You are on page 1of 2

SAGUTIN ANG BAWAT BILANG

1. Ano ang posibleng dahilan bakit tinangkang alisin ng CHED ang wikang Filipino at Panitikan sa kurikulum ng
kolehiyo?

Ayon kay Dr. Patricia Licuanan, ang asignaturang Filipino ay napag-aaralan na ng mga mag-aaral mula elementarya
kaya’t hindi na raw dapat ito kabilang sa kurikulum ng kolehiyo. At isa pa na posibleng dahilan ay upang makapag pokus
ang mga kolehiyo sa kanilang mga piniling kurso, dahil marami ang nagsasabi na ang asignaturang Filipino ay hindi naman
hindi gaanong kailangan sa larangan ng mga kurso na kanilang tinitingnan, kaya’t mas gugustuhin nila na ang mga
asignatura ay ‘yung may kinalaman sa kurso na kanilang tatahakin.

2. Sang-ayon ka ba sa pagiging primus-pares ng wikang Filipino ? Ipaliwanag.

Sang ayon ako sa pagiging primus pares ng wikang Filipino, dahil una sa lahat ang wikang Filipino ay nagsisilbing
ating pagkaka kilanlan. Malawak ang sakop ng wikang Filipino, dahil laman din nito ay hindi lamang Wika ngunit ito rin ay
nagsisilbing simbolo rin ng ating bansa at ng ating kultura. Sa pagiging primus pares ng wikang Filipino ay nagkakaroon
tayo ng mas malawak na komunikasyon at makipag-ugnayan sa iba at napapanatili ang pagkakaisa at pagkakabuklod sa
loob ng bansa.

3. Ipaliwanag sa sariling salita ang pagbabago ng Tagalog patungo sa Pilipino at Filipino.

Ang wikang Filipino ay ang wikang opisyal dito sa ating bansa, at ang Tagalog bilang batayang ng Pambansang Wika dahil
mas nakararami ang gumagamit ng wikang Tagalog at naiintindihan ito sa lahat ng rehiyon sa bansa. Ang pagbabago
naman ng Pilipino patungo sa Filipino ay nagpapahayag ng mas malawak na saklaw ng identidad at kultura ng mga
mamamayan sa ating bansa.

4. Ano ang realidad ng globalisasyon ?

Ang globalization ay tumutukoy sa pag kakaugnay-ugnay ng mga bansa sa lipunan at ekonomiya sa buong mundo na
hanggang ngayon ay patuloy itong nagdudulot ng malawakang epekto sa loob at labas ng ating bansa tulad ng
ekonomiya, kultura, pulitika, at lipunan at sa tulong ng teknolohiya ay mas madali na magpalitan at mag-ugnay sa loob at
labas ng bansa.

5. Sa paanong paraan naging hadlang ang wikang Ingles sa masang Pilipino at Edukadong Pilipino ?

Kung ating mapapansin, sa reyalidad ay mas nabibigyan ng pansin ang wikang Ingles, tulad na lamang ang mga taong
marunong sa salitang Ingles ay maaaring magkaroon ng mas malaking oportunidad sa trabaho at mas mataas na sweldo.
At isa pang halimbawa ay ang wikang Ingles ang nagiging sukatan ng pagiging matalino, kung ang isang tao ay bihasa sa
wikang Ingles ay matalino na ito.

6. Paano ba masasabing ganap na ang paggamit ng wikang Filipino?

Ganap ang ang paggamit ng wikang Filipino ay dahil ito ay ating midyum ng komunikasyon. At ayon nga sa mga batas ng
Artikulo 14, Saligang Batas 6-9 ay dapat ginagamit ang wika natin sa mga transaksyon, dokumento, at komunikasyon sa
pamahalaan, pati na rin sa mga paaralan at institusyon ng edukasyon. At masasabi ring ganap ang pag gamit ng wikang
Filipino na pati ang mga aklat, balita, pelikula, at iba pang media ay kadalasang isinalin sa wikang Filipino, na
nagbibigaydaan sa mas malawakang pag-access ng mga Pilipino sa kultura at kaalaman gamit ang wika.

7. Bilang isang kolehiyong mag-aaral,magbigay ng sitwasyon o halimbawa kung paano mo mapagyayaman o


mapagyayabong ang wikang Filipino.

Bilang isang mag aaral ay patuloy ko pa itong gagamitin at aaralin para mas lalo itong mapayaman at lumago pa.
8. Sa kabuuan ano ang papel na ginagampanan ng wikang Filipino bilang wikang Pambansa,wika ng bayan at wika ng
pananaliksik ?

Ang papel na ginagampanan ng wikang Filipino sa kabuuan ay nagbibigay-diwa sa pagkakakilanlan at pagkakaisa ng


bansa, at nagpapalaganap ng komunikasyon sa pang-araw-araw na buhay. Nagbibigay rin ito ng daan sa ating edukasyon
at pananaliksik para sa mas malawak na sektor ng lipunan.

You might also like