You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V (Bicol)
City Schools Division of Ligao
LIGAO COMMUNITY COLLEGE
Ligao City

BANGHAY ARALIN 2
Ni Mar John Geromo
BSED 3 FILIPINO

I. LAYUNIN
A. Kasanayan sa A. Natutukoy ang paraan sa pagsulat ng tula at naipaliliwanag
Pagkatuto angmagkakasingkahulugang pahayag sa ilang taludturanl;
B. Naiuugnay ang sariling damdamin sa damdaming inihayag
sa tula; at
C. Nagagamit ang kasanayan at kakayahan sa malinaw at
mabisang pagbigkas ng tula. Code: .F9PT-Ie-41
II. PAKSA
 Panitikan: Sa Aking mga Kabata ni Dr. Jose Rizal-Uri ng teksto: Tula
III. MGA KAGAMITANG PANTURO
A. Sangunian Pamana; Aralin 18, pahina 64-65
B. Mga Kagamitan 1. Pantulong na biswal, Projector, Laptop, PPT
IV. PAMAMARAAN
A. Pagganyak Pagsusuri sa Larawan:
Pagtukoy sa larawan at pagbibigay ng mga nagawa sa bayan.
Maaring mag usap-usap muna ang klase upang maipamalas
ang kanilang COMMUNICATION/SOCIAL SKILLS.

Gabay na tanong:
1. Sino-sino ang mga bayaning makikita sa larawan?
2. Ano kaya ang mga nai-ambag nila para sa bayan?
3. Nakatulong ba ang kanilang mga akda sa sambayanang
Pilipino?

B. Paglalahad Basahin natin ngayon ay isang akdang pampanitikan na sinulat


ni JoseRizal noong siya ay bata pa.
Sundan lamang ang bawat taludtod sa slides sa PowerPoint
presentation.Sa Aking mga Kabata, unang tula ni Rizal. Sa
edad 8, isunulat ni Rizal ang una niyang tula ng isinulat sa
katutubong wika at pinamagatang...

"SA AKING MGA KABATA".

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig


Sa langit salitang kaloob ng langit
Sanlang kalayaan nasa ring masapi

Katulad ng ibong nasa himpapawid


Pagka’t ang salita’y isang kahatulan
Sa bayan, sa nayo't mga kaharian

At ang isang tao’y katulad, kabagay


Ng alin mang likha noong kalayaan.
Ang hindi magmahal sa kanyang salita
Mahigit sa hayop at malansang isda
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V (Bicol)
City Schools Division of Ligao
LIGAO COMMUNITY COLLEGE
Ligao City

Kaya ang marapat pagyamaning kusa


Na tulad sa inang tunay na nagpala
Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,

Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel,


Sapagkat ang Poong maalam tumingin
Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin.
Ang salita nati’y tulad din sa iba

Na may alfabeto at sariling letra,


Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa
Ang lunday sa lawa noong dakong una.

Note: Maaring tumawag ng piling mag-aaral upang bigkasin


ang tula sa unahan at ma-debelop ang kanilang CREATIVE
SKILLS.

Prosesong Tanong:
1.Tungkol saan ang akdang sinulat ni Dr. Jose Rizal?2. Alin sa
mga linya sa akda ang tumatak sa iyong puso? Bakit?
3. Ano sa tingin mo ang uri ng akdang pampanitikan na ito?
Paanomo nasabi?

C. Pagtalakay ng Isahang Gawain


Aralin (Gawain)
Panuto: Itatala naman natin kung alin sa mga salitang
nakapaloob sa akda ang kongkreto at di-kongkreto. Bago iyan,
ano muna ang pagkakaiba ng dalawang ito?

D. Paglalahat I-TULA MO!


Panuto: Hahatiin ang klase sa tatlong grupo. Ang bawat
pangkatgagawa ng isang tula na may tatlong saknong.
Nakadepende sa inyongpangkat kung ito ay tradisyunal o
malaya. Nakapokus lamang ang paksang tula sa alinman sa
apat:
A. Maka-diyos
B. Makakalikasan
C. Makatao
D. Makabansa

Bukod pa rito, lahat sa pangkat ay ipapakita ang kanilang gawa


dependesa kanilang istilo. Maaari rin na tradisyunal na
pagbasa, sabayangpagbigkas o spoken poetry.

Pamantayan:
Pagkamalikhain/Orihinalidad..…50%
Presentasyon.......………………………40%
Teknikalidad...........…………………...10%
Kabuuan………………............………...100%
Republic of the Philippines
Department of Education
Region V (Bicol)
City Schools Division of Ligao
LIGAO COMMUNITY COLLEGE
Ligao City

Note: Sa pamamagitan ng gawaing ito ay maipamamalas ng


mga nag-aaral ang 4C's- Creativity, Communication,
Collaboration, Critical Thinking
E. Paglalapat Kahalagahan ko, I-aplay mo!
Pagbibigay ng kahalagan ng paksang tinalakay at paglalapat
nito sa buhay sa pamamagitan ng pag-post sa Facebook gamit
ang pahayag na ito:

Matapos kong mabasa ang tulang Sa Aking mga Kabata ay


natutuhan ko
na____________________________________________,
kaya _____________________________________________
__________________________________________________.

Gabay na tanong:
1. Ano ang iyong napulot na aral matapos mong mabasa ang
tulang Sa Aking mga Kabata ni Rizal?
2. Paano mo ito maia-aaplay sa reyalidad ng buhay?
G. Pagtataya Tanong ko, I-sulat mo
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan at isulat sa
kwaderno.

1. Isang akdang pampanitikang naglalarawan ng buhay,


hinango saguniguni, pinararating sa ating damdamin at
ipinahahahayag sapananalita.
2.Ilang taon isinulat ni Dr. Jose Rizal ang akda niyang “Sa
Aking mgaKabata?”
3.Ilang saknong ang “Sa Aking mga Kabata?”
4. Tumutukoy ito sa bilang ng pantig ng bawat taludtod.
5. Isang grupo sa loob

V. TAKDANG-ARALIN
Gumawa ng isang tula na may apat na saknong tungkol sa iyongmagulang. Iparinig ang tula
sa mga magulang sa pamamagitan ng isang video na ipapasa aking Gmail account.

You might also like