You are on page 1of 6

University of Santo Tomas BALANGKAS NG KURSO

College of Education FILIPINO 1


DEPARTAMENTO NG FILIPINO UNANG TERMINO 2018-2019
3rd Floor, Albertus Magnus Building
España, Manila 1015, PHILIPPINES

KURSO FIL 1

PAMAGAT KONTEKSTUWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO

DESKRIPSYON NG KURSO Ang Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino ay kursong pangwika na may layuning pataasin
ang kakayahang pangwika ng mga mag-aaral sa kolehiyo upang magamit sa pagdalumat ng disiplina o
kursong kinabibilangan. Nilalayon din ng kurso na linangin ang mahusay na pagdidiskurso (sa anyong
pasalita at pasulat) ng mga mag-aaral at makapagsaliksik ng mga kaalaman sa lipunan at paksa o
usapin sang-ayon sa kanyang disiplina (hal. ng Edukasyon, Narsing, Negosyo, Inhenyeriya, Agham,
Sining, Isports, Komersyo, Pamamahala, Turismo, at iba pa) gamit ang wikang Filipino.

Layunin din ng kurso na maitaas ang kamalayang global ng mga mag-aaral sa kolehiyo upang makapag-
aambag sa kanyang sariling pag-unlad. At mapalalim pa ang maka-Pilipino at maka-Tomasinong
pagpapahalaga na may pagtangkilik sa sariling pagkakakilanlan at kultura tungo sa pag-unlad ng
komunidad, ng lipunan at ng bansa.

Filipino 1 Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino: Balangkas ng Kurso 1


MGA INAASAHANG BUNGA Matapos ang kurso, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nasusuri nang kritikal ang mga binasang pananaliksik, artikulo, dokumentaryo, at iba pang anyo ng
impormasyon sa konteksto ng Filipino bilang isang disiplinang akademiko.

2. Nakapagdidiskurso sa mga usaping pangwika, pangkulturaat panlipunan kaugnay ng sariling


disiplina.

3. Nakabubuo ng indibidwal o kolektibong pagsusuri, pagpapasya, pagpaplano, at pagkilos para sa


pagtataguyod at pagpapaunlad ng wikang Filipino at ng kaalaman sa disiplinang kinabibilangan.

4. Nagagamit nang mabisa ang Filipino sa disiplinang kinabibilangan.

TAGAPAGDALOY NG KURSO Pangalan:


Email Address:
Consultation Hours:

LINGGO/PETSA PAKSA SUSING KONSEPTO


1 Agosto 13-18 Aralin 0- 1.Mga kahingian ng kurso
Oryentasyon 2.Pagsusulong ng Filipino sa Kolehiyo na siyang
tuntungan ng bagong Fil 1

2 Agosto 20-25 Yunit 1 Aralin 1 1.Pagsusulong ng Filipino sa Kolehiyo kaugnay ng


Ang Filipino sa Pagpapaunlad ng Sarili at Bansa bagong Fil 1 ng UST

2.Pagkilala sa Estado ng Wikang Filipino sa


Kasalukuyan lalo na sa posisyon nito bilang wika
ng karunungan at wika ng pag-unlad

Filipino 1 Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino: Balangkas ng Kurso 2


3 Agosto 27-Sept. 1 Yunit 1 Aralin 2 1.Pagpapahalaga sa katangiang multilingguwal at
Ang Filipino sa Bagong Milenyo multikultural ng Filipino
2.Pagkilala sa pagiging dinamiko, buhay at
umuunlad na wika ng Filipino

4 Sept 3-8 Yunit 1 Aralin 3 Intelektuwalisasyon ng Filipino Ang Pagsusulong ng Intelektuwalisasyon ng


Filipino batay sa Iba’t ibang Larangang Akademiko

5 Sept 10-15 Mahabang Pagsusulit

6 Sept 17-22 Yunit 2 Aralin 4 Mga Katangian ng mga Angkop at Di-ankop na


Pagpili ng Batis ng Impormasyon Batis ng Impormasyon para sa pagsusulong ng
Intelektuwalisasyon ng Filipino

7 Sept 24-29 Yunit 2 Aralin 5


Ang Papel ng Wika at kulturang Filipino sa Pag-unawa ng
Suliraning Panlipunan Ang Papel ng Wika at kulturang Filipino sa Pag-
unawa ng Suliraning Panlipunan

8 Okt. 1-6 Yunit 3 Aralin 6 Mga napapanahong suliraning panlipunan na


Mga Suliraning Panlipunan Kaugnay ng Tiyak na maaaring tugunan ng tiyak na disiplinang
Disiplinang Akademiko kinabibilangan ng mag-aaral
9 Okt. 8-13 PRELIMINARYONG PAGSUSULIT
PETA: Photo Blog
10 Okt. 15-20 Yunit 3 Aralin 7 Ang katutubong kultura bilang batis at hanguan ng
Mga Katutubong Kaalamang Kultural sa Tiyak na mga karunungan para sa paglutas ng kasalukuyang
Disipliang Akademiko mga suliranin (tuon sa disiplina)

Filipino 1 Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino: Balangkas ng Kurso 3


11 Okt. 22-27 Yunit 3 Aralin 8 Mga tiyak na pamamaraan, metodo, at sagisag
Mga Katutubong Pamamaraan, Metodo at Sagisag pangkultura na maiuugnay sa pagsasakatutubo ng
Pangkultura pamamaraan ng disiplinang kinabibilangan
12 Okt. 29-Nov.3 Presentasyon ng Proposal para sa pinal na PETA
/Mahabang Pagsusulit
13 Nov. 5-10 Yunit 4 Aralin 9 Pagtalakay sa papel ng wikang Filipino sa pag-
Ang Filipino sa mga Piling Larangan (Politika, unawa ng mga usaping pampolitika, ideolohikal at
Ideolohiya, Kasarian) pangkasarian
14 Nov. 11-17 Yunit 4 Aralin 10 Pagtalakay sa papel ng wikang Filipino sa pag-
Ang Filipino sa mga Piling Larangan (Sining, Kulturang unawa ng mga usapin ng sining, kulturang
Popular, Mass Media) popular at mass media
15 Nov. 18-25 Yunit 4 Aralin 11 Pagtalakay sa papel ng wikang Filipino sa pag-
Ang Filipino sa mga Piling Larangan ( Pilosopiya, unawa ng mga usapin ng Agham Panlipunan:
Relihiyon at Batas) Pilosopiya, Relihiyon at Batas
16 Nov. 26-Dis.1 Yunit 4 Aralin 12 Pagtalakay sa papel ng wikang Filipino sa pag-
Ang Filipino sa mga Piling Larangan (Isports, unawa ng mga usapin ng Isports, Edukasyon at
Edukasyon at Kalusugan) Kalusugan

Yunit 4 Aralin 13 Pagtalakay sa papel ng wikang Filipino sa pag-


Ang Filipino sa mga Piling Larangan (Inhenyeriya, unawa ng mga usapin ng Inhenyeriya, Agham at
Agham at Teknolohiya) Teknolohiya
17 Dis.3-Dis.14 Yunit 5 Aralin 14 Worksyap sa Papel ng Filipino sa Pag-unawa ng
Ang Filipino sa Kontekstong Disiplinal tiyak na Disiplinang Kinabibilangan
18 Dis.10-Dis.14 Panghuling Pagsusulit
PINAL NA PETA: Dokumentaryo

Filipino 1 Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino: Balangkas ng Kurso 4


PAMANTAYAN SA PRELIMINARYONG BAHAGI PINAL NA BAHAGI
PAGMAMARKA 50% 50%
Mahabang Pagsusulit -20% Mahabang Pagsusulit – 20%
Performance Tasks -50% Performance Tasks – 50%
Preliminaryong Pagsusulit- 30% Pinal na Pagsusulit- 30%
Kabuuan 100% Kabuuan 100%

MGA PANUNTUNAN SA 1. Ugaliing bisitahan ang inyong UST Cloud Campus Account para sa mga aralin at Gawain sa klase
KLASE at mga anunsyo mula sa inyong tagapagdaloy ng kurso.
2. Kailangang makadalo ang estudyante sa 80% ng kaniyang klase samakatuwid, hanggang 6 liban
lamang ang ipinahihintulot. Ang estudyanteng magkakaroon ng pang-7 liban ay bagsak na o FA.
Ang pagbilang ng 7 liban ay ang pinagsamang hindi pagdalo sa aktuwal na pagkikita at hindi pag-
aakses ng UST Cloud Campus sa araw na online.
Halimbawa, kung may 3 liban ang estudyante sa face-to-face at hindi nagbukas ng UST Cloud
Campus sa 4 araw na online, siya ay FA na. Kung lumiban naman siya ng 7 beses sa face-to-face
kahit kompleto sa attendance sa online, FA pa rin siya. Kung kompleto naman siya sa attendance
sa face-to-face ngunit hindi nag-akses ng UST Cloud Campus sa 7 araw na online, FA pa rin siya.
3. Ang estudyanteng liban na may excuse letter na inendorso ng Dekano/a ay ituturing na
excused. Ang estudyanteng excused ay pahihintulutang kumuha ng kahingiang hindi niya
nagawa (hal., PETA, pagsusulit, at iba pa) ngunit mananatili ang kaniyang liban.
4. Maaaring i-drop ang kurso hanggang bago mag-Preliminaryong Eksaminasyon ngunit hindi na
ito pahihintulutan kapag nakakuha na ng Preliminaryong Eksaminasyon. WP ang marka ng
estudyanteng may pahintulot ang pagda-drop.
5. WF ang magiging marka ng estudyanteng titigil na lamang sa pagdalo sa klase dahil sa hindi
opisyal na pagda-drop.
6. INC ang magiging marka ng estudyanteng may kulang na mahalagang kahingian, partikular na
ang PETA at/o panghuling eksaminasyon. Kailangang kunin ang panghuling eksaminasyon isang
linggo pagbalik ng estudyante. Hanggang katapusan lang ng susunod na termino ang
pagkompleto sa INC kung hindi, ito ay magiging 5.0.

Filipino 1 Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino: Balangkas ng Kurso 5


Filipino 1 Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino: Balangkas ng Kurso 6

You might also like