You are on page 1of 5

Romero, Jean Geibrielle M.

FLINN01G- Kontekstwalisadong Kumunikasyon sa Filipino


AC202

Lunsaran / Mga Gawain:

1. Panoorin sa YouTube ang dokumentaryong “Sulong Wikang Filipino: Edukasyong


Pilipino, Para Kanino?” na tumatalakay sa mga pagbabago sa kurikulum kaugnay ng
Kto12.
2. Sagutan ang mga sumusunod:
A. Ipahayag ang mga kaisipang napakinggan tungkol sa Sulong Wikang Filipino:
Edukasyong Pilipino, Para Kanino?

Tinatalakay sa komentaryong ito ang mga isyu kaugnay ng pagpapatupad ng K-12


Program, pagtanggal ng kursong Filipino sa kolehiyo at ang intelektuwalisasyon ng
wikang Filipino. Isinasaad nito na ang bagong kurikulum na inilunsad sa K-12 ay
tumutugon sa international standards kung saan ang elementarya ay binubuo ng anim na
taon at anim na taon sa hayskul, at naglalayong magkaroon ng labor mobility kung saan
kahit ang mga nakapagtapos ng Senior High School (SHS) ay maaari nang makahanap ng
trabaho.

Kaugnay nito ay tinalakay rin ang CHED Memorandum Order 20 Series of 2013
kung saan iniuutos ang bagbabawas ng basic education units sa kolehiyo mula 63 units
ay magiging 36 units na lamang dahil ibababa na sa K-12 ang ilan sa basic education
subjects na nabanggit. Hindi na rin magiging bahagi ng kolehiyo ang pag-aaral ng
Filipino dahil kabilang ito sa mga ibinabang kurso sa SHS na siya naming tinutulan ng
maraming mga guro at propesor sa mga kilalang unibersidad at paaralan sa ating bansa.
Sinasabing ang pagtanggal ng Filipino sa kolehiyo ay pagpatay sa intelektwalisasyon,
gayundin ang pagsulong at pagpapalaganap ng Filipino bilang akademikong gawain sa
mga pamantasan.

B. Bilang produkto ng K+12 Curriculum, sapat na ba ang inyong natutunan sa senior


high upang kayo ay makapagtrabaho o makapagtayo ng sariling pagkakakitaan?
Kumbinsido ka ba sa ipinahayag ni Dr. Licuanan, na hindi na magkokolehiyo ang
isang produkto ng K+12 Curriculum? Ipaliwanag o talakayin ang inyong sagot.
Romero, Jean Geibrielle M.
FLINN01G- Kontekstwalisadong Kumunikasyon sa Filipino
AC202

Bilang isang estudyanteng kabilang sa pinakaunang batch ng mga nakapagtapos ng


SHS at K+12 Program, masasabi kong hindi sapat ang lahat ng aking natutunan sa SHS
upang makapagtrabaho at makapaghanap-buhay. Dahil nga kami ang pinakaunang batch
ng SHS at maiksing panahon lamang ang paghahanda ng mga paaralan, lahat kami,
kabilang na ang aming mga guro ay nangangapa sa bagong sistema ng edukasyon na
isinabatas sa ating bansa. Hindi sapat ang mga pangunahing kaalaman na naituro sa SHS
upang tapatan at gampanan ang mga trabahong nangangailangan pa rin ng lisensya o
diploma. Maaari ka pa rin namang makahanap ng trabaho kahit ang natapos mo lang ay
SHS (tulad ng mga nakapagtapos ng hayskul sa lumang kurikulum), ngunit hindi kasing
laki at lawak ng oportunidad ang nag-iintay kung ikukumpara mo sa mga nakatapos ng
kolehiyo. Maliit na porsyento at limitado lamang ang mga trabahong maaaring pasukan
ng mga nakapagtapos ng SHS na siguradong kayang suportahan ang pang-araw-araw
nilang pangangailangan at/o ng kanilang pamilya. Hindi totoong maraming oportunidad
ang bukas para sa mga nakapagtapos ng SHS dahil nadagdagan man ang mga natutunan
ng mga estudyante ay hindi pa rin nito kayang tugunan ang mga kwalipikasyong
hinahanap ng mga kompanya sa mga trabahong kinakailangan nila tulad na lamang ng
diploma at lisensya. Sa dami ng mga nakapagtapos ng kolehiyong naghahanap ng
trabaho, nasa dulong banda na ng pila o prioridad ng mga kompanya ang mga
nakapagtapos ng SHS dahil alam nilang mas marami pa rin ang alam ng mga
nakapagtapos ng kolehiyo kung ikukumpara sa mga ito. Marami ang nag-sisideline ng
negosyo o nagtatrabaho ng part-time upang may pang-sustento sa kanilang
pangangailangan, ngunit prioridad pa rin nila ang pagtatapos sa kolehiyo.

Hindi rin ako kumbinsido sa pahayag ni Dr. Licunan na hindi na magkokolehiyo ang
isang produkto ng K-12 dahil hindi makatotohanan ito. Walang katotohanang kuntento na
kaming mga nakapagtapos ng SHS at wala na kaming planong mag-kolehiyo dahil gusto
rin naming maging mga propesyunal sa iba’t ibang larangang nais naming. Sa panahon
natin ngayon, hindi na lamang kakayahan ang batayan upang makahanap ka ng trabaho,
kailangan ay may tinapos ka at nakapag-aral ka dahil karamihan kung hindi lahat ng mga
job vacancies ay nagangailangan ng mga nakapagtapos ng kolehiyo. Hindi rin praktikal
Romero, Jean Geibrielle M.
FLINN01G- Kontekstwalisadong Kumunikasyon sa Filipino
AC202

na huminto sa pag-aaral dahil nakapagtapos ka na ng SHS dahil alam naman nating lahat
na higit na mas malaki ang oportunidad na makukuha mo kapag kolehiyo ang natapos mo
kaysa SHS lamang at mas makatotohanan din na masusuportahan mo ang pamilya mo
kung may diploma at lisensya kang hawak na nagsasaad na ikaw ay isang propesyunal.

C. Bakit mahalaga ang Filipino bilang asignatura at wikang panturo?

Mahalaga ang asignaturang Filipino at wikang Filipino bilang wika ng panturo dahil
una sa lahat ay mapapansin nating sa panahon ngayon, marami sa atin ang hindi na
kayang makipagtalastasan o makipag-usap ng tahasan sa Filipino. Bilang bansang
sinakop ng iba’t-ibang dayuhan, isa ang Filipino sa iilang natitirang pagkakakilanlan
natin bilang mga Filipino; pinapalalim nito ‘di lamang ang ating wika kung hindi pati na
rin ang ating kultura. Masyado na tayong kinakain ng konseptong kolonyal ngayon kung
saan ang ibang bata ay mas ninanais nang mag-aral ng wikang dayuhan kaysa pagtuunan
ang pag-aaral nila ng sarili nating wika. Masyado tayong nilalamon ng ideya na matalino,
may pinag-aralan at malayo ang mararating sa buhay ng mga Pilipinong magaling mag-
Ingles; ngunit nakakalimutan natin na bago pa man tayo makaabot sa rurok ng tagumpay
na pinangako nila, hindi ba’t ang nakakahalubilo pa rin naman natin ay ang mga
pangkaraniwang mamamayan? Anong silbi ng galing mo sa ibang wika kung hindi mo
kayang makipag-ugnay sa mga kapwa mo at hindi mo mailahad ang nais mo? Hindi ba’t
bago ka maging isang CEO ng kompanya na nakikipag-negosasyon sa ibang lahi ay
kailangan mo muna makipag-ugnay sa mga manggagawa para makamtan ito? Paano
naman ang mga taong tanging Filipino lamang ang kayang intindihin? Hindi na nga
magkaintindihan ang iba nating kababayang may iba’t-ibang diyalekto, tanging wikang
Filipino na lang ang nagbubuklod sa kanila, mas pagbibigyang halaga pa ba natin ang sa
dayuhan?

Masyado tayong nagpapalamon sa kolonyal na pag-iisip ngunit kung tutuusin, kapag


tinignan ang ibang mga kalapit na mayayamang bansa, hindi ba’t hindi naman lahat sila
marunong mag-ingles subalit lahat sila ay marunong at maalam ng sarili nilang wika?
Romero, Jean Geibrielle M.
FLINN01G- Kontekstwalisadong Kumunikasyon sa Filipino
AC202

Kung kaya nilang gamitin, pagyamanin at pahalagahan ang wika nila kasabay ng pag-
unlad ng kanilang bansa, anong dahilan natin upang isantabi ang ating wika kapalit ng
wika ng mga dayuhan?

D. Ipahayag ang inyong saloobin sa naging plano ng CHED na alisin na ang Filipino,
Philippine Constitution at bawasan ang iba pang General Education subjects sa
kolehiyo tulad ng Sociology at maging ang English.

Sa aking pananaw, nagkamali ang CHED sa ginawa nilang ito dahil bilang bahagi ng
pioneer batch ng mga nakapagtapos ng SHS at isa sa unang mga nakaranas ng pagbabago
ng kurikulum sa kolehiyo, tila ba minadali, hindi pinag-isipan at hindi pinag-aralan ng
maigi ang mga implikasyong maidudulot ng pagbabang memorandum na ito. Bukod sa
pagkawala ng trabaho ng mga propesor na nagtuturo ng Filipino sa kolehiyo, matindi rin
ang epekto nito sa mga mag-aaral na katulad ko dahil pinapatay nito ang patuloy na
magsusumikap ng ating mga dalubhasang palaguin at pagyamanin ang ating kultura
bilang mga Filipino, gayundin ang pagtuloy sa paggawa ng mga akademikong gawaing
Filipino na maaaring magamit ng kapwa nating Filipino at sa mga susunod pang
henerasyon. Dahil dito ay malilimitahan ang kamalayan at kapasidad ng mga estudyante
sa larangan ng Filipino, gayundin ang unti-unting pagpatay sa mataas na lebel ng
pananaliksik sa Filipino tulad ng isinaad ni Ramon Guillermo, Ph. D. Philippine Studies,
UP Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas. Ang pagtanggal sa Filipino sa
kolehiyo ay tulad na rin ng unti-unting pagpatay ng ating nalalabing pagkakakilanlan
bilang mga Filipino. Ilang taon din tayo na sakop ng mga dayuhan, ang Filipino ang isa
sa ilang mga nalalabing pagkakakilanlan natin at masasasabi nating atin, hahayaan pa ba
nating pati ang sarili nating wika ay masakop na rin ng mga dayuhan at tuluyan na lang
mabaon sa limot? Hindi naman ikabababa ng intelektwal ng isang tao ang pag-aaral ng
Filipino, hindi rin naman nangangahulugang porke’t ang pananaliksik at mga pag-aaral
ng tao ay nakalahad sa wikang Filipino ay hindi na ito magaling at mapapakinabangan.
Kailanma’y hindi dapat gawing batayan ng karunungan ng isang tao ang kapasidad niya
na makapagsalita ng wikang banyaga dahil kailanman ay hindi naging hadlang ang
pagpapahalaga sa ating wika upang umunlad ang ating bansa. Bilang mga Filipino, hindi
Romero, Jean Geibrielle M.
FLINN01G- Kontekstwalisadong Kumunikasyon sa Filipino
AC202

ba’t mas makatwirang pagtuunan ng atensiyon at paglalaanan ng panahon ang pag-aaral


ng sarili nating wika kaysa sa pag-aaral ng wikang banyaga?

You might also like