamin sa nagawang kasalanan si Solis. Personal siyang
gumawa ng liham kay Smith at sa harap ng publiko ay sinabi niyang isasauli niya ang anomang napanalunan sa
paligsahan sa orihinal na may-ari ng larawan. Pagkatapos ng imbestigasyon ng Unibersidad ng Pilipinas, kung
saan kasalukuyang nag-aaral ng MA Public Administration si Solis,Pinagpasyahan ng lupon na nag-imbestiga sa
kaso na tuluyan na siyang paalisin sa unibersidad.

Gabay na Tanong:
1. Naunawaan ba ang maikling sanaysay sa kaso ni Mark Joseph Solis?
2. Sa tingin mo ba ay may pagkakamaling nagawa ang mag-aaral? Pangatuwiranan kung anong paglabag ang
ginawa niya.
3. Sa tingin mo ba ay tama ang naging desisyon ng Unibersidad ng Pilipinas hinggil sa kaparusahang tinamo ng
mag-aaral?
4. Ano sa palagay mo ang dapat gawin ng mga mag-aaral upang maiwasan ang ganitong pagkakamali?

Sa araling ito, matutunghayan natin ang mga mahahalagang gabay sa pagsasagawa ng etikal na pananaliksik
upang maiwasan ang katulad na pagkakamaling nagawa sa itaas. Alamin ang kaugnayan ng kasong ito sa
pagsasagawa ng makabuluhang pananaliksik na tapat at may paggalang sa kapuwa.
Naitala ang pinakaunang paggamit ng salitang etika noong ika-14 na siglo ayon sa diskyunaryong
Merriam-Webster (2014). Ang salita ay nagmula sa Middle English na ethik, mula sa katagang Griyegong ethike, na
galing naman sa katagan ethiko. Ang lahat ng ito ay tumutukoy sa nakaugaliang pamamaraan ng pamumuhay at
pakikipag-kapuwa.
Ayon sa Free Dictionary (2014), ang etika ay tumutukoy sa mga pamantayan ng pagkilos at pag-uugali batay sa
mga katanggap-tanggap na ideya sa kung ano ang tama at mali. Sa larangan ng Pilosopiya, ang etika ay itinuturing na
isang sangay ng pag-aaral na nakapokus sa grupo ng mga prinsipyo at paniniwala sa kung ano ang mabuti at
nararapat.
Samakatuwid, ang pagiging etikal ay tumutukoy sa pagiging matuwid, makatarungan, matapat, at mapagpahalaga
sa kapuwa ng isang tao. Kung ilalapat sa pananaliksik, mahihinuha na ang pagiging etikal sa larangang ito ay
pagsunod sa mga pamantayang may pagpapahalaga sa kabataan, kabutihan, at pagpapanguna sa kapakanan ng
kapuwa. Mahalaga ang indibidwal na pagpapasya ng mananaliksik sa kug ano ang mabuti o hindi, ngunit lagi’t lagi ay
nakasalalay ito sa mga panlipunang pagpapahalaga. Makalipunan ang anumang pananaliksik. Ang pagsasagawa nito,
kahit pa nga sa indibidwal na pagsusumikap lamang, ay may katangian at layuning sosyal. Hindi nananaliksik ang
sinuman para sa sariling interes at kapakinabangan, at lalong hindi para paunlarin lamang ang sariling pag-unawa sa
9
isang tiyak na paksa. Maaaring maging bahagi lamang ito ng layunin ngunit higit natatapos rito ang tungkulin ng isang
mananaliksik.
Tungkuling ng isang mananaliksik na mag-ambag ng bagong kaalaman at lumikha ng makabuluhang pagbabago,
gaano man kaliit ito. Ang pagbabago ay hindi para sa sarili kundi para sa kapuwa at lipunan. Etikal ang anomang
pananaliksik na nagpapanguna sa ganitong adhikain.

Mga Gabay sa Etikal na Pananaliksik


Ang mga gabay sa etikal na pananaliksik ay nagpapakita ng mga etikal na isyu sa iba’t ibang bahagi ng proseso ng
pananaliksik. May tinutkou na mahahalagang prinsipyo sa etikal na pananaliksik ang American Psychological
Association (2003) at ang Center for Social Research Methods (2006) na maaaring gabay ng mga nagsisimulang
mananaliksik sa anomang larangan. Narito ang ilan sa mga mahahalgang prinsipyong iyon.
1. Pagkilala sa Pinagmulan ng mga Ideya sa pananaliksik.
 Gaya ng nabanggit, ang pananaliksik ay maihahalintulad sa paglahok sa isang pampublikong diyalogo. Ibig
sabihin, bukod sa mananaliksik ay maaaring marami nang naunang nag-isip tungkol sa paksang nais mong
unawain at pagayamanin. Mahalaga ang pagbanggit at pagkilala sa iba pang mananaliksik at iskolar na naging
tuntungan at pundasyon ng iyong pananaliksik.
2. Boluntaryong Partisipasyon ng mga Kalahok.
 Kinakailangang hindi pinilit ang sinomang kalahok o respondente sa pagbibigay ng impormasyon o anomang
partisipasyon sa pananaliksik. Bago simulan ang pagsagot sa sarbey, pakikipanayam, o eksperimento,
kailangang maging malinaw muna sa mga tagasagot ang kabuuang layunin ng pananaliksik at halaga ng
kanilang partisipasyon. Kung eksperimental, mahalagang maunawaan din ng kalahok ang bigat o inaasahang
peligro ng eksperimento at kailangang buong-loob ang kaniyang paglahok sa kabila nito.
3. Pagiging Kumpidensyal at Pagkukubli sa Pagkakilanlan ng Kalahok.
 Kailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang anomang impormasyon na magmumula sa kanila ay gagamitin
lamang sa kapakinabangan ng pananaliksik. Dapat ding pag-isipan ng mananaliksik kung paano ikukubli ang
pagkakilanlan ng tagasagot lalong-lalo na sa mga pananaliksik na may sensitibong paksa. Sa mga
pagkakataong kailangang isapubliko ang resulta ng pananaliksik o kaya’y ibahagi sa colloquium o publikasyon,
kailangan pa ring ipagpaalam at hingin ang permiso ng mga tagasagot na pangunahing pinagmulan ng datos
ng pananaliksik.
4. Pagbabalik at Paggamit sa Resulta ng Pananaliksik
 Mahalagang ipaalam sa mga tagasagot ang sistematikong pagsusuri ng mananaliksik sa kinalabasan ng pag-
aaral. Madalas na nararamdaman ng mga kalahok, lalo na yaong nasa komunidad, na ginagamit lamang sila
ng mananaliksik upang kumuha ng datos at pagkatapos ay parang bulang nawawala ang mga ito. Ito ay dahil
sa mangilan-ngilan lamang na mananaliksik ang bumabalim upang ibahagi sa mga kalahok ang kinalabasan ng
pag-aaral. Kung may awtput tulad ng modelo, pagbuo ng polisya, o iba pang mahahalagang rekomendasyon
ang pananaliksik, makabubuti kung ipaalam ito sa kinauukulan upang makatulong sa kapakinabangan ng
komunidad o kaugnay na institusyong pinag-aaralan.

PLAGIARISM AT ANG MGA RESPONSIBILIDAD NG MANANALIKSIK


Naging tampok na usapan sa social media ang ilang popular na kaso ng plagiarism sa Pilipinas. Kontrobersyal ang
naging paggamit ng isang malaking negosyante ng mga sikat na linya sa kaniyang talumpati nang walang pagbanggit
sa malalaking pangalanna pinagmulan ng ideya.
Gayundin, binatikos ang isang senador sa walang habas na paggamit ng ideya at direktang pagkopya sa artikulo
ng ilang blogger tungkol sa isyu ng Rproductive Health Law sa kaniyang talumpati sa senado. Dahil sa mga
pangyayaring ito, naging tampok sa media ang konsepto ng plagiarism at ang mga kaugnay na usaping etikal nito.
Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (2014), ang plagiarism ay ang tahasang paggamit at pangongopya
ng mga salita at/o ideya ng walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito. Tinukoy ng Plagiarism. Org.
(2014) ang iba pag anyo ng plagiarism gaya ng:
1. pag-angkin sa gawa, produkto o ideya ng iba;
2. hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga siniping pahayag.
3. pagpapalit ng mga salita sa katulad na wika o kaya ay pagsasalin sa teksto ngunit pangongopya sa ideya nang
walang sapat na pagkilala; at
4. ang pangongopya ng napakaraming ideya at pananalita sa isang pinagkunan na halos bumuo ng sa iyong
produkto, tukuyin mo man o hindi ang pinagmulan nito.

MGA HALIMBAWA NG PLAGIARISM NG ILANG MGA KILALANG PERSONALIDAD

1. Paggamit ni Tito Sotto ng ilang mahahalagang sinabi ni Robert F. Kennedy sa kaniyang talumpati sa Senado nang
walang kaukulang pagbanggit sa pinagmulan nito.
(http://www.rappler.com/nation/15858-kennedy-tp-sotto-this-is-a-clear-case-of plagiarism)

2. Paggamit ni Manny V. Pangilinan, isang makapangyarihang negosyante, ng mga kataga mula sa mga kilalang
personalidad sa kaniyang talumpati nang walang pagkilala.

(http://www.gmanetwork.com/news/story/187652/news/nation/mvp-borrowed-from-other-grad-speechess-says-sorry)

10
3. Pagkopya ni Karen Davila sa ilang bahagi ng akda ni Angel Stuart Santiago para sa kaniyang dokumentaryo tungkol
sa pagkamatay ni Cory Aquino.(http://www.pep.ph/news/22804/Writer-Accusses-Karen-Davila-of-Plagiarism)

III. BUOD
 Sa pananaliksik nagaganap ang paghahanap ng resolusyon at ang muling paghahanap ng mga ideya sa lalong
ikabubuti ng isang sitwasyon. Ang pagtuklas at pag-alam sa mga dahilan o mga bagay na nararapat bigyan ng
kasagutan ay matatawag na isang pananaliksik.
 Ang konsepto ay isang plano na nagpapakita kung ano at saang direksiyon patungo ang paksang nais
pagtuunan. Nagsisilbi itong gabay upang maipakita ang potensiyal ng gagawing pag-aaral.
 ang pagiging etikal ay tumutukoy sa pagiging matuwid, makatarungan, matapat, at mapagpahalaga sa kapuwa
ng isang tao. Kung ilalapat sa pananaliksik, mahihinuha na ang pagiging etikal sa larangang ito ay pagsunod
sa mga pamantayang may pagpapahalaga sa kabataan, kabutihan, at pagpapanguna sa kapakanan ng
kapuwa.
 Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (2014), ang plagiarism ay ang tahasang paggamit at
pangongopya ng mga salita at/o ideya ng walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan nito.

IV. PAGTATAYA:
Para sa pagtataya at karagdagang gawain, sumangguni sa huling pahina ng modyul.

V. SANGGUNIAN:

Bernardino, Elyria C. et.al.(2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Mutya
Publishing House, Inc. Malabon City.

David, Michael S. et.al.(2019). Sangandaan: Filipino sa Iba’t ibang Disiplina. Mutya Publishing House, Inc.,
Malabon City.

De Laza, Crizel S. (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Rex
Bookstore. Manila.

Sinuri at Pinagtibay:

MARILYN T. ALCALA, PhD


Dekana, CTEAS

Pangalan: _____________________________________ Kurso: _________________ Iskor: __________ Petsa


ng Pagsumite: ____________________________

PAGTATAYA
Panuto: Basahin nang mabuti ang mga pahayag. Isulat ang tama kung wasto ang pahayag at mali kung hindi
wasto.
__________ 1. Sa pananaliksik nagaganap ang paghahanap ng resolusyon at ang muling paghahanap ng mga ideya
sa lalong ikabubuti ng isang sitwasyon.
__________ 2. Mahalaga sa isang pananaliksik ang pagsunod sa tamang proseso at sistema sa pangangalap ng
datos.

11
__________ 3. Ayon kay Good sa Bernales (2009), ang pananaliksik ay isang maingat, kritikal, at disiplinadong inkwiri
sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik at paraan batay sa kalikasan at kalagayan ng natukoy na suliranin
tungo sa klaripikasyon at/o resolusyon.
__________ 4. Ang pamanahong-papel na nasa kwantiteytib na pananaliksik ayon kay Klazema (2010) ay isang
empirikal na pananaliksik kung saan ay may mga pamamaraan ng beripikasyon sa mga resulta ng datos.
__________ 5. Ang pagtuklas at pag-alam sa mga dahilan o mga bagay na nararapat bigyan ng kasagutan ay
matatawag na isang pananaliksik.

Panuto: Kilalanin kung anong elemento ang ginamit sa paglimita ng pamagat ng pananaliksik. Isulat ang sagot sa
bilang na matatagpuan sa ibaba.

Persepsyon ng mga Mag-aaral na Nahuhumaling sa mga Pandayuhang Kultura sa Grade 7- Special Science ng
6 7
Guiljungan National High School
8

Ang Preperensya ng mga Mag-aaral ng Unang Taon ng Senior High School ng Assumption College na Katangian ng
9
mga Tatakbong Presidente sa eleksyon 2016, Taong Akademiko 201-2017
10
6.
7. 8.
9.
10.

PAGLIKHA:
Panuto: Basahin at suriing mabuti ang bawat entri sa talahanayan sa ibaba. Gumawa ng pamagat ng pananaliksik
batay sa mga binigay na elemento. (5puntos)

PAKSA Perspektiba Panahon Uri Edad Kasarian Lugar Pangkat


1. Texting at Epekto Pagte-text at 12-16 Kababaihan Pamantasan Mga mag-
Literacy ng pagkatuto ng Bayan ng aaral
mga San Mateo
kabataan

______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________

PANGANGATUWIRAN:

1. Ang pagsasagawa ng pananaliksik,kahit pa nga sa indibidwal na pagsusumikap lamang, ay may katangian at layuning
sosyal. Ano ang ibig sabihin nito? (5 puntos)
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

Basahing mabuti ang sumusunod na kaso sa pananaliksik at tukuyin kung may naganap na paglabag sa etikal na
pamantayan sa pananaliksik. Pangatuwiran ang inyong sagot sa bawat kaso. (10 puntos bawat isa)

1. Nanaliksik si Brian sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas at naisip niyang basahin ang aklat ni Paulo Freire na
Pedagogy of the Opressed upang makatulong sa kaniyang pagsusuri, ngunit nahihirapan siyang maghanap
ng kopya. Nabasa niya sa isang pananaliksik ni Dr. Laura Sy na ginamit na tala sa isa sa mahahalagang

12
bahagi ng libro ni Freire. Ginamit niya ang sipi ni Dr. Laura Sy at binanggit ang dalawang awtor sa tala. Sa
sanggunian, kapuwa rin niya binanggit ang libro ni Freire at artikulo ni Dr. Sy.

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

2. Pinag-aralan ni Joel ang nasyonalismo sa mga piling kanta ng Eraserheads. Natanggap ito para sa
publikasyon sa isang journal ng mga pananaliksik sa kulturang popular. Hindi na niya ipinagpaalam sa
bandang Eraserheads ang paggamit niya ng mga kanta nito sa kaniyang pananaliksik. Ang katuwiran niya ay
matagal na itong isinapubliko at nagkawatak-watak na ang banda.

_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

GAWAIN 1:
Panuto: Gumawa ng inyong sariling konseptong papel mula sa paksang maka-Pilipino na nais ninyong gawan ng
pananaliksik. Gawing batayan ang binigay na halimbawa sa inyo sa itaas na talakayan. Sundin ang format sa ibaba.
Ang awtput na ito ay isulat sa maikling bond paper (sulat-troniko o computerized).

___________________________________________
Pamagat ng Pananaliksik

I. Rasyonale:
II. Layunin
III. Metodolohiya
IV. Inaasahang Bunga (Awtput)
V. Sanggunian

13

You might also like