You are on page 1of 2

1.

Ano-ano ang banta ng globalisasyon sa wikang Filipino ayon kay Bienvenido


Lumbera?
Ayon sa aking nabasang artikulo, maraming banta globalisasyon pagdating sa usapin ng
wikang Filipino. Isa na rito ang panghihimasok sa antas ng edukasyon ng Pilipinas na baguhin
ang kurikulum na nagpapalawig na ang bawat mag-aaral ay may kakayahang gumamit ng
wikang Ingles sa pagkuwenta na magagamit ng mga dayuhan upang maging armas sa
kapitalismong global. Ang sistema ng edukasyon na mayroon tayo ay nagiging gamit upang
matugunan ang hangarin ng bansang ating sinasamba. Sa kabilang dako, ang usaping pulitika sa
ating bansa ay tila nawawalan ng kapangyarihan dahil sa pakikipagsabayan natin at sunud-
sunuran sa mga malalaking bansa. Tinalakay din ni Bienvenido Lumbera ang pagkukumpara ng
United Nations World Summit for Social Development ang ekonomiya na mayroon ang
mayayamang bansa sa mahihirap na bansa. Ang ekonomiya ng isang bansa ay nagsisilbing
basehan ng kaunlaran na mayroon ito. Maituturing na ang bansang may mataas na ekonomiya ay
mabilis ang aksyon nagagawin para sa bansa. Binigyang diin dito na dapat nating palakasin ang
pagpapakilala ng kultura na mayroon tayo at ating itong pagyamin nang sa gayo’y makasabay
tayo sa ating mga karatig-bansa na may mataas na ekonomiya.
2. Paano nagsasalungutan o hindi nagsasalungatan ang prinsipyong pangwika at isinusulong
na pambansang kaunlaran sa pangangalaga ng identidad sa Pilipinas? Maglatag ng
halimbawa buhat sa mga sitwasyon ng kasalukuyan.
Nagulat ang lahat ng ipamalitang ipapalabas sa telebisyon sa ABS-CBN News Channel ang
mga balita na pinapangunahan ng Chinese News TV tungkol sa nangyayari sa loob ng bansa sa
wikang Mandarin. Marami ang bumatikos dito sinasabing ito ay bahagi ng propaganda ng
bansang Tsina sa tuluyang pag-angkin ng teritoryo ng Pilipinas at gagamitin lamang ng Tsina
ang medya upang mapabilis ito. Kung mapapagtuloy ito, para na rin sinuko ang pagiging Filipino
at tayo’y nagpapasakop sa matatamis nilang mga pangako.
3. Bilang iskolar sa antas tersyarya, ano ang kabuaang mensahe ang iniiwan ni Lumbera sa
iyo upang pangalagaan at paunlarin ang wika sa gitna ng nagbabagong panahon?
Masasabi kong ang globalisasyon ay higit na nakakapekto sa pang-araw-araw nating
pamumuhay at iba’t ibang aspeto na mayroon tayo sa kasalukuyan. Ang dulot ng globalisasyon
ay tila kabaliktaran sa layunin nito na mapaunlad ng sabay-sabay ang mga bansa sa mundo.
Nagiging masalimuot ang ating nararamdaman lalo na ang mga mahihirap na bansa na hindi
maramdam ang pag-unald. Higit pa rito, mapagyayaman pa natin ang ating identidad kung hindi
natin makaklimutan kung sino at kung ano mayroon tayo. Hindi masama ang pagtangkilik sa iba
ngunit ating pakakatandaan na ang magpapayabong sa atin ay ang matatawag nating sariling
atin.

No, I will not allow myself to take this wonder drug to cure my illness for the reason that
it said to be that this drug is yet not approved by FDA and it was not significantly reduced the
symptoms of the patients. There has no evidence to prove that Ivermectin could cure/prevent
COVID-19. This article led me to the decision of not taking this drug and might as well to wait
for further researches about vaccines.

Why You Should Not Use Ivermectin to Treat or Prevent COVID-19. (2021). U.S. Food
& Drug. Retrieved from https://www.fda.gov/consumers/consumer-
updates/why-you-should-not-use-ivermectin-treat-or-prevent-covid-19

You might also like