You are on page 1of 4

TANONG: Bilang isang mag-aaral sa kolehiyo, sumasang ayon ka ba o hindi na alisin ang

asignaturang Filipino sa kolehiyo? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Mula pa noong makatuntong tayo sa elementarya kasama na natin ang asignaturang


Filipino. Ayon kay Tasic (2016), isinulong ni dating Pangulong Manuel L. Quezon noong
1940 ang Executive Order No. 263 na nag-uutos sa lahat ng pribado at pampublikong
paaralan na isama sa kurikulum ang pagtuturo ng wikang Pambansa. Ito ngayon ang
tinatawag nating asignaturang Filiipino. Ito ang pag-aaral ukol sa tamang paggamit ng ating
wika at mga literaturang itinuturing nating kayamanan. Ngunit sa pagdaan ng panahon
nagiging isyu ang pag aaral ng Filipino sa pinakamataas na antas ng edukasyon o sa kolehiyo
sa kadahilanang nag nanais ang ilan sa mga nasa ahensiya ng edukasyon na mas maging
globally competitive ang mga mag aaral ng bansa. Bukod dito, iilan na lamang ang mga
asignatura na ang ginagamit na wika ay ang wikang Pambansa at karamihan ay nakasalin na
sa wikang Ingles.

Bilang mag aaral sa kolehiyo, kung ako ang tatanungin, hindi ako sumasang ayon sa pag aalis
ng asignaturang Filipino sa kolehiyo sapagkat madaming dahilan kung bakit hindi nararapat
ang pag alis nito katulad na lamang ng mga sumusunod.

Una, aminin natin na hindi pa sapat ang kaalaman at lalim ng pagkatuto ng mga
estudyante sa asignaturang Filipino, marami pa rin ang nalilito sa mga tamang pag-gamit
ng mga kataga ng wikang Filipino katulad na lamang ng “ng” at “nang” , “daw” at “raw” at
ilang iba pang kataga. Marami pa rin ang nahihirapan sa tamang pag gamit ng sariling wika
kaya nararapat lamang na patuloy natin itong pag aralan at patuloy na linangin. 

Pangalawa, ang pagtatanggal ng asignaturang ito ay magreresulta sa pagbabawas ng


mga gurong kailangan para sa asignaturang ito. Ang mga guro na ang tinuturuan ay mga
kolehiyo, ay tila ay maari silang matanggal sa trabaho, at hindi magandang pangyayari ito. 

Pangatlo, ito ay tila parang pagtalikod ito sa ating sariling kasarinlan. Ang ating sariling
wika ay ating sariling pagkakilala sa mundo, kaya nararapat lamang na huwag natin itong
basta bitawan at balewalain lamang. Matibay na pundasyon ang ibinigay at iniwan sa atin ng
mga naunang henerasyon sa ating wika, kaya ito ay hindi natin dapat iwaglit at ipagpalit sa
banyagang wika. Hindi natin maitatanggi na parehas nating kailangang linangin ang
asignaturang Ingles at Filipino, at nararapat lamang bilang Pilipino na parehas natin itong
mapagbunga sa paglaon pa ng panahon.
Konklusyon:
Alam naman nating lahat na ang wikang Filipino ay ang ating wikang Pambansa, kung kaya’t
karapat-dapat lamang na ito’y ating linanging pa, gamitin at higit na unawain blang
mamamayan ng ating bansa. Nakadikit na ito sa ating kultura at pagkakakilanlan magmula pa
ng tayo ay isilang. Ang pagtanggal ng asignaturang Filipino ay maaring maging kontra sa
ating pagkamakabayan. Kung sakaling sa hinaharap ay tuluyang maglaho ang nasabing
asignatura ay siya ring maaring maging simula ng pagkawala ng pagkakakilanlan natin bilang
isang mamamayang Pilipino. Bukod dito magiging isang malaking dagok ito sa mga bayani
na ibinuwis ang kanilang buhay para lamang ipaglaban ang ating pagkakakilanlan at ang
wikang Filipino. Kaya lagi nating pakatatandaan ang sinabi ng ating pambansang bayani na si
Dr. Jose Rizal “ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda”.
Punto:

Huwag na nating bigyan pa ng rason ang ibang guro na mangibang bansa pa

Marami din ang mawawalan ng trabaho

Parang inalisan din ng pagkakakilanlan ang wika

Kakambal ito ng ating kultura at ang pagkawala nito bilang asignatura ay magiging dahilan ng
paglaho den ng iniingatan nating kultura

Sa kolehiyo mas namumulat ang mga estudyante, mas maaring mabigyan ito ng halaga ng mga nasa
kolehiyong mag aaral.

Kung ililipat naman ito ay saan?

Ginagamit sa pang araw araw na komunikasyon at pagbibigay impormasyon

Nagbubuklod sa ating mga Pilipino mula sa mga banyaga at dayuhan

Sa asignaturang Filipino namumulat ang mga estudyante tungkol sa nangyari at nangyayari sa ating
lipunan upang magkaroon ng kamalayan.

Ang asignaturang Filipino ay mahalaga sa bawat estudyante, para sa kasaysayan, sa


kasaralinlan at sa pagiging mamamayang Pilipino, kaya hindi ako sang-ayon sa pag-alis
ng asignaturang ito sa kolehiyo.

Ayon nga sa ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal,  “Ang hindi magmahal sa sariling
wika ay higit sa hayop at malansang isda” kaya nararapat na ating pag-tuunan ng pansin ang
ating sariling wika. Tayo ay mamamayan ng Piliipinas kaya narararapat lamang na isama ang
asignaturang Filipino kahit sa kolehiyo dahil ito ay isa sa pagkakakilalanlan ng ating bansa. 

Madaming dahilan kung bakit hindi dapat ang alisin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo,
ito ang mga sumusunod:

Una, hindi pa sapat ang kaalaman at lalim ng pagkatuto ng mga estudyante sa


asignaturang Filipino, marami pa rin ang nalilito sa mga tamang pag-gamit ng mga kataga
ng wikang Filipino katulad na lamang ng “ng” at “nang” , “daw” at “raw” at ilang iba pang
kataga. Marami pa rin ang nahihirapan sa tamang pag gamit ng sariling wika kaya nararapat
lamang na patuloy natin itong pag aralan at patuloy na linangin. 

Pangalawa, ang pagtatanggal ng asignaturang ito ay magreresulta sa pagbabawas ng


mga gurong kailangan para sa asignaturang ito. Ang mga guro na ang tinuturuan ay mga
kolehiyo, ay tila ay maari silang matanggal sa trabaho, at hindi magandang pangyayari ito. 

Pangatlo, ito ay tila parang pagtalikod ito sa ating sariling kasarinlan. Ang ating sariling
wika ay ating sariling pagkakilala sa mundo, kaya nararapat lamang na huwag natin itong
basta bitawan at balewalain lamang. Matibay na pundasyon ang ibinigay at iniwan sa atin ng
mga naunang henerasyon sa ating wika, kaya ito ay hindi natin dapat iwaglit at ipagpalit sa
banyagang wika. Hindi natin maitatanggi na parehas nating kailangang linangin ang
asignaturang Ingles at Filipino, at nararapat lamang bilang Pilipino na parehas natin itong
mapagbunga sa paglaon pa ng panahon.

Ang pagmamahal sa wika ay parang pagmamahal sa bansa at sa kalayaan pinaglaban ng ating


mga bayani. Ito ay mahalaga at dapat pang mas linangin, mas unawain at pag-aralan ng mas
malalim.

You might also like