You are on page 1of 2

ANG ASIGNATURANG FILIPINO

Ang FILIPINO ay nahahati sa dalawang bahagi: Panitikan at Wika.

PANITIKAN – Ito ang mga maikling kwento, alamat, pabula, parabola, anekdota, sanaysay, tula
tugma, talumpati, talambuhay, nobela, mitolohiya, at iba pang akda na nasusulat sa ating sariling
wika. Ang mga akdang ito ay maaaring batay o hango sa ating kasaysayan, kabihasnan, tradisyon
o kaugalian, kalikasan o kapaligiran at ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyang
panahon. Ang Panitikan (Literature) ay may layuning makapag-iwan ng gintong aral o mensahe
matapos itong mabasa ng isang taong mambabasa. Isang mensaheng pupukaw sa damdamin,
kaisipan at Gawain ng isang taong bumabasa ng akda, na ang mensaheng ito’y magsisilbing
gabay tungo sa pag-unlad, pagpapabuti, pagbabagong – buhay o pag-unawa sa tama at mali.

WIKA – Ito ang tinatawag na Balarila. (Grammar) Sa bahaging ito, nililinang ng guro ang
wastong gamit ng mga bahagi ng pananalita (parts of speech) sa pamamagitan ng mga gawaing
pangkomunikatibo. (Communicative Approach) Layunin ng guro na maging mahusay ang mga
mag-aaral sa pakikipagtalastasan hindi lamang sa pagsasalita, gayundin sa pagsulat. Sinisikap na
makabuo ang mga tinuturuan ng mga makabuluhang pangungusap, talata, dayalogo o usapan,
panawagan, patalastas, iba’t ibang uri ng liham, balita, anunsiyo, editorial, kwento, tula, tugma,
sanaysay at talumpa.

https://im212nina.wikispaces.com/Asignaturang+Filipino

“Ang Kahalagahan ng Asignaturang Filipino sa K to


12”
Written by Jacqueline A. Tasic | Guro sa Flipino | Academy of Queen Mary | Orani, Bataan
Published: 08 March 2016
Created: 08 March 2016
Noong 1940, isinulong ng dating Presidente Manuel L. Quezon ang Executive Order No.
263 na nag-uutos sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan na isama sa kurikulum ang
pagtuturo ng wikang pambansa. Nang dumating ang mga mananakop na mga Hapon ginawang
medium of instruction ang Tagalog at pagdating ng 1943 ay itinakda ng dating Presidente Laurel
ang pagtuturo ng wikang pambansa sa elementarya. Ngunit sa pagbabalik ng mga Amerikano ay
pinalitan ng Ingles ang medium of instruction at ginawa na lamang asignatura ang Tagalog.
Nagpatuloy ang ganitong sistema kahit pa nagkaroon na ng mga bagong patakaran sa wika ang
mga sumusunod na kagawaran sa edukasyon.
Dahil sa mga ganitong pangyayari kaya’t hanggang ngayon ay iniisip ng iba na walang
halaga na pag-aralan pa ang Filipino. Kung tutuusin nga naman ay sa lahat ng asignaturang
mayroon tayo sa kurikulum ay Ingles ang ginagamit bukod tangi na sa asignaturang Filipino
lamang puwedeng gumamit ng wikang Tagalog. Pero napapaisip ako at naitatanong ko sa aking
sarili paano na kapag inalis ang asignaturang Filipino? Paano na maaalala ng mga kabataan ang
paggamit ng sariling wikang Tagalog natin? Paano natin mapapaunlad ang sariling bayan natin
kung hindi natin kayang tangkilikin ang sariling atin?
Para naman kay Marvin Lai, tagapangulo ng Department of Filipinology sa Polytechnic
University of the Philippines, ang pagtatanggal sa Filipino bilang asignatura sa kolehiyo ay
katulad ng pagtatanggal sa identidad ng mamamayang Pilipino.
“Naniniwala ang mga guro sa Filipino, na ang wikang Filipino ay wika ng mga intelektwal.
Kapag hindi naipapahayag ng mga kolehiyo o ng propesyunal na nililikha ng unibersidad, hindi
nila makikita na ang wikang Filipino ang magiging instrumento ng kanilang pagkatao,” sabi ni
Lai.
Ang kahalagahan ng asignaturang Filipino ay katulad ng kahalagahan ng ating sarili.
Repleksyon ng ating mga Pilipino ang ating wika kaya hindi natin ito dapat balewalain bagkus
ay mas pahalagahan natin ito dahil ito ay magiging susi natin sa matibay at malinaw na
komunikasyon sa bawat isa. Komunikasyon na daan sa tagumpay ng bawat Pilipino.
http://udyong.gov.ph/index.php?option=com_content&view=article&id=7208:ang-kahalagahan-ng-
asignaturang-filipino-sa-k-to-12&catid=90&Itemid=1267#

You might also like