You are on page 1of 2

CHED Memo 20 – 2013, Isang pagtatalakay

Nathan Gerard B. Callang at Mavreen Dale E. Canoy Grade 10 Endurance

Ang Commision On Higher Education (CHED) ay isang komisyon na ang layunin ay makakamit ng
sapat, husto, at makabuong sistema ng edukasyon . Ngunit sa paglabas nila ng “CHED Memo 20 – 2013”,
isinasagawa ba nila ang kanilang layunin? Ang CHED Memo 20-2013 ay nagpakilala ng bagong GEC, o
General Education Curriculum. At nakakapagtakang wala ang asignaturang Filipino dito. Sa
pagsasanaysay na ito, tatalakayin naming kung tama o mali ang galaw ng CHED na ito.

Tignan muna natin ang mga rason kung bakit dapat tayo sumang-ayon sa memo ng CHED.
Unang-una, hindi tatanggalin ang wikang Filipino sa mismong curriculum. Sabi ng CHED, maari pa din
daw gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng ibang asignatura tulad ng “Purposive Communcation”
at iba pa. Pangalawa, ang lumang GEC ay may mga asignatura na nasa K-12 din. Ayon sa CHED, hindi
magiging patas kapag uulitin ang mga asignaturang ito sa kolehiyo. Pangatlo, mayroon pa rin namang
asignatura na pinapag-aralan si Jose Rizal, ang ating Pambansang Bayani. Kaya hindi mawawala ang lahat
ng pinag-aaralan sa asignaturang Filipino.

Para naman sa panig ng hindi sang-ayon, marami-rami rin ang mga dahilan. Una sa lahat, iba ang
paggamit ng wikang Filipino sa pagtalakay ng ibang asignatura sa pag-aaral ng Filipino. Kahit na ginamit
ang wikang Filipino sa pagturo, hindi pa rin mawawala ang katotohanan na wala na ang mismong
asignaturang Filipino. Ikalawa, ayon kay Bienvenido Lumbera, isang National Artist, “ang wika ay
palatandaan ng identidad ng isang bayan. Ito ang nag-uugnay sa estudyante sa kaniyang pamilya,
komunidad sa kaniyang pinanggalingan, sa kahapon ng bayan”. Sumasang-ayon kami dito. Talagang
importante ang pag-talakay at pag-aral sa ating sariling wika. Ito ang nagbibigay-tangi saating mga
Filipino. Sa kasalukuyan, dumarami na ang mga taong may kolonyal na mentalidad. Ang wika nalang
natin ang nagkukonekta saatin sa bayan. Karugtong nito, binabalewala ng CHED memo ang Article 2,
Section 13 sa 1987 Philippine Constitution. Sabi dito, “The State recognizes the vital role of the youth in
nation-building and shall promote and protect their physical, moral, spiritual, intellectual, and social
well-being. It shall inculcate in the youth patriotism and nationalism, and encourage their involvement in
public and civic affairs.” Paano napakita ang pagkakaroon ng nationalism sa pagtatanggal ng
asignaturang Filipino sa Kolehiyo? Na dapat ay inihahanda ang mga estudyante para sa buhay na pang-
adulto? Hindi ba dapat ipinapatibay ng kolehiyo and nasyonalismo sa mga puso ng mag-aaral?

Sa pagtatapos, nagapag-desisyunan naming mag-tambal na piliin ang panig na hindi sang-ayon.


Dahil katulad narin sa isang karaniwang isyu nalamang na tungkol sapag pagpapabatas ng argumentong
iyun ay iniibig nilang ipahiwatig na mas sanayin natin ang bawat isa na matutunan at makabisado ang
lengguaheng mga hindi satin dahil isa dun ang globalisasyon kesa yung satin na mas kailangan natin
kabisaduhin at pagyamanin an gating lengguahe .Kahit ano man ang ibato ng kabilang panig, hindi
mawawala ang katotohanan na Filipino ang ating pambansang wika. Isa ito sa mga bagay na nagbibigay-
tangi saating mga Pinoy. Dapat nating paunlarin ang ating wika. At ang pagtuturo ng asignaturang
Filipino ay isa sa mga paaran upang makamit iyon. Bilang mga makabansang mamamayan, dapat nating
panindigan at pagtibayin ang atin pagiging Pilipino.

You might also like