Professional Documents
Culture Documents
Bakit Mahalaga Ang Wikang Filipino Sa Kolehiyo
Bakit Mahalaga Ang Wikang Filipino Sa Kolehiyo
Sa paglabas ng CHED Memorandum Order No. 20, series of 2013, nagkaisa ang mga guro ng
wika at manunulat ng saliksik at panitikang Filipino na manindigan laban sa polisiya sapagkat
isinantabi nito ang pagturo ng Filipino bilang mahalagang asignatura sa kolehiyo. Bakit nga ba
hindi dapat tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo? Ang subject na filipino ay tungkol
wikang Filipino na napakahalagang asignatura o subject para sa mga estudyanteng elementary,
high school, senior high school o kahit kolehiyo sapagkat nakabuhol ito sa ating kultura. Hindi
ito pwedeng paghiwalayin at ito ang ginagamit natin sa pag kokomunikasyon at pagbibigay ng
mga impormasyon.
Napakahalaga ng wikang ito sapagkat ito ay ginagamit natin sa pang araw araw at ito ang
nagbubuklod sa atin mula sa mga dayuhan o bañaga. Hindi dapat alisin ang wikang Filipino sa
mga unibersidad at pamantasan sapagkat dito mas namumulat ang sangkaestudyantehan sa tunay
na lagay at estado ng ating lipunan. Dagdag dito, sa pagpapatanggal ng wikang ito bilang parte
ng kurikulum sa kolehiyo, unti unting mawawala’t mamamatay ang ating wika’t pagkakakilanlan
dahil ang pagtanggal ng asignaturang Filipino sa kolehiyo ay para na ding pagtatanggal ng
identidad ng mamamayang Pilipino dahil ang paggamit ng wikang Filipino ay paraan upang
maipahayag ang sarili at paraan upang mapanatili ang kultura at ang nakasanayan na. Isa pa,
ayon kay Dr. Jose Rizal kabataan ang pag-asa ng bayan at edukasyon ang susi sa kaunlaran.
Paano magiging pag-asa ang kabataan kung sila mismo ay walang alam sa ating wika na
kakambal ng ating kultura?
https://angpinone.blogspot.com/2021/03/bakit-mahalaga-ang-wikang-filipino-sa.html
https://usapangwika.wordpress.com/2016/11/14/bakit-hindi-dapat-alisin-ang-asignaturang-filipino-sa-
kolehiyo/