You are on page 1of 48

UGNAYAN

NG WIKA AT
KULTURA
FIL 108 INTRO DUKSYON SA
PA G S A S A L I N

EDLYN A. NACIONAL
ANO BA ANG KAUGNAYAN
NG WIKA SA KULTURA?
• Ang wika ay nalilinang dahil sa kultura, ang
kultura ay nalilinang dahil sa wika at ang
wika ay ang kultura mismo. Maari natin
itong ituring bilang batayang gabay sa
matibay na kaugnayan ng wika at kultura
bilang mabisang kasangkapan
sa pagtataguyod ng pagkakakilanlan
nating mga Pilipino. 
Ang wika ay nalilinang
dahil sa kultura.
• Ayon kay Walt Whitman, ang wika ay
hindi abstraktong nilikha ng mga nakapag-
aral o ng bumubuo ng diksyunaryo, kundi
ito ay isang bagay na nalikha mula sa mga
gawa, pangangailangan, kaligayahan,
panlasa ng mahabang talaan ng
henerasyon ng lahi at nagtataglay ito ng
malawak na batayang makamasa (Peña et.
al 2012)
Ang wika ay nalilinang
dahil sa kultura.
• Malinaw na ang wika ay nalilinang at napagtitibay
sapagkat ang kulturaang nagbibigay katuturan sa
ipinapahayag na kaisipan ng wika. Ginagamit ang wika
dahil ito ay daluyan ng komunikasyon upang
magpasimula ng isang tiyak na pagkilos o paggawa. Ito
rin ay pangangailangan ng tao sa pakikipag-ugnayan
sapagkat siya ay itinuturing na may pangangailangang
sosyal. Ang wika ay nakapagpapahayag din ng iba’t
ibang damdamin at natutukoy din dito ang pananaw sa
iba’t ibang bagay napagpapasiyahan kung ano ang
magiging kalugod-lugod sa atin, ang pagpapasiyang
mayroong impluwensiya mula sa ating kapuwa at ng
Ang kultura ay nalilinang
at napagtitibay din ng
wika
•Binigyang kahulugan ni Virgilio Almario ang wika bilang
katutubong halagahan o value para sa marangal na buhay
ng ating mga ninuno, isang dakilang pamantayang
nararapat sundin saanman at kailanman tungo sa wastong
pakikipagkapuwa-tao, isang banal na tuntuning kailangang
tupdin upang hindi ‘maligaw ng landas’. Hindi
mapasusubalian na ang ating sariling wika ang siyang
midyum na ginamit ng ating mga ninuno sa pagpapahayag
ng mga itinakdang batas at pamantayan sa lipunan
pasalita man o pasulat.
Ang kultura ay nalilinang
at napagtitibay din ng
wika
• Sa batas ni Maragtas at Kalantiaw, malinaw na
nakapaloob sa kaisipang ipinapahayag ng wikang
ginamit ang pamantayang itinakdang batas na ito
na siya namang pinagbabatayan ng pamumuhay at
pagkilos ng isang mamamayang Pilipino sa lipunan
na kaniyang kinabibilangan. Matagumpay ding
naipabatid at naipasa sa bawat henerasyon ang
mga paniniwala at pamamaraang Pilipino bunga ng
sabi-sabi o ‘word of mouth’.
Ang kultura ay nalilinang
at napagtitibay din ng
wika
• Samakatuwid, natutukoy ang
mga pamantayan gayon na rin
ang kultura ng lipunang Pilipino
gamit ang wika sa diskursong
pasalita at pasulat.
. Ang wika ay ang kultura
mismo
• Kung pagbabatayan naman natin ang
winika ng karakter na si Simoun ng El
Filibustersimo ni Dr. Jose Rizal na ang wika
ay paraan ng pag-iisip ng tao,
samakatuwid tinatanggap natin na ang
wika ay ang kultura mismo. Dahil nga ang
kultura ay pamamaraan ng pagkilos at
pamumuhay ng isang tao ay nakabatay sa
kaniyang pag-iisip, ito ang pangunahing
ANO BA ANG KAUGNAYAN
NG WIKA SA KULTURA?
• Angwika ay ang susi sa tagumpay
ng pag-usbong ng isang lahi sa
paglikha at pagpapanatili ng kultura
sapagkat kung walang wika, ang
kakayahan upang makabuo ng mga
kaisipan at tradisyon ay hindi
makatotohanan.
FIL 108
INTRODUKSYON
S A PA G S A S A L I N

MGA
WIKA SA
PILIPINA
S
Ang Mga • “ANG TINATAWAG na ‘mga wika
ng Pilipinas’ ay ang iba’t ibang
Wika ng wikang katutubo na sinasalita sa
Pilipinas buong kapuluan. Hindi tiyak ang
bilang ng mga ito, ngunit may
nagsasabing 86 at may
nagsasabing itinuturing ang
bawat isa na wika (language sa
Ingles) dahil hindi
magkakaintindihan ang dalawang
tagapagsalita nitó na may
magkaibang katutubong wika…”
MGA DIYALEKTO
• “Bawat isa sa mga wika ay may
mga sanga at tinatawag na mga
diyalekto na maaaring magkaiba
sa isa’t isa sa ilang katangian.
Ngunit nagkakaintindihan ang
dalawang tagapagsalita na may
magkaibang diyalekto…”
• “Dapat tandaan, ang
WIKANG itinuturing na ‘wikang
katutubo’ ay alinman sa mga
KATUTUBO wika na sinúso ng isang tao
na ang mga magulang ay
may angkang katutubo sa
Pilipinas. Kabílang sa wikang
katutubo ang pangunahing
wika gaya ng Tagalog o
Waray o ang maliit na gaya
ng Higaonon o Ivatan. Kahit
maraming nagsasalita
ngayong mamamayan ng
Pilipinas ay hindi maituturing
na wikang katutubo ang
Tsino o kahit ang Ingles.”
MGA PANGUNAHING WIKA NG
PILIPINAS
• “Tradisyonal na tinatawag na walong
pangunahing wika ng bansa ang Bikol,
Ilokano, Hiligaynon, Pampanggo,
Pangasinan, Sebwano, Tagalog, at
Waray (Samar-Leyte). Malimit ding
tawagin ang mga ito na wikang
rehiyonal. May pagkakataóng
isinasáma sa pangkat ang Mëranaw,
Tausug, at Magindanaw. Ang
karaniwang katwiran sa “pangunahing
wika” ay dahil (1) may malaking
bílang ito ng tagapagsalita,
karaniwang umaabot sa isang milyon
ang tagapagsalita, o (2) may
mahalagang tungkulin ito sa bansa
bílang wika ng pagtuturo, bílang
wikang opisyal, o bílang wikang
pambansa.”
Ayon sa Konstitusyon ng

Pambansang Pilipinas
• Ang wikang pambansa ng Pilipinas
ay Filipino. Samantalang
Wika ng nililinang, ito ay dapat
payabungin at pagyamanin pa

Pilipinas salig sa umiiral na wika sa


Pilipinas at sa iba pang mga wika.
Alinsunod sa tadhana ng batas at
sang-ayon sa nararapat na
maaaring ipasya ng Kongreso,
dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang Pamahalaan upang
ibunsod at puspusang itaguyod
ang paggamit ng Filipino bilang
medium ng opisyal na
komunikasyon at bilang wika ng
pagtuturo sa sistemang pang-
edukasyon.
• M a y r o o n g 1 7 5 w i k a s a   P i l i p i n a s, 1 7 1 d i t o a y n a n a t i l i n g g a m i t p a a t 4 a y t u l u y a n g l u m i p a s n a .

Tala ng mga
• M g a b uh ay na w ik a
• Ang mga sumusunod ang 171 na buhay na wika sa Pilipinas:

Wika Wikang Agta


• Agta (Alabat Island)
• Agta (Camarines Norte)
• Agta (Casiguran Dumagat)
• Agta (Central Cagayan)
• Agta (Dupaninan)
• Agta ( Isa ro g)
• Agta (Mt. Iraya)
• Agta (Mt. Iriga)
• A g t a ( Re m o n t a d o )
• Agta (Umiray Dumaget)

• Agutaynen
• Aklanon
• Alangan
• Wikang Alta
• Alta (Northern)
• Alta (Southern)

• Arta
• Ata
• Ati
• A t t a ( Fa i r e )
• A t t a (Pa m p l o n a )
• Atta (Pudtol)
• Ay t a ( A b e n l e n )
• Ay t a ( A m b a l a )
• Ay t a ( B a t a a n )
• Ay t a ( M a g - A n c h i )
• Ay t a ( M a g - I n d i )
• Ay t a ( S o r s o g o n )
• Balangao
• Balangingi
• Bantoanon
• Batak
• Wikang Bicolano
• Bicolano (Albay)
• Bicolano (Central)
• Bicolano (Iriga)
• Bicolano (Hilagang Cat anduanes)
• Bic olan o (Timog Ca tand u ane s)
• Binukid
Tala ng mga • B l a a n ( Ko r o n a d a l )
• Blaan (Sarangani)
Wika •


Bolinao
Bontoc (Central)
• Buhid
• Butuanon
• Caluyanun
• Capampangan
• Capiznon
• Cebuano
• Cuyonon
• Dabawenyo
• English / Ingles
• Espanyol / Kastila / Spanish / Castillian
• Filipino
• Fi n a l l i g
• Ga'dang
• Gaddang
• Giangan
• Hanunoo
• Higaonon
• Hiligaynon
• Ibaloi
• Ibanag
• Ibatan
• Wikang Ifugao
• Ifugao (Amganad)
• Ifugao (Batad)
• Ifugao (Mayoyao)
• Ifugao ( Tu w a l i )
• Ilo ko
• Ilongot
• Inabaknon
• Inonhan
• Wikang Intsik
• Intsik (Mandarin)
• Intsik (Min Nan)
• I n t s i k ( Yu e )
Tala ng mga • I r a n o n p ro b i n s i y a n g S h a r i ff Ka b u n s u a n , M a g u i n d an a o , L a n a o D e l s u r a t p a r t e n g Z a m b o a n g a

Wika
• Iraya
• Isinai
• Isnag
• Itawit
• W i ka n g I t n e g
• Itneg (Adasen)
• Itneg (Banao)
• Itneg (Binongan)
• Itneg (Inlaod)
• Itneg (Maeng)
• Itneg (Masadiit)
• Itneg (Moyadan)
• W i ka n g I v at a n
• I-wak
• Ka g a y a n e n
• W i ka n g Ka l a g a n
• Kalagan (Kagan)
• K a l a g a n ( Ta g a k a u l u )
• W i ka n g Ka l i n g a
• Kalinga (Butbut)
• Kalinga (Limos)
• Kalinga ( L o w e r Ta n u d a n )
• Kalinga (Lubuagan)
• Kalinga ( M a b a k a Va l l e y )
• Kalinga (Madukayang)
• Kalinga (Southern)
• Kalinga ( U p p e r Ta n u d a n )
• W i ka n g Ka l l a h a n
• Kallahan (Kay apa)
• K a l l a h a n ( Ke l e y - i )
• Ka ll ahan (Tino c)
• Ka m a y o
• Ka n ka n ae y
• Ka nka na y (No rt hern)

Tala ng mga •


Ka ra o
Ka ro l a no s
Wika • Ka s i g urani n
• Ki na ra y-a
• M ag aha t
• M ag ui nda nao
• M al a yno n
• M ama nw a
• Wi ka ng M and aya
• Mandaya (Cataelano)
• M a n d a y a ( Ka r a g a )
• Mandaya (Sangab)
• Wi ka ng M ano b o
• M ano b o (A g us an)
• M ano b o (At a )
• M ano b o (Ci na mi g ui n)
• M ano b o (Co t ab a t o )
• M ano b o (D i b ab a wo n)
• M ano b o (I l i anen)
• M ano b o (M at i g s al ug )
• M ano b o (Ob o )
• M ano b o (Raj ah Kab uns uwa n)
• M ano b o (S a ra ng a ni )
• M ano b o (Ka nl ura ng B uki d no n)
• M ans aka
• M ap un
• M ara nao
• M as b at enyo
• Molbog
• Wi kan g Pal aw a no
• Pa l aw an o ( Broo ke's Poi nt )

Tala ng mga
• Pa l aw an o ( C e nt r a l )
• Pa l aw an o ( So u th we s t )
• Pangasinense

Wika
• Paranan
• Philippine Sign Language
• Porohanon
• Ratagnon
• Ro m blom an on
• Wikang Sama
• Sama (Central)
• Sa m a ( Pan gut a ra n)
• Sama (Southern)
• Sambal
• Sangil
• Wikang Sorsogon (B icolano)
• Sorsogon (Masbate)
• S o r s o g o n ( Wa r a y )
• Wikang Subanen
• Subanen (Central)
• Subanen (Northern)
• Wikang Subanon
• S u b a n o n ( Ko l i b u g a n )
• S u b a n o n ( We s t e rn )
• Subanon (Lapuyan)
• Sulod
• Surigaonon
• Ta d y a w a n
• Ta g a b a w a
• Ta g a l o g
• W i k a n g Ta g b a n w a
• Ta g b a n w a
• Ta g b a n w a ( C a l a m i a n )
• Ta g b a n w a ( C e n t r a l )
• Ta u s u g
• W i k a n g Ta w b u i d
• Ta w b u i d ( E a s t e r n )
• Ta w b u i d ( W e s t e r n )
• Tboli
• Tiruray
• Wa r a y-Wa r a y
• Ya k a n
• Yo g a d
• Wikang Chavacano
• Zamboangueño; Chavacano (Chabacano de Zamboanga)
• Caviteño; Chavacano (Chabacano de Cavite)
• Te r n a t e ñ o ; C h a v a c a n o ( C h a b a c a n o d e B a r r a )
• Ermiteño; Chavacano (Chabacano de Ermita)
• Wikang Bolinao
• Hernan
Mga Agta (Dicamay)
patay
na wika Agta (Villa Viciosa)

Ayta (Tayabas)

Katabaga
Pagsasalin sa Rehiyonal
na Wika
• “…isang konstitusyonal at makabayang
tungkulin sa pagpapayaman ng wikang
pambansa. Sa anumang pagkakataon,
kailangang tupdin muna ito bago isaisip
ang paghiram at paglikha. Isang paggalang
ito at pagtitiwala sa kakayahan ng wikang
pambansa at ng ibang katutubong wika
saPilipinas.” (Almario, 1997, 97-98)
BARAYTI NG WIKA – Uri At Ang Mga
Halimbawa nito

Kilala rin sa Ingles na “variety”,


Sa pagsasalin sa Rehiyonal na
ito ang sanhi ng pagkakaiba ng
Wika ay kailangang bigyang
uri ng lipunan nating
pansin ang mga barayti ng wika
ginagalawan, heograpiya,
upang malaman kung sa
edukasyon, okupasyon, edad,
paanong paraan isasagawa ang
kasarian, at kung minsan, ang
pagsasalin.
uri ng pangkat etniko.
• Ito ay ang personal na
1. Idyolek paggamit ng salita ng isang
indibidwal. Bawat indibidwal
ay may istilo sa
pamamahayag at pananalita.
Halimbawa:
• “Magandang Gabi Bayan” –
Noli de Castro
• “Hoy Gising” – Ted Failon
• “Hindi ka namin tatantanan” –
Mike Enriquez
• “Di umano’y -” – Jessica Soho
2. Dayalek
• Ito ay nalilikha ng dahil sa heograpikonog kinaroroonan.
Ang barayti na ito ay ginagamit ng mga tao ayon sa
partikular na rehiyon o lalawigan na tnitirhan.
• Halimbawa:
• Tagalog – “Mahal kita”
• Hiligaynon – “Langga ta gd ka”
• Bikolano – “Namumutan ta ka”
• Tagalog – “Hindi ko makaintindi”
• Cebuano – “Dili ko sabot”
3. Sosyolek / Sosyalek
• Uri ng barayti na pansamantala lang at ginagamit sa
isang partikular na grupo.
• Halimbawa:
• Te meg, shat ta? (Pare, mag-inuman tayo)
• Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init
naman dito!)
• Wag kang snobber (Huwag kang maging suplado)
4. Etnolek
• Ginawa ito mula sa salita ng mga etnolonggwistang
grupo. Nagkaroon nga iba’t ibang etnolek dahil sa
maraming mga pangkat na etniko.
• Halimbawa:
• Palangga – Sinisinta, Minamahal
• Kalipay – saya, tuwa, kasiya
• Bulanim – pagkahugis ng buo ng buwan
5. Ekolek
• Ito ay kadalasang ginagamit sa ating tirahan. Ito ay
kadalasang nagmumula sa mga bibig ng bata at
matanda.
• Halimbawa:
• Palikuran – banyo o kubeta
• Papa – ama/tatay
• Mama – nanay/ina
6. Pidgin
• Wala itong pormal na estraktura at tinawag ding
“lengwahe ng wala ninuman”. Ginagamit ito sa mga tao
na nasa ibang lugar o bansa.
• Halimbawa:
• Ako punta banyo – Pupunta muna ako sa banyo.
• Hindi ikaw galing kanta – Hindi ka magaling kumanta.
• Sali ako laro ulan – Sasali akong maglaro sa ulan.
7. Creole
• Ito ay ang pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula
sa magkaibang lugar hanggang sa naging personal na
wika.
• Halimbawa:
• Mi nombre – Ang pangalan ko
• Yu ting yu wan, a? – Akala mo espesyal ka o ano?
• I gat planti kain kain abus long bikbus – Marami akong
uri ng mga hayop sa gubatan.
8. Register
• Ito ay espesyalisadong ginagamit sa isang partikular na
pangkat o domain. May tatlong uri nito:
• Larangan – naayon ito sa larangan ng taong gumagamit
nito
• Modo – paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon?
• Tenor- ayon sa relasyon ng mga-naguusap
• Halimbawa:
• Jejemon
• Binaliktad
• Pinaikli sa teks
Ingles at Filipino:
Pagkakaiba at
Pagkakatulad
•Marami ng pagtatangka ang isinasagawa upang unti-unting
mapalitan ng wikang Filipino ang wikang Ingles bilang wikang
panturo kahit sa mga antas elementarya at sekundarya man
lamang (EDCOM Report, Kongreso ngPilipinas, 1992) Ngunit
lubhang napakalalim na ang pagkakatanin ng wikangIngles sa
ating sistema ng Edukasyon.Kumbensyong Konstitusyonal noong
1972-1973 na ginanap sa ManilaHotel. Ang kanilang ikinikilos,
pangangatwiran, pananalita, ang kanilangmataas na pagkakilala sa
wika ng mga dating mananakop at mababangpagkakilala sa wikang
pambansa ay magandang larawan ng mga nakapag-aralna mga
mamayang Pilipino, lalo na ng mga pulitiko at kinikilalang
mga lider.Bahagi rin ng katitikan ng nasabing kumbensyon na
nagpaptibay ng resolusyon ang mga delegado na ipang babawal
ang paggamit ng wikang pambansa sa mga oras ng kanilang
deliberasyon. Ingles lamang ang wikangopisyal sa kanilang
• Noong sumusunod na kumbensyong
Ingles at konstitusyonal na nakilala sa akronim na
CONCOM (Constitutional Commision,
1986) ay hindi na nakapangyari

Filipino angkagustuhan ng mga Little Brown


Americans. Nagpatibay sila kaagad ng
isangresolusyon na Filipino at Ingles ang
kanilang gagamitin sa mga oras ng
delibersyon.
• Mababanggit na matapos maratipika ang
Konstitusyon ng 1987,nirebisa rin ng
DECS ang patakarang edukasyong
bilinggwal nito sa pamamagitan ng
Kautusang Pangkagawaran Blg. 52, s.
1987 na may pamagat na “Patakaran sa
Edukasyong Bilinggwal ng 1987”.
Layunin nito namakapagtamo ang mga
Pilipino ng “kahusayan sa Filipino at sa
Ingles sa pamamagitan ng pagtuturo at
paggamit ng dalawang wikang ito bilang
mga midyum ng pagtuturo”.
ANG • Ang Filipino ay may sistema ng
pagbaybay na “highly phonemic”
DALAWANG na nag ibig sabihin ay may isa sa
WIKANG isang pagtutumbasan ang
ponema (makahulugang tunog)
KASANGKOT SA at ang simbolo o titik.
PAGSASALIN • Sa matandang balarila ni Lope K.
AY KAPWA Santos, “kung ano ang bigkas ay
siyang sulat ay siyang basa”.
UMIIRAL SA Kaya nga’t sa pamamagitan ng
PILIPINAS anyo ng salita o balangkas ng
mga pantig nito madaling
masasabi ng isang iskolar mg
wikakung sa anong angkan,
kundi man particular na wika ito
nagmula.
• Halimbawa, kahit batang hindi pa
ANG nag-aaral ay alam na nagkahulugan
DALAWANG kapag narinig ang salitang
“Frigidaire” ngunit kung ito’y
WIKANG hihirammin nang pasulat, paano
kaya ito babaybayin? (Frigidaire?
KASANGKOT SA Pridyideyr?Frijideyr?) Pansinin na
PAGSASALIN kung hihiramin ang “Frigidaire” nang
walang pagbabago sa baybay, lilikha
AY KAPWA ito ng gulo sa ating konsistent na
UMIIRAL SA sistema ating
sinusunod– pridyideyr– tanggapin
PILIPINAS kaya ng bayan ang ganitong
ispeling? Ang nangyayari ay higit na
nahahantad o nahihirati ang mata ng
mga Pilipino sa “Frigidaire” kaysa
“pridyideyr”. Dito nagkakatotoo ang
sinasabi sa Ingles na “visual
conditioning”.
• Ang mga pagkakaibang ito ay
ANG MALAKING kasinlawak ng pagkakalayo sa
kultura ng bansang Pilipinas at ng
PAGKAKAIBA NG America. Hindi maiiwasan ng isang
FILIPINO AT tagapagsalin, kahittaglay niya ang
NG INGLES lahat ng katangiang dapat angkinin
ng isang tagapagsalin,
SAGRAMATIKA AT angmapaharap sa suliraning
SA nakaugat sa ganitong pagkakaiba ng
dalawangwikang kasangkot sa
MGA EKSPRESYONG pagsasalin. Halimbawa, ay isang
IDYOMATIKO tekstong pampanitikan,isang
maikling kwento o tula, ito higit na
masusumpungan ng tagapasalin
angproblema sa pagsasalin ng mga
ekspresyong idyomitikong nakabuhol
sakulturang nakapaloob sa wikang
ginamit sa orihinal na teksto, lalo na
kungnapakaraming taon na ang
namamagitan sa isinalin at
pagsasalinang wika.
KAWALAN NG TANGKILIK NG PAMAHALAAN AT MANGYAYARI
PA’Y KAKULANGAN NGA SALAPING MAGAGAMIT SA
PAGPAPALIMBAG NG MGA SALIN

• Sa lahat ng mga naging Pangulo ng bansa, alam ng lahat


na natatangi ang ibinigay na tangkilik ng Pangulong
Quezon sa isyu ng wikang pambansa.Gayundin naman
ang pagmamalasakit na ipinakita ng dating Pangulong
Marcos at ng ibang pang naging Pangulo ng bansa. Ang
totoo’y wala pa naming naging Pangulo ng ating bansa
ang sumalungat sa paglinang at pagpapalaganap ng
wikang pambansa. Nagkakaiba-iba nga lamang sila sa
antas at paraan ng pagtangkilik.
ANG PAGSALIN SA
LARANGAN NG AGHAM AT
TEKNOLOHIYA
• Isinisaad sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 25,
s. 1974 na ang mga asignaturang araling
panlipunan/ agham panlipunan, wastong pag-
uugali, edukasyong panggawian, edulasyong
pangkalusugan at edukasyong pisikal(social
studies/social science, character education, work
education, health education and physical
education) ay ituturo sa Pilipino (Filipino),
samantalang ang agham at matematika ay sa
Ingles.
ANG PANGHIHIRAM SA INGLES:
MGA SULIRANIN AT MUNGKAHING
PARAAN
• Ang Pilipinas ay may dalawang opisyal na wika: una, ang
Filipino namay potensyal na yaman ngunit hindi pa
gaanong maunlad at kailangang pagyamanin at
paunlarin nang husto upang makaganap sa tungkulin ng
isang tunay na wikang pambansa. Ikalawa, ang Ingles na
wika ng ating dating mananakop, isang wika ng maunlad
at malaganap sa daigdig, na nagsisilbing tulay sa ating
pakikipag-ugnayang panlabas at sa pagdukal ng
karunungan sa ibat-ibang larangan. Dahil sa labis-labis
na pagkakahantad natin sa wikang Ingles, lumitaw ang
isang malubhang problema sa panghihiram.
ANG PANGHIHIRAM SA INGLES:
MGA SULIRANIN AT MUNGKAHING
PARAAN
• Ang palabaybayin osistema ng pagbaybay ng wikang
pambansa nga nagpakita ng kakayahan sapag-asimila
ng mga salitang-hiram sa Kastila ay kinakitaan naman
ngkahinaan sa pag-asimila ng mga salitang hinihitram
sa wikang Ingles. Pansinin na sa “plaskard” na mula sa
“flashcard” ay nawala na angtunog na /f/ at /sh/, at ang
letrang “c” naman ay napalitan na ng “k”. Ang totoo
kapag sistema ng pagbaybay ng mga wikang gumagamit
ng mga letrangRomano ang pinag-usapn, ang Ingles na
marahil ang siyang maypinakamagulong sistema.
Panuto: Tukuyin kung ano
ang isinasaad sa
pangungusap. Maaaring
umulit ang sagot.
_______1. Ito ay daluyan ng komunikasyon at sa
pagkakaroon ng komunikasyon ay naisasakatuparan ang
ugnayan ng isang tao sa kaniyang kapuwa.
 
_______2. Ito ay sumisimbolo sa kultura ng mga Pilipino
kung sino, ano, at meron sila.
 
_______3. Mayroong ilang wika sa Pilipinas?

______4.Magkakaiba ang mga diyalekto sa bawat rehiyon


o lugar sa Pilipinas kaya ang diyalektong ginagamit ng
karamihan sa tao sa isang rehiyon ay tinatawag na?

_______5. Ito ay ginagamit na wikang panturo sa paaralan


pagkatapos tayong sakupin ng mga Kastila.
 _______6. Ayon sa kanya “kung ano ang bigkas ay siyang sulat ay siyang
basa”.

_______7. Uri ng Barayti ng Wika na ang personal na paggamit ng salita ng


isang indibidwal. Bawat indibidwal ay may istilo sa pamamahayag at
pananalita.

_______8. Ito ay isang proseso kung saan ang isang pahayag, pasalita man
o pasulat, ay nagaganap sa isang wika at ipinapalagay na may katulad
ding kahulugan sa isang dati nang umiiral na pahayag sa ibang wika.

_______9. “Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino, At habang


nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na
mga wika sa Pilipinas at sa iba pang wika.”

_______10. Uri ng barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa ating


________11. Layunin nito namakapagtamo ang mga Pilipino ng
“kahusayan sa Filipino at sa Ingles sa pamamagitan ng pagtuturo at
paggamit ng dalawang wikang ito bilang mga midyum ng pagtuturo”.
________12. Ito ang sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunan nating
ginagalawan, heograpiya, edukasyon, okupasyon, edad, kasarian, at
kung minsan, ang uri ng pangkat etniko.
________13. Ayon sa kanya ang wika ay hindi abstraktong nilikha ng
mga nakapag-aral o ng bumubuo ng diksyunaryo, kundi ito ay isang
bagay na nalikha mula sa mga gawa, pangangailangan, kaligayahan,
panlasa ng mahabang talaan ng henerasyon nglahi at nagtataglay
ito ng malawak na batayang makamasa (Peña et. al 2012).
________14. Dalawang bagay na hindi maaaring mapaghiwalay,
________15. dahil ito’y magkaugnay sa isa’t isa.
Susi
1. Wika
2. Wikang Filipino
3. 175
4. Wikang Rehiyonal
5. Wikang Ingles
6. Lope K. Santos
7. Idyolek
8. Pagsasaling-wika
9. Artikulo XIV seksyon 6
10. Ekolek

11. Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal ng 1987


Maraming
Salamat!

You might also like