You are on page 1of 2

Salen, Carl Dhaniel G.

Filipino 1

BSA – 1A10 August 18, 2018

Aralin 0: Pagtatalakay

Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa napanood na video:

1. Ano ang dahilan ng CHED sa pagtatanggal ng Filipino sa kanilang plano para sa Kurikulum ng
K+12?

- Nais ng CHED na ilipat na lamang ang pagtuturo ng Filipino sa Senior High sa halip ng sa College
o tertiary levels.

2. Ano ang pagkakaiba ng paggamit ng Filipino bilang wikang panturo sa mga kurso ng General
Education at sa pagkakaroon ng sariling kurso tungkol sa Filipino?

- Ang pagkakaiba ng paggamit ng Filipino bilang wikang panturo at ng pagkakaroon ng sariling


kurso nito ay ang mga bagay na matututunan mula sa bawat isa. Kung sa paggamit ng Filipino
bilang wikang panturo ay ang pakikipagsalaysay lamang ang tangi nating matututunan, sa pag-
aaral ng wika mula sa bukod nitong kurso naman ay matututunan natin ang kahalagahan nito
hindi lang para sa ating sarili kung di pati na rin sa ikauunlad ng ating kultura at bansa.

3. Ayon kay Dr. Ramon Guillermo, ano-ano ang mga dahilang pang-ekonomiya at pampolitika sa
likod ng edukasyong K+12? Bakit hindi raw katanggap-tanggap ang mga ito?

- Ayon kay Dr. Ramon Guillermo, ang mga dahilang pang-ekonomiya at pampolitika sa likod ng
edukasyong K+12 ay:
o Ang pagpapabilis ng “labor mobility” sa ibang bansa na ayon sakaniya ay hindi naman
daw maituturing na problema sapagkat ang Pilipinas na ang pangalawa sa mga
pinakamalaking labor exporter sa buong mundo.
o Ang “hamornization” ng ating Sistema sa ibang mga bansa. Isinalaysay ni Dr. Guillermo
na ang pagdadagdag pa ng 2 taon sa kurikulum ang magiging dahilan ng lalong paglobo
ng “dropout rates” ng mga kabataan sa “basic education.”
o Ang paghahanda ng K+12 sa ating mga estudyante para sa pagtatrabaho matapos
gumradyuweyt. Iniwawaksi raw kasi ng programang ito ang ideya na makuntento na ang
mga Pilipino sa mga mumurahing trabaho at huwag nang maghangad pa ng matataas na
propesyon.
4. Ano ang mga epekto ng CHED Memo 20 Series 2013 sa mga estudyante, sa mga guro at sa
akademikong disiplinang Filipino?

- Sa mga estudyante:
- Mapapasawalang-halaga ang diwa ng kaisipang Filipino sa mga mag-aaral at mawawalan din ng
mga tagapagpatuloy ng mas mataas na lebel ng pananaliksik sa wikang ito.

- Sa mga guro:
- Libo-libong mga guro ng Filipino ang matatanggal sa trabaho at maging ang mga
departamentong nakatuon sa asignaturang ito ay mapipilitang magsara.

- Sa akademikong disiplinang Filipino


- Pinapatay ng CHED Memo 20 Series 2013 ang intelektuwalisasyon sa larangan ng Filipino at
hinahadlangan ang patuloy na paglaganap at pag-unlad ng aspetong ito bilang wikang
pampagkatuto, pansaliksik, at pambansa.

5. Bakit kailangang ilaban ang patuloy na paggamit ng Filipino sa mataas na edukasyon?

- Kailangang ipagpatuloy ang paggamit ng Filipino sa mataas na edukasyon sapagkat ito ang
magdadala sa atin tungo sa kaunlaran bilang mga likas na Pilipino at mamamayan ng ating
bansa. Napagbubuklod-buklod din tayo ng ating sariling wika upang tayo ay umunlad bilang
intelektuwal na mga tao na marunong magmahal at magpahalaga sa ating bayan.

6. Batay sa iyong napanood, ipaliwanag ang kaugnayan ng pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo bilang
pag-aaral din ng kalagayan ng edukasyon at ekonomiya ng bansa?

- Ang pag-aaral ng Filipino ay maihahalintulad sa pag-aaral o pagtuklas ng ating mga sarili bilang
mga mamamayan ng bansang ating kinalakihan. Higit na makatutulong ito upang ating
mapagbuti hindi lamang ang ating karakter kung di maging ang iba’t ibang mga kasanayang
pagkatuto sa larangan ng akademiko at pati na rin ang kalagayan ng ating bansa.

You might also like