You are on page 1of 5

http://harlfil.weebly.

com/sanaysay

Ang posibleng epekto sa pagtanggal ng wikang Filipino sa kolehiyo.

Ang pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay maaring makaapekto sa mga mag-aaral at guro sa
paglinang at paggamit ng wikang Filipino ng wasto lalo na sa pakikipagtalastasan. Maaring magdulot ito
ng kalituhan sa mga estudyante dahil mawawalan sila ng ideya at impormasyon kung paano ang
wastong paggamit ng wika. Mahihirapan din sila sa pag-intindi ng wika sa paglipas ng panahon dahil
maaari nilang makalimutan ang wastong paggamit nito at ang mga kahulugan ng ibang mga salita.

Ayon sa Punla sa Lingwistikang Filipino (2003) at Sining ng komunikasyon sa kolehiyo (2003), ang
komunikasyon ay paghatid ng nais nating mensahe o emosyon upang tayo’y maintindihan ng ating
kapwa. Sa lahat ng oras, ang tao ay nakikipagkomunikasyon, sa tuwing nakikipag-usap sila sa kapwa o
nais nilang maintindihan ang mga taong miyembro ng lipunang kanilang ginagalawan. Ang
komunikasyon ay isang proseso kung saan may nakakatanggap at naghahatid ng mensahe. Bawat isa,
may kani-kanyang parteng ginagampanan sa paghahatid ng kahulugan. Alam naman natin na ang
ginagamit nating lingwahe dito sa Dumaguete at sa buong Negros Oriental ay Cebuano ngunit kailangan
nating pag-aralan at dapat din tayong matuto ng wikang Filipino sa pakikipagtalstasan dahil ito ay sarili
nating wika. Dapat atin itong pahalagahan at ipagmalaki sa pamamagitan ng paggamit nito hindi lang sa
paaralan kundi maging sa labas ng paaralan. Tayo ay naninirahan sa demokratikong bansa kaya may
karapatan tayo at malaya tayong gamitin ang wikang atin kailan man at saan man natin gusto.

Ayon kay Lopez (1941) “It must be borne in mind, however, that the grammar of the national
language, or even of any Philippine language, for that matter, to be correctly presented, must be
explained in a matter of characteristically its own and not patterned after the grammar of the Spanish or
English language.” Ang wika ay dinamiko. Sa paglipas ng panahon napapansin natin na may pagbabago
at nadadagdag sa ating wika. Ngunit ang wikang Filipino ay isang wikang masasabi natin na isang
katangi-tanging wika. Dapat ipagmalaki at gamitin ito nang wasto. Kaugnay nito ay ang paggamit nito ng
wasto lalong lalo na sa komunikasyon. Ang wikang Filipino ang ginagamit sa Luzon sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastalsasan lalong lalo na sa paaralan. Ngunit, dito sa Visayas at Mindanao ang kadalasang
ginagamit sa pakikipag-usap ay Cebuano. Ito rin ang mga lugar kung saan may ibat’t ibang dayalekto. Sa
kabila nito, ang wikang Filipino ay ginagamit parin ngunit kapag nasa klase lamang ng asignaturang
Filipino o di kaya sa pakikipag-usap sa mga taong nagsasalita ng wikang Filipino. Batay sa lumabas na
resulta ng aming sarbey halos lahat ng mag-aaral o 95% ng aming sarbey ay nagpatunay na gumagamit
ng wikang Filipino sa loob ng klase ang mga mag-aaral sa pakikipagtalastasan. Kapag aalisin ang
asignaturang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo ang posibleng epekto nito ay magkakaroon ng hindi
pagkakaintindihan at hindi makukumpleto ang kaalaman ng mga estudyante tungkol sa wika. Hindi rin
malilinang nang husto ng mga guro ang kaalaman ng mga estudyante at mawawalan din sila ng
oportunidad na ibahagi ang kanilang kaalaman sa mga estudyante na nagnanais na matuto ng wikang
Filipino. Kahit pa sabihin na ang mga estudyante ay tuturuan o di kaya tinuruan sila ng wikang Filipino sa
elementarya at sekundarya hindi pa rin iyon sapat na dahilan upang itigil ang pag-aaral nito at tanggalin
ito sa kurikulum ng kolehiyo. Ang pag-aaral ng isang wika ay hindi madali at dadaan pa ito sa maraming
proseso at meron din itong mga patakaran sa paggamit.

Ang paggamit ng ating sariling wika ay napakahalaga hindi lang para sa ating kaalaman kundi pati
narin sa pag-unlad ng ating bansa. Hanggat maaari gamitin ito araw araw sa pakikipagtalastasan at
pakikisalamuha natin sa ating kapwa. Ang ating wikang pambansa na Filipino ay dapat nating
payabungin, pagyamanin, paunlarin, palaganapin, panatilihin at puspusang itaguyod na gamitin bilang
opisyal na komunikasyon. Ito ay nakasaad sa probisyon Artikulo XIV ukol sa wikang pambansa sa
konstitusyon ng Republika ng Pilipinas (Abueg, E.)

Responsibilidad natin na gamitin at pahalagahan ang ating wika dahil ito ay sumisimbolo ang ating
pagkakailanlan at nagbubuklod sa atin bilang isang mamamayang Filipino. Ang pagkatuto ng wikang
Filipino ay nalilinang at naituturo ng wasto sa mga paaralan. Ayon sa resulta ng sarbey, 90% sa mga mag-
aaral ng Silliman University na aming na sarbey ay may asignaturang Filipino na kinuha at kukunin dahil
iyon ay nakalagay sa kanilang prospectus. Ibig sabihin nun na kahit ano mang kurso ang kunin mo
kailangan pa rin kumuha ng asignaturang Filipino kasi kailangan at mahalagang mapag-aralan ng mabuti
ang wikang Filipino para sa ikakabuti at ikakaunlad ng ating bayan sa kasalukuyan. Kung kaya’t hindi
marapat na tanggalin ang asignaturang Filipino sa GEC ng kolehiyo dahil may maraming mag-aaral ang
nais matuto at mas pag-aralan ng mabuti ang wikang Filipino dahil ito ang susi ng kaunlaran at
tagumpay.

Ang pagtanggal ng asignaturang Filipino sa GEC ng kolehiyo ay maaring magdulot ng masamang


epekto sa pagkakailanlan at pagbubuklod nating mga Pilipino. Kapwa Pilipino natin ay gusto ng alisin ang
asignaturang Filipino sa lahat ng klase sa kolehiyo. Dahil dito, maaaring ang ating wikang Filipino ay
tuluyang mawawala na rin. Pero hindi ba nila alam na sa pamamagitan ng wika magagawang maibahagi
ng isang tao ang kanyang hangarin at kung hindi magkakaunawaan ang mga mamamayan. (Paz, C.) Sa
pagpaplano na alisin ang wikang Filipino sa kurikulum ng kolehiyo ay hindi makatarungan. Parang wala
ng respeto at pagpapahalaga sa ating sariling wika. Kung babalikan natin ang mga sinaunang pangyayari
o kasaysayan sa ating bansa, maraming mamamayang Pilipino ang patuloy na nagpahalaga nito.
Iningatan nila ito ng maayos at ito rin ay maaaring makaapekto sa ating bansa.

Ang problema ngayon ay tungkol sa pagtanggal ng wikang Filipino sa Kurikulum ng Kolehiyo ngunit
ito ay tinutulan ng mga tao. May mga paraan silang ginawa para ito ay mapanatili sa mga mamamayan
ng Pilipinas. “Ang pagbabago sa kalagayang pangwika sa bansa ay kaakibat ng kasaysayang pulitikal at
ekonomiya ng bansa.”(Rubin, Caranova, Paz, Abiera, Mangonon). Upang hindi ito maalis sa kanilang
isipan. Ang globasisayon ay hindi lamang mabuti ang kanilang idinudulot ngunit nagdudulot din ito ng
pagkawala ng sariling pagkakilanlan bilang isang bansa. Ang wikang Filipino ay magbibigay sa atin ng
lakas na magsisilbing puhunan natin bilang isang bansa (Pag-aalis ng Filipino sa Kurikulum ng Kolehiyo
tinutulan). Ito ay hindi kalian man nagging sagabal sa ating pag-unlad sa halip ito ang magsisilbing susi
tungo sa kaunlaran ng ating bansa. Dapat pahalagahan natin lahat kung anong meron tayo na minana
natin sa ating mga kapwa mamamayan. Ang wikang Filipino ay hindi makakatumbas sa kahit anong
kayamanan dahil ito ay maituturing nating totoong kayamanan ng ating bansa na dapat natin alagaan at
ipagmalaki. Ito ay nagsisilbing daan natin lahat para sa ating ika-uunlad.

Ayon kay Enriquez (2001) "Ang Wika ay isa sa pinakamahalagang kasangkapan sa pakikisalamuha
ng tao sa kanyang kapwa." Kagaya nalang ng kultura, ang wika ay nagsisilbing isa sa kultura natin bilang
mga Pilipino. Kung kaya't ito'y mahalaga dahil kung mawawalan o tatanggalin ang ating wika ay para
narin tayong tinanggalan ng ating sariling kultura at pagkakakilanlan. Ang wika kagaya ng kultura ay may
isang malaking papel sa buhay ng tao. Lalong lalo na nating mga pilipino. Sa panahon ngayon lalo na sa
paglago ng ating teknolohiya ay siya ring pagbago at pag-unlad ng ating wika kagaya na lamang ng ating
kultura. Kung kaya't sa pamamagitan nito ating makikita na sadyang napaka importante na ating
mahalin, paunlarin at palaganapin ang paggamit ng wikang Pilipino sa halip na ito'y tanggalin.

Ang pagtanggal ng asignaturang Filipino sa GEC sa kolehiyo ay maaring makaapekto sa mga mag-
aaral at guro ng bawat paaralan sa pagbabahagi ng ating kultura. Ayun sa panayam namin kay Chairman
ng Filipino Department na si Prof. Danilo Mira, "Mahalaga ang wikang Filipino at masyadong bata pa ang
wikang Filipino upang tanggalin kasi hindi mawawala sa isang tao na hindi dapat niya malalaman ang
kanyang wikang kinagisnan." Samakatuwid, napaka halaga ng wikang filipino hindi lamang sa ating mga
pinoy kundi pati rin sa ating kultura, dahil kagaya ng sinabi ni Prof mira, kung tatanggalin ito ay para
narin tayong tinanggalan ng ating sariling identity o pagkakakilanlan at para narin tayong tinanggalan ng
ating sariling kultura kung saan ay doon nakabatay o nakasalalay ang ating pagkakaiba at pagkakalamang
sa ibang mga lahi, bansa at higit sa lahat ang ating lingguwahe.

Ayon kay Papo N. (2000), ang pagpapahalaga at pagpapaunlad sa wikang Filipino ay makakamtan
sa pamamagitan ng paniniwala, pag-gamit at paglinang nito bilang wika ng pakikipagtalastasan at wika
na ginagamit sa pagtuturo. Isa sa pinakamahalagang salik ng pagpapaunlad ng wika ay ang pagtuturo
nito. Sa kolehiyo, itinuturo ang panitikan at literatura na sumasalamin sa ating kultura at kinagisnang
meron tayo. Hindi sapat ang paggamit ng wikang Filipino sa ating pang araw-araw na
pakikipagtalastasan o gawain upang mapaunlad ang ating sariling wika. Kailangan nating itong ituro,
mula sa gramatika, panitikan at literatura upang ating mas maintindihan at mapalalim natin ang ating
kaalaman sa likod ng wikang ito. Mas maisasapuso at mas mapahahalagahan natin ang ating sariling
wika kapag ating maisisiwalat ng husto ang pinagmulan nito.

Ayon kay Santos B. (2003), ang wika ay hindi nilikha gawa lamang ng mga taong nag-aaral dito.
Ito’y nilikha sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan, emosyon, pang-araw-araw na pamumuhay at sa
kung ano ang nais ng tagapagsalita kaya’t patuloy itong nagbabago. Umusbong ang wikang Filipino hindi
dahil ito’y gawa-gawa lamang. Ang ating wika ay dumaan sa isang pagkahaba-habang proseso na kung
saan ito’y nailikha dahil ito’y kinakailangan ng mga tao, sa kanilang pakikipag-ugnayan, paglalahad ng
emosyon o maging sa kanilang pag-araw-araw na pamumuhay. Sa madaling salita, ang wika natin ay
maingat na pinauunlad ng panahon na dapat nating ipagmalaki at ipreserba.

Ayon sa artikulong Mga guro sa Filipino, tumutol sa utos ng CHED na tanggalin ang Filipino Sabjek
sa Kolehiyo (n.d), ang wikang Filipino ay isang ganap na dominion ng karunungan at isang paraan ng pag-
unawa at pagpapanday ng kaisipan at tungkulin sa lipunan. Hindi marapat na mabalewala ang mga
pinaghirapan ng mga guro at iskolar para isulong ang ating wika tungo sa edukasyon. Dugo at pawis ang
inilaanat ibinuwis ng mga guro at iskolar sa pagtanggol ng ating wika sa pagkakabura nito sa kolehiyo.
Hindi naiintindihan ng CHED ang hirap na dinanas ng mga Pilipinong tapat sa sariling wika at maging sa
bansang Pilipinas. Hindi isinasaisip ng CHED na ang desisyong kanilang ginawa ay magdudulot ng
negatibo at kay laking gulo sa Pilipinas. Saklaw dito ang hindi nila pagrespeto sa ating sariling wika. Ayon
nga kay G. Kinilitan (2017), hindi mapapaunlad ang kurikulum kapag tatanggalin ang Filipino sapagkat
ang wika ay salamin ng ating kultura. Kaya kapag tinanggal ang Filipino ay parang tinatanggal mo rin ang
iyong pagkapilipino o ang kultura nating mga Pilipino. Kailangan nating pagyamanin at ipreserba ang
ating wika sapagkat ito’y isang malaking bahagi ng ating kuktura.

Bilang konklusyon, hindi nararapat na tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo sapagkat ito
ay makaaapekto sa ating wika, kultura, pagkakakilanlan, pagkakaunawaan at pagkakaisa nating mga
Pilipino. Ang ating wika ay patuloy na nagbabago at umuunlad, kapag ang asignaturang Filipino ay
tatanggalin sa kolehiyo maaaring hindi na patuloy na yumabong at yumaman pa ang ating wika. Ang
ating wikang Filipino rin ay ang bahagi ng ating kultura at hindi dapat natin ito itakwil. Sa wikang ito
nakasalalay ating pagkakakilanlan. Ang mga Pilipino ay patuloy na tumatanggap ng iba’t ibang kultura na
galing sa ibang bansa at nakalilimutan na natin ang totoong sariling atin. Lalong-lalo na kung tatanggalin
pa ang asignaturang ito sa kolehiyo, parang binubura na rin nating ang tanging yaman na natitira sa ating
inang bayan. Mawawalan na tayo ng pagkakakilanlan. Hindi na tayo magkakaunawaan, na siyang isang
malaking sangkap tungo sa pagkakaisa at pag-unlad nating mga Pilipino.

You might also like